You are on page 1of 14

PANGALAN:_____________________________________

BAITANG/SEKSYON:___________________________
____
11/12
PAGBASA AT PAGSUSURI
NG IBA’T IBANG TEKSTO
TUNGO SA PANANALIKSIK
Kwarter III – Linggo 1
Tekstong Impormatibo

CONTEXTUALIZED LEARNING ACTIVITY SHEETS


SCHOOLS DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik - Baitang 11/12
Contextualized Learning Activity Sheets (CLAS)
Kwarter III – Linggo 1: Tekstong Impormatibo
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda
kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa CLAS na
ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa CLAS na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.

Inilathala ng Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa.


Bumuo sa Pagsusulat ng Contextualized Activity Sheets
Manunulat: Ariel I. Matchico at Angie Lyka L. Galaroza
Pangnilalamang Patnugot: Enrile O. Abrigo, Jr.

Editor: Marilyn C. Villon at Vilma R. Cabansag

Tagawasto: Carol V. Baron at Agnes C. Barrera-Mendoza

Tagasuri: Luis R. Mationg, EPS – Filipino, Enrile O. Abrigo, Jr.,


Angie Lyka L. Galaroza, at Agnes C. Barrera-Mendoza

Tagaguhit: Angie Lyka L. Galaroza

Tagalapat: Agnes C. Barrera-Mendoza at Angie Lyka L. Galaroza

Tagapamahala:
Servillano A. Arzaga, CESO V, SDS
Loida P. Adornado, PhD, ASDS
Cyril C. Serador, PhD, CID Chief
Ronald S. Brillantes, EPS-LRMS Manager
Luis R. Mationg, EPS-Filipino
Eva Joyce C. Presto, PDO II
Rhea Ann A. Navilla, Librarian II

Pandibisyong Tagasuri ng LR:


Ronald B. Brillantes
Mary Jane J. Parcon
Ronald N. Fragata
Joseph D. Aurello

Division of Puerto Princesa City-Learning Resource Management Section (LRMS)


Sta. Monica Heights, Brgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City
Telephone No.: (048) 434 9438
Email Address: puertoprincesa@deped.gov.ph
Aralin 1

Tekstong Impormatibo

MELCs: Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang tekstong binasa


(F11PB – IIIa – 98).

Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang ginamit ng


iba’t ibang uri ng tekstong binasa (F11PT-IIIa-88).

Mga Tiyak na Layunin:


1. Nabibigyang kahulugan ang tekstong impormatibo.
2. Natutukoy ang uri ng tekstong impormatibo.
3. Naibibigay ang mahahalagang salitang ginamit sa teksto.

Subukin Natin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na mga tanong. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

_____ 1. Alin sa sumusunod ang HINDI TOTOO ayon sa tekstong impormatibo?


A. Ito ay isang uri ng babasahin na nakabatay sa katotohanan.
B. Ito ay isang uri ng babasahin na nakabatay sa opinyon.
C. Ito ay naglalayong magpaliwanag.
D. Ito ay tinatawag na ekspositori.

_____ 2. Alin sa sumusunod ang HINDI pangunahing layunin ng tekstong impormatibo?


A. Magbigay impormasyon C. Magkuwento
B. Maglahad ng katotohanan D. Magbigay ng datos

_____ 3. Alin ang TOTOO tungkol sa tekstong impormatibo?


A. Ito ay tinatawag na ekspositori.
B. Ito ay naglalayong maglarawan.
C. Ito ay babasahing nagkukuwento.
D. Ito ay isang uri ng babasahin na nakabatay sa opinyon.

_____ 4. Alin sa sumusunod na pahayag ang kabilang sa uri ng tekstong impormatibo?


A. Pakikipagdebate
B. Pangungumbinsi
C. Pagbabahagi ng opinyon
D. Paglalahad ng totoong pangyayari

_____ 5. “Taong 1872, nagsimula ang paninirahan o settlement ng mga kastila sa Puerto
Princesa habang ang mga ito ay naghahanap ng lugar na magiging kapitolyo ng
lalawigan.” Anong uri ng tekstong impormatibo ang pahayag?
A. Pagpapaliwanag
B. Paglalahad ng proseso
C. Pag-uulat pang-impormasyon
D. Paglalahad ng totoong pangyayari/kasaysayan
1
_____ 6. “Dahil sa Covid-19 maraming sektor ang naapektuhan kabilang na rito ang turismo.
Sa Palawan na kilala bilang isa sa pinakamagandang isla sa buong mundo, ang
dating puno ng mga turista ay nahinto dahil sa pagpapasara ng mga Paliparan at
pantalan bilang pag-iingat ng pamahalaan sa pagkalat ng virus.” Anong uri ng
tekstong impormatibo ang pahayag?
A. Pagpapaliwanag
B. Paglalahad ng proseso
C. Pag-uulat pang-impormasyon
D. Paglalahad ng totoong pangyayari /kasaysayan

_____ 7. “Ang Subaraw ay nagmula sa salitang “suba” na nangangahulugang “ilog” at


“taraw” o limestone na tumutukoy sa Puerto Princesa Underground River o PPUR na
isa sa Seven Wonders of Nature. Ito ay festival na nilikha kaugnay ng pagdiriwang
batay sa proklamasyon bilang 816 na nagtatakda na tuwing Nobyembre 11 taon-
taon ay ipagdiriwang ang Puerto Princesa City Underground River Day.” Anong uri
ng tekstong impormatibo ang pahayag?
A. Pagpapaliwanag
B. Paglalahad ng proseso
C. Pag-uulat pang-impormasyon
D. Paglalahad ng totoong pangyayari/kasaysayan

_____ 8. Si Bb. Cruz ay nais sumulat ng isang sulating nagpapaliwanag ukol sa kaniyang
alagang hayop. Siya ay naghanap ng impormasyon mula sa mga artikulo na
nakalathala sa internet upang maiwasan ang pagbibigay ng sarili niyang opinyon.
Anong uri ng tekstong impormatibo ang dapat niyang gawin?
A. Pagpapaliwanag
B. Paglalahad ng proseso
C. Pag-uulat pang-impormasyon
D. Paglalahad ng totoong pangyayari/kasaysayan

_____ 9. Ano ang pangunahing layunin ng tekstong impormatibo?


A. Makapagbigay ng sariling opinyon sa isang paksa
B. Makapaglahad ng paglalarawan sa isang tao, bagay o pangyayari.
C. Maipaliwanag ang proseso kung paano nagawa ang isang bagay o bakit
nangyari/nagawa ito.
D. Makapaghatid ng impormasyong hindi nababahiran ng personal na
pananaw o opinyon ng may-akda.

_____ 10. Si Lola Sonya ang pinakamatandang mamamayan sa kanilang bayan, inilahad
niya ang mga pangyayari noong panahon ng Martial Law. Anong uri ng tekstong
impormatibo ito?
A. Pagpapaliwanag
B. Paglalahad ng proseso
C. Pag-uulat pang-impormasyon
D. Paglalahad ng totoong pangyayari/kasaysayan

2
Ating Alamin at Tuklasin

Binhi ng Kaalaman

Ang tekstong impormatibo ay mayroong mga elemento. Ito ay


ang pokus ng manunulat, pangunahing kaisipan at pantulong na
detalye. Ang pangunahing layunin nito ay makapaghatid ng
impormasyong hindi nababahiran ng personal na pananaw o opinyon
ng may-akda.

(Pinagkunan: Jerson Q. Orbiso, Tekstong Impormatibo, DepEd TV, Oktubre


22, 2020, https://youtu.be/69PadklToFM.)

Ang tekstong impormatibo ay isang uri ng babasahin na nakabatay sa katotohanan.


Ito ay naglalayong magbigay ng impormasyon at magpaliwanag sa iba’t ibang paksa nang
walang kinikilingan. Ito ay sumasagot sa tanong na ano, kailan, saan, sino, paano, at bakit?
Ang kasanayan sa kritikal na pagbasa ay napakahalaga sa isang mag-aaral na tulad mo.
Ang pagiging mapanuring mambabasa ay mahalaga sa pagkuha ng lehitimong
impormasyon na iyong magagamit hindi lang sa gawaing pang-akademiko kung hindi sa
mga praktikal na gawain sa araw-araw. Tinatawag din itong ekspositori.

Ang mga halimbawa ng tekstong impormatibo ay makikita:

 Diyaryo
 Balita sa Telebisyon o Radyo
 Aklat o Magasin
 Ensayklopidya
 Social media
 Website sa internet gaya ng blogs o vlogs

Ang tekstong impormatibo ay binubuo ng tatlong uri. Ito ay ang sumusunod:

I. Paglalahad ng Totoong Pangyayari/Kasaysayan


II. Pag-uulat Pang-impormasyon
III. Pagpapaliwanag

3
I. Paglalahad ng Totoong Pangyayari/Kasaysayan - ang tekstong ito ay
naglalahad ang mga pangyayari na totoong naganap sa isang panahon o
pagkakataon. Maaaring ang pangyayari ay personal na nasaksihan ng manunulat o
maaari ring hindi direktang nakita ng manunulat kung hindi mula sa totoong
pangyayari na naisulat sa kasaysayan.

Halimbawa ng Paglalahad ng Totoong Pangyayari/Kasaysayan

149 Founding Anniversary ng Puerto Princesa, ipinagdiriwang ngayong araw

Ipinagdiriwang ngayong araw, Marso 4 ang ika-149 Taong Anibersaryo


ng pagkakatatag ng Puerto Princesa. Bilang pagdiriwang nito ay idineklara ang
Marso 4 na isang special non-working kung kaya’t walang pasok sa lahat ng
mga pampubliko at pampribado tanggapan na nasa lungsod.

Taong 1872, nagsimula ang paninirahan o settlement ng mga kastila sa


Puerto Princesa habang ang mga ito ay naghahanap ng lugar na magiging
kapitolyo ng lalawigan. Ito ang itinuturing na simula ng pagkakatatag ng Puerto
Princesa bilang isang munisipyo ng Palawan sa panahon ng pananakop ng mga
Kastila. Una itong ipinangalan kay Princess Asuncion na anak nina Queen
Isabella II at asawa nitong si Francisco de Cadiz.

Nang mamatay si Princess Asuncion, pinalitan ng ina nitong Reyna ang


pangalan ng bayan bilang Puerto de la Princesa at kalaunan ay pinaikli ito
bilang Puerto Princesa na siya ngayong ginagamit na pangalan ng lungsod.
Mula sa pagiging isang munisipyo, naging isa itong siyudad noong Enero 1,
1970 sa ilalim ng Republic Act No. 5906 at naging Component City naman
matapos na maamyendahan ito ng Presidential Decree No. 437 na iniakda ni
dating Speaker Ramon Mitra, Jr.

Ang Proclamation No. 1264 na nilagdaan ni dating Pangulong Gloria


Macapagal-Arroyo noong Marso 26, 2007 at sa isinagawang plebisito noong
Hulyo 21, 2007 ay naging Highly Urbanized City ang Puerto Princesa hanggang
sa kasalukuyan.

(Pinagkunan: Orlan C. Jabagat, 149 Founding Anniversary ng Puerto Princesa,


ipinagdiriwang ngayong araw, Philippine Information Agency, Marso 11, 2021,
https://pia.gov.ph/features/articles/1068530.)

4
II. Pag-uulat Pang-impormasyon- ang tekstong ito ay naglalahad ng mga importanteng
detalye patungkol sa tao, hayop at mga pangyayari sa paligid. Ang pagsulat nito ay
nangangailangan ng masusing pag-aaral at hindi opinyon lamang.

Halimbawa ng Pag-uulat Pang-impormasyon

Ang Subaraw Festival


(nina Matchico, Ariel, et.al mula sa Di-nailathalang Tesis)

Ang Subaraw Biodiversity Festival ay kauna-unahang ipinagdiwang sa


lungsod ng Puerto Princesa noong Nobyembre 2-11, 2018 at patuloy nang
ipinagdiriwang taon-taon. Ang Subaraw ay nagmula sa salitang “suba” na
nangangahulugang “ilog” at “taraw” o limestone na tumutukoy sa Puerto
Princesa Underground River o PPUR na isa sa Seven Wonders of Nature. Ito ay
festival na nilikha kaugnay ng pagdiriwang batay sa proklamasyon bilang 816
na nagtatakda na tuwing Nobyembre 11 taun-taon ay ipagdiriwang ang Puerto
Princesa City Underground River Day.

Ang pagtatampok sa festival na ito ay ang parada ng makukulay na


kasuotan at float. Binubuo rin ito ng iba’t ibang kompetisyon at gawaing may
kaugnay sa biodiversity. Sari-saring kasuotan na sumisimbulo sa mga buhay-
ilang na makikita sa paligid ng Underground River tulad ng unggoy, labuyo o
wild chicken, tandikan o peacock, bayawak at isda.

May parada rin ng mga sasakyan tulad ng makukulay na traysikel,


pampublikong dyip, at pribadong sasakyan at large category na binubuo ng
trak, at malalaking sasakyan ng pribadong kompanya. Gayundin ang mga
makukulay ng bangka at replika ng taraw.

Dinagsa ng maraming manonood lalo na ng mga turista ang unang


pagtatanghal ng Subaraw Festival. Nagkaisa at nagtulungan ang mga
mamamayan, mag-aaral, guro, pribadong sector at mga kawani ng gobyerno sa
lokal at panlalawigan na naging dahilan ng matagumpay na paglulunsad ng
programa.

Ang Subaraw ay sumasagisag sa wika at kultura ng mga taga-lungsod ng


Puerto Princesa. Ito ay pumapaksa sa pangangalaga sa kalikasan at mga
buhay-ilang. Kabilang din dito ang mga pabula at alamat ng mga Indigenous
People partikular ang mga Batak at Tagbanwa. Ang pangangalaga at
pagpapanatili ng mayamang kalikasan ay siyang pangunahing layunin nito
upang lalo pa itong manghikayat ng maraming turista sa lungsod.

(Pinagkunan: Ariel I. Matchico, Eleonore M. Heredero at Lilibeth Z. Limuaco.


“Panitikang Subaraw bilang Lokalisadong mga Teksto.” Di-nailathalang Tesis:
Departamento ng Edukasyon, Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa, 2019.)

5
III. Pagpapaliwanag- ito ang uri ng tekstong impormatibo na nagbibigay
paliwanag kung paano o bakit naganap ang isang bagay o pangyayari.
Layunin nitong makita ng mambabasa mula sa mga impormasyong
nagsasaad kung paano humantong ang paksa sa ganitong kalagayan.
Karaniwan itong ginagamitan ng mga larawan, dayagram o flowchart.

Halimbawa ng Pagpapaliwanag
COVID-19

Dahil sa Covid-19 maraming sector ang naapektuhan kabilang na rito ang


turismo. Sa Palawan na kilala bilang isa sa pinakamagandang isla sa buong
mundo, ang dating puno ng mga turista ay nahinto dahil sa pagpapasara ng
mga Paliparan at pantalan bilang pag-iingat ng pamahalaan sa pagkalat ng
virus.

(Pinagkunan: Jerson Q. Orbiso, Tekstong Impormatibo, DepEd TV, Oktubre 22, 2020,
https://youtu.be/69PadklToFM.)

Tayo’y Magsanay

Panuto: Punan ng salita ang patlang sa sumusunod na pangungusap batay sa


binasang teksto. Isulat ang sagot sa espasyong nakalaan.

A. kasaysayan C. ekspositori E. impormatibo


B. impormasyon D. pag-uulat pang-impormasyon F. pagpapaliwanag

1. Ang pangunahing layunin ng tekstong impormatibo ay makapaghatid ng _______________


hindi nababahiran ng personal na pananaw o opinyon ng may-akda.

2. Ang tekstong impormatibo ay tinatawag ding .

3. Ang tekstong paglalahad ng totoong pangyayari o ay naglalahad


ang mga pangyayari na totoong naganap sa isang panahon o pagkakataon.

4. Ang tekstong ay naglalahad ng mga importanteng detalye


patungkol sa tao, hayop at mga pangyayari sa paligid.

5. Ang tekstong nagbibigay paliwanag kung paano o bakit


naganap ang isang bagay o pangyayari.

6
Panuto: Isulat sa nakalaang patlang ang salitang TAMA kung wasto ang
ipinapahayag tungkol sa terminong binanggit sa teksto at isulat ang MALI kung hindi
wasto ang pahayag.

_________1. Ang tekstong impormatibo ay isang uri ng babasahin na nakabatay sa


katotohanan.
_________2. Sumasagot sa tanong na ano, kailan, saan, sino at paano ang tekstong
impormatibo.
_________3. Kabilang sa uri ng tekstong impormatibo ang paglalahad ng proseso.

_________4. Ang tekstong impormatibo ay naglalahad din ng mga opinyon na


makikita sa social media at internet.
_________5. Ang pagpapaliwanag ng isang pangyayari ay bahagi rin ng
tekstong impormatibo.

Ating Pagyamanin

Panuto: Kumpletuhin ang talahanayan sa pamamagitan ng pagpuno ng


impormasyon. Isulat sa kahon ang sagot.

Mga Teksto Uri ng tekstong Mahalagang salitang natutuhan


Impormatibo na ginamit sa teksto
149 Founding Anniversary
ng Puerto Princesa,
ipinagdiriwang ngayong
araw

Ang Subaraw Festival

COVID-19

7
Panuto: Tukuyin ang impormasyong hinihingi ayon sa tekstong binasa. Isulat ang
iyong sagot sa espasyong nakalaan sa ibaba.

Mahahalagang Impormasyon Tungkol


sa “Ang Subaraw Festival”

1. Ano: __________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

2. Saan: _________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

3. Kailan: ________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

4. Paano: ________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

5. Bakit: _________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

8
Ang Aking Natutuhan

Panuto: Dugtungan ang pangungusap upang mabuo ang pahayag.

DUDUGTUNGAN KO
Ang tekstong impormatibo ay isang uri ng babasahin na nakabatay sa
1____________________. Ito ay naglalayong magbigay ng impormasyon at
magpaliwanag sa iba’t ibang paksa nang walang 2_____________________. Ito ay
sumasagot sa tanong na ano, kailan, saan, sino, paano, at bakit? Kadalasang
sinasagot ng tekstong impormatibo ang mga tanong na ano, kalian, saan, sino at
paano. Ito ay tinatawag ding tekstong 3_____________________ na naglalayong
magpaliwanag at magbigay o maglahad ng 4____________________ sa mga
mambabasa. Ang pagiging mapanuring mambabasa ay mahalaga sa pagkuha ng
lehitimong impormasyon na iyong magagamit hindi lang sa gawaing
5______________________ kung hindi sa mga praktikal na gawain sa araw-araw.

Ating Tayahin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na mga tanong. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

_____ 1. Alin ang TOTOO tungkol sa tekstong impormatibo?


A. Ito ay tinatawag na ekspositori.
B. Ito ay naglalayong maglarawan.
C. Ito ay babasahing nagkukuwento.
D. Ito ay isang uri ng babasahin na nakabatay sa opinyon.

_____ 2. “Ang Subaraw ay nagmula sa salitang “suba” na nangangahulugang “ilog” at


“taraw” o limestone na tumutukoy sa Puerto Princesa Underground River o PPUR na
isa sa Seven Wonders of Nature. Ito ay festival na nilikha kaugnay ng pagdiriwang
batay sa proklamasyon bilang 816 na nagtatakda na tuwing Nobyembre 11 taon-
taon ay ipagdiriwang ang Puerto Princesa City Underground River Day.” Anong uri
ng tekstong impormatibo ang pahayag?
A. Pagpapaliwanag
B. Paglalahad ng proseso
C. Pag-uulat pang-impormasyon
D. Paglalahad ng totoong pangyayari/kasaysayan

9
_____ 3. Alin sa sumusunod ang HINDI TOTOO ayon sa tekstong impormatibo?
A. Ito ay isang uri ng babasahin na nakabatay sa katotohanan.
B. Ito ay isang uri ng babasahin na nakabatay sa opinyon.
C. Ito ay naglalayong magpaliwanag.
D. Ito ay tinatawag na ekspositori.

_____ 4. Alin sa sumusunod na pahayag ang kabilang sa uri ng tekstong impormatibo?


A. Pakikipagdebate
B. Pangungumbinsi
C. Pagbabahagi ng opinyon
D. Paglalahad ng totoong pangyayari

_____ 5. Si Bb. Cruz ay nais sumulat ng isang sulating nagpapaliwanag ukol sa kaniyang
alagang hayop. Siya ay naghanap ng impormasyon mula sa mga artikulo na
nakalathala sa internet upang maiwasan ang pagbibigay ng sarili niyang opinyon.
Anong uri ng tekstong impormatibo ang dapat niyang gawin?
A. Pagpapaliwanag
B. Paglalahad ng proseso
C. Pag-uulat pang-impormasyon
D. Paglalahad ng totoong pangyayari/kasaysayan

_____ 6. “Dahil sa Covid-19 maraming sektor ang naapektuhan kabilang na rito ang turismo.
Sa Palawan na kilala bilang isa sa pinakamagandang isla sa buong mundo, ang
dating puno ng mga turista ay nahinto dahil sa pagpapasara ng mga Paliparan at
pantalan bilang pag-iingat ng pamahalaan sa pagkalat ng virus.” Anong uri ng
tekstong impormatibo ang pahayag?
A. Pagpapaliwanag
B. Paglalahad ng proseso
C. Pag-uulat pang-impormasyon
D. Paglalahad ng totoong pangyayari/kasaysayan

_____ 7. Alin sa sumusunod ang HINDI pangunahing layunin ng tekstong impormatibo?


A. Magbigay impormasyon C. Magkuwento
B. Maglahad ng katotohanan D. Magbigay ng datos

_____ 8. “Taong 1872, nagsimula ang paninirahan o settlement ng mga kastila sa Puerto
Princesa habang ang mga ito ay naghahanap ng lugar na magiging kapitolyo ng
lalawigan.” Anong uri ng tekstong impormatibo ang pahayag?
A. Pagpapaliwanag
B. Paglalahad ng proseso
C. Pag-uulat pang-impormasyon
D. Paglalahad ng totoong pangyayari/kasaysayan

_____ 9. Si Lola Sonya ang pinakamatandang mamamayan sa kanilang bayan, inilahad


niya ang mga pangyayari noong panahon ng Martial Law. Anong uri ng tekstong
impormatibo ito?
A. Pagpapaliwanag
B. Paglalahad ng proseso
C. Pag-uulat pang-impormasyon
D. Paglalahad ng totoong pangyayari/kasaysayan

_____ 10. Ano ang pangunahing layunin ng tekstong impormatibo?


A. Makapagbigay ng sariling opinyon sa isang paksa
B. Makapaglahad ng paglalarawan sa isang tao, bagay o pangyayari.
C. Maipaliwanag ang proseso kung paano nagawa ang isang bagay o bakit
nangyari/nagawa ito.
D. Makapaghatid ng impormasyong hindi nababahiran ng personal na
pananaw o opinyon ng may-akda.
10
Susi sa Pagwawasto

Tayo’y Magsanay
Subukin Gawain 1 Ating Pagyamanin
1. B 1. impormasyon Gawain 2
2. C 2. ekspositori -Nakabatay sa sagot ng mga
3. A 3. kasaysayan mag-aaral.
4. D 4. pag-uulat pang-impormasyon
5. D 5. pagpapaliwanag Gawain 2
6. A -Nakabatay sa sagot ng mga
7. C Gawain 2 mag-aaral.
8. A 1. Tama
9. D 2. Tama
10. D 3. Mali
4. Mali
5. Tama
2. MALI
Ating Tayahin Ang Aking Natutuhan
3. MALI 1. A 6. A 1. katotohanan
2. C 7. C 2. kinikilingan
3. B 8. D 3. ekspositori
4. TAMA 4. D 9. D 4. impormasyon
5. A 10. D 5. pang-akademiko

5. TAMA

Ating Pagyamanin

Gawain 1
1. 5
Sanggunian
2. 4
3. 3
4. 2
Website 5. 1
Gawain 2
Nakabatay sa mga sagot o opinyon
Jabagat,
ng mgaOrlan C., 149 Founding Anniversary ng Puerto Princesa,
mag-aaral.
ipinagdiriwang ngayong araw, Philippine Information Agency, Marso
11, 2021, https://pia.gov.ph/features/articles/1068530

Matchico, Ariel I., Eleonore M. Heredero at Lilibeth Z. Limuaco, Panitikang


Subaraw bilang Lokalisadong mga Teksto, Di-nailathalang Tesis:
Departamento ng Edukasyon, Dibisyon ng Lungsod ng Puerto
Princesa, 2019

Orbiso, Jerson Q., Tekstong Impormatibo, DepEd TV, Oktubre 22, 2020,
https://youtu.be/69PadklToFM

11
FEEDBACK SLIP

A. PARA SA MAG-AARAL

Maraming salamat sa paggamit ng CLAS na ito. Hangarin nito


ang iyong lubusang pagkatuto sa tulong ng iyong kapamilya. OPO HINDI

1. Kontento at masaya ka bang natuto gamit ang CLAS na ito?

2. Nasunod at nagawa mo ba ang mga proseso at pamamaraang


nakasaad para sa iba’t ibang gawain para sa iyong pagkatuto?

3. Ikaw ba ay ginabayan o sinamahan ng sinuman sa iyong


kapamilya para sa pag-aaral gamit ang CLAS na ito?

4. Mayroon bang bahagi sa modyul na ito na ikaw ay nahirapan


(kung Opo, ano ito at bakit?)

B. PARA SA MAGULANG O TAGAPATNUBAY

Suhestiyon o Rekomendasyon para sa mas maayos na serbisyo


at pagkatuto ng inyong anak gamit ang CLAS na ito?

Mayroon (Pakisulat sa nakalaang guhit)

Wala

Numero ng Telepono : __________________________________

PANGALAN NG MAG-AARAL:

Lagda ng Magulang o Tagapatnubay:

Petsa ng Pagtanggap ng CLAS:

Petsa ng Pagbalik ng CLAS:

Lagda ng Guro:

12

You might also like