You are on page 1of 16

11 FILIPINO

Komunikasyon at Pananaliksik sa
Wika at Kulturang Pilipino

Unang Markahan – Modyul 1:


Mga Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino


Karapatang-sipi ©2020 ng DepEd Bohol

Reserbado ang lahat ng karapatan. Ang alinmang bahagi nito ay hindi maaring ilathala o
ilabas sa anumang anyo, kasama na rito ang mga video, nang walang nakasulat na
pahintulot ang tagapaglathala at mga may-akda. Hindi sakop ng karapatang-sipi ang
sariling-aklat na ilalathala sa mga pahayagan at magasin.

Inilathala at inilimbag sa Pilipinas ng DepEd Bohol na may tanggapan sa 50 Lino Chatto


Drive, Cogon District, Tagbilaran City, Bohol.

May-akda: Gladys O. Arbitrario, MatFil


Mga Tagasuri:
Wilfreda O. Flor, PhD
Josephine D. Eronico, PhD
Jocelyn T. Rotersos, RL

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Gladys O. Arbitrario, MatFil
Tagasuri: Wilfreda O. Flor, PhD
Josephine D. Eronico, PhD
Jocelyn T. Rotersos

Tagapamahala: Bianito A. Dagatan, EdD, CESO V


Schools Division Superintendent
Carmela M. Restificar, PhD
OIC – CID Chief
Josephine D. Eronico, PhD
EPS, LRMS
Wilfreda O. Flor, PhD
EPS, Filipino

Inilimbag sa Pilipinas Pansangay ng Bohol


Department of Education – Region VII, Central Visayas

Office Address: 50 Lino Chatto Drive, Cogon District, Tagbilaran City, Bohol
Telephone: (038) 412 – 4938 (038) 411 – 2544 (038) 501 – 7550
Telefax: (038) 501 – 7550
E-mailAddress: deped.bohol@deped.gov.ph
11
Komunikasyon at Pananaliksik sa
Wika at Kulturang Pilipino

Unang Markahan – Modyul 1:


Mga Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas

Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 11 ng Alternative Delivery
Mode (ADM) Modyul para sa araling “Mga Sitwasyong Pangwika sa
Pilipinas”.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng
mga edukador mula sa pampublikong institusyon upang magabayan at
matulungan na makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum
ng K to12 habang kanilang pinagtagumpayan ang pansarili, pamilya at
pamayanang hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang
kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang
makamit ang mga kasanayang pan-21 na siglo habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo
ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa “Mga
Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas”.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng
silid-aralan. Hangad din nitong mabigyan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkat
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na


ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng
isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


mapatnubay at malayang pagsasanay upang
mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang
mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan


ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.

5
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo
upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa
tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang


Tayahin antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang
kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong


gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga


gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa Ang


paglikha o paglinang ng modyul na ito.
sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa
modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng
mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng
pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka ring humingi ng tulong kay
nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sinuman sa iyong mga kasama sa bahay na mas
nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
6
Umaasa kami na sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at
makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo at sinulat nang may pagpapahalaga sa iyong kakayahan at
interes. Ito ay naglalayong matulungan kang matuto tungkol sa tunay na kahulugan ng konsepto ng
nasyonalismo o damdaming makabayan. Dito ay madidiskubre mo rin kung paano sumibol ang
kaisipang liberal ng mga sinaunang Pilipino at kung paano ito humantong sa pagkagising ng kanilang
damdaming makabansa. Ang mga salitang ginamit dito ay akma sa iyo at sa lebel ng iyong
bokabularyo. Ang daloy ng mga aralin dito ay alinsunod sa wastong pamantayan.

Ang modyul na ito ay may aralin na may iba’t ibang kompetensi para sa Unang linggo ng
Ikalawang Markahan. Ito ay ang mga:
Aralin 1: Mga Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas
 Unang Araw: Sitwasyong Pangwika sa Telebisyon, Radyo at Diyaryo
Natutukoy ang iba’t ibang paggamit ng wika sa mga napakinggang pahayag mula sa mga
panayam at balita sa radyo at telebisyon (F11PN – IIa – 88)
 Ikalawang Araw: Sitwasyong Pangwika sa Pelikula
Natutukoy ang iba’t ibang paggamit ng wika sa nabasang pahayag mula sa mga blog, social
media posts at iba pa (F11PB – IIa – 96)

 Ikatlong Araw: Sitwasyong Pangwika sa Iba Pang Anyo ng Kulturang Popular


Natutukoy ang iba’t ibang paggamit ng wika sa nabasang pahayag mula sa mga blog, social
media posts at iba pa (F11PB – IIa – 96))

 Ikaapat na Araw: Register o Barayti ng Wikang Ginagamit sa Iba’t ibang Sitwasyon


Natutukoy ang iba’t ibang paggamit ng wika sa nabasang pahayag mula sa mga blog, social
media posts at iba pa (F11PB – IIa – 96

Subukin

(Panimulang Pagtataya)

7
Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang titik na kumakatawan ng wastong sagot sa
sagutang papel.
1. Itinuturing na pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan
A. Radyo B. Facebook C. Telebisyon D. Twitter
2. Anong wika ang nangunguna sa telebisyon sa bansang Pilipinas?
A. English B. Cebuano C. Tagalog D. Filipino

3. Alin sa sumusunod ang pinakabunga ng telebisyon sa Pilipinas?


A. 99% na mga Pililipino ay nakauunawa ng Filipino
B. 10% lang na mga Pilipino ang nakauunawa ng Filipino
C. Ayaw ng mga Pilipino na matuto ng Filipino
D. Hindi Filipino ang ginagamit sa telebisyon

4. Ito ang dalawang pinakakilalang estasyon sa larangan ng radyo sa Pilipinas.


A. AM at PM B. FM C. AM at FM D. AM

5. Bakit tabloid ang binibili ng mga tao sa Pilipinas?


A. Dahil mura at Ingles ang wikang ginagamit kaya naman mas natututo sila sa nasabing wika.
B. Dahil mura at wikang Filipino ang ginagamit kung kaya’t mas madaling naiintindihan.
C. Dahil ito lang ang ibinibenta sa Pilipinas.
D. Dahil ito lang kayang bilhin ng mga Pilipino sa Pilipinas.

6. Ingles ang karaniwang pamagat pero Filipino ang ginagamit.


A. Pelikula B. Diyaryo C. Twitter D. Instagram

7. Ito ay pagtatalong oral na isinasagawang pa-rap. Hindi pormal at nanglalait ng kalaban.


A. Balak B. Balagtasan C. Fliptop D. Drama

8. May tanong na sinasagot ng isang bagay na madalas maiuugnay sa pag-ibig at iba pang aspekto ng
buhay
A. Balak B. Pick-up Lines C. Fliptop D. Balagtasan

9. Saan karaniwan nakikita ang hugot line?


A. Instagram B. pelikula o telebisyon C. Radyo D. Diyaryo

10. Ang wikang Filipino ay ginagamit pa rin sa kasalukuyan ayon sa mga iba’t ibang sitwasyong
pangwika.
A. Oo B. Hindi na C. Wala ng pakialam ang tao D. Hindi na naiinitindihan

8
Aralin
Mga Sitwasyong Pangwika sa
1
Unang Linggo
Pilipinas
Sa araling ito ay makikilala ang iba’t ibang sitwasyong pangwika sa larangan ng radyo,
telebisyon at maging sa modernong tinatahak sa kasalukuyan.

Balikan
Sagutin ang sumusunod na mga tanong:
1. Ano-ano ang mga mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng wika sa Pilipinas?
2. Ilarawan ang wikang Filipino noon at ngayon batay sa iyong sariling kaalaman.

Sa pagsagot sa gawain, kumuha ng isang pirasong papel at isulat ang


inyong tamang sagot.

Tuklasin Flip Top

Hal.

Halimbawa ng Sitwasyong
Sitwasyong Pangwika Pick-up Lines
Pangwika sa Iba Pang Anyo ng
sa Text
Kulturang Popular Hal.
Hal.

Hal. ng programang
Pangtelebisyon

9
Suriin
Alam mo ba na…

SITWASYONG PANGWIKA SA TELEBISYON


Ang telebisyon ang itinuturing na pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan dahil sa
dami ng mga mamamayang naabot nito.Ang mabuting epekto ng paglaganap ng cable o satellite
connection para marating ang malalayong pulo at ibang bansa.
Wikang Filipino ang nangungunang midyum sa telebisyon sa bansa na ginagamit ng mga lokal
na channel. Mga halimbawa ng mga programang pantelebisyon na gumagamit ng wikang Filipino ay
mga teleserye, mga pantanghaliang palabas, mga magazine show, news and public affairs, reality show
at iba pang programang pantelebisyon. Ang pagdami ng mga palabas sa telebisyon partikular ang mga
Pagyamanin
teleserye o pantanghaling programa na sinusubaybayan ng halos lahat ng milyon-milyong manununood
ang dahilan kung bakit halos lahat ng mamamayan sa bansa ay nakakaunawa at nakakapagsalita ng
wikang Filipino.
Batay sa iyong natutuhan ukol sa mga barayti ng wika, punan ang mga kahon sa ibaba ng
halimbawang nagmula sa iyong sariling kaalaman, pananaw, at mga karanasan.
SITWASYONG PANGWIKA SA Halimbawa
RADYO ng ATIba’t ibang Barayti ng Wika
DYARYO
Punan Filipino
 Wikang ang kahon ng nangungunang
ang Punan angwika
kahon
sa ng Punanman
radyo sa AM angokahon ng
sa FM. Punan ang kahon limang
tatlong gay lingo o isang pangungusap na isang pangungusap
 Ang mga estasyon sa probinsya ay gumagamit ng rehiyonal na wika ngunit kung na jargon
mayng kapanayam
trabahong sila
salitang beki na alam mo sinasabi ng coño o sosyal
ay karaniwan sa wikang Filipino sila nakikipagusap. nakasulat sa paraang ninanais mong makuha o
at ang kahulugan ng jejemon. magampanan balang
  Sa dyaryo ay wikang Ingles ang ginagamit sa broadsheet at wikang Filipino naman sa tabloid.
bawat isa. araw.
  Tabloid ang mas binibili ng masa o karaniwang tao sapagkat mas naiintindihan nila ang wikang
ginagamit dito. Ito ang mga katangian ng isang tabloid:
 Nagtataglay ng malalaki at nagsusumigaw na headline na naglalayong maakit agad ang mambabasa.
 Ang nilalaman ay karaniwang senseysyonal na naglalabas ng impormalidad
 Hindi pormal ang mga salita.

SITWASYONG PANGWIKA SA PELIKULA


1. Ingles ang kadalasang pamagat ng mga pelikulang Pilipino.
2. Filipino ang lingua franca o pangunahing wika ang ginagamit.
3. Ang pangunahing layunin ay makaakit ng mas maraming manunuod na malilibang sa kanilang mga
palabas at programa upang kumita ng malaki.
4. Malawak ang naging impluwensya dahil sa tulong nito mas marami ng ng mamayan ng bansa ang
nakauunawa at nakapagsasalita ng wikang Filipino.
5. Ang nananaig na tono ay impormal at waring hindi gaanong strikto sa pamantayan ng
propesyonalismo.

Isaisip
SITWASYONG PANGWIKA SA IBA PANG ANYO NG KULTURANG POPULAR
FLIPTOP
 Pagtatalong oral na isinasagawa ng pa-rap. 10
 Nahahawig sa balagtasan dahil ang bersong nira-rap ay magkakatugma bagamat sa fliptop ay
hindi nakalahad o walang malinaw ang paksang tinatalakay.
 Gumagamit ng di-pormal na wika at walang nasusulat na iskrip kaya naman kadalasan ang mga
SITWASYONG PANGWIKA SA SOCIAL MEDIA AT INTERNET

1. Ang tawag sa mga taong gumagamit nito ay netizen.


2. Karaniwang may code switching.
3. Mas pinagiisipang mabuti ang mga gagamiting salita bago I post.
4. Ingles ang pangunahing wika dito.
5. Naglalaman ng mga sumusunod
 Impormasyon sa ibat ibang sangay ng pamahalaan
 Mga akdang pampanitikan
 Awitin
 Resipe
 Rebyu ng pelikulang Pilipino
 Impormasyong pangwika

SITWASYONG PANGWIKA SA KALAKALAN


1. Ingles ang pangunahing ginagamit sa pakikipag komunikasyon maging sa mga
dokumentong ginagamit
2. Gumamit rin ng Filipino kapag nagiindorso ng produkto sa mga mamayang Pilipino,
SITWASYONG PANGWIKA SA PAMAHALAAN
1. Gumamit ng wikang Filipino si dating Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang SONA
bilang pagpapakita ng pagpapahalaga rito.
2. Hindi pa rin naiiwasan ang code switching lalo na sa mga teknikal na hindi agad
nahahanapan ng katumbas sa wikang Filipino,

SITWASYONG PANGWIKA SA EDUKASYON


1. DepEd Order No. 74 of 2009
  K hanggang grade 3 ay unang wika ang gagamitin bilang panturo.
 Sa mataas na antas ay nanatiling bilinggwal ang wikang panturo (Filipino at Ingles)

Pagyamanin
Panoorin ang isang balita tungkol sa posibleng bakuna laban sa COVID-19 na kung saan ay tunay na
nanalasa sa bansang Pilipinas. Mula sa TV Patrol ng ABS-CBN News
https://www.youtube.com/watch?v=dIdXdU2bQ5A at sagutin ang mga sumusunod:
1. Ano ang nararamdaman mo habang pinapanood ang balita?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

2. Batay sa iyong naramdaman, masasabi bang naging matagumpay ang reporter sa pagpili ng
tamang salitang ginamit niya sap ag-uulat?
11
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

3. Paano napatunayan sa pinanood ang pagiging makapangyarihan ng telebisyon bilang isang uri
ng mass media?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

Isagawa
Panoorin ang tatlong maikling-maikling pelikulang nakalahad sa ibaba. Punan ang mga kahon ng
iyong pagsusuri pagkatapos.
 Wag Kang Titingin ni Pam Miras sa link na ito:
https://www.youtube.com/watch?v=8k-xtKH1Ptg
 Ang kapatid ko’ng Nagpupumilit Makita si Ricky Davao ni Lee Briones Meily sa link na ito:
https://www.youtube.com/watch?v=nCl0uPeXQbU

Wag Kang Titingin ni Pam Ang kapatid ko’ng


Miras Nagpupumilit Makita si Ricky
Davao ni Lee Briones Meily

Paksa
Tauhan
Tagpuan
Pagkakaiba-iba sa paggamit ng
salita o aspektong lingguwistiko

12
Pagkakaiba-iba sa uri ng kultura
at lipunang kinabibilangan

Paano nagkaiba-iba o nagkapareho-pareho ang dalawang maikling pelikula?


Sa paanong paraan napatunayang ang mga pelikula o dulang napapanood ay sumasalamin sa
mga tunay na pangyayari sa buhay at kultura ng isang lipunan?

Tayahin
Tukuyin kung sa anong propesyon, gawain, o larangan nabibilang ang mga nakatalang termino o
jargon sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa linya.
_________ 1. lesson plan, test paper, essay
_________ 2. check-up, ward, x-ray, diagnosis, prognosis
__________3. account, balance, debit, credit, cash flow
__________4. runway, photog, fashion, casting agency
__________5. blueprint, design, scale, construction
__________6. dough, oven, grease, knead, rolling pin
__________7. objection, sustained, habeas corpus
__________8. food, beverage, server, menu
__________9. post, Facebook, comment, like
__________10.ball, coach, backcourt, three pointer

Karagdagang Gawain

“Bagama’t laganap na sa mass media, mapapansin pa rin na ang wikang Filipino ay madalas na
ginagamit sa mga programa sa radyo at telebisyo, sa tabloid, at sa pelikula kung saan ang nananaig na
tono ay impormal, at waring hindi gaanong istrikto ang pamantayan ng propesyonalismo. Sa maraming
babasahin at palabas sa Filipino, ang tila nangingibabaw na layunin ay mangaliw, manlibang, lumikha
ng ugong at ingay ng kasayahan.”( Tiongson, 2012:8)

Sumasang-ayon o sumasalungat k aba sa obserbasyong ito na ang nananaig na tono ng wika sa


mass media ay impormal at hindi gaanong istrikto ang pamantayan ng propesyonalismo? Patunayan

13
ang sagot mo sa pamamagitan ng paglalahad ng mga obserbasyon mo sa kalagayan ng wika sa
sumusunod:

sa isang noontime show o pantanghaling variety show

___________________________________________
Pamagat ng Noontime Show
Obserbasyon mo sa paggamit ng wika sa programang ito.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________
sa isang programang nagbabalita o new and public affairs program
__________________________________________
Pamagat ng News and Public Affairs Program
Obserbasyon mo sa paggamit ng wika sa programang ito.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________

(Pangwakas na Pagtataya)

Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang titik na kumakatawan ng wastong sagot sa
sagutang papel.
1. Itinuturing na pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan
B. Radyo B. Facebook C. Telebisyon D. Twitter
2. Anong wika ang nangunguna sa telebisyon sa bansang Pilipinas?
B. English B. Cebuano C. Tagalog D. Filipino

3. Alin sa sumusunod ang pinakabunga ng telebisyon sa Pilipinas?


E. 99% na mga Pililipino ay nakauunawa ng Filipino
F. 10% lang na mga Pilipino ang nakauunawa ng Filipino
G. Ayaw ng mga Pilipino na matuto ng Filipino
H. Hindi Filipino ang ginagamit sa telebisyon

14
4. Ito ang dalawang pinakakilalang estasyon sa larangan ng radyo sa Pilipinas.
B. AM at PM B. FM C. AM at FM D. AM

5. Bakit tabloid ang binibili ng mga tao sa Pilipinas?


E. Dahil mura at Ingles ang wikang ginagamit kaya naman mas natututo sila sa nasabing wika.
F. Dahil mura at wikang Filipino ang ginagamit kung kaya’t mas madaling naiintindihan.
G. Dahil ito lang ang ibinibenta sa Pilipinas.
H. Dahil ito lang kayang bilhin ng mga Pilipino sa Pilipinas.

6. Ingles ang karaniwang pamagat pero Filipino ang ginagamit.


B. Pelikula B. Diyaryo C. Twitter D. Instagram

7. Ito ay pagtatalong oral na isinasagawang pa-rap. Hindi pormal at nanglalait ng kalaban.


B. Balak B. Balagtasan C. Fliptop D. Drama

8. May tanong na sinasagot ng isang bagay na madalas maiuugnay sa pag-ibig at iba pang aspekto ng
buhay
B. Balak B. Pick-up Lines C. Fliptop D. Balagtasan

9. Saan karaniwan nakikita ang hugot line?


B. Instagram B. pelikula o telebisyon C. Radyo D. Diyaryo

10. Ang wikang Filipino ay ginagamit pa rin sa kasalukuyan ayon sa mga iba’t ibang sitwasyong
pangwika.
B. Oo B. Hindi na C. Wala ng pakialam ang tao D. Hindi na naiinitindihan

Susi sa Pagwawasto

SUBUKIN TAYAIN
1. C 1. Pagtuturo/Edukasyon
2. D 2. Medical

15
3. A 3. Negosyo o accounting
4. C 4. Modelling
5. B 5. Engineering
6. A 6. Baking
7. C 7. Law/ Batas
8. B 8. Restaurant
9. B 9. Social Media
10. A 10. Basketball

Sanggunian
Dayag, Alma M., et.al. 2016. Pinagyamang Pluma Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino.

16

You might also like