You are on page 1of 13

PANGALAN:_____________________________________

BAITANG/SEKSYON:___________________________
____
11/12
PAGBASA AT PAGSUSURI
NG IBA’T IBANG TEKSTO
TUNGO SA PANANALIKSIK
Kwarter III – Linggo 2
Tekstong Deskriptibo

CONTEXTUALIZED LEARNING ACTIVITY SHEETS


SCHOOLS DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik - Baitang 11/12
Contextualized Learning Activity Sheets (CLAS)
Kwarter III – Linggo 2: Tekstong Deskriptibo
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda
kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa CLAS na
ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa CLAS na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.

Inilathala ng Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa.


Bumuo sa Pagsusulat ng Contextualized Activity Sheets
Manunulat: Ariel I. Matchico at Marichel V. Miraflores
Pangnilalamang Patnugot: Enrile O. Abrigo, Jr.

Editor: Marilyn C. Villon at Vilma R. Cabansag

Tagawasto: Carol V. Baron at Agnes C. Barrera-Mendoza

Tagasuri: Luis R. Mationg, EPS – Filipino, Enrile O. Abrigo, Jr.,


Angie Lyka L. Galaroza, at Agnes C. Barrera-Mendoza

Tagaguhit: Angie Lyka L. Galaroza

Tagalapat: Agnes C. Barrera-Mendoza at Angie Lyka L. Galaroza

Tagapamahala:
Servillano A. Arzaga, CESO V, SDS
Loida P. Adornado, PhD, ASDS
Cyril C. Serador, PhD, CID Chief
Ronald S. Brillantes, EPS-LRMS Manager
Luis R. Mationg, EPS-Filipino
Eva Joyce C. Presto, PDO II
Rhea Ann A. Navilla, Librarian II

Pandibisyong Tagasuri ng LR:


Ronald B. Brillantes
Mary Jane J. Parcon
Ronald N. Fragata
Joseph D. Aurello

Division of Puerto Princesa City-Learning Resource Management Section (LRMS)


Sta. Monica Heights, Brgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City
Telephone No.: (048) 434 9438
Email Address: puertoprincesa@deped.gov.ph
Aralin 1

Tekstong Deskriptibo

MELCs: Nagagamit ang cohesive device sa pagsulat ng sariling halimbawang teksto


(F11WG – IIIc– 90).

Nakasusulat ng ilang halimbawa ng iba’t ibang uri ng teksto.


(F11PU-IIIb-89)

Mga Tiyak na Layunin:


1. Natutukoy ang kahulugan at katangian ng tekstong deskriptibo.
2. Nagagamit ang cohesive device sa teksto.
3. Nakasusulat ng isang paglalarawan na may kaugnayan sa paksa.

Subukin Natin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa patlang bago ang bilang.

_________1. Ano ang tawag sa uri ng paglalarawan na nakabatay sa malawak na


imahinasyon ng may-akda?
A. Subhetibo C. Obhetibo
B. Deskriptibo D. Cohesive devices
_________2. Ano ang tawag sa uri ng paglalarawan na nakabatay sa katotohanan?
A. Subhetibo C. Obhetibo
B. Deskriptibo D. Cohesive devices
_________3. Ano ang tawag sa teksto na naglalarawan gamit ang mga salita sa tulong
ng mga pang-uri at pang-abay?
A. Obhetibo C. Subhetibo
B. Deskriptibo D. Cohesive devices
_________4. Ang modyul ay sandata ng mga mag-aaral sa pagkakaroon ng kaalaman. Ito
ay nagsisilbing kagamitan ng mga mag-aaral sa panahon ng pandemya. Anong
uri ng cohesive device ang may salungguhit?
A. Katapora C. Deskriptibo
B. Anapora D. Impormatibo
_________5. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng katapora bilang cohesive device?
A. Siya ay mahusay sa klase, si Lara ay huwarang mag-aaral.
B. Ang Palawan ay nagkaisa sa pagboto ng “No” sa paghahati nito. Ito ay
patunay lamang na nagkakaisa ang mga Palaweño.
C. Ang mga mag-aaral ay patuloy na nagsisikap na makapagtapos sa
kanilang pag-aaral. Sila ay dapat tularan.
D. Ang mga guro ay nagsasakripisyo para sa mga bata. Tunay silang
bayani.

1
_________6. “Ang pagsuot ng face mask at face shield ay pangunahing proteksyon upang
maiwasan ang Covid-19. ay huwag dapat kalimutan”. Anong
panghalip ang dapat gamitin?
A. Sila C. Ito
B. Siya D. Ang mga ito
_________7. Ano ang inilalarawan ng sumusunod na pahayag? “ May kumurot sa aking
laman. Nararamdaman kong may bumalong sa aking mata.”
A. Paglalarawan sa damdamin
B. Paglalarawan sa tagpuan
C. Paglalarawan sa isang mahalagang bagay
D. Paglalarawan sa tauhan
__________8. “Si Dr. Higinio Mendoza Sr. ay isang makisig at matalinong Palaweño na
bagama't anak mayaman ay mas pinili pa niya ang maglingkod sa
mamamayan ng Palawan.” Alin sa sumusunod ang salitang naglalarawan?
A. Isang doktor C. makisig at matalino
B. Higinio Mendoza D. mamamayan ng Palawan
__________9. Alin sa sumusunod ang paglalarawang obhetibo?
A. Mayroong habang isang kilometro ang Acacia Tunnel sa Bgy.
Inagawan.
B. Nag-aagaw ang liwanag at dilim sa kahabaan ng Acacia Tunnel.
C. Ang pagpapailaw sa Acacia Tunnel ay nagturo ng isang leksyon sa
gitna ng pandemya.
D. Hindi mahulugan ng karayom ang mga taong dumalo sa pagpapailaw
ng Acacia Tunnel.
_________10. Ito ay tumutukoy sa pagbibigay katangian sa isang instrumento.
A. Paglalarawan sa damdamin
B. Paglalarawan sa tauhan
C. Paglalarawan sa isang mahalagang bagay
D. Paglalarawan sa tagpuan

Ating Alamin at Tuklasin

Binhi ng Kaalaman

Ang tekstong deskriptibo ay gumagamit ng mabisang pananalita


upang mailarawan ang paksa. Madalas gumagamit ito ng pang-uri at
pang-abay.
Ito ay makikita rin sa iba pang anyo ng teksto sapagkat sa bawat
paglalahad, pagkukuwento at pangangatuwiran ay ginagamitan ng mga
salitang naglalarawan upang maging buhay at malinaw ang layunin ng
tiyak na teksto.

Ang paglalarawan ay maaaring subhetibo at obhetibo. Ang paglalarawang subhetibo


ay nakabatay sa malawak na imahinasyon ng may-akda subalit ang pakiramdam mo ito ay
totoong-totoo. Samantala, ang obhetibo naman ay paglalarawan na nakabatay sa
katotohanan o mayroong pinagbabatayang datos.

2
Sa nakaraang aralin ay nalaman mo kung ano ang tekstong impormatibo at kung
paano matutukoy ang tamang impormasyon at wastong pagkukunan ng datos upang
makatiyak ng isang lehitimong impormasyon na magagamit mo sa pagsulat ng teksto.
Ngayon naman ay mahalagang kilalanin mo ang iyong sarili at alamin ang iyong
kalakasan at kahinaan bago gumawa ng isang pagpapasya o paggawa ng mga tungkuling
naibigay sa iyo. Mula sa paglalarawan sa sarili, mahalaga rin na makilala mo ang uri ng
lipunan kung saan ka nabibilang at ang kapaligiran na iyong ginagalawan.
 Ang tekstong deskriptibo ay may layuning maglarawan ng isang bagay, tao, lugar,
pangyayari, karanasan, sitwasyon at iba pa.

 Karaniwang bahagi ng ibang teksto ang tekstong deskriptibo dahil ito ang
bumubuo sa mga tekstong naratibo tulad halimbawa ng pagsasalaysay at
paglalarawan sa isang bagay. Nagagamit din ito sa mga tekstong
nagpapaliwanag tulad ng tekstong argumentatibo o persuweysib upang
mahikayat ang kausap o mambabasa.

Ilang Tekstong Deskriptibo na Bahagi ng Iba Pang Teksto

 Paglalarawan sa Tauhan- ito ay paglalarawan sa pisikal na kaanyuan, kilos at gawi


ng pangunahing tauhan.

Halimbawa

Si Dr. Higinio Mendoza Sr. ay isang makisig at matalinong Palaweño na


ipinanganak noong Hulyo 27, 1898 sa lungsod ng Puerto Princesa. Bagama’t anak
mayaman ay mas pinili pa niya ang maglingkod sa mamamayan ng Palawan bilang
Gobernador mula sa taong 1931-1937.
Nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay pinamunuan niya ang
pagbakwit ng mga mamamayan habang parating na ang mga Hapones. Binigyan
niya ng pagkain at gamot ang mga ito. Buong Tapang na nakipaglaban siya sa mga
sundalong Hapon hanggang sa siya’y mahuli at hatulan ng kamatayan ng mga
kaaway. Hanggang sa huling sandali ay ipinaglaban pa rin niya ang kalayaan ng
ating bayan. Sa kasalukuyan siya ay itinuturing na bayani ng Palawan.
 Paglalarawan sa Damdamin- ang paglalarawang ito ay nakapokus sa damdamin o
emosyon ng pangunahing tauhan. Mahalagang mailarawan ito nang mabisa
upang mapukaw ang atensiyon ng mambabasa.

Halimbawa

Hindi mapigilang mapalundag ni Juan nang malamang mataas ang kanyang


marka. Kitang-kita ang galak sa kanyang mukha at hindi mapatid ng ngiti sa mga
labi. Espesyal ito para kay Juan sapagkat marami mang hamon sa bagong normal
sa edukasyon ay nakamit niya ang mataas na marka.

(Pinagkunan: Jerson Q. Orbiso, Tekstong Deskriptibo, DepEd TV, Enero 18, 2021,
https://youtu.be/axkyD3NLYZ0.)

3
 Paglalarawan sa Tagpuan- dito ay inilalarawan ng manunulat ang lugar o panahon
ng isang akda. Magiging mabisa ang paglalarawan kung gagamitin ang
paningin, pang-amoy, pakiramdam at panlasa.
Halimbawa
Sa maliit na kuwarto ni Juan, mapapansing puno ng papel sa dingding.
Isinusulat niya ang mga aralain at ipinapaskil ito. Kasama rin niya sa kuwarto ang
mga modyul na nakahilera nang maayos. Nariyan din ang tasa na kulay puti at lapis.
Mararamdaman sa loob ng munting silid ang pagsisikap ni Juan na makapagtapos
ng pag-aaral.

(Pinagkunan: Jerson Q. Orbiso, Tekstong Deskriptibo, DepEd TV, Enero 18, 2021,
https://youtu.be/axkyD3NLYZ0.)

 Paglalarawan sa Isang Mahalagang Bagay- ang akda ay pumapaksa sa isang bagay


na nagbibigay-kahulugan sa kabuuan ng isang kuwento o pangyayari. Ito ay
inilalarawan gamit ang mga salita na nagbibigay kahulugan dito.
Halimbawa
Makapangyarihan ang modyul ni Juan. Ito ang sandata niya para matuto at
mapayabong ang kaalaman sa panahon ng pandemya. Nagsisilbing tulay ni Juan
ang modyul upang tuklasin ang maraming kaalaman sa iba’t ibang aralin.

(Pinagkunan: Jerson Q. Orbiso, Tekstong Deskriptibo, DepEd TV, Enero 18, 2021,
https://youtu.be/axkyD3NLYZ0.)

Gamit ng Cohesive Devices o Kohesyong Gramatikal sa Pagsulat ng


Tekstong Deskriptibo
Upang maging mas angkop ang pagsulat ng tekstong deskriptibo
kailangan mong gumamit ng mga cohesive device o kohesyong gramatikal. Ang mga ito ay
nakatutulong upang higit na maunawaan ang mga kaisipan sa isang teksto o akdang
binabasa.
 Reperensiya (Reference)- Ito ang salitang tumutukoy sa paksang pinag-uusapan
sa pangungusap.
Ang anapora ay uri ng cohesive device na nagtuturo pabalik sa naunang
binanggit na referent o kinauukulan. Ang panghalip na tumutukoy sa Anapora ay
matatagpuan sa hulihan.
Halimbawa:
 Ang Pader na ilog sa Inagawan ay kamangha-mangha. Ito ay
bago pa lang natuklasan na pook-pasyalan sa lungsod ng Puerto
Princesa.
 Nanguna ang Palawan sa sarbey bilang isang pinakamagandang
isla sa buong mundo. Ito ay itinuturing na Last Frontier ng
bansa.
Ang katapora ay uri ng cohesive device na binanggit muna upang ituro nang
paabante ang tinutukoy na referent. Ang panghalip na tumutukoy sa katapora ay
matatagpuan sa unahan.
Halimbawa:
 Kung hindi niya nasagutan ng maaga ang mga modyul tiyak na
mamomroblema rin mismo si Juan.
 Madalas na napapasama ang probinsyang ito sa
pinakamagagandang lugar sa buong mundo. Talagang kahanga-
hanga ang Palawan.
4
Tayo’y Magsanay

Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang mga salita o pangungusap na nagbibigay


katangian sa tekstong deskriptibo. Isulat ang sagot sa espasyong nakalaan.

 Layuning maglarawan 1. ____________________________________


 Maaring subhetibo at obhetibo ____________________________________
 Gumagamit ng matalinghagang
2. ____________________________________
pananalita
 Ginagamit sa pagtatanong at ____________________________________
pag-uusisa. 3. ____________________________________
 Karaniwang bahagi ng iba pang ____________________________________
teksto
4. ____________________________________
 Gumagamit ng pang-uri at
pang-abay ____________________________________
5. ____________________________________
____________________________________

Panuto: Isulat sa nakalaang patlang ang salitang TAMA kung wasto ang ipinapahayag
at MALI naman kung hindi wasto.

_________1. Ang paglalarawan ng tauhan ay naglalarawan sa pisikal na kaanyuan, kilos at


gawi ng pangunahing tauhan
_________2. Ang paglalarawan sa isang mahalagang bagay ay pumapaksa sa isang bagay
na nagbibigay-kahulugan sa kabuuan ng isang kuwento o pangyayari.
_________3. Ang tekstong deskriptibo ay tumutukoy sa paksang pinag-uusapan sa
pangungusap.
_________4. Ang anapora ay uri ng cohesive device na binanggit muna upang
ituro nang paabante ang tinutukoy na referent.
________5. Ang cohesive device ay nakatutulong upang higit na
maunawaan ang mga kaisipan sa isang teksto o
akdang binabasa.

5
Ating Pagyamanin

Panuto: Tukuyin ang sumusunod na paglalarawan kung ito ay obhetibo o subhetibo. Isulat
sa kahon ang sagot.

__________ 1. Ang Ilog Pader sa Inagawan ay napalilibutan ng nagtataasang bato na


nagsisilbing kanlungan ng ilang buhay-ilang.

_________ 2. Kapag lumusong ka sa tubig ay ramdam mo ang lamig na tiyak na manunuot


sa buong katawan.

_________ 3. Taglay ng lugar ang katahimikan at tanging tunog ng mga ibon at ilan pang
buhay-ilang na naroroon at nakamamangaha ang ugong o alingawngaw sa
paligid.
__________ 4. Sa laki ng mga bato ay parang kaharian para sa mga buhay-ilang na
tahimik na namumuhay rito.

__________ 5. Tila isang paraiso ang lugar sa napakapayak ngunit kamangha-mangha


nitong estruktura.

6
Panuto: Ang lungsod ng Puerto Princesa ay mayaman sa magagandang tanawin.
Pumili ng isang tanawin na inyong napuntahan at ilarawan ito. Isulat sa nakalaang
espasyo ang iyong maikling paglalarawan.

Pamantayan 5 3 2 1
Husay ng Napakahusay Mahusay ang May Dapat pang
pagsulat at at kaakit akit pagkakagamit kakulangan sa palakasin ang
paglalarawan ang ginamit na ng mga salita paggamit ng kakayahan sa
paglalarawan at salita at pagsulat
paglalarawan paglalarawan
Paggamit ng Nagsaliksik ng May nagamit Kukunting Walang datos na
angkop na maraming na kaunting datos ang nagamit
datos datos datos nagamit
Paggamit ng Nakagamit ng May kunting May ilang Hindi gumamit
angkop na angkop na cohesive nagamit na ng mga cohesive
cohesive cohesive devices na cohesive devices
devices devices nagamit devices

__________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________.

7
Ang Aking Natutuhan

Panuto: Punan ang patlang sa bawat pangungausap upang mabuo ang pahayag.

DUDUGTUNGAN KO

Natutuhan ko na ang 1________________ ay isang paglalarawan sa tao, bagay,


lugar at iba pa. Ang paglalarawang 2________________ ay nakabatay sa malawak na
imahinasyon ng may-akda subalit ang pakiramdam mo ito ay totoong-totoo.
Samantala, ang 3________________ naman ay paglalarawan na nakabatay sa
katotohanan o mayroong pinagbabatayang datos. Ang tekstong deskriptibo ay
binubuo ng paglalarawan sa tauhan, 4______________________, mahalagang bagay at
5 na makikita sa iba pang uri ng teksto.

Ating Tayahin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tanong sa bawat bilang at isulat ang titik
ng tamang sagot sa patlang na inilaan.

_________1. “Ang pagsuot ng face mask at face shield ay pangunahing proteksyon upang
maiwasan ang Covid-19. ay huwag dapat kalimutan”. Anong
panghalip ang dapat gamitin?
A. Sila C. Ito
B. Siya D. Ang mga ito

_________2. Ano ang inilalarawan ng sumusunod na pahayag? “ May kumurot sa aking


laman. Nararamdaman kong may bumalong sa aking mata.”
A. Paglalarawan sa damdamin
B. Paglalarawan sa tagpuan
C. Paglalarawan sa isang mahalagang bagay
D. Paglalarawan sa tauhan

__________3. “Si Dr. Higinio Mendoza Sr. ay isang makisig at matalinong Palaweño na
bagama't anak mayaman ay mas pinili pa niya ang maglingkod mamamayan
ng Palawan.” Alin sa sumusunod ang salitang naglalarawan?
A. Isang doctor C. makisig at matalino
B. Higinio Mendoza D. mamamayan ng Palawan

8
__________4. Alin sa sumusunod ang paglalarawang obhetibo?
A. Mayroong habang isang kilometro ang Acacia Tunnel sa Bgy. Inagawan.
B. Nag-aagaw ang liwanag at dilim sa kahabaan ng Acacia Tunnel.
C. Ang pagpapailaw sa Acacia Tunnel ay nagturo ng isang leksyon sa gitna
ng pandemya.
D. Hindi mahulugan ng karayom ang mga taong dumalo sa pagpapailaw
ng Acacia Tunnel.

_________5. Ito ay tumutukoy sa pagbibigay katangian sa isang instrumento.


A. Paglalarawan sa damdamin
B. Paglalarawan sa tauhan
C. Paglalarawan sa isang mahalagang bagay
D. Paglalarawan sa tagpuan

_________6. Ano ang tawag sa uri ng paglalarawan na nakabatay sa malawak na


imahinasyon ng may-akda?
A. Subhetibo C. Obhetibo
B. Deskriptibo D. Cohesive devices

_________7. Ano ang tawag sa uri ng paglalarawan na nakabatay sa katotohanan?


A. Subhetibo C. Obhetibo
B. Deskriptibo D. Cohesive devices

_________8. Ano ang tawag sa teksto na naglalarawan gamit ang mga salita sa tulong
ng mga pang-uri at pang-abay?
A. Obhetibo C. Subhetibo
B. Deskriptibo D. Cohesive devices

_________9. Ang modyul ay sandata ng mga mag-aaral sa pagkakaroon ng kaalaman. Ito


ay nagsisilbing kagamitan ng mga mag-aaral sa panahon ng pandemya. Anong
uri ng cohesive device ang may salungguhit?
A. Katapora C. Deskriptibo
B. Anapora D. Impormatibo

_________10. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng katapora bilang cohesive device?


A. Siya ay mahusay sa klase, si Lara ay huwarang mag-aaral.
B. Ang Palawan ay nagkaisa sa pagboto ng “No” sa paghahati nito. Ito ay
patunay lamang na nagkakaisa ang mga Palaweño.
C. Ang mga mag-aaral ay patuloy na nagsisikap na makapagtapos sa
kanilang pag-aaral. Sila ay dapat tularan.
D. Ang mga guro ay nagsasakripisyo para sa mga bata. Tunay silang
bayani.

9
Susi sa Pagwawasto

Subukin Tayo’y Magsanay


Gawain 1
1. A 1. Layuning maglarawan
2. C Ang Aking Natutuhan
2. Maaring subhetibo at obhetibo
3. B
4. B 3. Gumagamit ng matalinghagang 1. Tekstong deskriptibo
5. A pananalita 2. subhetibo
6. D 4. Karaniwang bahagi ng iba pang 3. obhetibo
7. A teksto 4. tagpuan/damdamin
8. C 5. Gumagamit ng pang-uri at pang- 5. damdamin/tagpuan
9. A abay
10. C
Gawain 2 Tama/ Mali
1. TAMA
2. TAMA Ating Tayahin
3. MALI
4. MALI 1. D 6. A
5. TAMA 2. A 7. C
3. C 8. B
Ating Pagyamanin 4. A 9. B
5. C 10. A
Gawain 1
1. Obhetibo
2. Obhetibo
3. Obhetibo
4. Subhetibo
5. Subhetibo

Gawain 2Ating Pagyamanin


Nakabatay sa sagot ng mag-
aaral
Gawain 1
1. 5
2. 4
3. 3
4. 2
5. 1
Gawain 2
Nakabatay sa mga sagot o opinyon
Sanggunian
ng mga mag-aaral.

Website
Orbiso, Jerson Q., Tekstong Deskriptibo, DepEd TV, Enero 18, 2021,
https://youtu.be/axkyD3NLYZ0.)

10
FEEDBACK SLIP

A. PARA SA MAG-AARAL

Maraming salamat sa paggamit ng CLAS na ito. Hangarin


nito ang iyong lubusang pagkatuto sa tulong ng iyong kapamilya. OPO HINDI

1. Kontento at masaya ka bang natuto gamit ang CLAS na ito?

2. Nasunod at nagawa mo ba ang mga proseso at


pamamaraang nakasaad para sa iba’t ibang gawain para sa
iyong pagkatuto?

3. Ikaw ba ay ginabayan o sinamahan ng sinuman sa iyong


kapamilya para sa pag-aaral gamit ang CLAS na ito?

4. Mayroon bang bahagi sa modyul na ito na ikaw ay


nahirapan (kung Opo, ano ito at bakit?)

B. PARA SA MAGULANG O TAGAPATNUBAY

Suhestiyon o Rekomendasyon para sa mas maayos na


serbisyo at pagkatuto ng inyong anak gamit ang CLAS na ito?

Mayroon (Pakisulat sa nakalaang guhit)

Wala

Numero ng Telepono : __________________________________

PANGALAN NG MAG-AARAL:

Lagda ng Magulang o Tagapatnubay:

Petsa ng Pagtanggap ng CLAS:

Petsa ng Pagbalik ng CLAS:

Lagda ng Guro:

11

You might also like