You are on page 1of 3

ASSH2003

Ang Tekstong Impormatibo

Ito ay isang uri ng babasahing di piksyon. Ito ay naglalayong magbigay ng impormasyon o


magpaliwanag nang malinaw at walang pagkiling tungkol sa iba't ibang paksa tulad ng sa mga hayop,
isports, agham o siyensiya, kasaysayan, gawain, paglalakbay, heograpiya, kalawakan, panahon, at iba
pa.
Di tulad ng ibang uri ng teksto, ang mga impormasyon o kabatirang inilahad ng may-akda ay
hindi nakabase sa kanyang sariling opinyon kundi sa katotohanan at mga datos kaya't hindi nito
masasalamin ang kanyang pagpabor o pagkontra sa paksa. Karaniwang may malawak na kaalaman
tungkol sa paksa ang manunulat o kaya'y nagsagawa siya ng pananaliksik at pag-aaral ukol dito. Ang
mga tekstong impormatibo ay karaniwang makikita sa mga pahayagan o balita, sa mga maga in,
textbook, sa mge reference book tulad ng encyclopedia, gayundin sa mga iba't ibang website sa Internet.
Dahil sa mga katangiang ito ng tekstong impormatibo, laging may nadadagdag na
bagongkaalaman o kaya'y napagyayaman ang datingkaalaman ng taong nagbabasa nito. Bagama'thindi
ito anguri ng tekstong madalas ipinababasa sa mga mag-aaral sa silid-aralan, nakatutulong ito sa
pagkakaroon nang mas malawak na pag-unawa ang mga karaniwang paraang pagsulat na ginagamit
ng manunulat tulad ng paglalagay ng pamagat sa bawat bahagi, pagbibigay-diin sa mahahalagang
talasalitaan,paglalagayng larawang may paliwanag o caption, at paggamitng dayagram.

Elemento ng Tekstong Impormatibo

Kung ang tekstong naratibo ay may elementong kinabibilangan ng tauhan, tagpuan, suliraninn, at
mahahalagang pangyayaring tulad ng simula, kasukdulan, kakalasan, at wakas, ang tekstong
imormatibo ay mayroon ding mga elemento. Ang mga ito’y sumusunod.

o Layunin ng may-akda – Maaaring magkaiba-iba ang layunin ng may-akda sa pagsulat niya ng


isang tekstong impormatibo. Maaaring layunin niyang mapalawak pa ang kaalaman ukol sa
isang paksa; maunawaan ang mga pangyayaring mahirap ipaliwanag; matuto ng maraming
bagay ukol sa ating mundo; magsaliksik; at mailahad ang mga yugto; at iba pa. Gayunpaman,
anuman ang layunin ay mapapansing kaugnay ito lagi ng pagbibigay o paglalahad ng
impormasyon.
o Pangunahing Ideya – Di tulad ng tekstong naratibo na hindi agad inihahayag ng manunulat ang
mga mangyayarii upang mapaabot ang interes ng mambabasa sa kasukdulan ng akda, sa
tekstong impormatibo naman ay dagliang inilalahad ang mga pangunahing ideya sa
mambabasa. Nagagawa ito sa pamamagitan ng paglalagay ng pamagat sa bawat bahagi –
tinatawag din itong organization markers na nakatutulong upang agad makita at malaman ng
mambabasa ang pangunahing ideya ng babasahin.
o Pantulong na Kaisipan – Mahalaga rin ang paglalagay ng angkop na mga pantulong na kaisipan
o mga detalye upang makatulong upang agad makita at malaman ng mambabasa ang
pangunahing ideya ng babasahin.
o Mga estilo sa pagsulat, kagamitan/sangguniang magtatampok sa mga bagay na binibigyang-
diin – Makatutulong sa mga mag-aaral na magkaroon ng mas malawak na pag-unawa sa
binabasang tekstong impormatibo ang paggamit ng mga estilo o kagamitan/sangguniang
magbibigay-diin sa mahahalagang bahagi tulad ng sumusunod:

03 Handout 1 *Property of STI


 student.feedback@sti.edu Page 1 of 3
ASSH2003

• Paggamit ng mga nakalarawang representasyon – makatutulong ang paggamit ng mga


larawan, guhit, dayagram, tsart, talahanayan, timeline, at iba pang higit na mapalalim
ang pag-unawa ng mga mambabasa sa mga tekstong impormatibo.
• Pagbibigay-diin sa mahahalagang salita sa teksto – nagagamit dito ang mga estilong
tulad ng pagsulat nang nakadiin, nakalihis, nakasalungguhit, o nalagyan ng panipi
upang higit na madaling makita o mapansin ang mga salitang binibigyang-diin sa
babasahin.
• Pagsulat ng mga talasanggunian – karaniwang inilalagay ng mga manunulat ng tekstong
impormatibo ang mga aklat, kagamitan, at iba pang sangguniang ginamit upang higit
na mabigyang-diin ang katotohanang naging basehan sa mga impormasyong taglay
nito.

Mga Uri ng Tekstong Impormatibo

Ang pangunahing layunin ng tekstong impormatibo ay makapaghahatid ng impormasyong hindi


nababahiran ng personal na pananaw o opinyon ng may-akda. Makikita ang layuning ito sa ilang uri
ng tekstong impormatibo tulad ng sumusunod:

1. Paglalahad ng Totoong Pangyayari/Kasaysayan – Sa uring ito ng teksto inilalahad ang mga


totoong pangyayaring naganap sa isang panahon o pagkakataon. Maaaring ang pangyayaring
isasalaysay ay personal na nasaksihan ng manunulat tulad ng mga balitang isinusulat ng mga
reporter ng mga pahayagan o maaari ding hindi direktang nasaksihan ng manunulat kundi mula
sa katotohanang nasaksihan, pinatunayan ng iba tulad ng sulating pangkasaysayan o historical
account. Ang uring ito ng teksto ay karaniwang sinisimulan ng manunulat sa isang mabisang
panimula o introduksiyon. Kung ito ay isang balita, mababasa sa bahaging ito ang
pinakamahalagang impormasyon tulad ng kung “sino,” “ano,” “saan,” “kailan,” at “paano”
nangyari ang inilalahad. Sinusundan ito ng iba pang detalyeng nasa bahagi naman ng katawan,
at karaniwang nagtatapos sa isang kongklusyon.

2. Pag-uulat Pang-impormasyon – Sa uring ito nakalalahad ang mahahalagang kaalaman o


impormasyon patungkol sa tao, hayop, iba pang bagay na nabubuhay at di nabubuhay,
gayundin sa mga pangyayari sa paligid. Ang ilang halimbawa ay mga paksang kaugnay ng
teknolohiya, global warming, cyberbullying, mga hayop na malapit ng maubos, impormasyon
kaugnay ng mga halaman, at iba pa. Ang pagsulat ng ganitong uri ng teksto ay nangangailangan
ng masusing pananaliksik sapagkat sang mga impormasyon at detalyeng taglay nito ay
naglalahad ng katotohanan ukol sa paksa at hindi dapat samahan ng personal na pananaw o
opinyon ng manunulat.

3. Pagpapaliwanag – Ito ang uri ng tekstong impormatibong nagbibigay paliwanag kung paano o
bakit naganap ang isang bagay o pangyayari. Layunin nitong makita ng mambabasa mula sa
mga impormasyong nagsasaad kung paano humantong ang paksa sa ganitong kalagayan.
Karaniwan itong ginagamitan ng mga larawan, dayagram, o flow chart na may kasamang mga
paliwanag. Halimbawa nito’y ang siklo ng buhay ng mga hayop at insekto tulad ng paruparo,
palaka, at iba pa.

03 Handout 1 *Property of STI


 student.feedback@sti.edu Page 2 of 3
ASSH2003

Sanggunian:
Dayag, A. & Del Rosario, M. (2016). Pinagyamang pluma: Pagbasa at pagsususri ng iba’t ibang
teksto tungo sa pananaliksik. Quezon City: Phoenix Publishing House

03 Handout 1 *Property of STI


 student.feedback@sti.edu Page 3 of 3

You might also like