You are on page 1of 8

M2 FILIPINO 7

GAWAING PAMPAGKATUTO (LAS) No. 3

IKALAWANG MARKAHAN
SY. 2021-2022

Pangkalahatang Panuto: Kopyahin ang lahat ng nakasulat sa isang buong papel. Huwag sulatan ang LAS.

Activity Title: Antas ng Wika

Learning Nakasusuri sa antas ng wika batay sa pormalidad na ginamit sa pagsulat ng awiting-
Target: bayan (balbal, kolokyal, lalawiganin, pormal) (F7WG-IIa-b-7)
References: SLM Filipino 7 Q2 Modyul 2 v5

GAWAIN 1
Panuto: Basahin ang ilang bahagi ng awiting-bayan at suriin ang mga antas ng wikang ginamit sa
mga salitang may salungguhit. Isulat ang titik nang tamang sagot sa sagutang papel.

_____ 1. “Dandansoy, bayaan na kita. Babalik ako sa payaw.”

a. Pormal b. Balbal c. Kolokyal d. Lalawiganin

_____ 2. Ikaw ang aking bebot.

a. Balbal b. Pormal c. Kolokyal d. Lalawiganin

_____ 3. “Ang dalagang Pilipina, parang tala sa umaga, kung tanawin ay nakaliligaya.”
a. Pormal b. Balbal c. Kolokyal d. Lalawiganin

_____ 4. “Si Pelimon, si Pelimon nangisda sa karagatan, nakahuli, nakahuli ng isdang

tambasakan, ang kaniyang huli ay guibaligya sa munting palengke.”
a. Balbal b. Pormal c. Kolokyal d. Lalawiganin

_____ 5. “O aking mahal, nasan ngayon ang iyong habag? Bakit di mo lingapin ang pusong
nagdurusa?”
a. Pormal b. Balbal c. Kolokyal d. Lalawiganin

Inihanda:
JANICE P. GALORIO
Filipino Teacher MILDRED P. CELLERO
Master teacher II

RENE ABARQUEZ, Ed.D

School Head

Binuni-Demologan National High School
Binuni, Bacolod, Lanao del Norte
FILIPINO 7
INFORMATION SHEET No. 2

Basahin at unawaing mabuti ang PAKSA tinatalakay:

Dalawang Uri ng Antas ng Wika

1. Impormal o Di-pormal
 Ito ay mga salitang karaniwang ginagamit sa pakikipag-usap sa mga kakilala o kaibigan.

Mga Uri ng Salitang Di-pormal

Balbal – ang tawag sa mga salitang karaniwang ginagamit sa mga kalye kaya’t madalas na
tinatawag ding salitang kanto o salitang kalye.

Paraan upang makabuo ng salitang balbal:

 Pagkuha sa huling dalawang pantig ng salita

Halimbawa:

Salita Salitang Balbal

Amerikano Kano

 Pagbaliktad sa mga titik ng isang salita

Halimbawa:

Salita Salitang Balbal

tigas astig

 Pagkuha ng salitang Ingles at pagbibigay rito ng ibang kahulugan

Halimbawa:

Salita Salitang Balbal

toxic (nakalalason) toxic (busy o maraming trabaho)

 Iba pang halimbawa

Salita Salitang Balbal

sigarilyo yosi

nanay / ina ermat

kapatid utol

a. Kolokyal – ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipag-usap. Ito ay madalas na ginagamitan ng pagpapaikli o pagkakaltas sa ilang titik ng
salita.
Halimbawa:

Salita Salitang Kolokyal

pare pre

tara na tena

mayroon meron
 Bahagi pa rin ng kolokyal ang dalawang wika tulad ng Tagalog at Ingles o ‘Taglish’, at Tagalog-Espanyol na pinagsama sa paraan ng
pananalita at pagsulat.
Halimbawa:

Tagalog-Ingles Tagalog-Espanyol

(Kolokyal) (Kolokyal)

A-attend ka ba sa birthday ni Lina? Hindi, may gagawin kami sa eskwelahan.

b. Lalawiganin – mga salitang karaniwang ginagamit sa mga lalawigan, probinsiya o kaya’y sa partikular na pook kung saan nagmula o
kilala ang wika. Ito ay may taglay na kakaibang tono o bigkas na maaaring magbigay ng ibang kahulugan nito.
Halimbawa:

Salita Salitang Lalawiganin

maganda chada (Cebuano-Cagayan de Oro)

bahay balay (Cebuano-Bisaya)

buhay biag (Ilokano)

mahal kita gipangga taka (Bisaya)

2. Pormal
 Ito ay mga salitang istandard dahil ginagamit ito ng karamihan na nakapag-aral sa wika. Ito ang mga salitang ginagamit sa paaralan,
panayam, seminar, gayundin sa mga aklat, ulat, at sa iba pang usapan o sulating pang-intelektuwal.
Halimbawa:

Salitang Pormal

maybahay silid-aklatan paaralan

ama at ina pagmamahal kaibigan

salapi o yaman karunungan

 Kabilang din sa pormal na antas ng wika ang masisining na salitang tulad ng mga tayutay na lalong nagpapaganda sa pagkagamit ng
wika.
Halimbawa:

Pormal

1. Ang batang nagsusunog ng kilay ay kinagigiliwan ng mga magulang.

2. Timba-timbang luha ang umaagos sa mga mata nang pumanaw ang kaniyang
mahal sa buhay.
M2 FILIPINO 7
GAWAING PAMPAGKATUTO (LAS) No. 4
IKALAWANG MARKAHAN
SY. 2021-2022

Pangkalahatang Panuto: Kopyahin ang lahat ng nakasulat sa isang buong papel. Huwag sulatan ang LAS.

Activity Title: Kulturang Nakapaloob sa Awiting-bayan

Learning Nasusuri ang kulturang nakapaloob sa awiting-bayan (F7PB-IIi-12)
Target:
References: SLM Filipino 7 Q2 Modyul 2 v5

GAWAIN 2
Panuto: Basahin ang isang halimbawa ng awiting-bayan ng Kabisayaan na “Ay, Ay Kay Lungkot,”
isinalin sa Filipino mula sa orihinal na awiting “Ay, Ay Kalisod.” Unawaing mabuti ang mga tanong.
Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

Ay, Ay Kay Lungkot

Ay, ay kay lungkot Ay, cielo azul
Kay lungkot ng iniwanan Ay, saan ka na ba?
Araw-gabi Tulungan, saklolohan.
Lagi kitang tinatangisan. Ang nabilanggo kong pag-ibig

Ay, ay Inday Mabuti pa ang mamatay

Puro isang kabiguan Ang halos nang mamatay
Wala, walang-wala Nang ‘di ko maalalang
Ni anomang kasiyahan. Wala akong ligaya.

______ 1. Ano ang kahulugan ng salitang cielo azul sa awiting-bayan?

a. alapaap at bughaw c. bughaw at asul

b. alapaap at himpapawid d. bughaw at himpapawid

______ 2. “Araw at gabi, lagi kitang tinatangisan.” Ano ang kahulugan ng salitang tinatangisan?
a. iniisip b. iniiyakan c. hinahanap d. kinakausap

______ 3. Anong kaugalian ng isang dalagang taga-Bisaya ang masasalamin sa unang saknong ng
awit?
a. Paiyakin palagi c. Kaakit-akit ang isang dalaga.
b. Labis-labis kung magmahal d. Iyakin ang dalagang taga-Bisaya.

______ 4. Sa panghuling saknong ng awit, ano ang tinutukoy na nabilanggo?

a. Dalaga b. Pag-ibig c. Magnanakaw d. Manloloko

______ 5. Binanggit sa awitin ang pangalang “Inday,” ano ang kaugnayan nito sa kultura ng mga
taga-Bisaya?
a. ang inday ay magandang pakinggan
b. ang pangalan ng dalaga na tinutukoy sa awit
c. ang tawag sa mga kababaihan na nakatira sa Kabisayaan
d. ang napiling pangalan ng may-akda sa sinulat na awiting-bayan

INFORMATION SHEET No. 3

Basahin at unawaing mabuti ang PAKSA tinatalakay:

Kulturang Nakapaloob sa Awiting-bayan

Laganap sa Pilipinas lalo na sa Kabisayaan, ang mga “awiting-bayang” tinatawag din nilang “awit-pambayan.” Ang mga
ito ay nagsimula bilang mga tulang-bayan na mula sa madamdaming pananalitang may kaugnayan sa awit at sayaw. Ang mga ito
ay nagpasalin-salin sa bawat henerasyon hanggang nakarating sa ating panahon ngayon. Sa pamamagitan ng mga awiting-bayan,
maaaring matuklasan ang katayuan ng kabihasnan ng ating mga ninuno noong kauna-unahang panahon.
Ang awiting-bayan ay isang masining na paraan ng pagpapa-
hayag ng sariling opinyon at saloobin. Gayundin, ito‟y isang paraan ng pagpapahayag ng pagpapatibay at pagpapaunlad ng
sariling pagkakikilanlan.

Ang Kabisayaan ay nagtataglay ng makulay at mayamang kultura at tradisyon na lalo pang pinaniningning ng mga
katutubong panitikan. Nakatampok dito ang mga awiting-bayang Bisaya o Visayan folksongs.

Nanatiling paksa ng mga awiting-bayan ang katutubong kultura. Pinaksa ng mga awiting-bayan ang tungkol sa damdamin
ng tao, paglalarawan at pakikitungo sa kapaligiran, kahalagahan ng paggawa, kagandahan ng buhay, pananalig, pag-asa, pag-
ibig, kaligayahan, kalungkutan, at paglalahad ng iba‟t ibang ugali at kaugalian.

1. Awit – Pambata
 Karaniwang inaawit ang mga ito habang naglalaro ang mga bata.
 Kabilang dito ang hele, awit paghihinagpis, at awit ng ulila.

Hele sa Batang Lalaki Hele sa Batang Babae

Hele-hele si Nonoy Hele-hele si Inday

Nonoy kong palangga Inday kong palangga
Itigil nang pag-iyak Tapusin ang pag-iyak
Pahirin ang iyong luha. Pahirin ang iyong luha.

2. Awit – Panghanapbuhay
 Ang mga awit na ito ay nauukol sa karaniwang pangingisda at pagtatanim na siyang pangunahing hanapbuhay ng
mga mamamayan sa Kabisayaan.
 Halimbawa nito ay ang “biray” – isang ritwal na isinasagawa sa Antique tuwing unang Linggo ng Mayo upang
humiling ng ulan sa Sto. Niňo.

Kung Tag-ani
Biray
Masayang walang kapantay
Ganito ang pagbibiray Kung tag-ani ng makan
Bibira-bira sa dagat Sa lahat ng kabahayan
‘Di hamak siyang matulin Umaawit ang naninirahan.
Talo pa si hanging Habagat.
3. Awit sa Inuman
 Ito ang mga awiting masaya na nagiging palipasan ng pagod at kabiguan o ekspresyon ng likas na pagiging
pagkamasayahin ng mga Ilonggo, Antiqueño, at Aklanon.

Ang Dilis

Ang isdang dilis

Masarap pampulutan
Maski hilaw
Ilahok lang.

Ilan pang mga uri ng awiting-bayang laganap sa bansa:

o Balitaw – awit ng pag-ibig na ginagamit sa panghaharana ng mga Bisaya

o Kundiman – awit ng pag-ibig sa mga Tagalog
o Dalit – awit panrelihiyon
o Diyona / Diona – awit sa pamamanhikan o kasal
o Dung-aw – awit sa patay
o Kumintang – awit sa pakikidigma o pakikipaglaban
o Kutang-kutang – karaniwang inaawit sa mga lansangan

o Soliranin – awit sa paggaod o pamamangka

o Maluway – awit sa sama-samang paggawa
o Oyayi / Hele – awiting panghele o pampatulog ng bata
o Pangangaluwa – awit sa araw ng patay ng mga Tagalog.
o Sambotani – awit ng pagtatagumpay
o Talindaw – ibang katawagan sa awit ng pamamangka

You might also like