You are on page 1of 2

Module No.

06
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA Week 9-10
AT KULTURANG PILIPINO
Lesson Title Final Output
Lesson Target Nakagagawa ng isang sanaysay batay sa isang panayam tungkol sa aspektong kultural o
lingguwistiko ng napiling komunidad.
References HTTP://SANAYSAY-FILIPINO.BLOGSPOT.COM/2012/08/ANO-ANG-SANAYSAY.HTML
http://sbhelp.livejournal.com/2948.html

Panimula
Wika ay salamin ng lahi at pagkakakilanlan. Sa wika nakikilala ang isang grupo ng mga tao dahil ang
kultura at wika ay di maaaring mapaghiwalay. Mula sa mayamang kultura ng bawat pamanyanan o
komunidad, maaaring masuri ang gamit ng wika upang makilala pa nang lubusan ang mag taong
gumagamit nito.

Sa modyul na ito, makagagawa ng isang sanaysay batay sa isang panayam tungkol sa aspektong kultural
o lingguwistiko ng napiling komunidad.

Ang Sanaysay

 Ang sanaysay ay isang piraso ng sulatin na kadalasang naglalaman ng punto de vista


(pananaw) ng may katha.

 Maaaring magkaroon ng mga element ng pagpuna, opinyon, impormasyon, obserbasyon,


kuru-kuro, pang-araw-araw na pangyayari, ala-ala ng nakaraan at pagmumuni-muni ng
isang tao.

 Isang komposisyon na prosa na may iisang diwa at pananaw.

 Isang sistematikong paraan upang maipaliwanag ang isang bagay o pangyayari.

 Dalawang Uri:

o Sulating Pormal o Maanyo - nagbibigay ng impormasyon ukol sa isang tao,


bagay, lugar, hayop o pangyayari.
 naglalaman ng mahahalagang kaisipan at nasa isang mabisang ayos ng
pagkakasunud-sunod upang lubos na maunawaan ng bumabasa
 nagtataglay ng pananaliksik at pinag-aralang mabuti ng sumulat
 ang mga salita’y umaakma sa piniling isyu at kadalasang may mga
terminong ginagamit na kaugnay ng tungkol sa asignaturang ginawan ng
pananaliksik

o Sulating Di-Pormal o Impormal - karaniwang nagtataglay ng opinyon, kuru-


kuro at paglalarawan ng isang may akda.
 maaaring nanggaling sa kanyang obserbasyon sa kanyang kapaligirang
ginagalawan, mga isyung sangkot ang kanyang sarili o mga bagay na
tungkol sa kanyang pagkatao
 karaniwang naglalaman ng nasasaloob at kaisipan tungkol sa iba’t ibang
bagay at mga pangyayari na nakikita at nararanasan ng may akda.
Mga Bahagi ng Sanaysay

1) Simula (Introduksyon) - Ito ang unang sinusulat sa isang sanaysay. Ito ay dapat nakakakuha ng
attention ng bumabasa para basahin niya ang natitirang bahagi ng sanaysay. Maaari itong isulat sa
paraang...
a) Pasaklaw na Pahayag - Inuuna ang pinakamahalagang impormasyon hanggang sa mga maliliit na
detalye (inverted pyramid)
b) Tanong na Retorikal - Isang tanong na tinatanong ang nagbabasa para hanapin ang sagot sa
sanaysay at para isipin niya.
c) Paglalarawan - Pagbibigay linaw at "descriptions" sa paksa.
d) Sipi - Isang kopya o copy galing sa ibang mga literaturang gawa gaya ng libro, artikulo, at iba
pang sanaysay.
e) Makatawag Pansing Pangungusap - Isang pangungusap na makakakuha ng atensyon ng
nagbabasa.
f) Kasabihan - Isang kasibahan o salawikain na makakapagbigay ng maikling explanasyon ng iyong
sanaysay.
g) Salaysay - Isang explanasyon ng iyong sanaysay.

2) Gitna (Katawan) - Dito nakalagay ang lahat ng iyong mga ideya at pahayag. Maaari itong isulat
sa paraang...
a) Pakronolohikal - Nakaayos ayon sa panahon ng pangyayari.
b) Paanggulo - Pinapakita ang bawat angulo o "side" ng paksa.
c) Paghahambing - Pagkukumpara ng dalawang problema, angulo atbp ng isang paksa.
d) Papayak o Pasalimuot - Nakaayos sa paraang simple hanggang kumplikado at vice versa.

3) Wakas (Konklusyon) - Dito nakalagay ang iyong pangwakas na salita o ang buod sa sanaysay.
Maaari itong isulat sa paraang...
a) Tuwirang Sinabi - Mensahe ng sanaysay.
b) Panlahat ng pahayag - Pinakaimportanteng detalye ng sanaysay.
c) Pagtatanong - Winawakas ang sanaysay sa pamamagitan ng isang (retorikal na) tanong.
d) Pagbubuod - Ang "summary" ng iyong sanaysay.

Gawain

Sumulat ng isang sanaysay sa anumang uri na nakabatay sa isinagawang panayam ukol sa


aspektong kultural/lingguwistiko (pamumuhay, wika, pananamit, kilos, paniniwala) ng
napiling komunidad.

Batayan sa Pagpupuntos
5 – napakahusay 4- mahusay 3- sapat ang husay 2-1 - maaaring mapaunlad

Tema at Nilalaman - anuman ang nilalaman ng isang sanaysay ay itinuturing na paksa dahil sa
layunin sapagkakasulat nitoat kaisipang ibinahagi.
Anyo at Istruktura - ang anayo sat istruktura ng sanaysay ay isang mahalagang sangkap sapagkat
nakaaapekto ito sa pagkaunawa ng mga mambabasa, ang maayos na pagkakasunud-sunod ng edeya o
pangyayari ay makatututlong sa mambabasa sa pagkaunawa sa sanaysay.
Wika at Istilo - ang uri at antas ng wika at istilo ng pagkakagamit nito ay nakaapekto rin sa
pagkaunawa ng mambabasa, higt na mabuting gumamit ng simple, natural at matapat na mga pahayag.

You might also like