You are on page 1of 5

Asignatura: PANITIKAN AT LIPUNAN

Mga Paksang dapat aralin hinggil sa panitikan:

1. PANAHON NG KATUTUBO
2. PANAHON NG KASTILA
3. PANAHON NG PROPAGANDA
4. PANAHON NG HIMAGSIKAN
5. PANAHON NG AMERIKANO
6. PANAHON NG HAPON

PANUNURING PAMPANITIKAN:

Kilalang mga makata at manunulat na Pilipino sina Alejandro G. Abadilla at Clodualdo del Mundo bilang
tanyag na kritikong panitikang Filipino noong kanilang panahon sa kalagitnaan ng ika-20 siglo. Sa akdang
“Parolang Ginto” ni Clodualdo del Mundo noong 1972 ay nagsimula ng pagsusuri o pamimilì ng palagay
niya’y pinakamahusay na katha ng mga buwan at taon. Samantala, kung papaano sa pamamagitan ng
kanyang “Parolang Ginto” ay pinasok ni del Mundo ang larangan ng pamumuna o panunuri, si Alejandro
G. Abadilla naman ay pumagitna sa larangan sa pamamagitan ng kanyang “Talaang Bughaw” noong
1932, na sagisag mula noon hanggang ngayon, sa buwanan at taunang pamimili ng pinakamahuhusay na
akda, maging tula o akda man. Panunuring Pampanitikan—ito ay isang malalim na paghihimay o
pagtingin sa mga akdang pampanitikan sa pamamagitan ng paglalapat ng iba’t ibang dulog ng kritisismo
para sa mabisang pag-unawa sa malikhaing manunulat at katha. Gabay ito upang malaman ang
kahulugan o mensaheng nais ipabatid ng manunulat sa mga mambabasa o sa lipunan. Ang pagsusuring
pampanitikan ay isang pag-aaral, pagtalakay, pagsusuri at pagpapaliwanag ng panitikan. Ito ay may
dalawang sangay. Ang unang sangay ay ang Pagdulog. Ang mga uri nito ay pormalistiko o pang-anyo.
Ang pangalawa ay ang moralistiko. Ang pangatlo ay ang sikolohikal. at ang huling uri ay sosyolohikal-
panlipunan. Ang pangalawang sangay ay ang Pananalig. Binubuo ito ng maraming uri—ilan lamang sa
mga ito ay ang klasisismo, romantisismo, realismo, at marami pang iba. Ang pagsusuring pampanitikan
ay dapat may uri at katangian ng katalinuhan, seryoso at marubdob na damdamin at ng tapat na mithi sa
kalayaan. Kinakailangang mahusay ang organisasyon o balangkas ng lahok. Bahagi ito ng disiplina ng
pagsusuri. Sa pagsusuri ng anumang akda ay dapat maging maganda ang paksa, may kalinisan ang wika
at organisado ang paglalahad. Mahalaga ding mahagap ng may-akda ang kanyang piniling paksa,
mahusay ang pagtatalakay at organisasyon ng material, malinaw ang balangkas na kinapapalooban ng
malinaw na tesis o argumento na sinundan ng buong sanaysay, may naidagdag sa kasalukuyang
kaalaman tungkol sa panitikan at mahusay at makinis ang pagkakasulat. Ang susuriing akda ay
kailangang napapanahon, may matibay na kaisahan, makapangyarihan ang paggamit ng wika at may
malalim na kaalaman sa teoryang pampanitikan. Ang susuriing akda ay kailangang nagpapamalas ng
masinop na pag-uugnay ng mga sangkap ng pagsulat. Mga Simulain sa Panunuring Pampanitikan.

Bakit mahalaga ang panunuring pampanitikan? Mapahahalagahan lamang natin nang lubos ang isang
akda kung tayo’y may kinalaman sa pagsusuri nito. Critique o Criticism (Panunuri o Kritisismo) •
Naghahanap ng mali – Kritisismo; Naghahanap ng estruktura – Panunuri; naghahanap ng kung ano ang
pwede – Panunuri; naghahanap ng kulang – Kritisismo; Nagtatanong upang maliwanagan – Panunuri;
Nagbibigay agad ng hatol sa hindi niya maunawaan – Kritisismo; Nakalahad sa malupit at mapanuyang
tinig – Kritisismo; Nakalahad sa mabuti, matapat, at obhetibong tinig – Panunuri; Positibo – Panunuri;
Negatibo – Kritisismo; Malabo at malawak – Kritisismo; Kongkreto at tiyak – Panunuri; Seryoso at hindi
marunong magpatawa – Kritisismo; Nagpapatawa rin – Panunuri; Naghahanap ng pagkukulang sa
manunulat at sa akda – Kritisismo; Tumitingin lamang sa kung ano ang nasa pahina – Panunuri.

Ang nagsusuri ng akda o kritiko ay dapat na matapat sa sariling itinuturing ang panunuri ng mga akdang
pampanitikan bilang isang sining. Siya ay handang kilalanin ang sarili bilang tagasuri ng akdang
pampanitikan at manunuri ng lipunan, ngunit hindi kinokontrol manunulat. Siya ay may matalinong
ideolohiya na maaaring ibahagi sa mambabasa mambabasa. Ang kritiko ay laging bukas ang pananaw sa
mga pagbabagong nagaganap sa panitikan. Ang kritiko ay iginagalang ang desisyon ng ibang mga kritiko
na patuloy na sumasandig sa ibang disiplina gaya ng linggwistika, kasaysayan, sikolohiya, atbp. Ang
kritiko ay matapat na kumikilala sa akda ng manunuskrito bilang isang akdang sumasailalim sa paraan ng
pagbuo o konstruksiyon batay sa sinusunod na alituntunin at batas. Batay kay Alejandro G. Abadilla,
kailangan ng isang kritiko ang tigas ng damdaming naninindigan upang maging tiyak na kapakinabangan
ng panitikan ang kanyang pagmamalasakit, ay ipinakilala ng mga pangyayari nang mga unang taon ng
kanyang pamimili.

MGA TAKDANG ARALIN: ISULAT SA YELLOW PAPER ANG SUMUSUNOD NA TAKDANG ARALIN.

1. Magsaliksik ng 15 teoryang pampanitikan, at 15 tayutay (figure of Speech). Hanapin ang

kahulugan at magbigay ng halimbawa.

Ang mga pangungusap sa loob ng panaklong (parenthesis) ang gabay kung paano dapat suriin ang
sumusunod na akda.

2. Basahin at suriin ang maikling kuwento na “ANG MUNDO SA PANINGIN NG ISANG…” ni Rogelio
Ordoñez. (Pagkatapos basahin ang akda, suriin ito gamit ang balangkas na nása ibaba)

A. Pamagat ng Katha – May-Akda (Sino ang awtor—magbigay ng impormasyon

tungkol sa awtor—tumutuon sa impormasyon bilang manunulat)
B. Sanggunian o Aklat ng Pinagkuhaan: plumaatpapel.wordpress.com
C. Buod: (isulat ang buod paraang naiintindihan ang kuwento) *basahin mabuti ang
akda.
D. Mga tauhan: (i-highlight ang mga tauhan na sa tingin mo ay may mahalagang papel
sa pangunahing tauhan at kuwento; maglagay ng maikling deskripsiyon at REAKSIYON
sa tauhan) *paalala kailangan ko ng reaksiyon sa tauhan, kung ano ang masasabi mo
sa tauhan sa kuwento
E. Kahulugan ng Pamagat: (ipaliwanag ang kahulugan ng pamagat—sa kung paano mo
nauunawaan ang kuwento)
F. Pagpapahalaga Ayon sa Nilalaman
1. Kalagayang Sosyal at Pangkabuhayan (magtalâ at ipaliwanag kung anong
kalagayang panlipunan o pangkabuhayan na tinatalakay sa kuwento)
2. Kulturang Filipino (magtalâ (hindi limitado sa isa) at ipaliwanag kung anong
kulturang Filipino ang masasalamin sa kuwento—ipaliwanag sa pinakamahusay na
paraan)
3. Pilosopiyang Filipino (magtalâ (hindi limitado sa isa) at ipaliwanag kung
anong Pilosopiyang Filipino ang masasalamin sa kuwento—ipaliwanag sa
pinakamahusay na paraan)
4. Simbolismong Filipino (magtalâ (hindi limitado sa isa) posibleng
Simbolismong Filipino (maaaring pangyayari o imahen/bagay) na nakita sa kuwento—
ipaliwanag sa pinakamahusay na paraan)

G. Mga teoryang Pampanitikan na nakapaloob sa Akda. (anong teoryang pampanitikan

ang aplikable sa kuwento, ipaliwanag at patunayan sa pinakamahusay na paraan ang
napiling teoryang pampantikan—hindi limitado sa isang teoryang pampanitikan
lamang ang maaaring ilagay sa bahaging ito)
H. Implikasyon: (maging matalino sa pagsusuri)
H.1. Kalagayang Sosyal (maaaring epekto o implikasyon ng binasang akda saa
lipunan)
H.2. Kalagayang Pansarili (maaaring epekto o implikasyon ng binasang akda sa
sarili—talino, ugali, at pananaw)

3. Basahin at suriin ang awiting “UPUAN” ni Gloc 9. (Pagkatapos basahin ang akda, suriin ito gamit
ang balangkas na nása ibaba)

A. Pamagat ng Katha – May-Akda (Sino ang awtor—magbigay ng impormasyon

tungkol sa awtor—tumutuon sa impormasyon bilang manunulat)
B. Sanggunian o Aklat ng Pinagkuhaan: pinaghanguang websayt o aklat (kumopya na
lamang ng url at ilagay ang petsa kung kailan naakses ang lyrics)
C. Buod: (isulat ang buod paraang naiintindihan ang awitin/kung tungkol saan ang nais
ipabatid ng may-akda) *basahin mabuti ang akda.
D. Pagsusuri
D.1. Uring Pampanitikan- (tukuyin kung anong uri ng panitikan ang binasa (well
obviously ito ay awit/tula—binigay ko na ang sagot) ipaliwanag bakit nasabing awit/
tula, magbigay ng patunay na batay sa katangian ng akda).
D.2. Istilo ng Paglalahad- (Paraan ng Paglalahad ng mga kaisipan o pangyayari,
paano ba ibinahagi ng manunulat ang kaniyang akda sa mambabasa, maaaring tignan
kung ito ba ay gumamit ng malalim na salita, may kuwento at pagsasalaysay at iba pa,
ipaliwanag nang mahusay)
D.3 Tayutay- (magtalâ ng partikular na pangungusap o linya sa akda at tukuyin
ito batay sa kung anong tayutay ang tinutukoy nito at magbigay ng paliwanag o
patunay sa tayutay na napili.
D.4 Pananalig o Teoryang Pampanitikan. (anong teoryang pampanitikan ang
aplikable sa kuwento, ipaliwanag at patunayan sa pinakamahusay na paraan ang
napiling teoryang pampantikan—hindi limitado sa isang teoryang pampanitikan
lamang ang maaaring ilagay sa bahaging ito)
E. Bisang Pampanitikan (epekto sa iyong sarili)
E.1 Bisa sa Isipan (epekto sa iyong isipan matapos mabasa ang akda, ipaliwanag
nang mahusay at matalino ang inyong pagsusuri at epekto sa isipan)
E.2 Bisa sa Damdamin (epekto sa iyong damdamin matapos mabasa ang akda,
ipaliwanag nang mahusay at matalino ang inyong pagsusuri at epekto sa damdamin)
E.3 Bisa sa Kaasalan (epekto sa iyong ugali matapos mabasa ang akda,
ipaliwanag nang mahusay at matalino ang inyong pagsusuri at epekto sa ugali)
E.4 Bisa sa Lipunan (epekto sa lipunan matapos mabasa ang akda, ipaliwanag
nang mahusay at matalino ang inyong pagsusuri at epekto sa lipunan)

4. Basahin at suriin ang tulang “Ayoko Nang Makita ang mga Putang Ina” ni Rogelio Ordoñez.
(Pagkatapos basahin ang akda, suriin ito gamit ang balangkas na nása ibaba)

Rubrics sa Pagsusuring Pampanitikan

DIMENSIYON MAHUSAY NA SAPAT NA KULANG ANG PUNTOS

PAGSUSURI (10-9 PAGSUSURI (8-7 PAGSUSURI (6-5
puntos) puntos) puntos)
Nilalaman Mababakas ang Sapat bagaman Limitado at hindi
mahusay at limitado ang pag- sapat ang pag-
kritikal na pag- unawa sa akda unawa sa akda
unawa sa akda batay sa batay sa
batay sa isinagawang isinagawang
isinagawang pagsusuri pagsusuri
pagsusuri
Organisasyon ng Mahusay ang Mababakas ang Hindi malinaw
mga pahayag at pagkakabuo ng idea sa bawat ang idea sa
argumento idea sa bawat pangungusap at bawat
pangungusap at argumento sa pangungusap at
argumento sa isinagawang argumento sa
isinagawang pagsusuri isinagawang
pagsusuri pagsusuri
Pag-unawa sa Mahusay na Naipaliwanag at Hindi angkop at
teorya nabigyan ng angkop ang hindi
pampanitikan paliwanag at napiling teoryang naipaliwanag ang
angkop ang pampanitikan sa kaugnayang ng
napiling teoryang akdang sinuri napiing teoryang
pampanitikan sa pampanitikan sa
akdang sinuri akdang sinuri
Kalinisan Mahusay at Malinis ang Hindi maayos
malinis ang presentasyon ng ang
presentasyon ng isinumiteng presentasyon at
isinumiteng pagsusuri sa akda maraming bura
pagsusuri sa akda ang isinumiteng
pagsusuri sa akda
Kabuoan

Inihanda ni:

JAY-MAR G. LUZA
Instruktor, BulSU-HC

You might also like