You are on page 1of 20

7

Republic of the Philippines


Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES

FILIPINO
Kagamitan sa Pinatnubayang
Kasanayang Pampagkatuto
Pagbuod sa Tekstong Binasa
Ikatlong Markahan – Ikalimang Linggo
FILIPINO – Ikapitong Baitang
Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto
Pagbuod sa Tekstong Binasa
Ikatlong Markahan - Ikalimang Linggo

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng kagamitan. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang
parte nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa
Kagawaran.

Bumuo sa Pagsulat ng Kagamitan


sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto
Manunulat: Camille A. Barnachea
Editor: Milagros A. Hipolito
Tagasuri: Marie Ann C. Ligsay PhD
Zaldy B. Millanes
Tagaguhit at Taga-anyo: Alma D. Mendigorin
Tagalapat: Bryan M. Balintec
Tagapamahala: Ma. Editha R. Caparas EdD
Leonardo D. Zapanta EdD, CESO V
Michelle A. Mojica EdD
Manolito B. Basilio EdD
Ma. Lilybeth M. Bacolor EdD
Garry M. Achacoso
Rachelle C. Diviva
Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III
Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales
Zone 6, Iba, Zambales
Tel./Fax No. (047) 602 1391
E-mail Address: zambales@deped.gov.ph
Website: www.depedzambales.ph
Pagbuod sa Tekstong Binasa

Panimula

Sa iyong pagbabasa, madalas na tumatakbo sa iyong isipan kung ano nga ba


ang ibig sabihin o nais na iparating ng manunulat. Marahil ay itinatanong mo sa
iyong sarili kung tungkol saan nga ba ang tekstong iyong binabasa. Ang bawat teksto
ay nagtataglay ng mga kaisipan na siyang naglalahad ng nais ipabatid ng may-akda.
Isa sa mga paraan upang higit na maunawaan ito ay ang pagbubuod gamit ang mga
kaisipang nakapaloob dito. Ang wastong pagtukoy ng pangunahin at mga pantulong
na kaisipan ay isa sa mga susi upang maibuod ang nabasang teksto nang maayos
at malinaw.
Sa tulong ng gawaing pampagkatuto na ito, matututuhan mo ang panibagong
kasanayan sa pagbubuod ng tekstong binasa gamit ang mga pangunahin at
pantulong na kaisipan. Nawa’y magsilbing daan ang mga inihandang gawain upang
matamo mo ang nabanggit na kasanayan.

Kasanayang Pampagkatuto

Naibubuod ang tekstong binasa sa tulong ng pangunahin at mga pantulong


na kaisipan. (F7PB-IIIf-g-17)

Mga Layunin

Sa pagtatapos ng Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto


na ito, ikaw ay inaasahang:
1. natutukoy ang pangunahin at mga pantulong na kaisipan sa binasang
teksto;
2. nakabubuo ng pangunahin at mga pantulong na kaisipan batay sa mga
larawan; at
3. naibubuod ang tekstong binasa gamit ang pangunahin at mga pantulong
na kaisipan ayon sa ibinigay na pamantayan.

1|Pahina
Balik Aral

Sa nakalipas na aralin ay nalinang ang iyong kasanayan sa pagsusuri sa mga


katangian at elemento ng ilan sa mga akdang pampanitikan. Ngayon ay subukin mo
ang iyong mga natutuhan mula sa inihandang gawain.
Panuto: Tukuyin ang isinasaad ng bawat bilang. Punan ng nawawalang titik ang
bawat salita at parirala. Isulat ang iyong mga kasagutan sa sagutang papel.

1. Inilalarawan dito ang lugar na pinangyarihan sa


TA_PU_N
kuwento.
2. Kuwentong tumatalakay sa pinagmulan ng isang
A_AM_T
bagay, pook, o pangyayari.
3. Gumaganap sa kuwento at kung ano ang papel na
TA_H_N
ginagampanan ng bawat isa.
K_WEN_ON_ 4. Kuwentong nagmula sa bawat pook na naglalahad ng
katangi-tanging salaysay ng kanilang lugar.
BA_AN
5. Elemento ng kuwento na tumutukoy sa pagkakasunod-
B_NGHA_
sunod ng pangyayari sa kuwento.
M_T_ 6. Kuwentong tumatalakay sa mga Diyos at Diyosa.
7. Pinakahuling bahagi ng kuwento na kung saan
W_K_S nakapaloob ang naging kapalaran ng pangunahing
tauhan.

MA_KLI_G 8. Anyo ng panitikan na nagsasaad ng isang buong


kuwento na kayang tapusing basahin sa isang upuan
K _ W_ N T O lamang.
9. Elemento ng kuwento na kung saan ito ang paksang
K_ISIP_N
umiikot at dumadaloy sa mga pangyayari sa kuwento.
10. Bahagi ng kuwento na mababasa ang tagpuan, tauhan
PA_IM_LA
at suliraning kinaharap ng mga tauhan sa kuwento.

2|Pahina
Pagtalakay sa Paksa

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang teksto.

Bayanihan sa Pandemya at Sakuna


ni Camille A. Barnachea, Lipay National High School

Hindi pa rin
mawawala sa kultura nating
mga Pilipino ang
pagtutulungan sa kabila ng
pandemya at mga sakunang
nararanasan. Ang
kaugaliang ito ay napagtibay
at napatunayan ng mga
nagdaang buwan. Dahil sa
pagkalat ng tinatawag na
COVID-19 sa bansa, marami
sa ating mga manggagawang Pilipino ang natigil at nawalan ng trabaho. Kung kaya,
ang ilan sa ating mga kababayan ay bukas-palad na umalalay sa pangangailangan
ng mga labis na naapektuhan nito. Ang pagbibigay ng mga pagkain o ayuda ay isa
sa mga pinakapangunahing ambag ng ating kapwa Pilipino. Ang ilan naman ay
namigay ng mga libreng face mask, face shields, alcohol at bitamina bilang
proteksyon sa banta ng kumakalat na sakit.
Hindi pa man napupuksa ang naturang sakit, nagkaroon ng panibagong
dagok ang bansa sa pananalasa ng bagyong Rolly at Ulysses. Sa kabila ng pandemya
at sakunang ito, maraming Pilipino ang nagkaisa upang maghatid ng tulong sa mga
nasalanta ng bagyo tulad ng pagbibigay ng pagkain, damit at pansamantalang
matitirahan. Ang ilan naman sa kanila ay sumaklolo upang iligtas ang ating mga
kababayan noong kasagsagan ng bagyo. Marami rin ang nagpaabot ng tulong upang
makapagsimulang muli ang ating mga kababayan. Tunay ngang hindi matatawaran
ang ugali ng Pinoy sa pagtutulungan.

3|Pahina
Gabay na Tanong:
Panuto: Sagutin ang mga tanong sa iyong sagutang papel.
1. Tungkol saan ang paksa ng nabasang teksto?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
2. Ayon sa tekstong nabasa, ano ang mga pangyayaring naganap at bumago sa
buhay ng mga Pilipino?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
3. Paano pinatunayan ang ugaling Pilipino sa gitna ng pandemya at sakuna?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

Ang binasang talata ay binubuo ng mga salita o lipon ng mga salitang mag-
kakaugnay. Ito ay binubuo ng Pangunahing Kaisipan at mga Pantulong na
Kaisipan. Ito ang mga itinuturing na susing pangungusap upang maibuod ang isang
tekstong nabasa.

• Ang Pangunahing Kaisipan ay tumutukoy sa nais sabihin at ipaunawa ng


sumulat tungkol sa paksa. Ito ay itinuturing na pinakamahalagang ideya ng teksto.
Isinasaad nito ang sentrong ideya o kung tungkol saan ang nilalaman nito. Ito rin
ay karaniwang matatagpuan sa unang bahagi ng pangungusap at huling
pangungusap (konklusyon).
Paano matutukoy ang pangunahing kaisipan sa isang teksto?
Sa pagtatapos ng pagbabasa, magiging madali ang pagtukoy mo rito kung
susubukan mong itanong sa iyong sarili ang mga sumusunod na katanungan:
1. Ano ang paksang tinatalakay?
2. Ano ang nais ipaunawa ng may-akda sa kaniyang paksa?

Halimbawa sa tekstong binasa:

Pagtutulungan ng mga Pilipino sa kabila ng pandemya at mga sakunang


nararanasan.

• Ang Pantulong na Kaisipan ay ang mga mahahalagang kaisipan na may


kaugnayan sa pangunahing paksa. Ito rin ang nagbibigay-linaw sa nais iparating ng
pangunahing kaisipan. Nagtataglay ito ng mga mahahalagang impormasyon na
tumutulong sa mambabasa upang lubusang maunawaan ang tekstong binasa.
Naglalaman ito ng mga kaisipan ng isang teksto tulad ng petsa, pangalan, lugar,
paglalarawan, datos, istatistika at iba pang mahahalagang impormasyon na
nagbibigay-tulong sa pangunahing kaisipan.

4|Pahina
Mahalaga ang pag-unawa sa mga pantulong na kaisipan dahil:
1. itinuturing itong susi sa lubusang pag-unawa ng pangunahing kaisipan.
2. nagsisilbing daan ito upang mas madaling matandaan ang mga mahalagang
impormasyon na nilalaman ng isang teksto.
3. nakatutulong din ito upang maunawaan ang pagkakabuo ng isang teksto.

Halimbawa sa tekstong binasa:

1. Sa kabila ng pandemya at sakunang ito, maraming Pilipino ang nagkaisa


upang maghatid ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo tulad ng
pagbibigay ng pagkain, damit at pansamantalang matitirahan.
2. Ang pagbibigay ng mga pagkain o ayuda ay isa sa mga
pinakapangunahing ambag ng ating kapwa Pilipino.
3. Ang ilan naman ay namigay ng mga libreng face mask, face shields,
alcohol at bitamina bilang proteksyon sa banta ng kumakalat na sakit.
4. Ang ilan naman sa kanila ay sumaklolo upang iligtas ang ating mga
kababayan noong kasagsagan ng bagyo.
5. Kung kaya, ang ilan sa ating mga kababayan ay bukas-palad na umalalay
sa pangangailangan ng mga labis na naapektuhan nito.

Tandaan: Bilang isang epektibong mambabasa kinakailangang matamo ang


kasanayan sa pagtukoy ng pangunahin at mga pantulong na kaisipan.
Upang higit na maunawaan ang ating aralin, pag-aralan mo ang grapikong
pantulong sa ibaba bilang halimbawa ng mga pangunahin at mga pantulong na
kaisipan.

Nalimitahan ang paglabas ng mga tao sa kani-


kanilang mga tahanan dahil na rin sa takot na
dala ng nakahahawang sakit.
COVID-19, tinik
sa lalamunan ng Maraming negosyo ang nagsara. Dahil dito,
mga Pilipino. nawalan ng trabaho ang ilan sa mga
manggagawang Pilipino.

Ilan sa mga tinamaan ng sakit ay lubhang


napinsala ang kanilang mga kalusugan at ang iba
ay pumanaw.

Pangunahing Kaisipan Mga Pantulong na Kaisipan

Batid kong naunawaan mo na ang ating aralin. Ngayon, maaari mo nang


simulan ang pagsagot sa mga inihandang gawain.

5|Pahina
Gawain

Pinatnubayang Pagsasanay 1
KAISIPAN-TUKUYIN: Basahin at unawaing mabuti ang teksto. Bigyang-pansin ang
pangunahin at mga pantulong na kaisipan.

Muling Sulyap sa Inang Kalikasan


ni Camille A. Barnachea, Lipay National High School

Hindi ba’t kay sarap balikan


ang nakaraan? Lalo na kung
mapagmamasdan ang ating Inang
Kalikasan. Ngunit, paano kung ito ay
nabago na ng kasalukuyan?

Hindi na tulad ng dati ang


kulay ng ating kapaligiran. Ang mga
bulubundukin ay nagmistulang
inaning palayan ng mga punongkahoy
dahil sa pagkakapatag nito ngayon.
Mapapansin mo rin na ang dating
malinis at mapanudyong alon ng
karagatan ay animo’y sumusuka ng
kalat at basura. Niyakap na rin ng polusyon ang dating sariwang hangin na ating
nalalanghap at tila naging malabo ang malinaw na tubig ng ilog at batis na kung
saan nananahan ang ating mga yamang tubig. Bihira na rin ang mga ibong maririnig
na umaawit. Ang mga punongkahoy na nagtataasan ay pinutol ng ilan para sa
kanilang sariling kapakanan. Sa pagbabalik-tanaw na ito, nasaan na nga ba ang
dating kinang ng ating likas-yaman?

Wika nga nila, hindi naman masama ang pag-unlad sapagkat ito ay bahagi
na ng ating kasaysayan ngunit hindi ka ba nalulungkot sa pagbabagong naganap
sa ating Inang Kalikasan? Kapabayaan at pang-aabuso ang namayani sa puso ng
ilan sa mga lubos na nakikinabang. Nakalimutan na ng karamihan ang halaga at
buhay na hatid nito sa mga mamamayan.

6|Pahina
Panuto: Sagutin ang mga gabay na tanong sa iyong sagutang papel.
1. Ilahad ang mensaheng nais ipahiwatig ng teksto.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2. Sino ang dapat magmalasakit sa ating Inang Kalikasan? Bakit?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3. Bilang isang kabataan, paano mo pag-iingatan ang Inang Kalikasan?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
4. Gamit ang “ulan ng kaisipan” sa ibaba, tukuyin at isulat ang pangunahin at
pantulong na kaisipan ng akda.

Pangunahing Kaisipan

________________________________

Pantulong na
Pantulong na Kaisipan
Kaisipan
Pantulong na ______________
______________ Kaisipan

______________
Pantulong na
Kaisipan

______________

7|Pahina
Pinatnubayang Pagsasanay 2
TALA-KAISIPAN: Pagmasdang mabuti ang mga larawan. Itala ang nabuong mga
kaisipan mula sa mga larawan sa ibaba. Isulat ang iyong mga kasagutan sa
sagutang papel.

PANGUNAHING KAISIPAN

______________________________________

PANTULONG PANTULONG PANTULONG


NA KAISIPAN NA KAISIPAN NA KAISIPAN

_______________ _______________ _______________

8|Pahina
B. Panuto: Mula sa mga kaisipang naitala sa grapikong pantulong, sumulat ng isang
simpleng talata gamit ang pangunahin at pantulong na kaisipan.

___________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Pang-isahang Pagsasanay
KAISIPAN-SULAT MO: Basahin at unawaing mabuti ang mga teksto. Tukuyin at
isulat ang pangunahin at mga pantulong na kaisipang nakapaloob dito. Isulat ang
iyong mga kasagutan sa sagutang papel.

Naniniwala ka ba sa kasabihang “ang kalusugan ay ating


kayamanan”? Sa panahon ngayon, naglipana ang mga sakit at
karamdaman. Kinakailangan nating pag-ingatan ang ating mga sariling
kalusugan ngunit paano nga ba natin mapananatiling malusog ang ating
pangangatawan sa mga simpleng pamamaraan?

Maraming mga hakbangin ang maaari nating sundin at gawin. Una


rito ang pagkain ng mga masusustansiyang pagkain tulad ng mga gulay
at prutas. Ikalawa ang pagtulog sa tamang oras at pag-inom ng maraming
tubig. Makatutulong din ang pag-eehersisyo at malalim na pagmumuni-
muni para sa ating kalusugang pangkaisipan. Ugaliin din nating
maghugas ng kamay at panatilihing malinis ang ating pangangatawan
upang makaligtas sa kahit na anomang banta ng sakit. Ilan lamang iyan
sa mga pamamaraan upang mapagtibay at mapalakas ang ating mga
resistensya. Ang kinakailangan lamang nating gawin ay sundin ito nang
may katapatan.

9|Pahina
Gaano nga ba kahalaga ang edukasyon? Ang edukasyon ang
nagsisilbing daan sa karunungan na ating kinakailangan. Ito ang susi sa
lahat ng mga bagay na nais nating malaman at matutuhan. Ito rin ang
pinakaunang hakbang upang makamit ang ating mga pangarap sa buhay.
Isa sa umaakay sa atin upang tayo ay umunlad sa pamumuhay. Ang
edukasyon ang nagsisilbing sandata upang labanan ang mga pagsubok na
maaaring dumating sa ating buhay. Pakatandaan, ang matibay na
edukasyon ay tanging yaman na hindi mananakaw ng kahit na sino man
dito sa mundo.

10 | P a h i n a
May hihigit pa ba sa pagmamahal ng isang magulang? Ang
pagmamahal ng isang magulang ay walang kapantay at hindi
matutumbasan ng kahit na anong bagay. Ang mga magulang ang
nagbibigay-buhay sa kanilang mga anak. Sila ang mga taong handang
gawin ang lahat para sa magandang kinabukasan ng mga anak. Ang mga
magulang ang taong tumutulong sa mga anak sa panahon ng mga
pagsubok at pighati. Sila ang nagsisilbing sandalan ng mga ito sa oras ng
kanilang mga kagipitan. Hinding-hindi matatawaran ang kanilang pag-ibig
at pagpapakasakit. Sabi nga nila, “maaaring makalimutan ng anak ang
magulang, pero ang magulang ay kailanman, hindi magagawang kalimutan
ang anak”.

11 | P a h i n a
Pagsusulit

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang teksto. Ibuod gamit ang pangunahin at
pantulong na kaisipan. Gawing gabay ang rubrik sa iyong pagbubuod. Isulat ito sa
iyong sagutang papel.

Yaman ng Zambaleño!
ni Camille A. Barnachea
Lipay National High School

Sa Gitnang Luzon matatagpuan ang


probinsya ng Zambales na isa sa mga
madalas na dinarayo ng mga turista dahil sa
taglay nitong mga likas na yaman at
kamangha-manghang mga tanawin. Isa na
rito ang naggagandahang mga dagat na
talaga namang nakahahalina dahil sa
malinaw at malinis nitong tubig. Una na rito
ang Potipot Island. Matatagpuan ito sa bayan
ng Candelaria. Ang islang ito ay nagtataglay
ng pino at puting buhangin na talaga
namang tunay na kahali-halina.
Sa probinsya ring ito matatagpuan
ang isa sa mga madalas puntahan ng mga
tao, ang Sagrada Familia Cave sa bayan ng
Sta. Cruz. Ang kuwebang ito ay tanyag
sapagkat ito ay may angking kagandahan
dahil sa mga makikinang at kaakit-akit na
mga rock formation sa loob nito.
Samantalang sa bayan ng Palauig
matutunton ang pinakamataas na bundok sa Zambales, ang Mt. Tapulao. Ang
bundok na ito ay madalas na puntahan ng mga tao sapagkat ito ay nagtataglay ng
angking kagandahan at may mababang temperatura.
Bantog din ang iba’t ibang pasyalan sa lalawigan tulad ng Camp Kainomayan
at Mt. Pinatubo sa Botolan. Ang Camp Kainomayan ay isa sa mga lugar na dinarayo
sapagkat maraming mga aktibidad na maaring gawin dito. Sa katunayan, dito
idinaos ang nakaraang 17th National Jamboree ng Boy Scout of the Philippines.
Ang probinsyang ito ay mayaman din sa produktong pang-agrikultural tulad
ng palay, isda at ang ipinagmamalaking matamis na mangga.
Sagana rin ang kabundukan ng Zambales pagdating sa yamang mineral.
Kabilang dito ang chromite at nickel na inaangkat ng ibang bansa. Dahil dito, naging
pangunahing kabuhayan ng karamihan ang pangingisda, pagsasaka at pagmimina.

12 | P a h i n a
Hindi rin mawawala rito ang mga kulturang napagyaman na ng panahon. Ang
pagdiriwang ng mga kapistahan at Santacruzan ay masasalamin din sa lalawigan.
Mga tradisyong hanggang sa ngayon ay makikita sa kani-kaniyang bayan. Mga
ugaling namana mula sa mga ninuno katulad ng pagmamano at paggamit ng po at
opo ay nakasanayan na ng mga Zambaleño. Ang pagiging palakaibigan ng mga tao
dito ay siyang nakaanyaya upang pahalagahan ang malaparaisong lugar na ito.

Ilan lamang iyan sa mga kayamanang taglay ng probinsya ng Zambales.


Marami pang mga bagay ang maaaring matuklasan sa pagbisita rito.

Rubrik sa Pagbubuod

5 puntos 4 puntos 3 puntos 2 puntos


Malinaw na Naibuod ang Naibuod ang teksto Naibuod ang
naibuod ang teksto gamit ang ngunit hindi teksto ngunit
teksto gamit ang pangunahing malinaw ang hindi ginamit ang
pangunahing kaisipan. pagkakagamit ng pangunahing
kaisipan. pangunahing kaisipan.
kaisipan.

Maayos at Magkakaugnay Hindi Walang ginamit na


magkakaugnay ang ginamit na magkakaugnay ang pantulong na
ang ginamit na pantulong na mga ginamit na kaisipan sa
pantulong na kaisipan sa pantulong na pagbubuod ng
kaisipan sa pagbubuod ng kaisipan sa tekstong binasa.
pagbubuod ng tekstong binasa. pagbubuod ng
tekstong binasa. tekstong binasa.

13 | P a h i n a
Pangwakas

Panuto: Dugtungan ang kaisipang nakasulat sa kahon ayon sa iyong natutuhan sa


gawaing pampagkatuto na ito. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Sa araling ito, natutuhan kong

__________________________________________________________

__________________________________________________________

__________________________________________________________

__________________________________________________________.

Mahalaga ang aking mga natutuhan sapagkat

__________________________________________________________

__________________________________________________________

__________________________________________________________

__________________________________________________________.

14 | P a h i n a
Mga Sanggunian

“Ang Pangunahing Paksa at mga Pantulong na Detalye”,


https://www.slideshare.net/cli4d/ang-pangunahing-paksa-at-mga-
pantulong-na-detalye

Baisa-Julian, Ailene, Nestor S. Lontoc, and Carmela Esguera-Jose. 2017.


Pinagyamang Pluma 7. Ikalawang Edisyon. 927Quezon Ave., Quezon City:
Phoenix Publishing House, Inc., pp. 329.

Department of Education. 2020. K to 12 Most Essential Learning Competencies


with Corresponding CG codes

Depedzambales.ph. 2019. [online] Available at:


https://depedzambales.ph/wp-content/uploads/2019/06/DZJournal-
Special-Issue-for-2019-National-Literature-Month.pdf

Kapitolyohs.files.wordpress.com. n.d. Project EASE. [online] Available at:


https://kapitolyohs.files.wordpress.com/2011/09/modyul-9.pdf, pp.23-
24

“Zambales”. 2020. Tl.M.Wikipedia.Org.


https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Zambales.

15 | P a h i n a
16 | P a h i n a
Balik-Aral Pinatnubayang Pagsasanay 2
1. tagpuan Tala-Kaisipan!
2. alamat Ang sagot ng mga mag-aaral ay
3. tauhan maaaring magkakaiba.
4. kuwentong – bayan
5. banghay
6. mito Pang-isahang Pagsasanay
7. wakas Kaisipan-Sulat mo!
8. maikling kuwento 1.Pangunahing Kaisipan: Paano
9. kaisipan mapapanatili ang maayos na kalusugan
10. panimula sa mga simpleng pamamaraan.
2. Pangunahing Kaisipan: Kahalagahan
Pagtalakay sa Paksa ng Edukasyon
Ang sagot ng mga mag-aaral ay 3. Pangunahing Kaisipan: Pagmamahal
maaaring magkakaiba. ng isang magulang.
Ang sagot ng mga mag-aaral sa mga
Pinatnubayang Pagsasanay 1 pantulong na kaisipan ay maaaring
Kaisipan-Tukuyin! magkakaiba.
Ang sagot ng mga mag-aaral ay
maaaring magkakaiba.
Pagsusulit at Pangwakas
Ang sagot ng mga mag-aaral ay
maaaring magkakaiba.
Susi sa Pagwawasto
Pasasalamat
Ipinaaabot ng Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales ang
taos-pusong pasasalamat sa mga sumusunod, na nakapag-ambag ng tagumpay
para sa paghahanda, pag-unlad, pagtiyak ng kalidad, paglimbag at pamamahagi ng
Ikatlong Markahang Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto sa
lahat ng asignatura sa iba’t ibang antas bilang tugon sa pagbibigay sa mag-aaral ng
naaangkop na kagamitang pampagkatuto hango sa Pinakamahalagang Kasanayang
Pampagkatuto (MELCs) - ayon sa mga pagsasanay na nakabatay sa mga
pamantayan ng pinatnubayang kasanayan at tuwirang pagtuturo:
Una, ang Learning Resource Development Team na binubuo ng mga
manunulat at tagaguhit, sa kanilang iginugol na panahon at kakayahan upang
makabuo ng iba’t ibang kinakailangang kagamitang pampagkatuto.
Ikalawa, ang mga tagapatnugot sa nilalaman, tagasuring pangwika, at mga
tagasuring pandisenyo na maingat na nagwasto at bumuo sa lahat ng Kagamitan sa
Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto upang matiyak ang kawastuhan at
katugunan sa mga pamantayan ng Kagawaran ng Edukasyon;
Ikatlo, ang mga gurong tagapatnubay at mga guro sa bawat asignatura sa
kanilang malapit na pakikipag-ugnayan sa mga punongguro, sa kanilang
lingguhang pamamahagi at pagbabalik ng mga Kagamitan sa Pinatnubayang
Kasanayang Pampagkatuto at sa kanilang madalas na pagsubaybay sa pag-unlad
ng mag-aaral sa lahat ng paraan; at
Panghuli, ang mga magulang at iba pang pantahanang tagapagdaloy sa
kanilang pagbibigay sa mag-aaral ng kinakailangang patnubay at gabay upang
maisagawa ang mga gawain at upang patuloy na matulungan ang bawat mag-aaral
na maging responsableng indibidwal sa hinaharap.
Sa inyong patuloy na paghahatid ng kaalaman sa mapanghamong panahon
ay lubos na makamit ang sama-samang pagpupunyagi at matibay na malasakit na
pagsilbihan ang ating mag-aaral na Zambaleño.
Muli, ang aming walang hanggang pasasalamat!

Tagapamahala
Para
Para sasa katanungan
katanungan o karagdagang
o karagdagang puna,
puna,
maaaring
maaaring sumulat
sumulat o tumawag
o tumawag sa:sa:

Pansangay
Pansangay nana Tanggapan
Tanggapan ngng
mgamga Paaralan
Paaralan ngng Zambales
Zambales
Zone
Zone 6, Iba,
6, Iba, Zambales
Zambales
Tel./Fax
Tel./Fax No.No. (047)
(047) 602602 1391
1391
E-mail
E-mail Address:
Address: zambales@deped.gov.ph
zambales@deped.gov.ph
Website:
Website: www.depedzambales.ph
www.depedzambales.ph

You might also like