You are on page 1of 4

Antas ng Wika

Ang ating isipan ay bilanggo ng wika. Kung iisipin kasing mabuti, ang daluyan lamang ng kaisipan habang tayo
ay nag-iisip ay wika. Sa bahaging ito, tatalakayin ang antas ng wika. Malaking tulong ito upang ating
maiangkop ang wika sa hinihingi ng panahon, pook at anumang pagkakataon Ayon kay Bernales (2002),
nahahati ang antas ng wika sa kategoryang pormal at impormal at sa bawat kategorya napapaloob ang mga
antas ng wika. Ganito ang paglalarawan niya sa bawat antas ng wika:

1. Pormal. Ito ay ang mga salitang istandard dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na nakararami
lalo na ng mga nakapag-aral ng wika.

a. Pambansa. Ito ang mga salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat pangwika pambalarila sa lahat
ng mga paaralan. Ito rin ang wikang kadalasang ginagamit ng pamahalaan at itinuturo sa mga
paaralan.

b. Pampanitikan o Panretorika. Ito naman ang mga salitang gamitin ng mga manunulat sa kanilang
akdang pampanitikan. Ito ang mga salitang karaniwang matatayog, malalalim, makulay at masining.

2. Impormal. Ito ang mga salitang karaniwan, palasak at pang-araw-araw na madalas nating gamitin sa
pakikipag-usap sa mga kakilala at kaibigan.

a. Lalawiganin. Ito ang mga bokabularyong dayalektal. Gamitin ang mga ito sa mga partikular na pook
o lalawigan lamang, maliban kung ang mga taal na ginagamit nito ay magkita-kita sa ibang lugar
dahil natural na nila itong naibubulalas Makikilala rin ito sa pagkakaroon ng kakaibang tomo o
tinatawag ng marami na punto.
b. Kolokyal Ito ay mga pang araw araw na salita na ginagamit sa mga pagkakataong impormal,
Maaaring may kagaspangan nang kaunti ang mga salitang ito ngunit maaari rin itong maging
repinado ayon sa kung sino ang nagsasalita nito. Ang pagpapaikli ng isa, dalawa o higit pang salita
lalo na sa mga pasalitang komunikasyon ay matuuri rin sa antas na ito.

Halimbawa

meron (mayroon) penge (pahing) pa no (paano)

c. Balbal. Ito ang tinatawag sa Ingles na slang, samga pangkat-pangkat nagmumula ang mga ito
upang ang mga pangkat ay magkaroon ng salitang codes Mababang antas ng wika ito, bagama't
may mga dalubwikang nagmumungkahi ng higit pang mababang antas, ang antas bulgar
(Halimbawa nito ay mga mura at mga salitang may kabastusan).

Sa lahat ng antas, ang balbal ang pinakadinamiko. Maaaring ang pagbabago ng paniniwala at pag-iisip
ng isang tao ay lubusang nakaaapekto sa pagkakaiba-iba ng mga salitang ginagamit. Kaalinsabay ng
pagbabagong ito ang katotohanan na ang mga dati o karaniwang salita na ginagamit ay di na magagamit ng
mga susunod na henerasyon dahil ito ay hindi na akma sa mundong ginagalawan. Magkagayon man, ito ay
nagpapatunay na ang mga tao ay hindi tumitigil sa pagkatuto upang makaagapay sa pagbabago ng panahon

Pansinin ang ilan sa mga karaniwang paraan o proseso ng pagbuo ng salitang balbal. Bawat isang proseso ay
binigyan ng ilang halimbawa upang maging malinaw.

1. Pagbabago sa mga Salitang Katutubo/Lalawiganin

Halimbawa:

balay (Bis)-bahay bayot (Ceb)-bakla

gwapa (Bis)-maganda muret (Pam)-nasisiraan ng bait


2. Panghihiram sa Wikang Banyaga (maaaring manatili o nagbabago ang orihinal na kahulugan ng
salita)

Halimbawa:

vacuum (Eng)-sipsip hole in (Eng)-holen

3. Pagbibigay ng Bagong Kahulugan sa Salitang Tagalog

Halimbawa

patola-walang silbi (a vegetable) tinik-sagabal (thorn)

4. Pagpapaikli/Reduksyon

Halimbawa:

wala-wa Gobernador-Gob Probinsyano-syano

5. Pagbabaligtad/Metatesis

Halimbawa:

barkada-adakrab kita-atik pera-arep

6. Paggamit ng Akronim/Inisyal

Halimbawa:

hd-hidden desire op-out of place ksp-kulang sa pansin

7. Pagpapalit ng Pantig

Halimbawa

asawa-jowa bakla-jokla torpe-tyope buntis-juntis

8. Paghahalo ng Wika

Halimbawa

pa-cute pa-effect mag-enjoy

9. Paggamit ng Bilang

Halimbawa:

5254-mahal na mahal kita 123- naloko

10. Pagdaragdag

Halimbawa:

Malay Malaysia Paki-Pakistan


11. Kumbinasyon o lijm and more

a. Pagbabaligtad at Pagdaragdag

Halimbawa:

wala-alaw - alaws tama-amat-amats

b. Pagpapaikli at Pagdaragdag

Halimbawa:

Pilipino-pino-pinoy Chinese-Tsino-tsinoy

c. Pagpapaikli at Pagbabaligtad

Halimbawa:

pantalon-talon-lonta sigarilyo- siyo-yosi

d. Panghihiram at Pagpapaikli

Halimbawa:

original-orig American boy-amboy

e. Panghihiram at Pagdaragdag

Halimbawa:

get getsing in-love-inlababo

GAWAIN 1

Panuto: Basahin ang pangungusap sa bawat bilang. Pansinin ang may salungguhit na salita o mga
salita. Pagkatapos ay tukuyin kung anong proseso ng pagbabago ng salitang balbal ang pinagdaanan
nito. Isulat ang titik na katumbas ng inyong sagot sa patlang sa unahan ng bawat bilang. Kung
gumamit ng kumbinasyon ng dalawa o higit pang proseso, isulat sa patlang ang mga titik ng bawat
proseso.

a. Paghango sa mga Salitang Katutubo/Lalawiganin


b. Paghihiram sa Wikang Banyaga
c. Pagbibigay ng Bagong Kahulugan sa Salitang Tagalog
d. Pagpapaikli/Reduksyon
e. Pagbabaligtad/Metatesis
f. Paggamit ng Akronim
g. Pagpapalit ng Pantig
h. Paghahalo ng Wik
l. Pagdaragdag
m. Paggamit ng Bilang

1. Walang ginawa si Alexis sa kanyang mga kaklase kundi magpa-cute.


2. Dahil sa dami ng pinagkakautangan, biglang nag-disappear sa kanyang tinitirhan si Aling Monica.
3. Dinadaan na lang sa SMS ang pagbili ng bawal na gamot ng mga durog sa kanto.
4. Ang aking matalik na kaibigan ay nilaglag ng kanyang mga kasamahan sa kanilang manedyer.
5. Berde ang pag iisip ni Ying tuwing nakakakita ng magkatipan na magkahawak-kamay.

6. Ang paboritong laro ng mga bata sa kalye trese ay hole-in.


7. Ayaw ni Edgar ng mga babaeng bilmoko dahil mukha silang di mapagkakatiwalaan
8. Nagkasama na naman ang buong adakrab sa isang salu-salo sa Malate.
9. Isa sa ipinagbabawal sa mga mag-aaral ng Unibersidad ng Makati ay PDA.
10. Laging dyahi si Gerald tuwing nakikita niya si Kris.
11. Walang ginawa ang mga bata sa lansangan kundi mag-enjoy.
12. Isa lang ang hinihintay ni Lanie sa kanyang kasintahan, ang sabihin sa kanya na 14344.
13. Si Justin ay laging sinasabihan ng kanyang mga kaklase na emo dahil sa kawalan ng sigla at
partisipasyon sa loob ng klase.
14. Bagets pa sa larangan ng pulitika ang nababalitang tatakbong Punong Barangay sa Baryo Culiat.
15. Bumili ng bagong condo si Renan upang iregalo sa kanyang pamilya.

Gawain 2

II. Tukuyin kung anong antas ng wika ang mga sumusunod na salita.

HAL:

pagmamahal sagot: pormal - Pambansa

dalampasigan ng pagmamahal sagot: pormal – pampanitikan

gugma sagot: impormal - lalawiganin

1. Dehins

2. panaginip

3. agimat ng dugo

4. katanyagan

5. sa'yo

6. noypi

7. igapos sa ihip ng hangin

8. mahahagkan

9. ipagbawal

10. ba’t

You might also like