You are on page 1of 3

Kolehiyo ng mga Sining at Agham

Pangalan: CarlLian S Gonzales Kurso/Sabdyek:GEFILO2


Programa/Antas/Seksyon: BSIT2A Prelim ( Gawain Blg.: 1)

Bigyan ng deskripsyon ang mga sumusunod ayon sa ipinahahayag ng Batis ng Impormasyon.

1. Primaryang o pangunahing batis - ng impormasyon tumutukoy sa unang kamay (first-


hand) na imporamasyon batay sa karanasan at phenomena ng tao o mga tao ang esensyal
na pamantayan ng pagkilala rito ay ang pagiging orihinal nito.

Halimbawa;
a. Talaarawan - Ang kahulugan nito'y isang talaan na aklat na naglalaman ng mga
pangyayari, saloobin o kaisipan na nagaganap sa araw-araw. Ito'y personal at
maaaring naglalaman ng lihim ng isang tao kaya hindi kadalasang pinababasa sa iba.
Sa Ingles, ito'y diary.
b. Awtobiograpiya - na may literal na pagpapakahulugan na pagsulat ng sariling
karanasan samga mahahalagang pangyayari sa buhay.
c. Memoir - Nakasaad sa talaaraawan o talambuhay ang kuwento ng buhay ng iisang
tao. Sa talaarawan (diary), ang araw-araw na pangyayari ang isinusulat at ang may-
akda ang nagsusulat. Sa talambuhay (biography) nakapaloob ang kabuuang daloy ng
buhay ng isang tao, kadalasang ang pinakamahalagang parte ng buahy ang isinusulat.
Maingat na pinag-aaralan ng may-akda ang buhay ng ibang tao, at iyon ang isinusulat
sa talambuhay.
d. Liham - ay isang mensahe o sulat na naglalaman ng saloobin,lihim,kaalaman, o balita
na ipinadadala ng isang tao sa ibang tao.
e. Talumpati - isang buod ng kaisipan o opinion ng isang tao na pinababatid sa
pamamagitan ng pagsasalita sa isang entablado para sa mga pangkat ng tao.Layunin
nitong humikayat,tumugon,mangatwiran,magbigay ng kaalaman o impormasyon at
maglahad ng isang paniniwala
f. Ulat - ay tumutukoy sa isang sitwasyon o kilos kung saan ang isang indibidwal o
grupo ng mga tao ay inihahatid ang isang balita o impormasyon mula sa
pinanggalingan nito patungo sa dapat makatanggap ng balita o detalye.
g. Opisyal na dokumento - a document that states some contractual relationship or grants some
right

a. Aklat na isinulat ng awtoridad - maaaring tumutukoy sa isang aklat na isinulat ng


isang eksperto o may-alam sa partikular na larangan o paksa. Ang awtoridad na
tinutukoy ay karaniwang isang tao na may mataas na antas ng kaalaman, kredibilidad,
at karanasan sa isang tiyak na larangan.
b. Mga isinulat ng saksi - tumutukoy sa mga testimonya, salaysay, o pahayag na
isinulat o ibinigkas ng isang saksi hinggil sa isang pangyayari o kaganapan. Sa
konteksto ng batas o korte, ang isinulat ng saksi ay maaaring maging bahagi ng
kanyang deposisyon o pahayag na isinusumite bilang ebidensya sa isang kaso.
c. Mga artikulo ng pahayagan - ito ay mga piraso ng pagsulat na nailathala sa isang
pahayagan. Ito ay isang anyo ng pamamahayag o journalism na naglalaman ng
impormasyon, balita, opinyon, at iba pang uri ng pagsulat na inilathala sa pahayagan

2. Sekondaryang batis ng impormasyon - makikita dito ang mga impormasyong nasusulat


hinggil sa pangunahing batis o impormasyon. Dahil dito, ang mga datus na ating
makukuha ay hindi orihinal. Pero, nakabatay ito sa impormasyong nakikita sa
pangunahing batis.

Halimbawa;
a. Diksunaryo - ay isang aklat o libro na naglalaman ng mga salita na may mga
kahulugan.
b. Ensayklopidya - isang aklat o mga aklat na naglalaman ng mga impormasyon
tungkol sa iba't-ibang paksa. Makikita rin ditoang mga artikulo tungkol sa mga
katotohanan sa isang bagay, tao, pook o pangyayari.
c. Aklat - •Ito ay tinatawag ding libro, pinagsama-samang mga nilimbag na salita sa
papel. May mga larawan at maraming pahina. Mahalagang bagay na nagbibigay
ng impormasyon at nagpapatalas ng isipan
d. artikulo - karaniwang walang gaanong pagkakakilanlan
3. Ikatlong uri ng batis ng impormasyon - Ito ay ginagamit upang organisahin at hanapin
ang pangunahin at sekondaryang batis ng impormasyon.

Halimbawa;
a. Indexes - index ng libro ay isang listahan (manunulat, subject, mga keywords
atbp) na susi sa paghahanap ng impormasyon na nilalaman ng isang libro.
b. Abstrak - isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga.
akademikong papel tulad ng tesis, papel na siyentipiko, at teknikal lektyur, at
mga report. pinakabuod ng boung akdang akademiko o ulat.
c. Databases - isang koleksyon ng data, na karaniwang nakaimbak sa mga
talahanayan sa mga hilera at fashion ng mga haligi.

Lagyan ng Sanggunian sa ibaba ng iyong sagot.

 Batis ng impormasyon – kahulugan at halimbawa. (2021, July 16). Philnews. Retrieved

February 20, 2024, from https://philnews.ph/2021/07/16/batis-ng-impormasyon-

kahulugan-at-halimbawa/

 https://quizlet.com/431202334/flashcards?funnelUUID=eaa99bef-b91b-474c-95db-
61e10e740b86
 https://www.studocu.com/ph/document/university-of-caloocan-city/kontekstwalisadong-
komunikasyon-sa-filipino/filipino-1-batis-ng-impormasyon/70706815

 https://brainly.ph/

You might also like