You are on page 1of 22

Komunikasyon

at Pananaliksik
sa Wika at
Kulturang
Pilipino
Antas ng Wika
1.Pormal – Ito ang salitang istandard dahil
kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na
nakararami lalo na ang nakapag-aral ng wika.

a. Pambansa – Ito ang salitang karaniwang


ginagamit sa mga aklat pangwika/
pambalarila sa lahat ng mga paaralan
b. Pampanitikan o Panretorika
Ito ang mga sulating gamitin ng mga
manunulat sa kanilang mga akdang
pampanitikan.
Ito ang mga salitang karaniwang
matatayog, malalalim, makulay at
masining. Madalas itong gumagamit ng
mga idyoma at/o tayutay.
2. Impormal – Ito ang mga salitang
karaniwan, palasak, pang-araw-araw na
madalas nating gamitin sa pakikipag-usap
at pakikipagtalastasan sa mga kakilala at
kaibigan.
a. Lalawiganin- Ito ang bokabularyong
dayalektal. Gamitin ang mga ito sa mga
partikular na pook o lalawigan lamang,
maliban kung ang mga taal na gumagamit
nito ay magkikita-kita sa ibang lugar dahil
natural na sila itong naibubulalas.
Makikilala rin ito sa pagkakaroon na
kakaibang tono, o ang tinatawag ng
marami na punto.
b.Kolokyal – Ito’y mga pang-araw-araw na
salita na ginagamit sa mga pagkakataong
impormal.
Maaaring may kagaspangan nang
kaunti ang mga salitang ito ngunit maaari
rin itong maging repinado ayon sa kung
sino ang nagsasalita nito.
Ang pagpapaikli ng isa, dalawa o higit
pang mga salita lalo na sa mga pasalitang
komunikasyon ay mauuri rin sa antas nito.

Halimbawa:
1. Nasa’n (nasaan), pa’no (paano), sa’kin (sa
akin),
2. Sa’yo (sa iyo), kelan (kailan), meron
(mayroon).
c. Balbal – Ito ang tinatawag sa Ingles na slang.
Sa mga pangkat-pangkat nagmumula ang
ang mga ito upang ang mga pangkat ay
magkaroon ng sariling codes.
Mababang antas ng wika ito, bagamat
may mga dalubwikang nagmumungkahi ng
higit pang mababang antas, ang antas-bulgar
(Halimbawa nito ay mga mura at mga salitang
may kabastusan).
Pormal Impormal

Pambansa Pampanitik Lalawiganin Kolokyal Balbal


an/Panretori
ka
Ilaw ng Inang Nanay Ermat
ina tahanan
Ama Haligi ng Itang Tatay erpat
tahanan
Baliw Nasisiraan Muret,bal- Sira ulo Praning, me
ng bait la, buang toyo
Umiiyak Lumuluha Agsangsan Umiiyak krayola
git,naghilak
a
Maganda Marikit Napinta,ma Maganda adnagam
gayon,
gwapa
Paraan o Proseso ng Pagbuo
ng Salitang Balbal
1. Paghango sa salitang katutubo/Lalawiganin

Halimbawa :
gurang (Bic., Bis)
bayot (Ceb.)
buang (Bis.)
dako (Bis)
2. Panghihiram sa Wikang Banyaga
(maaaring nananatili o nagbabago ang orihinal
na kahulugan ng salita)

Halimbawa:
pikon (pick on, Eng.)
wheels ( Eng.)
Indian (Eng.)
Salvage (Eng.)
3. Pagbibigay ng Bagong kahulugan sa salitang
Tagalog

Halimbawa:
hiyas (gem –virginity)
Luto (cook –game fixing)
Taga (hack –commission)
Ube (purple yam- (P 100)
Bata (child,fiancee)
4. Pagpapaikli/Reduksyon

Halimbawa:
Muntinlupa – Munti
Kaputol- utol/tol
Wala –wa
Amerikana - Kana
5. Pagbabaligtad/ 6. Papantig
Metatesis Halimbawa:
pulis-lespu
(Buong Salita) kotse-tsikot
Halimbawa: tigas –astig
bata- atab kaliwa-wakali
kita- atik party -tipar
bakla – alkab
maganda- adnagam
7. Paggamit ng 8. Paggamit ng bilang
akronim
gg- (galunggong) 14344 (I love you very much)
1432 ( I love you too)
Hp (hindi pansin) 5254 ( mahal na mahal kita)
Ksp (kulang sa pansin) 50-50 ( naghihingalo,
Pg (patay gutom) pantay)
48 years ( matagal)
Hd (hidden desire)
Tl ( true love)
9. Pagpapalit ng pantig
Halimbawa:
daya-joya Asawa – jowa
bakla –jokla walanjo/walastik

10. Paghahalo ng Wika


Halimbawa:
Anong say mo ma-take
bakal boy ma-get
11. Kumbinasyon
a. Pagbabaligtad at pagdaragdag
Halimbawa:
hiya-yahi-dyahi
wala-alaw-alaws
b. Pagpapaikli at Pagdaragdag
Pilipino –Pino- Pinoy
Bagito – baget -bagets
12. Pagpapaikli at Pagbabaligtad
Halimbawa
pantalon –talon –lonta
sigarilyo - siyo –yosi
13. Panghihiram at Pagpapaikli
Halimbawa
Dead malice – dedma
American boy –amboy
tomar – toma
security – sikyo
14. Panghihiram at Pagdaragdag
Halimbawa:
get – gets/getsing
in-love –inlab/inlababo
dead - dedo
cry-crayola
 Pinakamainit na Balita ngayong Araw

 Speech – President Rodrigo Duterte

 Mga Katolikong ginunita ang Salubong sa


Pasko ng Pagkabuhay

 TL Ako Sa iyo
GAWAIN
1. Maglista ng sampung bagong salitang hindi pa
umiiral noon.
_______________ _______________
_______________ _______________
_______________ _______________
_______________ _______________
_______________ _______________
2. Maglista ng sampung salitang hindi na o bihira
nang gamitin ngayon
_______________ _______________
_______________ _______________
_______________ _______________
_______________ _______________
_______________ _______________
3. Maglista ng sampung lumang salitang may
bago nang kahulugan ngayon.
_______________ _______________
_______________ _______________
_______________ _______________
_______________ _______________
_______________ _______________
4. Maglista ng sampung salitang Ingles na
walang katumbas sa Filipino.
_______________ _______________
_______________ _______________
_______________ _______________
_______________ _______________
_______________ _______________

You might also like