You are on page 1of 4

Department of Education

Region VIII
Division of Leyte
Matalom South District
Saint Joseph Academy of Leyte, Inc.

Grade 7 - FILIPINO
Week 1
Lesson 2: ANTAS NG WIKA
ACTIVITY SHEET
General Reminders: Use this activity sheet with care. Do not put unnecessary mark/s on any part of the activity sheet. Use a
separate sheet of paper in answering the exercises. Read the directions carefully before doing each task. Return this activity
sheet to your teacher/facilitator once you are through with it.

Layunin: Nakasusuri sa antas ng wika batay sa pormalidad na ginamit sa pagsulat ng awiting-bayan (balbal, kolokyal,
lalawiganin, pormal) F7WG-IIa-b-7

GAWAIN A
Panuto: Piliin ang titik nang tamang sagot. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Salitang karaniwang ginagamit sa mga kalye kaya’t madalas na tinatawag ring salitang kalye.
a. Balbal b. Kolokyal c. Lalawiganin d. Pormal
2. Uri ng salitang di-pormal kung saan ito ay ginagamitan ng pagpapaikli o pagkakaltas ng ilang titik sa salita upang
mapaikli ang salita o kaya’y mapagsama ang dalawang salita.
a. Pormal b. Balbal c. Kolokyal d. Lalawiganin
3. Salitang karaniwang ginagamit sa pakikipag-usap sa mga kakilala o kaibigan.
a. Balbal b. Pormal c. Lalawiganin d. Di-pormal
4. Ang mga salitang ito ang ginagamit sa paaralan, panayam, seminar, gayundin sa mga aklat, ulat at iba pang usapan o
sulating pang-intelektuwal.
a. Pormal b. Balbal c. Kolokyal d. Lalawiganin
5. Karaniwang ginagamit sa mga lalawigan o probinsiya kaya’y partikular na pook kung saan nagmula o kilala ang wika.
a. Balbal b. Pormal c. Lalawiganin d. Kolokyal

GAWAIN B
Panuto: Suriin ang barayti ng wikang ginamit sa pangungusap. Kilalanin ang salitang may salungguhit kung ito ay balbal,
kolokyal, lalawiganin, o pormal. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Ugaling kung ikaw hidlawon ang payaw imo lang lantawon.”


2. “Kung tanawin ay nakaliligaya, may ningning at tangi at dakilang ganda.”
3. Napakaganda ng bebot na nagbabakasyon kina Aling Selya.
4. Ang mga dalagang Pilipina ay tunay na mahinhin at mayumi.
5. Ay, ay! Kalisud, kalisud sang binayaan.Adlaw gab-I firmi kita guinatangisan.”

Dalawang uri ng antas ng Wika

1. Mga Salitang Impormal O Di-Pormal - ito ay mga salitang karaniwang ginagamit sa pakikipag-usap sa mga kakilala o
kaibigan.

Tatlong Uri Ng Salitang Di-Pormal

A. Balbal (Slang) - ang tawag sa mga salitang karaniwang ginagamit sa mga kalye kaya’t madalas na tinatawag ding salitang
kanto o salitang kalye. Nabibilang ang mga salitang ito sa di-pormal na uri ng salita kaya’t karaniwang hindi
ginagamit sa mga pormal na pagtitipon o pagsulat.

Paraan Upang Makabuo Ng Salitang Balbal

a. Ito ay nabubuo sa pamamagitan ng pagkuha sa huling dalawang pantig ng salita.


Halimbawa: Amerikano-Kano

b. Pagbaliktad sa mga titik ng isang salita


Halimbawa: tigas-astig

c. Pagkuha ng salitang Ingles at pagbibigay rito ng ibang kahulugan


Halimbawa: toxic-ang ibig sabihin ay busy o maraming trabaho

d. Pagbibigay kahulugan mula sa katunog na pangalan


Halimbawa: Carmi Martin na ang kahulugan ay karma

Iba pang halimbawa:


1. Yosi-sigarilyo 3. Erpat-tatay, ama
2. Ermat-nanay, ina 4. Utol-kapatid

B. Kolokyal- ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipag-usap.Ito ay madalas na ginagamitan ng papaikli o pagkakaltas ng


ilang titik sa salita upang mapaikli ang salita o kaya’y mapagsama ang dalawang salita.

Halimbawa:
Pa’no mula sa paano kelan mula sa kalian
P’re mula sa pare meron mula sa mayroon
Te’na mula sa tara na nasan mula sa nasaan

Paraan o bahagi pa rin ng barayting ito ang dalawang wika tulad ng tagalog at Ingles o Taglish o Tagalog-Espanyol

Halimbawa:
A-attend ka ba sa birthday ni Lina? (TAglish)
Hindi, may gagawin kami sa eskwelahan. (Tag-Espanyol)

C. Lalawiganin- ito ay mga salitang karaniwang ginagamit sa mga lalawigan o probinsiya o kaya’y particular na pook kung
saan nagmula o kilala ang wika. Kapansin-pansing ang mga lalawiganing salita ay may taglay na kakaibang
tono o bigkas na maaaring magbigay ng ibang kahulugan nito.
Halimbawa:
ambot mula sa salitang Bisaya na ang ibig sabihin ay “ewan”
kaon mula sa salitang Bisaya na ang ibig sabihin ay “kain”
biag mula sa salitang Ilocano na ang ibig sabihin ay “buhay”
ngarud mula sa salitang Ilocano na katumbas ng katagang “nga”

2. MGA SALITANG PORMAL- mga salitang istandard dahil ang mga ito ay ginagamit ng karamihan ng mga nakapag-aral sa
wika. Ito ang mga salitang ginagamit sa paaralan, sa panayam, seminar,gayundin sa mga aklat, ulat, at sa iba pang
usapan o sulating pang-intelektuwal.

Halimbawa:
a. Maybahay sa halip na waswit
b. Ama at ina sa halip na erpat at ermat
c. Salapi o yaman sa halip na datung

Kabilang din sa uring ito ang masisining na salitang tulad ng mga tayutay na lalong nagpaparikit sa pagkakagamit ng wika.
Halimbawa:
a. “Ang kinis ng kanyang buhok ay nakikipag-agawan sa nagmamanibalang na mangga.”
b. “Ang bilugang pisngi’y may biloy na sa kanyang pagngiti’y binubukalan mandin ng pag-ibig.
Mula sa “Ang Dalaginding”
Ni Inigo Ed Regalado

Gawain A
Panuto: Isulat ang mga salitang sinalungguhitan sa hanay B. Tukuyin kung anong antas ng wika ito napabilang
(Balbal, Kolokyal, Lalawiganin, Pormal ) at isulat sa hanay C. ( Ang guro ay magbibigay ng hiwalay na
pahina para sa gawaing ito.)
HANAY A HANAY B HANAY C
BAHAGI NG AWITING-BAYAN SALITA ANTAS NG WIKA
Ang Dalagang Pilipina
Ang dalagang Pilipina
Parang tala sa umaga
Kung tanawin ay nakaliligaya
May ningning at tangi at
Dakilang ganda
Dandansoy
Dandansoy, bayaan ta ikaw
Pauli ako sa payaw
Ugaling kung ikaw hidlawon
Ang payaw imo lang lantawon
BEBOT
Bebot, bebot
Be bebot, bebot
Be bebot, bebot be
Ikaw ang aking
Bebot, bebot
Gawain B
Panuto: Tukuyin ang antas ng wika na ginamit sa mga salitang nakasulat ng may salungguhit. Isulat kung ito ay Balbal,
Kolokyal, Lalawiganin at Pormal. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel o notbuk.

Masayang-masaya ako sa ibinigay na(1) tipar ng aking mga magulang (2)Dehins ko malilimutan ang pangyayaring
ito sa buong buhay ko. Maraming mga bisita at kaibigan ang dumalo at nagbigay sa akin ng mga pagbati, kasama na rito ang
aking( 3) matalik na kaibigang si Ana na simula pa sa aking pagkabata ay kasama ko sa malungkot at masayang alaala ng
aming kamusmusan. Hindi ko rin inaasahan ang regalong ibinigay ng (4)utol kong si Ariel na laptop na matagal ko ng hinihingi
sa kanya na magagamit ko sa aking pag-aaral.Hindi rin nagpahuli sa pagbibigay ng payo ang aking (5)iyaan na si Tiya Margene
na ayon sa kanya na laging tandaan (6)”ang pag-aasawa ay hindi parang kaning isusubo na kapag napaso ay puwede ng
iluwa.”Natatawa na lamang akong sumagot na malayo pa po sa isip ko ang (7) lumagay sa tahimik sapagkat ako ay (8)bagets
pa at malayo pa sa aking isipan ang tungkol sa (9)kaminyuon. Sa pagbibigay ng mensahe ng aking magulang ay (10)emote
na emote ako at hindi ko napigilan ang pagpatak ng luha sa aking mga mata sa labis na kaligayahan, ala-alang iingatan
hanggang sa aking pagtanda.

Gawain 1
Panuto: Sumulat ng kwento batay sa iyong sariling karanasan. Gumamit ng mga salita na may iba’t ibang antas ng wika at
salungguhitan ito, pagkatapos ay tukuyin ito kung anong antas ng wika.

____________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

You might also like