You are on page 1of 4

Learning Area Filipino Grade Level Ikaanim

W3 Quarter Ikatlo Date

I. LESSON TITLE Panlapi at Salitang Ugat


II. MOST ESSENTIAL LEARNING Nakabubuo ng mga bagong salita gamit ang panlapi at
COMPETENCIES (MELCs) salitang ugat F6PT-IIIj-15
III. CONTENT/CORE CONTENT Naisasagawa ang mga kasanayan sa pagbuo ng bagong salita gamit
ang panlapi at salitang ugat
● Natutukoy sa pangungusap ang salitang ginamitan ng
panlapi at salitang ugat.
● Nakasusulat ng bagong salita na ginamitan ng panlapi at
salitang ugat
● Pagpapakita ng pagpapahalaga sa pag-unawa sa aralin.
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Time Frame
A. Introduction 40 minuto Inaasahang sa araling ito ay iyong matututunan ang pagbuo ng
Panimula mga bagong salita gamit ang panlapi at salitang ugat.

Sa palagay mo dapat bang malaman ang tamang


paggamit ng panlapi at salitang ugat sa pagbuo ng mga salita?
Bilang ating pasimula atin munang alamin o pagtalakayan
kung ano ba ang panlapi at ano ang salitang ugat.

Ano ba ang panlapi?


Panlapi - ginagamit upang makabuo ng panibagong salita.
Ang mga ito ay idinudugtong sa salitang -ugat--- maaaring sa
unahan, sa gitna o sa hulihan.

Uri ng Panlapi
1. Unlapi
Ito ay ginagamit sa unahan ng salitang ugat. Ang mga madalas
ginagamit na mga unlapi ay ma-, ,mag-, na-, nag-, pag-, pala-,
atbp.
Halimbawa:
magtanim mahusay
pagkabigat makatao
nahulog palabiro
2. Gitlapi
Ito ay ginagamit sa gitna ng salitang ugat. Ang mga madalas
ginagamit na mga gitlapi ay -um-, at -in-
Halimbawa:
Pinasok pinalitan
Gumagamit
tumakb
o sumayaw
3. Hulapi
Ito ay nasa huli ng salitang ugat. Ang karaniwang ginagamit
na hulapi ay -an, -han, -in, -hin.
Halimbawa:
palitan basahin
pinagsabihan sabihin
Kabilaan- ikinakabit sa unahan at hulihan ng salitang ugat.
Halimbawa:
Kasamahan Kaligayahan kaibigan

Ano ang Salitang Ugat?


Salitang ugat - Ito ay isang salita na walang dagdag,
samakatuwid, ito ay salitang buo ang kaniyang kilos
Halimbawa:
takbo awit
alis laba
punta sugod
bili kain
iyak sayaw

Tingnan ang Talasalitaan sa Alab Pahina 168 at pag-aralan.

Para sa inyong lubos na pagkatuto sa ating aralin buksan at pag-


aralan ang nasa link na ito:
https://www.slideshare.net/mariavictoriaomos/salitang-ugat-at-
panlapi

Ngayong natutunan mo na ang panlapi at salitang ugat. Subukin


natin ang iyong natutunan.
Tingnan ang tsart at mga salita o salitang ugat sa loob nito at
bumuo ng bagong salita gamit ang panlapi at salitang ugat.

Panuto: Bumuo ng bagong sa mga salita na nasa ibaba.


1. aral
2. linis
3. sulat
4. kain
5. pasok

B. Punan ang salitang ugat ng tamang panlapi upang makabuo


ng bagong salita.

SALITANG UGAT NABUONG SALITA


igib
luto
walis
saing

C. Development 20 minuto Gawain sa Pagkatuto 1:


Pagpapaunlad A. Bumuo ng bagong salita mula sa salitang nasa loob ng
panaklong upang mabuo ang pangungusap. Isulat ang
inyong sagot sa sagutang papel.
1. Si Liza ay (punta) sa bukid ng kanyang lolo sa
probinsiya.
2. Maraming mga bata ang gustong (aral) sa
paaralan sa kabila ng banta ng pandemya.
3. Ugaliing (hugas) ng kamay gamit ang sabon,
tubig, at alcohol upang maging ligtas sa anumang sakit.
4. (Talon) ang aso sa mataas na bakod ng
kapitbahay.
5. Dumalo sa (handa) ang pamilya ni Mang Jose.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Bilugan ang tamang salita upang
mabuo ang pangungusap.
1. (Alisin, Alisan, Umalis) mo ang mga nakaharang na sanga ng
puno sa daan.
2. Sabi ng nanay wag ( bumili, magbili, ipagbili) ng mga
pagkaing di mabuti sa katawan.
3. (Susulat, Nagsulat Sumusulat)ng magandang tula si Ana
para sa kanyang nanay kahapon.
4. (Tumira, Titira, Magtitira) ang mag-anak na Reyes sa Tagaytay.
5. Kami ang( naglinis, maglilinis, lilinis) ng bahay ni lola sa may
tumana noong isang araw.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Punan ang patlang ng tamang


salita. Bumuo ng mga bagong salita upang mabuo ang tula.

Batang Matulungin

Tunay na kahanga-hanga
Pagiging isang ( sipag)
Marami mang (gawa)
Siya’y di (tanggi)

Kayod dito (linis) doon


Paligid ay (walis)
(tulong)sa mga gawain upang
Maging (linis) ang kapaligiran

D. Engagement 20 minuto Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Dagdagan ng pantigang mga


Pakikipagpalihan sumusunod na salita upang makabuo ng mga bagong salita.
Gawin sa sagutang papel.
1. gising
2. bait
3. ganda
4. inom
5. ligpit

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5:Basahin ang bawat pangungusap.


Bumuo ng bagong salita batay sa aslitang-ugat na nasa loob ng
panaklong upang mabuo ang diwa ng pangungusap.Isulat sa papel
ang inyong sagot.
1. Madalas ( tawag) ng guro si Rico upang magbasa ng
panuto.
2.(tayo) naman si Rico ng tawagin ng guro.
3. Minsan nahihiya din siya kaya di siya ( tayo) .
4. “Ako naman po ang (tawag) ninyo Bb. Reyes.”
5. “(pansin) kasi naming siya po lagi ang inyong tinatawag
lagi,” sabi ni Roma.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Bumuo ng tig dadalawang bagong


salita mula sa sumusunod na salitang ugat gamit ang iba’t ibang
panlapi.

Salitang- Ugat Mga Bagong Salita


1. aral a.
b.
2. sulat a.
b.
3. pasok a.
b.

E. Assimilation Punan ang patlang upang mabuo ang pangungusap.


Paglalapat

Masasagot mo ng tama ang mga pagsasanay kung natutunan mo


na ang __ng bagong salita gamit ang _____at ang .

Nakakatulong sa aking buhay ang pagbubuo ng gamit ang


at .

Laging tandan na sa pamamagitan ng paggamit ng panlapi at


salitang-ugat ay mas mapapadali ang pagbubuo ng
sa pagsasama nito sa pangungusap.

Napapadali rin ang pagbubuo ng bagong salita sa pamamagitan


ng pagbuo ng pangungusap.

Binabati kita kaunti na lamang at mapapagtagumpayan mo na at


matatapos na ang araling ito. Sa susunod na pahina ay iyong
matututuhan pagsuri sa kwento at pagsasabi kung ito ba ay
katotohanan o opinyon.
V. ASSESSMENT A. Sagutan ang Learning Activity Sheets (LAS) na ipapadala ng guro.
(Learning Activity Sheets
for Enrichment, B. Ngayong natutunan mo ang panlapi at salitang-ugat ay bumasa
Remediation or ng isang kuwento para sa susunod nating aralin suriin at sabihin kung
Assessment to be given ito ba ay katotohanan o isang opinyon.
on Weeks 3 and 6)
VI. REFLECTION Magsulat ka sa iyong kuwaderno ng iyong nararamdaman o
realisasyon gamit ang mga sumusunod na prompt:
Naunawaan ko na .
Nabatid ko na .
Naisasagawa ko na .

Prepared by: Ginnalyn G. Dendiego - Maragondon Elem School Checked by: MARIBETH C. RIETA
EPS sa Filipino

You might also like