You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

CAVITE STATE UNIVERSITY


Don Severino de las Alas Campus
Indang, Cavite

KOLEHIYO NG SINING AT AGHAM


KAGAWARAN NG AGHAM PANLIPUNAN

GNED 04: Mga Babasahin Hinggil sa Kasaysayan ng Pilipinas

Unang Semestre, AY 2022-2023

PAUNANG PAGSUSULIT (PRELIMINARY EXAMINATION)

Mga Paalala:

1. Ang pagsusulit na ito ay naglalaman ng 5 tanong na may kabuuang 100 puntos. 2. Magbigay ng
mga pagsipi o references para sa bawat output (kung mayroon) 3. Pormat: Arial, 12, 1.5 spacing,
A4, Margin (1 all sides), PDF
4. Pormat ng pangalan ng awtput: Apelyido_Prelim (eg. Alcazar_Prelim) 5. Deadline:
Oktubre 22, 2022 – 11:59 PM

SANAYSAY. Panuto: Basahin ng mabuti ang bawat tanong. (20 puntos ang bawat isa)

1. Ano ang kasaysayan? Paano nito binabago at hinahamon ang ating kasalukuyang panahon?
2. Base sa librong Babasahin Hinggil sa Kasaysayan ng Pilipinas ni G. Gil Ramos, nabanggit ang mga ideyang
“Sanaysay na nagsasaysay, na isinasaysay dahil may kabuluhan ito para sa nagsasaysay” Paano
mo ito ipaliliwanag?
3. Pumili nang isang makasaysayang pangyayari o historical event na naganap sa Pilipinas. Ilahad ang
halaga at epekto nito sa ating bansa.
4. Ayon kay Professor Emeritus Maria Luisa T. Camagay, PhD ng UP Departamento ng Kasaysayan ng
Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya, ang “historical revisionism” ay normal na bahagi ng
pagsusulat ng kasaysayan kung may bagong ebidensiyang nadiskubre. Datapwat ang historical
negationism o pagbabaluktot ng kasaysayan ay bumabago naman sa kasaysayan na lumilikha o
gumagawa ng bagong ebidensiya, tinatawag din itong historical distortion at historical denialism. Ang
tanong, ano ang dapat mabatid sa pag-aaral ng kasaysayan?
5. Bigyang katarungan ang sa palagay mo ay kaugnayan ng kursong Mga Babasahin Hinggil sa
Kasaysayan ng Pilipinas sa iyong programa o kurso

“Katakutan ninyo ang Kasaysayan dahil walang lihim na maitatago rito!”


- Andres Bonifacio

Inihanda ni:

MARC DARISH P. ALCAZAR


Tagapagturo, CAS-DSS
1.

Kasaysayan at ang kahalagahan nito sa modernong panahon

Ano ngaba ang kasaysayan ? Sa simpleng termino ay ang mga nakalap na datos ng nakaraan
partikulo sa pangkapakanan na naganap sa mga tao, nagsisilbing mahalagang bagay ang kasaysayan
para sa satin dahil ito ay nagging kagamitan para sa ating pagaaral at paglilinaw ng nakaraan.Ito rin
ang nagsilbing dahilan ng ating pag-angkop sa makabagong panahon lalong lalo na kapag itoy
patungkol sa ating kultura at relehiyon.

Ika nga sa akda ni Peter Stearns “ History helps us understand change and how the society
we live in come to be. Kahit sa modernong panahon na iniisip nating ang kapakanan ng hinaharap ay
hindi natin maiiwasan ang kasaysayan bagamat ang kasalukuyan ay bunga ng kasaysayan. Sa mga
malalaking kaganapan . Halimbawa nito ay ang mga malalaking pagbabago kagaya ng pagtaas ng
crime rate sa isang lugar,kinakailangan natin humanap ng mga salik na naganap noong nakaraan ,
dahil kadalasan sa pagaaral ng kasaysayan natin mahahanap ang sapat na impormasyon para
masagot at malinaw ang mga salik sa pagbabago.

2.

Ideya sa ideya ni Gil Ramos na “Sanaysay na nagsasaysay, na isinasaysay dahil may


kabuluhan ito para sa nagsasaysay”

Ayon sa aking pagkakaunawa sa ideyang nabanggit , ipinapahiwatig nito ang kahalagahan


ng mg abatis na nasa anyo ng sanaysay,dokumento o mga impormasyon na nagsisilbing taga
sanaysay para sa mga nagsisilbing madla nito. Sa pangalawang parte ng ideya na sinasabing “ na
isinasaysay dahil may kabulunan ito para sa nagsasaysay “ ang aking pagkakaintindi dito ay ang isang
sanaysay at datos na nakaraan ay hindi lamang nagkakaroon ng halaga sa pagbibigay ng datos
bagamat nagkakaroon din ito ng importansya para sa sumulat o nagsilbing primarying batis at maaring
dahil sa pagkakilala at pagkakaroon ng malaking impluwensya
3.

People Power Revolution o EDSA Revolution bilang isang makasaysayang


Pangyayari

Isa sa mga makasaysayang pangyayari na nagiwan ng malaking bakas sa ating bansa at


maging sa ating mga mamayan ng Pilipinas ay ang People Power Revolution na mas kilala sa tawag
na EDSA Revolution, ito ay ginanap noong February 22 to 25 1986. Ito ay isang kampanya na binubuo
ng kapwa filipino na hindi sumangayon sa violenteng pamamalakad at sa pandaraya sa resulta ng
boto.Ang protesta ang nagsilbing dahilan ng pagkatalsik sa pwesto bilang pangulo ni Ferdinand
Marcos , dahil sa EDSA Revolutio ay muling naibalik ang demokrasya sa ating bansa.

4.

Mga salik na dapat tayong mabatid sa pag aaral ng kasaysayan

Ang pagaaral ng kasaysayan ay isang napakahalagang tungkulin para sa atin bilang isang
estudyante,dahil atin itong itong ginagamit bilang insturemento sa pagkuha o pagkalap ng
impormasyon at ebidensya.Ngunit may mga salik na dapat tayo ay mabatid , isa sa mga salik na ito ay
ang pagiging lehitimo ng isang impormasyon ukol kasaysayan. Ika nga sa akda ni Heather Clemons,
kailangan mo munang alamin kung wasto o bisa ang isang impormasyon nararapat din natin alamin
kung sino ang mga may akda, ugaliin din alamin ang background kung siya ba ay may malawak na
kaalaman sa kanyang akda at kung siya ay dalubhasa dito.Isang paraan din ng malaman ang pagiging
lehitimo ng isang impormasyon ay ang pag aaral at pagkukumpara ng isang napatunayan na
pananaliksik.

5.

Kahalagahan ng Paksang Gned 04 sa Pagiging Journalist

Ang paksa na Gned 04 ay malaking parte sa proseso ng pagiging isang journalist kaya
naman masasabi ko na ang kursong ito ay may kaugnayan sa pagiging journalist. Sa kadahilanan na
isa sa mga papel ng isang journalist ay ang pagbibigay ng impormasyo sa ating mga mamayan , kayat
naman sa Gned 04 ay hinahasa ang bawat estudyante sa pagaaral ng kasaysayan para maipamahag
ang ating natutunan,kaya naman kung ang lahat ay magsisikap at makapagtapos lahat ng mag-aaral
ng nakaraan na nilinaw sa subject na ito ay ating magagamit sa hinaharap bilang mga mamahayag.

You might also like