You are on page 1of 6

Lupera, Jayven C.

History 1

Gawain 1

1. Ano ang ​kasaysayan?


● Ang kasaysayan ay may salitang ugat na “saysay” at nag bibigay ito
ng diin sa elmento ng pagiging makabuluhan. Sa simpleng
pangungusap, ang kasaysayan ay isang makabuluhang salaysay
tungkol sa nakaraan. Dadag pa rito, ang kasaysayan ay ang
pagsasalaysay tungkol sa ating sarili o tungkol sa ating ugnayan sa
ibang kabihasnan.

2​. ​Paano na iiba ang ​kasaysayan​ at ​history?



● Ang salitang kasaysayan ay likas na sa kultura at kamalayan ng
Pilipino. Ang salitang history naman ay nag mula sa kanluraning
karanasan at diskurso. Eto ay nanggaling sa tradisyon ng mga
Greyigo na dinala ng mga Español noong ika-16 na siglo. Ang
pagkakaiba nilang dalawa ay ang kasaysayan ay ang pagkakaroon
ng say-say o pagiging makabuluhan habang ang history naman ay
ang pagsasalaysay ng walang partikular na diin sa kabuluhan
(Veneracion, 1983 at 1984).

3. ​Gumawa ng isang mapang konseptuwal kung saan


matatagpuan sa gitna ang salitang “kasaysayan.” Isipin kung
anu-ano ang mga konsepto o salita na nakaugnay sa salitang
“kasaysayan” at bumuo ng mga sanga mula sa gitna.
Gawain 2

1. Anu-ano ang mga batayang konseptong pangkasaysayan?


● Mayroong limang batayang konseptong pangkasaysayan, ito ay ang
Pagpapatibay ng kabuluhang pang kasaysayan, pag gamit ng
primaryang sanggunian, pagtukoy sa mga bago at nag pa tuloy, pag
suri sa mga sanhi at epekto, pag-unawa sa mga pananaw
pangkasaysayan, at pagkilala sa etikal na aspeto na aspekto ng
kasaysayan.

​2. Bakit mahalagang matutunan ng isang indibidwal ang mga


konseptong pangkasaysayan?
● Ang konseptong pangkasaysayan ay may importanteng parte na
ginagampanan sa pag-iisip ng tao. Nag bubukas ito ng daan upang
matuto tayo sa ating nakaraan. Kaya mahalagang matutunan ng
isang indibidwal ang mga konseptong pangkasaysayan upang
maunawaan ang pangkasalukuyang nangyayari sa pamamagitan ng
pag unawa ng mga dahilan kung paano tayo dinala ng mga ating
mga desisyon at aksyon mula sa nakaraan patungo sa kasalukuyan.

3. Tingnan at pag-aralan ang dalawang larawan ng Ilog Pasig mula


sa taong 1900 at taong 2010 (makikita sa Apendise A: Mga
Larawan ng Ilog Pasig) at sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Anu-ano ang napapansin ninyo tungkol sa mga larawan?
● Sa pag-lipas ng panahon, marami ang pinag bago ng ilog Pasig,
naging mas moderno ito. Noon, ang Ilog Pasig ay nag silbing
daanan ng mga barko ng Español at gayon din nga mga lokal na
mamamayan, nag silbi din ang ilog pasig na pinagkukunan ng tubig.
Pero sa pag daan ng mga panahon, dahil sa kapabayaan at patuloy
ng ​industrial development,​ naging marumi at d kaaya-aya ang ilog
Pasig na.
2. Bakit mahalaga ang Ilog Pasig?
● Mahalaga ang ilog Pasig dahil naging daanan ito ng mga sasakyang
pang dagat ng mga tao, Pilipino man o maging ang mga dayuhan.
Noon, pinagkukunan din ang ilog Pasig ng tubig at mga isdang
makakain sa araw-araw, ngunit ng dumaan ang panahon, hindi na
mainam na kumuka ng pagkain sa Ilog Pasig dahil hindi na ito ligtas
sa pagkat marumi na dahil sa polusyon.

3. Ano ang nagbago? Ano ang nagpatuloy?


● Sa pagdaan ng panahon, maraming bagay ang nag bago sa ilog
Pasig, kasama na dito ang mga hayop na mumuhay sa ilog. Dahil sa
patuloy na pagtambak ng basura ng mga tao, nag bago ang estado
​ g ilog Pasig, nawala ang mga hayop na malayang
ng ​marine life n
nakakalangoy sa ilog, malinis at ang maaliwalas na tubig ay
napalitan ng mabaho at madumig tubig. Gayon pa man, ang ilog
Pasig ay nananatili paring daanan ng mga sasakyang pangdagat.
May mga tulay din ditong dinadaanan ng mga sasakyan.

4. Anu-ano kaya ang mga sanhi at epekto ng mga


pagbabagong ito?
● Ang sanhi ng mga pagbabagong ito ang mga tao ding wala disiplina
sa sarili. Ang basura at kalat na na pupunta sa ilog ay naging sanhi
ng lahat ng pagbabago na nangyari sa ilog Pasig, dahil sa naging
madumi na ang tubig at hindi na tulad ng dati.
Gawain 3

1. Anu-ano ang mga hamon sa pagbubuo ng naratibo sa


kasaysayan?
● Maraming mga hamon ang hinaharap ng mga historyador sa pagbuo
ng naratibo tungkol sa kasaysayan. Ang isa dito ay ang kawalan ng
basehan at datos na pag kukunan, dahil hindi lahat ng mga
sanggunian sa nakaraan ay nananatili sa kasalukuyan. Hindi rin
lahat ng naganap sa kasaysayan ay na saksihan ng tao, kahit man
na saksihan ito, ka-unti din lang ang na alala at kakaramput lang
doon sa mga na alala ang na isulat mismo. Di rin ma iiwasa na
maging bias ng isang Historyador, natural na lamang na may mga
sariling opinyon ang historyador dahil sila ay tao lamang. Kaya ka
laking hamon sa mga historyador na makapag tala ng detalyado at
tama na naratibo tungkol sa kasaysayan.

2. Paano ito hinaharap ng isang historyador?


● Mahirap man ang mga hamong hinaharap ng mga historyador, hindi
ito naging hadlang upang maka likha sila ng mga naratibong
mapapakinabangan ng hindi lamang sa sariling niyang henerasyon
at pati narin ang mga susunond na henerasyon pa. Hinaharap ng
bawat historyador ang mga hamon na ito ng ng maingat, hindi nila
hinahayaang walang kabuluhan ang mga na isulat nila. Tinitiyak din
nila na ang binabayan ng kanilang pag-aaral ay tiyak at matibay na
ebidensya.

3. Batay sa diskusyon, ano ang mahihinuha mo tungkol sa


kalikasan (nature) ng kasaysayan?
● Importante ang kasaysayan dahil ito ay ang pag-aaral ng
nakaraan at kung paano ito nakaka apekto sa kasalukuyan.
Sa pamamagitan ng pag-aaral sa nakaraan, makakahanap
tayo ng mainam na solusyon sa mga problema para hindi
na ito ma ulit sa hinaharap.

B. Tingnan ang larawan ng proseso ng pagbubuo ng naratibo


(Larawan 1, sa susunod na pahina). Ano ang ibig sabihin ng bawat
bilog sa larawan? Ano ang sinasabi ng larawan na ito tungkol sa
proseso ng pagbubuo ng naratibo sa kasaysayan?
● Marami pa ang pagdadaanan bago maka buo ng isang mainam na
naratibo tungkol sa kasaysayan. Kung tayo ay mag babalik tanaw sa
nakaraan, ito ay napa kanlawak. Hindi lahat ng naganap sa
nakaraan ay na saksihan ng tao, at yung mga na saksihan ay di rin
maalala ng buong nangyari. Sa mga pangyayaring na alala, may
mga taong walang kakayahang maisulat kug ano ang kanilang
nasaksihan, kaya sa napakalawak nating nakaraan ay ilang bahagi
lamang nito ang may na isulat na naratibo.

Gawain 4

1. Bakit kailangan aralin ang kasaysayan​?


● Ang pag-aaral ng ating kasaysayan ay ang pagbabalik tanaw sa
ating nakaraan. Napa ka mahalagang pag-aralan natin ang ang
ating nakaraan. Dito natin ma uunawaan kung ano ang
pinanggalingan ng nga bagay-bagay sa ating kasalukuyan. Isa rin
itong paraan upang tayo makapag handa sa ating hinaharap.
Importante ding malaman natin ang mga mahahalagang pangyayari
na naganap sa ating nakaraan.

2. Anu-ano kaya ang epekto sa lipunan kapag walang kamalayan


ang mga tao sa kasaysayan?
● Ang babawat mamamayan ng lipunan ay dapat may alam sa ating
nakaraan upang patuloy itong gunitain at di na ma ulit ang mga
masasamang nangyari sa nakaraan. Kapag ang isang mamamayan
ay walang alam sa nakaraan, maaring ma impluwesyahan ang
kanyang mga desisyon hindi lamang sa kasalukuyan pati na rin sa
hinaharap. Kaya mahalagang malaman ng bawat isa kung ano ang
ating pinanggaligan, kung anong hirap ang ating pinagdaanan, mga
tagumpay na ating pinagdiwang para sa ikauunlad pa ng ating
bayan.

You might also like