You are on page 1of 13

Pangalan ng Mag-aaral:_____________________ Baitang/Pangkat:__________

Guro: ____________________________________ Petsa ng Pagpasa:_________

I. SUSING KONSEPTO

Pananaliksik- isang sistematikong pagsisiyasat at pag-aaral ng mga materyales


at sanggunian.

Awtentikong Datos- uri ng impormasyong nakabatay sa tiyak at


mapatutunayang datos kaya dapat paniwalaan.

Katutubong Kulturang Pilipino – pinaghalong mga impluwensya ng mga


katutubong tradisyon at kultura ng ating mga ninuno at ng mga unang
mangangalakal at mananakop nito noon.

Mga Hakbang sa Pananaliksik

Pagtiyak sa paksa Hanapin ang sanligang


impormasyon.

Hanapin ang iba pang Gumamit ng aklat at iba pang


impormasyon sa internet. media.

Tayahin ang mga Itala ang mga pinagmulan ng


sanggunian na nakalap. impormasyon gamit ang isang
balangkas.

Gumawa ng personal na Gumawa ng personal na


pananaliksik. pananaliksik tulad ng
pakikipanayam.
Tiyakin kung sino ang
target na mambabasa, antas Balangkasin ang proyektong
ng wikang gagamitin, panturismo o gumawa muna
pormat na gagamitin, at ng draft o unang burador.
materyales na gagamitin. Maging malikhain sa
presentasyon.

DO_Filipino_Baitang 8_K1_LP 7
II. KASANAYANG PAMPAGKATUTO
Nagagamit sa pagsulat ng resulta ng pananaliksik ang awtentikong datos na
nagpapakita ng pagpapahalaga sa katutubong kulturang Pilipino.
F8PU-Ii-j-23

III. MGA GAWAIN SA PAGKATUTO

Basahin, unawain at suriing mabuti ang isang uri ng proyektong panturismo.

ANG MINDANAO

Ang Mindanao ay ang ikalawang pinakamalaking pulo sa Pilipinas. Ito ay binubuo ng


mga pulo at ng mga nakapalibot na mga maliliit na pulo. Marami ring mga sikat na personalidad
ang nakatira rito.

Isa na rito ay si Manny "Pacman" Pacquiao. Siya ay isa sa pinakatanyag


na boksingero sa panahon ngayon. Siya ay isinilang sa General Santos City.

Kilalarin ngayon si Melai Cantiveros. Matapos ang


kompetisyon sa telebisyon na Pinoy Big Brother o PBB, isa siya sa mga
kilalang artista na magaling magpatawa sa harap ng kamera.
Kasalukuyang umeere ang kaniyang talk show na Magandang Buhay
kasama sina "Queen Mother" Karla Estrada at si Jolina Magdangal.

Si Shamcey Supsup naman ay nakilala dahil isa siya sa mga


lumahok sa Miss Universe noong 2011. Marami ang humanga sa
kanya dahil sa kanyang angking ganda at talino na kaniyang ipinakita sa
Miss Universe at siya ay nagwagi bilang 3rd runner up.

Dumako naman tayo sa mga Produkto ng Mindanao

Napakaraming yamang mineral ang matatagpuan sa


Mindanao. Tulad ng iron, nickel, copper, silver, gold, coal, at
limestone. Ang Mindanao rin ay isa sa pangunahing pinagmumulan
ng iba't ibang produktong agrikultura ng Pilipinas tulad ng mais,
kape, kokoa at abaka. Ang iba't ibang dagat, ilog at bukal na
nakapaligid sa isla ng Mindanao ay mayaman din sa iba't ibang klase
ng isda, korals at kung ano-anong pagkaing dagat.

DO_Filipino_Baitang 8_K1_LP 7
Ang Kuwentong Bayan (Folklore) ay isang uri ng panitikan na ang bawat salaysay ay
pawang mga likhang isip at ginagampanan ito ng mga tauhang karaniwan ay kumakatawan sa
isang pamayanan, bansa, at saloobin.
Naipalalaganap ang ganitong uri ng panitikan sa tinatawag nating oral tradition kung saan
naililipat ang bawat konsepto at istorya sa ibang mga tao at henerasyon at sa ibang lugar.

Narito ang mga iilang Kuwentong Bayan mula sa Mindanao:

· Ang Kataksilan ni Sinogo


· Pinagmulan ng Guimad
· Si Manik Buangsi
· Ang Pilosopo
· Si Juan at Mga Alimango

Kung komersyo at turismo ang pag-uusapan, hindi magpapahuli ang Iligan City. Dito
matatagpuan ang mahigit na 20 talon sa loob at paligid ng lungsod. Ang pinakasikat na talon sa
Iligan City ay ang Maria Cristina Falls, na pinakamataas na talon sa Pilipinas at isa sa mga
pinagmumulan ng elektrisidad ng lungsod. Ang isa pang sikat na talon dito ay ang Tinago Falls.

Camiguin Island
Tinaguriang “Island Born of Fire” dahil dito matatagpuan ang pitong bulkan kabilang ang
pinakasikat na Hibok Hibok Volcano. Kilala ang Camiguin sa napakatamis na Mambajao
Lanzones at napakasarap na pastel. Ang pinakatanyag na tourist spot sa Camiguin ay ang Sunken
Cemetery.

Davao City
Isa sa mga pinakamaunlad at urbanisadong lungsod ng Mindanao. Dito matatagpuan ang
Eden Nature Park kung saan napakagandang lugar para sa mga nature lovers at mahilig sa
outdoor activities. Pwedeng subukan ang mga tourist attractions gaya ng cable cycling, zipline,
horseback riding at iba pa. Matatagpuan ang Eden Nature Park sa Toril, Davao City. Isa sa mga
pinupuntahan din ng karamihan ay ang Philippine Eagle Foundation at Davao Crocodile Park.
Isinunod ang pangalan ng Mindanao sa mga Maguindanaon na bumubuo sa
pinakamalaking Kasultanan ayon sa kasaysayan, at makikita sa mga mapa na ginawa noong ika-
17 at ika-18 dantaon na nagmumungkahi na ang pangalan ay ginamit upang tukuyin ang pulo ng
mga makapangyarihang katutubo ng panahong iyon. Unang lumaganap ang Islam sa rehiyon
noong ika-13 dantaon sa pamamagitan ng mga mangangalakal na Arabe mula sa kasalukuyang
Malaysia at Indonesia. Bago pa man maganap ito, ang mga katutubo ay pangunahing mga
animista na naninirahan sa mga maliliit na pamayanan. Karamihan sa mga taal na populasyon ng
mga Tausug, Maranao at Maguindanaon ay agad na lumipat sa pananampalatayang Islam
maliban sa mga mailap na Subanon, Talaandig, Higaonon at ilang maliliit na mga tribo na
tumangging makipag-ugnayan sa mga Arabeng misyonero ng Islam.

DO_Filipino_Baitang 8_K1_LP 7
A. Sagutan nang may pang-unawa ang mga katanungan. Bawat bilang ay bibigyan
ng dalawang puntos. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Anong lugar ang napiling gawan ng proyektong panturismo?


___________________________________________________________________________
2. Sa iyong palagay saan maaaring nakuha ang mga impormasyong nakatala? Masasabi mo
bang ito ay awtentikong datos? Patunayan.
__________________________________________________________________________
3. Anong kasaysayan ng pook ang nabanggit? May nasabi bang sanggunian na ginamit?
___________________________________________________________________________
4. Gumamit kaya ng google at iba pang search engine ang nagsulat? Patunayan.
___________________________________________________________________________
5. Ano ang masasabi mo sa mga impormasyong nakatala? Ito ba ay masyadong marami o
masyado namang kakaunti? Bakit?
___________________________________________________________________________

Basahin at unawaing mabuti ang isang halimbawa ng proyektong panturismo na


mula sa isang blogsite.

KAGANDAHAN NG LUNGSOD NG VIGAN


Sa ating mundo, maraming lugar na magaganda at
makasaysayan ang pwede mapuntahan ng kahit na
sinuman. Bawat bansa ay mayroong ipinagmamalaking
lugar. Isa na rito ang ating bansang Pilipinas. Maraming
mga magagandang tanawin at lugar ang pwedeng puntahan ng
Image Source: greentravel kahit sinuman sa Pilipinas. Ang Pilipinas ay mayroong
philippines.wordpress.com
labimpitong (17) rehiyon, at sa bawat rehiyon na ito ay
mayroong "Tourist Spots" o sa tagalog mga lugar na kung saan madalas dinadayo ng mga
turista o mga manlalakbay. Isa na rito ang Lungsod ng Vigan na ipinagmamalaki ng bansang
Pilipinas. Ang Vigan ay matatagpuan sa rehiyon ng Ilocos (Rehiyon I) sa hilagang kanlurang
bahagi ng baybaying lalawigan ng Ilocos Sur. Ang lungsod na ito ay kilala dahil sa
makasaysayang mga bahay at mga gusali na may pinaghalong impluwensyang disenyo ng
Asyano at Europeo. Ito ay tinaguriang "Best Preserved Spanish Colonial Town". Kapag ito'y
nilakbay mo, para ka na ring naglalakbay sa panahon na sinakop ng mga Kastila ang Pilipinas.
Kamangha-mangha ang pag-aalaga nila dito dahil napapanatili nila ang kalumaan at kasaysayan
ng lugar na ito. Ito ay natatanging "World Heritage City" sa Pilipinas base sa UNESCO World
Heritage list of Sites and Monuments noong Disyembre 2, 1999. Ito ay kilala hindi lamang sa
Pilipinas kundi sa buong mundo dahil ito ay napasama sa titulong "7 Wonders of the World" at
sa kasalukuyang ito ay kasama sa "New 7 Wonders City".

DO_Filipino_Baitang 8_K1_LP 7
Halika! Ating Tuklasin ang Kagandahan ng Vigan!
Umpisahan natin ang ating pagtuklas sa kasaysayan at pinagmulan nito.

Ang Lungsod ng Vigan ay dating isla na napapalibutan ng Ilog Abra, Ilog Govantez at
Ilog Meztizo na umiikot sa paligid nito. Ang pangalan ng lungsod na ito ay nagmula at nakuha sa
pangalan ng isang uri ng halaman na tinatawag na "Biga-a" na tumutubo sa pampang ng mga
ilog dito at kadalasang nakikita sa mga ilog noon. Ang halamang "Biga-a" ay kauri/kalahi ng
isa ring uri ng halaman na "gabi". Nakuha ang pangalang Vigan
dahil sa isang kuwento o anekdota na galing pa sa mga nakalipas
na henerasyon, na meron daw isang Kastila na may nakasalubong
na isang katutubo at tinanong niya dito kung ano ang pangalan
ng lugar, ngunit hindi ito maintindihan ng isang katutubo at sa
kanyang pag-aakala na ang tinatanong ng Kastila ay ang
Image Source: Pdfcoffee.com
halamang Biga-a, at sumagot ang katutubo sa salitang
Ilocano na "Biga-a Apo". Ngunit hindi ito masabi ng isang Kastila, kaya naging Vigan
ang pangalan ng lungsod na ito.
Bago pa man ang pagdating ng mga Kastila sa ating bansa, ang Lungsod ng
Vigan ay kilala na bilang isang pook-pangkalakalan o sentro ng kalakalan sa pagitan ng
ating mga katutubo at mga dayuhang Intsik na sakay ng kani-kanilang barko na bumabagtas sa
Ilog Meztizo upang makipagpalitan ng kanilang mga produkto na katulad ng mga "exotic goods"
na galing sa kaharian ng Asya, para sa mga ginto, silk, beeswax at iba pang produkto na galing
naman sa bundok ng Cordillera. Ang mga dayuhan na karamihan ay mga Instik ay nanirahan at
nanatili doon at nakapag-asawa ng mga katutubo at doon nagsimula ang "multi-cultural" na lahi
ng mga Biguenyo.
Sa panahon ng pananakop ng mga Kastila, nang matapos si Don Juan de Salcedo na
kilalang mananakop na Español sa matagumpay niyang paglalakbay at pagtuklas sa Norte,
ginantimpalaan siya ng hari ng Españya para sa kanyang paglilingkod. Ibinigay at ipinagkaloob
sa kanya ang lumang lalawigan ng Ilocos bilang kanyang encomienda. Nang siya ay
encomiendero na at Justicia Mayor ng Ilocos, ay nagbalik siya sa Vigan na una niyang
natuklasan noong Hunyo 12, 1572. Mainit at malugod ang pagsalubong sa kanya ng mga
katutubo roon dahil sa naging mabuting pagtrato sa kanila ni Don Juan de Salcedo noon. Ginawa
niyang kapital ang Vigan ng buong Ilocos na noon ay binubuo ng Ilocos Sur, Ilocos Norte, Abra,
La Union at ilang bahagi ng Mountain Province. Noong Enero 1574, nagsama siya ng mga
misyonerong Agostino upang mangaral tungkol sa ebanghelyo at itinatag niya ang Vigan bilang
isang Kastilang lungsod upang mangibabaw sa mga kalapit-bansa ng Pilipinas.

Ang Calle Crisologo o Kalye Mena, Crisologo sa Meztizo District ay isa sa mga
pinakamahalaga at pinakapangunahing lugar sa Vigan. Ito ay dinarayo ng maraming turista.

DO_Filipino_Baitang 8_K1_LP 7
Sa Calle Crisologo ng Vigan ay naroon ang humigit-
kumulang sa 150 na bahay na bato. Makikita sa mga ito
ang husay at galing ng mga artisanong Pilipino bago pa
dumating ang panahon ng modernong materyales, kagamitan at
teknolohiya sa pagtatayo ng gusali. Ang mga bahay na bato
lamang ang nakatatagal sa lindol at bagyo na madalas tumatama
Image Source:
greentravelphilippines.wordpress.com sa rehiyon ng Ilocos. Yari ang bubong nito sa tisa at yari naman
sa kahoy ang ikalawang palapag at ang sahig nito. Marami sa
mga ito ay nasa maayos pang kalagayan at ang ilan ay ginawang mga hotel, museo, tindahan ng
mga souvenir, kainan o bar.
Ang St. Paul Metropolitan Cathedral na ipinatayo ng mga prayleng Agostino at
nakumpleto noong 1790 ay ginamitan ng katangi-tangi lamang sa mga Ilokano na estilong
Earthquake Baroque dahil sa mga lindol na naranasan
noon sa Ilocos at may disenyong paulit-ulit na ginamit
sa kabuuan na estilong Neo-Gothic at
Romanesque. Sa Plaza Burgos matatagpuan ito, ang
kampanaryo (mahigit isang dantaon nang naitayo) nito at
ang bahagi ng seminaryo ng Vigan na hindi tinupok ng
apoy. Ang loob ng simbahan ay may tatlong (3) nabe
(nave), labindalawang (12) altar at isang (1) choir loft. Image Source: en.wikepedia.org
Ang impluwensya ng tsino ay makikita sa altar sa
baptistry, sa pinanday na tansong communion handrail, sa dalawang asong Fu sa labas lamang ng
katedral at sa hugis octagon ng pinakaulo (dome) ng katedral.
Nasa pangangasiwa ng Pambansang Museo ang Museo Crisologo ng Vigan na
nag-iingat ng memorabilia ng yumaong Kongresista Floro Crisologo at ng mga orihinal
na kagamitan dating nakikita sa mga bahay sa Vigan.
Nasa loob ng palasyo ng arsobispo ang Museo
Nueva Segovia na may koleksyon ng mga
mamahaling antigong kagamitang pansimbahan at
relikya mula sa mga simbahan sa rehiyon ng Ilocos.
Ilan sa mga ito ay ang mga larawan ng mga sinaunang
Image Source: viajeroyaletravels.wordpresscom
obispo, mga imaheng kahoy ng mga santo, mga kasuotan
ng pari at obispo at isang sambahang pilak na ginagamit hanggang ngayon tuwing Semana
Santa. Naroon din ang artsibo ng arkidiyosesis at ang throne room. Ang Palasyo (Arzobizpado)
ang nagsilbing punong-himpilan ni Heneral Emilio Aguinaldo noong 1889.

Makikita sa silangang bahagi ng katedral ang Museo San Pablo. Mga kagamitang
panrelihiyon, mga materyales sa paggawa ng mga bahay Vigan at mga larawan ng
Vigan noong ika-19 na siglo ang makikita rito.

DO_Filipino_Baitang 8_K1_LP 7
Narito pa ang iba’t ibang pook pasyalan na puwede mong puntahan:

Dancing Fountain Vigan Plaza Salcedo Vigan


Image Source: https://www.lakadpilipino.com/ Image Source: https://www.libotero.com/plaza-burgos-plaza-
2004/09/dancingfountain-show-vigan-ilocos.html salcedo-mcdonalds-vigan-ilocos-sur/
2004/09/dancingfountain-show-vigan-ilocos.html

Plaza Burgos Vigan


Image Source: https://www.libotero.com/plaza-burgos-plaza-
salcedo-mcdonalds-vigan-ilocos-sur/
2004/09/dancingfountain-show-vigan-ilocos.html

S’yempre, atin namang tuklasin ang mga masasarap na pagkain at lutuin sa Vigan
Ang Vigan ay kilala rin sa iba’t ibang masasarap at espesyal na pagkain. Halika at alamin
kung ano-ano ang mga ito.
Dalawa ang pinakapangunahing pagkain ng Vigan, ito ang:

Longganisa ng Vigan
Image source: www.grouprecipes.com

Empanada ng Vigan
Image source: www.pinoyrecipes .net

DO_Filipino_Baitang 8_K1_LP 7
At narito pa ang ibang masasarap na pagkain sa Vigan:

Image source: http://www.travelling-up.com-trip-vigan

Iba pang impormasyon sa Vigan:


Ilang halimbawa ng mga pagdiriwang sa Vigan:
1. Longganisa Festival
2. Binatbatan Festival
3. Conversion of St. Paul the Apostle
4. Viva Vigan Festival of the Arts
5. World Heritage Cities Solidarity Day

Panahon
Dalawa ang panahon sa Vigan: ang tag-araw na nagsisimula sa buwan ng Nobyembre
hanggang sa buwan ng Abril at ang tag-ulan na mula sa buwan ng Mayo hanggang Oktubre.

Mga Likas na Yaman


Iba’t ibang klaseng bato at yamang mineral ang matatagpuan sa mga baybayin ng
lungsod. May mga coral reefs, atolls at beach rocks din sa karagatang sakop ng lungsod. Isang
mahalagang mineral na matatagpuan sa Vigan ay ang uri ng clay na ginagamit sa paggawa ng
banga o palayok na burnay.
Sa mga baybaying barangay ng Mindoro at San Pedro, iba’t ibang klaseng kinapal tulad
ng tuna, mackerel, siganid, snapper, buslogan, lapulapu, sungayan, pusit, laki at baraniti ang
mahuhuli sa dagat.
Bukod sa pangingisda sa karagatan ay may mga palaisdaan ng bangus, malaga, tilapia,
padaw at arimbukeng sa Vigan. May 24 na ektarya ang sakop ng mga palaisdaan.

B. Alamin at isulat ang hinihingi sa bawat bilang.

1. Pagtiyak sa paksa:
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

DO_Filipino_Baitang 8_K1_LP 7
2. Paghanap ng sanligang impormasyon:
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

3. Paghanap ng aklat at iba pang media:


________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

4. Paggamit ng artikulong peryodikal:


________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

5. Karagdagang impormasyon mula sa internet:


________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

C. Lumikha ng isang proyektong panturismo, maaaring ito ay isang brochure,


scrapbook, magasin o kung ano man ang iyong naibigan na nagpapakita ng isang kulturang
Pilipino sa isang pook. Maging malikhain. Narito ang rubric sa pagbuo ng scrapbook na
panturismo. Lagyan ng tesk ang napiling puntos, 5 ang pinakamataas at 1 ang pinakamababa.
Isulat ang sagot

Pamantayan 5 4 3 2 1
1. Panghikayat ng pamagat ng pabalat
2. Kasiningan ng presentasyon
a. Pang-akit ng layout (disenyo, kulay at anyo)
b. Materyales na ginamit
c. Lengguwaheng ginamit
d.Orihinalidad
3. Kalinawan ng konsepto at tema
a. Pagsusulong ng Kulturang Pilipino
b. Panghikayat at Panturismo
4. Kahusayan ng pananaliksik (awtentikong datos)
a. Kahalagahan at katiyakan ng mga impormasyon
b. Pagkakaugnay ng mga impormasyon
c. Pakikipanayam
5. Kalinawan ng sariling katangian sa binuong proyektong
panturismo.
6. Kaayusan ng mga pahayag at kawastuhan ng ginamit na mga
salita at bantas sa kabuuan.

DO_Filipino_Baitang 8_K1_LP 7
Interpretasyon:

49-60 Napakahusay 37-48 Mahusay 25-36 Katamtaman


13-24 ‘Di gaanong mahusay 1-12 Paghusayan pa

IV. SUSI SA PAGWAWASTO

A.
1. Mindanao
2. Maaaring nakuha ang mga impormasyon sa iba’t ibang saligan katulad na lamang ng
libro/aklat na mula sa library ng munisipyo o paaralan, magasin, peryodiko, internet mula
sa iba’t ibang search engines katulad ng mga blogsites, telebisyon, at mga tao na nakatira
sa Mindanao na pwedeng kapanayamin.

Masasabi kong awtentiko ang mga datos dahil hindi basta-basta ang mga impormasyon at
may mga saligang datos.
Ito ay mapatutunayan sa pamamagitan ng mga larawang ipinakita, mga katawagan sa
lugar at maging ang mga binanggit na sikat na programa na mapapanood sa kasalukuyan,
mga natatago at tanyag na kuwentong bayan sa pulo.
3. (Isasalaysay ng mag-aaral ang nasa huling talata na nabanggit.)
Isinunod ang pangalan ng Mindanao sa mga Maguindanaon na bumubuo sa
pinakamalaking Kasultanan ayon sa kasaysayan, at makikita sa mga mapa na ginawa
noong ika-17 at ika-18 dantaon na nagmumungkahi na ang pangalan ay ginamit upang
tukuyin ang pulo ng mga makapangyarihang katutubo ng panahong iyon. Unang
lumaganap ang Islam sa rehiyon noong ika-13 dantaon sa pamamagitan ng mga
mangangalakal na Arabe mula sa kasalukuyang Malaysia at Indonesia. Bago pa man
maganap ito, ang mga katutubo ay pangunahing mga animista na naninirahan sa mga
maliliit na pamayanan. Karamihan sa mga taal na populasyon ng mga Tausug, Maranao at
Maguindanaon ay agad na lumipat sa pananampalatayang Islam maliban sa mga mailap na
Subanon, Talaandig, Higaonon at ilang maliliit na mga tribo na tumangging makipag-
ugnayan sa mga Arabeng misyonero ng Islam.
Walang ispesipikong sanggunian na nabanggit.
4. Sa aking palagay oo. Dahil sa mga larawang nakuha at mga nabanggit na sikat na
programa ng kilalang tao.
5. Para sa akin, tama lang ang mga impormasyon, nagkulang lang sa mga sanggunian o ano
mang saligan ng kanilang impormasyon.

DO_Filipino_Baitang 8_K1_LP 7
(Bigyang-Pansin: Maaaring magdagdag ng iba pang kasagutan ang mga mag-aaral na malapit
sa pinakatumpak na sagot.)
B.
1. Ang Lungsod ng Vigan
2. Ang maaaring pinagkunan ng impormasyon ay ang mga sumusunod: libro/aklat na mula
sa library ng munisipyo o paaralan, magasin, peryodiko, internet mula sa iba’t ibang search
engines katulad ng mga blogsites, telebisyon at mga tao na nakatira sa Mindanao na pwedeng
kapanayamin.
3. Walang nabanggit na mga aklat sa proyektong panturismong binasa ngunit may mga
nabanggit na sites na nagpapatunay na gumamit ng internet sa pagkalap ng impormasyon ang
mga mananaliksik.
4. Maaaring gumamit ng peryodiko subalit walang nabanggit.
5. Meron, dahil may mga websites na pinagkunan ang mga larawang inilagay.

C. (Gamit ang rubrics sa paggawa ng proyektong panturismo, huhusgahan ng guro ang


ginawang proyekto ng mga mag-aaral.)

V. REPLEKSIYON
Dugtungan ang mga parirala upang makabuo ng makatotohanang pahayag.

1. Habang naghahanda ako ng isang proyektong panturismo, nalaman ko na ang pananliksik


pala ay ____________________________________________________________________.
2. Mahalaga na kailangang tiyak ang paksang gagawin dahil ___________________________
__________________________________________________________________________.
3. Natutuhan ko na sa pananaliksik nararapat na humingi ng permiso sa orihinal na awtor o
sumulat sapagkat____________________________________________________________.
4. Bukod sa internet o ano pa mang search engines, napagtanto ko na mahalaga rin na saligan
ng impormasyon ang pakikipanayam sa kadahilanang _______________________________.
__________________________________________________________________________.
5. Kung kailangan kong isaalang-alang ang kulturang Pilipino bibigyan ko rin ng pansin ang
iba’t ibang aspekto ng mga tao sa isang lugar katulad ng _____________________________.

VI. SANGGUNIAN
Filipino 8 Modyul para sa Mag-aaral, Unang Edisyon, 2013, Department of Education-
Instructional Materials Council Secretariat (DepEdIMCS) Office Address: 2nd Floor
Dorm G, Philsports Complex, Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax:
(02) 634-1054 o 634-1072 Email Address: imcsetd@yahoo.com

Kontekstuwalisadong Banghay-Aralin sa Filipino, Baitang 8 (Kwarter 1), Taong 2019,


Department of Education Region V, Curriculum and Learning Management Division,

DO_Filipino_Baitang 8_K1_LP 7
Learning resources Management and Development System (CLMDS-LRMDS),
Regional Center Site, Rawis Legaspi City, 4500
Proyektong Panturismo,Kagandahan ng Lungsod ng Vigan ( January 1, 2016) from
https://kagandahanngvigangroup3.blogspot.com/2016/01/kagandahan-
ngvigan.html?m=1
Proyektong Panturismo ng Mindanao ( August 4, 2017) from
http://pangkat4pythagoras1718.blogspot.com/2017/08/proyektongpanturismo.html?m
=1Proyektong panturismo ng Mindanao
Proyektong Panturismo ng Mindanao (August 4, 2017) from https://brainly. ph
/question/574392https://tl.wikipedia.org/wiki/Mindanao

Proyektong Panturismo, Kagandahan ng Lungsod ng Vigan (January 1, 2016) from


greentravelphilippines.wordpress.comhttp://sining101.weebly.com/aralin-1.html
Proyektong Panturismo ng Mindanao, ILIGAN CITY Image ( August 4, 2017) from
http://www.iligan.gov.ph/wp-content/uploads/2012/11/iligan2.jpg
Proyektong Panturismo ng Mindanao, CAMIGUIN ISLAND Image ( August 4, 2017)
From http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/8/8e/Cam
iguin_island_coastline.jpg/800px-Camiguin_island_coastline.jpg
Proyektong Panturismo ng Mindanao, DAVAO CITYImage ( August 4, 2017) from
http://www.osomnimedia.com/wp-content/uploads/2015/03/ct2.jpg
Proyektong Panturismo, Kagandahan ng Lungsod ng Vigan, /Baluarte-Vigan-Ilocos-
Sur image (January 1, 2016) from https://en.wikipedia.org/wiki/Vigan
Proyektong Panturismo, Kagandahan ng Lungsod ng Vigan ,ST. PAUL METROPOLITAN
CATHEDRAL Image from https://en.wikipedia.org/wiki/File:Allan_Jay_ Quesada-
_DSC_0465_St._Paul_Metropolitan_Cathedral,_Vigan_City.jpg
Proyektong Panturismo, Kagandahan ng Lungsod ng Vigan, MUSEO CRISOLOGO
Image from http://www.travellingthephilippines.info/crisologo-museum/
Proyektong Panturismo, Kagandahan ng Lungsod ng Vigan, Museo Nueva Segovia
Image from : https://satc36.wordpress.com/2009/11/25/vigan-ilocos-sur/img_0898/
Proyektong Panturismo, Kagandahan ng Lungsod ng Vigan, MUSEO SAN PABLO,
VIGAN Image from : https://satc36.wordpress.com/2009/11/25/vigan-ilocos-
sur/img_0888/
Proyektong Panturismo, Kagandahan ng Lungsod ng Vigan , DANCING FOUNTAIN
VIGAN Image from : http://www.lakadpilipinas.com/2014/09/dancing- fountain-
show-viganilocos.html
Proyektong Panturismo, Kagandahan ng Lungsod ng Vigan, PLAZA SALCEDO,
VIGAN Image from http://www.libotero.com/plaza-burgos-plaza-salcedo- mcdonalds-
vigan-ilocos-sur/

DO_Filipino_Baitang 8_K1_LP 7
Proyektong Panturismo, Kagandahan ng Lungsod ng Vigan .PLAZA BURGOS,
VIGAN Image from http://www.libotero.com/plaza-burgos-plaza-salcedo- mcdonalds-
viganilocos
Proyektong Panturismo, Kagandahan ng Lungsod ng Vigan Image from e:www.
grouprecipes.com
Proyektong Panturismo, Kagandahan ng Lungsod ng Vigan, Empanada ng Vigan
Image from :www.pinoyrecipe.net

Inihanda ni:

TERESA O. CAGUICLA
Guro III, Manunulat
Pambansang Mataas na Paaralan ng Sipocot

DO_Filipino_Baitang 8_K1_LP 7

You might also like