Kakayahang Lingguwistiko Layunin ng Talakayan maipaliwanag ang kahulugan ng kakayahang lingguwistiko;
matukoy ang mga bahagi ng pananalita sa wikang Filipino; at
magamit ang wastong gramatika ng wika sa pagpapahayag.
Daloy ng Talakayan
Kahulugan ng kakayahang lingguwistiko at kakayahang
komunikatibo; at
Kakayahang lingguwistiko sa wikang Filipino.
Kahulugan ng Kakayahang Lingguwistiko at Kakayahan Komunikatibo Tumutukoy ang kakayahang lingguwistiko sa abilidad ng isang tao na makabuo at makaunawa ng maayos at makabuluhang pangungusap.
Pinag-iiba ng mga lingguwista at mananaliksik sa wika ng bata ang
nasabing kakayahan sa tinatawag na kakayahang komunikatibo, na nangangahulugan namang abilidad sa angkop na paggamit ng mga pangungusap batay sa hinihingi ng isang interaksiyong sosyal (Hymes 1972). Kakayahang Lingguwistiko sa Wikang Filipino
Kakabit ng kakayahang lingguwistiko ng Pilipino ang wastong
pagsunod sa tuntunin ng balarilang Filipino. Sa kasaysayan, dumaan na sa maraming pagbabago at reoryentasyon ang ating wikang pambansa na nagbunga ng pagbabago sa matandang balarila.
Tinatalakay nitó ang mga tuntunin ng
isang wika ukol sa mga uri, pagbuo at wastong paggamit ng mga salita, at pagsulat. Kakayahang Lingguwistiko sa Wikang Filipino Bahagi ng Pananalita sa Makabagong Gramatika A. Mga Salitang Pangnilalaman: 1. Mga nominal a. Pangngalan – nagsasaad ng pangalan ng tao, hayop, bagay, pook, katangian, pangyayari, at iba pa b. Panghalip – pamalit o panghalili sa pangngalan 2. Pandiwa – nagsasaad ng kilos o nagbibigay-buhay sa pangkat ng mga salita 3. Mga panuring a. Pang-uri – nagbibigay-turing o naglalarawan sa pangngalan at panghalip b. Pang-abay – nagbibigay-turing o naglalarawan sa pandiwa, pang-uri, at kapuwa pang-abay B. Mga Salitang Pangkayarian: 1. Mga Pang-ugnay a. Pangatnig – nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, o sugnay (halimbawa: at, pati, ni, subalit, ngunit) b. Pang-angkop – katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan (halimbawa: na, -ng) c. Pang-ukol – nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita (halimbawa: sa, ng) 2. Mga Pananda a. Pantukoy – salitang laging nangunguna sa pangngalan o panghalip (halimbawa: si, ang, ang mga) b. Pangawing o Pangawil – salitang nagkakawing ng paksa o simuno at panaguri (halimbawa: ay) Kakayahang Lingguwistiko sa Wikang Filipino Ortograpiya ng Wikang Filipino A.Pasalitang Pagbaybay
Paletra ang pasalitang pagbaybay sa wikang Filipino na nakaayon sa tunog-
Ingles ng mga titik, maliban sa Ñ (enye) na tunog-Espanyol.
Ibig sabihin, isa-isang binibigkas sa maayos na pagkakasunod-sunod ang
mga titik na bumubuo sa isang salita, pantig, daglat, inisyal, akronim, simbolong pang-agham, at iba pa. Pinalaganap din ang isang “modernisadong alpabeto” na ipinababása ang mga titik sa paraang Ingles, maliban sa Ñ mulang alpabetong Espanyol, gaya ng sumusunod: A /ey/, B /bi/, C /si/, D /di/, E /i/, F /ef/, G /dyi/, H /eyts/, I /ay/, J /dyey/, K /key/, L /el/, M /em/, N /en/, NG /endyi/, Ñ /enye/, O /o/, P /pi/, Q /kyu/, R /ar/, S /es/, T /ti/, U /yu/, V /vi/, W /dobolyu/, X /eks/, Y /way/, Z /zi/. Kakayahang Lingguwistiko sa Wikang Filipino Kakayahang Lingguwistiko sa Wikang Filipino Kakayahang Lingguwistiko sa Wikang Filipino Kakayahang Lingguwistiko sa Wikang Filipino B. Pasulat na Pagbaybay Narito naman ang ilang tuntunin sa pagbaybay ng mga salita, partikular sa paggamit ng walong dagdag na titik (c, f, j, ñ, q, v, x, z) para sa: 1. Pagpapanatili ng mga kahawig na tunog sa pagsulat ng mga salita mula sa mga katutubong wika sa Pilipinas. Halimbawa: palavvun (Ibanag) bugtong kazzing (Itawes) kambing jambangán (Tausug) halaman safot (Ibaloy) sapot ng gagamba masjid (Tausug, Mëranaw) gusaling samabahan ng mga Muslim Kakayahang Lingguwistiko sa Wikang Filipino “bananu” (Hudhuh) sa halip na hagdan-hagdang palayan (rice terraces) “tnalak” o ‘’t’nalak” (T’boli) habong yari sa abak ng mga Tiboli ‘’butanding’’ (Bicol) sa halip na ‘’whale shark” “cabalen” (Pampango) kababayan ”hadja” babaeng Muslim na nagsasagawa ng paglalakbay sa Mecca 2. Mga bagong hiram na salita sa mga wikang banyaga. Ang mga dating hiram na salitang lumaganap na sa baybay na ayon sa abakada ay hindi na saklaw ng panuntunang ito. Halimbawa: selfie digital detox Pagpapalit ng D Tungo Sa R; Sa kaso ng din/rin, daw/raw, ang D ay napapalitan ng R kung ang sinusundan nitong salita ay nagtatapos sa patinig o sa malapatinig na W at Y halimbawa: malaya rin mababaw raw
Nanatili ito sa D kung sa katinig naman nagtatapos ang sinusundang salita
(halimbawa: aalis din, malalim daw). Gayundin, nananatili ang D kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa –ra, -ri, -raw, o –ray halimbawa: maaari din, araw-araw daw Paggamit ng “Ng” At “Nang” May limang tiyak na paggamit ng nang: a. bilang kasingkahulugan ng noong halimbawa: “Nang dumating ang mga Amerikano sa Pilipinas, kaagad silang nagpatayo ng mga paaralan.” b. bilang kasingkahulugan ng upang o para halimbawa: “Ikinulong ni Ana ang aso nang hindi na ito makakagat pa.” c. katumbas ng pinagsamang na at ng halimbawa: “Malapit nang makauwi ang kaniyang tatay mula sa Saudi Arabia.” d. pagtukoy sa pang-abay na pamaraan at pang-abay na panggaano halimbawa: Paggamit ng “Ng” At “Nang” d. pagtukoy sa pang-abay na pamaraan at pang-abay na panggaano halimbawa: “Iniabot nang palihim ni Carl ang liham kay Christine.” “Tumaas nang sobra ang presyo ng langis.” e. bilang pang-angkop ng inuulit na salita halimbawa: “Pabilis nang pabilis ang ikot ng elisi ng eroplano.” Wastong Gamit ng Gitling (-) a. sa inuulit na salita, ganap man o hindi halimbawa: araw-araw gabi-gabi para-paraan b. sa isahang pantig na tunog o onomatopeya halimbawa: tik-tak brum-brum c. sa paghihiwalay ng katinig at patinig halimbawa: pag-aaral mag-asawa d. sa paghihiwalay sa sinusundang pangngalang pantangi halimbawa: pa-Marikina maka-Pilipino e. sa paghihiwalay sa sinusundang banyagang salita na nasa orihinal na Baybay halimbawa: mag-compute pa-encode f. sa pantig na may kakaibang bigat sa pagbigkas, partikular sa sinaunang Tagalog at sa iba pang wika sa Pilipinas halimbawa: gab-i, mus-ing lab-ong g. sa bagong tambalang salita halimbawa: lipat-bahay amoy-pawis h. sa paghihiwalay ng numero sa oras at petsang may ika- j. sa kasunod ng “di” halimbawa: halimbawa: ika-12 ng tanghali di-mahawakan di-kalakihan ika-23 ng Mayo k. sa apelyido ng babaeng nag-asawa i. at sa pagbilang ng oras, numero upang maipakita ang orihinal na man o salita, na ikinakabit sa alas- apelyido noong dalaga pa halimbawa: halimbawa: alas-2 ng hapon Genoveva Edroza-Matute alas-dos ng hapon i. sa kasunod ng “de” halimbawa: de-lata de-kolor