You are on page 1of 18

FILIPINO 103 – ARALIN 2

RETORIKA – MASINING NA PAGPAPAHAYAG

Ang Gramatika at Retorika

Salitang Syokoy
Ingat sa “Siyó koy.” Mag-ingat lang sa mga tinatawag na salitang siyó koy ni Virgilio S.
Almario, mga salitang hindi Espanyol at hindi rin Ingles ang anyo at malimit na bunga ng
kamangmangan sa wastong anyong Espanyol ng mga edukadong nagnanais magtunog
Espanyol ang pananalita. Napansin ito nang iuso ni Rod Navarro sa programa niya sa
radyo ang “konsernado,” na pagsasa-Espanyol niya ng Ingles na concerned. Pinuna ang
artistang anawnser dahil “siyokoy” ang Espanyol. Ang tumpak na anyo nitó sa Espanyol ay
konsernído (concernido). Ngunit marami siyá ng katulad sa akademya at midya. Dahil
kulang sa bantay-wika, dumami ang salitang siyokoy. Bagaman bago, mabilis kumakalat
ang mga salitang siyokoy dahil pinalalaganap ng mga sikat na artista, brodkaster,
manunulat, at akademista na limitado ang kaalaman sa wikang Espanyol.
Ilang siyokoy ngayon ang “aspeto” na hindi ang Espanyol na aspecto; “imahe” na
hindi ang wastong imahen (imagen), “pesante” na hindi ang tumpak na paisano ng
Espanyol ni ang peasant ng Ingles; “kontemporaryo” na hindi ang kontémporaneó
(contemporaneo) ng Espanyol; “endorso” na halatang naipagkakamali ang endorse ng
Ingles sa endó so ng Espanyol.
Ipinapayo ang pagkonsulta sa mapagkakatiwalaang diksiyonaryong Espanyol bago
isalin sa Espanyol ang nais sanang sabihin sa Ingles. O kayâ , huwag ikahiya ang paggamit
ng terminong Ingles kung iyon ang higit na alam: aspect, image, peasant, contemporary,
endorse. O kayâ , maaaring higit na maintindihan ng madla kung ang katapat na salita sa
Filipino ang gagamitin: mukhâ o dakò , lará wan o hulá gway, magbubukíd o magsasaká ,
kapanahó n o ná pá panahó n, pinilì o pinagtibay.
Maituturing ding siyokoy ang paraan ng paggamit sa level ng ilang akademisyan
ngayon. Binibigkas ito nang mabilis at binabaybay nang “lebél” sa pag-aakalang naiiba ito
sa Ingles na level. Hindi kasi nilá alam na ang tunay na salitang Espanyol nitó ay nibél
(nivel) at matagal nang hiniram ng ating mga karpintero. Kung nais ang Ingles, bigkasin
nang wasto ang lével (malumay) at hindi na kailangang ireispel. Tulad sa bagong pá sok sa
Filipino mulang Ingles na lével-ap (level-up). Kung nais namang higit na maintindihan,
maaaring gamitin ang Tagalog na antas gaya sa “antas primarya” at “antas sekundarya,” o
taas gaya sa “taas ng tubig sa dagat” o “taas ng karbon sa hangin.”
TALAAN NG MGA SALITANG SYOKOY AT MGA TAMANG SALITA PARA DITO
Syokoy Espanyol Ingles Filipino
adbenturero aventurero adventurer abenturero; taong mapagsapalaran
aspeto aspecto aspect aspekto; 1. mukha o panig ng isang bagay 2.
tanaw 3. lagay
bentahe ventaja advantage bentaha; lamang
boksingero boxeador boxer bakser; bokser
dayagramo diagrama diagram dayagram; krokis; banghay
dayalektika dialectica dialectics diyalektika
dayalekto dialecto dialect diyalekto; wikain, wika, salita
dayalogo dialogo dialogue diyalogo; salitaan,usapan, pag-uusap
detalya detalle detail detalye
eksperyensado (experimentado) experienced may karanasan, subok na
groserya abaceria, tienda grocery tindahan (tienda+han)
gulpo golfo gulf malaking look; agwat
intrigero intrigante intriguer intrigante
kabisado memorizado memorized isinaulo, sanay, hirati
komprehensibo comprensivo comprehensiv masaklaw
e
kritisismo critica criticism kritika, pamumuna, panunuri
misyonaryo misionero missionary misyonero
musikero musico -a musician musiko, -a, manunugtog
obhektibo objetivo objective obhetibo
panatisismo fanatismo fanaticism panatismo
parliyamento parlamento parliament parlamento, batasan
pesante paisano peasant magsasaka, magbubukid
prayoridad prioridad priority Priyoridad, prayority, pagkauna, karapatang
mauna
subhektibo subjectivo subjective subhetibo
subheto sujeto subject suheto

Wastong Gamit ng mga Salita


A. Mga salitang kalimitang napagpapalit ng gamit

1. Nang at ng (Bendalan, 2013)

Gamit ng nang
a. Katumbas ng salitang “when” sa Ingles
Halimbawa: Nang pumutok ang bulkan, marami ang nabago.

b. Tagapagpakilala ng pang-abay na pamaraan


Halimbawa: Tumakbo siya nang matulin.
c. Tagapagpakilala ng pang-abay na pamanahon
Halimbawa: Umalis siya nang maaga.

d. Tagapag-ugnay ng pandiwang inuulit


Halimbawa: Magsanay nang magsanay upang gumaling.

e. Katumbas ng “so that”, “in order to” sa Ingles


Halimbawa: Magsaya nang hindi agad tumanda.

Gamit ng ng
a. Katumbas ng “of” sa Ingles
Halimbawa: Maliwanag ang sikat ng araw.

b. Tagapagpakilala ng tagaganap ng pandiwa.


Halimbawa: Ginamot ng bata ang sugatang aso.

c. Tagapagpakilala ng layon ng pandiwa


Halimbawa: Namitas ng bulaklak ang mga hardinero.

d. Pang-ukol sa kasingkahulugan ng “sa”


Halimbawa: Umuuwi ako ng probinsya tuwing katapusan.

Ayon kay Almario (2015), isang malimit pagtaluhan kahit ng mga


eksperto sa Filipino ang wastong gamit ng ng na maikli at nang na mahabà .
May mga nagmumungkahi tuloy na alisin na ang ngat nang na lá mang ang
gamitin sa pagsulat. Isang panukalang paurong ito dahil ganoon na nga ang
ugali bago ang Balarila ni Lope K. Santos. Sa panahon ng mga Espanyol, nang
lá mang ang ginagamit sa pagsulat ng mga misyonero.
Mga Gamit ng “Nang.”
Ang higit na dapat tandaan ay ang tiyak na mga gamit ng nang at lima (5)
lá mang ang mga tuntunin:
Una, ginagamit ang nang na kasingkahulugan ng noong. Halimbawa,
“Umaga nang barilin si Rizal. Nang umagang iyon ay lumubha ang
sakit ni Pedro.”
Ikalawa, ginagamit ang nang kasingkahulugan ng upang o “para.”
Halimbawa, “Sa isip ng mga Espanyol, kailangang bitayin si Rizal
nang matakot ang mga Filipino. Dinala si Pedro sa ospital nang
magamot.”

Ikatlo, ginagamit ang nang katumbas ng pinagsá mang na at “ng.”


Halimbawa, “Pero sa isip ng mga Filipino, sobra nang lupit ang mga
Espanyol. Sobra nang hirap ang dinanas ni Pedro.”

Ikaapat, ginagamit ang nang para sa pagsasabi ng paraan o sukat


(pang-abay na pamaraan at pang-abay na panggaano). Halimbawa,
“Binaril nang nakatalikod si Rizal. Namayat nang todo si Pedro dahil
sa sakít.”

Ikalima, ginagamit ang nang bílang pang-angkop ng inuulit na salita.


Halimbawa, “Barilin man nang barilin si Rizal ay hindi siyá
mamamatay sa puso ng mga kababayan. Ginamot nang ginamot si
Pedro para gumaling.”

Ang iba pang pagkakataó n, bukod sa nabanggit na lima, ay kailangang


gamitan ng ng. Halimbawa: “Ipinabaril ng mga Espanyol si Rizal. Pinainom ng
gamot si Pedro.” Ngunit tingnan ang pagkakaiba ng dalawang pangungusap. (1)
“Pagkamartir ang katulad ng sinapit ni Rizal.” (2) “Gusto mo ba ang katulad
nang magmartir si Rizal?”
Ingatan ang Pinagdikit na “na” at “ang.”
Malimit mapagkamalang nang ang kontraksiyon ng na at ng ang, gaya sa
pangungusap na “Laganap nang himagsik pagbaril kay Rizal.” Kailangang isulat
ito nang may kudlit (’) upang ipahiwatig ang naganap na kontraksiyon ng na at
ng ang, gaya sa “Laganap na’ng himagsik pagbaril kay Rizal.”

2. May at Mayroon
Gamit ng May
a. Gamitin ang may kapag susundan ang mga sumusunod:
Pangngalan – May aklat sa ilalim ng mesa.
Pandiwa – May kumakatok sa pinto kagabi.
Pang-uri – May mahalimuyak na amoy.
Pang-abay – May tatlong taon na siyang nawawala.
Panghalip:
Panao na paari – Naroon siya sa may kaniyang silid.
Pantukoy na mga – May mga araw na makulimlim.

Gamit ng Mayroon
a. Gamitin ang mayroon kapag susundan ng mga sumusunod:
Kataga – Mayroon na bang sweldo si Gleemoore?
Panghalip na Panao na Palagyo – Mayroon ka ba nito?
Panghalip na Pamatlig – Mayroon iyang binabalak na gawin.
Pang-abay na Panlunan – Mayroon sa bundok ng ganyan.

b. Panagot sa katanungan
Halimbawa: “May proyekto ka na ba?” “Mayroon”

c. Bilang pangngalan na nangangahulugang mayaman


Halimbawa: Sa kilos pa lang makikilala na kung sino ang mayroon.
3. Kung at Kong
a. Ginagamit ang kung bilang pangatnig na panubali, “if” sa Ingles
Halimbawa: Kung uuwi ka na ay sabihan mo ako

b. Ang kong ay panghalip panao sa kaukulang paari.


Halimbawa: Ang pinakamamahal kong aso ay pumanaw na.

4. Daw/ Din at Raw/Rin


a. Ginagamit ang daw/din kapag ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa
katinig
Halimbawa: May labanan daw ng salita ang mag-asawang artista.

b. Ginagamit ang raw/rin kapag ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa


patinig.
Halimbawa: May engkwentro raw sa Basilan kamakailan.

May mga tiyak na pagkakataó n na napapalitan ng R ang D sa pagsasalita.


Halimbawa, ang dito ay nagiging rito at ang dami ay nagiging rami. Karaniwan
nagaganap ang pagpalit ng R sa D kapag napangunahan ang D ng isang pantig o
salita na nagtatapos sa A. Halimbawa, ang D ng “dito” ay nagiging R sa narito o
naririto. Ngunit nananatili ang D kapag andito o nandito. Tingnan pa ang
sumusunod:
doó n—naroó n (ngunit andoó n o nandoó n)
dá mi—mará mi (ngunit pagdá mi o dumá mi)
dá pat—mará pat, narará pat, karapatan
(ngunit karapá t-dá pat)
dú nong—marú nong, pinarú nong
(ngunit dunó ng-dunú ngan)
dupó k—marupó k (ngunit pagdupó k)
dá litâ —mará litâ (ngunit nagdá litâ o pagdará litâ )
Ang naturang pagpapalit ng tunog ay malinaw na isang paraan ng
pagpapadulas sa pagsasalita. Kayâ karaniwang ginagamit ang D sa unahan ng
salita. Sa loob ng salita, karaniwang sumusunod ito sa katinig (sandok, kordon,
bundat) samantalang higit na malimit makikita ang R sa loob ng salita lalo na’t
sumusunod sa patinig (markado, kariton, bolero, bangkero, bordador, birtud).

Kasong Din/Rin, Daw/Raw.


Ang pagpapalit ng D tungo sa R ay nagaganap sa mga pang-abay na
din/rin at daw/raw. Sang-ayon sa tuntuning pinalaganap ng Balarila, nagiging
rin ang din o raw ang daw kapag sumusunod sa salitang nagtatapos sa patinig
o malapatinig o glide (W at Y), gaya sa sumusunod:
Masaya rin— ngunit Malungkot din
Uupô raw— ngunit Aalis daw
Nabili rin—ngunit Nilanggam daw
Okey raw—ngunit Bawal daw
Ikaw raw—ngunit Pinsan daw
Ngunit sinasabi rin ng tuntunin na kapag ang sinusundang salita ay
nagtatapos sa -ri, -ra, -raw, o -ray, ang din o daw ay hindi nagiging rin o raw,
gaya sa sumusunod:
Maaari din— hindi Maaari rin
Kapara daw—hindi Kapara raw
Biray din—hindi Biray rin
Araw daw—hindi Araw raw
Walang paliwanag sa nabanggit na kataliwasan. Marahil, dahil nagiging
lubhang malamyos ang pagsasalita kapag sinundan pa ng rin o raw ang isang
salita na nagtatapos sa pantig na may R. Ngunit kahit sa tula ay hindi ito
ipinagbabawal. Sa halip, sinisikap pa ng makata ang paglikha ng ganitong
aliterasyon.
“D” Kahit Kasunod ng Patinig
Dapat ding banggitin na may salitang gaya ng dulá s at dalî na malimit na
binibigkas at isinusulat nang may D kahit may sinusundang A, gaya sa madulá s
o má dulá s [bagaman may pook na “Marulas” (madulas) at “Marilao” (madilaw)
sa Bulacan] at sa madalî, má dalìan, madaliá n. May kaso rin ng magkahawig na
salita na may nagkakaibang kahulugan dahil sa D o R, gaya sa mga pang-uring
madamdá min (tigib sa damdamin) at maramdá min (madalîng masaktan ang
damdamin). Sa ganitong pangyayari, magandang isaalang-alang ang
pinalaganap na paraan ng paggamit sa daw/raw at din/rin.
Subalit tandaan: Hindi ito dapat ituring na tuntunin sa pagsulat. Ang ibig
sabihin pa, hindi dapat ituring na pagkakamali ang paggamit ng din at daw
kahit sumusunod sa salitang nagtatapos sa patinig at malapatinig.

5. Pinto at Pintuan
Pinto ang inilalapat sa puwang upang hindi ito mapagdaanan
Halimbawa: Gusto ko ang bagong kulay ng pinto.
Pintuan ang puwang sa dingding o pader na pinagdaraanan.
Halimbawa: Huwag kang tumayo diyan sa pintuan.

6. Hagdan at Hagdanan
Hagdan ang inaakyatan at binababaan
Halimbawa: Mabilis niyang tinakbo ang mga hagdan.
Hagdanan ang kinalalagyan ng hagdan
Halimbawa: Inaalis tuwing gabi ang hagdanan ng kubo.
Hagdan lamang ang may baitang; ang hagdanan ay lalagyan ng hagdan.
Maaaring magkaroon ng hagdanang walang hagdan. May kaugnayan dito
ang dating ugaling Filipino (na hanggang ngayon ay palasak pa sa mga
nayon) na kapag iniiwan ang bahay ay tinatanggal ang hagdan at itinatago
upang mapanhikan ng hayop o magnanakaw. Kahit inalis ang hagdan ay
natitira ang hagdanan, kaya maaaring tumindig o maupo sa hagdan at
gayon din sa hagdanan (ngunit itong huli’y kapag walang hagdan).

7. Bitiw at Bitaw
Ang salitang bitiw/ bitiwan (pandiwa) ay ang pagkawala o ang pagka-alis sa
pagkakahawak ng isang bagay o pangyayari.
Halimbawa: Huwag kang bumitiw para hindi ka mawala.
Ang salitang bitaw (pangngalan) ay nauukol sa pagsasanay ng sasabunging
manok.
Halimbawa: Sa pula ang bitaw ni Mang Gusting kaya siya natalo.
Ang bitawan ay tumutukoy naman sa lugar ng pagdarausan ng salpukan ng
manok ng walang tari.
Halimbawa: May nakita akong pulitiko sa bitawan ng manok.

8. Ikit at Ikot
Ginagamit ang ikit para maipakita ang kilos na paggilid mula sa labas patungo
loob.
Halimbawa: Nakadaming ikit kami bago nakapasok sa kweba.
Ang ikot naman ay kilos mula sa loob patungo sa labas.
Halimbawa: Nakailang ikot muna kami bago makalabas sa parke.

9. Imik at Kibo
Ang imik ay ginagamit sa pagsasalita o pangungusap.
Halimbawa: Hindi siya nakaimik sa tanong ng ama.
Ang kibo ay ginagamit sa pagkilos.
Halimbawa: Hindi siya kumikibong nakaupo sa gilid.
Nota: Hindi lamang sa tao nagagamit ang kibo.
Halimbawa: Huwag niyong kibuin ang mga bulaklak sa puntod.

10. Kata at Kita


Ang kata ay ikaw at ako.
Halimbawa: Kailan kata magkasamang luluwas ng probinsya?
Ang kita ay ikaw.
Halimbawa: Pangarap kong maksama kita sa aking pag-uwi.

11. Kina at Kila


Ang kina ay maramihang kay. Walang salitang kila.
Halimbawa: Pakidala ng mga aklat kina Vilma at Jenny.

12. Taga at Tiga


Taga ang dapat gamitin. Walang unlaping tiga. Gumagamit ng gitling kapag
sinusundan ito ng pangngalang pantangi.
Halimbawa: Taga-Baguio ang bisita ng aming kapit-bahay.
Nota: Naiiba ang unlaping tig- na ginagamit kasama ng mga pambilang: tig-isa,
tigalawa, tigatlo, tig-apat, atbp.

13. Upuan, Luklukan at Likmuan


Ang salitang upuan ay masaklaw—saklaw pati luklukan at likmuan. Kahit
ano halos—bato sa aplaya, damuhan, panyo sa sahig, sahig man, atbp— ay
upuan kapag inupuan. Ang silya, silyeta, taburete, bangko, bangkito ay pawing
upuan.
Kung ukol sa isang taong dinadangal o minamataas, ang upuang pandangal
ay nagiging luklukan (seat of honor). Ang trono ng hari at reyna, ang sadyang
upuan ng propesor o guro sa klase, ang pinagpapaupuan sa pangulo o
tagapangulo ng isang kapulungan o ano mang pagtitipon ay pawing luklukan.
Ang upuang may sandalan at patungan ng kamay o alin mang ibang upuang
maaaring mahiligan sa katayuang nasa pagitan ng upo at higa, gaya ng silyon at
supa, ay tinatawag na likmuan.
Tandaan: Ang lahat ng luklukan at likmuan ay palaging upuan ngunit may
luklukang hindi likmuan at may likmuang hindi luklukan. Nakaluklok sa
luklukan ang pinaparangalan at nakalikmo sa likmuan kung nakasandal o halos
nakahiga sa pagkakasandal. Ang dalawang ayos na ito’y nakaupo rin.

14. Matulis at Matilos


Ang daliri ay matulis kung hubog-kandila, ngunit hindi matilos kailanman.
Ang lapis na bagong tasa ay matulis at an gang pinaka-dulo ay maaaring
maging matilos habang hindi pa nagagasgas sa pagsusulat. Dito’y
mapapansing ang matulis ay paliit nang paliit hanggang sa dulo, ngunit ang
pagka-matilos ay nasa kung ang dulo ng matulis ay matalas. Matulis o
patulis ang higis ng sundang ngunit matilos ang dulo. Ang karayom at aspile,
saka ang punson, ay dapat na matilos. Hindi lahat ng matulis ay matilos,
ngunit lahat ng matilos ay dapat maging matulis muna.
Ang tilos ay nasa dulo lamang. Ang tulis ay nasa hugis na paliit nang paliit
habang nalalapit sa dulo.

15. Liko at Kilo


Kay Balagtas galing ang sabing “likong pagmamahal”. Dito, sa
patayutay (figurative) na pahayag, ang salitang liko ay nangangahulugang
“mali” o “lisya” (wrong). Sa mga lansangan, tayo’y lumiliko (turn) sa
kanan o kaliwa. Ang tsuper ay dapat magpatakbo nang marahan sa
pagliko (bend) ng kalye.
Ang kilo ay hindi tuwid (crooked). Ang daan ay kilo, sa pagkayari ay
kilo, ngunit ang nagdaraan sa daang kilo ay lumiliko. Ang guhit, kung
hindi tuwid, ay kilo. Ang arko ay kilo.
Maaaring masabing ang liko ay gamit sa pagpapahayag ng mga mali
o lisyang isipan, damdamin, kalooban, kilos, lakad, takbo, lipad o galaw,
samantalang ang mga bagay na kilo ay walang-galaw o kilos sa
pagkakakilo.
Tandaan: Liku-liko ang pag-iisip o lihim at masamang hangarin;
kilu-kilo ang landas sa gilid ng bundok. Paliku-liko ang takbo ng bus
sapagkat kilu-kilo ang daan. Sabihin sa kutsero: Lumiko ka sa kanan.
Sabihin sa panday, ikilo mo ang bakal.

16. Tunton, Tuntong at Tungtong


Ang tunton (trail, trace) ay ugat ng tuntunin (rule), alituntunin o
reglamento (regulation) at palatuntunan, na itong huli’y karaniwang may
kahulugang belada, palabas o programa at sa ibang pagkakataon ay
ginagamit sa kahulugang batayang plataporma (basic platform). Ang
pandiwang tuntunin ay nangangahulugang “bakasin o paghanapin sa b
akas o guhit”.
Ang tuntong, na gawa ng paa ay kamag-anak na yapak, tapak, apak,
at ugat ng tuntungan na maaaring baitang o pedestal, at ng pandiwang
tuntungan (to step on).
Ang tungtong ay panakip sa palayok o kawali, at karaniwang yari sa
lupang malagkit na katulad ng palayok na tinutungtungan o tinatakpan.

B. Mga Pang-ugnay na pinagpapalit

1. Kapag at Kung
Ipinakikilala ng kapag ang isang kalagayang tiyak.
Halimbawa: Umuuwi siya sa probinsya kapag bakasyon niya.
Ipinakikilala ng kung ang di-katiyakan ng isang kalagayan.
Halimbawa: Hindi niya tiyak kung sa Sabado o Linggo siya uuwi.
2. Kung Di at Kundi
Ang kung di ay galling sa salitang “kung hindi o “if not”.
Halimbawa: Wala ka na sanang dadatnan kung di ka pa dumating.
Ang kundi naman ay “except”.
Halimbawa: Walang sinuman ang makagagawa nito kundi siya lamang.

3. Habang at Samantalang
Ginagamit ang habang sa kalagayang walang tiyak na hangganan o “mahaba".
Halimbawa: Magtiis mamaluktot habang maiksi ang kumot.
Ginagamit naman ang samantalang sa kalagayang may taning, o
“pansamantala”.
Halimbawa: Makikitira muna ako sa bahay nina Kuya samantalang wala
pa akong tawag mula sa bago kong amo.

4. Dahil, Dahil sa/ Dahil kay at Dahilan


Ang dahil ay pangatnig.
Halimbawa: Hindi siya nakasama dahil sumakit ang tiyan niya
Ang dahil sa o dahil kay ay pang-ukol.
Halimbawa: Hindi siya nakasama dahil sa sakit ng tiyan niya.
Ang dahilan ay pangngalan.
Halimbawa: Sakit sa tiyan ang dahilan ng pagka-ospital niya.
Nota: Mali ang dahilan sa, pang-ukol o pangngalan man.
C. Mga Pandiwang Magkapareho ang Ugat ngunit Magkaiba ang mga
Panlapi

1. Abutan at Abutin
Abutin ang isang bagay.
Halimbawa: Abutin mo ang iyong pangarap.
Abutan ng isang bagay.
Halimbawa: Abutan mo ng tulong ang kapatid mo.

2. Bumili at Magbili
Ang bumili ay “to buy”
Halimbawa: Mainam bumili ng sariwang strawberry sa La Trinidad.
Ang magbili ay “to sell” o magbenta.
Halimbawa: Ang pangunahing ikinabubuhay ng mga taga-Benguet
ay magbili ng sarili nilang tanim na gulay.

3. Hatiin at Hatian
Ang hatiin ay partihin o “to divide”
Halimbawa: Hatiin mo sa sampung bahagi ang pizza.
Ang hatian ay ibahagi o “to share” sa Ingles.
Halimbawa: Hatian natin ang lahat, maging ang mga wala ngayon.

4. Ibayad at Ipagbayad
Ang ibayad ay pagbibigay ng bagay bilang kabayaran.
Halimbawa: Paglalaba ang ibabayad ko sa hiniram kong pera.
Ang ipagbayad ay pagbabayad para sa ibang tao
Halimbawa: Ipagbayad mo nga muna ako sa aking check-up.

5. Kumuha at Manguha
Ang kumuha ay “to get”
Halimbawa: Kumuha siya ng mga aklat na babasahin sa byahe.
Ang manguha ay “to gather, to collect”
Halimbawa: Mangunguha muna kami ng datos mula sa barangay
para sa aming ginagawang papel bago magbakasyon.

6. Linisin at Linisan
Linisin ang isang bagay na maaaring tanggalin
Halimbawa: Linisin ninyo ang mga kalat bago pa man may madulas.
Linisan ang pook o lugar
Halimbawa: Linisan ninyo ang bahay at darating na ang may-ari.

7. Magsakay at Sumakay
Ang magsakay ay magkarga o “to load”
Halimbawa: Nagsakay ng sampung basket ng patatas ang Pajero.
Ang sumakay ay “to ride”
Halimbawa: Sumakay na tayo sa anumang daraang bus.

8. Napakasal at Nagpakasal
Ang napakasal ay “got married”
Halimbawa: Napakasal ang kapitan sa kaniyang sekretarya.
Ang nagpakasal ay “caused the wedding”
Halimbawa: Ang mayor ang nagpakasal sa dalawang empleyado.

9. Operahin at Operahan
Ang operahin ay para sa tiyak na bahagi ng katawan ng titistisin.
Halimbawa: Ooperahin bukas ang bukol sa dibdib ni Charlie
Ang operahan ay tumutukoy sa taong titistisin.
Halimbawa: Inoperahan si Clem sa tainga noong nakaraang taon.

10. Pahirin at Pahiran


Ang pahirin ay pag-aalis o “to wipe off”
Halimbawa: Pahirin mo ang dungis sa mukha ng bata.
Ang pahiran ay paglalagay o “to apply something”
Halimbawa: Pahiran mo ng langis ang iyong namamagang likod.

11. Subukin at Subukan


Ang subukan ay pagtingin nang palihim.
Halimbawa: Ayaw kong subukan ang ginagawa nila ‘pag wala ako.
Ang subukin ay pagtikim o pagkilatis.
Halimbawa: Subukin mo ang tatag ng kaniyang pananampalataya.
Subukin natin ang kaibahan ng bagong produkto nila.

12. Walisin at Walisan


Walisin ang isang bagay na maaaring tangayin ng walis.
Halimbawa: Walisin nga ninyo ang mga tuyong dahon sa bakuran.
Walisan ang pook o lugar
Halimbawa: Sana ay mawalisan ang aklatan dahil maalikabok na.

Nota: May mga pandiwang pareho ang anyo sa isang kapanahunan.


Halimbawa:

Pandiwa Pang-nakaraan Pang-kasalukuyan Pang-hinaharap


subukin sinubok Sinusubok susubukin
subukan sinubok Sinusubukan susubukan

You might also like