You are on page 1of 4

Module 2 Sagutang Papel

Pangalan: Gonzales, Kevin John A. Kurso: BAPOS-1 Iskor:__________


Panimulang Gawain: Magbigay ng paboritong likhang sining (Painting, Larawan, Awitin, sayaw
atbp.) at sagutin ang mga sumusunod na katanungan hinggil dito.

Ang isa sa pinaka paborito kong sining ay isang awit mula sa bandang Stick Figgas na
pinamagatang Parisukat, ika-limang kanta sa kanilang album na Realistick.

1. Ilang taon na ang napiling sining? Sa anong panahon lumabas o nagawa ito?

Ang kantang Parisukat ay nasa ikalawang taon na ngayong 2021, ang kantang ito ay nalikha
noong taong 2018.

2. Bakit ito ang pinaka gusto mo o napili mong likha?

Ito ang pinakapaborito kong kanta dahil sa ganda ng kumpas, mga pagkasabay-sabay ng mga
instrumento at boses ng mga mang-aawit s abanda.

3. Ibigay ang sariling interpretasyon sa akda.

Unang maaring interpretasyon nito ay tungkol sa mga namumuno sa ating bansa kung paanong
paulit-ulit lamang ang kanilang sinasabi ngunit kaunting pagbabago lamang ang nakikita; kung
paano magpatawad ang mga Pinoy sa mga nagawang katiwalian sa kanila; kung paano
hanggang ngayon ay naniniwala tayo sa mga pangakong hindi natutupad; na maari tayong
kumawala sa dating mga pamantayan; na maraming pamamaraan upang mamili na kung sino
ang maaring mamuno satin

Pangalawang maaring interpretasyon ay kung paano ang tao ay nakatutok lamang kung saan
lumapag ang kanyang mga mata at iniintindi maysado ng tao kung anong maaring masabi
patungkol sa kaniya.

4. Paano mo mapatutunayan na tama ang mga naging sagot mo sa mga tanong na


inilaan?

Simula nang lumabas ang kantang ito ay madalas ko na itong pinapakinggan at meron din
akong digital copy ng kanilang Album. Ako mismo ang nagbibigay kahulugan sa mga bawat
salitang nakalagay sa kanta dahil para sa akin ay yun ang tamang pamamaraan kung paano
pakinggan ang isang awitin.

INTEGRASYON
A. Magbigay ng tig-tatlong halimbawa ng pagpoproseso ng impormasyon at ipaliwanag kung
bakit kabilang ito sa bawat kategorya. (10 Puntos)

A. Pandinig
1. Sirena at mga Alarma
2. Mga salitang nabibigkas
3. Pakikinig ng mga musika

Nabibilang ang mga halimbawang ito sa kategoryang pandinig ay dahil hindi kaylangan ng
mata o pagkilos upang maproseso ang mga ibig sabihin ng mga impormasyong nais
maihayag.

B. Pampaningin
1.Flowchart
2.Mapa
3.Alarm lights

Nakabilang ang tatlong halimbawang ito sa pampaningin na pagpoproseso ng


impormasyon dahil sa isang sulyap o sa mabusising panunuri sa pamamagitan ng mata o
biswal ay maiintindihan ang nais na iparating na impormasyon.

C. Pagkilos
1.Reaksyon ng Mukha
2.Contact sa mata
3.Tapik sa balikat o Galaw ng katawan

Ang mga halimbawang naisulat sa kategoryang pagpoproseso ng impormasyon ay


nabibilang sa pagkilos sa kadahilanang hindi kailangan pandinig upang malaman ang nais
iparating na impormasyon ngunit kailangan ng paningin upang mas maunawaan ang
impormasyon na nais iparating. Kahit na kailangan ng paningin upang malaman ang nais
na iparating na imporasyon ay mas nananaig ang pagkilos upang ito ay mailathala.

B. Ipaliwanag ang mga hakbang sa pagpoproseso ng impormasyon base sa sariling


pagkakaunawa.
Maumpisa sa pagtukoy ng mga kailangan upang maiproseso ang impormasyon na nais
iparating o maunawaan. Pangalawa at isa sa pinakamahirap na hakbang sa pagpoproseso ng
impormasyon ay paghahanap ng mga kailangan na kagamitan o pang-gagalingan ng
impormasyon, mga halimbawa nito ay artikulo sa internet, libro, balita sa telebisyon at radio o
mga balitang maaring marinig o mahanap sa paligid. Pangatlo masuring pagpili sa mga nakalap
na impormasyon na nakuha sa mga pinang-galingan nito. Ika-apat ay ang pagtatala o pag
aayos ng mga impormasyong nakalap, iwan ang mga impormasyong hindi gaano kailagnan o
maging dahilan ng kalituhan sa mga makikinig o magbabasa ng iyong akda. Ika-lima ay ang
pagtatasa, siguraduhing ang mga impormasyon ay tama bago ito ilahad. Pinaka huli ay ang
paglalahad. siguraduhing natasa ang lahat ng mga impormasyon na nais mailahad.

C. Manuscript

Sa kasalukuyan, hindi bababa sa 55% ng populasyon ng buong mundo ang naninirahan sa mga
lunsod.  Maaaring madagdagan pa ng 2.5 bil-yong tao sa mga lunsod pagdating ng taong 2050.
Ayon ito sa pinakahuling pag-aaral ng Population Division ng UN Department of Economic and
Social Affairs (UN DESA) ngayon lamang 2018.

Naulat na mabilis na lumolobo ang populasyon ng mundo: mula 751 milyon noong 1950
hanggang naging 4.2 bilyon ngayong taon.

Kasama sa pinaka-urbanized na rehiyon ang Northern America (na may 82% ng populasyon
nito ay naninirahan sa urban areas ngayong taon), Latin America at Caribbean (81%), Europa
(74%) at Oceania (68%). Ang antas ng urbanisasyon sa Asya ngayon ay humigit-kumulang
50%. Sa kabilang banda, nananatili ang Africa bilang halos-kanayunan, at tinatantiyang may
43% lamang ng populasyon nito ang naninirahan sa mga lunsod.

Sa madaling salita, nasa 54% ng populasyon ng mga lunsod sa mundo ang nasa Asya, kasama
na ang mga nasa Pilipinas.  Sa kalakhang Maynila, kitang-kita at damang-dama ang kumakapal
na bilang ng mga tao, lalo na ng mga naghihikahos.

Bakit dapat paglimian ang mga istatistikang na ito?  Marami at mabigat ang mga hinaharap na
usapin sa proseso ng urbanisasyon o ang paglawak at paglaki ng mga kalunsuran.

Sa isang artikulo ng National Geographic, tinukoy ang mga hamon at suliranin na dulot  ng
urbanisasyon.  Nariyan ang kahirapan, polu-syon, kakulangan sa enerhiya, at iba’t ibang mga
banta sa kalusugan at kalikasan o kapaligiran gaya ng pagbabaha at panipis na bilang ng mga
puno’t halaman.

Tinukoy din naman sa nasabing artikulo ang mga kailangang gawin. Una, malalabanan ang
kahirapan sa pagtataguyod ng higit pang pag-unlad ng ekonomiya at paglikha ng
trabaho.  Ikalawa, dapat na isangkot ang lokal na komunidad sa lokal na pamamahala.  Ikatlo,
dapat bawasan ang polusyon ng hangin sa pamamagitan ng pagbabago sa paggamit ng
enerhiya at mga alternatibong sistema ng transportasyon.  Ikaapat, palaguin pa ang mga
pampri-vbado-pampublikong pagtutulungan upang makapaghain ng mga serbisyo tulad ng
tamang pagtatapon ng basura at pabahay. Ikalima, magtanim ng mga puno’t halaman ayon sa
binagong disenyo ng lugar o tiyakin ang paglilinang ng mga tinatawag na “luntiang
lunsod” bilang isang mahalagang elemento sa pagpaplano ng kalunsuran.

SANGUNIAN:

https://www.worldatlas.com/articles/countries-with-the-highest-urban-populations-in-the-
world.html

https://www.nationalgeographic.org/encyclopedia/urbanization/

https://www.urbanet.info/world-urban-population/#:~:text=In%201980%2C%201.731%20billion
%20people,billion%20(66%25)%20by%202050.

You might also like