You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

CAVITE STATE UNIVERSITY


Don Severino de las Alas Campus
Indang, Cavite

GNED 07 (Contemporary World)


_________________________________________________________________________

Modyul 1
(Konsepto ng Globalisasyon)

Name: ZAPANTA, MARY JOY O. Date: 07-17-22


Year/Course/Section: BSC 1-3 Score: _________________

Panuto: Gamit ang estratehiyang Concept Mapping, ipakita kung papaano nakakaapekto sa
iyo ang globalisasyon bilang anak, mag-aaral, Pilipino, at mamamayan ng mundo. Iguhit ito
sa sariling pamamaraan at ipaliwanag ang nilikhang concept map. (Maaaring digital poster o
pangkaraniwang poster ang gawin, kuhanan lamang ng larawan ang iyong likha at i-copy
ang larawan sa kahanon na nasa ibaba.)
Ang globalisasyon ay napakahalaga at may malaking epekto sa buhay ng mga tao
sa ibat-ibang panig ng mundo.
Bilang isang anak, nakakaapekto ang globalisasyon sa aking buhay dahil ang aking
ama ay nagtatrabaho sa isang kumpanya na kung saan ay Tsino ang nagmamay-ari nito. Sa
tulong ng trabahong ito ay nasusustentuhan ako ng aking ama at nabibigay ang aking
pangangailangan sa pang araw-araw.
Sa kabilang banda, bilang isang mag-aaral, ang globalisasyon ay nakatutulong sa
aming mga estudyante upang mapadali ang aming pag-aaral. Halimbawa na lamang nito ay
ang mga makabagong teknolohiya, mas mabilis kaming matututo at makakuha ng mga
karagdagang kaalaman o impormasyon dahil dito.
May mabuti at masama rin na dulot ang globalisasyon sa buhay nating mga Pilipino.
Halimbawa ng mabuti ay nakikilala at nagiging bukas tayo sa kultura ng ibang lahi.
Natutulungan din ng ibang bansa ang ating mga OFW na matustusan ang pangangailangan
ng kani-kanilang pamilya na naiwan sa Pilipinas. Ang masamang epekto naman nito ay
nakakalimutan natin ang ating kultura o unti-unting nawawala ang pagkakakinlanlang
Pilipino na dulot ng impluwensya ng ibang mga bansa.
Panghuli naman ay ang epekto ng globalisasyon sa bawat mamamayan sa mundo.
Halimbawa naman nito ay ang mabilisang pagkalat ng impormasyon at pakikipag
komunikasyon sa pamamagitan ng paggamit ng makabagong teknolohiya na dulot ng ibang
bansa. Gayundin ang interaksyon ng bawat kultura at pagsigla ng pandaigdigang pamilihan
sa paglabas at pagpasok ng mga produkto na tiyak na makakatulong sa pangangailangan
ng bawat mamamayan.
Ilan lamang yan sa mga epekto ng globalisasyon sa bawat bansa lalong lalo na sa
ating Pilipino at dahil sa epektong ito ay malaki rin ang ipinagbago ng ating bansa sa tulong
din ng ibang bansa.

You might also like