Professional Documents
Culture Documents
Paggamit ng Gitling
Karaniwang pagkakamali rin ang paggamit ng gitling. Mababakas ito sa mga sanaysay,
paalala, at ilan pang mga bagay na may kinalaman sa pagsulat. Marami ang nalilito sa wastong
paggamit at may mga pagkakataon pa ngang kahit hindi ito dapat gamitin ay nagagamit.
Narito ang wastong gamit ng gitling
1. Inuulit na salita – ginagamit ang gitling sa mga salitang inuulit, ganap man o hindi
ganap na inuulit.
Ganap
a. ano-ano
b. araw-araw
c. iba-iba
i. Iba ang sitwasyon kapag ang sinulat na ay “iba’t iba” dahil mula ito sa “iba
at iba”.
ii. Lalagyan pa rin ng gitling kahit ang salitang “ibang-iba”
Di-Ganap
a. Kali-kaliwa
b. Bali-baligtad
c. Para-paraan
May mga pagkakataon na ginagamit din ang gitling sa mga katagang nagtatapos sa
patinig at ang susunod ay katinig. Iyon ay kapag pangngalang pantangi ang salita.
Halimbawa nito ay pa-Quiapo, maka-Palestine, taga-Manila, Ginagamit din kapag
nanghihiram ng salita gaya ng magpe-Facebook, magti-Twitter, pa-cute, at magko-
computer.
5. Pagsulat ng oras – ginagamit upang ihiwalay ang numero sa oras at petsang may ika-
at gayundin sa alas-.
a. Ika-10 ng umaga subalit walang gitling kapag ikasampu ng umaga.
b. Ika-19 ng Nobyembre subalit walang gitling kapag ikalabingsiyam ng
Nobyembre.
c. Alas-4 at alas-kwatro ay parehong may gitling.
6. Kasunod ng “de” – epekto o isa sa mga ambag ng mga Kastila sa ating wika ang
paggamit ng unlaping de- na nangangahulugang sa “pamamagitan ng o ginaw o
ginagamit sa paraang.”
a. de-bola
b. de-kolor
c. de-lata
7. Sa mga Apelyido – para sa mga apelyido ng mga babaeng nagkaroon ng asawa subalit
nais panatilihin o ipakita ang orihinal na apelyido noong dalaga pa.
Carmen Guerrero-Nakpi
Genoveva Edroza-Matute
Maaari din namang gamitin ng mga lalaki ito kapag nais ipakita ang kanilang gitnang
pangalan.
Graciano Lopez-Jaena
En-Dash at Em-dash
Ang en-dash ay mas mahaba kaysa sa gitling. Ginagamit ito para sa pagsaklaw ng panahon.
a. 1882 – 1903
b. September 23, 1972 – January 17, 1981
Ang em-dash naman ay ginagamit sa mga pagpapabitin ng daloy ng pangungusap dahil may
idinadagdag na impormasyon.
a. Napatigil ako – at kinabahan – nang makita siya.
b. Kailangang igiit ang katarungang panlipunan – makataong sahod, murang bilihin,
maayos na pabahay, libreng edukasyon, at abot-kamay na serbisyong medikal!
Paggamit ng Espasyo
Karaniwang pagkakamali itong nakikita ng mga guro sa mga sanaysay ng kani-kanilang mga
mag-aaral. Karaniwa, ang mga ingklitik o pang-abay na kataga ang pinagsasama ng mga mag-
aaral. Hindi na kaduda-duda ito dahil maging sa mga social media, nakikita ang ganitong
pagkakamali kaya inaakalang tama. Ilan sa mga pagkakamaling ito ay ang sumusunod:
a. pa rin hindi parin.
b. Na lang hindi nalang
c. May katagang pala at may katagang pa at lang subalit magkaiba ang gamit nito.
d.
Kakayahang Sosyolingguwistik
Ayon kay Alptekin sa artikulo ni Koay (2021), ang kakayahang ito ay tumutukoy sa kung
paano gagamitin ang wika batay sa konteksto ng lipunang kinabibilangan. Ang kakayahang
sosyolingguwistik ay kakayahang gamitin ang wika nang may pagsasaalang-alang sa
panlipunang pagpapakahulugan para sa isang tiyak na sitwasyon. Upang epektibong
magamit ang wika, hindi sapat na matuto nito at makapagsalita. Kinakailangang maging
maayos ang paggamit nito kaya naman upang maipaliwanag, narito ang modelong ipinakilala
ni Dell Hymes, ang SPEAKING, upang magkaroon ng mabisang pakikipagtalastasan.
S – etting: Tumutukoy sa lugar kung saan nagaganap o magaganap ang isang usapan.
Madalas, nakaaapekto ang lugar hindi lang sa ating pananamit kundi maging sa paggamit
ng wika partikular na ang uri ng mga salitang gagamitin. Halimbawa na lamang nito,
paano ba tayo nakikipag-usap kung ang lugar ng usapan ay nasa silid-aklatan? Paano tayo
nakikipag-usap kapag nasa mall?
P – articipant: Tumutukoy sa mga taong kabilang sa usapan. Nakakaapekto rin ang tao, batay
sa kung ano ang relasyon ng mga nag-uusap, sa paggamit ng wika. Halimbawa na lamang
nito ay ang pagbabago ng tono depende sa kung sino ang iyong kausap. Paano nga ba tayo
nakikipag-usap sa isang guro? Sa kaklase at/o kaibigan?
E – nds: Tumutukoy sa layunin o pakay. Nakaaapekto rin ang layunin pagdating sa pakikipag-
usap o pakikipagtalastasan sa isang tao. Kaya naman hindi kataka-takang naiaangkop din
natin ang tono at lakas ng ating boses kapag tayo ay makikipag-usap sa isang tao.
Halimbawa na lamang, paano ka makikipag-usap sa isang tao kapag ang layunin mo ay
humingi ng pabor? Paano naman kung kukumprontahin? Paano kung pagalit ang tono ng
isang taong manghihiram sa iyo ng isang bagay? Ano ang iyong magiging reaksyon?
A – cts sequence: Tumutukoy naman sa takbo ng usapan. Mapapansing may mga usapang
nag-iiba-iba ng takbo. May ilang nagsisimula sa masayang usapan at nagtatapos din nang
masaya. Samantala, may mga usapan din na nagsisimula sa biruan at kapag hindi
nakokontrol, malaki ang posibilidad na magkakapikunan ang mga taong kabilang sa isang
usapan. Marami pang ibang maaaring maibilang dito gaya ng nauudlot na usapan dahil
may ibang nagiging kalahok sa usapan at/o may umaalis sa usapan.
K – eys: Tumutukoy sa tono ng pakikipag-usap. Tulad ng setting at participant,
kinakailangang isaalang-alang ang tono ng usapan. Papasok dito ang usapin ng
pormalidad ng paggamit ng wika. Maaari ding isaalang ang pakay tulad ng ipinaliliwanag
sa ends.
I – nstrumentalities: Tumutukoy sa tsanel o midyum na ginagamit sa usapan, kung pasalita o
pasulat. Kailangan isaalang-alang din ang pamamaraan kung paano ipadadala ang isang
mensahe. Maaaring pasulat o pasalita. Maaari ding ipadala sa kasalukuyan sa
pamamagitan ng pagtawag, text, chat, at email.
N – orms: May kinalaman sa pamantayan ng lipunan (social rules) sa pakikipag-usap.
Kailangang unawain ang kulturang kinabibilangan sa isang usapan. May mga paksang
sensitibo at ibinabagay lamang sa isang tiyak na pagkakataon. Halimbawa na lamang ay sa
kultura ng mga Tagalog, kinakailangan ang paggamit ng salitang po at opo upang
maipakita ang paggalang lalo sa nakatatanda dahil ito na ang kaugalian ng mga Tagalog.
G – enre: Tumutukoy sa diskursong ginagamit, kung nagsasalaysay, nakikipagtalo,
nangangatwiran, at iba pa. Kaugnay ng act sequence, dito kinakailangang maging tiyak
ang pamamaraan ng diskursong gagamitin sa isang usapan. Madalas, kaya nagkakaroon
ng miskomunikasyon sa pagitan ng mga tao ay dahil hindi nagtutugma ang pamamaraan
ng pag-uusap. Halimbawa na lamang ay ang pagbibiro ay maaaring tanggapin ng iba
bilang negatibo dahil may iba-iba ng pamamaraan ng pagkilala kung ano ang biro at ano
ang hindi.
Paglalagom:
Kapwa mahalaga ang lingguwistik at sosyolingguwistik na kakayahan upang epektibong
magamit ang wika. Hindi maaaring mawala ang isa dahil malaki ang pagkakataong
magkaroon ng pagbabago sa kahulugan ng isang mensahe, intensyonal man o hindi. Hindi
sapat na maalam ka lang sa teknikal na aspekto ng wika dahil kinakailangan ding isaalang-
alang ang sosyal na aspekto kabilang na ang kulturang kinabibilangan ng mga taong
kasangkot sa usapan, ang paniniwala, pamantayan, at ang epekto ng isang salita matapos
itong banggitin. Kailangan iangkop ang paksa, ang kausap, at lalo na ang mga salitang
gagamitin. Dito papasok ang katangian ng wika bilang makapangyarihang bagay sa daigdig.
Sanggunian:
Almario, V. S. (2017). KWF Manwal sa masinop na pagsulat. Komisyon sa Wikang Filipino.
Dayag, A.M. & del Rosario, M. G. G. (2017). Pinagyamang pluma. Phoenix Publishing House,
Inc.
Koay, J. (2021). What is sociolinguistic competence? EduMaxi.
https://www.edumaxi.com/blog/what-is-sociolinguistic-competence