You are on page 1of 15

Self - Instructional Packets (SIPacks)

Komunikasyon sa Pananalikisik sa Wika at Kulturang Pilipino (Akademik)

Ikaapat na Kwarter Linggo 7

I. LAYUNIN:

1. Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagbuo ng isang makabuluhang pananaliksik. F11PU-IIg-88


2. Nagagamit ang angkop na mga salita at pangungusap upang mapagugnay-ugnay ang mga
ideya sa isang sulatin. F11WG-IIh-89
3. Nasusuri ang ilang pananaliksik na pumapaksa sa wika at kulturang Pilipino. F11PB- IIg- 97
4. Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga penomenang kultural at panlipunan sa
bansa. F11EP-IIj-35
II. PAKSA:
Introduksyon sa Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Sanggunian: Pinagyamang PLUMA. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino pahina 205-221 Alma M. Dayag at Mary Grace G. Del Rosario
Kagamitang Instruksyunal: Laptop, internet, aklat

III. PAMAMARAAN:

A. Review (Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin)

Ipaliwanag ang iyong sariling ideya at kaisipan na sa iyong palagay ay ibig ipakahulugan
ng pahayag na nasa itaas.

B. Establishing a purpose for the lesson (Paghahabi sa layunin ng aralin)


Bakit mahalagang malinang sa mag-aaral na tulad mo ang kasanayan sa pagsulat ng
sulating pananaliksik? Sa ano-anong pagkakataon nagagamit ang kakayahan na ito?

C. Presenting examples/instances of the lesson (Pag-uugnay ng mga halimbawa sa


bagong aralin)
ALAM MO BA?

Marahil sa mga isinagot mo sa impormal na sarbey sa Simulan Natin ay mas nakalalamang ang
paggamit mo ng Internet sa paglilibang man O paghahanap ng impormasyon O pananaliksik
kaysa sa paggamit mo ng mga nakalimbag na kagamitan. Iyan ay dahil sa ang mga kabataang
tulad mo sa kasalukuyan ay nabibilang na sa tinatawag "Net Generation." Lumabas sa sarbey
na isinagawa ng Kaiser Family Foundation isang nonprofit na organisasyon sa Amerika, noong
2010 na ang mga kabataang may edad na 8 hanggang 18 ay nakagagamit ng 7 oras at 38
minuto para sa mga gawaing kaugnay ng entertainment media at teknolohiya, araw-araw. Sa
isang linggo ito ay umaabot sa mahigit 53 oras. At dahil minsa'y sabay-sabay pa kung gamitin
ang mga gadget o tinatawag na media multitasking tinatayang naipapasok nila ang 10 oras at
45 minuto ng paggamit ng media sa 7 oras na unang nabanggit.
Ito raw ay dahil sa mas mabilis na access sa mga mobile device tulad ng smart phones at
tablets at ang 24 na oras na access sa iba't ibang uri ng media. Sa nasabing pag-aaral,
lumabas ding ang mga kabataang gumugugol nang mas maraming oras sa media (tinatawag
na heavy media users--may 16 oras o higit pang paggamit ng iba't ibang media araw-araw) ay
nakakukuha nang mas mababang marka sa paaralan kaysa sa mga hindi gaanong gumagamit
ng mga ito (o mga light user gumagamit nang mas mababa sa 3 oras araw-na araw). Mahigit
kalahati ng mga kabataang naisama sa sarbey ang nagsabing ginagamit nila ang media sa
paggawa ng kani-kanilang mga takdang-aralin. Mas maraming kabataang babae ang
31
gumagamit ng mga social networking sites, nakikinig sa musika, at nagbabasa sa Internet
samantalang mas maraming kabataang lalaki naman ang naglalaro ng online video games at
nagpupunta sa mga video websites tulad ng You Tube.

D.Discussing new concepts (Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong


kasanayan blg.2)
Introduksyon sa Pananaliksik
PANANALIKSIK – Sa paksang ito, tatalakayin natin kung ano ang pananaliksik, ang depinisyon nito, at mga
halimbawa.
Ang pananaliksik ay ang pag-alam o pagtuklas at pagsubok sa isang teorya. Ginagawa ito upang malutas ang mga
problema at suliranin na kailangan gawan ng solusyon.

Bukod rito, ito rin ay isang sistematikong paghahanap ng mga importanteng impormasyon tungkol sa isang tiyak na
paksa o problema.
Isang halimbawa ng pananaliksik ay ang pagtuklas ng gamot para sa COVID-19. Ayon sa ilang mga experto,
maaring 18 months hanggang 2 taon pa bago maka hanap ng gamot para dito.

Ang pananaliksik ay pwedeng ma hati sa iba’t-ibang klase depende sa kung paano ito gagawin. May pananaliksik
na ginagamitan ng “social science” may iba naman na gumagamit ng quantitative o qualitative na impormasyon.

Ayon sa iba’t ibang mga manunulat, eto ang kahulugan ng pananaliksik:

Kerlinger, 1973
Ito ay isang sistematiko, kontrolado, panigurado sa obsebasyon, at panunuri ng mga panukalang hypotetikal ukol
sa inaakalang relasyon sa mga natural na pangyayari
Manuel at Medel, 1976
Ito ay isang proseso ng pangangalap ng impormasyon o datos para masolusyonan ang isang karaniwang
problema sa parang siyentipiko
Aquina, 1974
Ito ay isang detalyadong kahulugan at sang sistematikong paghahanap at pagsusuri sa mga importanteng
impormasyon tungkol sa isang tiyak na paksa o suliranin

Sagutin ang mga sumusunod na tanong ukol sa binasa.


1.Bakit maituturing na mahalaga ang pananaliksik sa paghubog ng kakayahan ng isang indibiduwal?
2. Ayon sa iyong sariling opinion, sa papaanong paraan nagiging kapaki-pakinabang ang pananaliksik sa
pagtuklas mga bago o kakaibang bagay?
3. Magbigay ng iyong sariling pagpapakahulugan ng pananaliksik.

E.Continuation of the discussion of new concepts (Pagtalakay ng bagong konsepto at


paglalahad ng bagong kasanayan blg.3)

Mga Hakbang sa pagbuo ng Sulating Pananaliksik


1. Pagpili ng Mabuting Paksa Ang unang hakbang sa pagbuo ng sulating pananaliksik ay ang
masusing pag-unawa sa paksa at mga kaugnay na gawaing ibibigay ng guro. Maiiwasang
masayang ang oras at panahon ng isang mag-aaral kung malinaw sa kanya ang nais ipagawa ng
guro at ang layunin para sa gawain. Huwag mahiyang magtanong kung sakaling may ilang bagay
na hindi naging maliwanag. Kapag ganap nang naunawaan ng mag-aaral ang kanyang gagawin
ay magiging mas madali na ang pagbuo nito at maitutuon na niya ang pansin sa mahusay na
paghahanda para sa paksang tatalakayin sa gawain.

Ang Paksa
Napakahalagang pilling mabuti ang paksa upang maging matagumpayang isang sulating pananaliksik.
Nararapat na ang paksa ay pinag-isipang mabuti at dumaan sa isang maingat na pagsusuri upang matiyak na
makabubuo ng isang makabuluhang sulatin. Minsan ay nagbibigay na ang guro ng ilang paksang maaring
pagpilian ng mga mag-aaral. Ito ay mga paksang inaakala niyang magiging interesado at kakayanin ng mga
mag-aaral. Gayunpaman, kung ang naiisip mong paksa ay hindi kabilang sa listahang ito, huwag mag-atubiling
lumapit sa guro at ilahad ang iyong ideya. Dahil naguhan ka pa lamang sa gawaing ito ay mangangailangan
ka ng gabay mula sa isang taong may malawak nang kaalaman at makapagsasabi kung ang paksang naiisip
mo ay posibleng maisagawang isang mag-aaral na tulad mo sa haba o lawak ng panahong nakalaan.

Naririto ang ilang tanong na maari mong itanong sa iyong sarilibago tuluyang magpasya sa paksang susulatin:
 Interesado ba ako sa paksang ito? Magiging kawili-wili kaya sa akin ang pananaliksik at pagsulat ng
ukol dito?
 Angkop, makabuluhan, at napapanahon ba ang paksang ito? Maging kapaki-pakinabang ba ang
32
magiging bunga nito sa akin o sa ibang babasa particular sa mga kaklase ko?
 Masyado bang malawak o masaklaw ang paksa? Masyado ba itong limitado?
 Kaya ko kayang taousin ang paksang ito sa loob ng panahong ibinigay sa amin?
 Marami kayang sangguniang nasusukat na maari kong pagkunan impormasyon upang mapalawak ang
paksang napili ko?
Kung Oo ang sagot mo sa mga tanong, maari ito na nga ang pinakaangkop na paksa para sa iyo.
Maari ka nang nagpatuloy sa ikalawang hakbang ng pananaliksik .

2. Pagbuo ng pahayag ng Tesis (Thesis statement)

Kapag napagpasiyahan na ang paksa bumuo ka na ng iyong pahayag ng tesis. Ito ang pahayag na
magsasaad ng posisyong sasagutin o patutunayan ng iyong bubuoing pananaliksik. Naririto ang ilang
tanong na maaaring gumabay o magbigay direksyon sa pagbuo mo ng pahayag ng tesis.

 Ano ang layunin ko sa pananaliksik na ito? Layunin kong maglahad ng impormasyong


magpapatunay sa pinapanigan kong posisyon?
 Sino ang aking mambabasa? Ang guro lang ba nag makababasa ng sinulat ko? Sino pa kaya ang
makababasa? Ano kaya ang inaasahan at karanasan ng aking mambabasa?
 Ano-anong kagamitan o sanggunian ang kakailanganin ko? May sapat bang kagamitan o
sanggunian upang magamit ko sa pagpapatunay sa aking pahayag ng tesis? Saan ko mahahanap
ang mga ito?

3. Paghahanda ng Pansamantalang Bibliyograpiya


Kakailanganin mong bumisita sa mga aklatan upang mangalap ng iyong mga sanggunian. Maaari ding
makakuha ng mga impormasyon mula sa Internet sapagkat maraming impormasyon mula rito ang kaduda-
duda o minsan ay walang katotohanan. Para sa epektibong pananaliksik, mahalaga ang paggamit ng mga
aklat at ng Internet. Maraming bagong impormasyon at dokumento ang posibleng hindi pa nailalathala sa
mga aklat kaya’t hindi ka rin makaaasang ang lahat ng nilalaman ng aklatan ay napapanahon. Ang
bibliograpiya ay talaan ng iba’t ibang sanggunian katulad ng mga aklat, artikulo, report, peryodiyko,
magasin, website at iba pang nailathalang material na ginamit. Makatutulong ang paghahanda ng card ng
bibliograpiya para sa bawat sanggunian.
Ito’y maaring 3x5 na index card na kakikitaan ng sumusunod na mga impormasyon:
Pangalang ng awtor
Pamagat ng kanyang sinulat
Impormasyon ukol sa pagkakalathala
-Mga nalimbag
-lugar at taon ng pagkakalimbag
-pamagat ng aklat

4. Paghahanda ng tentatibong balangkas


Mahalaga ang paghahanda ng isang tentatibong balangkas upang mabigay direksyon sa pagsasaayos ng
iyong mga ideya at pagtukoy kung ano-anong materyal pa ang kailangang hanapin. Maaring gamitin ang
mga inihanda mong card ng bibliyograpi upang maging gabay sa pagbuo ng iyong balangkas.

5. Pangangalap ng Tala o Note Taking


Balikan ang inihandang Tentatibong balangkas at card bibliyograpiya at tukuyin kung alin-alin sa mga ito ang
kakailanganin sa iyong susulatin. Basahing mabuti at mula sa mga ito ay magtala ngmahahalagang
impormasyong magagamit sa susulatin.

Iminumungkahing isulat nang maayos ang iyong mga tala. Gumamit ng index card na mas malaki kaysa sa
ginamit mo sa bibliyograpiya para mapagiba ang dalawa bukod sa marami kang maisusulat sa mas malaking
card. Ang bawat card ay ilalaan lamang sa isang tala. Kung kukulangin ang isang index card ay maaring
magdagdag pa ng ibang card. Maaring gamitin ang pormat sa ibaba para sa iyong mga tala.

Tiyak na paksang hango sa Pangalan ng awtor


iyong balangkas Pamagat ng aklat
Pahina

Isulat dito ang iyong tala

33
Maari kang gumamit ng tatlong uri ng tala: ang tuwirang sinipi, hawig at buod.

1. Tuwirang sipi kung ang tala ay direktang sinipi mula sa isang sanggunian.
2. Buod kung ito’y pinaikling bersiyon ng isang mas mahabang teksto. Ito ay maikli subalit nagtataglay ng
lahat ng mahahalagang kaisipan ng orihinal na teskto. Ito ang pinakamadalas gamitin sa pagkalap ng tala.
3. Hawig kung binago lamang ang mga pananalita subalit nananatili ang pagkakahawig sa orihinal.
6. Paghahanda sa Iwinastong Balangkas o Final Outline
Dito na susuriing mabuti ang inihandang tentatibong balangkas upang matiyak kung may mga bagay pang
kailangang baguhin o ayusin. Maari nang ayusin ang dapat ayusin upang ang pangwakas na balangkas ay
maging mabuting gabay sa pagsulat ng iyong burador.
7. Pagsulat ng burador o rough draft
Mula sa iyong iniwastong balangkas at mga card ng tala ay maari ka nang magsimulang sumulat ng iyong
borador. Tandaang ang isang sulating pananaliksik ay dapat magkaroon ng Introduksyon na
kababasahan ng mga ideyanf matatagpuan sa kabuoan ng sulatin, ang katawan kababasahan ng
pinalawig o nalamnan ng bahagi ng iyong balangkas, at iyong kongklusyon na siyang nagsasaad ng buod
ng iyong mga natuklasan sa iyong pananaliksik. Pag-ukulan ng pansin ang pagkaugnay-ugnay ng mga
kaisipan. Dapat ding isaalang-alang na ang wikang gagamitin ang payak ngunit malinaw; tama ang
baybay, bantas at kaayusang panggramatika; pormal ang anyo;at karaniwang nasa ikatlong panauhan.
8. Pagwawasto at Pagrebisa sa Burador
I-proofread o basahing mabuti at iwasto ang mga bagay na kailangang iwasto sa iyong burador.
Pagbigyang pansin ang pagkakabuo ng mga pangungusap, ang baybay, banta, wastong gamit, pamaraan
ng pagsulat, at angkop na talababa o footnote. Maari nang pumili ng tiyak na pamagat ng iyong sulatin.
Ihanda na rin ang paunang salita, talaan ng nilalaman, at pinal na bibliyograpiya. Mahalaga nang pumili ng
tiyak na pamagat ng iyong sulatin. Ihanda na rin ang paunang salita, talaan ng nilalalaman, at pinal na
bibliyograpiya.
Para sa mga sangguniang nagamit mo para sa aktuwal na pagsulat ay huwag kalilimutang magbigay ng
pagkilala sa may-ari o manunulat ng mga ito sa pamamagitan ng talababa o bibliyograpiya. Mahalaga ang
talababa sa pagbibigay kahulugan sa isang bahagi ng sulating pananaliksik na nangangailangan ng
karagdagang paliwanag.
Sa pagsulat ng bibliyograpiya ay nararapat tandaan ang sumusunod:

20 ang mga aklat, pahayagan, web site, at iba pa.

 Pangkat-pangkatin ang mga ginamit na sanggunian. Pagsama-samahin

 Isaayos muna nang paalpabeto ang pangalan ng mga awtor gamit ang apelyido bilang basehan.

 Isulat ang bibliyograpiya gamit ang isa sa iba't ibang estilo ng pagsulat nito. Kung ang napiling estilo ay
American Psychological Association (APA), maaaring sundan ang sumusunod na pattern para
maisulat ang mga ginamit na sanggunian.

Para sa mga Aklat

Apelyido ng Awtor, Pangalan ng Awtor. (Taon ng Paglilimbag) Pamagat. Lungsod ng Tagapaglimbag:


Tagapaglimbag.

Para sa mga Artikulo sa Payahagan o Magasin


 Apelyido ng Awtor, Pangalan ng Awtor (Taon ng Paglilimbag) Pamagat ng Artikuo. Pamagat ng
pahayagan o Magasin. Paglilimbag #. (Isyu #).

Para sa Kagamitang Mula sa Internet


 Awtor (Petsa ng Publikasyon) “Pamagat ng Artikulo o Dokumento” Pamagat ng Publikasyon. Petsa
kung kalian sinipi o ginamit mula sa buong web address simula sa http;/.

9. Pagsulat ng Pinal na Sulating Pananaliksik


Pagkatapos pagdaaanan nang mabuti ang naunang walang hakbang, ngayon ay nakatitiyak ka nan g
isang mainam na sulating pananaliksik. I-type na ito gamit ang pormat na ibinigay ng iyong guro.

Sanggunian:
Baker, Jack Raymond at Allen Brizee, (Pebrero 21,2013) “Writing a Research Paper.” Online Writing Lab.
Accesed August 7, 2015. Https://owl.english.purdu e.edu/owl/resource/658/01/

F. Developing mastery (Paglinang sa kabihasaan)


Basahin at suriin ang Pananaliksik na pumapaksa sa wika at kulturang Pilipino. Sagutin ang mga

34
katanungan pagkatapos magbasa. (https://www.slideshare.net/armialeonardo/thesis-wikang-filipino-sa-
makabagong-panahon?fbclid=IwAR1UYn_8TxdkaNXbIxci5LOQUO3mt_UJMHp4uPKzAJuI1ezTSaRW-
hFHvEU)

35
36
37
38
39
40
41
42
43
Gawain: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:
1. Sa pananaliksik na iyong binasa, anu-ano ang layunin ng pag-aaral nito? Magbigay
lamang ng dalawa.
2. Sa mga terminong nabanggit sa pag-aaral, ano ang kaibahan ng arkayk sa balbal?
3. Ang paraan na ginamit sa pag-aaral ng pananaliksik na ito ay pagsasarbey. Sa iyong
pananaw, ano ang kahalagahan ng “sarbey” sa bawat pananaliksik na iyong isasagawa?
4. Batay sa pananaliksik, ano ang pinakamataas na factor na nakakaapekto sa pagbabago o
pag-unlad ng wikang Filipino? Ipaliwanag.
5. Bakit kailangang umunlad ang wikang Filipino?
6. Mahalaga pa ba ang wikang Filipino sa kasalukuyan?
7. Sang-ayon ka ba sa paggamit ng magkahalong lenggwahe sa paaralan?
8. Dapat na bang kalimutan ang lumang salita na ating minana mula sa ating wika?
9. Sa paanong paraan nakakaapekto ang wika sap ag-unlad ng ekonomiya ng isang bansa?
10. Bilang isang mag-aaral, magbigay ng tatlong pamamaraan upang mapaunlad ang wikang
Filipino.
G. Finding practical applications of concepts and skills in daily living (Paglalapat ng aralin sa
pang araw-araw na buhay)
Gawain: Ano ang kahalagahan ng pananaliksik sa pang-araw-araw na pamumuhay?
Paano mo maisasabuhay ang iyong mga natutunan sa pananaliksik? isulat ang iyong

kasagutan sa “search sign” sa ibaba.

H. Making generalizations and abstractions about the lesson (Paglalahat ng aralin)


Gawain: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Kung ito ay tama, isulat sa linya ang
salitang TAMA at ang MALI naman kung hindi wasto ang pahayag.
_________1. Ang pagbuo ng tentatibong balangkas ay makatutulong sa pagbibigay ng direksyon sa
pagsasaayos ng mga ideya at sa pagsulat.
_________2. Iisa lang ang estilo ng pagsulat ng bibliyograpiya para sa sulating pananaliksik.
_________3. Isa sa mahalagang bagay na dapat i-konsidera sa pagbuo ng sulating pananaliksik ay ang
pagpili ng paksang magiging interesado at kakayanin ng pagsulat.
_________4. Sa pagulat ay hindi mahalagang matukoy ang audience o inaasahang mambabasa ng
isusulat.
_________5. Sa pagsulat ng sulating pananaliksik, mahalaga ang pagkakaroon ng mahusay na
introduksiyon at katawan susbalit hindi n amahalaga ang konklusiyon.
44
_________6. Kailangang maging malinaw sa susulat ang layunin ng kanyang pagsulat.
_________7. Kapag gumamit ang manunulat ng “tuwirang sipi” sa pangangalap ng tala ay pinaiikli
lamang niya ang bersiyonng isang mas mahabang teksto.
_________8. Kailangang mabigyang credit o pagkilala ang may-ari o manunulat ng ma ginamit na
sanggunian sa pamamagitan ng talababa at bibliyograpiya.
_________9. “Hawig” ang tawag sa pangangalap-tala kung binago lamang ang mga pananalita suballit
nananatili ang pagkakahawig sa orihinal.
_________10. Burador ang tawag sa aktwal na ssulating ipapasa na sa guro.

I.Evaluating learning (Pagtataya ng Aralin)


Gawain 1: Bumuo ka ng mensahe o liham PARA SA IYONG SARILI na mag-iisa-isa sa iyong mga taglay
na kakayahan at galling upang mapagtibay mo sa iyong sarili na kaya mong bumuo ng isang
matagumpay na sulating pananaliksik.

_____________________
________________________

____________________________________________________________________

__________________________________________________________________________
Gawain 2: Isa-isahin ang mga hakbang sa pagbuo ng isang makabuluhang sulating pananaaliksik na
tinalakay sa araling ito. Isulat sa mga kahon ang tamang pagkakasunud-sunod ng mga hakbang.

1 2 3 4

Mga Hakbang sa Pagbuo ng Makabuluhang Sulating


Pananaliksik 5

9 8 7 6

J. Additional activities for application or remediation (Karagdagang Gawain para sa takdang


aralin/o remediation).
Gawain: Upang lubos na mauunawaan ang paksang iyong tinalakay sa linggong ito, gumawa ng
isang maikling pananaliksik tungkol sa kulturang Pilipino, Penominang kultural, o usaping
panlipunan sa bansa gamit ang mga hakbang sa pagbuo ng isang pananaliksik. Gamiting gabay
ang halimbawang iyong binasa.

45

You might also like