You are on page 1of 5

"Kahalagahan ng Asignaturang Filipino sa

Pag-aaral ng Senior High School sa

Paaralan ng GFTSISHS"

PT 2023-2024

Bilang Pagtupad sa Pangunahing Pangangailangan

sa Filipino sa Piling Larang

Isang Pananaliksik na inihaharap para kay

Gng. Maricar Francia

Dalit, Jeremy A.

2024
RATIONALE

Ang asignaturang Filipino sa senior high school ay may mahalagang papel sa paghubog ng
kasanayan sa komunikasyon at pag-unawa sa sariling kultura. Ito'y naglalaman ng mga aralin sa wika,
panitikan, at kulturang Filipino na naglalayong palalimin ang pagkakakilanlan ng mga mag-aaral sa
kanilang bansa. Bukod dito, ang pag-aaral ng Filipino ay nagbibigay daan sa masusing pagsasanay sa
paggamit ng wika para sa masining na pagpapahayag at pag-unawa ng iba't ibang anyo ng teksto.

LAYUNIN

1. Ang layunin ng kahalagahan ng asignaturang Filipino sa pag-aaral ng senior high school ay ang
pagpapaunlad ng mga kasanayan at kaalaman sa wikang Filipino bilang pambangsang wika natin.

2. Layunin din nito ang malinang ang pagkaunawa at pagpapahalaga sa kultura, tradisyon, at mga
panitikan ng bansa.

3. Makatulong sa pagpapalawak ng kaalaman sa kultura at kasaysayan ng bansa.

4. Magbigay ng kakayahang magkomunikasyon sa wikang Filipino, na mahalaga sa pang-araw-araw na


buhay at sa trabaho.

5. Palawakin ang kaakaman sa wika at panitikan at magpakita ng kahalagahan ng kultura at kasaysayan


ng Pilipinas.

SULIRANIN

Maaaring isa itong suliranin kung hindi sapat ang mga oras at pasilidad na ibinibigay para sa pag-
aaral ng Filipino. Hindi sapat na mayroon lamang itong mahigpit na oras ng 30-60 minuto sa isang araw.
Kailangan ng mga mag-aaral ng sapat na panahon upang maipraktis at malinang ang kanilang mga
kasanayan sa pagbasa, pagsulat, at pakikinig sa wikang Filipino.

INPUT, PROCESS, OUTPUT (IPO)


INPUT PROCESS
1. Mga mag-aaral ng nag-aaral sa senior 1. Pangongolekta ng mga sagot sa
high school palatanungan
2. Pagsasaliksik ng mga impormasyon 2. Pagsasaayos ng mga detalye para sa
tungkol sa mga paksa na isinagawa sa gagawin na paksa
asignaturang Filipino
3. Pagtukoy sa mga paksa o aralin sa
3. Maglaganap ng mga datos tungkol sa asignaturang Filipino na nagbibigay ng
kahalagahan ng asignaturang Filipino sa malawakang kaalaman para sa
Pag-aaral ng senior high school pakikipag komunikasyon ng mga mag-
aaral

OUTPUT

Pagkabuo ng pananaliksik na ito


“kahalagahan ng asignaturang filipino sa
pag-aaral ng senior high school”

REVIEW OF RELATED LITERATURE (RRL)


Ayon Kay Albao (2016), Ang kahalagahan ng asignaturang Filipino sa kolehiyo ay makakatulong
upang mas maging malawak ang ating kaalaman sa pagsulat at pagbasa. Hindi lang nahuhubog ang
kagalingan sa pagsulat at pagbasa kundi nadadala rin natin ang pagiging makabansa natin na aspeto
tungo sa larangan ng kultura natin bilang Pilipino.

Bilang tugon sa mga pangyayari at sa globalisasyon, ang mananaliksik ay naglalayong matulungan


ang mga guro sa pagdetermina kung positibo o negatibo ang pananaw ng mga mag- aaral ng kolehiyo sa
kursong Filipino.

Ang asignaturang Filipino ay higit na mahalaga sapagkat tumatalakay ito sa pag-aaral ng tamang
paggamit ng ating wika lalong lalo na ang mga kayamanang literature tulad ng mga akda ng mga
batikang manunulat at iba pang mga kaalaman na ating kailangan bilang isa Pilipino.

LEGAL BASIS

BATAS REPUBLIKA BLG. 9155

Isang batas na nagpapaloob ng isang balangkas ng pamamahala para sa batayang edukasyon, nagtatatag
ng awtoridad at pananagutan, nagpapalit ng pangalan ng kagawaran ng edukasyon, kultura, at
palakasan bilang kagawaran ng edukasyon, at para sa iba pang layunin.

BATAS REPUBLIKA BLG. 10533

Ipinahusay ng isang batas ang sistema ng pangunahing edukasyon sa pilipinas sa pamamagitan ng


pagpapalakas ng kurikulum nito at pagpapataas ng bilang ng taon para sa pangunahing edukasyon,
naglalaan ng pondo para dito at para sa iba pang layunin.

REFERENCES
https://www.officialgazette.gov.ph/2013/05/15/republic-act-no-10533/

https://www.officialgazette.gov.ph/2001/08/11/batas-republika-blg-9155/

https://www.researchgate.net/publication/
347951399_Lawak_ng_Pagpapahalaga_ng_mga_Estudyante_sa_Asignaturang_Filipino_Kaugnay_ng_K
anilang_Akademik_Performans

You might also like