You are on page 1of 5

KWEZHONS:

1.). Ayon sa manunulat ano ang kahulugan ng wika?


- Ang wika ang kasangkapan ng komunikasyon. Dahil sa wika ay nakapamumuhay
ang tao sa isang lipunan. At ang uri ng lipunang kinabibilangan niya ay lubhang
nakaaapekto sa kaniyang wika (Catacataca, 1989).

2.) Ano pagkakaiba ng dayalektong/wikang balbal at kolokyal?


(Kolokyal- mas common daw sya gamiton sa mga taw kaysa balbal. Mga salitang
ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan ngunit may kagaspangan at
pagkabulgar. Ang kolokyal ay salitang pinaikli na gaya ng Nasaan ay nagiging nasan.)
(Balbal- Ang salitang balbal ay mga salitang hindi pormal o salitang kalye na ginagamit
na may iilan lamang ang nakakaalam halimbawa ay lespu na ang ibig sabihin ay pulis)

a. Balbal o slang

- ay tinatawag na salitang kanto o salitang kalye. Ito ng di-pamantayang paggamit ng


mga salita sa isang wika ng isang partikular na grupo ng lipunan.

PORMAL BALBAL
Pulis Lespu

Takas Iskapo

Tatay Erspats

Bakla Jokla

Mapapel Epal

Pagkain Chibog

Kotse Tsikot

b. Kolokyal

- mga salitang ginagamit sa pang araw-araw na pakikipagtalastasan ngunit may


kagaspangan at pagkabulgar, bagama't may anyong repinado at malinis ayon sa kung
sino ang nagsasabi

PORMAL KOLOKYAL
Aywan Ewan

Piyesta Pista

Nasaan Nasan
Saan ba? San ba?

3.)Ano ang masasabi mo sa Mother Tongue- Based Multilingual Education (MTB-MLE)?


- Ito ay isang programa na nagtuturo ng wika o diyalekto ng isang lalawigan sa mga mag-
aaral galing sa ika unang baitang hanggang sa ika-tatlong baitang

4.) Ano importansya ng Wikang Pambansa ng isang bansa?


-Ginagamit sa pakipagtalastasan at pakikipag-ugnayan ng bawat mamamayan. Ang
ekonomiya ay hindi lalago o uunlad kung ang mga tao ay hindi nagkakaisa at
nagkakaintindihan.Ating itaguyod ang paggamit ng wikang pambansa para sa kaunlaran
na rin ng ating bansa.

5.)Ano ang paksang nakapaloob sa isinagawang panayam kay Pangulong Duterte? Ano ang
wikang ginamit?
- Ang answer daw aning first question kay naa sa video/pic tas ang second kay wikang
opisyal kay tungod gilahad ang panayam sa media.

6.)Anong uri ng wika ito: “Namomoot ako sa imo.”?


- Wikang lalawiganin dahil ang mga salitang ito ay ginagamit sa mga lalawigan katulad
nang Bicol. Ang mga salita ay salitang Bikolano at ang pangungusap ay
nangangahulugang umiibig ako sa’yo.

7. Itinuturing bang bilinggwalismo ang TagLish?


- Hindi

8. Bakit multilinggal ang Pilipinas?


- Ang Pilipinas ay isang bansang multilingguwal. Mayroon tayong mahigit 150 wika at
wikain kaya naman bibihirang Pilipino ang monolingguwal. Karamihan sa ating mga
Pilipino ay nakakapagsalita at nakakaunawa ng Filipino, Ingles, at isa o higit pang wikang
katutubo o wikang kinagisnan.

9. Ano ang pagkakaiba ng ponema at morpema?


a. Morpema
- Ang morpema ay ang pinakamaliit na yunit ng isang salita na nagtataglay ng kahulugan.
Ang ponema ay isa sa mga yunit ng tunog na nagpapakita ng kaibahan ng isang salita
mula sa isa pang salita ng partikular na wika.

b. Ponema
- Ang ponema ay isa sa mga yunit ng tunog na nagpapakita ng kaibahan ng isang salita
mula sa isa pang salita ng partikular na wika.

Halimbawa:

Maestro - Maestra

Abogado - Abogada
Tindero - TIndera

Angelito - Angelita

10. Katangian ng wika

- Ang wika ay dinamiko

- Ang wika ay kaugnay ng kultura

- Ang wika ay natatangi

- Ang wika ay sinasalitang tunog

- Ang wika ay arbitraryong simbolo ng mga tunog

- Ang wika ay masistemang balangkas

11. Bakit mahalaga ang wikang ingles at filipino sa ating bansa? (nalimot nako sa full question
pero kana ang gipasabot)

12. Ano ang kahulugan ng wika ayon kay Gleason? (i explain nnyo ang gi sulti ni gleason kato
naas module 1 kato iya definition sa wika)

13. Ano ang pagkakaiba ng balbal at lalawiganin.

a. Balbal
- ay tinatawag na salitang kanto o salitang kalye. Ito ng di-pamantayang paggamit ng
mga salita sa isang wika ng isang partikular na grupo ng lipunan.

PORMAL BALBAL
Pulis Lespu

Takas Iskapo

Tatay Erspats

Bakla Jokla

Mapapel Epal

Pagkain Chibog

Kotse Tsikot

b. Lalawiganin
- ang ginagamit na wika sa ma tiyak at partikular na pook at lalawigan. Makikita ito sa
pagkakaiba ng mga punto at tono sa pagsasalita.

14. Ano ang mga antas ng wika?


1. Balbal

- ito ang pinakamababang antas. Ito ay binubuo ngmga salitang kanto na sumusulpot sa
kapaligiran / ginagamit salansangan.

2. Kolokyal

- ito ang wikang sinasalita ng pangkaraniwang tao ngunit bahagya ng tinatanggap sa


lipunan. Ang mga ganitong salita ay natural na phenomenon ng pagpapaikli ng mga
salita upang mapabilis ang daloyng komunikasyon

3. Lalawiganin

- kabilang sa antas na ito ang mga salitang katutubo sa lalawigan.

4. Pambansa

- salitang madalas gamitin sapagkat nauunawaan ng buong bansa. Ito ay isang wika na
natatanging kinakatawan ang pambansang pagkakilanlan ng isang lahi o bansa. Ang mga
salitang itoginagamit sa mga aklat, babasahin at sirkulasyong pangmadla. Ito rinang
wikang ginagamit sa paarala at sa pamahalaan.

5. Pampanitikan

– Ito ang antas na may pinakamayamanguri. Madalas ito ay ginagamitan ng mga salitang
may ibapang kahulugan. Idyoma, eskima, tayutay, at iba't ibangtono, tema, at punto ay
ginagamit sa pampanitikan.

15. Kompyutin mo ang asset at liabilities upang makuha mo ang capital. Ano ang wikang
ginagamit?
-Ang uri ng wikang ginamit dito ay register ng wika. Ang register ng wika ay isang uri ng
wika na ginagamit sa mga trabaho. Ang mga terminolohiyang "asset", "liabilities", at
"capital" ay isa sa mga halimbawa ng register ng wika. Kadalasang ginagamit ang mga
ito sa mga propesyong may kinalaman sa pera o pagbabadyet.

16. Kailan masasabing may nabubuong panibagong wika mula sa dating iisang wika?
- Masasabi na mabubuo ang panibagong wika kapag ang isang salita ay nag kakaroon ng
ibang kahulugan at nakakabuo ng ibang salita na kaugnay nito mula sa dating iisang
wika.

17. Bakit mahalagang ituring na magkakapantay ang mga wika sa Pilipinas?


- Maituturing na magkakapantay ang mga wika sa Pilipinas dahil magkakatulad silang
itinuturing na yaman ng bansa. Dapat igalang ang kahalagahan ng bawat wika dahil ito
ang nagsisilbing daan ng ugnayan ng mga mamamayan sa isang partikular na lugar.
18. Ano ang pagkakaiba ng wika at diyalekto?
- Ang pinagkaiba ng wika at diyalekto ay: ang wika ay ang salitang ginagamit sa isang
bansa o lugar. Ang diyalekto ay sumasaklaw naman sa barayiti ng wika na ginagamit ng
isang tao sa isang pook o rehiyon.

19. Paano tinitingnan ang wika sa larangan ng linggwistika?


- Tinitignan ang wika sa larangan ng linggwistika sa paraang ang wika ay isang natural
na bahagi ng tao na ginagamit sa komunikasyon. Kasama sa mga inaaral ng linggwistika
tungkol sa wika ay ang ponetika, ponolohiya, morpolohiya, syntax, semantiks, at
pregmatiks. Binabahala ng linggwistikang kontekstwal kung papaano iangkop ang wika
sa mundo: ang kanyang tungkulin sa lipunan, paano ito nakuha, paano ito nilikha at
namataan. Binabahala naman ng malayang linggwistika ang wika para sa kanyang
sariling kapakinabangan, maliban sa panlabas na kaugnay na wika.

kuan pud katong giingon ni mdm nga gramatika, ug unsa pa to basta naa to syay giingon
nalimot nako :((

You might also like