You are on page 1of 2

Shimomura, Yuko M. Mr. Jonel N.

Cañeso

BABr 1 – 1N Lesson 2

“PAGTUKLAS SA NAKARAAN”
Readings in Philippine History | Assessment #2

Sa mga nagdaaang taon, naging malinaw sa atin kung papaano patuloy na nalugmok ang ating

bansa dahil sa paglaganap ng mga maling impormasyon. Alinsabay nito, marami sa ating mga

kababayan ang tila nakalimot sa ating kasaysayan at nilamon ng maling sistema. Ang mga

naghaharing-uri ay malayang nilalason ang ating mga utak at binabalutok ang nakaraan upang

isulong ang kanilang mga makasariling adyenda. Sa mga kadahilanang ito, maliwanag na

napakahalaga ng gampanin ng edukasyon upang tayo ay maliwanagan sa kritikal na lagay ng ating

lipunan. Kaya naman importante rin na ang bawat mamamayang Pilipino ay maalam sa ating

kasaysayan at iba pang saklaw nito partikular na sa kung anu-ano ang mga metodo sa pagsisiyasat

ng mga dokumentong may kaugnayan sa mga makasaysayang tao at pangyayari.

Ang pagtalakay sa mga metodolohiya sa pagsusuri at pagsusulat ng mga dokumentong

pangkasaysayan ay hindi lamang limitado para sa mga kumukuha ng kurso sa kasaysayan kung

kaya importante rin itong mabatid ng iba pang mga estudyante. Mahalaga ito sa bawat isa sa atin

sapagkat sa pamamagitan nito ay matututo tayong tukuyin at salain ang totoong kaalaman sa mga

naglipanang mga huwad na naratibo at impormasyon. Makatutulong ito upang tayo ay mamulat sa

katotohanan at mas maging maalam sa mga napapanahong isyu. Bukod dito, ang mga napag-

aralang metodo ay nagbibigay pasilip sa kung anu-ano ang mga prosesong pinagdadaanan ng ating

mga historyador para maisulat ang kasaysayan. Dahil dito, ating mas mabibigyang pugay at halaga

ang kanilang mga sakripisyo at katapangan sa kanilang sinumpaang gawain.


Ang pagtuklas at pag-aaral ng kasaysayan ay halos walang katapusang trabaho.

Panapanahon ay may mga sumusulpot na bagong mga dokumento at ibang pang ebidensya na

nagiging dahilan kung bakit kinakailangan rebisahin ang kasaysayan. Kaya naman hindi rin

maituturing na imposibleng kaganapan na ang isang ordinaryong tao ay makadiskubre ng mga

posibleng makasaysayang bagay. Pagdating sa ganitong senaryo, napakahalaga na ang isang

indibidwal ay mayroong kahit kaunting kaalaman patungkol sa mga metodo na kinakailangang

sundin sa pagsisiyasat ng kanyang natuklasang bagay upang ito ay maproseso nang naaayon sa

tamang paraan. Kaya naman ang pag-aaral ng mga nasabing metodo ay mahalaga sa lahat at hindi

lamang sa mga taong nagpapakadalubhasa sa larangan ng kasaysayan.

Sa panahon kung saan kritikal ang lagay ng kasaysayan, ang bawat mamamayan ay nararapat

na maging maalam patungkol sa mga nabanggit na aralin. Sama-sama tayong bumuo ng lipunan

na puno ng mga indibidwal na may tunay na malasakit at pagpapahalaga sa nakaraan. Tayo ay

makiisa sa ating mga magigiting na historyador sa pagpapayabong ng ating kasaysayan. Imulat

natin ang ating mga kapwang patuloy na nakapikit, at progresibong kumilos tungo sa mas maayos

na lipunan. Ngayong tayo ay nasa kasalakuyan, ating misyon na gawing mas maayos at klaro ang

kasaysayan na mababasa ng mga susunod na henerasyon sa hinaharap.

You might also like