You are on page 1of 3

GE 14 SINESOSYEDAD/PELIKULANG PANLIPUNAN

KABANATA 1
DOKUMENTARYONG PANTELEBISYON

I. PANIMULA
Masasabing malaki na ang naging pag-unlad ng teknolohiya sa buong mundo maging
sa ating bansa. Ang paglaganap ng Internet, pag-usbong ng iba’t ibang social media
network gaya ng Facebook at Twitter, gayundin ang pagkahumaling ng kabataan sa
pagtangkilik sa mga website gaya ng YouTube ay nagdulot ng malaking pagbabago sa
kulturang Pilipino.
Ang pagkahilig ng marami, lalo na ng kabataan, sa mga kontemporaryong anyo ng
panitikan ang nag-udyok sa pagbabagong bihis ng tradisyunal na anyo nito. Paano nga ba
naiba ang tradisyunal na uri ng panitikan sa panitikang popular? Bakit nagkaroon
ng transpormasyon mula sa tradisyunal na panitikang Pilipino tungo sa panitikang
popular? Malalaman mo ang sagot sa mahahalagang tanong na ito sa pagpapatuloy mo ng
iyong pag-aaral.
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan kong makapagpapamalas ng
iyong pag-unawa sa estilo, mekanismo, pamamaraan/ teknik at mga kaalamang teknikal
ng mga panitikang popular tungo sa kamalayang panlipunan

II. LAYUNIN
Sa araling ito, inaasahang maipamamalas ang mga sumusunod na kaalaman,
kakayahan, at pang-unawa:
1. nakabubuo ng sariling pananaw tungkol sa isang napapanahong isyu na may
kaugnayan sa napanood;
2. nakapagbibigay ng sariling kuro-kuro at mungkahi tungkol sa alinman sa mga
paksa; at
3. Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa akda batay sa mga nangyayari sa
sarili, pamilya, pamayanan, lipunan, at daigdig.

III. MGA GAWAIN SA PAGKATUTO


A. Gawain (Activity)
Pansinin ang mga pamagat ng palabas sa telebisyon na nakasulat sa kasunod na
mga kahon. Ibigay ang pagkakatulad nila.

STORYLINE S. O. C. O. KRUSADA

REEL TIME REPORTER’S INVESTIGATIVE


NOTEBOOK DOCUMENTARIES

1
GE 14 SINESOSYEDAD/PELIKULANG PANLIPUNAN
B. Pagsusuri (Analysis)

1. Ano-ano ang ipinakikita ng mga larawan? Ipaliwanag.


2. Sino-sino ang tagapag-ulat sa mga programang nabanggit?
3. Paano nila tinatalakay ang kanilang mga paksa?
4. Ang telebisyon bilang salik ng panitikang popular ay maituturing bang isang malaking
impluwensya sa paghubog ng bagong kabataan? Pangatuwiranan.

Ano ang napansin mo sa iyong mga sagot? Tama! Mga pahiwatig na ikaw ay
nakikisangkot sa mga usaping panlipunan gamit ang broadcast media tulad ng
telebisyon. Ipagpatuloy mo ang pagtuklas ng karunungan sa susunod pang mga gawain.

C. Paghalaw (Abstraction)
Ang Dokumentaryong Pantelebisyon ay mga palabas na naglalayong maghatid ng
komprehensibo at estratehikong proyekto na sumasalamin sa katotohanan ng buhay at
tumatalakay sa kultura at pamumuhay sa isang lipunan.
Gaya ng pelikula ang mga programang pantelebisyon ay maituturing ding isang uri ng
sining na nagsisilbing libangan at gumigising sa isip at damdamin ng isang tao. Ito’y
mahalaga at mabisang sangay ng kabatirang panlipunan, pang-espirituwal, pangkultura,
pangmoralidad, pang-edukasyon at iba pa. Malaki ang nagagawang impluwensiya nito sa
katauhan ng isang nilalang. Ang mga kaisipan, ugali, kabuluhan at pananaw ng isang
nilikha ay maaaring maimpluwensiyahan ng pinanonood na mga programa sa telebisyon.

D. PAGLALAPAT (APPLICATION)
Layunin mo sa gawaing ito na ilapat sa tunay na sitwasyon ang mahahalagang
konsepto tungkol sa dokumentong pantelebisyon na iyong natutuhan. Basahin at
unawain ang ipagagawa ko saiyo.

Taon-taon ay idinaraos ang pagdiriwang para sa pagkakatatag ng inyong lalawigan.


Ngayong taon, naatasan ang inyong Samahang Pangkabataan ng Lalawigan (SPL) upang
magkaroon ng isang palabas sa gabi ng pagtatanghal. Bilang Pangulo ng inyong samahan,
ikaw ang naatasang manguna sa pagpapalabas na may layuning maipabatid ang
kasalukuyang kalagayan ng inyong lalawigan na dulot ng pandemya dahil sa COVID- 19.
Ito ay sa pamamagitan ng dokumentaryong pantelebisyon.

Ang dokumentaryong inyong isusulat ay dapat; a) ginamit ang wika ng kabataan sa


kasalukuyan, b) may mga ekspresiyong nagpapakita ng mga konseptong may
kaugnayang lohikal, at c) estilo ayon sa halimbawang iyong nabasa o napanood at sa
panlasa ng kabataang tulad mo.

IV. PAGTATAYA
A. Kung mayroon kang kompyuter at koneksyon sa internet, panoorin ang
dokumentaryong “PAGPAG FOR SALE” SineTotoo ni Howie Severino na matatagpuan
sa youtube (http://www.youtube.com/watch?v=5ERcIh2nJx0&feature=related). Kung
wala nama’y basahin mo ang blog para sa isang dokumentaryong pantelebisyon.
Pagkatapos ay sagutin ang mga katanungan na inilaan. Isulat ang sagot sa sagutang-
papel. Kinakailangang hindi bababa sa tatlong pangungusap ang iyong kasagutan.

“Sa Gitna ng Dilim”


ni MiL Adonis

Kasalukuyan akong nasa high-school nang una kong mapanood ang maituturing
kong isa sa pinakamaimpluwensiyang bagay sa aking buhay. Ang dokumentaryo ni Kara
David na “Gamu- gamo sa dilim” ang nagbukas sa mura kong pag-iisip sa kahalagahan
ng edukasyon at sa kung paanong dapat ito’y pinahahalagahan.

2
GE 14 SINESOSYEDAD/PELIKULANG PANLIPUNAN
Humanga ako sa dedikasyon ng mga guro at higit sa lahat sa mga kabataan ng
mga taga Little Baguio dahil bagama’t kulong sila sa rehas ng kahirapan at bulag sa dilim
ng kanilang mga landas ay patuloy silang nagsusumikap, nangangarap at lumalaban
upang maging mas maliwanag ang kanilang kinabukasan.
Dahil sa inspirasyong idinulot sa aking puso ng dokumentaryong ito, nabago ang
aking naunang mga pangarap sa buhay. Una kong hinangad na maging isang mahusay na
inhenyero upang tuparin ang naunsiyaming pangarap ng aking ama para sa kanyang sarili
subalit, napalitan ito ng higit na mataas na pangarap, pangarap na makatulong sa ibang
tao at maging boses at mata ng mga taong dapat pakinggan at dapat paglaanan ng higit na
atensyon.
Nang tumuntong ako sa kolehiyo, kinuha ko ang kursong hindi inasahan ng lahat
na aking kukunin. Tangan-tangan ang pangarap at paniniwalang ibinigay sa akin ng
dokumentaryong “Gamu-gamo sa dilim”, kinuha ko ang kursong AB Mass
Communication.
Gusto kong sumilip sa lente ng camera, baka sakali, makita ko ang mga bagay na
hindi nakikita ng iba. Baka sakali, ang lipunang aking ginagalawan ay higit kong
makilala. Nais kong humawak ng panulat, baka sakali, sa mga letrang iguguhit ko sa
papel at mga kuwentong aking isusulat ay higit na maunawaan atmakikilala ng mga tao
ang kanilang mga sarili gayun din ang mga tao sa kanilang paligid. Gusto ko, dumami
ang mga katulad ni Myra, na sa gitna ng kahirapan, sa gitna ng walang kasiguraduhang
buhay at sa gitna ng kadiliman ng paligid ay pilit niyang nilampasan ang lahat at nagging
isang ganap na tanglaw at liwanag.

1. Ano-ano ang pumukaw sa iyong damdamin habang pinanonood ang


dokumentaryo?
__________________________________________________________________
________________________________________________________________________
______________________________________________________________________.
2. Bilang kabataan, anong masasabi mo sa mga pangyayaring ito sa iyong lipunan?
__________________________________________________________________
________________________________________________________________________
______________________________________________________________________.

3. Anong gampanin ng telebisyon ang ipinakita sa dokumentaryong ito?


________________________________________________________
_____________________________________________________________
___________________________________________________________.

B. Maraming makabuluhang kaisipan ang tinalakay sa dokumentaryong iyong


napanood. Subukin mong dugtungan ang kasunod na mga pahayag upang makabuo ng
kaisipang inilalahad nito. Gawin sa sagutang papel.

1. Dadalhin ang pagpag sa karinderya para ____________________.


2. Dahil _____________ kaya binubura sa isipan ang pinanggagalingan ng pagkain.
3. Nililinis nilang mabuti ang pagpag nang sa ganoo’y ______________.
4. Dahil sa inspirasyong idinulot sa aking puso ng dokumentaryong ito,
_________________________________________.
5.Tangan-tangan ang pangarap at paniniwalang ibinigay sa akin ng dokumentaryong
“Gamu-gamo sa dilim,” ___________________________________________.

Mga Sangguniang Elektroniko


Filipinolearnersmaterial-130816181658-phpapp02.pdf
www.gmanetwork.com/news/video/shows/investigative documentaries
images.cnhsteacheers.multiply.multiplycontent.co

You might also like