You are on page 1of 10

Shulammite Arvee Dauz September 18,2018

STEM 12-9 Filipino 3

IBA’T IBANG URI NG SULATIN (Mga Halimbawa)

1. Abstrak
Gamit ang isang survey kung saan sumagot ang 250 na lalake at 270 na babaeng estudyante,
nais naming ipakita ang mga ibA ibang teknik at metolohiyang ginagamit ng mga mag-aaral sa
Magagandang tanawin sa Pilipinas" Pilipinas upang makapag-aral ng husto. Ang aming
pagsasaliksik ay tumagal ng isang buwan. Kami ay gumamit ng software gaya ng SPSS upang
masuri at maintindihan ng maigi ang mga datos na nakalap. Base sa ang aming mga nakalap na
datos karamihan sa mga estudyanteng mas nagtatagumpay sa sekondaryang edukasyon ay hindi
gumagamit ng teknik na kung tawagin ay rote learning. Karamihan sa kanila ay gumagamit ng
kanya-kanyang proseso upang makalap ng impormasyon at matandaan ang mga aralin.
https://takdangaralin.ph/abstrak/

2. Sintesis
“Prinsipyo ng Lipunang Pilipno”
Ang alamat ng gubat ay sumasailalim sa pagkatao ng bawat Pilipino. Ang bawat karakter sa
alamat ng gubat ay merong sariling prinsipyo at pangmataasan ng ugali. Ang alamat ay hindi
lang ordinaryong kwento pinapakita din ito ng pagkakaugnay ng tao. Ang bawat Pilipino ay
gagawin ang lahat para lang sa pamilya ganyan din si tong na ginagawa ang lahat para sa ama na
may sakit. Ang alamat ay hindi lang ordinaryong kwento pinapakita din ito ng pagkakaugnay ng
tao. Ang bawat karakter sa alamat ng gubat ay nagpapakita ng pangmataasang ugali sa bawat
isa, Isa na dito ang mga hayop at insekto na inaawayan kung sino ang maghari. Sa paglalakbay ni
tong sapaghahanap ng puso ng saging marami pang nadaanan bago makarating sa puso ng
saging. Mahahalintulad ito sa Pilipino na maraming dadaanan na problema at pagsubok na
tatalakayin bago makuha ang inaasam. Ang alamat ng gubat ay hindi lang pambata na kwento
ito ay sumasalamin at ordinaryong pangyayari sa mga tao sa lipunan na ang ibang tao gustong
makuha kung ano ang gusto.

Mula sa mambabasa makakakuha ito ng magandang halimbawa ng mga tao dahil sa kasalukuyan
ngayon ang mga tao ay unti-unti nang nawalan ng prinsipyo sa sarili. Sa panahon ngayon ganyan
ang nanyayari sa ating bansa na ang taong gusto maging lider ay gusto lang para umangat ang
sariling kapakanan hindi sa lahat. Sa alamat ng gubat ni bab ong ay kailangan mong may
disciplina at prinsipyo sa sarili dahil ito nakapagbigay ng magandang halimbawa ng mga tao. Ang
pagiging isang Pilipino ay merong mapangapi at may inaapi. Ang panahon natin ngayon ay imbis
na umunlad tayo, nag hilaan pababa ang mga tao sa tingin na nauuna ang iba. Ang paghahanap
sa puso ng saging ang halimbawa nito dahil sa kagustuhan ng bawat isa na magkaroon ng
kakaibang kapangyarihan pag napasa ang puso ng saging. Ang isa pa ay ang dayaan at suhulan
na nangyayari din sa ating pamahalaan ay makikita rin ito sa eleksyon noon na sihulan ang mga
tao. Mababatid natin ang suhulan ng kuneho sa mga langaw na kung saan pinipili ang kuneho
para itong maging hari ng gubat.
https://fplgrupo2.wordpress.com/2017/09/12/sintesis/
Shulammite Arvee Dauz September 18,2018
STEM 12-9 Filipino 3

3. Bionote
Bionote ni Patrocinio Villafuerte
Si Patrocinio F. Villafuerte o mas kilala bilang si Pat Villafuerte ay isang guro at manunulat sa
larangan ng Filipino. Siya ay isinilang sa San Isidro, Nueva Ecija noong ika-pito ng Mayo, taong
1948, at kasalukuyang 69 taong-gulang na nakatira sa B3 L1 Vega St., Siena Villas, Habay 2.
Bacoor, Cavite. Isa siyang multi-awarded na bihasa sa Filipino. Sa ngayon, isa siyang pangulo ng
departamento ng Filipino sa paaralang Philippine Normal University (PNU). Kilala siya bilang
isang respetado at mahusay na propesor sa Filipino.

Batay sa kalipunanngmgaakdangpilipino.com, Si Pat Villafuerte at nag-aral sa Philippine Normal


College na may kursong Batsilyer sa Agham sa Edukasyong Pang-elementarya, at may sertipiko
na siya’y nagtapos ng masterado sa Sining ng Pagtuturo. At sa Manuel Luis Quezon University,
nakakuha siya ng titulong masterado sa Sining sa Filipino at Gawad Merito dahil sa kaniyang
kahusayan. Siya ay isang magaling na guro at nagtuturo sa lahat ng antas, kabilang ang
elementarya, sekundarya, at kolehiyo. Nakapag-sulat na rin siya ng halos 145 na aklat, at
karamihan dito ay mga teksbuk at sangguniang aklat sa Filipino. Siya rin ay nagtuturo sa Sining
Pantanghalan sa Filipino. Sa kaniya namang mga parangal, s’ya rin ang kauna-unahang nagkamit
ng Genoveva Edroza Matute Professorial Chair in Filipino, Siya rin ay naging Teacher of the Year
ng dalawang beses, nagkaroon ng walong Carlos Palanca Memorial Awards for Literature,
sampung Gawad Surian Gantimpalang Collantes, at dalawang Presidential Awards sa
Malacañang. ‘Yan ang mga gantimpala at papuri na kaniyang natamo dahil sa husay sa larangan
ng Filipino.

Sa kaniyang husay at talino, naging popular siya ngayon at kasalukuyang nagsisikap para
makapag-ambag pa ng maraming aral sa larangan ng Filipino.
https://dreamerdonnell.wordpress.com/2017/07/20/first-blog-post/

4. Panukalang Proyekto
BALANGKAS NG ISANG PANUKALANG PROYEKTO

October 12, 2017


PAGSASA-AYOS ng Mini Museum

AURORA NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL

I. PROPONENT NG PROYEKTO:

a. ANSHS AP Club

Pang. Athena Janssen M. Dela Torre


Ikalawang Pang. Onille Paul L. Bernardino
II. PAMAGAT NG PROYEKTO: Renobasyon para sa ANCIESTA Mini Museum

III. PONDONG KAILANGAN: ₱18,378.00


Shulammite Arvee Dauz September 18,2018
STEM 12-9 Filipino 3

IV. RASYONAL

Ang pagsasa-ayos ng Mini Museo ng Aurora National Science High School ang isa sa mga
planong isagawa ng Organisasyong Araling Panlipunan. Sa pagkakaalam ng nakararami, ang
Museo ang siyang nagsisilbing sentro ng kaalaman ng kasaysayan at paglalarawan ng kulturang
kinabibilangan. Ang pagsasakatuparan ng nais na plano ang siyang magiging daan upang muling
buhayin ang unti-unting nawawalang pagkilala sa kasaysayan at kulturang pang-Ansciesta at
pang-Filipino.

Ang pagsasagawa ng proyektong ito ay mahalaga, hindi lamang sa aspetong pisikal na


kagandahan ng paaralan, ngunit ito rin ay siyang magsisilbing tahanan ng kaalaman at
impormasyon na nauugnay sa tradisyon ng paaralan at ng pagiging maka-Pilipino. Ang mga
napagdaanan ng ating mga ninuno sa kasaysayan ay mabibigyang halaga at pagkilala sa
pamamagitan ng muling pagbubukas ng Mini Museum ng ating paaralan. Kasama rin sa
maitutulong ng proyekto ang pagbabalik-tanaw sa mga tradisyong isinasagawa ng paaralan sa
mga espesipikong okasyong pang-Filipino.

V. DESKRIPSIYON AT LAYUNIN NG PROYEKTO

Deskripsiyon

Ang proyektong ito ay nagsisilbing pintuan sa pagkakaroon ng silid na magiging isang sentrong
pangkaalaman na uugnay sa kasasaysayan at kultura ng paaralan, bayan ng baler, probinsiya at
Pilipinas. Magsisimula ang pagsasakatuparan ng gawaing ito sa pamamagitan ng pagsolicit ng
donasyon at tulong na maaring magmula sa munisipyo o sa mga kilalang personalidad na
boluntaryong magbibigay. Ang makakalap na pondo ang siyang magsisilbing pambili ng mga
materyales na gagamitin at pampaayos sa mini Museum ng paaralan.

Layunin

Layunin ng proyektong ito na maisaayos ang mini musem ng Aurora National Science High
School at muling magamit ito bilang sentrong pang-kaalaman ng mga estudyante at guro ng
paaralan.

VI. KASANGKOT SA PROYEKTO

Kasangkot sa proyektong ito ang mga sumusunod:

Edelwinda S. Montero – Punong guro ng AURORA NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL


Mga Opisyales at Miyembro ng Araling Panlipunan Club na pangungunahan nina:
o Pang. Athena Janssen M. Dela Torre

o Ikalawang Pang. Onille Paul L. Bernardino

Mga mangongontrata na silang mangunguna sa pagsasagawa ng mabibigat na gawain sa


pagrerenovate ng mini museum ng paaralan.
Shulammite Arvee Dauz September 18,2018
STEM 12-9 Filipino 3

Mga personalidad at LGUs na magbibigay ng taos pusong pagtulong sa pagsasakatuparan ng


proyekto.
VII. KAPAKINABANGANG DULOT

Ang kapakinabangang dulot ng proyektong ito ay ang maipakilala at mabigyan ng kaalaman


hinggil sa kulturang Pilipino ang mga Ansciestas na gagamit nito.

VIII. TALATAKDAAN NG MGA GAWAIN AT ESTRATEHIYA

Upang maisakatuparan ang proyektong ito, itinatakda ang sumusunod na mga gawain o
hakbangin:

Petsa Mga Gawain Pangalan (ng kung sino ang gagawa) Lugar/ Lokasyon
Oktubre 1-5, 2017 Pagsolicit ng donasyon Munisipyo at kilalang mga personalidad na
maaring magbigay ng taos-pusong tulong. Baler, Aurora
Oktubre 8, 2017 Pagnegosasyon sa mangongontrata na maaaring magtrabaho sa
pagsasa-ayos ng mini museum Pangulo at Ikalawang Pangulo (Athena Janssen Dela Torre at
Onille Paul Bernardino) ng Araling Panlipunan Club Brgy. Buhangin, Baler Aurora
Oktubre 10, 2017 Pagbili ng mga materyales na kakailanganin sa proyekto Pangulo at
Ikalawang Pangulo (Athena Janssen Dela Torre at Onille Paul Bernardino) ng Araling Panlipunan
Club Banahaw Trading, Brgy. Suklayin, Baler Aurora
Oktubre 15-29, 2017 Pagsasagawa ng pag-aayos ng mini museum ng Aurora National Science
High School Mangongontrata Aurora National Science High School, Brgy. Buhangin,
Baler Aurora
Oktubre 30-31, 2017 Paglalagay ng mga maaring i-display na may kaugnayan sa kasaysayan at
kultura ng paaralan at ng Pilipinas Mga miyembro at opisyal ng Araling Panlipunan Club
Aurora National Science High School, Brgy. Buhangin, Baler Aurora
IX. GASTUSIN NG PROYEKTO

Sa proyektong ito, tinatayang gugugol ang renobasyon ng ANSCIESTA Mini Museum ng


kabuuang halagang Php. 18,378.00 na inilalaan sa sumusunod na pagkakagastusan.

Bilang ng Aytem|Pagsasalarawan ng Aytem|Presyo ng Bawat Aytem (Php)|Presyong Pagkalahatan


4 piraso ¼ inch Plywood 250.00 1,000.00
¼ kilo De dos na pako 15.00
3 litro Boysen Paint 121.00 363.00
1 piraso Pintong yari sa kahoy 2,000.00 2,000.00
4 set Sliding glass 1,250.00 5,000.00
2 tao Manggagawa 2,500.00 5,000.00
KABUUANG GASTUSIN 13,378.00
https://filipinosapilinglarangblog.wordpress.com/2017/10/12/balangkas-ng-isang-panukalang-
proyekto/
Shulammite Arvee Dauz September 18,2018
STEM 12-9 Filipino 3

5. Posisyong Papel
Paggamit ng Droga
Ang posisyong papel na ito ay tungkol sa mga taong gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.
Ang gamot ay sinadya sa mundo na gawin upang makapagbigay-lunas sa sakit. Ito ay medisina
upang madaling mawala ang sakit ngunit sa kabila nito ay nakapagbibigay sakit kapag inabuso.
May gamot na bawal tulad ng ginagamit ng mga kabataan ngayon. Karamihan sa kanila ay
nalulong sa bisyo lalo na sa paggamit ng ganitong klaseng droga. Ang ganitong sitwasyon ang
pinakapangunahing problema ng lipunan dahil marami na ang masamang pangyayari na
nagaganap sa lipunan dulot nga ng paggamit nito. Dumarami na rin ang bilang ng mga
napapatay na kriminal bunsod ng paglaban ni Duterte sa ilegal na droga. Walang dufang
ramdam na ng mamamayan ang mga pagbabagobg hatid nito. Pero habang tumatagal, unti-
unting nauungkat ang maraming isyung kaugnay na maruming kalakaran ng ipinagbabawal na
gamot sa ating lipunan.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement, tinatayang 92% ng mga barangay sa Metro Manila ang
apektado ng droga. Kaya naman hindi kataka-takang maraming pamilyang Pilipino ang sangkot
sa paggamit at pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot. Umabot rin sa halos 196 na politiko at
283 na mga empleyado ng gobyerno ang naaresto dahil sa paglabag sa Comprehensive
Dangerous Drugs Act of 2002 (PDEA, 2016). Ayon rin sa balita, mahigit 300 na katao na diumano
ang napatay sa 'gyera kontra-droga' ng administrasyon. Karamihan nito ay ang mga napaslang,
mga durugurista o nagtutulak ng droga na antas-kalye. Araw-araw laman ng mga balita ang mga
pagpatay, pagsuko o paghuli sa adik ng ilegal na droga kaya naman hindi nakapagatataka na
popular na popular ang kampanyang kontra-droga ito ni Duterte.

Bagaman alam na alam ng mga tao ang mga panganib, patuloy pa rin sila sa pag-abuso nito,
at gayong pag-abuso ay patuloy na sumisira ng buhay. Oo, karamihan sa atin ay alam na ang
paggamit ng droga ay isang paraan upang makaahon sa kahirapan, nakababawas ng suliranin o
di kaya'y panghanapbuhay ng iba. Pero alam din natin na ang paggamit nito ay makatutong
magnakaw, magsinungaling, maging agresibo o walang takot na gumawa ng masama hanggang
sa mawalan ng katinuan o mabaliw ang tao. Maraming posibleng epekto nito. Kahit na mabuti o
masama, magdudulot pa rin ito ng epekto dahil sa ating aksyon.
http://incepoppop.blogspot.com/2017/02/posisyong-papel-paggamit-ng-droga.html

6. Katitikan ng Pulong
Katitikan ng Pagpupulong

KATITIKAN NG PANGKARANIWANG PAGPUPULONG NG YES-O NOONG IKA-17, NG HULYO


TAONG 2017, GANAP NA IKA-11:25 NG UMAGA SA AURORA NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL,
BALER, AURORA

Mga Dumalo:
ENRIQUE SARMIENTO III – LIDER NG PULONG
AMIA CLARISSE NOHAY – TAGA-TALA
JEAN MARIE PAEL – MGA PINUNO
JANSSEN DELA TORRE – MGA PINUNO
BHONG CARLO SARINA – MGA PINUNO
REBECCA AIRA BALITON – MGA PINUNO
PRINCES K-C BABILONIA – MGA PINUNO
Shulammite Arvee Dauz September 18,2018
STEM 12-9 Filipino 3

DALOY NG USAPAN:
PANIMULA

1.) Panalangin
2.) Pagpapatibay Sa Nakaraang Katitikan
3.) Presentasyon Ng Mga Suliranin
4.) Pagtanggap Ng Mga Suhestyon Sa Solusyon
5.) Botohan
6.) Pagpaplano Ng Pagsasagawa Ng Mga Solusyon
7.) Pagtatapos

PANIMULA

Sinimulan ang pulong sa pamamagitan ng pambungad na panalangin na pinamunuan ni


Bb. Amia Clarisse Nohay.
Bb. ACN– Bago natin simulan ang pagpupulong ay inaanyayahan muna ang lahat na tumayo at
damhin ang presensya ng panginoon para sa ating pambungad na panalangin.
Png. ESS(III)- Inaanyayahang tumayo si Bb. Nohay upang bigkasin ang nakaraang katitikan.
Bb. ACN- Noong Biyernes, ika-14 ng Hunyo taong 2017, ay napagusapan natin ang mga
pangunahing suliranin na kinaharap ng ating paaralan. Ang maling paraan ng segregasyon ng
basura at patuloy na pagkakalat ng mga estudyante sa paaralan. Ang mga ito ay matagal nang
problema ng paaralan na sa kabila ng mga paalala ay patuloy pa rin itong isinasagawa ng mga
magaaral lalo’t dahil na rin sa kawalan nila ng disiplina. Ang hindi maayos na segregasyon ay
matagal nang problema ng ating paaralan. Ang pagkalutas nito ay magdudulot talaga ng
malaking tulong, hindi lamang sa paaralan kundi para sa komunidad. Ang pagkakalat sa paligid
ng paaralan ay patuloy paring lumalaganap gayon na rin ang pagkakalat ng ilang estudyante sa
kabila ng mga paalala. Ngunit ang pagkalutas nito ay lubhang makakapagpabawas sa mga
trabahong paglilinis na aktibidad sa paaralan.
Png. ESS(III)- Ngayong nailatag na ang mga suliraning nilalayon nating lutasin, maaari nang
magbigay ng suhestyon na solusyon para sa mga suliranin.
Ms. JDT- Sa segregasyon, maaaring magkaroon ng Material Recovery Facility. Dito mas madaling
maiipatupad ang segregasyon kung mgakakaroon ng malinaw at matibay na dibisyon and MRF
ang paaralan. Mas maganda ito at mas malilinawan ang mga estudyante kung saan dapat nila
ilagay ang mga iba’t ibang klase ng mga basura, tulad na lamang ng basurahang may malinaw na
simbolo ng inilalagay dito.
Png. ESS(III)- Maraming salamat sayong suhestyon Janssen. Mayroon pa bang ibang suhestyon?
Ms. PKB- Mas magiging epektibo ito kung lalagyang ng karampatang multa. Ito ay
makakapagpigil sa mga nagkakalat. Ito ay magdadala ng napakahalagang sandali upang pag-
isipan kung katumbas nga ba talaga ng simpleng paglalakad papunta sa basurahan o pagtapon
ng basura sa tamang lalagyan ang pagmumulta na maaari na rin sanang gamiting pamasahe.
Ms. RAB- Makaka-enganyo sa mga estudyante kung maiisip nila na may agad-agarang insentibo
sa kanila ng hindi pagkakalat, lalo na’t kasabay ito ng suhestyon ni K-C. Hindi lamang sila
mapapaisip dahil sa posibilidad ng kawalan kundi pati narin sa posibilidad ng may makukuha.

Png. ESS(III)- Maraming salamat sa inyong mga suhestyon. Kung wala nang idaragdag na
suhestyon, ay maaari na nating simulan ang botohan para palawigin ang segregasyon.
Ang botohan ay nagging patas kaya lahat ng suhestyon ay ipapatupad.
Shulammite Arvee Dauz September 18,2018
STEM 12-9 Filipino 3

Png. ESS(III)- Ngayon naman ay tatalakayin ang mga hakbang na gagawin upng maisagawa ang
mga plano na ito. Maari kayong magbahagi muli ng mga ideya.
Ms.JMP– Maaing paglaanan ng parte ng pondo ang pagpapa-semento ng mga dibisyon para sa
segregasyon-pagkatapos ng pakikipagkasundo sa mga lider ng komunidad upang maisama an
gating paaralan sa kalinisan ng basura. Maari na din agad itong masimulan kapag naauprbahan
upang mapakinabangan pa sa mga taong pampaaralang ito.
Mr.BCS- Saa multa at insentibo, ang mga magoobserba sa pagsunod sa patakarang ito ay
maaring manggaling sa iba pang miyembro. Mabibigyan sila ng mga gawain ng maglista ng mga
nagkakalat, hindi nagsesegregate, at mga sumusunod sa patakaran.
Ms.RAB– Ang mga nailistang sumusunod sa patakaran ay magkakaroon ng pagkakatataon na
manalo ng pagkain sa canteen o di kaya ay gamit sa silid aralan.
Ms.PKB- Maari pagmulan ng pondo dito ang mga makokolektang multa.
Png.ESS(III)– May magbabahagi pa ba? Mga saloobin? Opinyon? Tanong? Kung wala na ay
salamat sa inyong lahat sa paglalaan sa inyong oras at pagdalo sa pagpupulong na ito. Bilang
pagbubuuod, maari bang magbahagi ang ating taga talang si Bb. Nohay?
Ms.ACN-Pagbubuod, sa pagpupulong na ito ay nilatag ang mga suliranin kailangan bigyan ng
atensyon-mga suliranin. Napagkasunduang isagawa ang MRF, pagmumuta, pagbibigay ng
insentibo, at naihanda na ang mga plano sa pagsasagawa.
Png.ESS(III)– Salamat Bb. Nohay. Muli salamat sa koopersayon ninyo at ikinagagalak ko sabihin
nagging matagumpay ang pagpupulong na ito. Bago tayo maghiwahiwawlay ay inaanyayahan ko
kayo yumuko at tayo ay manalangin sa pangunguna ni Bb. Dela Torre.
Ms.JDT- Tayo ay yumuko at damhin ang presensya ng Panginoon.
Itindig ang kapulungan sa ganap na 11:32 ng umaga.
https://eportp312pytha.wordpress.com/2017/10/19/katitikan-ng-pagpupulong/

7. Replektibong Sanaysay
“BARRIO DOCTORS”
ni Lehcar Cambe
Sa kasalukuyang panahon marami ang kumukuha ng kursong medisina. Ako ay isa sa mga
estudyanteng nangangarap maging isang propesyonal na dentista. Nangangarap tayo na
magkaroon ng magandang hinaharap sa kukuhanin nating kurso, magkasuweldo ng malaki o
higit kaunti sa sapat upang maging “stable” ang ating pamumuhay, at lalong
-lalo na sa pinansyal na pangangailangan.
Sa panahon natin ngayon hindi tayo mabubuhay kung walang pera, sapagka’t ito na ang
pangunahing pangangailangan ng bawat isa. Nagiging mataas lang naman ang ating mga
pangarap dahil sa paghahangad natin ng magkaroon ng magandang buhay at magandang
trabaho, pero kung ang pagiging makabayan ang pinag-uusapan, talo tayo; kung mayroon ba
tayong ipinapakitang dignidad o integridad pagdating sa ating propesyon o kursong
ginampanan, wala rin tayo. Paano naman ang ating mga mamamayan na walang sapat na pera
para magpagamot o magpa-checkup? Kung ating iisipin ang isang check-up ay kasing halaga na
ng isang linggong pagtustos sa pang araw-araw na pangangailangan at gastusin. Noong
napanood ko ang maikling palabas na ipinakita ng aming guro, naipakita nito ang sinseridad at
debosyon ng mga doktor sa kanilang propesyon. Naglaan sila ng panahon para mag
“medical mission” sa mg
a taong may karamdaman; naipakita nila ang kanilang pagmamahal sa mga maysakit sa
pamamagitan ng paggamot ng libre. Sa totoo lang, ako ay namangha sa kanilang ginawa, dahil sa
panahon ngayon bihira nalang ang mga doktor na gumagawa ng ganon. Marami silang
ginagawang sakripisyo at pagtitiis, ngunit ginagampanan parin nila ang kanilang responsibilidad
Shulammite Arvee Dauz September 18,2018
STEM 12-9 Filipino 3

bilang isang propesyonal sa lipunan at sa Pilipinas. Sila ang tunay na nagbibigay ng serbisyo sa
mamamayan. Para sa akin, isa silang inspirasyon sa nakararami dahil sa kanilang kakaibang
kakayahan pagdating sa kanilang trabaho. Dahil sa napanood kong ito, nabuksan ang aking
isipan na may mga bagay na dapat akong gampanan para sa kapwa at hindi lamang sa
pansariling kaunlaran, at dapat rin itong maging serbisyo para sa lahat at isaalang-alang ang
ikauunlad ng iba. Bagama’t naghahangad ako ng magandang kinabukasan, trabaho, at buhay ay
palagi pa rin magiging bukas ang aking mga palad para sa mga nangangailangan sa kakahayan
ng isang taong katulad ko. Hindi ako magiging saradong tao; magiging tapat ako sa aking trabaho
at gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang mabigyan ko ng serbisyo ang mamamayan na
hindi kaya ang sariling gastusin sa paggagamot. Hindi dapat laging pera ang iniisip at
pinoproblema ng isang tao dahil naniniwala ako na kapag gumawa ka ng taos-pusong kabutihan
para sa iba ay susuklian ka ng Diyos ng kakaibang kayamanan.
https://www.scribd.com/document/360456256/replektibong-sanaysay-halimbawa

8. Pictorial Essay

Sa panahon ngayon ang buhay ng isang mamayang Pilipino ay


maihahantulad sa ibong nakahawla. Masikip, madilim, walanv
muwang sa mga pangyayari, bulag sa katotohanan, at walang layang
lumipad. Ang ibong ito ay tila nakalimutan na at napag-iwanan na ng
panahon.
https://masongsongrickimae.wordpress.com/2016/10/16/pictorial-
essay
Shulammite Arvee Dauz September 18,2018
STEM 12-9 Filipino 3

9. Lakbay Sanaysay

BAGUIO TRIP

Bilang isang kabataan, nais kong pumunta sa iba’t ibang lugar na may iba’t ibang tanawin. Lalong
lalo na ang mga lugar na talaga namang tinatangkilik ng mga turista, mapadayuhan man na galing ibang
bansa o yung mga taong doon na mismo sa lugar na yon lumaki at nagkaisip. Hindi ko ginagawa ito
upang magbakasyon lamang at magmuni – muni kundi para malaman ko kung saan at paano nga ba
ganoon ang tawag sa lugar na iyon.

At bakit nga ba ito tinatangkilik at dinadayo ng mga turista. Masayamg gawin ito pag kasama mo ang
mga mahal mo sa buhay lalong lalo na ang PAMILYA. Dahil ang pamilya ay isang pinakamahalaga at
magandang regalo sa atin ng Panginoong Hesukristo, ang pamilya ang siyang masasandalan mo sa oras
na ikaw ay may problema.

10. Talumpati
Talumpati Para sa Kahirapan

Talumpati ni Jhiann Lopez

Sa aking magandang mahal na guro, magandang umaga. At sa aking mga masasayahin at


kooperatibong mga kaklase, naway sa maikling sandali ay hayaan ninyong hiramin ko ang inyong
mga taynga.

Ako ay sadyang may isang katanungan sa aking isip, sa tingin niyo, ano ang pinakamalalang
problema ng ating lipunan sa ngayon? Pagnanakaw? Korupsyon? Pagbebenta ng droga? O
kahirapan? Sa aking matagal at masinsinang pagninilay-nilay, aking napagtanto na lahat ng mga
problemang aking nabanggit kanina ay resulta ng kahirapan? Tama. Isa sa pinakamalaking
kinakaharap na problema ng ating bansa ay ang kahirapan.

Dahil sa kahirapan, maraming tao ang nakakagawa ng kasalanan, dala ng kanilang kakulangan sa
pera, ay napipilitan silang gawin ang mga bagay na hindi kanais-nais. Dahil doon, patuloy na
dumarami ang bilang ng krimen sa ating bansa. Tayong mga Pilipino ay nahaharap ngayon sa
Shulammite Arvee Dauz September 18,2018
STEM 12-9 Filipino 3

isang matinding krisis. Namumuhay tayo ng salat sa mga pangunahing pangangailangan upang
tayo ay mamuhay ng matiwasay. Taon-taon ay mas lumalala pa ang problema ng ating bansa na
hindi masolusyunan dala ng kahirapan.

Isa sa pangunahing dahilan nito ay ang mga korap na opisyal ng gobyerno. Ninanakaw nila ang
ang kaban o pondo ng ating bansa na para sana sa ikauunlad ng mamamayang Pilipino, ngunit
napupunta sa sariling bulsa ng mga opisyales, kung kaya naman mas ramdam natin ang krisis. Isa
pang dahilan ang kawalan ng mapapasukang trabaho ng mga tao kasabay ng sunod sunod na
pagtaas ng bilihin. Paano tayo makararanas ng isang matiwasay na pamumuhay kung ang mga
pangunahing pangangailangan pa nga lang ay hindi na natin kayang tustusan?

Isa pang dahilang ng kahirapan ay ang katamaran at maling pag uugali nating mga Pilipino. Ang
katamaran ang nagunguna sa mga dahilan ng paghihirap ng mga tao. Wala silang tiyaga na
maghanap ng mga posibleng paraan kung paano nila iaangat ang buhay nila sa kahirapan na
kanilang tinatamasa. Ang mga oportunidad ay nababalewala dahil ang mga tao ay nakukuntento
na sa salat nilang pamumuhay.

Ang mga nasabing halimbawa ay ilan lamang sa mga kaisipan na maaari kong ibahagi sa inyo.
Ilan lang ang mga ito sa mga pangunahing dahilan ng paglaganap ng kahirapan sa ating bansa.

Mamarapatin pa ba natin ang mamuhay ng salat? Bakit nga ba hindi tayo makaahon sa
kahirapan? Kailan pa tayo kikilos upang magbago ang takbo ng ating buhay?

Ako bilang isang kabataan, ay may layunin akong gawin ang aking makakaya para hindi maging
isang mahirap at hindi maituring na isang basura lamang sa aking lipunan. Sa simpleng
pamamaraan, ako’y magsisikap makapagtapos ng pag-aaral nang sa gayon ay magkaroon ng
magandang kinabukasan. Hindi lamang ako kundi pati ikaw, tayong lahat ay kinakailangan ng
pagkakaisa tungo sa kaunlaran. Lahat tayo ay may magagawa para sa kinabukasan ng ating
bayan, isang bansa na magagamit,maipagmamalaki at higit sa lahat ay maipapamana sa susunod
pang henerasyon.

Ano pa nga bang hinihintay natin? Ang patuloy pang lumala ang kahirapan na ating natatamasa?
Bakit hindi tayo kumilos? Magsikap tayo habang maaga pa upang umunlad ang ating buhay!
https://pinoycollection.com/talumpati-tungkol-sa-kahirapan/

You might also like