You are on page 1of 11

Region VI – Western Visayas

Division of Aklan
District of Malay
NAASOG ELEMENTARY SCHOOL
Naasug, Malay, Aklan

3rd Quarter Summative Assessment


in
ARALING PANLIPUNAN V

Name: _____________________________________________ Date: __________________

Prepared by:
MARYJALE C. TAALA
Grade IV Class Adviser
Part I
I. A. Iguhit ang masayang mukha  sa pahayag na nagsasaad ng paraan ng pagtugon sa
kolonyalismo at malungkot na mukha  naman kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa
patlang.

_______1. Ginamit ng mga ilustrado ang dunong upang gisingin ang diwang makabansa ng
mga katutubo.

_______2. Nagtanim ng mga gulay ang mga katutubo sa bakuran nila.

_______3. Tinanggap ang pamahalaang kolonyal sa pamamagitan ng pagsasawalang-kibo


sa nagaganap na kalupitan ng mga dayuhan.

_______4. Nagalit ang mga prayle sa mga Pilipino.

_______5. Ninais ng mga datu na maibalik ang dating posisyon at dangal kaya sila ay
bumuo ng pangkat at nag-alsa.

B. Piliin ang wastong paglalarawan sa mga sumusunod na pahayag tungkol sa tugon ng


mga katutubo sa kolonyalismo. Isulat ang iyong sagot sa patlang.

_____6. Ano ang naging bunga ng pagkakaroon ng edukasyon ng mga kabataan noong
panahon ng kolonyalismo?
A. Ginamit nila ito upang makilala sa lipunan.
B. Naging mulat sila at naghangad ng pagbabago.
C. Napabilang sila sa mga pinuno ng pamahalaan.
D. Nanatili silang tahimik sa nagaganap sa bansa.

_____7. May mga Pilipino na likas na makasarili upang makuha ang pansariling kagustuhan.
A. Nagtago sila sa mga Espanyol upang malibre sa mga patakarang Espanyol.
B. Nagbayad sila ng mga kapwa Pilipino upang sila ang gumawa ng mga gawaing
nakatakda sa kanila.
C. Nakipagsabwatan sila sa mga Espanyol para malibre sa mga patakaran.
D. Naging tapat sila sa kapwa Pilipino.

_____8. Si Jose Rizal ay naglayon na mamulat ang mga katutubo sa malupit na


pamamahala ng mga Espanyol.
A. Nagtatag siya ng pangkat na magmamanman sa mga sundalong Espanyol.
B. Naghikayat at namuno siya sa pagsasagawa ng mga lihim na pag-aalsa.
C. Sinulat niya ang librong Noli Me Tangere at El Filibusterismo upang tuligsain ang
dayuhan.
D. Nagpagawa siya ng maraming sandata upang ipamigay sa mga katutubo.

_____9. Naranasan ng mga Pilipino ang lupit ng mga patakarang ipinatupad sa kolonya.
A. Nagsawalang-kibo ang nakararaming mga katutubo dahil sa takot sa mga
sundalong Espanyol
B. Tumutol sila sa pamamahala ng mga dayuhan at piniling takasan ang kalupitan ng
mga dayuhan.
C. Bumuo sila ng samahan upang simulan ang pag-aalsa.
D. Lahat ay tama.

_____10. Ang mga Pilipino mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan ay nakaranas ng
diskriminasyon mula sa mga dayuhan ay hindi nanatiling sunud-sunuran na lamang.
A. Nanatiling tikom ang bibig at takot na sumalungat sa patakaran ng mga dayuhan.
B. Mga kababaihan na sumali sa pag-aalsa ay hindi naging hadlang ang kanilang
kasarian.
C. Mga magsasaka na hinayaang kunin ang kanilang lupain.
D. Gumawa ng kasunduan na babayaran ang mga katutubo sa

II. A. Isulat ang titik sa iyong sagutang papel kung sino ang tinutukoy sa bawat pahayag.

_______11. Ang namuno sa pinakamahabang rebelyon na ang dahilan ay ang pagtanggi


ng isang pari na basbasan ang bangkay ng kanyang kapatid.

_______12. Asawa ng isang namatay na pinuno ng rebelyon na nagpatuloy sa


pakikipaglaban – tinagurian siyang “Joan of Arc ng Ilocos.”

_______13. Itinatag niya ang Cofradia de San Jose nang tanggihan ng simbahan ang
pagnanais niyang maging pari, kilala siya bilang Hermano Pule.

_______14. Mula Mexico, Pampanga kung saan pinamunuan ang pag-aalsa dahil sa mga
pagpapahirap ng mga Espanyol sa mga Pilipino tulad nang hindi pagbayad sa mga
biniling palay mula sa mga katutubong magsasaka.

_______15. Nagsimula ang kanyang pag-aalsa nang hindi tuparin ni Gobernador Heneral
Lavezares ang naunang pangako ni Legazpi na hindi siya sisingilin ng tributo at mga
kaanak niya.
B. Isulat sa iyong sagutang papel ang TAMA kung ang pahayag ay tungkol sa mga
kahalagahan ng pagtatanggol ng mga Pilipino laban sa kolonyalismong Espanyol at MALI
kung hindi.

_________16. Ipagtanggol ang bansa kahit sa mga sa anumang paraang naaayon sa batas.

_________17. Huwag tularan ang mga unang Pilipinong nagtanggol sa bansa.

_________18. Ipagsawalang bahala ang kabayanihang ginawa ng mga Pilipino na


nagtanggol sa bansa laban sa mga Espanyol.

_________19. Mahalagang malaman ng mga kabataan ang mga ginawang kabayanihan


ng mga unang Pilipino na nagtanggol sa bansa

_________20. Gawing huwaran ang mga unang Pilipinong nagtanggol sa bansa.


Part II

I. Piliin ang angkop na inilalarawan ng bawat bilang. Isulat ang tamang titik sa patlang.

_____1. A. Dito hinango ang pagpapangalan ng mga


ilang lugar at apelido ng mga Pilipino.

_____2. B. Uri ng pananamit noong panahon ng


Espanyol.

_____3. C.Mga larong panlabas na impluwensya ng


mga Espanyol

D.Relihiyong pamana ng mga Espanyol sa


_____4. mga Pilipino

E.Likha ni Francisco Balagtas ang


_____5. tinaguriang prinsipe ng Makatang Tagalog

F. Panghimagas na hanggang kasalukuyan


_____6. ay di nawawala sa handaan at paborito ng
mga Pilipino

G.Isang pagdiriwang na pagbabalik tanaw sa


_____7. naging pasakit na dinanas ni Hesukristo.

_____8. H. Ang mga paaralan ay eksklusibo lamang


para sa kanila

_____9. I. Uri ng sayaw na impluwensya ng mga


Espanyol

_____10. J.Panahanan na dinala ng mga Espanyol

II. Suriing mabuti ang mga pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot.

_____11. Alin sa sumusunod na pangungusap ang nagpapaliwanag sa konsepto ng nasyonalismo?

A. Ang pagkakakilanlan ng isang tao ay ibinabatay o ibinabahagi sa bansang pinagmulan o


sinilangan.

B. Ang pagsunod sa mga maling patakaran upang mapanatili ang kapayapaan ng bansa

C. Ang paggawa ng maraming batas na kailangang sundin ng mga mamamayan.

D. Ang pagbubuwis ng sariling buhay upang makamit ang katanyagang hinahangad.

_____12. Paano ipinamalas ng mga sinaunang Pilipino ang nasyonalismo o pagmamahal sa bansa?

A. Pagsasagawa ng mga pag-aalsa o pakikipaglaban sa mga Espanyol


B. Pagsunod sa mga patakaran ng mga Espanyol.

C. Pagbabayad ng buwis sa mga Espanyol.

D. Paggalang sa mga pinunong Espanyol.

______13. Ang mga sumusunod ay naghudyat sa mga Pilipino na magsagawa ng mga


pakikipaglaban sa mga Espanyol, maliban sa isa, alin ito?

A. malupit na pamamalakad ng mga pinunong Espanyol

B. di-makataong patakaran ng kolonyalismong Espanyol

C. hangad na muling maging malaya at mamuhay nang mapayapa

D. makilala bilang mamamayan ng Pilipinas at bigyan ng posisyon sa pamahalaan.

_____14. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI nagpapamalas ng kaisipang nasyonalismo.

A. Pagtatanggol sa kalayaan ng bansa sa laban sa mga mananakop.

B. Pangangalaga sa taglay na likas na yaman ng bansa.

C. Pagsunod sa mga batas na umiiral sa bansa.

D. Pagtangkilk ng mga produktong imported.

_____15. Kung ikaw ay nabuhay na sa panahon ng kolonyalismong Espanyol, sasali ka ba sa mga


pag-aalsang naganap upang maipamalas ang iyong nasyonalismo o pagmamahal sa
bayan?

A. Oo, dahil marami ang makakalaya kung magtatagumpay ang pakikipaglaban.


B. Oo, dahil ang mamamatay para sa bayan ay tanda ng pagiging bayani.

C. Hindi, dahil magdudulot ito ng matinding kalungkutan sa pamilya.

D. Hindi, dahil maipamamalas ang nasyonalismo sa pamamagitan ng pagsunod sa mga


Espanyol upang maiwasan ang kaguluhan.

_____16. Sino ang may katungkulang magpamalas ng nasyonalismo o pagmamahal sa bansa?

A. pinuno at empleyado ng pamahalaan

B. manggagawa sa komunidad

C. ordinaryong mamamayan

D. lahat ng nabanggit
_____17. Ipinamalas ng mga sinaunang Pilipino ang nasyonalismo sa pamamagitan ng
pakikipaglaban sa kolonyalismong Espanyol. Maliban sa pakikipaglaban, sa paanong paraan pa
maaaring maipamalas ang nasyonalismo?

A. pagbibigay ng lahat ng yaman sa mga mahihirap

B. pagtalima sa mga aral ng simbahan

C. pagsunod sa ipinatutupad na batas

D. pananatili sa sariling bansa

_____18. Sino sa mga sumusunod ang nagpapamalas ng nasyonalismo sa bansa?

A. Si Maria na pinili ang karapat-dapat na pinuno ng bayan.

B. Si Pedro na ginawa ang lahat nang magpapasaya sa kanya.

C. Si Jose na binalewala ang mga batas na ipinatutupad ng barangay.

D. Si Juan na sumasali sa mga rally na bumabatikos sa pamahalaan.

______19. Bilang isang mamamayan ng bansa, paano mo maipapamalas ang iyong pagmamahal
sa bansa sa panahon ngayon na ang bansa ay nakararanas ng matinding pagsubok sa
pakikipaglaban sa COVID-19?

A. sa pamamagitan ng pagsunod sa mga panuntunang ipinatutupad ng pamahalaan.

B. sa pamamagitan ng pagpost sa social media ng mga tulong na ibinibigay ng


pamahalaan.
C. sa pamamagitan ng pagbili ng maraming facemask at alcohol upang maging ligtas.

D. sa pamamagitan ng pananatili sa loob ng bahay at paglalaro buong maghapon gamit


ang celphone.

_____20. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipamamalas ang nasyonalismo sa loob ng paaralan?

A. Pagbili sa canteen ng masustansiyang pagkain.

B. Paglalagay ng mga vandalism o guhit sa mga pader ng paaralan.

C. Paglalagay ng mga nakakatawang guhit sa mga larawan na nasa aklat

D. Pangangalaga sa mga silid-aralan at kagamitan na handog ng pamahalaan.


Part III
I. Piliin ang angkop na sagot sa mga tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.

_______1. Pamahalaang militar na itinatag ng pamahalaang kolonyal upang masigurong


mapayapa ang partikular na teritoryo at susunod ang mga Pilipino sa patakaran.

A. Bandala B. Comandancia
C. Polo y servicio D. Kalakalang Galyon
_______2. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa dahilan ng pagsakop ng mga Espanyol sa
bulubundukin ng Luzon?

A. ginto B. tributo
C. kristiyanismo D. monopolyo ng tabako
_______3. Nag-utos upang magsiyasat ng mga gintong ibinebenta ng mga Igorot sa Ilocos.

A. Gob. Heneral Miguel Lopez de Legazpi B. Gob. Heneral Jose Basco y Vargas
C. Kapitan Garcia de Aldana Cabrera D. Gob. Heneral Ferdinand Magellan
_______4. Nakagisnang relihiyon ng mga Igorot na naniniwalang ang kalikasan ay tahanan
ng mga espiritu at ng kanilang mga yumaong ninuno.

A. Muslim B. Animismo
C. Born Again D. Kristiyanismo
_______5. Nagmula sa salitang golot na ang ibig sabihin ay “bulubundukin”.

A. Igorot B. Muslim
C. Tagalog D. Kapampangan
_______6. Bakit naging mahirap para sa mga Espanyol na masakop ang lahat ng pangkat
na nakatira sa masusukal na kabundukan at magkakahiwalay na pulo?

A. Dahil magaling magtago ang mga Pilipino.


B. Dahil sa katangiang heograpikal ng Pilipinas.
C. Dahil maraming mababangis na hayop sa kabundukan.
D. Dahil sila ay gumawa ng mga patibong at ikinatakot ito ng mga Espanyol.
_______7. Isa sa mga lugar na hindi napagtagumpayang sakupin ng mga Espanyol ay ang
mga kabundukan ng Cordillera. Naninirahan dito ang mga Igorot. Alin sa sumusunod na
hanapbuhay ng mga nabanggit na pangkat ang HINDI kabilang?

A. Paghahabi ng Tela B. Pagsasaka


C. Pagnganganga D. Pangingisda
_______8. Tawag sa banal na digmaang inilunsad ng mga Muslim upang maipagtanggol
ang kanilang relihiyon at pamumuhay.

A. Jihad B. Moro C. Bandala D. Comandancia

_______9. Maituturing bang tagumpay ng mga katutubo at Muslim ang kanilang ginawang
pagtatanggol sa kanilang teritoryo?

A. Oo, dahil napanatili nila ang kanilang sariling kultura.


B. Oo, dahil dito natakot ang mga Espanyol sa mga katutubo.
C. Hindi, dahil hindi naging maunlad ang kanilang pamumuhay.
D. Hindi, dahil hanggang ngayon sa kabundukan pa rin sila naninirahan.
_______10. Ang mga sumusunod ay mga dahilan kung bakit nagrebelde ang mga katutubo
laban sa mga Espanyol maliban sa isa.

A. Pagbawi sa nawalang kalayaan.


B. Labis-labis na paniningil ng buwis.
C. Pakikipagkaibigan ng mga Espanyol sa mga katutubo.
D. Pangangamkam ng mga lupain ng mga pinunong Espanyol.

II. Buuin ang mga salita sa Hanay A at ang mga kahulugan nito na matatagpuan sa Hanay
B. Isulat lang ang titik ng tamang sagot sa patlang.

Hanay A Hanay B

_______11. rebelyon a. panankit

______ 12. pananakop b. tumutukoy sa akto ng tuwiran

______ 13. pang-aabuso c. ninuno

______ 14. kalayaan d. pinuno ng Islam

______ 15. pag-aalsa e. relihiyon na itinalaga ng Allah

______ 16. katutubo f. matiwasay

______ 17. sultan g. kinakaya

______ 18. Islam h. paniniwala sa isang Diyos

______ 19 . matiisin i. himagsikan

______ 20. pananampalataya j. pagtutol sa mga patakarang ipinatutupad


Part IV

I. Lagyan ng masayang mukha 


ang mga kilos na nagpapakita ng positibong pananaw sa mga
impluwensiyang Espanyol na nakatutulong din sa pag-unlad ng atng sariling kaalaman at
kakayahan at malungkot na mukha  ang hindi.

_______1.Nakasanayan na ng pamilya ni Jasmin ang pumunta sa simbahan ng Las Piñas


dahil sa Organong Kawayang ginagamit sa pagtugtog ditto.

_______2. Nag-enrol sa Konserbatoryo ng Musika si Jasper upang lalong mahasa ang


kanyang kaalaman sa paglikha ng mga awit.

_______3. Inis na inis si John Lloyd kapag pinatugtog ng kanyang lola ang mga lumang awit
na sumikat noong panahon ng mga Espanyol.

_______4. Ayaw sumali ni Danica sa pagsayaw ng tinikling sa isang programa sa paaralan


dahil nakakatawa raw itong sayawin at wala na sa uso.

_______5. Mahilig mangolekta ng mga kagamitang nililok mula sa Paete, Laguna si


Nathaniel.

_______6. Madalas mangolekta ng postcard si Gabby na may larawang pinta nina Juan
Luna at Felix Resurreccion Hidalgo.

_______7. Walang bilib si totoy sa mga babalang nagmumula sa Obserbatoryo ng Maynila.

_______8. Gustong-gustong basahin ni Y’an ang kuwento ng Ibong Adarna.

_______9. Pinagtatawanan ni Rab ang mga kapitbahay na nagbabasa ng pasyon tuwing


Mahal na Araw.

_______10. Nakaugalian na ni Arseniong magbasa ng pahayagan araw-araw.

II. Suriin ang epekto ng Kolonyalismong Espanyol sa pagkabansa at pagkakakilanlan ng


mga Pilipino sa pamamagitan ng pagsulat ng OO kung ang isinasaad ng pahayag ay tama
at HINDI kung ang isinasaad ay mali. Isulat sa patlang and sagot.

____________ 11. Malaki nag nagging impluwensiya ng kolonyalismong Espanyol sa pagbuo


ng bansa.

____________ 12. Napabilis ang pagkakaisa ng magkakahiwalay na kaharian upang labanan


ang mga dayuhang mananakop.
____________ 13. Binago ng kolonyalismong Espanyol ang kultura at lipunan ng mga Pilipino.

____________ 14.Tuluyang nabura ang sinaunang tradisyon at kultura ng mga Pilipino sa


mahigit na tatlong daang taong kolonyalismong Espanyol.

____________ 15. Hindi natanggap ng mga Pilipino ang pagbabagong naganap sa


Kolonyalismong Espanyol na naging daan sa pagkawatak-watak at hindi pag-unlad ng
pagkakakilanlang Filipino.

III. Hanapin sa hanay B ang tinutukoy sa Hanay A. Titik lamang ng tamang sago tang isulat sa
patlang.
A B
_____ 16. Unang aklat na nalimbag sa Pilipinas. A. awit

_____ 17. Sanayan ng mga kompositor B. Del Superior Gobierno

sa musika at mang aawit.

_____ 18. Nagbibigay ng babala C. Doctrina Christiana

tala hinggil sa mga kalamidad.

_____ 19. Kalendaryong ipinagamit ng mga Espanyol. D.Kalendaryong Gregorian

_____ 20. Tulang pasalaysay na may E. Konserbatoryo ng Musika

12 pantig sa bawat linya.

_____ 21. Tulang pasalaysay F. Korido

na may 8 pantig sa bawat linya.

_____ 22. Unang pahayagan sa bansa. G. Musikang Buho

_____ 23. Bandang gumagamit H. Noli Me Tangeri at El

ng instrumenting kawayan . Filibusterismo

_____ 24. Instrumentong pang musika na I. Organong Kawayan

nakalagak sa simbahan ng Las Piñas.

_____ 25. Pinakatanyag na J. Obserbatoryo ng Maynila

nobelang isinulat ni Dr. Jose Rizal.

You might also like