You are on page 1of 23

KAS 1 - Kasaysayan ng Pilipinas

Modyul 1
INTRODUKSYON SA KASAYSAYAN

Panimula

Sa kabila ng mga pagbabagong nagaganap sa modernong mundo, nananatiling mahalaga pa


rin ang pag-aaral ng kasaysayan upang mapalawak at mapalalim ang kritikal na pag-iisip ng
bawat indibidwal. Kaya naman bilang pambungad na modyul sa pag-aaral ng kasaysayan ng
Pilipinas, nagsisilbing panimulang paksa ang pagpapakilala sa disiplina ng kasaysayan.
Nakatuon ang modyul na ito sa pagpapaliwanag ng mga konseptong pangkasaysayan, uri ng
sanggunian, mga pananaw pangkasaysayan, at halaga at suliranin sa pag-aaral ng kasasyayan.

Inaasahang Matutunan (Learning Outcomes)

Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahang ikaw ay:


a. Makapagtatalakay sa kahulugan ng kasaysayan;
b. Makapagpapaliwanag ng mga konseptong pangkasaysayan;
c. Makapagsusuri ng mga suliranin sa pagbubuo ng naratibo sa kasaysayan; at
d. Makapagpapahalaga sa pag-aaral ng kasaysayan.

1.0 Ano ang Kasaysayan?

—————————————————————————————————————
Gawain 1

A. Basahin ang mga susing sanggunian at sagutin ang mga gabay na tanong.

Susing sanggunian:
• Navarro, Arthur M. (Enero-Disyembre 1998). Bagong Kasaysayan sa Wikang Filipino:
Kalisakasan, kaparaanan at pagsasakaysayan. Philippine Social Sciences Review Vol. 55,
nos.1-4. 103-120.
• Veneracion, Jaime B. (1983 at 1984). Ang Kasaysayan sa Kasalukuyang Henerasyon.
Historical Bulletin. Tomo 27 at 28, 1983 at 1984. 13-27.

Gabay na tanong:
1. Ano ang kasaysayan?
2. Paano naiiba ang “kasaysayan” at “history”?

B. Gumawa ng isang mapang konseptuwal kung saan matatagpuan sa gitna ang salitang
“kasaysayan.” Isipin kung anu-ano ang mga konsepto o salita na nakaugnay sa salitang
“kasaysayan” at bumuo ng mga sanga mula sa gitna.

Page 11
! ! of !23
Maaaring gawin ito bilang pangkatang gawain ng 4-5 na mag-aaral. Tatalakayin sa klase ang
nabuong mapang konseptwal.
—————————————————————————————————————

Diskusyon

Ang kasaysayan ay isang makabuluhang salaysay tungkol sa nakaraan. Sapagkat ang sali-
tang-ugat ng kasaysayan ay “saysay,” binibigyan-diin nito ang elemento ng pagiging makab-
uluhan. Kung tatanungin naman natin kung kanino dapat makabuluhan ang kasaysayan, ki-
nakailangan nating tandaan na ang pagsasalaysay ay laging para sa isang tiyak na grupo. Sa
kontekstong Pilipino, ang grupong ito ay ang sangkaPilipinuhan. Dagdag pa, ang kasaysayan
ay pagsasalaysay tungkol sa sarili natin o tungkol sa ating ugnayan sa ibang kabihasnan. Sa
ganitong pagpapakahulugan, maaaring paksa ng kasaysayan ang sariling barangay, lalawigan,
o bansa. Maaaring paksa rin ang pagiging Austronesyano o Asyano natin (Navarro, 1998).

Isa pang mahalagang katangian ng kasaysayan ay ang pagiging likas nito sa kultura at ka-
malayang Pilipino sapagkat mayroon nang salitang “kasaysayan” sa bokabularyo ng mga sin-
aunang Pilipino. Naiiba ang kasaysayan sa salitang “history” na nagmula sa Kanluraning
karanasan at diskurso. Sa etimolohiya lamang, malalaman natin na ang “history” ay nanggal-
ing sa tradisyon ng mga Griyego at dinala sa Pilipinas ng mga Espanyol noong ika-16 siglo.
Kung binibigyan-diin ng “kasaysayan” ang pagkakaroon ng “saysay” o pagiging makabu-
luhan ng nakaraan, nakatuon naman ang “history” sa “story” o sa pagsalaysay na walang par-
tikular na diin sa kabuluhan (Veneracion, 1983 at 1984).

2.0 Mga Konseptong Pangkasaysayan

—————————————————————————————————————
Gawain 2

A. Basahin ang mga susing sanggunian at sagutin ang mga gabay na tanong.

Susing sanggunian:
• Navarro, Arthur M. (Enero-Disyembre 1998). Bagong Kasaysayan sa Wikang Filipino:
Kalisakasan, kaparaanan at pagsasakaysayan. Philippine Social Sciences Review Vol. 55,
nos.1-4. 103-120.
• Seixas, Peter. (16 Pebrero 2010). Historical Thinking Concepts. Historical Thinking
Project mula sa http://historicalthinking.ca/historical-thinking-concepts
• Wineburg, Sam. (2010). Thinking Like a Historian. Teaching with Primary Sources Quar-
terly Vol. 3., No. 1 mula sa http://www.loc.gov/teachers/tps/quarterly/historical_thinking/
pdf/historical_thinking.pdf

Gabay na tanong:
1. Anu-ano ang mga batayang konseptong pangkasaysayan?

Page 2
! of !23
2. Bakit mahalagang matutunan ng isang indibidwal ang mga konseptong pangkasaysayan?

B. Tingnan at pag-aralan ang dalawang larawan ng Ilog Pasig mula sa taong 1900 at taong
2010 (makikita sa Apendise A: Mga Larawan ng Ilog Pasig) at sagutin ang mga sumusunod
na tanong:

1. Anu-ano ang napapansin ninyo tungkol sa mga larawan?


2. Bakit mahalaga ang Ilog Pasig?
3. Ano ang nagbago? Ano ang nagpatuloy?
4. Anu-ano kaya ang mga sanhi at epekto ng mga pagbabagong ito?

Pag-uusapan at tatalakayin sa klase ang mga sagot sa mga tanong na ito.


—————————————————————————————————————

Diskusyon

Natatangi ang kasaysayan mula sa iba pang disiplina dahil nakatuon ito sa pag-aaral ng
nakaraan. Bilang isang sistematikong pag-aaral ng nakaraan, may ilang batayang konseptong
gumagabay sa mga mag-aaral ng kasaysayan. Kabilang dito ang: (a) pagpapatibay ng kabu-
luhang pangkasaysayan (historical significance); (b) paggamit ng primaryang sanggunian; (c)
pagtukoy sa mga nagbago at nagpatuloy (change and continuity); (d) pagsuri sa sanhi at
epekto; (e) pag-unawa sa mga pananaw pangkasaysayan; at (f) pagkilala sa etikal na aspekto
ng kasaysayan. Sa kabuuan, nagkakaroon ng malalim na pag-intindi sa kasaysayan kapag
natututunan ng isang indibidwal ang mga nabanggit na konsepto.

2.1 Kabuluhang Pangkasaysayan (Historical Significance)

Maaaring ituring na may kabuluhang pangkasaysayan ang isang kaganapan sa kasaysayan ng


Pilipinas kung ito ay nakatuon sa karanasan ng mga Pilipino. Dahil salitang-ugat ng
“kasaysayan” ang “saysay,” mahalagang isipin kung kanino dapat makabuluhan ang
kasaysayan. Sa kaso ng kasaysayan, dapat mahalaga ito para sa mga Pilipino (Veneracion,
1983 at 1984; Navarro, 1998).

Dagdag pa, itinuturing na makabuluhan ang isang kaganapan kung ito ay nagdulot ng
malawak na pagbabago sa mahabang panahon para sa maraming tao.

Itong dalawang katangiang nabanggit ang nagsisilbing pamantayan upang matukoy na may
kabuluhang pangkasaysayan ang isang kaganapan (Seixas, 2010).

2.2 Primaryang Sanggunian

Mahalaga para sa pag-aaral ng kasaysayan ang paggamit ng mga sanggunian at ng iba’t ibang
anyo nito. Sa lumang tradisyon ng disiplina ng kasaysayan, binibigyang-diin ang paggamit ng

Page 3
! of !23
sangguniang nakasulat lamang. Sa kasalukuyan, mas bukas na ang disiplina sa pagtanggap ng
iba’t ibang anyo ng sanggunian. Saklaw na rin ang mga sangguniang pangkasaysayan na hin-
di lamang nakasulat kundi pati na rin ang mga hindi nakasulat tulad ng mga artifact, larawan,
o panayam.

Bukod dito, para sa mga historyador, hinahati ang lahat ng mga sanggunian sa dalawang kat-
egorya: (a) primarya, at (b) sekondarya. Maaaring ituring na primarya ang mga sanggunian
na nagbibigay ng direktang ebidensya tungkol sa isang kaganapan, lugar, tao, o bagay. Na-
pakahalagang katangian ang pagiging saksi ng may-akda o ang pagiging kapanahon ng akda
sa paksang inaaral. Ilang halimbawa ng primaryang sanggunian ang mga sulat, talambuhay,
ulat, at panayam. Sekondaryong sanggunian naman ang tawag sa mga ebidensyang walang
direktang ugnayan sa kaganapan, lugar, tao, o bagay na inaaral. Maaaring paglalarawan, pag-
susuri, o pagbubuod na lamang ito ng mga primayang sanggunian. Higit pa, hindi direktang
saksi ang may-akda sa pinapaksa at hindi na kapanahon ng akda ang paksang pinagtutuunan
ng pansin. Kabilang sa mga halimbawa ng sekondaryong sanggunian ay mga teksbuk at mga
artikulo sa dyornal (Cullen, 2013).

Mahalaga ang primaryang sanggunian dahil saksi ang may-akda sa mga kaganapang pinagtu-
tuunan ng pansin ng historyador. Dahil dito, nagiging mas makatotohanan ang kanyang ulat.
Gayundin, mas malalim at mas makulay ang deskripsyon ng primaryang sanggunian dahil
napapansin ng saksi ang ilang detalyeng hindi batid ng isang taong hindi nakasaksi sa ka-
ganapan. Sa kadahilanang ito, mas mahalagang aralin ang nakaraan gamit ang primaryang
sanggunian (Navarro, 1998).

Dagdag pa, ang lahat ng sanggunian ay nakasalaylay sa kontekstong pinagmumulan nito.


Ngunit, ano ang konteksto? Konteksto ang tinatawag sa mga detalyeng bumubuo sa isang
kaganapan. Maaaring tumutukoy ang konteksto sa mga kondisyong sosyal, pulitikal, pang-
ekonomiko, at relihiyoso. Sa kabuuan, ito ay nakatutulong upang maunawaan ang panahon at
lugar na pinagmulan ng mga kaganapan. Dahil ang mga primaryang sanggunian ay produkto
ng tao at ng panahong pinanggalingan nito, napakahalagang maisakonteksto ang mga sang-
gunian upang tama at tapat ang pagbasa natin sa mga ito (Fleming, 2018; Andrews at Burke,
2007)

Ngunit, hindi lahat ng primaryang sanggunian ay kapani-paniwala. Ang isang primaryang


sanggunian ay maaaring pineke o binago. Upang maiwasan ang paggamit ng mga peke o mga
pinakialamang sanggunian, sinusuri ang mga ito ng historyador gamit ang dalawang proseso:
(a) kritikang panlabas, at (b) kritikang panloob.

Sa proseso ng kritikang panlabas, tinitingnan ang katunayan ng isang sanggunian. Maaaring


tingnan ang mga pisikal na aspekto ng dokumento tulad ng uri ng papel o tinta. Layunin ng
kritikang panlabas na mapatunayan kung totoo o hindi ang sangguniang pinagbabatayan ng
isang historyador. Sa proseso ng kritikang panloob naman, inaalam ng historyador kung
makatotohanan ang impormasyong ipinapahiwatig ng isang sanggunian at kung maaari itong
gamitin bilang ebidensya. Maaaring tingnan din sa kritikang panloob ang mga motibong nag-
tulak sa may-akda upang lumikha ng ganoong uri ng sanggunian. Sa madaling salita, sa kri-

Page 4
! of !23
tikang panloob, tinitingnan ng historyador ang pagiging makatotohan ng nilalaman ng isang
sanggunian (Navarro, 1998).

2.3 Pagbabago at Pagpapatuloy (Change and Continuity)

Isa pang mahalagang konseptong pangkasaysayan ang pagbabago at pagpapatuloy. Isang


likas na proseso sa buhay ng tao ang pagbabago, ngunit ang binibigyan-pansin ng mga histo-
ryador ay ang mga kaganapang nagdulot ng malaki o malawak na pagbabago sa buhay ng tao
o sa mas malawak na lipunan (Salevouris at Furay, 2000). Halimbawa, nagkaroon ng malak-
ing pagbabago sa pamumuhay ng mga Pilipino noong dumating si Miguel Lopez de Legazpi
sa Pilipinas at itinatag ang sistemang kolonyal ng mga Espanyol noong 1565. Sa pisikal na
espasyo, nakita ang paglipat sa mga tao mula sa mga sinaunang pamayanan patungo sa isang
pueblo sa prosesong tinatawag na reduccion. Gayundin, ang pagtuturo ng pananampalatayang
Katoliko ay naging sentral sa pamumuhay ng mga Pilipino sa panahon ng mga Espanyol. Ilan
lamang ito sa mga pagbabagong naganap sa pagtatag ng sistemang kolonyal ng mga Espany-
ol, ngunit malinaw na naging malawak at malalim ang pagbabago sa pamumuhay ng mga
Pilipino.

Kung tutuusin, maraming halimbawa sa ating kasaysayan ang nagpapakita ng pagbabago.


Ang mas malaking hamon para sa atin ay ang pagtukoy sa aspekto ng ating pamumuhay,
gawi o kultura na nagpatuloy sa kabila ng mga pagbabago. Isang magandang halimbawa rito
ang pagpapatuloy ng kulturang Pilipino sa kabila ng pananakop ng mga banyaga. Nanatili
ang paggamit ng wikang katutubo tulad ng Tagalog, Cebuano, o Ilokano. Ang kagalingan din
ng mga Pilipino na gumawa ng mga sakayang-pandagat na nagmula pa sa tradisyong Aus-
tronesyano ay nagpatuloy din kahit noong sila na ang inutusang gumawa ng mga galyon sa
panahon ng mga Espanyol.

Sa pagbibigay-pansin sa mga bagay na nagbago at nagpatuloy sa ating nakaraan, makikita


natin na ang kasaysayan ay hindi lamang binubuo ng mga datos tulad ng pangalan ng tao o
petsa ng isang kaganapan kundi binubuo rin ito ng iba’t ibang uri ng ugnayan ng mga datos.
Kung gayon, mas lumalawak ang ating pag-unawa sa kasaysayan at mas lumalalim ang ating
pagpapahalaga para dito.

2.4 Sanhi at Epekto

Isa pang mahalagang konseptong pangkasaysayan ang sanhi at epekto. Sa pag-aaral sa


nakaraan, mapapansin natin na ang mga kaganapan ay hindi hiwalay sa isa’t isa; bagkus,
mahigpit ang ugnayan ng mga ito sa bawat isa. Mahalagang itanong kung bakit nangyari ang
isang kaganapan, at kung anu-ano ang mga salik na nagtulak sa pangyayaring ito? Sa pama-
magitan ng ganitong uri ng pagtatanong, natututunan natin ang halaga ng pag-unawa sa mga
masalimuot na sanhi ng mga kaganapan sa nakaraan.

Page 5
! of !23
Gayundin, nagkakaroon ng epekto ang mga makasaysayang kaganapan sa ating pamumuhay.
Kinakailangang maunawaan natin kung anu-ano ang epekto ng kaganapang pangkasaysayan
na ating pinag-aaralan at kung paano nito binago ang lipunan.

2.5 Pananaw Pangkasaysayan

Dahil pinapaksa ng isang historyador ang nakaraan, kinakailangang may kakayahan din
siyang intindihan ang gawi at pag-iisip ng mga taong nabuhay sa nakaraan (Seixas, 2010).
Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagtingin sa mga kaisipan o paniniwala na gumabay sa mga
desisyon o aksyon na ginawa ng mga tao sa mga nakalipas na panahon. Sa ganitong paraan,
naiitindihan natin ang nakaraan hindi batay sa sarili nating mga paniniwala at pamantayan
kundi sa pagtingin ng mga taong nabuhay sa panahong pinagtutuunan ng pansin (Andrews at
Burke, 2007).

Halimbawa, sa pagkakaroon ng pananaw pangkasaysayan, maiintindihan natin kung bakit


rasista ang pananaw ng mga Espanyol sa kanilang pagsusulat ng kasaysayan ng Pilipinas.
Maiintindihan din natin kung bakit kinontra ito ng mga ilustrado noong ika-19 na siglo sa
kanilang pagbuo ng tatluhang pagbabalangkas ng kasaysayan.* Dagdag pa, maiintindihan din
natin ang ugnayan ng mga akda ng mga ilustrado at ng mga Katipunero (Veneracion, 1983 at
1984).

Kung gayon, ang pagkakaroon ng malalim ng pag-unawa sa pananaw pangkasaysayan ay


nakatutulong sa atin upang magkaroon ng bukas na isip sa pagtingin sa nakaraan at maluwag
na pagtanggap na iba´t iba ang gawi, pag-iisip, at pamantayan ng tao at lipunan sa iba´t ibang
panahon.

2.6 Etikal na Aspekto

Sa ating pag-aaral ng nakaraan, hindi maiwasan na matuklasan natin ang ilang mga isyu na
kontrobersyal o mahirap tanggapin. Gawin nating halimbawa ang pang-aabuso ng rehimeng
Marcos sa karapatang pantao ng mga Pilipino noong panahon ng Batas Militar. Sa ganitong
uri ng usapin, ano ang dapat gawin ng isang historyador?

Sa isang banda, tinuturuan tayong huwag kumiling sa anumang panig sa ating kasaysayan.
Kinakailangang manatiling obhektibo sa pagsusuri ng ating mga ebidensya (Seixas, 2010).
Kung gayon, sa pagtingin sa pang-aabuso sa karapatang pantao noong panahon ng Batas Mil-
itar, nararapat lamang na suriin natin ang isyu mula sa iba’t ibang panig tulad ng mga biktima
ng pang-aabuso at pati na rin mula sa punto de bista ng mga opisyal ng pamahalaang Marcos.

Sa kabilang banda naman, mahalaga rin sa kasaysayan ang pananagutan (Seixas, 2010). Sa
halimbawang ibinigay sa itaas, mahalaga rin na magkaroon ng hustisya ang mga biktima ng

*Sa tatluhang pagbabalangkas, hinati ang pagpapanahon ng ating kasaysayan sa tatlong bahagi: ang panahon
bago dumating ang mga Espanyol, ang panahon ng pananakop ng Espanyol, at ang hinaharap.

Page 6
! of !23
paglabag sa karapatang pantao. Kinakailangang managot ang mga taong nag-utos o naging
kabahagi sa pang-aabuso. Sa proseso ng pagtukoy ng pananagutan, natututo tayo mula sa at-
ing nakaraan. Kung gayon, may tungkulin din ang historyador na ipakita ang mga pagkaka-
mali ng nakaraan at ipagtanggol kung ano ang nararapat.

Hindi madali ang proseso ng pagsusuri sa etikal na aspekto ng kasaysayan at madalas napa-
pagitna ang historyador sa dalawang prosesong nabanggit sa itaas. Sa bandang huli, layunin
ng historyador na makamit ang patas na pagsasalaysay sa kasaysayang pinapag-aralan at ma-
natili itong kritikal, makabuluhan, at walang kinikilingan.

3.0 Ang Pagbubuo ng Naratibo ng Kasaysayan

—————————————————————————————————————
Gawain 3

A. Basahin ang mga susing sanggunian at sagutin ang mga gabay na tanong.

Susing sanggunian:
• Navarro, Arthur M. (Enero-Disyembre 1998). Bagong Kasaysayan sa Wikang Filipino:
Kalisakasan, kaparaanan at pagsasakaysayan. Philippine Social Sciences Review Vol. 55,
nos.1-4, 103-120.
• Salevouris, Michael at Conal Furay. (2000). The Methods and Skills of History: A Practi-
cal Guide. Harlan Davidson, Inc.11-26.

Gabay na tanong:
1. Anu-ano ang mga hamon sa pagbubuo ng naratibo sa kasaysayan?
2. Paano ito hinaharap ng isang historyador?
3. Batay sa diskusyon, ano ang mahihinuha mo tungkol sa kalikasan (nature) ng
kasaysayan?

B. Tingnan ang larawan ng proseso ng pagbubuo ng naratibo (Larawan 1, sa susunod na


pahina). Ano ang ibig sabihin ng bawat bilog sa larawan? Ano ang sinasabi ng larawan na ito
tungkol sa proseso ng pagbubuo ng naratibo sa kasaysayan?

Page 7
! of !23
Larawan 1. Proseso ng pagbubuo ng naratibo (Salevouris at Furay, 2000)

—————————————————————————————————————

Diskusyon

Sa pagsusulat ng naratibo sa kasaysayan, dumadaan sa isang proseso ang isang historyador.


Una, mahalaga ang pagbubuo ng mga pangunahing tanong na magsisilbing batayan sa magig-
ing paksa. Kinakailangang interesado ang historyador sa paksa at natitiyak niya ang lawak at
saklaw ng pinag-aaralan niya. Kapag nakapili na ng paksa ang historyador, sisimulan na niya
ang pangagalap ng mga sanggunian. Tulad ng nabanggit na sa itaas, mas mahalaga sa pag-
aaral ng kasaysayan ang paggamit ng primaryang sanggunian at kinakailangang suriin ang
mga ito gamit ang kritikang panlabas at kritikang panloob. Maaari ding gamitin ng isang his-
toryador ang mga metodo galing sa ibang disiplina kung ito ay nababagay sa paksang pinag-
aaralan niya (Navarro, 1998).

Sa kabila ng malinaw na proseso ng pagbubuo ng naratibo sa kasaysayan, hinaharap pa rin ng


isang historyador ang ilang hamon. Halimbawa, hindi lahat ng sanggunian tungkol sa
nakaraan ay nananatili sa kasalukuyan. Tulad ng ipinakita sa Larawan 1 na ginamit ninyo sa
gawain, napakalawak ang nakaraan at mahalagang tandaan na hindi lahat ng mga naganap sa
nakaraan ay nasaksihan ng tao. Sa mga kaganapang nasaksihan, iilan lamang din ang naaalala
ng tao. Sa mga kaganapang naaalala ng mga tao, iilan lamang ang naitala. Mula naman sa
mga naitalang kaganapan, iilan lamang ang mga naitala at tumagal hanggang sa kasalukuyan.
Itong huling grupo ng mga naitalang sanggunian (na sa katunayan ay kumakatawan lamang
ng napakaliit na bahagi) ang nagsisilbing sanggunian ng mga historyador. Sa ganitong
pagtingin, napakarami ng mga saksi at mga sanggunian na nawala o nasira na. Kung gayon
ang naratibong binubuo ng isang historyador ay rekonstruksyon lamang ng napakaliit na ba-
hagi ng nakaraan (Salevouris at Furay, 2000).

Dagdag pa, hinaharap din ng isang historyador ang mga hamon na nagmumula sa loob. Tao
lamang ang isang historyador at hindi maiwasan na magkamali rin. Ngunit, higit pa rito, min-

Page 8
! of !23
san ay napapaloob sa sariling mga paniniwala o mga bias ang isang historyador. Kaya naman
sa mga ganitong uri ng hamon, kinakailangang maging maingat ang historyador at tiyaking
ang pinagbabatayan ng kanyang pag-aaral ay matitibay na ebidensya.

4.0 Kahalagahan ng Kasaysayan

—————————————————————————————————————
Gawain 4

A. Basahin ang mga susing sanggunian at sagutin ang mga gabay na tanong.

• Salevouris, Michael at Conal Furay. (2000). The Methods and Skills of History: A Practi-
cal Guide. Harlan Davidson, Inc. 3-9.
• Wineburg, Sam. (2016). Why Historical Thinking is Not About History? History News
mula sa https://stacks.stanford.edu/file/druid:yy383km0067/Wineburg%20Hist.%20-
Thinking%20is%20not%20about%20history.pdf

Gabay na tanong:
1. Bakit kailangan aralin ang kasaysayan?
2. Anu-ano kaya ang epekto sa lipunan kapag walang kamalayan ang mga tao sa
kasaysayan?

B. Panoorin ang maiksing palabas na “Millennials for Martial Law” (4 minuto, matatagpuan
sa https://www.youtube.com/watch?v=ypAFveV7-J8) at maghanda para sa gawain sa klase
na inilalarawan sa ibaba.

Option A
1. Sa paligid ng inyong silid, isasabit ng inyong guro ang mga malaking papel na magsisil-
bing “graffiti board.” Sa bawat papel, may nakasulat na salitang “Batas Militar” sa gitna.
2. Sa mga malaking papel, sumulat ng inyong mga komento tungkol sa napanood na pal-
abas. Kung magbibigay ng komento sa komento ng kapwa kaklase, gumuhit ng mga
linyang mag-uugnay sa mga komento.
3. Kinakailangang isagawa ang gawaing ito nang tahimik at hindi nagsasalita.
4. Talakayin sa klase ang mga nasulat o nabasa sa mga graffiti board. Sagutin ang tanong:
Bakit mahalagang aralin ang kasaysayan?

(Mula sa Graffiti Boards, https://www.facinghistory.org/resource-library/teaching-strategies/graffiti-


boards)

Option B
1. Sa simula ng gawain, bibigyan kayo ng inyong guro ng AMN tsart (Apendise F: AMN
tsart o KWL chart).
2. Sagutin muna ang hanay A at hanay B. Sa hanay A, isulat kung ano ang ALAM mo
tungkol sa Batas Militar. Sa hanay B, isulat kung ano ang gusto mong MALAMAN
tungkol sa Batas Militar. Panatilihing blanko ang huling hanay.

Page 9
! of !23
3. Matapos panoorin ang palabas, isulat sa hanay C ng tsart kung ano ang NATUTUNAN
mo tungkol sa Batas Militar.
4. Ibahagi sa klase ang iyong sagot. Talakayin kung bakit mahalaga ang pag-aaral ng
kasaysayan.
—————————————————————————————————————

Diskusyon

Sa mga naunang diskusyon, nakita natin na ang kasaysayan ay rekonstruksyon ng nakaraan.


Sapagkat maraming limitasyon ang pag-aaral sa nakaraan, maaaring sabihin na ang
kasaysayan ay hindi perpektong paglalarawan ng nakaraan. Gayunpaman, mahalagang bi-
gyang-diin na hindi rin kuwentong-katha ang kasaysayan dahil nagsisilbing batayan ng lahat
ng mga pag-aaral sa kasaysayan ang mga mapagkakatitiwalaang sanggunian. Sa mas
malawak na pagtingin, ang kahalagahan ng kasaysayan ay nakabatay sa papel na ginagam-
panan nito sa pag-uugnay ng ating nakaraan at ng ating kasalukuyan (Salevouris at Furay,
2000).

Maaaring tukuyin ang ilang gamit at layon ng kasaysayan: Una, nagsisilbi siyang paraan up-
ang maintindihan natin ang ating sarili at maging ang pagkakakilanlan ng ating bansa.
Ikalawa, nagagamit natin ang kasaysayan upang maunawaan ang ating kasalukuyan. Ikatlo,
maaaring matulungan tayo ng kasaysayan na maitama ang mga kamalian ng nakaraan at
binibigyan tayo ng mga aral na mahalaga pa rin sa kasalukuyan. Ika-apat, sa pag-aaral ng
kasaysayan, unti-unti nating naiintindihan ang damdamin at kaisipan ng mga tao gayundin
ang paggalaw ng mga institusyon. Ikalima, nagkakaroon tayo ng mas bukas na pag-iisip
tungkol sa mga tao at lipunan sa ating pag-aaral ng kasaysayan. Ika-anim, mahalagang pan-
imulang basehan ang kasaysayan ng iba’t ibang disiplina. Ika-pito, uri rin ng aliwan o liban-
gan ang kasaysayan lalo na sa mga taong mahilig dito. Panghuli, ang pag-aaral ng kasaysayan
ay nagdudulot ng pagbuo ng kritikal na kasanayan sa tao (Salevouris at Furay, 2000).

Sa kasalukyang mundo, mabilis ang pagdaloy at palitan ng impormasyon dahil sa modernong


teknolohiya. Sa dami ng nababasa at nakikita natin sa internet, kinakailangang may
kasanayan tayong pumili kung alin ang dapat paniwalaan o hindi. Higit na nagiging mahalaga
ang pag-aaral ng kasaysayan dahil tinuturuan tayong maging mapanuri sa mga ebidensya at
maging maingat sa pagsusuri ng pinanggalingan ng mga impormasyon. Sa bandang huli,
kahit na hindi perpekto ang disiplina ng kasaysayan, nananatili pa rin siyang makabuluhan at
napakahalaga maging sa kasalukuyang panahon.

Konklusyon

Sa modyul na ito, binigyang kahulugan natin ang konsepto ng kasaysayan bilang isang
salaysay tungkol sa nakaraan na makabuluhan para sa mga Pilipino. Tinukoy din natin ang
anim na konseptong pangkasaysayan: (a) kabuluhang pangkasaysayan, (b) paggamit ng pri-
maryang sanggunian, (c) pagbabago at pagpapatuloy, (d) sanhi at epekto, (e) pananaw
pangkasaysayan, at (f) etikal na aspekto ng kasaysayan. Inilarawan natin ang proseso ng pag-

Page 10
! of !23
bubuo ng naratibo sa kasaysayan at ang mga hamon na hinaharap ng isang historyador. Sa
pagtatapos, tinalakay natin kung bakit mahalagang aralin ang kasaysayan lalo na sa
kasalukuyang panahon.

Mga Sanggunian

Abrera, Maria Bernadette L. at Dedina A. Lapar. (1992). Paksa, Paraan, at Pananaw. Que-
zon City: UP Department of History.
Andrews, Thomas at Flannery Burke. (1 Enero 2007). What Does It Mean to Think Histori-
cally? American Historical Association mula sa https://www.historians.org/publica-
tions-and-directories/perspectives-on-history/january-2007/what-does-it-mean-to-
think-historically
Bloch, Marc. (1949). Historian’s Craft. New York: Knopf.
Carr, E.H. (1962). What is History? New York: Knopf.
Constantino, Renato. (1975). Towards a People’s History. A Past Revisited. Quezon City:
Tala Publishing Services.
Cullen, Jim. (2013). Essaying the Past: How to Read, Write, and Think about History, 2nd
ed. UK: Wiley-Blackwell.
Fleming, Grace. (28 Enero 2018). Using Historical Context in Analysis and Interpretation.
ThoughtCo mula sa https://www.thoughtco.com/what-is-historical-context-1857069
Gilderhus, Mark T. (2010). History and Historians: A Historiographical Introduction. New
Jersey: Prentice Hall.
Howell, Martha at Walter Prevenier. (2001). Reliable Sources: An Introduction to Historical
Methods. Ithaca: Cornell University Press, 17-68.
Mandell, Nikki. (Abril 2008). Thinking Like a Historian: A Framework for Teaching and
Learning. OAH Magazine of History mula sa https://nau.edu/uploadedFiles/Academ-
ic/CAL/
History/HistorySocial_Studies_Eduocation/Mandell,%20Thinking%20Like%20a%20Histo-
rian,%20Mag%20of%20History%20April%202008.pdf
Navarro, Arthur M. (Enero-Disyembre 1998). Bagong Kasaysayan sa Wikang Filipino:
Kalisakasan, kaparaanan at pagsasakaysayan. Philippine Social Sciences Review Vol.
55, nos.1-4, 103-120.
Navarro, Atoy, atbp. (1997). Pantayong Pananaw: Ugat at Kabuluhan: Pambungad sa Pag-
aaral ng Bagong Kasaysayan.
Salazar, Zeus. (2000). Ang Pantayong Pananaw Bilang Diskursong Pangkabihasnan. Pantay-
ong Pananaw: Ugat at Kabuluhan, Pambungad sa Pag-aaral ng Bagong
Kasaysayan. Lungsod Quezon: Palimbagan ng Lahi.
Salevouris, Michael at Conal Furay. (2000). The Methods and Skills of History: A Practical
Guide. Harlan Davidson, Inc.
Seixas, Peter. (16 Pebrero 2010). Historical Thinking Concepts. Historical Thinking Project
mula sa http://historicalthinking.ca/historical-thinking-concepts
Veneracion, Jaime B. (1983 at 1984). Ang Kasaysayan sa Kasalukuyang Henerasyon. Histor-
ical Bulletin. Tomo 27 at 28. 13-27.
Wineburg, Sam. (2001). Historical Thinking and Other Unnatural Acts. Philadelphia: Temple
University Press.

Page 11
! of !23
__________. (2010). Thinking Like a Historian. Teaching with Primary Sources Quarterly
Vol. 3., No. 1 mula sa http://www.loc.gov/teachers/tps/quarterly/historical_thinking/
pdf/historical_thinking.pdf
__________. (2016). Why Historical Thinking is Not About History? History News mula sa
https://stacks.stanford.edu/file/druid:yy383km0067/Wineburg%20Hist.%20Think-
ing%20is%20not%20about%20history.pdf 


Page 12
! of !23
APENDISE A: Mga Larawan ng Ilog Pasig

!
Larawan 1. Ilog Pasig, 1900.
(Mula sa Philippine Photographs Digital Archive, https://quod.lib.umich.edu/s/sclphilimg?
page=index)

!
Larawan 2. Ilog Pasig, 2010.
(Mula sa Pasig River Watch,
https://pasigriverwatch.wordpress.com/2010/08/31/quezon-bridge/)

Page 13
! of !23
APENDISE B: Sipi mula sa Sonny Melencio, “How I Escaped the Clutches of the 5th
CSU”

“The first night of my capture was a full night of torture without rest. My body felt numb
from the beating. After a while, the beating did not hurt much anymore. To rest my body, I
would pretend that the blows hit me so hard and tossed me up a few feet away. Also during
successive punching, I would drop to the floor and roll my body over three times. This gave
me time to breathe and prepare my body for more blows.

My torturers probably sensed that the beating was not hurting me anymore. So they stripped
me naked, made me lie down on a spring-wired bed (without a mattress), and tied both my
hands to the bed posts. The “water cure” began.

They put a towel on my face and poured water onto it. I heard the water drip into the banyera
under the bed. Much of it seeped through my nose and pain shot up my head. It was suffocat-
ing and painful. I pretended to lose consciousness every now and then and every time I did
this, they stopped pouring water. They they would slap me hard to “revive” me so they could
pour water again. While this was happening, another was puncturing my body and genitals
with a lighted cigarette. But I could not feel it and only knew it was happening when some-
one said he was making an ashtray out of my body.

However harsh this torture was, I know other comrades before me had undergone much
worse torture. Before my abduction, I already knew about cases wherein comrades were sub-
jected to electric shock, burning of genitals, and other atrocities. The thought that many com-
rades suffered more sever torture and yet never cooperated with the military steeled my re-
solve to remain steadfast. Repeatedly I would psyche up myself, “If they could bear it, I
should be able to bear it, too.”

It was a period in my life when I yearned for human kindness, yet I found not even a hint of it
during my captivity. To console myself, I had to imagine in my dreams and in my waking
hours the smallest acts of kindness that I had experienced in life before this event. I remem-
bered my mother, washing clothes for the family. I remembered my neighbor giving a dish as
“baon” after a small party in her place. I remembered the batilyos and the urban poor family
who served me meriendas and drinks during my organizing work in the community. I re-
membered strangers giving money during rallies or those giving alms to the poor.

These images played over and over again in my mind. These remembrances would strengthen
my resolve to keep myself together. It was strange that in my captivity, I had no nightmares.
It was only after I escaped that I experienced them.”

Kabuuang salaysay sa:


Ferdinand C. Llanes, pat. (2012). Tibak Rising: Activism in the Days of Martial Law. Man-
daluyong City: Anvil Publishing, Inc. 59-61.

Page 14
! of !23
APENDISE C: Worksheet sa Pagsusuri ng Dokumento

PANGALAN: ______________________________________________________________

1. Ano ang paksa o isyung pinagtutuunan ng pansin ng dokumento?

2. Impormasyon mula sa dokumento (maraming posibleng sagot):

a. Maglista ng tatlong bagay na binanggit ng may-akda na sa tingin mo ay mahalaga:

b. Maglista ng dalawang bagay na binanggit ng may-akda na naglalarawan sa panahon


kung kailan sinulat ang dokumento.

3. Sumasang-ayon o hindi ang nilalaman ng dokumento sa mga natutunan mo na tungkol sa


kaganapang ito?

4. Bakit kaya sinulat ang dokumento?

5. Magbigay ng isang tanong na hindi nasagot ng may-akda ng dokumentong ito.

Page 15
! of !23
APENDISE D: Sipi mula sa mga SONA nina Benigno Aquino, III (2010) at Rodrigo
Duterte (2016)

BENIGO AQUINO, III. (SONA 2010):


(http://www.gmanetwork.com/news/news/nation/197021/sona-transcript-of-pres-benigno-s-
aquino-iii-s-state-of-the-nation-address/story/)

Mga minamahal kong kababayan:




Sa bawat sandali po ng pamamahala ay nahaharap tayo sa isang sangandaan.


Sa isang banda po ay ang pagpili para sa ikabubuti ng taumbayan. Ang pagtanaw sa interes
ng nakakarami; ang pagkapit sa prinsipyo; at ang pagiging tapat sa sinumpaan nating
tungkulin bilang lingkod-bayan. Ito po ang tuwid na daan.


Sa kabilang banda ay ang pag-una sa pansariling interes. Ang pagpapaalipin sa pulitikal na
konsiderasyon, at pagsasakripisyo ng kapakanan ng taumbayan. Ito po ang baluktot na daan.


Matagal pong naligaw ang pamahalaan sa daang baluktot. Araw-araw po, lalong lumilinaw sa
akin ang lawak ng problemang ating namana. Damang-dama ko ang bigat ng aking responsi-
bilidad…

Sa unang anim na buwan ng taon, mas malaki ang ginastos ng gobyerno kaysa sa pumasok na
kita. Lalong lumaki ang deficit natin, na umakyat na sa 196.7 billion pesos. Sa target na
kuleksyon, kinapos tayo ng 23.8 billion pesos; ang tinataya namang gastos, nalagpasan natin
ng 45.1 billion pesos…


Naglaan ng dalawang bilyong piso na Calamity Fund bilang paghahanda para sa mga kalami-
dad na hindi pa nangyayari. Napakaliit na nga po ng pondong ito, ngunit kapapasok pa lang
natin sa panahon ng baha at bagyo, 1.4 billion pesos o sitenta porsyento na ang nagastos…


Pag-usapan naman po natin ang pondo para sa imprastruktura…

Ang pinondohan po, dalawampu’t walong proyekto lang. Kinalimutan po ang dalawandaan at
labing walong proyekto at pinalitan ng pitumpung proyekto na wala naman sa plano. Ang
hininging 425 million pesos, naging 480 million pesos pa, lumaki lalo dahil sa mga proyek-
tong sa piling-piling mga benepisyaryo lang napunta.


Mga proyekto po itong walang saysay, hindi pinag-aralan at hindi pinaghandaan, kaya parang
kabuteng sumusulpot.


Tapos na po ang panahon para dito. Sa administrasyon po natin, walang kota-kota, walang
tongpats, ang pera ng taumbayan ay gagastusin para sa taumbayan lamang…


Sa susunod na buwan ay maghahain tayo ng budget na kumikilala nang tama sa mga proble-

Page 16
! of !23
ma, at magtutuon din ng pansin sa tamang solusyon.


Ilan lang ito sa mga natuklasan nating problema. Heto naman po ang ilang halimbawa ng
mga hakbang na ginagawa natin…


Singkuwenta porsyento po ng mga insidente ng extralegal killings ang patungo na sa kanilang
resolusyon. Ang natitira pong kalahati ay hindi natin tatantanan ang pag-usig hanggang
makamit ang katarungan. Pananagutin natin ang mga mamamatay-tao. Pananagutin din natin
ang mga corrupt sa gobyerno...


Paalala lang po: una sa ating plataporma ang paglikha ng mga trabaho, at nanggagaling ang
trabaho sa paglago ng industriya. Lalago lamang ang industriya kung gagawin nating mas
malinis, mas mabilis, at mas maginhawa ang proseso para sa mga gustong magnegosyo...


Dalawa ang hinaharap nating suliranin sa usapin ng kapayapaan: ang situwasyon sa Min-
danao, at ang patuloy na pag-aaklas ng CPP-NPA-NDF.


Tungkol sa situwasyon sa Mindanao: Hindi po nagbabago ang ating pananaw. Mararating
lamang ang kapayapaan at katahimikan kung mag-uusap ang lahat ng apektado: Moro,
Lumad, at Kristiyano. Inatasan na natin si Dean Marvic Leonen na mangasiwa sa ginagawa
nating pakikipag-usap sa MILF…


Kinikilala natin ang mga hakbang na ginagawa ng MILF sa pamamagitan ng pagdidisplina sa
kanilang hanay. Inaasahan natin na muling magsisimula ang negosasyon pagkatapos ng Ra-
madan.


Tungkol naman po sa CPP-NPA-NDF: handa na ba kayong maglaan ng kongkretong
mungkahi, sa halip na pawang batikos lamang? Kung kapayapaan din ang hangad ninyo,
handa po kami sa malawakang tigil-putukan. Mag-usap tayo…


Kapayapaan at katahimikan po ang pundasyon ng kaunlaran. Habang nagpapatuloy ang bari-
lan, patuloy din ang pagkakagapos natin sa kahirapan…


Tungkulin po ng bawat Pilipino na tutukan ang mga pinunong tayo rin naman ang nagluklok
sa puwesto. Humakbang mula sa pakikialam tungo sa pakikilahok. Dahil ang nakikialam,
walang-hanggan ang reklamo. Ang nakikilahok, nakikibahagi sa solusyon…


Ang mandato nating nakuha sa huling eleksyon ay patunay na umaasa pa rin ang Pilipino sa
pagbabago. Iba na talaga ang situwasyon. Puwede na muling mangarap. Tayo nang tumungo
sa katuparan ng ating mga pinangarap.


Maraming salamat po.

Page 17
! of !23
RODRIGO DUTERTE (SONA 2016):
(https://www.rappler.com/nation/194785-ofw-bank-board-seats-overseas-filipino-workers)

When I decided to seek the presidency of this Republic, I knew what the ills of our country
were; I knew their causes; and I was briefed on those who caused the causes.

I heard the people on the streets complain that justice had become illusory; that equity and
fairness and speedy disposition of cases had deteriorated into hollow concepts fit only for
masteral dissertations. It was, and still is, very sad indeed…

During my inauguration last 30 [June] 2016, I said that the fight against criminality and ille-
gal drugs and corruption will be relentless and sustained. I reiterate that commitment today.
And that is why I call on the Philippine National Police, the barangay chairmen, the Mayors,
and Governors and all those occupying seats of power and authority, not to lower their guard.
There will be no let-up in this campaign. Double your efforts. Triple them, if need be. We will
not stop until the last drug lord, the last financier, and the last pusher have surrendered or put
behind bars or below the ground, if they so wish…

We will also prioritize the rehabilitation of drug users. We will increase the number of resi-
dential treatment and rehabilitation facilities in all regions of the country. [applause] The
Armed Forces of the Philippines (AFP) will facilitate the preparation for the use of military
camps and facilities for drug rehabilitation…

There can never be real, tangible and felt development without making our people feel secure
and it is our duty to uplift the people’s welfare.

With this, my administration shall be sensitive to the State’s obligations to promote, and pro-
tect, fulfill the human rights of our citizens, especially the poor, the marginalized and the vul-
nerable and social justice will be pursued, even as the rule of law shall at all times prevail…

Meantime, since our country continues to be confronted with internal security threats aggra-
vated by the existence and activities of the terrorist group Abu Sayyaf, the full force of the
AFP will be applied to crush these criminals who operate under the guise of religious fervor.
The AFP shall enhance its capability to search and engage these rogue and lawless ele-
ments…

On the aspect of our peace processes relating to our engagement with the international com-
munity, the Philippines shall remain committed to work under and with international partners
achieving lasting peace and progress in the country.

We will vigorously address the grievances that have been time and again expressed, not only
by the Bangsamoro, indigenous peoples and other groups for security, development, fair ac-
cess to decision-making and acceptance of identities…

Page 18
! of !23
On the macroeconomic management, my administration will continue and maintain current
macroeconomic policies, and even do better. We will achieve this through prudent fiscal and
monetary policies that can help translate high growth into more and better job creation and
poverty reduction. By the end of my term, I hope — I hope and pray — to hand over an
economy that is much stronger, characterized by solid growth, low and stable inflation, dollar
reserves, and robust fiscal position.

On taxation, my administration will pursue tax reforms towards a simpler, and more equi-
table, and more efficient tax system that can foster investment and job creation. We will low-
er personal and corporate income tax rates and relax the bank secrecy laws. Eh na-Presidente
ako eh. Ayaw ko sana makialam dito sa mga ‘to. Alam mo na. Well, anyway. May I contin-
ue…

At this stage, I also have directed the DILG to undertake nationwide information and cam-
paign on federalism in partnerships with various alliances and with LGU, civil society, grass-
roots and faith-based organizations…

On the clamor of our citizens for timely issuance of Philippine passports, the government
shall work towards amendment of the 1996 Passport Law to lengthen the validity of the pass-
ports from the current 5 years to 10 years. [applause] Tutal kayo naman ang maggagawa ng
batas. You are the ones who will pass the law, even if you make it good for 30 years, okay
ako. Bahala kayo. [laughter] Basta, stretch a little bit because five years is just really simply
on a regular basis…

I have also ordered the DFA to streamline documentary requirements and passport applica-
tions and open additional Consular Offices in strategic places to decongest Metro Manila
sites [applause] and avoid queues that have caused hardships and suffering to passport appli-
cants…

Wi-Fi access shall be provided at no charge in selected public places [applause] including
parks, plazas, public libraries, schools, government hospitals, train stations, airports and sea-
ports. O ‘di ba? Happy lahat.

To help ensure that the hard-earned money of the Filipinos overseas are put into productive
use, a mandatory financial education for all migrants and their communities will be pursued
with incentives to encourage entrepreneurship among them…

To strengthen the delivery of social services, the government will intensify its protection pro-
grams, so it can use its resources, expertise to make a dent in the country’s poverty levels.
What we want is genuinely to reduce the vulnerabilities of our people, build resiliency and
empower individuals, and families and communities.

But we should not despair. Like someone wrote: It is when the night is darkest, that dawn
breaks.

Page 19
! of !23
We are imbued with resiliency that has been tested and proven. More difficult times As in the
past. We have a bond to act together. We have to help each other. For then and only then can
we truly prevail. And the Filipino, disciplined, informed, involved, shall rise from the rubbles
of sorrow and pain. So that all the mirrors in the world will reflect the face of a passion that
has changed this land.

Daghang Salamat.

Page 20
! of !23
APENDISE E: Dalawang panandang pangkasaysayan sa Cebu

Page 21
! of !23
APENDISE F: AMN Tsart (KWL Chart)

PANGALAN: _____________________________________________________________

HANAY A HANAY B HANAY C


Ano ang ALAM mo Ano ang gusto mong Ano ang NATUTUNAN mo
tungkol sa Batas Militar? MALAMAN tungkol sa tungkol sa Batas Militar?
(What you know) Batas Militar? (What you (What you learned)
want to know)

Page 22
! of !23
Page 23
! of !23

You might also like