You are on page 1of 95

2022-2023

2022-2023
Tulad ng wikang Filipino na nagmula pa sa katutubong alpabeto
natin na Baybayin, ang Pilipinas ay may pinagmulan din. Basahin ang
kuwento tungkol sa pinagmulan ng Pilipinas.

A. Pagpapalawak ng Talasalitaan

1. lalangin (lalang) - likhain, gawin

2. daigdig - mundo

3. madalas (dalas) - maraming beses

4. papawirin - himpapawid

5. madapuan ng ibon (dapo) - mababaan ng ibon

6. kakahuyan (kahoy) - maliit na gubat

7. biyas ng kawayan - bahaging katawan ng kawayan

B. Mga Gabay na Tanong

1. Sino ang lumikha sa daigdig at iba pang buhay dito?

2. Bakit daw siya malungkutin noon?

3. Anong nangyari sa kaniyang mga luha ?

4. Ano naman ang nangyari nang walang madapuan ang ibon?

5. Naging masaya ba si Punong Pinagmulan nang lumabas ang


dalawang tao sa biyas?
6. Ikaw, ano ang pinakapaborito mong ginawa ng Diyos? Bakit?

Pahina 1
Ang Pinagmulan ng Pilipinas

Nang lalangin daw ang mundo ng Punong Pinagmulan, ang


inunang nilikha ay ang dagat at ang langit. Dahil wala pang buhay noon
sa daigdig, ang Punong Pinagmulan ay malungkutin. Kung kaya't siya ay
madalas mapaiyak. Dalawang patak ng luha ang nalaglag sa papawirin
at iyon ay naging ibon. At dahil walang pulong madapuan ang ibon,
naibulong ng Punong Pinagmulan ang, “Nais kong magkaroon ng lupa at
kakahuyang dapat madapuan ng ibon.” Halos hindi pa nasasabi ito ay
nagkalupa at gubat na. Isang araw daw, sa puno ng kawayan sa lupang
iyon ay dumapo ang ibon. Tinuktok ng ibon ang isang biyas na kawayan.
Parang may mahiwagang tinig na narinig. “Lakasan mo ang pagtuktok.”
Nang tuktukin ng buong lakas ang biyas ng kawayan, nabiyak ito at
lumabas ang kauna-unahang lalaki. Siya ay si Silalak. Isinunod ng ibon
ang pagtuktok sa isa pang biyas ng kawayan. At nang mabiyak ito ay
lumabas naman ang kauna-unahang babae. Siya ay si Sibabay.

Wika ay Mahalin,
Aralin at Gamitin!

Alpabetong Filipino

Ang mga sumusunod ay Alpabetong Filipino.

Aa Bb Cc Dd Ee Ff Gg Hh Ii Jj

Ss Tt Uu Vv Ww Xx Yy Zz

Masasabi mo ba kung ilan lahat ang titik ng Alpabetong Filipino?


Ano naman ang patinig at katinig? Ilan ang mga ito? Anu-ano ang mga
hiram na titik?

Pahina 2
Ang Alpabetong Filipino

Nahahati sa patinig at katinig ang mga titik nito.


Lima ang (5) patinig.
Aa Ee Ii Oo Uu
At dalawampu't tatlo (23) naman ang katinig.
Bb Cc Dd Ff Gg Hh Jj Kk Ll Mm Nn

NGng Pp Qq Rr Ss Tt Vv Ww Xx Yy Zz
Alam mo ba na ang ilang mga titik sa Bagong Alpabetong Filipino
ay mula sa impluwensya ng mga dayuhang sumakop
sa ating bansa?
Tinatawag itong hiram na mga titik.

Samantala, ang tunog ng mga titik na Ff, Jj, Vv, at Zz ay maririnig


na sa mga katutubong wika ng mga Pilipino.

A. Ibigay ang mga hinihingi sa ibaba:

1. Isang salitang nagsisimula sa patinig ______________________

2. Isang salitang nagtatapos sa patinig ______________________

3. Isang salitang nagsisimula sa katinig ______________________

4. Isang salitang nagtatapos sa katinig ______________________

5. Isang salitang gumagamit ng hiram na titik ______________________

B. Lagyan ng tsek ( ) ang patlang kung ang pangkat ng mga titik ng


Alpabetong Filipino ay nasa tamang pagkakasunud-sunod.

_____ 1. R, L, P, D, I _____ 4. A, I, E, O, U

_____ 3. M, N, NG, V, Y

Pahina 3
Wika ay Mahalin,
Aralin at Gamitin!

Pagbuo ng Pantig at
Pagpapantig ng Salita

Ang isang salita ay binubuo ng pantig. Ang pantig ay binubuo ng


mga tunog o titik.

Uri ng Pantig

1. Patinig (P)
i-to a-pa o-so
2. Katinig-Patinig (KP)
mun-do da-gat la-ngit

3. Patinig-Katinig (PK)
ang ak-yat ay

4. Katinig-Patinig-Katinig (KPK)
da-hil da-pat hin-di

5. Katinig-Katinig-Patinig (KKP)
glo-bo pla-neta gra-ba

6. Katinig-Katinig-Patinig-Katinig (KKPK)

krus kris-tal trum-peta

Pahina 4
Huminto muna at subukan ito!
A. Pumili ng mga pantig na maaaring pagsamahin upang makabuo ng
salita. Isulat sa patlang ang mga nabuong salita. Tingnan ang halimbawa.

plu la u bo ma

yos a da gat ak

1. ______plu-ma______ 6. ___________________

2. ___________________ 7. ___________________

3. ___________________ 8. ___________________

4. ___________________ 9. ___________________

5. ___________________ 10. ___________________

B. Dagdagan ng angkop na pantig sa bawat bilang upang makabuo ng


salita.

3.

4.

Pahina 5
C. Pantigin ang bawat salita. Isulat sa patlang ang paraan ng pagpapantig
at ang bilang ng pantig ng mga ito.

1. t r a n g k a s o _____________________________________

2. b a y b a y i n _____________________________________

3. a s i n _____________________________________

4. p i n g g a n _____________________________________

5. s i n a u n a _____________________________________

6. p a n a n a m p a l a t a y a _____________________________________

7. t r o n o ____________________________________

8. o k r a _____________________________________

9. s a l a w i k a i n _____________________________________

10. p i n a g k a t i w a l a a n ____________________________________

Alamat

Ang alamat (legend) ay isang simpleng kuwento na nagsasalaysay


patungkol sa pinanggalingan ng maraming bagay-bagay sa ating
kapaligiran. Ito ay kathang-isip o likhang-isip lamang. Bukod sa
nakaaaliw sa mga mambabasa, nakapagtuturo rin ito ng mga
mabubuting aral.

Halimbawa:
Pinagmulan ng PIlipinas
Ang Baha
Simula ng Kayumangging Pilipino

Pahina 6
A. Pagpapalawak ng Talasalitaan

1. pusod - gitna

2. nagbubunga (bunga) - nagbibigay

3. umapaw (apaw) - napuno

4. biyuda - babaeng namatayan ng asawa

5. nagsilang (silang) - nanganak

6. aliw - saya

7. hinubog (hubog) - ginawa

8. datu - pinuno

9. biniyayaan (biyaya) - binigyan

10. nakaranas (danas) - nakadanas, napagdaanan ang isang pangyayari

B. Mga Gabay na Tanong

1. Anong uri ng hayop ang nakatira sa pusod ng dagat?

2. Sino ang nakaligtas sa pag-apaw ng tubig?

3. Anong katangian ng lugar ang hindi inabot ng pag-apaw ng tubig?

4. Sinu-sino ang mga anak ni Teheban?

5. Saan-saan sila tumira?


6. Ilarawan ang pisikal na itsura ng lugar ni Tataun-en.

Ang Baha

Noong unang panahon, may naninirahang higanteng ahas sa


pusod ng dagat. Napakalaki nito na napupuno ang gitna ng dagat.
Maraming tubig ang nawawala sa lugar at nagbubunga ng baha sa
mundo. Ang mga umapaw na tubig ay tumakip sa kalupaan at pinatay
ang lahat maliban sa isang biyuda na si Gahemen. Nakaligtas siya dahil
sa paghawak nang mabuti sa isang pirasong kahoy mula sa itaas ng
Bundok Kimangki, ang nag-iisang tuyong lugar sa Timog-Silangang
Misamis Oriental na makikita sa Kalabugan.

Pahina 7
Nang ang kalupaan ay natuyo, nagsilang ng batang lalaki si
Gahemen na nagbigay aliw sa kanya. Siya si Teheban na nag-asawa at
nagkaroon ng tatlong anak na sina Pabulusen, A-ayawa-en, at Tataun-en.

Bawat isang anak ni Teheban ay nagmay-ari ng sariling teritoryo at


pinamunuan ang mga tribo. Nanirahan si Pabulusen sa mga lambak na
hinubog ng mga ilog ng Libang at Maasam at mga lupain sa loob ng
Sinakongan malapit sa ilog ng Busilao sa Hilagang-silangan ng Agusan.
Siya ang kauna-unahang datu sa lugar at ang mga sumunod sa kanya
ang naging tagapagtago ng kapangyarihan. Si Aa-yawa-en naman ay
nanatili sa lugar na mula sa Ilog ng Pulangi sa Timog hanggang sa Ilog
Tagaloan sa Hilaga. Ang mga sumunod naman sa kaniya ay naging
tagapagtago ng mga panrelihiyong tradisyon. Si Tataun-en naman na
ang pangalan ay may kahulugan na gutom ay tumira sa Agusan. Hindi
tulad ng kaniyang dalawang kapatid, ang lugar niya ay hindi masyadong
biniyayaan kaya ang kaniyang mga tauhan ay nakaranas ng
kagutuman.

Wika ay Mahalin,
Aralin at Gamitin!

Ang diptonggo ay ang pinagsamang patinig (a, e, i, o, u) at katinig


na /y/ at /w/ sa isang pantig ng salita.

Narito ang ilang halimbawa ng mga salitang may diptonggo.

aw iw ay ey oy uy
daw a-liw may rey-na ka-hoy ka-suy
uma-paw si-siw pi-na-tay Ley-te a-moy ba-duy

Pahina 8
A. Bilugan ang diptonggo sa mga sumusunod na salita.

1. s a y a w 6. b a y w a n g

2. p a m a y p a y 7. b u h a y

3. b a l i w 8. a r a w

4. s i s i w 9. k a h o y

5. i l a w 10. k a s a y s a y a n

B. Lagyan ng ekis ( ) ang kahon kung ang salita ay may diptonggo.


Bilugan ang diptonggong ginamit.

inakay hagdan

uwi kaarawan

alamat yeso

away sitaw

baboy ng a y o n

Pahina 9
Wika ay Mahalin,
Aralin at Gamitin!

Kambal-katinig o klaster ang tawag sa dalawang katinig na magkasunod


sa pantig ng salita na binibigkas nang magkasama. Ang tunog ng klaster ay
parehong naririnig. Maaaring matagpuan ang klaster sa unahan, gitna, o
hulihan ng salita.

ts gr br kl pl
tsaa gripo braso klase plato
tsokolate grasa sumbrero klima kumpleto

A. Bilugan ang mga salitang may kambal-katinig.

krisis tsokolate banig

kalabaw Timog

globo prinsipe troso

tinapay plasa

B. Magbigay ng mga salitang gumagamit ng mga sumusunod na klaster.

pl bl pl kl

gr br pr tr

Pahina 10
C. Punan ang mga patlang ng tamang diptonggo o kambal-katinig upang

mabuo ang salita. Gawing gabay ang mga larawan sa kanan.

1. _______ utas

2. bah ________

3. _______ inelas

4. _______ en

5. sukl ________

6. _______ umpeta

7. _______ us

A. Pagpapalawak ng Talasalitaan

1. nilikha (likha) - ginawa


2. luwad - putik

3. lumaon (laon) - nagtagal

4. kawangis (wangis) - kamukha

5. hurnuhan (hurno) - lutuan ng pagkain o putik

6. hindi mapakali - hindi malaman ang gagawin


7. hinango (hango) - kinuha

8. maputla (putla) - walang kulay

9. pinagmulan (mula) - pinanggalingan

Pahina 11
B. Mga Gabay na Tanong

1. Sino ang lumikha ng mga tao sa kuwento?

2. Ibigay ang pagkakasunud-sunod ng mga taong kaniyang nilikha at


ang mga kulay nito.
3. Ito ang naramdaman ni Bathala bago niya hanguin ang unang taong
nilikha.
4. Paano nagkaroon ng lahing Puti? Itim? at Kayumanggi?

5. Saang lahi ka kabilang?

Simula ng Kayumangging Pilipino

Nakalulungkot naman dito sa daigdig! Ano kaya ang mabuti kong

Nilikha niya ang mga ibon. Tuwang-tuwa si Bathala.

Hindi nagtagal ay muling nakaramdam ng pagkabagot si Bathala.


Naisipan naman niyang gumawa ng hayop.

Bathala.

Nang lumaon

Kumuha siya ng luwad. Hinubog niya ito na kawangis niya saka


niluto sa hurnuhan. Hindi mapakali sa kalalabasan ng kaniyang niluluto,
kaagad hinango maputla ang kulay nito.
Ito ang pinagmulan ng lahing Puti.

Muli siyang kumuha ng luwad. Hinubog niya ito na kamukha niya


saka isinalang sa pugon. Hindi niya minadali ang pagluluto dahil nais
niyang magkakulay ito. Ngunit may katagalan bago niya nahango

Pahina 12
Muling humubog si Bathala ng luwad. Lutong-pugon ito.

Tama sa oras ang pagkakahango niya ng ikatlong tao sa pugon


kaya hustung-husto ang pagkakaluto nito. Kayumanggi ang naging kulay
nito na pinagmulan ng lahing Pilipino, lahing Kayumanggi.

Wika ay Mahalin,
Aralin at Gamitin!

Kayarian ng Salita

1. Ang mga salitang hindi na maaaring hatiin pa ay tinatawag na


salitang-ugat o payak. Ito ay salitang pinagmulan.
Halimbawa: mundo, ibon, hayop

2. Ang mga salitang naihihiwalay ang salitang-ugat sa iba pang titik o


pantig ay tinatawag na maylapi. Panlapi ang tawag sa mga
naiiwang titik o pantig kapag inihiwalay ang salitang-ugat.
Halimbawa: ma (panlapi) + buti (salitang-ugat) = mabuti

Uri ng Panlapi:

a. Unlapi
ugat.

Halimbawa: nag-tagal, malaki, kahati, pagtupi, ibuhos

b. Gitlapi

Halimbawa: nilikha, kumuha, hinagis, tumakbo, tumalon

Pahina 13
c. Hulapi
salitang-ugat.

Halimbawa: hatiin, punasan, tasahan, basahin

3. Salitang inuulit ang tawag sa salitang ang unang dalawang pantig,


buong salitang-ugat o buong salita ay dalawang beses binibigkas.

Halimbawa: tuwang-tuwa, araw-araw, magandang-maganda

4. Salitang tambalan
o pinagdurugtong ng gitling ( - ) at itinuturing na isang salita lamang.

Halimbawa: lutong + pugon = lutong pugon

bunga + kahoy = bungangkahoy

silid + aralan = silid-aralan

halaman + ugat = halamang-ugat

A. Isulat sa loob ng bilog ang P kung ang kayarian ng salita ay payak,


I kung inuulit, M kung maylapi, at T naman kung tambalan.

1. balon 6. tumbang-preso

2. tumilaok 7. pitu-pito

3. gagawin 8. sako

4. laruan 9. bahaghari

5. bago 10. bilog na bilog

Pahina 14
B. Isulat sa patlang ang uri ng panlaping (unlapi, gitlapi, hulapi) ginamit sa
bawat salita.

___________ 1. simbahan ___________ 9. katumbas

___________ 2. tandaan ___________ 10. napakalungkot

___________ 3. maglinis ___________ 11. pagtanggap

___________ 4. balutan ___________ 12. sumalubong

___________ 5. baguhan ___________ 13. pabulong

___________ 6. binalita ___________ 14. lampasan

___________ 7. magalang ___________ 15. nagsakripisyo

___________ 8. bigkasin

Wika ay Mahalin
Aralin at Gamitin!

Mga Salitang Magkasingkahulugan at Magkasalungat

Isa sa mga paraan para mapalawak ang iyong talasalitaan ay


ang pagtukoy at paggamit ng mga salitang magkasingkahulugan at
magkasalungat.

Magkasingkahulugan

Magkasalungat
magkasalungat ang ibig sabihin.

Pahina 15
Narito ang ilang salitang magkasingkahulugan at magkasalungat:

Magkasingkahulugan Magkasalungat

lagi tuwina lagi bihira

naglaho nawala naglaho nakita

tumupad ginawa sumunod sumuway

namangha nabigla masipag tamad

dumalaw bumisita matapang duwag

kasama kapiling magulo tahimik

lumala lumubha masaya malungkot


maginhawa
presko o mayabang mabangis maamo

pagod na pagod hapong-hapo maliwanag madilim

tungkod baston mabilis makupad

mahabag maawa malakas mahina

maginaw malamig una huli

mabait mabuti mahal mura

matalino marunong maitim maputi

masaya maligaya basa tuyo

marungis marumi maganda pangit

mabagal makupad mabango mabaho

matangkad mataas magaspang makinis

maingay nakabibingi marami kaunti

masikip makipot baluktot tuwid

Pahina 16
A. Lagyan ng tsek ( ) ang patlang kung ang pares ng mga salita ay
magkasingkahulugan at ekis ( ) naman kung magkasalungat.

lagi - tuwina

B. Tukuyin ang kasalungat ng salitang nakasalungguhit upang mabuo ang


pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

1. Ang aming pusa ay mataba. Ang pusa nila ay sakitin kaya ito ay
_______________.
A. payat B. malusog C. matangkad

2. Bumili ako ng matigas na upuan. Ayaw ni Ana na umupo rito dahil


gusto niya ay _______________.

A. malambot B. malliit C. malaki

3. Marami akong bagong damit tuwing Pasko. Ibinibigay ko naman ang


mga _________________ subalit maaayos ko pang damit sa mahihirap.

A. malinis B. luma C. madumi

4. Malamig tuwing buwan ng Disyembre. _________________ naman sa


buwan ng Abril.

A. Mabagal B. Mainit C. Maginaw

5. Mabbiilis tumakbo ang mga daga habang _________________ namang

maglakad ang mga pagong.


A. malilikot B. matutulin C. mababagal

Pahina 17
Wika ay Mahalin,
Aralin at Gamitin!

Paggamit ng Diksyunaryo

Ang diksyunaryo ay naglalaman ng mga salita at ang mga kahulugan


nito ayon sa gamit. Ipinakikita rin dito ang wastong bigkas ng salita,
pagpapantig, bahagi ng pananalita, salitang-ugat, at kabaligtaran at
kasingkahulugan ng salita.

magpalakas 481 magpanhik


mag-pa-la-kas [lakas] pd. magpagaling; mag-pa-li-wa-nag [liwanag] pd.
1

magpalusog 2 magpatibay.3dagdagan 1magpakilala ng sanhi o dahilan;


ang lakas (tulad ng radyo) mangatwiran; sabihin kung bakit,
paano, o ano
mag-pa-la-la[lala] pd. 1lalong
mapasama; magpalubha mag-pal-tos [paltos] pd. 1malapnos
sk: magpagrabe ang balat dahil sa pagkapaso o
pagkabanli; maglintos 2hindi tumama;
mag-pa-lat-ha-la [lathala] pd.
mamali; magkamali <magpaltos ang
1
magpalimbag (gaya ng sa peryodiko,
hula>. sk: 1mapaso. 2magkabisala
magasin o aklat)
sk: magpalabas mag-pan-hik [panhik] pd. 1pumanhik
sa hagdan; mag-akyat. sk: umakyat
mag-pa-lis-ta [lista] pd. 1magpatala;
makasama sa listahan.

Hango sa : Diksyunaryo ng Wikang Filipino Sentinyal Edisyon, 1998

Mahalagang matutunan ang paalpabetong ayos ng mga salita. Sa


pamamagitan nito ay magkakaroon ng kaayusan sa paghahanap ng mga
ito sa talatinigan o diksyunaryo. Sa pag-aayos ng mga salita nang
paalpabeto, tingnan muna ang simulang titik ng bawat salita. Kapag pare-
pareho naman, sunod na suriin ang titik na kasunod nito.

Halimbawa:
- habol, hilis, hurado, hurno, husay
- payag, sagisag, taos, tubig, utal

Pahina 18
Pamatnubay na Salita (Gabay na Salita) sa Diksyunaryo

Napapadali ang paghahanap ng mga salita sa diksyunaryo sa tulong


ng mga pamatnubay na salita o tinatawag ding Gabay na Salita.
Mapapansin na may mga salita sa itaas na bahagi ng mga pahina ng
diksyunaryo. Ang pamatnubay na salita sa kaliwa ang unang salita sa
pahina. Ang pamatnubay na salita naman sa kanan ang huling salita sa
nasabi ring pahina.

A. Hanapin sa diksyunaryo ang kahulugan ng mga salita. Isulat ang


sagot sa kuwaderno.

1. banga 6. katangian
2. banyaga 7. munti
3. suki 8. kuwintas
4. himpapawid 9. sangkap
5. kalakalan 10. palayok

B. Isulat sa patlang ang titik ng pamatnubay na salitang maaaring


katagpuan ng mga salita sa bawat bilang.

_________1. mahalaga
a.

_________2. lumahok
a.

Pahina 19
_________3. isapuso
a.

_________4. nagtataka
a.

_________5. malarya
a.
b.

Wika ay Mahalin,
Aralin at Gamitin!

Mga Kasanayan sa Pagbasa

Pagkilala sa Mga Tauhan at Katangian ng Mga Ito

Sa bawat kuwentong binabasa ay laging may mga tauhan. Ang mga


tauhan ang nagdaragdag ng buhay sa isang salaysay. Habang
binabasa ang bawat pahayag ng mga tauhan sa kuwento, makikilala
natin batay sa kanilang salita at kilos kung sila ay matapang, masunurin
at iba pa.
Halimbawa:
1.

Katangian: makasarili at hindi mapagbigay o madamot

2.

Katangian: mapagbigay at mabait

Pahina 20
Panuto: Basahin ang pabula sa ibaba at gawin ang pagsasanay sa
kasunod na pahina.

Bakit Mabagal Lumakad Ang Kalabaw

Si Mang Catalino ay matagumpay na magbubukid. Katunayan,


umunlad ang kaniyang kabuhayan dahil sa pagbubungkal ng lupa at

magsimba.
Maagang-maaga noon. Kinalagan ni Mang Catalino si Kalakian

upang mag-araro.

Masayang-masaya ang dalawa. Si Baka ay umunga nang malakas at

ang ating amo. Kahit maghapong nag-aararo, sagana naman tayo sa

Pahina 21
Si Baka ay hindi sumagot.
Sa kalalangoy at kalalaro ng dalawa, hindi nila nahalata na tanghali
na pala. Mag-iikalabindalawa na ng tanghali.

ang kanilang damit.


Sa pagmamadali at takot sa panginoon, ang dinampot na damit ni
Kalakian ay ang kay Baka at ang nakuha naman ni Baka ay ang kay

silang abutan.
Takbuhan ang dalawa pauwi. Hirap na hirap si Kalakian sa pagtakbo

napakaluwang at nakasalampay lamang.


Mula noon ang kalabaw ay gegewang-gewang kung lumakad at si

Gawin Natin Ito!


Panuto: Iguhit sa kahon ang mga tauhan at ibigay ang kanilang mga
katangian.

1. Mang Catalino 2. Kalakian 3. Baka

Katangian:
___________________ ___________________ ___________________

___________________ ___________________ ___________________

___________________ ___________________ ___________________

Pahina 22
Wika ay Mahalin,
Aralin at Gamitin!

Pagkilala sa Tagpuan ng Kuwento

Tinutukoy nito ang lugar at panahon na pinangyarihan sa kuwento.

Halimbawa:

1. Ang hindi alam ng kaniyang tiyuhin ay bumalik si Berto sa kubo at


sinubukang gamitin ang gilingan.

Tagpuan: sa kubo

2. Isinakay ni Berto ang gilingan sa bangka at nang nasa kalagitnaan


na ng dagat ay sinubok niya ang galing nito.

Tagpuan: sa bangka; sa gitna ng dagat

Panuto: Sagutin nang buong pangungusap ang mga tanong mula sa

1. Saan nagtatrabaho si Mang Catalino?

____________________________________________________________________

2. Saan nagpunta ang magkaibigang sina Kalakian at Baka?

____________________________________________________________________

Pahina 23
Wika ay Mahalin,
Aralin at Gamitin!

Pagsagot sa mga tanong tungkol sa detalye ng kuwento


Ang mga detalye ang sumusuporta sa pangunahing ideya ng talata
o kuwento. Ang ideyang ito ay pinalulutang o ipinaliliwanag ng mga
detalye. Ang mga detalye ang kasagutan sa mga tanong na sino, ano,
saan, alin, ilan, at iba pang literal na tanong. Literal dahil ang mga sagot
na detalye ay nasa seleksiyong binasa.

Halimbawa:

1. Ano ang ninakaw ni Berto sa tiyuhin?

Sagot: Gilingan ang ninakaw ni Berto sa tiyuhin.

2. Saan isinakay ni Berto ang ninakaw niya sa tiyuhin?

Sagot: Isinakay ni Berto sa bangka ang ninakaw niya sa tiyuhin.

Panuto: Isulat sa patlang kung sino o ano ang tinutukoy ng bawat bilang.!
!

_______________1. Siya ang masipag na magsasaka at hindi nakalilimot


magsimba.

_______________2. Siya ang nanghingi ng pahintulot na magkaroon ng


pangilin dahil sa kaarawan niya.

_______________ 3. Siya ang kaibigang hayop ni Kalakian na sumamang


pumunta sa ilog.

_______________ 4. Ito ang oras na itinakda ni Mang Catalino sa kanila na


dapat bumalik sila mula sa ilog.

_______________ 5. Ito ang bagay na nagkapalit kunin nina Kalakian at


Baka.

Pahina 24
Wika ay Mahalin,
Aralin at Gamitin!

Pagpapahayag ng Saloobin o Damdamin tungkol sa Kuwento,


Mga Tauhan, at iba pa

Ang reaksiyon ay ang sagot, kilos, puna, saloobin, o pahayag tungkol


sa isang paksa. Magagawa lamang ito kung naunawaan ng
mambabasa ang kuwento. Dito kailangan ang dating kaalaman sa
paksang nakuha sa pagbabasa, pakikinig, pagtatanong, at
pakikipagtalakayan sa iba tungkol dito.

Halimbawa:

1. Bakit hindi tayo dapat maging makasarili o sakim?

Sagot: Dahil baka ikapahamak natin ito.

2. Ano ang iyong natutunan mula sa kuwento?

Sagot: Maging mapagbigay tayo sa kapwa.

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Kung ikaw si Kalakian o Baka, ano ang gagawin mo kapag ikaw ay


nahuli sa takdang-oras na inyong napag-usapan? Ipaliwanag ang iyong

sagot.

_________________________________________________________________

_________________________________________________________________

_________________________________________________________________

_________________________________________________________________

Pahina 25
2. Ikaw, may isang bagay ka ba na nais mong baguhin sa iyong sarili?
Ano iyon at bakit?

_________________________________________________________________

_________________________________________________________________

_________________________________________________________________

_________________________________________________________________

3.
Lumakad Ang Kalabaw"?

_________________________________________________________________

_________________________________________________________________

_________________________________________________________________

_________________________________________________________________

Pahina 26
Alamat ng Lansones
Kuwento ni Lamberto E. Antonio
Guhit ni Jose Prado

Basahin ang kuwentong Alamat ng Lansones at gamiting gabay sa


pag-unawa ng kuwento ang mga sumusunod na tanong.

A. Pagpapalawak ng Talasalitaan:

1.

na hindi mauulanan

B. Mga Gabay na Tanong:


1. Sinu-sino ang mga tauhan sa kuwento?
2. Saan matatagpuan ang mga lansones na nabanggit sa alamat?
3. Paano inilarawan ang puno ng lansones?
4. Bakit matagal na ayaw kainin ng mga tao ang bungang lansones
kahit pa ito na lamang ang nakaligtas na pananim sa panahon ng
tagtuyot?
5. Paano napatunayang totoo ang sinabi ng mahiwagang babae na
walang lason ang lansones?
6. Ikaw, ano ang paborito mong prutas na makikita sa Pilipinas? Bumuo
ng isang kuwentong likhang-isip tungkol sa pinagmulan nito.

Pabula

Ang pabula (fable) ay isang maiksing kuwentong likhang-


isip na ginagampanan ng mga hayop o mga bagay na walang buhay
na nagsasalita at kumikilos na tulad ng tao. Ito ay tumatalakay sa mga
kilos at pag-uugaling nangangailangang ituwid o baguhin dahil sa
pagiging hindi mabuti o makatarungan. Nagtuturo ito ng tama, patas,
makatarungan, at makataong ugali at pakikitungo sa ating kapwa.
Halimbawa:
Ang Mayabang Na Kuneho, Si Langgam at Si Tipaklong

Pahina 27
Si Hugo, Ang Pahamak na Hunyango
Kuwento at guhit ni Charles O. Funk

Basahin ang kuwentong Si Hugo, Ang Pahamak na Hunyango at


gamiting gabay sa pag-unawa ng kuwento ang mga sumusunod na tanong.

A. Pagpapalawak ng Talasalitaan

1.
dinadapuan
2.
tangi
3.
4.
5.
6. scarecrow
7.

B. Mga Gabay na Tanong:

1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?

2. Saang tirahan umuuwi ang grupo ng mga hunyango?


3. Bakit inilarawan ang bidang tauhan na pambihira?

4. Ano ang inirereklamo ng mga kapwa niya hunyango? Bakit?

5. Mula kanino iniligtas ng mga kapwa hunyango si Hugo?

6. Paano naging sikat at naging malaking tulong ang bidang hunyango


sa kaniyang mga kagrupo?
7. Ikaw ba ay may kakilala na masasabi mong may pambihirang
katangian? Sa paanong paraan?

Pahina 28
Wika ay Mahalin,
Aralin at Gamitin!

Pangngalan

Ang pangngalan ay salitang tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay,


hayop, pook o lugar, gawain at pangyayari.

Halimbawa: tao : Noah, ama, Aling Lisa, mangangaso, barbero


bagay : dahon, mangkok, sanga
hayop : ahas, hunyango, kalabaw
pook : gubat, palaruan, hardin
pangyayari: bakasyon, kaarawan, Pasko
gawain : pagpipinta, pagguhit, pagsasaka

Dalawang Uri ng Pangngalan


1. Pantangi mga pangngalang tumutukoy sa tiyak na ngalan ng tao,
hayop, bagay, pook o pangyayari. Isinusulat at sinisimulan ito sa
malaking titik.

2. Pambalana
ngalan ng tao, hayop, bagay, pook o pangyayari. Isinusulat at
sinisimulan ito sa maliit na titik.

Uri
Kategorya ng Pantangi Pambalana
Pangngalan
tao Kuya Paulo, Jun-jun, kaibigan, guro,
Aling Liling dentista
hayop Hugo, Bantay hunyango, aso
bagay Nike , Colgate sapatos, toothpaste
pook Trinoma, Mindanao gusali, isla
pangyayari Araw ng mga Bayani pagdiriwang

Pahina 29
Panuto: Isulat sa tamang hanay ang mga sumusunod na pangngalan.

Bagong Taon anibersaryo

Adidas Aling Puring

tiyo isda

Pangngalang Pambalana Pangngalang Pantangi

Wika ay Mahalin,
Aralin at Gamitin!

Kasarian ng Pangngalan

Ang pangngalan ay maaaring tumukoy sa kasariang panlalaki,


pambabe, di-tiyak, o walang kasarian.

1. Panlalaki
Halimbawa: tiyo, kuya, manong, lolo, tindero, tandang

2. Pambabae
Halimbawa: tiya, ate, ale, lola, tindera, inahin

3. Di-tiyak
kasarian ng pangngalan.
Halimbawa: guro, bata, uwak, biyenan, manok, magulang

4. Walang kasarian
walang kasarian.
Halimbawa: laruan, apoy, pintuan, arko, puno, Barong Tagalog

Pahina 30
Panuto: Isulat sa patlang ang tamang titik ng kasarian ng pangngalang
nakasalungguhit.

L = Panlalaki B = Pambabae DT = Di-Tiyak WK = Walang Kasarian

_______1. Si Manang Lilay ang nagluluto ng mga pagkain namin.


_______2. Si Mang Teban ang laging nagbibigay sa amin ng mga prutas.
_______3. Kausap ng tatay ko ang kumare niya.
_______4. Malalim ang tubig sa Dagat Sulu.
_______5. Dumugo ang ilong ng kaklase ko.
_______6. Bibigyan ko ng regalo ang nanay ko.
_______7. Ang kaibigan ni Jose ang nagdala ng tinapay.
_______8. Ang kuya ko ang maghahatid sa atin bukas.
_______9. Masayang nagsasayawan ang mga magkaibigan.
_______10. Sumakay kami ng barko patungong Leyte.

Wika ay Mahalin,
Aralin at Gamitin!

Kailanan ng Pangngalan
Ang pangngalan ay may tatlong kailanan. Ito ay maaaring isahan,
dalawahan at maramihan.

Halimbawa:

Isahan : si Isidro, ang kagubatan

Dalawahan : magkaibigan, dalawang insekto

Maramihan : magpipinsan, ang mga hunyango

Pahina 31
Makikilala ang kailanan ng pangngalan sa pamamagitan ng:

1. Mga Pamatnubay

Halimbawa:

Isahan Maramihan

si Mimi sina Tanya, Fiona, at Melanie

ni Robert nina David, Francis, at Mark

kay Emmanuel kina Arturo at Simon

ang kulintang ang mga paso

sa Visayas sa mga kuweba

ng pinsan ng mga ninuno

mga bundok

2. Mga Panlapi

mag-

mag- + inuulit ang unang


pantig

Halimbawa:
Isahan Dalawahan Maramihan

ina mag-ina mag-iina


kapatid magkapatid magkakapatid

Pahina 32
Panuto: Isulat sa patlang ang A kung ang pangngalang nakasalungguhit ay
isahan, B kung dalawahan, at C kung maramihan.

______ 1. Tatlong guro ang tutulong sa palarong Pinoy.

______ 2. Nanalo ang grupo nila sa palaro.

______ 3. Sina Erik, Ben, at Pedro ay maglalaro ng tumbang-preso sa Linggo.

______ 4. Ang mag-ama ay kakain sa Barrio Fiesta mamaya.

______ 5. Ang mga pasahero ay naghihintay ng pagdating ng bus.

______ 6. Libo-libong tao ang pumunta sa libing ni Ramon Magsaysay.

______ 7. Ang mga mag-aaral ay handa na sa pagsusulit.

______ 8. Pupunta ang magkapatid sa paaralan.

______ 9. Dala ng magkakalaro ang kanilang mga bisikleta.

______ 10. Kakausapin nina Paulo at Rico si Gng. Sanchez.

Pahina 33
Wika ay Mahalin,
Aralin at Gamitin!

Ang Daglat o Ang Pinaikling Anyo ng Salita

Pagdadaglat ang tawag sa pagpapaikli ng mga salita. Ang mga


pangalan ng mga araw at buwan ay maaaring daglatin. Sinisimulan ang
salita sa malaking titik. Nilalagyan ng tuldok (.) sa hulihan ang salitang
dinaglat. Ang mga salitang panawag sa mga tao o lugar ay maaari ring
daglatin.

Halimbawa:

Panawag sa Tao

7 Araw ng Linggo

Linggo , Lunes , Martes , Miyerkules , Huwebes , Biyernes , Sabado

( Ling.) , ( Lun.) , ( Mart.) , ( Miyer. ) , ( Huweb.) , (Biyer. ) , ( Sab. )

12 Buwan ng Taon

Enero ( Ene. ) Hulyo ( Hul. )


Pebrero ( Peb. ) Agosto ( Agos. )
Marso ( Mar. ) Setyembre ( Set. )
Abril ( Abr. ) Oktubre ( Okt. )
Mayo ( Mayo ) Nobyembre ( Nob. )
Hunyo ( Hun. ) Disyembre ( Dis. )

Pahina 34
Panuto: A. Daglatin ang mga sumusunod na salita sa ibaba. Isulat sa
patlang ang sagot.

____________1. Ginang

____________2. Tenyente

____________3. Doktora

____________ 4. Pangulo

____________ 5. Senador

B. Kumpletuhin ang mga dinaglat na buwan ng taon nang may wastong

pagkakasunod-sunod. Isulat ang sagot sa loob ng panaklong.

1. Hun. , ( ) , Agos.

2. Abr. , ( ) , Hun.

3. ( ) , Ene. , Peb.

4. ( ) , Okt. , Nob.

5. Ene. , Peb. , ( )

C. Isulat sa loob ng kahon ang T kung tama ang pagkakadaglat ng mga


araw ng linggo at M naman kung mali.

1. Sab.

2. Biyer.

3. Mar.

4. Huw.

5. Lingg.

Pahina 35
Wika ay Mahalin,
Aralin at Gamitin!

Liham

Ang liham ay isang uri ng pakikipagtalastasan o pakikipag-


ugnayan sa pamamagitan ng koreo. Naipababatid natin sa mga
taong malayo sa atin ang ating mensahe o nais ibalita sa kanila kung

May dalawang uri ng pagsulat ng liham. Ito ay ang liham-


pangkaibigan at liham-pangalakal.

Mahalaga ito upang mapanatili ang komunikasyon ng dalawang


tao kahit pa magkalayo sila.

Liham-Pangkaibigan

Nagdudulot sa atin ng kasiyahan ang pagtanggap ng liham mula sa


isang kaibigan o kamag-anak. Ngunit hindi sapat na tayo ay tumatanggap
lamang ng liham. Kailangang sumasagot o nagpapadala rin tayo ng liham-
pangkaibigan upang matuwa rin ang ating kaibigan o kamag-anak.

Maaaring ang liham ay magbigay ng balita o pangungumusta. May liham


na nag-aanyaya, bumabati, o nagpapasalamat. Sumusulat din tayo sa

paalala.

Pahina 36
o Liham ng Pangungumusta

o Liham ng Paanyaya

o Liham ng Pagbati

o Liham ng Pasasalamat

o Liham ng Pakikiramay

Bahagi ng Liham-Pangkaibigan:

1. Pamuhatan
kung kailan ito isinulat at pook na pinanggalingan ng liham

Halimbawa: 14 Jose Rizal St.

Sampaloc, Quezon City

Ika-29 ng Marso, 2016

2. Bating Panimula
sinusulatan o ang relasyon ng sumulat sa sinulatan

Halimbawa: Mahal kong kaibigan,

Mahal kong Simoun,

3. Katawan ng Liham
ipabatid

4. Bating Pangwakas
ng sumulat; ang pamamaalam ng sumulat sa kaniyang sinusulatan

Halimbawa: Ang iyong pinsan,

Nagmamahal,

5. Lagda

Halimbawa: Maria Clara


Crisostomo

Pahina 37
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Liham-Pangkaibigan:

A. Ang malaking letra ay ginagamit sa:

/ simula ng bating panimula

/ simula ng bating pangwakas

/ tanging ngalan ng tao, lugar, o buwan

/ simula ng bawat talata

B. Ang kuwit (,) ay ginagamit:

/ pagkatapos ng bating panimula

/ sa dulo ng bating pangwakas

/ sa pagitan ng bayan at lalawigan

/ sa pagitan ng petsa at taon

Pahina 38
C. Sa unang salita sa bawat talata sa katawan ng liham ay
nakapasok (indent).

D. Ang pamuhatan, petsa, ang bating pangwakas gayundin ang


lagda ay dapat isulat sa gawing kanan.

E. Sa sobre inilalagay ang pangalan ng nagpadala at pinadalhan ng


liham, kasama ang kumpletong tirahan. Dito rin idinidikit ang
kaukulang selyo.

A. Tukuyin kung anong bahagi ng liham ang mga sumusunod.


Isulat ang sagot sa patlang.

____________________________1. Darating kami diyan. Nais kong makitang

muli ang ating mga kaibigan.

____________________________ 2. 13 Malakas St. Pasay, Maynila

____________________________ 3. Tiago

____________________________ 4. Mahal kong Victorina,

____________________________ 5. Ang lubos na nagmamahal mong kaibigan,

Pahina 39
B. Ayusin ang mga bahagi ng liham sa bilang 1 - 5. Isulat ang mga ito sa
kasunod na pahina.

1. Crispin

2. Madalas kitang naaalala. Minsan nga naiiyak ako sapagkat matagal


na panahon na tayong hindi nagkakausap at nagkikita. Mahirap pala
ang malayo sa iyong matalik na kaibigan. Alam mo bang nahirapan
ako noong una sapagkat wala akong kakilala dito sa aming bagong
tirahan? Ngunit ang ating mga larawan ang sumasariwa sa mga
kasayahan natin diyan. Sana ay makapagbakasyon ka dito sa amin.
Sariwa ang hangin dito at malapit kami sa dagat.

3. 149 Masigasig St.,


Malanday, Valenzuela City
Ika-23 ng Pebrero, 2016

4. Nagmamahal,

5. Mahal kong Basilio,

Pahina 40
___________________________________
___________________________________
___________________________________

_______________________________

_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

________________________________
________________________________

Pahina 41
A. Pagpapalawak ng Talasalitaan

1.

2.

3.

4.

5.

6.

7.

B. Mga Gabay na Tanong

1. Sinu-sino ang mga tauhan sa kuwento?

2. Anu-ano ang mga nakagawiang gawin ng mga tauhan?

3. Ito ang katangian ni Tipaklong bago sumapit ang tag-ulan.

4. Ano ang damdaming ipinakita ni Langgam nang maalala niyang


tatlong araw nang hindi kumakain si Tipaklong?

5. Sa iyong palagay, mas maigi bang itinuloy na lang ni Langgam ang


una niyang desisyon na tanggihang tulungan si Tipaklong?

6. Sino sa dalawang tauhan ang mas katulad mo ng katangian? Bakit?

Pahina 42
Basahin at Unawain

Si Langgam, Si Tipaklong, at Isang Naiibang Wakas


Kuwento ni Alma M. Dayag

Tag-init, katatapos lang ng anihan sa bukid. Makikita si Langgam na


abalang-abala sa paghakot ng mga nalaglag na butil ng palay para
dalhin sa kaniyang tahanan. Mula umaga hanggang hapon ay makikita
ang masipag na langgam sa kaniyang gawain.

Tumingin si Langgam kay Tipaklong. Parang kay sarap ngang maglaro


at sumayaw sa ilalim ng bughaw na langit at maliwanag na araw. Subalit
naalala niya ang pamilyang maaaring magutom sa darating na tag-ulan
kung hindi siya maghahakot ng pagkain ngayong tag-araw.

dahil kailangan kong maghanda para sa pagdating ng tag-ulan. May

na sabi ni Tipaklong.

Subalit ang tag-init ay hindi pala kasinghaba ng inaakala ni Tipaklong.


Nagsimulang pumatak ang ulan at ang mga pagkaing nagkalat ng unti-
unting inanod ng tubig. Walang naiwan sa bukid kundi putik at mga
damong nagsisimulang sumibol dahil sa pag-ulan.

Isang araw, nang hindi matiis ni Tipaklong ang ginaw at gutom na


nararamdaman ay naglakas-loob siyang kumatok sa pintuan ni Langgam

nagmamakaawang tawag ni Tipaklong.

Binuksan ni Langgam ang pinto at nakita niya ang payat na payat at

nito.

Pahina 43
pagmamakaawa ni Tipaklong.

kundi sumayaw, umawit, at magsaya. Ngayon at wala ka nang makain ay


hihingi ka ng tulong. Pasensiya na, Tipaklong. Ang inipon kong pagkain ay

Ngunit biglang naalala niya ang sinabi ni Tipaklong na tatlong araw na

Kung tutuusin, parang may pagkukulang din ako bilang isang kaibigan dahil

Agad niyang binuksan ang pinto ngunit nagulat siya nang makita si
Tipaklong na nakahandusay sa tabi ng pinto at nanginginig sa tindi ng

habang inaalalayan papasok ang kaibigan. Binigyan niya ito ng mainit na


kape at pagkain.

Langgam. At pasensiya ka na ha. Nagkamali ako pero pangako,

gawain sa aking patahian ngayon. Kung gusto mo, tumulong ka sa akin

mong kaibigan. Hinding-hindi ko sisirain ang pagkakataong ibinigay mo sa

pa niya.

Simula nga noon ay ibang Tipaklong na ang nakikita tuwing tag-init.


Sumasayaw at umaawit pa rin sapagkat likas siyang masayahin subalit hindi
na niya nakalilimutang mag-ipon ng sapat na pagkain para sa tag-ulan.
Salamat sa pagkakataong ibinigay ng kaibigan niyang si Langgam.

WAKAS

Pahina 44
Halina’t Magsanay!

Panuto : Sumulat ng isang liham sa isa sa mga tauhan sa pabula.

____________________

____________________

____________________

__________________

___________________________________________________________

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

____________________

____________________

Pahina 45
Wika ay Mahalin,
Aralin at Gamitin!

Panghalip

Panghalip ang tawag sa mga salitang pumapalit sa pangngalan.

Halimbawa:

A. Si Langgam ay masipag.
Siya ay masipag at masinop.

B. Nagtatago ang mga insekto sa kani-kanilang mga bahay


tuwing tag-ulan.
Sila ay nagtatago sa kani-kanilang mga bahay tuwing tag-ulan.

Uri ng Panghalip

1. Panghalip na Panao

Ang mga salitang ako, siya, ikaw, kami, kayo, at sila ay mga
halimbawa ng panghalip na panao. Panghalip na panao ang
pumapalit sa isa o higit pang ngalan ng tao. Maaari itong maging
isahan o maramihan.

Isahan Maramihan
ako, ka, ikaw tayo, kami, kayo
siya, ko sila, natin, namin
mo, niya nila, ninyo

Halimbawa:

1. Langgam nga pala ang pangalan ko. Mahilig akong mag-

ipon ng pagkain.

2. Ako at si Tipaklong ang magtatanim. Kami ay magtutulungan.

Pahina 46
Ang isahan at maramihan ay tumutukoy sa kailanan ng
panghalip.

Ang mga panghalip ay may panauhan din. Ito ay para sa taong


nagsasalita, kausap, at pinag-uusapan.

Kailanan
Panauhan
Isahan Maramihan
Una ako, ko kami, tayo, namin, natin
(Nagsasalita)
Ikalawa ikaw, mo, ka kayo, ninyo
(Kausap)
Ikatlo siya, niya sila, nila
(Pinag-uusapan)

2. Panghalip na Paari

Panghalip na paari ang tawag sa panghalip na nagpapahayag


ng pagmamay-ari. Mayroon din itong panauhan at kailanan.

Kailanan
Panauhan Isahan Maramihan

Una akin amin


(Nagsasalita) atin
Ikalawa iyo inyo
(Kausap)
Ikatlo kaniya kanila
(Pinag-uusapan)

Halimbawa: Kay Miriam ang asul na baunan.


Kaniya ang asul na baunan.

Kina Noli at Cassie ang maingay na aso kanina.


Kanila ang maingay na aso kanina.

Pahina 47
3. Panghalip na Pamatlig

Panghalip na pamatlig ang tawag sa panghalip na pumapalit


sa pangngalang itinuturo.
Panghalip na Pamatlig Ginagamit kapag ang:
ito bagay ay hawak o malapit sa nagsasalita
iyan bagay ay malayo-layo sa nagsasalita ngunit
malapit sa kinakausap

iyon bagay ay malayo sa nagsasalita at kausap


dito pook ay malapit sa nagsasalita
diyan pook ay malayo-layo sa nagsasalita ngunit
malapit sa kinakausap

doon pook ay malayo sa nag-uusap

Pagkakaiba ng Gamit

A. dito at rito, diyan at riyan, doon at roon

Ang dito, diyan, at doon ay nagiging rito, riyan, at roon kapag ang
salitang sinusundan ay nagtatapos sa mga patinig a, e, i, o, u at
malapatinig na y at w.

Halimbawa:

Hanapin mo nga ang sapatos doon.


Hindi pa ako nakapupunta roon.

B. din at rin

Ang salitang din ay nagiging rin kapag ang salitang sinusundan ay


nagtatapos sa mga patinig a, e, i, o, u at malapatinig na y at w.

Halimbawa:
Matamis din ang lansones.
Malasa rin ang ulam na luto niya.

Pahina 48
4. Panghalip na Pananong

Ang mga panghalip na pumapalit sa mga pangngalang


ginagamit sa pagtatanong ay tinatawag na panghalip na pananong.

Kailanan
Kinakatawan Isahan Maramihan
tao sino sinu-sino
bagay/pangyayari ano anu-ano
taong nagmamay-ari kanino kani-kanino
pinipili alin alin-alin
nabibilang ilan ilan-ilan
nasusukat gaano gaa-gaano
halaga magkano magka-magkano
lugar saan saan-saan

Halimbawa:

Si Arlene ang pinakamatalino sa klase. (Sino ang pinakamatalino sa klase?)

Sina Karlo, Kevin, at Matt ang mga naiwan sa silid-aralan. (Sinu-sino ang
mga naiwan sa silid-aralan?)

Panuto : A. Salungguhitan ang panghalip na makikita sa bawat pangkat ng


mga salita.

1. [ daw , rin , diyan ]


2. [ lugar , dalawa , magka-magkano ]
3. [ kina , inyo , nina ]
4. [ sina , siya , si ]
5. [ natin , sinop , ang ]

Pahina 49
B. Kahunan ang panghalip na panao sa bawat pangungusap.

1. Mag-ipon ka ng pagkain hanggat tag-araw.

2. Saan mo itinabi ang naipong pagkain?

3. Dito nila nakita kanina ang mga natirang butil ng bigas.

4. Tayo ay magtipid at huwag sayangin ang pagkain.

5. Nakakita kami ng napakaraming langgam sa sanga ng punong


iyon.

C. Isulat sa loob ng kahon ang T kung ang panghalip na panao ay


naaayon sa hinihinging kailanan at panauhan nito at M naman kung
hindi.

1. ( Panauhan: Ikalawa ; Kailanan: Maramihan ) - sila

2. ( Panauhan: Ikatlo ; Kailanan: Isahan ) - niya

3. ( Panauhan: Una ; Kailanan: Maramihan ) - namin

4. ( Panauhan: Ikalawa ; Kailanan: Isahan ) - kayo

5. ( Panauhan: Ikatlo ; Kailanan: Maramihan ) - ikaw

D. Bilugan ang tamang panghalip na paaring bubuo sa mga sumusunod


na pangungusap. Gamiting gabay ang mga nakasalungguhit na
salita o parirala.

1. Ako at si Imo ay nagbasa ng kuwentong ibinigay ng guro. Ito ay


( ating , aming , aking ) takdang-aralin.
2. Sina Ema, Beck, Empoy, at Paula ang mga may dala niyan kanina.
Paniguradong sa ( akin , kaniya , kanila ) ang mga naiwang
iyan.

Pahina 50
3. Ako ay bumili ng kuwintas. Isusuot ko ito sa araw ng ( kanilang ,
aking , aming ) kaarawan.

4. Ako at ikaw ang mamumuno sa programa ng ( aming , ating ,


aking ) paaralan.

5. Nestor, ( iyo , amin , kaniya ) ba ang napulot kong sumbrero?

E. Ibigay ang hinihinging panghalip na paari ayon sa panauhan at


kailanan nito. Isulat sa loob ng kahon ang sagot.

1. Panauhan: Ikatlo ; Kailanan: Maramihan -

2. Panauhan: Una ; Kailanan: Maramihan -

3. Panauhan: Ikalawa ; Kailanan: Isahan -

4. Panauhan: Una ; Kailanan: Isahan -

5. Panauhan: Ikalawa ; Kailanan: Maramihan -

F. Isulat sa patlang ang nararapat na panghalip na pananong na


bubuo sa mga pangungusap. Piliin ang sagot sa kahon.

Magkano Sinu-sino
Alin
Kani-kanino(ng) Gaano

1. ________________ kabigat ang buhat-buhat mong sako ng bigas?

2. ________________ ang mga tauhan sa pabula?

3. ________________ mga bata ipamimigay ang mga regalo?

4. ________________ ang presyo ngayon ng luya?

5. ________________ ang mas matibay, kawayan o narra?

Pahina 51
G. Kumpletuhin ang talahanayan sa ibaba.

Isahan Maramihan

saan

ilan

kani-kanino

magkano

anu-ano

H. Salungguhitan ang tamang panghalip na pamatlig na bubuo sa mga


pangungusap.

1.

lalagyang nasa tabi ni Langgam.

2.

mga kamay.

3.

4.

5. Nagkita sina Langgam at Tipaklong sa bukid. ( Iyon , Doon ,


Roon ) sila hahakot ng butil ng mais.

Pahina 52
I. Bumuo ng pangungusap ayon sa panghalip na pamatlig sa bawat
bilang.

1. doon

____________________________________________________________________

2. rito

____________________________________________________________________

3. iyan

____________________________________________________________________

4. diyan

____________________________________________________________________

5. ito

____________________________________________________________________

J.

1.

Tipaklong.

2. Langgam. Pasensiya _____________ na ha. Nagkamali ako

3. pag-
iipon ng pagkain. Iwan mo muna _____________ at magsaya tayo. La,

Tipaklong.

Pahina 53
4. kailangan

5.

Tipaklong.

K. Bilugan ang tamang sagot.

1. Bakit umakyat ( din , rin ) ng puno si Ismael?

2. ( Rito , Dito ) tutuloy sa bahay natin ang balik-bayan mong


pinsan.

3. Hanggang ( doon , roon ) ang iyong tatakbuhin.

4. Inagaw ( daw , raw ) ng makulit niyang kapatid ang kaniyang


laso.

5. Isasampay ( riyan , diyan ) mamaya ang mga damit ni Loloy.

Dula

Ang dula ay isang akdang pampanitikan na ang layunin ay itanghal


sa isang entablado ang kaisipan ng may-akda sa pamamagitan ng
pananalita, kilos, at galaw. Mayroon itong mga sangkap. Ito ay
ang simula, gitna, at wakas.

Simula - mamamalas dito ang tagpuan, tauhan, at minsan ay


ang sulyap sa suliranin.

Gitna - Matatagpuan dito ang saglit na kasiglahan, ang suliranin,


ang tunggalian, at kasukdulan.
Wakas - matatagpuan naman dito ang kakalasan at ang kalutasan.

Pahina 54
A. Pagpapalawak ng Talasalitaan

3.

4.

5.

6.

7.

8.

B. Mga Gabay na Tanong

1. Sino ang unang guro ni Rizal?

2. Ano ang payo ni Donya Lolay kay Rizal sa tuwing magbabasa? Bakit
ito naipayo?
3. Ano ang dapat ginawa ni Batang Gamugamo upang di sana siya
namatay?
4. Kung babalikan ang buhay ni Rizal, may matutukoy bang
pagkakatulad sa gamugamo?
5. Ano ang tungkulin ng magulang sa pag-aaral ng bata?

Pahina 55
Basahin ang maikling dula sa ibaba.

Ang Gamugamung Naakit sa Liwanag


(Maikling Dula)
ni Rene O. Villanueva

Mga Tauhan
PEPE, batang Jose Rizal, mga limang taong gulang
DONYA LOLAY, Teodora Alonzo, nanay ni Pepe
BATANG GAMUGAMO
INANG GAMUGAMO

Katabi ni DONYA LOLAY sa sahig ang nakadapang si Pepe. May hawak na


libro si Pepe, pero hindi buhos ang loob sa pagbabasa.

Magkakamot ng ulo si Pepe.

D. LOLAY: Ano ba, Pepe? Ilagay mo nga sa loob mo ang pagbabasa diyan.

PEPE: (Hihikab.) Inaantok po kasi ako e.

D. LOLAY: Inaantok? Di ba, kababangon mo lang doon sa higaan mo?


Ikaw nga ang nagsabi sa akin na gusto mong magbasa tayo rito sa sala.

Natatandaan mo ba ang bilin ko sa iyo sa tuwing bubuklatin mo ang iyong


aklat?

D. LOLAY: Laging aliwalas ang isip. Para hindi lamang sa ulo mo pumasok
ang iyong binasa, Pepe. Kundi maging sa puso. Mahalagang tumimo
hanggang sa puso ang karunungang hinahangad mo. Kaya, Pepe, kung
inaantok ka o kaya’y walang ganang magbasa, baka mas mabuting
bumalik ka muna sa higaan mo doon sa silid o maghanap ka kaya ng
ibang gagawin. Iwan mo na diyan ang iyong aklat. Mamaya ka na
magbasa, kapag talagang gusto mo…Kapag aliwalas na ang isip mo.

Pahina 56
PEPE: Sabi ko nga po, gusto kong magbasa. Pero gusto ko po, sabay tayo.
Mas gusto ko po kung babasahan ninyo ako ng kuwento. Puwede po ba

D. LOLAY: (Yayakapin ang anak.)

akong kuwento para sa iyo.

D. LOLAY: Oo, anak. Inihanda ko talaga ang kuwentong ito sa iyo. Aba,
ilang beses ko nang napapansing madalas na wala sa loob mo ang
pagbabasa.

Pepe: Matagal na po kasi mula nang huli ninyo akong basahan ng


kuwento.

D. LOLAY: (Kukunin sa likuran niya ang isang aklat at bubuklatin.)


Hamo iho, babasahan ka ni Nanay ng isang napakagandang kuwento.

Kakandong si Pepe sa ina. Sisimulan ni Donya Lolay ang pagbasa.

ilawan. Napansin ni Inang Gamugamo na wala sa loob ng bata ang

Ipapasok ang telon para sa karilyo. Sa telon, makikita ang liwanag ng apoy
at dalawang anino ng gamugamo, marahang palipad-lipad paikot sa dila
ng apoy. Sila ang INANG GAMUGAMO at BATANG GAMUGAMO.

Ilang sandaling maririnig ang musika. Mahina sa simula ng usapan ng mag-


inang gamugamo.

INANG GAMUGAMO: Bakit ba tingin ka ng tingin sa apoy, anak? Paano mo


maiintindihan ang binabasa mo kung wala sa loob mo ang pagbabasa.
Ayusin mo nga ang pagbabasa mo?

BATANG GAMUGAMO: Kasi naman po ang ganda-ganda ng apoy, Inay.


Lalo na po sa buhay na tulad ng sa atin, di po ba? Lagi po tayong nasa
dilim, Inay, kaya labis po akong naaakit sa liwanag ng apoy.

Pahina 57
Kaya pag-ingatan mong huwag kang madidikit diyan. Matutupok ang
pakpak mo; baka maging sanhi pa ng iyong kamatayan.

BATANG GAMUGAMO: Hindi po kayo nagagandahan sa liwanag, Inay?


Parang dilaw na dila na pasayaw-sayaw!

BATANG GAMUGAMO: Tingnan po ninyo, Inay. Walang tigil sa pagkunday!

niyayaya akong magsayaw.

INANG GAMUGAMO: Tigilan mo nga ang kalokohan mo! Lumayo ka sa

kita. May gagawin akong saglit sa labas. Tandaan mo ang bilin ko: Huwag
matigas ang ulo mo. Huwag kang lalapit sa apoy! Masusunog ka!

Lilipad palabas ang Inang Gamugamo.

D.LOLAY: Hintayin mo munang matapos ang kuwento! O, gusto mo nang


maglaro? Tatapusin ba natin ang pagbabasa, Pepe?

PEPE: Opo! Gusto ko pong malaman kung ano ang mangyayari.

Muling bubuklatin ni Donya Lolay ang aklat at magbabasa.

simula, binalikan ng Batang Gamugamo ang aklat na hawak niya.

Maririnig ang musika.

Sa karilyo, ang anino ng dila ng apoy at Batang Gamugamo na lamang


ang makikita.

BATANG GAMUGAMO: Ang ganda talaga ng liwanag! Kabigha-bighani


ang apoy! Lumapit pa kaya ako nang kaunti?

Tunog ng kampanilya: Ting! Maririnig ang boses ng Inang Gamugamo mula


sa malayo.

Pahina 58
INANG GAMUGAMO: (Boses lamang.) Huwag matigas ang ulo mo! Huwag
kang lalapit sa apoy. Masusunog ka!

kaniyang ina. Lumapit siya sa dila ng liwanag. Sa simula, kaunting-kaunti

BATANG GAMUGAMO: Naku! Talaga palang napakaganda ng liwanag!

Didikit nang kaunti sa dila ng apoy ang Batang Gamugamo. Mabilis na


magdidingas ang pakpak niya.

BATANG GAMUGAMO: (Sisigaw nang mahaba at malakas na parang


napaso.) Ayyy! Nasusunog ang ang pakpak ko! Ang hapdi, ang hapdi, ang
sakit! Tulonggg! Nasusunog ang katawan ko pati ang mga paa ko! Arayyy!
Tulungan ninyo ako. Hindi ako makahinga. Nahihilo ako. Naku, babagsak
yata ako sa bunganga ng apoy! Inay! Inayyy!

Mahabang katahimikan.

(Saglit.)

Isasara ni Donya Lolay ang aklat. Saglit na katahimikan.

liwanag.

D. LOLAY: (Mabibigla sa narinig.) Gusto mong matupok ka ng apoy, Pepe?

At palagay ko po, kahabag-habag ang lahat ng nabubuhay na laging


nasa dilim. (Saglit ngingiti para yumapos sa ina.) Salamat po sa inyong

Hahalikan sa pisngi ni Pepe ang ina. Muling maririnig ang musika. Tatayo
ang mga nagsiganap at yuyukod para magbigay-pugay sa buong klase.

WAKAS

Pahina 59
Wika ay Mahalin,
Aralin at Gamitin!

Mga Kasanayan sa Pagbasa

Pagsasalaysay Muli ng Kuwento

Pagkukuwentong muli ang ibig sabihin ng pagsasalaysay muli ng


kuwento. Kinakailangang manatili at di mapalitan ang mga
mahahalagang detalye ng kuwento. Gawing kaaliw-aliw ang paraan ng
pagkukuwento kung ito ay pabigkas. Marapat lamang na sunud-sunod
pa rin ang paglalahad ng mga pangyayari.

Panuto : Isalaysay muli ang kuwentong binasa. Isulat sa ibaba ang salaysay.
Subukan ding ikuwento muli ito sa klase nang pabigkas.

_____________________________________________________
Pamagat

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

Pahina 60
______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

Pahina 61
Wika ay Mahalin,
Aralin at Gamitin!

Pagsusunud-sunod ng mga Pangyayari sa Kuwento

Natitiyak na naunawaan ng isang tao ang kaniyang binasang


kuwento kapag naisasalaysay niya ito nang may wastong
pagkakasunud-sunod. Gumagamit din siya ng wasto at angkop na salita
na naghuhudyat ng magiging kasunod na pangyayari.
Halimbawa:

Ayusin ang mga sumusunod na pangyayari ayon sa pagkakaganap nito

_____ Inakyat ni Matsing ang puno para kunin ang mga bunga ngunit
kinain niya itong mag-isa at hindi niya binigyan ni balat man
lang si Pagong.

_____ Isang araw, nakapulot sina Pagong at Matsing ng isang puno


ng saging. Pinaghatian nila ito. Napunta kay Matsing ang dahon
at ang may ugat naman ay kay Pagong.

_____ Nagalit si Pagong kaya ginantihan niya si Matsing. Nilagyan niya


ng tinik ang puno at kinagat niya ang buntot ni Matsing.

_____ Namatay ang tanim ni Matsing kaya pumunta siya kay pagong
para umiyak. Pinasaya siyang muli ni Pagong nang sabihin
nitong hati na lang sila sa bunga ng puno niya.
_____ Itinanim ni Matsing ang mga dahon sa loob ng gubat habang si
Pagong naman ay sa tabing-ilog itinanim ang ugat ng puno na
napunta sa kaniya.

Sagot:
4,1,5,3,2

Pahina 62
A. Ibigay ang kasunod na pangyayari ng bawat pahayag mula sa kuwento

1. Napansin ni Donya Lolay na hindi buhos ang loob ni Pepe sa


pagbabasa.

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

2. Bago umalis si Inang Gamugamo, nagbilin ito kay Batang Gamugamo


na huwag lalapit sa apoy.

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

3. Kinuha at sinimulang buklatin ni Donya Lolay ang aklat.

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

4. Pagkabasa ng wakas ng kuwento, isinara na ni Donya Lolay ang


aklat.

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

Pahina 63
B. Iguhit sa loob ng mga kahon ang tamang pagkakasunud-sunod ng mga
pangyayari sa kuwento tungkol kina Inang Gamugamo at Batang
Gamugamo.

1 4

2 5

Pahina 64
Wika ay Mahalin,
Aralin at Gamitin!

Pagtukoy sa Sanhi at Bunga

Ang bawat pangyayari ay may dahilan at ang mga pangyayari ring


ito ay may idinudulot na resulta.
Ang sanhi ay ang dahilan ng isang pangyayari. Kadalasan, ginagamit
ang salitang dahil, kasi, sapagkat, at pagkat sa simula ng paglalahad ng
sanhi.
Ang bunga ay ang resulta o kinalabasan ng pangyayari. Kung minsan,
pinangungunahan ng salitang kaya ang bunga.

Halimbawa:
Sanhi: Hindi sumunod sa bilin ng Inang Gamugamo ang Batang
Gamugamo.
Bunga: Natupok ng apoy ang Batang Gamugamo at namatay ito.

Panuto: A. Magbigay ng bunga para sa bawat sanhi:

1. Sanhi : Araw-araw na nakikinig ng balita sa radyo ang ama ni Pilo.

Bunga:

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

2. Sanhi : Matindi ang trapiko sa kalsada sa EDSA tuwing umaga.

Bunga:

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

Pahina 65
3. Sanhi: Nagpuyat sa kapapanood ng telebisyon si Mara kahit alam

niyang may mga takdang-aralin siya.

Bunga:

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

B. Magbigay ng sanhi para sa bawat bunga:

1. Bunga: Natupok ng apoy ang kawawang batang gamugamo.

Sanhi:

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

2. Bunga: Madilim sa loob ng bahay nina Mang Esteban.

Sanhi:

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

3. Bunga: Basa ang kamiseta ni Gorio nang pumasok siya sa silid.

Sanhi:

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

Pahina 66
Kuwentong-bayan
Ang kuwentong-bayan (folklore) ay mga salaysay hinggil sa mga
tauhang likhang-isip lamang at kumakatawan sa mga uri ng mamamayan,
katulad ng matandang hari, isang marunong na lalaki, o kaya sa isang
hangal na babae. Karaniwang kaugnay ang kuwentong-bayan ng isang
tiyak na pook o rehiyon ng isang bansa o lupain.
Halimbawa: Si Mariang Sinukuan, Si Ango

A. Pagpapalawak ng Talasalitaan

1.

2.

3. gubat (kagubatan) makikita ang iba't ibang uri ng matitibay na


punongkahoy at dito rin naninirahan ang ,mga ligaw na hayop tulad
ng tamaraw, baboy damo, usa at mga ibon.
4.

B. Mga Gabay na Tanong

1. Sino si Ango?

2. Ano ang ginawa niya sa kagubatan?

3. Ibigay ang mga katangiang nakita mo kay Ango.

4. Bakit ikinainis ni Ango ang ingay ng mga palaka?

5. Kung ikaw si Ango, paano mo mapipigil ang parusang ipinataw sa

iyo ni Anitan?

6. Ano ang aral na maaari mong matutunan mula sa kuwento?

Pahina 67
Basahin at Unawain

Si Ango
(Manobo-Surigao)
ni John Garvan

Noong unang panahon, may isang lalaking nagngangalang Ango.

Silangan.

Isang araw, nangaso si Ango, kasama ang kaniyang aso. Mapalad


siya sa araw na iyon dahil nakahuli siya ng isang baboy-ramo. Nabali ang
kaniyang sibat habang hinuhuli ang hayop. Gayunpaman, masaya siyang
umuwi.

Napadaan siya sa isang sapa. Huminto siya rito at nagpahinga.


Umupo siya sa isang bato at sinimulang ayusin ang kaniyang sibat. Nainis
siya sa ingay na likha ng mga palaka. Sinabihan niya ang mga itong tumigil
na sa pag-iingay at tulungan siya sa pag-aayos ng kaniyang nabaling sibat.

Ang masamang pagtrato ni Ango sa mga palaka ay ikinagalit ni


Anitan, ang diyos ng mga palaka. Hindi niya mapalalagpas ang inasal na
ito ni Ango sa mga palaka. Kailangan niyang parusahan si Ango.

Sinimulan muling bagtasin ni Ango ang daan pabalik sa kaniyang


bahay. Habang hinahanap ang daan malapit sa isang talon, lumingon siya
at nagulat sa kaniyang nakita. Hinahabol siya ng maliliit at malalaking bato.
Sa takot, binilisan ni Ango ang takbo kasunod ang kaniyang aso. Narating
niya ang kaniyang taniman ng kamote at doon siya nagpahinga. Dito
naman siya naabutan ng malalaking bato. Isang bato ang dumikit sa
kaniyang daliri.

anak. Nang sumaklolo sa kaniya, gumamit sila ng mahiwagang apoy para


maalis ang batong dumikit sa daliri ni Ango. Subalit huli na ang lahat.
Nagsimula nang maging bato ang mga paa ni Ango. Gayundin ang

Pahina 68
bato na mula paa hanggang tuhod. Pagkaraan ng tatlong araw, naging
bato sila hanggang sa kanilang beywang. Nang mga sumunod pang araw,

Hanggang sa kasalukuyan, ang mga batong katawan ay makikita pa


rin sa tuktok ng Binaoi.

WAKAS

Wika ay Mahalin,
Aralin at Gamitin!

Mga Kasanayan sa Pagbasa

Pagbibigay ng Panibagong Pamagat

Ang talata at kuwento ay binibigyan ng angkop na pamagat.


Nagsasabi ng ideya o paksa nito ang pamagat. Ito ay dapat na maikli.
Sinisimulan sa malaking titik ang mahahalagang salita sa pamagat.

Ang pagbibigay at paghihinuha sa pamagat ng kuwento o kuwento


ay isang kasanayan na nakatutulong upang maunawaan ang binasa.

Halimbawa: Sa Paanan ng Bundok

Panuto: Magbigay ng 3 angkop at alternatibong pamagat para sa

1. ___________________________________________________

2. ___________________________________________________

3. ___________________________________________________

Pahina 69
Wika ay Mahalin,
Aralin at Gamitin!

Pagbibigay ng Angkop na Wakas o Alternatibong Wakas

Ang wakas ay ang pagtatapos ng mga pangyayari sa isang talata,


kuwento o ano mang akda. Kailangang maging kawili-wili at angkop ito
sa paksa ng talata o kuwento.

Sa pagwawakas ng kuwento, ipinakikita ang pagkakalutas ng mga


suliranin ng tauhan sa kuwento.

Halimbawa:

Humingi ng tawad si Ango sa diyos ng mga palaka na si Anitan. Kaya


bago pa man lumampas sa beywang ang pagiging bato ng kanilang
katawan at bumalik na sila sa dating anyo. Tahimik na namuhay silang
mag-anak.

Panuto: Gumawa ng alternatibong wakas para sa kuwentong Si Ango.

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

Pahina 70
BUGTONG

Isang katutubong laro sa bansa kung saan kailangang isipin ang kahulugan at hulaan ang
sagot nito.

Halimbawa : Maliit pa si Sally, marunong nang humabi.

Sagot : gagamba

Tayo Nang Magbugtong-bugtungan!

1. Hayop niya sa pulo, balahibo ay pako. _____________________________

2. Dumaan ang negro, patay lahat ng tao. _____________________________

3. Balong malalim, naliligid ng patalim. _____________________________

4. Uling na bibitin-bitin, masarap kainin. _____________________________

5. Hayan na si Kaka, bubuka-bukaka. ______________________________

Ikaw, may alam ka pa bang mga bugtong?

Magbigay pa ng ibang halimbawa at iguhit mo ang sagot.

Pahina 71
Tula

Ang tula ay isang malikhaing pagpapahayag ng kaisipan.


Ito ay may taludtod, sukat, at tugma.
Ang bawat linya ng tula ay tinatawag na taludtod. Saknong
naman ang tawag sa mga pinagsama-samang taludtod.
Ang sukat ng tula ay maaaring may parehas o hindi
parehong bilang ng pantig sa mga taludtod.
Ang tugma ay ang pagkakapareho ng mga tunog sa hulihan
ng mga taludtod.

Basahin ang tula sa ibaba.

LUPA MULA SA MAYLIKHA


ni Susanne Lilibeth D. Cavalida

Sa isang dako, ang tubig ay nagsama-sama


Lumitaw ang lupa gaya ng sabi ng Maylikha
Tinawag Niya ang tuyong bahagi na lupa
Dito ay tumubo mga halamang namumunga
At nangyari nga...at nasiyahan siya

Nang lahat ng bagay ay malikha


Wala pang anumang pananim sa lupa
Wala pa ring magsasaka
Hanggang sa ang tao ay Kanyang ginawa

Maaga pa lamang ay naghahanda


Mga gamit sa pagtatanim ay kanilang sandata
Sa buong maghapon ay kasama nila

Sa patag na lugar ay nagtanim sila


Maging sa talampas at bundok ay sinubukan nila
Sa pagtutulungan, pagsisikap at pagtitiyaga
Hagdan-hagdang palayan ay kanilang nagawa

Hindi lang pagkain para sa pamilya


Kundi pagkain ding tulong sa madla

Pahina 72
Wika ay Mahalin,
Aralin at Gamitin!

Pang-uri

Ang mga pang-uri ay mga salitang naglalarawan ng pangngalan at


panghalip.
Halimbawa:
Ang buhok ng aking kapatid ay tuwid.
Matamis ang prutas sa bakuran nina Isagani.
Matanda na sina Aling Manggita at Mang Pangga.

Uri ng Pang-uri
1. nagbibigay katangian o larawan sa itsura, ugali, kulay,
hugis, amoy, lasa, at tunog ng isang pangngalan o panghalip.
Halimbawa: Ang lapis niya ay matulis.
Matamis ang baon niyang mangga.
2. nagsasabi ng dami at bilang ng mga pangngalan o
panghalip. Sinasabi rin nito kung pang-ilan.
Halimbawa: Dinala ni Ana ang paborito kong dalawang aklat.
Tatlong piso ang kending binili ko sa tindahan.
Maraming bisita ang dumalo sa kaarawan ng aking
tatay.
Sila ay napunta sa apatang upuan.

A. Tukuyin ang uri ng pang-uring may salungguhit. Itiman ang bilog ng


tamang sagot.

Panlarawan Pamilang

1. Ang Pilipinas ay binubuo ng maraming isla.

2. Ang bukid ay malawak.

3. Ikaapat siya sa kanilang magkakapatid.

4. Daan-daang isda ang nakita ko sa ilog.

5. Pumasok ang malikot na daga sa lungga.

Pahina 73
B. Punan ang tsart ng mga hinihinging detalyeng makikita sa mga
pangungusap sa ibaba.

1. Mabilis na tumakbo ang matangkad na si Ibarra.

2. Kaming walo ay bibisita sa lolo namin sa Zambales.

3. Paano nakaakyat ang itim na pusa sa bubong ng bahay?

4. Hindi niya binili ang sapatos dahil siya ay matipid.

5. Ang mga Pilipino ay masisipag.

Pang-uring Ginamit sa Pangngalan o Panghalip Uri ng Pang-uri


Paglalarawan na Inilarawan
1

2.

3.

4.

5.

Kaantasan ng Pang-uri:
Ang pang-uri ay may dalawang antas: antas ng paglalarawan at
antas ng hambingan.

A. Antas ng Paglalarawan

May tatlong antas ang paglalarawan. Ang mga antas na ito ay


walang paghahambing.

1. Lantay
ginagamit sa paglalarawan
Halimbawa:

a. Ang pusa ay marungis.


b. Luma na ang sapatos ni Basilio.
c. Si Aling Sisa ay paladasal.

Pahina 74
2. Katamtaman
pamamagitan ng:
A. Paggamit ng mga salitang medyo, nang kaunti at nang bahagya
Halimbawa:

a. Medyo mainit ang klima kahapon.

b. Ang alikabok sa mesa mo ay makapal nang kaunti.

c. Basa nang bahagya ang plato ni Maria Clara.

B. Pag-uulit ng salitang-ugat o unang dalawang pantig nito.

Halimbawa:
a. Aba, masira-sira na pala ang bubong ng bahay natin!
b. Maliwa-liwanag ang silid na ito.

3. Masidhi
katangiang taglay ng pangngalan o panghalip. Naipapakita
ito sa pamamagitan ng:
A. Pag-uulit nang buo sa pang-uri
Halimbawa:
a. Matarik na matarik ang bundok na inakyat ni Simoun.
b. Ang mandirigma ay matapang na matapang.
B. Paggamit ng mga panlaping napaka, pagka at kay
Halimbawa:
a. Napakapayat ng kapatid kong si Crispin.
b. Ang sabong ito ay pagkabango.
c. Kaylinis ng paligid!
C. Paggamit ng mga salitang talaga, lubha, masyado, totoo, ubod
nang, saksakan nang, at hari nang
Halimbawa:
a. Ubod nang asim ang manggang ito.
b. Talagang kamangha-mangha ang galing ng agila.
c. Ang kuwintas niya ay lubhang makinang.
D. Paggamit ng salitang Ang at pag-uulit ng salitang/pang-uri
Halimbawa:
a. Ang bilis-bilis mong tumakbo!
b. Ang sarap-sarap ng duriang galing sa Davao.

Pahina 75
B. Antas ng Hambingan

Mauuri sa dalawa ang antas ng hambingan ng pang-uri.


1. Pahambing
dalawang pangngalan o panghalip.

A. magkatulad
dalawa o higit pang pangngalan o panghalip. Ginagamit ang
mga panlaping sing, magsing,at magkasing.

Halimbawa:

a. Magkasintaba sina Tasyo at Tiago.

b. Simbango ng sampaguita ang pabango mo.

c. Ang mga babae at mga lalaking manlalaro ay magkasimbilis sa


paglangoy.

B. di-magkatulad
katangian ng mga pinaghahambing. Ginagamit ang mga salitang
, at

Halimbawa:
a. Mas malambot ang unan ko kaysa sa unan mo.
b. Di-hamak na matangkad si Basilio kaysa kay Crispin.

2. Pasukdol ginagamit naman ito sa paglalarawan ng pinakamataas


at walang hihigit pang katangian ng tao, bagay, lugar,
hayop, at pangyayari. Maaari ring naghahambing sa tatlo
o higit pa, o sa pangkalahatan. Gumagamit naman ito ng
mga kataga, panlapi o salitang gaya ng pinaka, at
walang kasing.

Halimbawa:

a. Walang kasing takaw ang alagang aso mong iyan.

b. Pinakatahimik ang klase ni Bb. Consolacion.

Pahina 76
Mag Salitang Panukat
Pagbilang o Pagsukat
dangkal
talampakan/piye
dipa

A. Sukatin ang mga sumusunod na bagay ayon sa hinihingi sa tsart.

Isulat sa kahon ang bilang ng sukat.

Bagay Sukat Paraan ng Pagsukat

pisara sa loob ng
dipa
klase

sukat ng silid-aralan
mula harap talampakan

mesa ng guro dangkal

B. Isulat sa tamang hanay ng kaantasan ng pang-uri ang mga pariralang


nasa kahon.

malapit nang kaunti mas mahinhin kaysa kay


di hamak na mabagal kaysa sa
napakadilim napakalabo

Antas ng Paglalarawan Antas ng Hambingan

Pahina 77
C. Isulat sa patlang ang L kung ang pang-uring nakasalungguhit ay lantay,
K kung katamtaman, at M naman kung masidhi.

_______1. Ang mamag ay may bilog na mata.


_______2. Ang mga Pilipino noon ay inalipin ng mga malulupit na
Espanyol.
_______3. Bahagyang malat ang boses ng guro ko sa Agham.
_______4. Sobrang hirap ng pamumuhay ng mga Pilipino noong
panahon ng mga Kastila.

_______5. Ang Asya ay napakalaking kontinente.

D. Isulat ang T sa loob ng kahon kung ang pang-uring ginamit sa


pangungusap ay nagpapakita ng tamang antas ng hambingan at M
naman kung hindi.

1. Mas masunurin si Lorna kaysa kay Emily. (pahambing)

2. Higit na mataas ang bakod ng bahay ni Aling Nena kaysa sa


bakod ng bahay ni Aling Marta. (pasukdol)

3. Para sa akin, walang kasing tibay ang abaka. (pasukdol)

4. Ang rafflesia ang pinakamalaking bulaklak sa buong mundo.


(pasukdol)

5. Singhaba ng lubid na ito ang sitaw. (pahambing)

Pahina 78
Wika ay Mahalin,
Aralin at Gamitin!

Pandiwa

Ang pandiwa ay salitang nagpapakita ng kilos o galaw. Binubuo ito


ng salitang-ugat at panlaping makadiwa.
Salitang-ugat
ng panibagong salita; payak na salita.

Halimbawa: takbo, ligo, sayaw

Panlaping makadiwa
Halimbawa: um + takbo = tumanbo
na + ligo = naligo

pagkakaganap ng kilos. Tinatawag itong aspekto ng pandiwa.


A. Pangnagdaan (Nangyari)
Ang mga salitang pamanahon tulad ng kahapon, noon, at dati
ay ginagamit pananda sa pangnagdaan.
Halimbawa:
Naligo si Alperes sa ilog kahapon.
Noon ay tumalon ako ng maraming beses pagsapit ng bagong
taon.
Naglaro kami dati ng taguan.

B. Pangkasalukuyan (Nangyayari)
ginagawa o nangyayari o palagiang ginagawa.

Ang mga salitang pamanahon tulad ng ngayon, palagi, tuwing,


araw-araw, oras-oras, ay ilan sa pananda sa pangnagdaan..

Halimbawa:
Naliligo palagi nang mabilis si Romy.
Tumatalon sa tuwa ang aking kapatid tuwing uuwi ang aking
tatay mula sa ibang bansa.
Araw-araw kaming naglalaro ng luksong-baka.

Pahina 79
C. Panghinaharap (Mangyayari)
gagawin pa lamang ito.

Ang mga salitang pamanahon tulad ng bukas, sa susunod na


(linggo, araw, buwan, taon), sa makalawa, mamaya, at iba pa ay ilan
sa mga tanda.

Halimbawa:
Maliligo siya bukas sa dagat kasama ang kaniyang mga
kaibigan.
Maglalaro kami ng patintero sa susunod na linggo.
Aayusin ko ang gamit ko sa aking bag bago ako matulog.

Mga Tuntunin sa Pagbabago ng Pandiwa


1. Ang mga pandiwang may mga panlaping ma-, mag-, mang-, maka- :

a. Pangnagdaan
ay nagiging na-, nag-, nang-, at naka-.
Halimbawa: Pangnagdaan
matuwa natuwa
maglingkod naglingkod
manghiram nanghiram
makasira nakasira

b. Panghinaharap
ay nananatili at uulitin ang unang pantig o unang dalawang titik
ng salitang-ugat.
Halimbawa: Panghinaharap
matuwa matutuwa
maglingkod maglilingkod
manghiram manghihiram
makasira makasisira

c. Pangkasalukuyan - ang titik na m ay nagiging n at inuulit ang


unang pantig o unang dalawang titik ng salitang ugat.
Halimbawa: Pangkasalukuyan
matuwa natutuwa
maglingkod naglilingkod
manghiram nanghihiram
makasira nakasisira
magtrabaho nagtatrabaho

Pahina 80
2. Ang mga pandiwang may mga panlaping , -an, -han, i- :

a. Pangnagdaan - isinisingit ang panlaping -in- sa loob ng salitang-


ugat at panatilihin ang pawatas.
Pawatas
Halimbawa:
Pawatas Pangnagdaan
tapakan tinapakan
sabihan sinabihan
isara isinara

b. Panghinaharap - mga panlaping -an, -han, i- ay nananatili at


uulitin ang unang pantig ng salitang-ugat.
Halimbawa: Panghinaharap
tapakan tatapakan
sabihan sasabihan
isara isasara

c. Pangkasalukuyan - isinisingit ang panlaping -in- sa salitang-ugat


at uulitin ang unang pantig o unang dalawang titik ng salitang-
ugat.
Halimbawa: Pangkasalukuyan
tapakan tinatapakan
sabihan sinasabihan
isara isinasara

3.

a. Pangnagdaan sa salitang-ugat
kapag ang kilos ay natapos na.

Halimbawa: Pangnagdaan
takbo tumakbo

b. Panghinaharap at uulitin ang


unang pantig o unang dalawang titik ng salitang-ugat.

Halimbawa: Panghinaharap
tumakbo tatakbo

Pahina 81
c. Pangkasalukuyan at uulitin ang
unang pantig o unang dalawang titik ng salitang-ugat.

Halimbawa: Pangkasalukuyan
tumakbo tumatakbo

A. Magbigay ng halimbawa ng salitang-ugat. Magsulat ng dalawang


pandiwang maaaring mabuo mula sa ibinigay na salitang-ugat.
Gamitan ang mga ito nang naaangkop na panlaping makadiwa.

Salitang-ugat Pandiwa

1. _____________________ _____________________

_____________________

2. _____________________ _____________________

_____________________

B. Bilugan ang pandiwa sa bawat pangungusap.

1. Sasali ako mamaya sa laro nilang luksong-tinik.

2. Pero ngayon, sumasagot na siya sa tanong ng guro.

3. Madalas na rin siyang tumatawa kasama ang mga kalaro niya.

4. Kahapon nga naglaro sila ng patintero sa palaruan.

5. Natutuwa ang aking mga magulang sa tuwing mataas ang aking

marka sa pagsusulit.

Pahina 82
C. Tukuyin ang aspekto ng pandiwang may salungguhit. Isulat sa patlang
ang Pangnagdaan, Panghinaharap, o Pangkasalukuyan.

1. Araw-araw akong umiinom ng katas ng carrot.

______________________________

2. Kahapon, nagastos ko ang aking baong pera.

______________________________

3. Mamaya ko na lang huhugasan ang mga plato.

______________________________

4. Palaging binabantayan ng aso ko ang aking kuwarto.

______________________________

5. Namasyal kami sa Luneta noong nakaraang buwan.

______________________________

D. Bilugan mula sa loob ng panaklong ang angkop na pandiwang


bubuo sa mga sumusunod na pahayag.

1. Kahapon ay ( umaalis , umalis , aalis ) ako nang maaga.

2. ( Nagpunta , Nagpupunta , Magpupunta ) kami sa klinika kanina.

3. ( Binihisan ,Bibihisan , Binibihisan ) ko ang aking manika ng


makulay na damit noong isang Linggo.

4. Ang kapatid ko ay ( napapasigaw , napasigaw , mapapasigaw )


sa tuwa dahil bumalik na ang kuryente kagabi.

5. ( Nagdilig , Magdidilig , Nagdidilig ) mamaya ng mga halaman


sa hardin si Lola Isabel.

Pahina 83
Wika ay Mahalin,
Aralin at Gamitin!

Pang-abay

Pang-abay ang tawag sa salita o grupo ng mga salitang


nagbibigay-turing o naglalarawan sa pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-
abay.

Halimbawa:
a. Pang-abay na naglalarawan sa pandiwa
Masarap magluto ang nanay ko.
Pang-abay Pandiwa
b. Pang-abay na naglalarawan sa pang-uri
Medyo malaki ang damit na ito.
Pang-abay Pang-uri
Iba pang halimbawa: totoo, talaga, hindi, sadya, masyado,
di gaano, bahagya, kaunti
c. Pang-abay na naglalarawan sa kapwa pang-abay
Tunay na masayang magbasa ng mga
kuwento.
Pang-abay Pang-abay Pandiwa

Pagkakaiba ng Pang-abay at Pang-uri

Ang pang-uri at pang-abay ay parehong naglalarawan o nagbibigay-


turing.
Ang pang-uri ay salitang nagbibigay-turing sa pangngalan o
panghalip.

Halimbawa:

pang-uri pangngalan

Mabilis si Tiburcio sa maraming bagay.

pang-uri panghalip

Mabuti siyang tao.

Pahina 84
Ang pang-abay ay salitang nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri
at kapwa pang-abay.

Halimbawa:

pang-abay pandiwa

Mabilis tumakbo si Basilio.

pang-abay pang-uri

Tunay na magandang babae si Pia.

pang-abay pang-abay pandiwa

Lubhang maganang kumain si Damaso.

Tatlong Uri ng Pang-abay


1. Pang-abay na pamaraan paano ginawa
ang kilos
Halimbawa:
a. Pabulong na nagsalita si Salvi.
b. Umakyat nang padabog si Elias.
c. Mabilis niyang nahuli ang daga.

2. ito ay nagsasaad ng panahon kung


kailan ginawa ang kilos.
Halimbawa:
a. Kagabi pa pinanonood ni Linares ang anime.
b. Ipinagising ka kanina ni Nanay.
c. Umuuwi galing ng ibang bansa ang tatay ko tuwing
Disyembre.

3. ito ay nagsasaad ng lugar na


pinangyarihan ng kilos.
Halimbawa:
a. Namalagi sa gilid ng puno ang bata.
b. Nagluto sa kusina ang aking lola.
c. Itinago niya ang aking laruan sa ilalim ng kama.

Pahina 85
A. Salungguhitan ang pang-abay na ginamit sa bawat pangungusap.

1. Gabi-gabi ay binabasahan ako ng kuwento ng aking ate.

2. Ilan ang nahuli mong isda kanina?

3. Lumalangoy ako sa dagat tuwing Marso at Abril.

4. Inilagay ni Filipo sa kahon ang mga lumang pahayagan.

5. Matiyagang pinupulot ng bata ang mga kalat.

B. Isulat sa patlang ang PA kung ang salitang nakalihis ay pang-abay at PU


naman kung pang-uri.

____1. Si Maria ay dahan-dahang tumabi sa kaniyang ina.

____2. Si Isagani ay nagsuot ng puting damit.

____3. Taimtim na nagdasal ang babae.

____4. Matapang na lumaban ang sundalo sa mga malulupit na kaaway.

____5. Ang malusog na sanggol ay natutulog sa malaking duyan.

C. Bilugan ang pang-abay sa bawat pangungusap at isulat sa patlang ang


uri nito.

1. Naglakad si Crisostomo sa tabing-dagat.


Pang-abay na: __________________
2. Taun-taon, dinaraanan ng bagyo ang San Rafael.
Pang-abay na: ________________
3. Dahan-dahang inabot ni Mang Tasyo ang sulat.
Pang-abay na: _________________
4. Ang aming pinuno ay palaging tumutulong kahit may
kalamidad.
Pang-abay na: __________________
5. Ang aking lolo ay masipag magdilig ng mga halaman.
Pang-abay na: __________________

Pahina 86
Wika ay Mahalin,
Aralin at Gamitin!

Wastong Gamit ng Ng at Nang

Ang ng ay ginagamit kapag ang salitang sumusunod ay pangngalan at


pang-uri.

Halimbawa:
Gumamit ako ng almanac sa aking ulat. (pangngalan)
Itinapon ng bata sa basurahan ang lumang diyaryo.
(pangngalan)
Gumuhit si Bruno ng makulay na tanawin. (pang-uri)
Nakakita ka ba ng pulang bulaklak? (pang-uri)

Ang nang ay ginagamit kapag sinusundan ng pang-abay.


Halimbawa:
Nagbabasa siya nang tahimik sa isang sulok ng aklatan. (pang-abay)
Lumabas nang dahan-dahan ang daga sa lungga. (pang-abay)

A. Punan ang patlang ng ng o nang upang makumpleto ang diwa ng


pangungusap.

1. Hinihila ____________ makulit na aso ang nakalitaw na tali.

2. Nagsulat si Tonyo ____________ napakakupad kaya siya nahuli.

3. Lumabas na ____________ bansa ang Bagyong Bebang.

4. Tumayo ____________ tuwid sa tuwing inaawit ang Lupang Hinirang.

5. Saan nakita ____________ ale ang nawawala niyang kuwintas?

Pahina 87
B. Salungguhitan ang tamang sagot na nasa loob ng panaklong.

1. Ang nanay ay namili ( ng , nang ) napakaraming gulay kanina.

2. Ikaw ba ang nagligpit ( ng , nang ) higaan ( ng , nang )


napakaayos?

3. Saang lugar binebenta ( ng , nang ) masipag nating pinsan ang


mga produkto?

4. Lunukin mo ( ng , nang ) mabilis para di mo ito malasahan.

5. Sinira ( ng , nang ) lindol ang mataas na gusaling iyon.

Pahina 88
Sanggunian:
Dayag, Alma M. Pinagyamang Pluma 3 Wika at Pagbasa sa Elementarya. Quezon City: Phoenix
Publishing House, 2015.

Casanova, Arthur P. et. al. Mga Kuwentong-bayan ng Katimugang Pilipinas. Mandaluyong City: Anvil
Publishing, Inc., 2011.

Del Valle, Bartolome at Del Valle, Melania Jimenez. Talatinigang Pilipino-Pilipino.Mandaluyong City:
National Book Store, Inc., 1969.

Villanueva, Rene O. Mahiwagang Ibong Adarna At Iba Pang Dulang Pang-Elementary. Pasig City:
Anvil Publishing, Inc., 2009.

Raflores, Ester V. Pasig City: JO-ES Publishing House, Inc.,


2004.

Vico, Lorelie L. Diwang Kayumanggi: Aklat sa Wika at Pagbasa. St. Augustine Publications, Inc.

Barranta, M.M. at Carganillo, EJ. Bigkis. Sibs Publishing House

Buban, Raquel S. at Dayo, Benjamin O. Daluyan: Batayan at Sanayang Aklat sa Wika at Pagbasa sa
Filipino.Rex Book Store, 2008.

Lalunio, Lydia P. et. al. Ugnayan: Wika at Pagbasa. Quezon City: Vibal Publishing House Inc.
Alamat. Available online at < http://www.wikakids.com/2015/05/bakit-mabagal-lumakad-ang-
kalabaw/>. August 2015, date accessed.

Kuwentong-bayan. Available online at < http://tl.wikipedia.org/wiki/Kuwentong-bayan>.

<http://fil.wikipilipinas.org>!

<http://www.katig.com/panitikan_01.html>!

Pahina 89
!
Pahina 90
Pahina 90

You might also like