You are on page 1of 12

INTRODUKSIYON

Magandang araw po sa ating lahat kami po ang mga mananaliksik


ng lakas lima mula sa pangkat ng 4edfil7a.
akin pong ipinapakilala ang mga miyembro ng mga mananaliksik,
De Castro, Ma. Angelica P. Dion, Jonalyn C.
Estremera, John Matthew G. Eusebio, Omar L., Santiago, Jay
Mark C.

Ang aming pananaliksik ay pinamagatang "PENOMENOLOHIYA


NG SAYSAY NG MGA SALAYSAY NG MGA PILING MAG-AARAL
SA MGA SULIRANIN, HAMON AT MOTIBASYON
SA PAG-AARAL NGAYONG MAY PANDEMYA"

Gustong malaman ng mga mananaliksik kung ano nga ba ang mga


danas ng mga piling mag-aaral sa kanilang pag-aaral ngayong may
pandemya. Kung ano nga ba ang kanilang naging suliranin, hamon
at motibasyon.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Naniniwala ang mga mananaliksik na mahalaga ang pag-aaral na


ito sa pangangailangan ng mga sumusunod:
----------------------------------------------------------
Sa mga mag-aaral.
----------------------------------------------------------
Sa pamamagitan ng saliksik na ito, mas mabubuksan ang puso’t
isipan ng mga mag-aaral sa kahalagahan ng edukasyon sa kanilang
buhay. Kung bakit isa ito sa pundasyon ng pagpapaunlad ng
kanilang sarili. Kasabay nito ang pagkakaroon ng inspirasyon
upang lalo pang pagbutihin ang kanilang pag-aaral sa kabila ng
hamon at hirap ng buhay. Maging ang pagtuklas sa kahalagahan at
gamit sa pag-aaral ng penomenolohiya.
----------------------------------------------------------
Sa mga guro.
----------------------------------------------------------Ang pananaliksik na
ito ay magbibigay kabatiran sa mga guro kung ano ang dinanas ng
mga mag-aaral sa panahon ng pandemya. Kasabay nito, ang
pagbuo ng mga bagong ideya at estratehiya kung papaano
mapapadaloy ang mga kaalaman patungo sa mga mag-aaral.
----------------------------------------------------------
Sa mga nagnanais maging guro.
----------------------------------------------------------Ang saliksik na ito
ay makakapagbigay impormasyon sa mga nagnanais na maging
guro sa hinaharap kung ano ang hirap na dinanas ng mga mag-
aaral at ilang guro sa pagtuturo sa gitna ng pandemya. Ito ang
magsisilbing gabay para sa kanilang pagtuturo at makapagbubukas
ng kanilang isipan na ang pagiging guro ay hindi lamang isang
trabaho kung hindi bokasyon na makapagbibigay inspirasyon at
makaaapekto sa buhay ng mga kabataan.
----------------------------------------------------------
Sa pamahalaan.
---------------------------------------------------------- Sa pamamagitan ng
saliksik na ito, mabubuksan ang kamalayan ng mga namumuno sa
ating lipunan kung ano ang tunay na kalagayan at mga suliranin at
hamon ng mga mag-aaral sa panahong may pandemya. Ang mga
naihatag na suliranin ay maaaring magsilbing gabay sa mga
kainauukulan upang bumuo ng batas, makaisip ng solusyon o
makapagpaabot ng kanilang tulong na maaari nilang maihatid para
sa mga mag-aaral.
----------------------------------------------------------
Sa mga susunod na mananaliksik.
----------------------------------------------------------Sa pamamagitan ng
saliksik na ito, mabibigyan sila ng tamang giya at impormasyon sa
pag-aaral na kanilang isasagawa. Kaakibat nito, ang pagpapatuloy
sa paggamit ng penomenolohiya sa pagbuo ng iba’t ibang uri ng
saliksik.
----------------------------------------------------------

SAKLAW AT LIMITASYON
---------------------------------------------------------
Ang pananaliksik na ito ay naka pokus sa saysay ng mga salaysay
ng mga piling mag-aaral ng Pamantasan ng Lungsod ng Marikina
hinggil sa suliranin, hamon at motibasyon sa pag-aaral ngayong
may pandemya.
Ang pananaliksik na ito ay limitado lamang sa danas ng 40 mag-
aaral ng Pamantasan ng Lungsod ng Marikina na kumukuha ng
Batsilyer ng Pangsekundaryang Edukasyon na
nagpapakadalubhasa sa mga sumusunod na asignatura; Sipnayan,
Agham, Filipino, Ingles, Araling Panlipunan at Edukasyong
Pangkatawan sa taong panuruan 2020-2021.

PAGSUSURI SA MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-


AARAL
----------------------------------------------------------
Sa bahaging ito ng pag-aaral ay matutunghayan ang mga literatura
at pag-aaral na may kauganyan sa paksa ng pananaliksik. Ang mga
nakalap na datos ay binigyang diskurso at sinikap na matukoy ang
kaugnayan nito sa paksang sinasasliksik

Ipinahahayag na ang Penomenolohiya ay nagmula sa mga


karanasan ng isang tao at maging sa kasaysayan. Sapagkat sa
paglipas ng panahon ang mundo ay nagbabago sa pamamagitan ng
pag-unlad at pagbagsak sa likod ng mga danas na kinahaharap
nito. Sa pamamagitan ng diwa para hanapin at lagpasan ang mga
danas na kinakaharap.

Sa pagpapakahulugan ni Paul B. Armstrong ng Brown University,


ang Penomenolohiya ay pilosopiya ng karanasan. Ito ang
pinagmumulan ng lahat ng kahulugan, halaga at ang sariling
karanasan ng tao. Bilang pilosopikong paraan, siyentipikong teorya,
o estetika ang kahatulang may estado na mabuo mula sa maliit at
umagos na buhay sa mundo.

Ang tungkulin ng pilosopiko, ayon sa penomenolohiya ay ilarawan


ang balangakas ng karanasan sa pansariling kamalayan, ang
imahinasyon, kaugnayan sa ibang tao at ang sitwasyon ng tao na
nakasalalay sa lipunan at kasaysayan. Penomenolohiyang teorya ng
literatura tungkol sa gawa ng sining bilang tagapamagitan sa
pagitan ng kamalayan ng awtor at mambabasa o bilang pagsubok
na ilantad ang aspeto ng pagkatao at kanilang daigdig. (P.Idea 95-
105 and Meditations 11-23)
---------------------------------------------------------

LOKAL
---------------------------------------------------------
Ayon kay Maestro, (Bataller et al 2017) ang Penomenolohiya ay may
kinalaman sa pagbuo ng pananaliksik tungkol sa personal na
buhay at karanasan ng isang indibidwal sa paraang pasalaysay.
Dahil ang pag-aaral ay tungkol sa aking personal na paglalakbay
(sa mundo ng theatre arts) at transpormasyon bilang isang cultural
worker, ang penomenolohiya ay angkop na gamitin sapagkat ito ang
makapagbibigay daan upang mailabas ang ekspresyon sa
istraktura ng iba pang paraan ng pananaliksik. (Maestro p93, My
Personal Journey as a Cultural Worker Towards Transfromation: A
Phenomelogical Study)

LAYUNIN NG PAG-AARAL (JAYMARK)


Layunin ng aming pananaliksik na malaman ang mga hamon
at suliranin na kinaharap ng mga mag-aaral sa gitna ng pandemya.
Nais matuklasan ng mga mananaliksik ang mga naging danas ng
bawat mag-aaral at kung paano nila ito hinarap sa pamamagitan
ng pagkakaroon ng motibasyon sa pag-aaral.

PARADIGMA NG PAG-AARAL (DE CASTRO)


Sa paradigma na ito makikita ang pinag-ugatan ng lahat
ng suliranin at hamon, ang mga naging tuntungan ng danas ng
mga piling mag-aaral, ang penomenolohiya ng saysay sa salaysay
ng mga piling mag-aaral at ang Bunga ng suliranin at hamon na
kinaharap ng mga piling mag-aaral. Ang mga karanasan ng mga
piling mag-aaral ang siyang pokus ng paradigmang ito, sapagkat
sila ang may malalim na pagkilala sa mga suliranin, hamon at
motibasyon na kanilang kinaharap.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN (OMAR)


Ang pag-aaral na ito na mayroong pamagat na,
“Penomenolohiya ng Saysay ng mga Salaysay ng mga Piling Mag-
aaral sa mga Suliranin, Hamon at Motibasyon sa Pag-aaral ngayong
may Pandemya”, ay naglalayong tugunan ang mahahalagang
katanungan;
Una, Ano ang demograpikong propayl ng respondente ayon sa:
a. Edad;
b. Kasarian;
c. Antas at kurso (major)
Pangalawa, Ano ang mga suliraning kinakaharap ng mga
kalahok sa kanilang pag-aaral ngayong may pandemya?
Pangatlo, Paano hinarap ng mga mag-aaral ang hamon 21sa
kanilang pag-aaral ngayong may pandemya?
Pang-apat, Ano ang nagsilbing motibasyon ng mga piling mag-
aaral sa pagpapatuloy ng pag-aaral sa gitna ng pandemya?
Pang-lima, Ano ang lumutang na penomenolohiya ng saysay
at salaysay mula sa mga suliranin, hamon at motibasyon ng
mga kalahok sa pag-aaral ngayong may pandemya.

SOP 1A (MATT)
Ipinapakita sa talahanayan isa punto isa sa distribusyon ng
mga piling respondente batay sa edad, na mayroong malaking
bahagdan ang mga respondente na nasa edad dalawampu’t isa
hanggang dalawampu’t lima na may karampatang bahagdan na
siyam na pu’t dalawa punto lima na nagpapahayag na karamihan
sa mga tumugon ay nasa kabuuang tatlumput pito. Samantalang,
ang edad na nasa dalawamput anim hanggang dalawamput siyam,
tatlumpu hanggang tatlumput lima, at tatlumput anim hanggang
tatlumput siyam na may tig-iisang tugom na may bahagdan na
dalawa punto lima.

SOP 1B (YONA)
Ipinakita ng talahanayan isa punto dalawa sa distribyuson ng
mga piling respondete batay sa kasarian, na mas Malaki ang
bahagdan ng mga respondente ang nasa grupo ng mga kababaihan
na mayroong pitumpu’t limang bahagdan (75%) at dalawampu’t
limang bahagdan naman (25%) sa kalalakihan.
SOP 1C (DE CASTRO)
Ang naging respondente ng pananaliksik na ito ay ang mga

piling mag-aaral na nagmula sa ika-apat na taon sa Pamantasan ng

Lungsod ng Marikina na kumukuha ng edukasyon mula sa iba’t

ibang medyor (Ingles, Sipnayan, Araling Panlipunan, Elementarya,

Filipino, at Edukasyong Pangkatawan).

Ipinapakita ng talahayanan isa punto tatlo sa Distribusyon ng

mga piling respondente batay sa Antas at kurso na mayroong

pagkapantay-pantay sa apat na medyor. Tig-Lima sa mga medyor

ng Ingles, Sipnayan, Araling Panlipunan, at Edukasyong

Pangkatawan na mayroong bahagdan na labing dalawa punto lima,

ito ay ang bawat medyor na may kabuuang limampung bahagdan

(50%). At ang dalawang medyor na Elementarya at Filipino ay

mayroong tig-sampung (10) dami ng respondente na mayroong tig-

dalawampu’t limang bahagdan na may kabuuang limampung

bahagdan (50%).

SOP 2&3 UGAT (JAYMARK)


Ang mga impormasyon, detalye at datos na nakalap ng

mga mananaliksik ay batay sa mga naging salaysay ng mga piling


mag-aaral. Malinaw at maayos na inilahad sa ng mga mananaliksik

sa kabanatang ito. Ang pinag-ugatan ng lahat ng suliranin at

hamon ng mga piling mag-aaral ay ang mismong danas nila sa pag-

aaral sa gitna ng pandemya, dahil sa isang matinding krisis na

siyang naging ugat ng lahat ng suliranin at hamon ng mga piling

mag-aaral. Mababatid sa mga salaysay ng mga piling mag-aaral ang

pinag-ugatan ng lahat ng suliranin at hamon: una, ito ay dahil sa

pandemya na umusbong at nagtagal na siyang naging ugat upang

mabago pansamantala ang sistema ng pag-aaral. Dahil sa ganitong

danas, ay minabuti na lamang ng pamahalaan kasama ng

Kagawarang ng Edukasyon na gawing Modyular at Online Class

muna ang sistema ng pag-aaral upang maiwasan ang pagdami at

pagkalat ng nasabing krisis. Isang hamon para sa mga piling mag-

aaral ang pagkakaroon ng bagong sistema ng pag-aaral na siyang

ikinalungkot ng karamihan dahil sa kanilang danas sa pag-aaral sa

gitna ng pandemya. Mababakas sa mga salaysay ng mga piling

mag-aaral ang ugat ng mga suliranin at hamon na kinaharap ng

mga piling mag-aaral sa gitna ng pandemya.


SOP 4A (YONA)
Sa bahaging ito ng paradigma, natunghayan ang

nagsisilbing motibasyon ng mga piling respondente ay ang kanilang

mga pamilya, kaibigan at kanilang kamag-aral. Malalaman rito

kung paano nakatulong sa mga piling mag aaral ang naging

motibasyon nila sa buhay na kahit napakahirap na ng sitwasyon

patuloy pa rin sa pag laban ang mga piling mag aaral.

Batay sa mga naging respondente ng?sa pananaliksik na ito,

mapapansin na malaking tulong para sa mga piling mag-aaral ang

supporta ng mga taong ginawa nilang motibasyon sa pag-aaral na

naniwala sa kakayahan ng mga piling mag-aaral na

makakapagtapos sila ng pag-aaral kahit na mayroon kinakaharap

na pandemya.

Natuklasan ng mga mananaliksik ang nagsilbing sandigan ng

mga piling mag-aaral kung gaano sila katatag sa pagharap ng

suliranin at hamon sa kanilang pag-aaral lalo na ngayong may

pandemya.

SOP 4B (OMAR)
Sa pag-aaral na isinagawa ng mga mananaliksik sa mga piling mag-

aaral ng Pamantasan ng Lungsod ng Marikina, lumalabas na ang


bawat karanasan ay may sariling pinagmulan o pinanggalingan na

nagsisilbing saysay ng kanilang salaysay. Ipinapakita sa bahaging

ito kung paano nila nabibigyang pokus ang kanilang pag-aaral sa

likod ng mga kinakaharap na suliranin at hamon sa gitna ng

pandemya.

Ayon sa mga datos na nakalap ng mga mananaliksik

karamihan sa mga respondent ay nakaranas ng hirap sa bagong

sistema ng edukasyon ngayong may pandemya, ngunit ang

karamihan sa kanila ay nagpatuloy sa kabila ng kahirapang ito,

gawa nadin ng panghihinayang sa panahong maaaring masayang

kung sila ay hihinto. Ang ilan sa kanila ay naghanap ng trabaho

upang may panustos sa kanilang pangangailangan sa pag-aaral.

Ayon sa kanilang mga salaysay bagaman mahirap ang sitwasyon

sila ay mayroon pading natututuhan sa ganitong sistema ngayon

ng edukasyon.

SOP 4C (MATT)
Ang bawat danas na kinaharap ng mga piling mag-aaral

ay may kaakibat na bunga sa kaduluhan nito na siyang

humuhubog sa bawat isa upang maging matatag sa ano man


suliranin at hamon na kanilang kinakaharap at laking tulong din

sa mga piling mag aaral ang mga taong nagsilbing motibasyon nila

sa buhay.

Ito ang magsisilbing matibay na ebidensya sa pagpapatunay

na mahalaga ang bawat karanasan na mayroon ang mga piling mag

aaral na sa kabila ng suliranin at hamon na kanilang kinakaharap

sa buhay ay patuloy pa rin sila sa paglaban sa kanilang pag aaral,

lalo na ngayong may pandemya kagaya nalang ng mga

mananaliksik.

POSIBLENG TANONG:
Ano ang research method na iyong ginamit?
Ang mga mananaliksik ay gumamit ng palarawang naratib o
descriptive narrative sa pag-aaral na ito upang makabuo ng isang
tiyak at kongkretong paglalarawan at pagsusuri sa nakalap na
datos

----------------------------------------------------------

Ano ang ginamit niyong sampling para makuha ang inyong mga
respondente?
Ang mga mananaliksik ay gumamit ng stratified random sampling
na nagmula sa ikaapat na taon ng Pamantasan ng Lungsod ng
Marikina na kumukuha sa iba't ibang medyor.
----------------------------------------------------------

Ano ang ginamit ninyong research design?


Ang mga mananaliksik ay gumamit ng kwalitatibong pamamaraan
ng pananaliksik upang malaman ang tiyak na danas ng mga piling
mag-aaral batay sa kanilang suliranin, hamon at motibasyon sa
pag-aaral ngayong may pandemya.

----------------------------------------------------------

Ano ang inyong ginamit na research instrument?


Ang mga mananaliksik ay gumamit ng pakikipanayam upang
makalap ang salaysay ng mga piling mag-aaral batay sa kanilang
mga suliranin, hamon at motibasyon sa pag-aaral ngayong may
pandemya.

----------------------------------------------------------

Ano ang inyong ginamit na balangkas teoretikal?


Ang mga mananaliksik ay kinasangkapan ang teorya ni Edmund
Husserl na transcendal phenomenology ito ang nagbigay ng
kabuuan na sumusukat sa pag-aaral ng karanasan ng tao sa
pamamagitan nang mahusay na pag-aanalisa. Ang pag-aaral na ito
ay ginamitan ng paradigma para sa mas malalim na pag-unawa

----------------------------------------------------------

Bakit puno ang inyong ginamit na nagsilbing balangkas ng inyong pag-


aaral?
Dahil ang puno ay nagsisilbing representasyon ng paradigma upang
maihayag ang pag-aaral na ito.

You might also like