You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Quezon City
BATASAN HILLS NATIONAL HIGH SCHOOL
IBP Road, Batasan Hills, Quezon

Pilipinolohiya Tungo Sa Pagkilala At Pagpapahalaga Sa Pagka-Pilipino


Panukalang Saliksik mula sa Pangkat 5 ng 12 STEM B. Nebres, taong panuruan 2022-2023
(Hango sa saliksik ni Rodriguez-Tatel M. J. B., “Araling Etniko Sa Wikang Filipino: Pagpapaibayo
ng Pilipinolohiya/Araling Pilipino”.)

I. Rasyonal/Layunin

Layon ng artikulong “Araling Etniko Sa Wikang Filipino: Pagpapaibayo


ng Pilipinolohiya/Araling Pilipino” ang pagbibigay liwanag sa kahalagahan ng Araling
Etniko sa pag-aaral ng wikang Filipino maging sa sambayanan.

Makikita sa artikulong binubuo ng iba't ibang tesis at disertasyon, na ang


usaping Etnolinggwistiko ay mayroong malawak na koneksyon sa wikang Filipino. Ang pag
aaral ng Araling Etniko ay nagbubukas ng kamalayan na sumisimbolo ng pinagmulan ng
kultura, sentralisadong mga kasaysayan at pagbabalik-tanaw sa iba't ibang tradisyon. Ito ay
mas lalong pinagtibay ng Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas o RP taong 1987, kung saan
binigyang diin ang usaping “Ang dinamikong katangian ng Pambansang Lingua Franca ay
malinaw na isang wikang nalilinang at nararapat na payabungin at pagyamanin na salig sa mga
umiiral na mga wika ng Pilipinas.” (Artikulo 14, Seksyon 6). Sa kadahilanang ito, malayo na
ang tinahak ng mga pag- aaral sa Pilipinas at masasabing nag-ibayo na ang pag-aaral na ito
mula sa pag-aaral ng mga banyaga o tagalabas patungo sa loob ng kapilipinuhan. Dahil ang
kapilipinuhan ay kinakatas sa iba't ibang grupong etnolinggwistiko, nais itampok sa unang
isyu ng ika-anim na tomo ng SALIKSIK E-Journal ang masiglang pakikibahagi sa
pagpapaibayo ng mga Araling Pilipino ang mga Araling Etniko sa wikang Filipino.
Naglalayon din ang tomong ito na makatulong sa tunguhin na pagtatayo o pagtatag ng
isang pormal na disiplina sa nalalapit na hinaharap. Sa pamamagitan ng Filipino bilang
daluyan at Pilipinolohiya/AP bilang kabuuang larangan at paradaym, tumatawid ang mga
aralin at pag-aakda mula sa paggigiit ng iba’t ibang kakanyahang etniko o “pagkabayan”
patungong magkakaugnay na mga kakayahan sa balangkas ng “pagkabansa” .

Ipinag-iiba sa Ethnic Studies ng tradisyong Europeo-Anglo-Amerikano, higit


na pinahahalagahan sa Araling Etniko ang masisiglang talaban: una, sa pagitan ng mga
bahaging kalinangang etniko at kabuuang kabihasnang pambansa; at ikalawa, sa pagitan ng
tradisyon ng kapantasan at pambansang wika. Sa unang isyu ng ika-anim na tomo ng
SALIKSIK E-Journal, matutunghayan din sa mga itinampok na exemplar (tesis o disertasyon)
at mga iniambag na akda kung paano bumubuo ng isang pambansang tradisyon ng
kapantasan tungkol sa kalinangan, kamalayan, at kasaysayan ng mga grupong etnolinggwistiko
gamit ang wikang Filipino, gayundin naman, kung paano pinauunlad ng iba’t ibang kaalamang
etniko/bayan ang wikang ito ngunit hindi parin maiiwasan ang pagkakaroon ng hindi
pagkakasunduan dahil sa ikaapat na kalakaran, ito ay taliwas sa unang tatlong antropolohikal na
pag aaral kung kaya't isinulong ni Aaron Vierres ang pagkakaroon ng kamalayan hindi lamang
sa Araling Etniko kundi pati na rin sa Kasaysayan.

BATASAN HILLS NATIONAL HIGH SCHOOL


IBP Road, Batasan Hills, Quezon City, 1126
batasanhighschool 9 8 @ yahoo . com
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Quezon City
BATASAN HILLS NATIONAL HIGH SCHOOL
IBP Road, Batasan Hills, Quezon

II. Mga Suliranin


Sa proseso ng pag-unawa at pagsasabuhay ng mga mensaheng nais ihatid ng awtor
ng nasabing artikulo, umusbong ang ilang mga katanungang naging dahilan at
sandigan sa pagkakaroon ng mga bagong ideyang konektado sa paksa na nais mabigyang
solusyon ng mga mananaliksik:

1. Bilang pagpapalalim, ano ang kahalagahan ng pag-aaral ng konsepto


ng Pilipinolohiya?
2. Sa papaanong paraan maaaring mapalawak ang saklaw ng katutuhan
sa Pilipinolohiya?
3. Ano ang benepisyong hatid ng pagpapalalim at paghahasa ng kaalaman sa
konsepto ng Pilipinolohiya?

III. Mga Solusyon


Mula rin sa nasabing artikulo, maging sa ibang mga akademikong sulatin,
nagpakita ang mga ito ng mga posibleng solusyon na maaaring maiangkop sa mga
katanungang namalagi sa mga manananaliksik:

1. Bilang pagpapalalim, ano ang kahalagahan ng pag-aaral ng konsepto


ng Pilipinolohiya?
- Mahalaga ang pagkakaroon ng mulat na kaisipan sa konsepto ng
Pilipinolohiya sapagkat ang pag-unlad ng bansa ay magmumula sa pagkakaroon
ng kamalayan sa wikang nagsisilbing komunikasyon ng lahat. Gamit ang
kaalamang ito, maaari itong maging gabay tungo sa pagkakaroon ng
progresibo at modernong perspektibo sa mga Pilipino (Rio-Apigo, 2020).

2. Sa papaanong paraan maaaring mapalawak ang saklaw ng katutuhan


sa Pilipinolohiya?
- Isang paraan ang ginawa nina Bautista at Pe-Pua ( 1991) bilang pagpapalawak
ng kaalaman, ang paglalathala ng librong tungkol sa Pilipinolohiya. Itinatalakay
dito ang kahulugan, kasaklawan, at perspektiba ng Pilipinisasyon bilang
isang larangan. Dagdag pa ang perspektibong historikal ni Salazar (1998) sa
pagbuo at pagdidipirensiya ng Pilipinolohiya sa Philippine Studies. Inilathala
niya ang kaisipang ito sa pamagat na “Philipine Studies and Pilipinolohiya:
Past, Present, Future of Two Historic Heuristic Views in the Study of the
Philippines” noong
1991. Sa pagkakataong ito naipalawak ang saklaw ng Pilipinolohiya bilang
isang kaagapay ng anumang pagaaral ng mga pilipino patungkol sa
pagpapaibayo ng “kapilipinuhan” .

3. Ano ang benepisyong hatid ng pagpapalalim at paghahasa ng kaalaman sa

BATASAN HILLS NATIONAL HIGH SCHOOL


IBP Road, Batasan Hills, Quezon City, 1126
batasanhighschool 9 8 @ yahoo . com
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Quezon City
BATASAN HILLS NATIONAL HIGH SCHOOL
IBP Road, Batasan Hills, Quezon

konsepto ng Pilipinolohiya?

BATASAN HILLS NATIONAL HIGH SCHOOL


IBP Road, Batasan Hills, Quezon City, 1126
batasanhighschool 9 8 @ yahoo . com
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Quezon City
BATASAN HILLS NATIONAL HIGH SCHOOL
IBP Road, Batasan Hills, Quezon

- Nabibigyan ng bagong porma ang kaisipan sa pagkakaroon ng kamalayan


sa konsepto ng Pilipinolohiya. Nagiging makabuluhan ang bawat
konkretong karanasan nilalakipan ng katutubong konsepto.
Nagkakaroon din ng pagpapahalaga ang paggamit ng konseptwal na
balangkas at teorya ng mga tesis at disertasyon na layong makapagbigaw ng
pananaw hinggil sa produksyon ng kaalaman sa larangang Philipine Studies
o Araling Pilipino (Rodriguez-Tatel, 2015).

IV. Konklusyon
Sa kabuuan, masasabing mahalaga ang pagkakaroon ng kamalayan at malalim na
pag- unawa sa konspeto ng Pilipinolohiya sapagkat ito ang nagsisilbing batayan ng
pagkakaroon ng mulat na kaisipan at nagbibigay depinisyon sa pagkapilipino. May
kakayahan din itong magbuklod ng mga mamamayang Pilipino sa pamamagitan ng
mabisang komunikasyon, pagpapanatili sa sigla ng kasaysayan, maging ang pag-unlad
ng bansang Pilipinas ay sa konspeto ring ito nakasalalay. Isa ang Pilipinolohiya sa mga
tulay na maaaring magbigay ng kaalamang kaunlaran sa mga mamamayan ng Pilipinas
tungo sa pagkakaroon ng masulong na persektibo.

V. Bibliyograpiya

Bautista, Violeta at Rogelia Pe-Pua, mga pat. 1991. Pilipinolohiya: Kasaysayan, Pilosopiya,
at Pananaliksik. Manila: Kalikasan Press.

Rio-Apigo, M. V. (2020). Si Bayani S. Abadilla at ang pagkatatag ng Filipinolohiya sa


Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas. Malay, 33(1).

Rodriguez-Tatel, Mary Jane B. (2017) Araling Etniko sa Wikang Filipino: Pagpapaibayo


ng Pilipinolohiya/ Araling Pilipino. Unibersidad ng Pilipinas - Diliman, Quezon City.

Rodriguez-Tatel, Mary Jane. 2015b. Philippine Studies/Araling Pilipino/Pilipinohiya sa


Wikang Filipino: Pagpopook at Pagdadalumat sa Loob ng Kapantasang Pilipino. Humanities
Diliman 12, blg. 2 (Hulyo-Disyembre): 110- 179.

Salazar, Zeus. 1991c. Paunang Salita. Nasa Pilipinolohiya: Kasaysayan, Pilosopiya, at


Pananaliksik, mga pat. Violeta Bautista at Rogelia Pe-Pua, 5-9. Manila: Kalikasan Press.

Salazar, Zeus. 1998b. "Philippine Studies" and "Pilipinolohiya": Past, Present, and Future of
Two Heuristic Views in the Study of the Philippines. Nasa The Malayan Connection: Ang
Pilipinas sa Dunia Melayu, 301-324. Quezon City: Palimbagan ng Lahi.

Salazar, Zeus. 1998c. Pilipinolohiya: Pagtatakda at Pagpapaibayo. Nasa The Malayan


Connection: Ang Pilipinas sa Dunia Melayu, 327-352. Quezon City: Palimbagan ng Lahi.

BATASAN HILLS NATIONAL HIGH SCHOOL


IBP Road, Batasan Hills, Quezon City, 1126
batasanhighschool 9 8 @ yahoo . com

You might also like