You are on page 1of 9

KABANATA 1

A. Introduksyon

Bali-balita ang mabilis na pagkalat ng isang pandemya noong Marso taong 2020.
Marami sa mga mamamayang Pilipino ang nawalan ng trabaho dito. Kasama sa mga
naapektuhan ay ang mga estudyanteng namulat sa face to face learning o harap-
harapang pagkatuto na nagresulta ng kabagutan sa mga estudyante lalo na yung
pumili ng offline na pag-aaral na kung saan hawak nila ang kani-kanilang oras sa
pag-aaral.

Karamihan sa mga estudyante ay nalugmok sa pagkabagot sa kani-kanilang mga


bahay ngunit marami naman sa kanila ang nagbaling sa iba’t ibang sining na
nakatulong sa kanila upang malibang at magsilbing paghilom sa sugat na dulot ng
pandemya. Dahil dito ninais ng mga mananaliksik na pag-aralan ang sining na ito na
nakatulong upang manatiling aktibo, matatag at produktibo sa gitna ng delubyong
dinadanas.

Maraming mga Pilipino ang nakaranas ng kahirapan sa gitna ng pandemya


kasama na rito ang mga estudyante ng bawat paaralan. Ang pananaliksik na ito ay
pag-aaralan kung ano-anong Mga Sining Sa Paghilom Sa Gitna Ng Pandemya ang
kanilang kinagiliwan sa panahong ito.

Paglalahad ng mga Suliranin

Ang pananaliksik na ito ay pag-aaralan kung anong mga sining ang nagpahilom
sa nga estudyante noong kasagsagan ng pandemya. Narito ang mga tiyak na
suliraning nais masagutan sa pag aaral na ito:

1. Ano- ano ang mga sining na kinababalingan ng atensyon ng mga mag-aaral sa


panahon ng pandemya?

2. Paano nabuo ng mag-aaral ang sining na kanilang kinabalingan ng atensyon sa


panahon ng pandemya?

3. Paano nakapaghilom ang sining na kinababalingan ng atensyon ng mga mag-


aaral sa panahon ng pandemya kung ibabatay sa iba’t ibang aspekto ng buhay
ng mga mag-aaral?
Teoritikal na Balangkas

Hindi naging hadlang ang kondisyong tuberculous meningitis para ipakita ng 30-
anyos na artist ang kaniyang talent sa pagguhit. Ang kaniyang mga obra, nililikha
niya gamit ang kaniyang mga paa.

Sa "Tunay Na Buhay," makikitang ilan lamang sa mga personalidad na iginuhit ni


Mark Agcaoili ng Iligan City, Isabela ay mga larawan nina Manny Pacquiao, Pia
Wurtzbach, Jessica Soho, Kuya Willie Revillame at maging ang host na si Pia
Arcangel.

Normal na sanggol nang isilang si Mark, at pangalawa sa apat na magkakapatid.


Honor student din siya mula Grade 1 hanggang 6, at nagtapos na valdeictorian.

Pero nang magkaroon ng tuberculous meningitis, hirap siyang magsalita at


kinakailangan niya ang pag-alalay ng kaniyang ina sa pagligo at pagkain.

Pero hindi sumuko si Mark nang magpabili ng mga gamit at nagsimulang gumuhit
gamit ang kaniyang mga paa.

Ito ang isa sa mga hamon sa buhay na hindi sinukuan ni Mark Agcaoili bagkos ay
ginawa niyang inspirasyon ang kanyang kapansanan upang suungin ang realidad na
dapat ay lumaban sa binabatong problema ng mundo. Ang pagiging matatag ang
kanyang sandata para hamunin ang laban sa buhay at ang tiwala naman sa sarili ang
kanyang nagging kalasag para sa hamon ng buhay.

1. Noong nalaman ni Mark Agcaoili ang kanyang karamdaman naisip ba niya na


sumuko na lamang sa hamon ng buhay?

Noong una ay naisipan ko nalang na sumuko ngunit napagtanto ko sa mga lumipas


na panahon na ay mayroon ako palang kakayahan na gumuhit na maaring maging
daan ko sa hamon ng buhay.

https://www.gmanetwork.com/news/balitambayan/talakayan/765004/artist-na-may-
kapansanan-paa-ang-gamit-sa-paglikha-ng-obra/story/

Naging isa sa mga parte ng pananaliksik na itoa ng “Sining Sa Gitna Ng Pandemya” ni


Charo Gregorio at Coach. Marion Gay Zacarias. Inilihad ni Ginang Charo G. noong ( hunyo
15, 2021 ). Isa sa libangan ng marami sa atin ay ang panonood ng tv lalo na ang drama.
Drama sa hapon hanggang gabi kaya nauso ang terminong drama-rama o tele-babad. Pero
matanong lang, kayo ba nakasubok ng makapanood ng stage play? Kung oo ang sagot ninyo,
ano ang mas intense panoorin?

Mga katanungan ni Ginang Charo G.

1. Kamusta ang sining ng pag arte ngayon nahaharap tayo sa pandemya?

Ang sining ng pag arte bagamat naapektuhan din ng pandemya ay buong lakas ding
lumalaban hindi lamang para sa kanila kungdi maging sa industriyang kanila ng kinalakihan.

Pero kahit na nagkaroon ng mga alternatibong paraan gaya ng virtual galleries, workshop,
museums, stage plays, hindi pa rin ito sapat para masuportahan ang industriyang kanilang
ginagalawan..

2. Sabi nila malakas kumita ang mga artista…gaano katotoo ito?

Glamoroso at pamoso ang larangan na ito dahil sa makukulay na kasuotan at dahil sa mas
malawak ang nararating nito. Subalit ang katotohanan ay salat ang marami sa mga actor dahil
na rin sa kakulangan ng suporta at pagkakataon na maipalamas ang kanilang talento dahil na
rin sa teknolohiya at ilang makabagong pamamaraan ng pagpapamalas ng artistry.

3. May mangilan ngilan na teleserye ipinapalabas sa telebisyon…may naiaambag ba ang mga


palabas sa panahon ng pandemya?

Malaki ang naiaambag ng sining sa panahon ngayon dahil kahit sa konting sandali nakukuha
nitong pasiyahin ang mga manonood. Pansamantalang nawawaglit ang kanilang mga
problema.

Isa sa kanilang tungkulin ay ang aliwin ang mga tao at naipamalas ito hindi lamang ngayong
panahon ng pandemya ngunit maging panahon ng world war ll kung saan ang mga artista ay
dinadala sa mga military camps upang pasiyahin ang mga sundalong nakipaglaban noong
panahong iyon.

4. Sa mga sigalot na nangyayari sa mundo…sa local na pamahalaan…sa tingin mo ba eh


kung wala ang covid may magagawa bang pagbabago ang mga nasa industrya ng pag arte o
kahit itong panahon ng covid may magagwa ba sila?

Bukod sa tungkulin ng mga alagad ng sining ang aliwin ang mga tao, isa rin sa kanilang
responsibilidad ang imulat ang mga tao sa ilang usaping sosyal at pulitika. Matapang na
pamamahayag ng damdamin at saloobin ang isa sa mga ipinapamalas ng mga artista.

Kayat may covid o wala, malaki ang maitutulong nila upang buksan ang kamalayan ng mga
tao.

5. Ano ba ang mas importante yung pagganap sa kanilang karakter o yung mensahe ng
kuwento?
Parehong mahalaga ang pagganap ng karakter at ang mensahe ng kuwento dahil kung hindi
mabibigyan ng hustisya ang pagganap ay malaki rin ang maiiwan na epekto nito sa kuwento
ng istorya.

6. Paano ba dapat ipahatid ang mensahe?Bukod pa sa kuwento ng script, dapat malinaw rin
ang pagganap ng karakter at ang paghahatid ng kuwentong ito. Kayat bukod sa kuwentong
hatid ng script, may sarili ka rin kuwento na dapat na maihayag sa kanila.

Paradaym ng Pag-aaral

Pag-sasagawa Pag-papasuri Pagbibigay ng Pag-kolekta ng


ng pre-survey ng pre-survey Pre-survey sa mga ideya na
sa mga sa lupon ng mga Estudyante makakatulong
estudyanteng tagapayo kung ng Capiz State upang mas
nagkaroon ng maari itong University Main mabigyang
sining sa kagamiting Campus na may kagandahan ang
panahon ng katanungan sa kursong pananaliksik na
pandemya pagkolekta ng Edukasyon na isinasagawa at mas
ideya. nag- maipakita ang
papakadalubhasa katunayan ng
sa filipino bawat salitang
nakapaloob sa
pananaliksik.

Pigura 1. Ang GRAPH na ito ay nagpapakita ng proseso kung paano sisimulan ang
Pananaliksik para makalakap ng mga datos at ideya sa Mga Sining Ng
Paghilom Sa Gitna Ng Pandemya.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa ay higit na makatulong sa mga sumusunod:

Mga Mag-aaral. Ang mga mag-aaral ay mabibigyan ng ideya kung aling mga sining
ang maari nilang pagtuunan ng pansin upang makatulong sa kanila upang maging
kapaki-pakinabang at hindi matatangay ng pagkabagot sa halip ay maging positibo
kahit sa gitna ng mga hamon sa buhay .Makatulong sa mga mag-aaral kung saang
sining maaring mapabilang ang bagong talent na diskobre lamang sa gitna ng
pandemya na siyang nag hilom sa pagkabagot ng mga estudyanteng hinaharap ang
matinding krisis.
Mga Guro. Ang pag-aaral na ito ay magagamit nilang batayan upang magkaroon ng
ideya kung aling sining ang higit na naaangkop at nababagay na imumungkahi para
sa mga estudyante na nahihinaan ng loob dahil sa mga pinagdadaanan sa buhay tulad
ng pandemya. Mapalawak ang kakayahang matulungan ang mga estudyante sa
pagpapalapad at pagpapalawak ng kanilang mga talento. Paghubog sa mga
estudyanteng ngayon lamang nakita ang kanilang talento matapos mag karoon ng
malawakang pag lockdown.

Mga Magulang. Masuportahan ang mga anak na bumabaling sa sining sa gitna ng


pandemya. Higit nilang maunawaan ang malawakang pag lockdown alam ng mga
estudyante kung paano maalis ang kanilang kalungkutan at pagkabagot sa loob ng
kanilang mga bahay.

Mga Mananaliksik sa hinaharap. Makakatulong ito upang gawing batayan para sa


mga pananaliksik na may kaugnayan dito.

Depinisyon ng mga Terminolohiya

Para lubusang maunawaan ang pag-aaral na ito. Ang sumusunod ay ang mga
terminolohiyang binigyan ng karampatang operasyonal at konseptwal na depinisyon.

Aspekto ng buhay. Binubuo ng iba't ibang mga yugto ng iyong buhay na


pinamamahalaan mo araw-araw. Ang mga yugto na ito ay - Mental. Emosyonal.
Pisikal.

Paghilom. Paggaling.

Pandemya. Isang emergency sa kalusugan sa publiko. Ito ay nailalarawan sa


pamamagitan ng pagdudulot ng maraming mga seryosong kaso na, kahit na maaaring
kumatawan sa isang maliit na porsyento ng populasyon, nagpapahiwatig ng isang pare-
pareho at hindi malulutas na kahinaan.

Síning: kalidad, produksiyon, o ekspresyon ng anumang maganda, kaakit-akit, at


may kahalagahang higit sa karaniwan alinsunod sa mga prin-sipyong estetiko. Noong
kasagsagan ng pandemya marami satin ang nag hanap ng sining na pwede nilang
gawain upang malibang sa mga panahon na iyon.
B. Mga Kaugnay na literature at Pag-aaral

Walang makita, walang maaninag; tila wala nang pag-asa—iyan ang sitwasyong
kinahaharap ng bawat isa na nababalot ng dilim. Sa biglaang pagbabago ng mundo dulot ng
pandemya, tila nasa gitna ng dilim ang lahat. Takot at pangamba ang damdaming nanaig sa
puso ng bawat isa, gayundin sa mga mag-aaral na nahihirapang magpatuloy dahil sa
limitadong kakayahan na dulot ng online set-up. Hindi malaman ang gagawin sa unti-unting
pagkaupos ng sarili at kung paano pa magpapatuloy sa pangarap na inaabot. Ano nga ba ang
dapat gawin sa suliraning tumatakip sa liwanag na nagsisilbing pag-asa?

Gamit ang musika at likhang-sining, inilunsad ng organisasyong Bangon noong Hunyo 5 ang
SINAG: Handog ng Himig — isang proyektong naglalayong magbigay ng tulong at pag-asa
sa mga napiling iskolar na mag-aaral sa high school. Magsisilbing ilaw sa pangarap ng mga
nasabing mag-aaral ang bawat tulong at donasyon na mula sa proyekto nang sa gayon,
makabili ng kinakailangan nilang gamit sa pag-aaral.

Isa ang tiktok o pagtuturo ng step sa sayaw ang kumuha ng isa sa mga kabagotan sa
ating mga sarili at mga estudyante. Ano nga ba ang tiktok? Ang TikTok ay isa ring platform
ng social media para sa paglikha, pagbabahagi at pagtuklas ng mga maiikling video . Ang app
ay ginagamit ng mga kabataan bilang isang outlet upang ipahayag ang kanilang mga sarili sa
pamamagitan ng pag-awit, pagsayaw, komedya, at lip-syncing, at nagbibigay-daan sa mga
user na lumikha ng mga video at ibahagi ang mga ito sa isang komunidad.

Ang artikulo na ito ay hinango mula sa “Coronavirus: The Hammer and the Dance” at isinalin
sa wikang Filipino. Ang artikulo ay iniaalay ko sa mga bayani ng mga panahong ito, ang ating mga
magigiting na frontliners. Saludo kami sa inyo. Kung mariing maipatutupad nang tama ang mga
matitinding hakbang upang supilin ang pagkalat ng coronavirus, makaaasa tayo na hindi gaanong
tataas ang bilang ng mga mahahawa, at maraming buhay ang maililigtas. Bagaman may hatid na
dagok sa ekonomiya ang pagpapatupad ng aksyong nabanggit bunsod ng pangangailangang
pagsustine rito ng ilang lingo, ito ang siyang makabubuti para sa nakararami. Malinaw na hindi
kakayanin ng ating sistema ng pangangalagang pangkalusugan (healthcare system) na tugunan ang

pangangailangan ng lahat sa gitna ng kinakaharap nating krisis. Ang panahon para maghanda at
kumilos tayo ay ngayon na

DALA KO EGCO ni Joel M. SY EGCO NANUMBALIK sa karamihan ang paghahalaman o pag-


aalaga ng tanim, mapa-gulay man o mabulaklakin. Kaya nauso ang tawagang “planttito” at “planttita”
sa mga kasama natin sa bahay na ginawang libangan ang pagtatanim upang palampasin ang
kaburyungan sa gitna ng pandemya nating dinaranas na nang mahigit walong buwan na ngayon.
NANUMBALIK sa karamihan ang paghahalaman o pag-aalaga ng tanim, mapa-gulay man o
mabulaklakin. Kaya nauso ang tawagang “planttito” at “planttita” sa mga kasama natin sa bahay na
ginawang libangan ang pagtatanim upang palampasin ang kaburyungan sa gitna ng pandemya nating
dinaranas na nang mahigit walong buwan na ngayon.

At sa iba pa nga ay naging oportunidad ito sa kabuhayan. Kasi naman, nang mauso ang pagtatanim,
marami ang naghanap ng maitatanim. Kaya ang mga dating naghahalaman pati na yaong mga
maraming tanim na halaman ay nakaisip nang ipagbili ang kani-kanilang mga alagang halaman. Mas
mabenta nga kaysa noon ang naging bunga ng pandemya para sa mga talagang nag-aalaga ng mga
halaman, lalo’t mayroon na tayong social media sa ngayon. Hindi ba’t sari-saring post ang ating
makikita sa mga kaibigan at kakilala na ngayon ay nag-aalaga na rin ng mga halaman.

Pagandahan at paibahan. Ngunit kung tutuusin ay dati nang naririto ang mga halamang ngayon lang
natin muling napagtuunan. Kasi nga ay wala na rin tayong halos magawa sa mahabang pagbabawal sa
ating lumabas ng kanya-kanyang bahay dahil sa quarantine.

Sa mga mabibilis tumakbo ang mga kaisipan, naging magandang oportunidad ito upang pagkakitaan.
Pumalo ngang bigla ang mga simpleng halaman lamang noon na dati’y balewala lamang sa ating
pansin, sa libong halaga na.

Malaking bagay naman kasi rin kung gugugulan mo ng pansin ang paghahalaman kung ikaw ay nasa
pamamahay lamang palagi.

Bukod sa nasusubaybayan mo ang kanilang pagyabong at paglaki, nawawala ang iyong pagkainip
nang dahil ikaw ay naka-quarantine o hindi pinapayagang makalabas dahil nga sa panganib ng
COVID-19.

Halaman din naman ang sinasabi sa atin na stress reliever, kaya sa mga talagang mahilig dito,
nakakaligtaan nilang tayo ay dumaranas ng pandemya.

Naiiwas din nito ang matagal nating pagtutok sa mga gadget kung saan tayo ay iniiwas na makatutok
sa mga likas na yaman ng ating kapaligiran.

At lumobo na nga ang presyuhan ng mga ito, dahil karamihan ay nagnanais nang magpalaki at mag-
alaga ng halaman. Dahil habang ika’y nag-aalaga ng halaman, parang nadaragdagan na rin ang iyong
kasama sa buhay. Parang gaya ng mga may alagang hayop. Mas mainam nga lang sa halaman, dahil
tubig, araw at pataba lamang ng lupa ang kakailanganin.

Ngunit sadyang may naiiba sa atin. Dahil kung karamihan ay nawiwili na sa paghahalaman
atnagagawa pang kumita dahil sa mga ito sa pamamagitan ng pagbebenta ng kanilang mga tanim, ang
iba ay mapagsamantala naman.

Ito ‘yung mga kababayan nating hawig kay “Juan Tamad.” Ang gagawin ng mga ito ay hintayin
lamang na ikaw ay malingat. At sa isang iglap, ang iyong alagang halaman ay wala na sa iyong harap.
Pagnanakaw ang ibig kong sabihin.

Dahil ayaw nang maghirap pa sa pagtatanim at pagpapalaki ng halaman, ang iba ay nagnanakaw na
lamang upang pagkakitaan ang bago nating kinahuhumalingang pag-aalaga ng halaman.

C. Metodolohiya

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa ayon sa disenyong Deskriptiv. Ito ay isang


Penomenolohiyang pananaliksik sa paraang Kwalitativ. Sinuri sa pag-aaral na ito ang
tungkol sa Mga Sining Sa Paghilom Sa Gitna Ng Pandemya .

Paraan sa Pangangalap ng datos


Ang sumusunod ay ang mga hakbang na isinagawa upang matukoy ang Mga
Sining Sa Paghilom Sa Gitna Ng Pandemya : (1) Pagsasagawa ng pre-survey sa mga
estudyanteng nagkaroon ng sining sa panahon ng pandemya. (2) Pagpapasuri ng pre-
survey sa lupon ng tagapayo kung maari itong kagamiting katanungan sa pagkolekta
ng ideya. (3) Pagbibigay ng Pre-survey sa mga Estudyante ng Capiz State University
Main Campus na may kursong Edukasyon na nag-papakadalubhasa sa Filipino. (4)
Pagkolekta ng mga datos sa paraang interbyu, pagkatapos ay isinaayos at inalisa ang
mga ito gamit terimatic na paraan.

Instrumento sa Pag- aaral

Ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng interbyu gamit ang harapang paraan


sa mga piling estudyante ng Capiz state university na nagpapakadalubhasa sa Filipino.
Sa bawat antas ay kukuha ng limang (5) respondente. Dalawa sa lalaki isang (1)
urban isang (1) rural at sa babae naman dalawang (2) rural isang (1) urban. Ang
interbyu ay binubuo ng apat na bahagi:

Ang unang bahagi ay binubuo ng pre-survey ukol sa Mga malikhaing Gawain


na nakatulong sa iyo sa pagharap ng mga hamon sa panahon ng pandemya .

Ang ikalawang bahagi ay binubuo ng katanungan patungkol sa mga sining


kinabibilangan ng atensyon ng mga mag-aaral sa panahon ng pandemya.

Ang ikatlong bahagi ay binubuo ng katanungan kung Paano nabuo ng mag-


aaral ang sining na kanilang kinabalingan ng atensyon sa panahon ng pandemya.

Ang ikaapat na bahagi ay tanong uko kung Paano nakapaghilom ang sining na
kinabibilangan ng atensyon ng mga mag-aaral sa panahon ng pandemya kung ibabatay
sa iba’t – ibang aspekto ng buhay ng mga mag-aaral.

Respondente ng Pag-aaral

Ang mga respondente sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral ng Capiz State
University na nagpapakadalubhasa sa Filipino. Mayroon itong dalawampu (20) na respondent
lamang (5) respondente. Dalawa sa lalaki isang (1) urban isang (1) rural at sa babae naman
ay dalawang (2) rural isang (1) respondante mula sa uraban.

Paraan sa Pag- aanalisa ng datos

Inalisa ang mga nakalap na datos gamit ang pamamaraang Thematic.


MGA SINING SA PAGHILOM SA GITNA NG PANDEMYA

ROHAN R. ARAGON
RAINIER IVERSON A. BALIDIONG
VANESSA VIEVE D. ARCE

Isang Thesis na inihaharap sa kaguruan ng kolehiyo ng Edukasyon ng Capiz


State University Main Campus, Lungsod ng Roxas bilang bahagi ng pagtupad ng
mga pangangailangan sa titulong

BATSILYER NG EDUKASYON SA SEKONDARYA MEDYUR SA FILIPINO

You might also like