0% found this document useful (0 votes)
982 views12 pages

Module 4

Uploaded by

Zeke We
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
982 views12 pages

Module 4

Uploaded by

Zeke We
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd

11

Komunikasyon at
Pananaliksik sa
Wika at Kulturang
Filipino
Unang Markahan
Modyul 4
Gamit ng Wika sa Lipunan
Panimula
Ang aralin na ito ay naglalayong matukoy at maipaliwanag ang gamit
ng wika sa lipunan, .

PINAKAMAHALAGANG KASANAYANG PAMPAGKATUTO:


( F11PD-Id-87 ) Natutukoy ang iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan
ng napanood na palabas sa telebisyon at pelikula.
( F11PS-Id-87) Naipapaliwanag ang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng
mga pagbibigay halimbawa.

Pagkatapos ng Modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


1. Nasusuri ang pelikulang pinanood nang ayon sa nilalaman, gamit
ng mga salita sa diyalogo ng mga tauhan at ilang sitwasyong
susuriin na iuugnay sa gamit ng wika sa kasalukuyan;
2. Naipapaliwanag ang kahalagahan nang gamit ng wika sa lipunan sa
pamamagitan ng pagbibigay ng mga halimbawa;
3. Naisusulat ang pagsusuri sa gamit ng wika sa binasang kwento ng
pelikula.

Subukin
Huwag kalimutang isulat ang sumusunod sa sagutang papel:
Pangalan: _______________________________ Taon/Seksyon:__________________
Grade Level/Subjek: _____________________Modyul No.:______________________
Pangalan ng Gawain: Subukin Petsa: __________________________

Panuto: Ibigay ang tinutukoy ng mga pahayag. Piliin ang titik ng wastong sagot.
Titik lamang ang isulat sa papel.

_____1. Isang paraan ng pagbibigay-puna sa mga bahaging bumubuo sa


pelikula at sa ilang teknikal na aspeto ng pelika.
A. Direksyon C. Panunuring Pelikula
B. Iskrip D. Sinematograpiya
_____2. Ito ay matapat na naglalarawan ng buhay o pamumuhay ng mga tao
sa pelikula.
A. Direksyon C. Panunuring Pelikula
B. Iskrip D. Sinematograpiya

1
_____3. Ito ang mga ginagamit na tagpuan sa pelikula.
A. Bisa ng tunog C. Disenyong Set
B. Direksyon D. Iskrip
_____4. Ito ang bahaging naglalapat ng musika sa pelikula. Ibinabagay ang
musika at eksena ng pelikula.
A. Bisa ng tunog C. Disenyong Set
B. Direksyon D. Iskrip
_____5. Ito ang pinakateksto o ang paglalahad ng pelikula kasama na ang
detalye ng aksyon.
A. Bisa ng tunog C. Iskrip
B. Direksyon D. Sinematograpiya
_____6. Taong may malaking pananagutan sa pagsasalin ng iskrip sa
pelikula. Nakasalalay sa kanyang mga kamay ang ikagaganda ng pelikula.
Kung baga sa barko, sya ang kapitan nito.
A. Artista C. Sinematograper
B. Direktor D. Tauhan
_____7. Isang libangan ng mga tao na nagdudulot ng aliw at kaligayahan.
Kung minsan naihahambing natin ang ating mga sarili sa mga tauhang
nagbibigay-buhay sa papel.
A. Pagganap ng artista C. Teatro
B. Panonood ng pelikula D. Vedioke
_____8. Ito ay pagpapahayag ng pagdaragdag na madalas makita sa unahan
ng pangungusap bagama’t makikita rin sa gitna ng pangungusap bilang
pang-ugnay sa dalawang sugnay.
A. Cohesive device C. Gamit ng wika sa lipunan
B. Pelikula D. Konseptong pangwika
____ 9. Isang larangan na sinasakop ang mga gumagalaw sa larawan, bilang
isang anyo ng sining o bilang bahagi ng industriya ng libangan.
A. Dula C. Pelikula
B. Teatro D. Talumpati
____10. Ang pamumuna ay hindi pamimintas dahil ito ay isang
___________________.
A. Dekorasyon C. Pamumuksa
B. Paglalarawan D. Sining

Aralin
Mga Konseptong Pangwika

4 Gamit ng Wika sa Lipunan

2
Alamin

Sa Modyul na ito matutukoy ang gamit ng wika sa lipunan sa


pamamagitan ng napanood na palabas sa telebisyon at pelikula.

Balikan/Pagganyak
Huwag kalimutang isulat ang sumusunod sa sagutang papel:
Pangalan: _______________________________ Taon/Seksyon:__________________
Grade Level/Subjek: _____________________Modyul No.:______________________
Pangalan ng Gawain: Balikan Petsa: ________________________

Panuto: Basahin at alamin ang sumusunod na mga paboritong “one-liner” sa mga


sikat na patalastas. Piliin ang tamang sagot sa kahon at ilagay sa patlang ang bilang
nito.

1.“Suportahan 2.“Saan aabot 3.“Karen


taka” ang 20 pesos po”
mo?”
6.“Sports car!
5.“I love you
4.“Now you ‘Yong red!”
Piolo!”
know!”
7.“Goodbye,
Carlo!” 10“Nawawala
8.“Isa pa, isa
pang si Jennifer”
9.“Coffee na
chikenjoy!” lang, dear”

Fita Commercial McDonalds Purefoods Selecta Manny


(Sports car) Classic Tender Juicy Cornetto Pacquiao –
Philippine TV Hotdog Classic “Bouncer” Vitwater
Commercial TV Ad 30’s
_______
--------- ---------- ---------- ---------------

PDT NDD Jollibee Old Jollibee Purefoods Sprite TVC


Commercial Commercial Honey corned (Original)
1997 Bacon TVC
_______
_______ ________ ______ _______

Pasalita man o pasulat may kani-kaniyang gamit ang wika sa lipunan.


Mahalaga ang nasabing mga tungkulin o gamit ng wika sa epektibong
pakikipagkomunikasyon.

3
Inilahad ni Halliday (1973) sa kaniyang Exploration in the Functions of
Language na ang mga tungkuling ginagampanan ng wika sa ating buhay ay
kinategorya. Ginagamit nang pasalita at pasulat ang nasabing tungkulin. Sa araling
ito malalaman natin kung paano ginamit ang wika sa lipunan sa mga palabas sa
pelikula at telebisyon.

Tuklasin
Pelikula

Ang pelikula, kilala rin bilang sine at pinilakang-tabing ay isang larangan na


sinasakop ang mga gumagalaw na larawan bilang isang anyo ng sining o bilang
bahagi ng industriya ng libangan. Naging pangunahing tagapamagitan para sa
pagpapakita ng mga gumagalaw na larawan ang litratong pelikula.
Isang sangkap ng pelikula ang pagganap ng mga artista bilang tauhan. Ang
pagganap ng isang artista ay kinakailangang may kaugnayan sa katauhan ng papel
na ginagampanan. Mahalaga rin ang pagbibitaw niya ng mga linya kung saan
makikita ang epektibong gamit ng wika sa mga sitwasyong kaugnay ng pelikula na
maaaring nangyayari sa tunay na buhay.

Suriin/Talakayin

Pagsusuri ng Pelikula

Panuto: Basahin at unawain ang nilalaman

Pelikulang Pilipino: Isang Pagsusuri

Isa sa libangan ng mga Pilipno ay ang panonood ng pelikula. Pelikula na


nagdudulot sa kanila ng aliw at kaligayahan. Kung minsan nama’y naihahambing
natin ang ating mga sarili sa mga tauhang nagbigay-buhay sa papel na kanilang
ginampanan, Lalo na kung mahuhusay ang mga artistang gumanap sa pelikula.
Ngunit may mga pagkakataon na hindi tayo nasisiyahan sa ating pinanonood
at nanghihinayang pa tayo sa ating ibinayad sa takilya. Huwag tayong
manghinayang dahil ito’y patunay lamang na tayo ay marunong sumuri ng pelikula
mula sa paksa, pagkakaganap ng mga artista, at ang aspektong teknikal ng pelikula.
Tandaan natin na ang pamumuna ay hindi pamimintas dahil ito ay isang sining.
Tinalakay ditto ang kalakasan at kahinaan ng isang sining tulad ng pelikula.

Sagutin:
1. Ano ang naidudulot ng panonood ng pelikula sa ating buhay?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Bakit may pagkakataon na nanghihinayang tayo sa ibinabayad natin sa pelikula?

4
______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

3. Ano-ano ang mga dapat nating suriin sa isang pelikula?


__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

4. Ano ang kahalagahan ng pagsusuri ng pelikula?


__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

Pagpapayaman ng Kaalaman

Ang pagsusuring pampelikula ay isang paraan ng pagbibigay-puna sa mga


bahaging bumubuo sa pelikula at sa ilang teknikal na aspeto ng pelikula tulad ng
mga sumusunod:

1. Iskrip – ito ang pinakateksto o ang paglalahad ng pelikula kasama na ang


detalyeng aksyon.
2. Direksyon – ang director ay ang taong may malaking pananagutan sa pagsasalin
ng iskrip sa pelikula. Nakasalalay sa kanyang mga kamay ang ikagaganda ng
pelikula. Kung baga sa barko, siya ang kapitan nito.
3. Sinematograpiya o ang larawang anyo ng pelikula – ito ang matapat na
paglalarawan ng buhay o pamumuhay ng mga tao sa pelikula.
4. Disenyong set – ito ang ginagamit na tagpuan sa pelikula.
5. Bisa ng tunog – ito ang bahaging naglalapat ng musika sa pelikula. Ibinabagay
ang musika sa tema at eksena ng pelikula.

Narito ang halimbawa ng isang pagsusuring pampelikula:

Pamagat: Bata, Bata Paano Ka Ginawa?


Sumulat: Lualhati Bautista
Buod:
Ang pelikula ay patungkol sa inang may dalawang anak sa magkaibang ama.
Si Lea Bustamante ay pangkaraniwang maybahay na nagtatrabaho bilang isang
social worker sa isang institusyon na nangangalaga sa mga naaabusong kababaihan
sa lipunan. Ang buong pagkatao ni Lea ay masasabing isang tunay na halimbawa
ng tibay at katatagan ng isang babaing dapat pamarisan ng may hawig na sitwasyon
sa buhay.
Sa kwento, dumating ang pagkakataon na pinamimili ang dalawang anak
kung kanino ibig sumama ng mga ito. Nang piliin siya na makasama sa buhay ay
napatunayan ni Lea na lubos ang pagmamahal ng kanyang mga anak sa kanya. At
nanatili sa kanyang pagkalinga ang dalawa niyang anak. Sumumpa siyang
palalakihin ang mga anak bilang mga disente at makataong mamamayan sa lipunan.

5
A. Paksang Diwa

1. Sa pelikulang ito tinalakay ang iba’t ibang isyu ng paglabag sa Karapatan


ng kababaihan gayon din ang karapatang pantao sa kabuuan. Papaanong
nagbubulag-bulagan ang gobyerno sa kabila ng paghihirap at
pagsasakripisyo ng mga NGO na itaguyod ang kaayusan at kapalagayan ng
lipunan at bawat tao.

2. Tinalakay rin ang malaking tungkuling ginagampanan ng pamilya sa


pagbuo ng isang lipunan. Ang pamilya na siyang sandigan ng buong
sambayanan, pinagmumulan ng isang bagong indibidwal, at panimula ng
mga bagong paniniwala at pananaw na maaaring magpabago sa takbo ng lipunan.

3. Ipinakita ang buhay ng isang ina na naghahanapbuhay sa kabila ng kanyang


pagiging ina. Papaano ba siya nagawang magampanan at maging balansi ang
dalawang responsibilidad?

4. Kasamang tinalakay ang iba’t ibang kalagayan ng modernong lipunan.


Makabagong uri ng pagpapamilya, modernong lipunan. Makabagong uri ng
pagpapamilya, modernong kabataan, bagong kaisipan at pananaw, at mga bagong
sistemang umiinog sa mundo at marami pang iba.

B. Pananaw

1. Makatotohanan ang mga tagpong ipinakita sa kabuuan ng pelikula. Talagang


nangyayari ang mga bagay-bagay sa hindi natin inaasahang panahon. Maraming
mga bagay sa hindi natin inaasahang panahon. Maraming mga bagay ang
nagaganap sa ating buhay na hindi natin maipaliwanag, masama o mabuti, kahit
ayaw natin o gusto.

2. Talagang mahalaga ang pamilya sa paghubog ng isang lipunan. Kaya nararapat


lamang na pagbutihin ng mga magulang ang pagpapalaki sa kanilang mga anak
upang sila ay maging disente, makatao at responsableng mamamayan na bubuo ng
isang lipunan.

Pagsusuri sa Aspetong Teknikal ng Pelikula

1. Iskrip – Ang iskrip ng nasabing pelikula ay mahusay na nailapat sa tema ng


kwento. Ang bawat eksena ay pinatingkad sa tama at maayos na dayalo at wikang
ginamit sa bawat eksena at tagpo sa pelikula. Ang paggamit ng ilang pabalbal na
salita ay naging epektibo upang maging magaan at hindi nakababagot ang bawat
eksena. At lubos na kapuna-puna ang maayos na palitan ng dayalog ng bawat
tauhan sa pelikula na nagpalutang sa kahusayan ng bawat nagsiganap.

2. Direksyon/Direktor - Mahusay ang pagmamaniobra ni Chito Roño sa pagdirehe


ng pelikula. Patunay nito ay ang magaling na panghihikayat ni Roño sa mga artista,
tulad na lamang ng dalawang batang artista na gumanap sa pelikula, na lumutang
ang natatagong galig sa pag-arte. Ang mga tauhan ay maayos na gumalaw sa
kanilang papel nang walang limitasyon ayon sa saklaw ng pelikula. Ang magandang
materyales ng pelikula ay hindi nasayang dahil lumabas na maganda ang kabuuan
ng pelikula.

6
3. Sinematograpiya – Si Charlie Peralta ay may ilalabas sa larangan ng
sinematograpiya, dangang sana’y lalo niyang pinag-igihan nang lalong gumanda ang
pelikula. Puna ko lamang na may mga eksenang nangangailangan ng may
maliwanag at makulay na ilaw. Gaya ng piknik sa beach kung saan parang
alanganing gabi o madaling araw.

4. Pagganap ng Artista – Mahusay at naging makatotohanan ang pagkakaganap ng


mga artista sa pelikula. Lumutang ang galing at pagiging versatile ni Vilma sa pag-
arte. Kaamangha-mangha rin ang pagkakaganap ng dalawang batang aktres at
actor sa pelikula na sadyang nakaagaw pansin sa mga manonood. Sa kabilang dako,
sana’y lalong nabigyan ng magandang pagkakataon si Albert Martines sa kanyang
mga eksena.

5. Paglalapat ng Tunog – Ang pagkalapat ng tunog at musika ay mahusay at naaayon


sa mga tagpo at eksena sa pelikula. Napansin ko lamang sa bandang huli ang tila
gumagaralgal na tunog ng telepono noong magwawakas na ang pelikula.

Isaisip

Alam mo ba?
Maraming maaaring suriin sa pinanonood na pelikula. Mula sa nilalaman,
aral, pagganap ng mga tauhan, aspetong teknikal at iba pa.
Sa pagsusuring gamit ang wika sa pelikula, dapat bigyang-pansin ang mga
sitwasyon, diyalogo ng mga tauhan kung may ginamit na pang-instrumental,
panregulatori, pang-interaksyonal, pampersonal, pangheuristiko, pang-
imahinasyon, at panrepresentatibo.

Isagawa

Huwag kalimutang isulat ang sumusunod sa sagutang papel:


Pangalan: _______________________________ Taon/Seksyon:__________________
Grade Level/Subjek: _____________________Modyul No.:______________________
Pangalan ng Gawain: Subukin Petsa: ________________________

Panuto: Ang sumusunod ay mga iba’t ibang pahayag mula sa palabas sa telebisyon
at pelikula. Tukuyin ang gamit ng wika at ipaliwanag kung bakit ito ang iyong napili.
Isulat ang iyong sagot sa isang buong papel.

1. “Akala ko ba ay ok na? Nagdadrama ka na naman. ‘Di ba nga pagdating sa


kapakanan ng pamilya, walang panga-panganay, walang ate-ate, walang
bunso-bunso? Ang meron lang …kapit-bisig!”
-Maya, Be Careful with My Heart, unang episode

7
2. “Minsan gusto ko nang ipagsigawan , kaya lang ako lang naman ang
magmukahang tanga. Bakit ba naman kasi ang complicated magmahal?”

-Basha, One More Chance

3. MACE: Gaano katagal bago mo siya nakalimutan?


ANTHONY: Matagal.
MACE: Gaano nga katagal? One year? Two? Three? Four? Five?
ANTHONY: Importante pa ba ‘yun? Ang mahalaga, nakalimutan.
-Mace at Anthony, That Thing Called Tadhana

4. Ngayong alam mon a ang kahalagahan ng wika, paano dapat gamitin ng


mga pelikula o palabas sa telebisyon ang wika? Kailan mo maituturing na
mali o umaabuso ang kanilang paggamit sa wika? Ano-ano ang maaari mong
imungkahi sa mga media practitioner upang magamit nila sa tama ang wika?
Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Pagyamanin

Huwag kalimutang isulat ang sumusunod sa sagutang papel:


Pangalan: _______________________________ Taon/Seksyon:__________________
Grade Level/Subjek: _____________________Modyul No.:______________________
Pangalan ng Gawain: Tayahin Petsa: __________________________

8
Gawain 1: Magkaroon ng pagsusuri sa pelikula ayon sa nilalaman, aral, pagganap
ng mga tauhan at ang gamit ng wika sa pelikula. Gawin sa sagutang papel. Gayahin
ang kasunod na pormat. (Paalala: Isumite ito kasabay sa Tayahin)

Pangalan:_______________________ Pamagat ng Pelikulang Pinanood:_________________________

PAGSUSURI
Pagganap ng mga
Gamit ng Wika sa Pelikula Epekto sa Sarili
Pangunahing Tauhan

Tayahin
Huwag kalimutang isulat ang sumusunod sa sagutang papel:
Pangalan: _______________________________ Taon/Seksyon:__________________
Grade Level/Subjek: _____________________Modyul No.:______________________
Pangalan ng Gawain: Tayahin Petsa: __________________________
Panuto: Basahin at sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan. Isulat
ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ang pelikulang sinuri na “Bata, bata Paano ka Ginawa?” ay tungkol sa;


A. inang may dalawang anak sa magkaibang ama
B. inang pumunta sa ibang bansa para magtrabaho
C. inang umiwan sa kanyang dalawang anak
D. inang nagpabaya sa kanyang dalawang anak
2. Anong pagkakataon ang dumating sa buhay ng ina sa pelikulang binasa?
A. Pinalayas siya ng kanyang mga anak
B. Hindi siya pinili ng kanyang dalawang anak
C. Sinagot-sagot siya ng kanyang dalawang anak
D. Pinamimili ang dalawang anak kung kanino ibig sumama ang mga ito
3. Ang pelikulang “Bata, bata Paano ka Ginawa” ay tumatalakay sa isyu ukol sa:
A. Karapatan ng Ama
B. Karapatan anak
C. Karapatan ng pamilya
D. Karapatan ng kababaihan at karapatang pantao
4. Ito ay sandigan ng buong sambayan, pinagmulan ng isang bagong indibidwal, at
panimula ng mga bagong paniniwala at pananaw na maaaring magpabago sa takbo
ng lipunan.

9
A. komunidad C. Simbahan
B. Pamilya D. Lipunan
5. Ito’y mahusay na nailapat sa tema ng kwento. Ang bawat eksena ay pinatingkad
sa tama at maayos na dayalog at wikang ginamit sa bawat eksena at tagpo sa
pelikula.
A. Direksyon/Direktor C. Pagganap ng artista
B. Iskrip D. Sinematograpiya
6. “Tama na sa akin ‘yung maligaya ako paminsan-minsan. Para kapag malungkot
ako, masasabi ko sa sarili. Minsan naman, maligaya rin ako.” Ang pahayag ay
nagpapamalas ng gamit ng wika na ________________.
A. Pang-interaksyonal C. Panregulatori
B. Pampersonal D. Panrepresentatibo
7. “Sabi ng nanay ko, kung ikakahiya mo… huwag mong gagawin.” Ang pahayag ay
nagpapamalas ng gamit ng wika na ________________.
A. Pang-instrumental C. Panregulatori
B. Pang-interaksyonal D. Pampersonal
8. “Hindi achievement ang tawag ko sa gano’n. Suwertihin lang ‘yong ipinanganak
ka nang maganda. Ang achievement e something you work hard to attain.” Ang
pahayag ay nagpapamalas ng gamit ng wika na ________________.
A. Pang-interaksyonal C. Pnregulatori
B. Pampersonal D. Panrepresentatibo
9. “Anak ko sa labas. “yong batang konti ko nang tinunaw no’ng araw. Kundi ko
lang naisip na lahat ng bata’y kailangan bigyan ng pagkakataong maging tao.” Ang
pahayag ay nagpapamalas ng gamit ng wika na ________________.
A. Pang-instrumental C. Pampersonal
B. Pang-interaksyonal D. Panregulatori
10. “Alam mo maski mahal ng isang babae ang isang lalaki, hindi niya pinapatay
ang mga kaangkinan niya – Lea, Bata, Bata… Pa’no ka ginawa?” Ang pahayag ay
nagpapamalas ng gamit ng wika na ________________.
A. Pangheuristiko C. Pampersonal
B. Pang-interaksyonal D. Panregulatori

10
Sanggunian
Dayag, Alma M. at Del Rosario, Mary Grace G. Pinagyamang Pluma:
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino, Pheonex
Publisher House Inc, Quezon City, 2016

De Guzman, Nestor C., et al. Komunikasyon sa Akademikong Filipino.


Cebu City: Likha Publications, 2013

ADM Module, DepEd

11

You might also like