You are on page 1of 14

SINING

1
UNANG MARKAHAN
MODYUL 1

Kompetensi

Explains that ART is May Sining


all around and is
created by
different people.
Kahit Saan
(A1EL-Ia)

Marites R. Red
Teacher II
Hupi Elementary School

Department of Education • Schools Division of Marinduque


Panimulang Mensahe
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang MAPEH (Sining )-
Baitang 1 Modyul Bilang 1 para sa araling, May Sining Kahit Saan.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at
sinuri ng mga edukador mula sa pampublikong institusyon upang
gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang
makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum
ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-
aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain
ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang
mga pangangailangan at kalagayan.

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa MAPEH (Sining) - Baitang 1
Modyul Bilang 1 para sa araling, May Sining Kahit Saan.
Ang modyul na ito ay ginawa para sa katulad mong mag-
aaral na nasa Unang Baitang upang magamit mo sa iyong pag-
aaral ng Sining. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ito ay pinag-isipan at isinaayos ng may-akda upang
maiangkop sa iyong gulang, interes, at pangangailangan.
Inaasahan ng may-akda na inyong susundin ang mga
sumusunod na tagubilin:

1. Tiyaking malinis ang iyong kamay kapag


binubuklat ang mga pahina.

2
2. Huwag sulatan/ guhitan ang balat at mga
pahina nito.
3. Iwasang matupi ang gilid ng pahina.
4. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagtataya at pagsasanay.
5. Ingatang masira o mapunit ang bawat pahina
nito.
6. Huwag gamitin ang modyul na pantakip sa ulo
kapag umuulan.
7. Ibalik nang maayos pagkatapos gamitin.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod.


Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ang - - - - - ay tinatawag na linyang _____________


A. patayo
B. pahalang
C. putol-putol

2. Upang mapaganda at maging makulay ang ating


likhang sining, gumagamit tayo ng__________
A. lapis
B. lapis at papel
C. iba’t ibang pangkulay

3
3. Sa pagguhit o paggawa ng isang likhang sining,
pinakauna nating kailangan ang_______________.
A. gunting
B. lapis
C. watercolor

4. Ang bawat isa sa atin ay maaring makagawa ng


isang likhang sining.
A. Oo
B. Oo siguro
C. Hindi siguro

5. Ang at ay halimbawa ng _____________.


A. linya
B. hugis
C. tuldok

ARALIN

1 May Sining Kahit Saan

Ang araling ito ay tatalakay sa mga sa paglinang ng


kaalamn ng mga bata na ang sining ay makikita sa
alinmang bagay, lugar, laraawan,imahe at iba pa at
maaring magawa ng sinuman. Maaring ito ay likhang
sining mula sa pagpipinta, pagguhit o pagkuha ng
larawan.

4
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod.
1. Kumuha ng lapis, papel at pangkulay.
2. Gumuhit ng isang bulaklak na nais mo.
3. Kulayan ito ayon sa iyong nais.
4. Maaring lagyan ito ng iba pang palamuti.
5. Gawin ito sa isang malinis na puting papel.

Pagtatalakay

Tingnan ang larawan ng isang bundok na iginuhit ng


isang bata sa unang baitang.
Ano ang masasabi mo sa larawan?
Maayos ba ang pagkakagawa dito?
Masasabi mo bang ito ay isang likhang sining?
Anong uri ng likhang sining ito?

Pagpapalawak ng Pagtalakay:
Tulad ng nasabi na, ang likhang sining ay makikita sa
lahat ng bagay, lugar, larawan at imahe. Ito ay maaring
iginuhit ng kamay, kinunan ng larawan o ipininta. Sinuman
sa ating ay maaring gumawa ng likhang sining. Ang mga
larawan sa ibaba ay nagpapakita ng iba’t ibang likhang
sining.

5
1. Sining na Iginuhit:

clipartqueen.com

2. Sining na Ipininta:

Fernando Amorsolo

pinterest.com

3. Sining na Kinunan ng Larawan:

6
4. Portrait:
(larawan o litrato ng isang tao o pamilya)

Suriin
Pagsasanay 1: Tingnan ang mga larawan sa ibaba.
Kulayan ang likhang sining na iginuhit lamang.

7
Pagsasanay 2: Basahin at sundin ang mga
sumusunod. Ang sining ay makikita kahit saan. Gumawa
ng isang likhang sining na ipininta gamit ang watercolor.
Gawin ito sa isang malinis na typewriting.

Isaisip

Ang sining ay makikita sa lahat ng bagay,


lugar, larawan o imahe. Maaring ito ay iginuhit ,
portrait, kinunang larawan, ipininta at iba pa.
Sinuman sa atin ay maaring gumawa ng likhang
sining.

8
Isagawa
Pagsasanay 3:
Panuto: Ang sining ay kahit saan at maaring gawin
ninuman. Kumuha ng isang malinis na papel at magdikit
ng portrait ng iyong pamilya sa loob ng kahon.

Pagyamanin

Pagsasanay 4:
Panuto: Alin-alin sa mga larawan sa ibaba na
nagpapakita ng sining na ipininta. Bilugan ang mga ito.

9
Pagsasanay 5:
Panuto: Gumawa ng likhang sining: Gumuhit ng
paaralan gamit ay lapis at kulayan ito.
Gawin ito sa isang malinis na papel.

Pagtataya

Panuto: Gumuhit ng isang larawan ng mga


bagay na makikita mo sa iyong paligid.
Ipaliwanag kung bakit ito ang iyong napili.

10
Karagdagang Gawain

Panuto: May sining kahit saan. Magdikit ng likhang sining


na portrait ng iyong sarili. Gawin ito sa isang malinis na
typewriting o papel.

11
Susi sa Pagwawasto

Rubrics sa Pagtataya:
Criteria (5) (4) 3 2 1
Followin Directions Directions Directions Directio
g were were were ns not
directio strictly mostly followed followe
ns followed followed but d at all
but
Creativit Used own Used own Used own Used own No
y imaginatio imaginatio imaginatio imaginatio creativit
n, created n, created n, created n, created y at all
excellent very good good simple
output output output output
Rubrics sa Pagsasanay 5, 3 at 2
Criteria (5) (4) 3 2 1
Followin Directions Directions Directions Directio
g were were were ns not
directio strictly mostly followed followe
ns followed followed but d at all
but
Creativit Used own Used own Used own Used own No
y imaginatio imaginatio imaginatio imaginatio creativit
n, created n, created n, created n, created y at all
excellent very good good simple
output output output output
Neatnes No There There There’s a Most of
s erasures at many some lot of the
all erasures erasures erasures output
has
erasures

12
5.B
4.A
3,B
2.C
1.C

Paunang Pagsubok :

mickey mouse
3. Larawan ni
dalawang mukha
2. Larawan ng
kamay
1. Larawan ng
Pagsasanay 1

3. Painting ng mga tao


2. Painting ng ilog
1. Painting ng bulaklak
Pagsasanay 4:

Sanggunian

 K to 12 Musika, Arts, Physical Education and Health: Kagamitan


ng Mag-aaral 1, Department of Education

 K to 12 Musika, Arts, Physical Education and Health: manual ng


Guro 1,Department of Education

 K to 12 “Most Essential Learning Competencies Matrix”,


Department of Education ,May 2020
Web Pages:

1. www.google.com
2. www.pinterest.com
3. www.istockphoto.com
4. www.clipartlibrary.com

13
Ang modyul na ito ay isinulat ng mga
dalubhasang guro at pinaunang-suri ng mga
eksperto sa larangan ng edukasyon. Ito ay binuo
para matugunan ang pangangailangan ng mga
mag-aaral at matiyak ang kanilang pagkatuto
habang nananatili sa bahay sa panahong ito ng
pandemya. Hindi po perpekto ang pagkakabuo ng
modyul na ito. Kasalukuyan pa po itong nasa
proseso ng pagsusuri, kung kaya’t ang anumang
puna buhat sa inyo na may kaugnayan sa mga
nilalaman nito ay lubos po naming
pinahahalagahan. Marami pong Salamat.

_________________________________________________________

_________________________________________________________

_________________________________________________________

_________________________________________________________

_________________________________________________________

14

You might also like