You are on page 1of 2

De Guzman, Christelle Marie P.

BSN 1A
Panimulang Gawain para sa Huling Panahunan
Panuto: Saliksikin ang mga sumusunod at ibigay ang hinihingi sa bawat
bilang. Ipaliwanag nang makabuluhan sa pamamagitan ng 2 talata bawat
bilang na may 5-7 pangungusap.
A.
1. Bakit kailangan manaliksik ang mga taong may kaugnayan sa akademya?
2. Ipaliwanag ang batis ng impormasyon?
Ang batis ng impormasyon ay ang mga pinagmulan o pinagkuhanan ng impormasyon o
kaalaman na nakalap mula sa mga nababasa, naririnig, napapanood o mararamdaman na
proseso. Dito rin nanggagaling ang mga katunayan na kailangan upang makagawa ng mga
pahayag o sariling opinion na may kaalaman ukol sa isang isyu, penomeno o panlipunang
reyalidad sa aspeto ng edukasyon o sa paggawa ng pormal na kasulatan. Mayroong dalawang
uri ng batis ng impormasyon, primaryang batis at sekondaryang batis. Ang primarying batis ay
mga orihinal na pahayag, obserbasyon at teksto na direktang nagmula sa isang indibidwal,
grupo, o institusyon na nakaranas, nakaobserba o nakapagsiyasat ng isang karanasan o
penomeno. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang mga saksi, tagapagbalita sa mismong pangyayari
mga nabubuhay pa na tao na nakaranas ng dating kaganapan, mga manonood o makikinig na nasa
mismong pangyayari, talaarawan at awtobiograpiya. Ang sekondaryang batis naman ay ang
mga pahayag ng interpretasyon, opinion at kritisismo mula sa mga indibidwal o grupo o
institusyon na hindi direktang nakaranas, nakaobserba, nakasaliksik ng isang paksa o
penomeno. Ang mga impormasyon na galing dito ay batay sa pangumahing or primaryang
batis kung kayat hindi orihinal ang mga ito. Artikulo sa dyaryo gaya ng editorial,
ensayklopidya, teksbuk, diksyonaryo o tesoro, kritisismo at sanaysay ang ilan sa mga
halimbawa nito.

Importante ang mga batis ng impormasyon upang magkaroon ng kaalaman ang mga
tao ukol sa mga importanteng bagay, kung gayon ito ay isang daan ng komunikasyon. Sa
kabilang palad, importante rin ang matiyak na pagsuri sa mga batis ng impormasyon dahil sa
panahon ngayon marami na ang nagpapakalat sa mga maling impormasyon. Upang makaiwas
sa pagiging biktima ng mga ito, mayroong mga pamantasan o payo sa pagpili ng totoo at
kapani-paniwala na batis ng impormasyon. Una, suriin kung ang impormasyon ay mayroong
kaugnayan sa paksa o kung sumasagot ba ito sa iyong sariling tanong. Pangalawa, alamin
kung sino ang inaasahang awdyens ng iyong impormasyong sinasaliksik. Pangatlo, pag-isipan
kung angkop ba sa iyong antas ang impormasyong iyong nakalap.Kung on-line ang
impormasyong nahanap, nararapat na alamin kung anong uri ng website ang tinitingnan at
kung tama ba ito. Nararapat lang din na lamin o kilalanin kung sino ang may-akda, ang
layunin na kanyang pinaparating at kung paano niya inilahad ang impormasyon.

3. Bakit kailangang ugnay-ugnay ang mga impormasyon?


4. Ibigay ang uri ng pagsulat ayon sa anyo at ayon sa layon.
5. Ibigay ang iba’t ibang uri ng grap at ipaliwanag ang bawat isa kung paano
ito ginagamit.
6. Ano ang talahanayan? Paano ito ginagamit?
7. Isa-isahin ang mga Gawing Pangkomunikasyon ng mga Pilipino.
8. Ano-ano ang mga Suliraning Panlipunan sa Pilipinas?

B.
Panuto: Sa pamamagitan ng mga larawan sa radyo, telebisyon at internet,
bumuo ng isang collage na sumasalamin at nadarama ang hinaing ng kapwa
natin Pilipino. Lagyan ng paliwanag.

You might also like