You are on page 1of 23

Aralin 10:

Rebyu sa mga Batayang


Kasanayan Sa Pananaliksik
(Aksyon-Riserts)
Aksyon-Riserts
Ang pagsulat ay isang masalimuot na proseso,
lalo na ang pagsulat ng papel na pananaliksik.
Ilan sa layunin ng pananaliksik ay tumuklas ng
bagong kaalaman hinggil sa mga batid ng
kaalaman at makahanap ng sagot sa mga
suliraning hindi pa ganap na nalulutas at malaki
ang papel na ginagampanan ng mga hanguan ng
impormasyon dito.
Batis (Source) :
Mga Babasahin:
May tatlong uri ng mga batis ng
impormasyon—ang pangunahin o
primaryang batis ,ang pangalawa o
sekondaryang batis at elektroniko.
Pangunahing Batis
a. mga indibidwal o awtoridad
b. Mga Talaarawan o Diary/Journal.
c. Mga Awtobiograpiya - Ang mga
awtobiyograpiya o talambuhay na
isinulat mismo ng isang tao tungkol sa
kanyang sarili . Nakasulat dito ang
mahahalagang pangyayari sa buhay ng
Pangunahing Batis
d. Ang memoir -Nakapaloob dito ang
damdamin at opinyon ng sumulat tungkol sa
isang bagay o pangyayari. Ipinapaliwanag niya
ang mga pangyayari ayon sa kaniyang
paniniwala at perspektibo
e. Mga Liham
f. Ang talumpati - Isang uri ito ng
komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag
Pangunahing Batis
g. Mga Ulat - Karaniwang ito ay mga opisyal na
dokumento na isinulat ng mga taong nasa isang
pook sa haba ng isang panahon. Naglalahad ito ng
mga bagay na nabasa, namasid, sinaliksik,
napakinggan o nagawa.
h. Mga Aklat na Isinulat ng mga Awtoridad-
Mayroong mga aklat na maaaring ituring na
pangunahing batis kung ito ay isinulat ng mga tao
Pangunahing Batis
i. Mga Isinulat ng mga Saksi – tinatawag itong
eyewitness account. Ang eyewitness account ay
maaaring maisama sa awtobiograpiya at sa
memoirs.
j. Mga Artikulo sa mga Pahayagan - Maaari ring
ituring na pangunahing batis ang mga pahayagan
kung ito ay mayroong tuwirang turan (direct
quotation) o halaw mismo sa pinanggalingan ng
Ang mga Hindi Nakasulat na
Pangunahing Batis
a. Mga Fossil, Buto, at Relikya
b. Mga Memorabilia -Ang mga gamit, damit,
kasangkapan, armas, at tirahan.
c. Kasaysayang Oral - Ang mga kasaysayang oral
ay mga isinalin lamang na kuwento o kaalaman
tungkol sa nakaraan na nagpasalin-salin lamang sa
bibig ng mga tao. Ilan sa mga kasaysayang oral ay
mga awit, tula, epiko, at alamat.
Mga Sekondaryang
at magasin.
Batis
a. mga dyaryo, newsletter, artikulo, jornal

b. mga aklat tulad ng diksyonaryo,


ensayklopedya, yearbook, alamanac at atlas.
c. mga manwal, polyeto at iba pa.
d. mga nalathala at di nalathalang mga
tesis, disertasyon at mga pisibiliti na pag-
Elektronikong Batis
Mga impormasyon na nakukuha sa
pamamagitan ng teknolohiya o
tinatawag na internet. Maitututring
na ang internet ang isa sa
pinakamalawak at pinakamabilis
na hanguan ng impormasyon.
PAGBABASA AT PAGSULAT NG
IMPORMASYON
1. Alamin ang layunin sa pagtatala at ang
kabuuan nito.
2. Itala sa indeks card ang mga
mahahalagang mga tala/ bibliograpi.
3. Ilagay sa indeks kard ang kumpletong
datos ukol sa pinagkunan ng impormasyon
gaya ng awtor at pamagat sa kanang bahagi
PAGBABASA AT PAGSULAT NG
IMPORMASYON
4. Siguraduhin ang anyo ng tala dahil ito
ang magiging batayan nang maayos at
organisadong impormasyon.
Ayon kina Constantino at Zapra(1997) ay
may iba’t ibang klase o anyo ng tala, ito ay
ang mga sumusunod:
PAGBABASA AT PAGSULAT NG
IMPORMASYON
a. Direktang Sipi - ito ay pagkuha ng
buong sipi na walang binago ngunit dapat
na tiyakin na hindi sobrang haba ang
sisipiin na halos lahat ng ideya ay galing na
sa ideya ng iba.
Dapat lagyan ng panipi ( “ “) ang mga
talang sinipi na kung saan ito ay
PAGBABASA AT PAGSULAT NG
IMPORMASYON
Lagyan naman ng elipsis (…) kung may
bahaging piniling hindi sipiin ngunit nasa
gitna ng talata.
Lagyan din ng ellipsis (…) ang mga siniping
bahagi na hindi tinapos na talata o
pangungusap at maging ang mga bahaging
hindi sinipi ang panimula ng pahayag o
PAGBABASA AT PAGSULAT NG
IMPORMASYON
b. Buod ng tala- dito tinutukoy ang
pinakamahalagang ideya ng isang talata.
Isinusulat ang impormasyon batay sa pang –
unawa na ginagamitan ng sariling pananalita
ng mananaliksik.
PAGBABASA AT PAGSULAT NG
IMPORMASYON
c. Presi - pinakabuod o paglalahat ideya ng
isang sulatin o akda, pinanatili rito ang
orihinal na ayos ng ideya. Maari ring gamitin
ang orihinal na susing salita ng awtor, pero
maaari ring gumamit ng sariling salita na
hindi gaanong lalayom sa orihinal na teksto.
humigit kumulang sa 1/3 ng orihinal na teksto
PAGBABASA AT PAGSULAT NG
IMPORMASYON
d. Sipi ng sipi – ito ay pagsipi ng bahagi ng
sulatin na sinipi rin mula sa ibang teksto, ang
siniping bahagi ng sipi ay ipinapaloob sa isang
panipi (‘ ‘ ) lang.
e. Hawig o Parapreys -ito ay paglalahad ng mga
ideya ng iba gamit ang sariling pananalita.
pinapanatili rito ang buong orihinal na kaisapan
ng teksto, May pagbabago sa istruktura ng mga
PAGPILI NG PAKSA NG
PANANALIKSIK
1. Sarili - ito ay base sa iyong karanasan, sa mga
nabsa, napakinggan at napag-aralan at natutunan.
2. Dyaryo at Magasin- Isa ito sa maaring
pagkunan ng paksa , lalo na ng mga napapanahong
isyu mula sa pangmukhang pahina ng mga diyaryo
at magasin, sa mga kolum, editorial at iba pang
seksyon ng dyaryo at magasin.
PAGPILI NG PAKSA NG
PANANALIKSIK
3. Internet - Pinakamadali , pinakamabilis at
malawak na mapaghahanguan ng paksa.
4. Radyo/ TV – Maraming uri ng programa sa
radio at TV na maaring mapaghanguan ng paksa
gaya ng mga balita, isports, programang
pangkabuhayan at pang –edukasyonal.
5. Aklatan – Dito makikita ang lahat ng paksa na
nauugnay sa iba’t ibang larangan.
PAGPILI NG PAKSA NG
PANANALIKSIK
6. Mga Eksperto , Kaibigan at Guro – Sa
pamamagitan ng pagtatanong – tanong ay maaari
ka ring makakuha ng ideya sa iba na maaring
makatulong sayo.
7. Interes at Larangan - iba-iba ang interes ng
mga tao. Sinasabing mas praktika kung ang
magiging paksa mo ay may kaugnayan sa iyong
larangan.
PAGBABALANGKAS
Sa aklat ni Sevilla na isinalin nina Espiritu
at Dakanay ( 1998),
1. Ang balangkas ay maaaring magpakita
ng mga puntos na nangangailangan pa ng
pananaliksik, at sa kasong ito dapat kang
muling pumunta sa aklatan para sa
karagdagang impormasyon.
PAGBABALANGKAS
2. Ang balangkas ay magbibigay sa
mananaliksik ng mga aytem na nasaliksik nang
mabuti nang sa gayon sa huli ay maaari nang
itapon ang mga hindi kailangang tala.
3. Ang balangkas ay magpapabuti sa iyong
paraan ng pag-iisip. Madaling isulat ang mga
pira-pirasong impormasyon pero ang
pagahahanda ng balangkas ay nangangailangan
PAGBABALANGKAS
4. Ang balangkas ang magpapanatili sa iyo sa
mga saklaw ng iyong gawain. Maiiwasan ng
mananaliksik ang paggamit ng hiwa-hiwalay na
presentasyon kung mayroon kang balangkas.
Bukod dito, ito ang magiging batayan mo sa
pagsulat.
5. Sa pagbabalangkas ng papel pananaliksik,
maaaring gumamit ng dalawang uri : ang

You might also like