You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III- CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF SAN JOSE DEL MONTE CITY
SAN RAFAEL (BBH) ELEMENTARY SCHOOL

Table of Specification
Quarter 2
SUMMATIVE ASSESSMENT NO. 2 – ESP 6
SY 2022 -20233.

Second Quarter

No. of Items per Topic


No. of Days Taught Cognitive Process Domain
and Item Placement
Module Week No.

MELC

% of the Topic

Understanding
Remembering

Evaluating
Analyzing
Applying

Creating
Learning Code
Category

60% 30% 10%


Nagagamit nang F6PB- 2 40% 1-
wasto ang kayarian IIIg-17 10
at kailanan ng pang-
1 uri sa paglalarawan
sa iba’t ibang
sitwasyon

Nasasabi ang F6PS- 2 40% 11-


paksa/mahahalagan IIh-3.1 20
2 g pangyayari sa
binasang/napakingg
ang sanaysay at
teksto

Nagagamit ang iba’t F6PB- 2 20% 21-


ibang salita bilang IIIb-6.2 25
pang-uri at pang-
abay sa
pagpapahayag ng
sariling
ideya

TOTAL 6 100% 0 5% 80%

Prepared: Checked:

CENON C. DELA CRUZ


Master Teacher I
MONA LIZZA S. BARCELO
Teacher III

Noted:
FLORDELIZA M. LIMON, PhD
Head Teacher
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO VI
Ikalawang Lagumang Pagsusulit sa Ikalawang Markahan
SY 2021-2022

Pangalan: _____________________________________________ Pangkat: ___________________


Paaralan: _____________________________________________ Petsa: _____________________
Panuto: Basahin at unawaing mabuti. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa patlang na inilaan bago ang
bilang.
_____1. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagiging responsable?
a. Si Jonash na isinasauli ang mga gamit na kaniyang hiniram sa takdang oras.
b. Si Jessa na pinasasagutan ang mga gawain sa module sa kaniyang mga magulang at kapatid.
c. Si Delfin na nililibre ang kaniyang mga kaibigan gamit ang perang ibinibigay ng kaniyang mga
magulang.
d. Si Amirah na ipinapakopya ang sagot niya sa module sa kaniyang mga kaklase
upang sila ay hindi na mahirapang pumasa.

_____ 2. Alin ang hindi mo dapat gawin sa pagpapanatili ng mabuting pakikipagkaibigan?


a. Nagkasakit ang kaibigan mo at hindi makapasok ng paaralan. Binisita mo
siya pagkatapos ng klase sa hapon at ibinahagi mo sa kanya ang inyong
pinag-aralan.
b. Sinamahan at dinamayan mo ang kaibigang mong namatayan ng mahal sa
buhay sa oras ng pagdadalamhati nito at ng buong pamilya.
c. Nakita mong kumuha ng pagkain ang kaibigan mo sa tindahan. Simula noon ay sumasama at
ginagaya mo na rin siya.
d. Naiwan ang bag ng kaibigan mo sa palaruan ng paaralan. Dinala mo ito pauwi at inihatid sa
kanilang bahay.

_____ 3. Alin ang mabuting taglay na katangian ng isang tunay na kaibigan?


a. Sinasamahan ang kaibigan sa mga ginagawang kalokohan.
b. Pinagsasabihan at itinutuwid ang gawing mali ng isang kaibigan.
c. Pinoprotektahan at itinatago ang hindi mabuting ginagawa ng kaibigan.
d. Pinapabayaan ang kaibigan sa mga ginagawang panloloko at panlalait sa kapwa.

_____ 4. Paano maipapakita ang pagkamapanagutan sa iyong kaibigan?


a. Maipapakita ang pagkamapanagutan sa iyong kaibigan sa pamamagitan ng
pagiging responsible, pagtupad sa pangako at hindi pag-iwan ng kaibigan lalo na sa oras ng
kagipitan.
b. Maipapakita ang pagkamapanagutan sa iyong kaibigan sa pamamagitan ng pagiging iresponsable
at bingi sa kanyang mga pangangailangan.
c. Maipapakita ang pagkamapanagutan sa iyong kaibigan sa pamamagitan ng
pagbubulag-bulagan sa mga masamang gawain ng kaibigan.
d. Maipapakita ang pagkamapanagutan sa iyong kaibigan sa pamamagitan ng
pakikipagtulungan sa pandadarambong sa kapwa.

_____ 5. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa pagkakaibigan?


a. Si Korina ay tumakbo bilang pangulo ng Supreme Pupil Government o SPG at
nagkataong ang kanyang matalik na kaibigan na si Julia ang kanyang katunggali.
Nanalo si Julia at agad itong kinamayan ni Korina.
b. Nanalo sa patimpalak sa islogan si Benjie. Kinutya ni Betty ito at sinabihang nanalo lang ito dahil
tito nito ang isa sa mga hurado.
c. Sumali ang magkaibigang Dindo at Celso sa patimpalak ng paaralan sa takbuhan.
Nang malapit na sa finishing line ay biglang binangga ni Dindo si Celso upang siya ang mananalo.
d. Nakasimangot at nakaismid na binati ni Esmeralda ang kaibigang katunggali niya sa pagkakahalal
bilang ingat-yaman ng klase nila.

_____ 6. Aling sitwasyon ang nagsasad tungkol sa pagkakawanggawa?


a. Ikinasasama ng kalooban ni Joey ang palagiang pagbibigay ng tulong sa
kanyang mga kaklaseng maralita.
b. Mabigat sa loob na ipinamigay ni Gretchen ang mga luma nitong laruan sa mga batang lansangan
sa kanilang lugar.
c. Sa halip na magdiwang ng kaniyang kaarawan, namahagi na lamang si Rodora ng mga pagkain sa
mga mahihirap na pamilya sa kanilang barangay.
d. Si Brian at ang mga kasamahan nito ay nagbigay ng expired na pagkain at inumin sa mga
nasunugang pamilya sa kanilang lugar.

_____ 7. Alin ang hindi kanais-nais na gawain at pag-uugali tungkol sa pagkakawanggawa?


a. Ibinabahagi ni Nestor ang kaniyang kaalaman sa paghahayupan upang
matulungan ang kaniyang mga kabarangay sa pag-aalaga at pagpaparami ng mga alagang hayop.
b. Maagang gumising si Brenda para asikasuhin ang mga pangangailangan ng mga nakababata niyang
kapatid.
c. Ibinabahagi mo sa mga batang lansangan ang mga natitira mong baong pagkain sa paaralan.
d. Binigyan ni Aling Lucing si Aling Nemia ng mga punla nitong gulay na expired para
itanim sa kanilang bakuran at ng hindi na ito magpabalik-balik sa kanilang tahanan.

_____ 8. Buuin ang tugmang ito. “Ang pagtupad sa pangako o kasunduan ay tanda ng
pagkamapanagutan dahil ang taong ____________ay ginagawa ang kaniyang
sinasabi.”
a. iresponsable b. responsible c. respetado d. responde

_____ 9. Alin sa mga gawaing pangkawanggawa ang hindi maaring maging daan sa
pagkakaibigan?
a. Ikaw ay sumama sa mga gawaing pampook sa inyong lugar gaya ng pagtuturo sa mga bata,
pamimigay ng mga relief goods at iba pa.
b. Para tumaas ang magiging ani ng kaniyang kababayan, ibinahagi ni Mang Pedro ang kaniyang
kaalaman sa pagtatanim ng palay sa mga magsasaka sa kanilang bayan.
c. Nakipagsuntukan si Rigor sa isang binatilyong kabataan sa kalapit na barangay kung saan sila ay
namigay ng tulong at ayuda sa mga nasalanta ng pagguho ng lupa.
d. Namigay kayong magkakaibigan ng mga pagkain at damit sa mga nasunugan sa kabilang bayan.

_____ 10. Ano ang maari mong gawin upang makatulong sa kapwa?
a. Nakikita mo na marami sa mga kabataan sa inyong lugar ay nalululong sa
masasamang bisyo. Ikaw ay mahusay na mananayaw, naisipan mong
ibahagi ang iyong talento upang malihis ang kanilang landas sa bisyo.
b. Wala kang imik at hindi nakikibahagi kung pinag-uusapan ninyong magkakaibigan kung paano
makatulong sa kapwa.
c. Hindi mo tinupad ang pangakong tutulungan at sasamahan mo ang iyong kaibigan sa pagsasanay
nito para sa nalalapit akademikong patimpalak ng paaralan.
d. May tindahan kayong itinayo sa inyong lugar. Hihimukin mo ang mga magulang mo na pataasan ng
50% ang inyong paninda upang madali ninyong mabawi ang inyong puhunan.

_____11. Pinabakunahan ni Mang Anton si Nitoy ng anti-rabies dahil nakagat ito ng


kanyang alagang aso. Si Mang Anton ay isang taong __________.
a. dakila b. mapera c. pabaya d. responsable

____12. Ugali na ni Renan ang mamigay ng pera o mga gamit nya na hindi na gina-
gamit sa mga taong nangangailangan. Siya ay isang taong _____________.
a. mabagsik b. madasalin c. mapagkawanggawa d. matapat

____ 13. Ginabi kayo ng pag-uwi ni Marie dahil may ipinagawa pa ang inyong
guro para sa palatuntunan kinabukasan. Balisa at takot na na si Marie.
Bilang kaibigan, ano ang nararapat mong gawin?
a. Sasamahan mo si Marie sa kanila at ipaliwanag ang dahilan.
b. Pabayaan mo lang si Marie na umuwing mag-isa at natatakot.
c. Sisihin at magmaktol sa guro dahil ginabi na kayong dalawa sa pag-uwi.
d. Ihahatid si Marie at gagawa ng ibang dahilan upang hindi siya mapagalitan.

____ 14. Sumakit ang tiyan ni Kardo sa di alam na kadahilanan. Ngumingiwi ito sa
sakit at napakapit sa iyo. Alin ang dapat mong gagawin?
a. Aalisin ang kamay na nakakapit sa iyo.
b. Alalayan siya at dadalhin sa klinika ng paaralan.
c. Hahanapin ang guro at sasabihing sumasakit ang tiyan ni Kardo.
d. Sasabihan mo si Kardo na magmamadali sa pag-uwi sa kanilang bahay.

____ 15. Gumagawa kayo ng proyekto sa EPP. Aksidenteng nahulog at natusok ng


malaking gunting ang paa ni Amy. Ano ang gagawin ninyo?
a. Hahanapin at babalitaan ang guro sa nangyari.
b. Pauwiin si Amy upang magamot ng nanay niya.
c. Tawagin ang nars at papuntahin sa silid-aralan.
d. Kumuha ng gamot sa medicine kit at lapatan ang sugat.

____ 16. Nawala ang perang pamasahe ni Edwin. May natira ka pang pera na pwede
pa sa dalawang tao. Alin ang maaari mong gawin para sa kanya?
a. Pasakayin siya at sabihing doon na siya magbabayad pagdating sa kanila.
b. Sabihang mangungutang siya sa guro ng pamasahe upang makauwi.
c. Sabihang magsimula na siyang maglakad upang makarating agad.
d. Ibahagi mo sa kanya ang tamang pamasahe upang makauwi.

____ 17. Mayroon kayong research sa Science. Malakas ang signal ng internet sa inyo
samantalang sobrang hina naman doon banda kina Jozy. Kailangan ng
isumite kinabukasan ito. Bilang kaklase, alin ang pwede mong maitulong
kay Jozy?
a. Ipagpaalam mo siya sa mga magulang mo na maki internet muna siya sa inyo upang
makapagsumite ng research.
b. Sabihan mong lumiban sa klase at pumunta sa internet café upang makasumite ng research.
c. Sasabihin mong mahina rin ang internet sa inyo.
d. Sabihan mong huwag na siyang magsumite nito.

____ 18. Namatay ang tatay ni Bembem. Alin ang maaaring gagawin ng mga katrabaho
niya upang maibsan ang pagdadalamhati nito?
a. Susuportahan nila ng tulong pinansiyal, moral at espiritual ito.
b. Pupuntahan si Bemben at sasamahan sa pag-iyak nito.
c. Pumunta at magtanong ng sanhi ng ikinamatay nito.
d. Pumunta at magsugal sa lamay araw-araw.

____ 19. Masayang nagkukuwentuhan habang naglalakad sina Mang Pepito at Mang Roy
nang biglang hinimatay si Mang Pepito. Agad na binuhat ni Mang Roy si Mang
Pepito at dinala sa pinakamalapit na ospital. Kung Ikaw si Mang Roy, gagawin
mo rin ba ang kanyang ginawa? Bakit?
a. Opo, dahil siya ay matalik kong kaibigan.
b. Opo, dahil may nakakita sa amin na kami ang magkasama.
c. Opo, dahil baka kung may mangyari sa kanya ako ang mapagbibintangan.
d. Opo, dahil responsibilidad ko siya bilang tao, kaibigan at mabuting mamamayan.

____ 20. Paano kilalanin at sasabihing ang isang tao ay mapagkawanggawa?


a. Namimigay ng tulong at nagiging mabait kapag malapit na ang eleksiyon.
b. Namimigay ng tulong upang ipakita na mapera siya at hindi siya basta maaapi.
c. Namimigay ng tulong sa mga nangangailangan at kadalasan ay hindi nagpapakilala.
d. Namimigay ng tulong sa mga taong mayayaman at kilala sa isang lugar upang higit siyang makilala
ng lahat.
II. Isulat ang T kung wasto ang pahayag at M naman kung di wasto.

_____21. Pag-iibayuhin ko ang pagbabasa, pag-unawa sa mga leksiyon at pagsagot sa mga module ko.
_____22. Iipunin ko ang lahat ng module ko sa buong kwarter bago ko sasagutan ang mga ito.
_____23. Ipasagot ko sa mga ate, kuya, nanay at tatay ko ang aking mga module.
_____24. Nangako ako sa mga magulang ko na pagbubutihin ang aking pag-aaral kahit pa man sa gitna ng
nararanasang pandemya.
_____25. Paghingi ng paumanhin sa mga pagkakataong hindi natutupad ang ipinangako
PERFORMANCE TASK 2
QUARTER 2
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6

Pangalan: _______________________________________________________________ Pangkat: ________________


Paaralan: _______________________________________________________________ Petsa: __________________
Guro: __________________________________________________________________ Iskor: __________________

Panuto: Gumawa ng slogan tungkol sa responsableng pagpapanatili ng mabuting pakikipagkaibigan o tungkol sa


pagkakawanggawa. Gawin ito sa loob ng kahon. Gamitin ang rubrik na gabay sa pagbuo ng iyong slogan.

Rubrik sa Paggawa ng Slogan


Mga 5 Puntos 4 na Puntos 3 Puntos Puntos
Batayan/
Krayterya
Napakalinaw at Hindi gaanong malinaw ang Walang direksiyon ang mga
napakahusay ng ideya ideya tungkol sa naipahayag na mga ideya
Nilalaman tungkol sa responsableng responsableng tungkol sa responsableng
pagpapanatili ng mabuting pagpapanatili ng mabuting pagpapanatili ng mabuting
pakikipagkaibigan o pakikipagkaibigan o tungkol pakikipagkaibigan o tungkol
tungkol sa sa pagkakawanggawa sa pagkakawanggawa
pagkakawanggawa
Wasto ang baybay ng mga May iilang mali sa mga Maraming mali sa mga
Kayarian salita at may tumpak na baybay ng salita at walang baybay ng mga salita, wala
tugmang magkaugnay.. malinaw na tugma kapag ring tugma na makikita o
binigkas. marirnig kapag binigkas.

Kabuuang Puntos

___________________________________________________
Pangalan at Lagda ng Magulang/Tagapag-alaga

SUSI SA PAGWAWASTO

1. a
2. c
3. b
4. a
5. a
6. c
7. d
8. b
9. c
10. a
11. d
12. c
13. a
14. b
15. d
16. d
17. a
18. a
19 d
20. c
21. T
22. M
23. M
24. T
25. T

You might also like