You are on page 1of 8

GE 14 SINESOSYEDAD/PELIKULANG PANLIPUNAN

KABANATA 3
MGA TEORYA SA PAGSUSURI NG PELIKULANG PANLIPUNAN

I. PANIMULA
Ang panonoood ng pelikula ay isa na marahil sa pinakagigiliwan
libangan ng mga Pilipino. Maaring sa pamamagitan nito’y nawawala ang pagkabagot,
pagkalungkot, at iba pang masalimuot na damdamin.
Ikaw, anong pelikula ang iyong nagustuhan? Bakit? Naantig ba nito ang iyong
damdamin o nadama mo ring isa ka sa artistang nagsiganap sapagkat may kaugnayan ito
sa mga pangyayari sa iyong buhay?
Sa panonood ng pelikula ay matutunghayan mo ang iba’t ibang tema o pinapaksa
ng pelikula. Maaaring ito’y tungkol sa pag- ibig, pagkamuhi, kaguluhan, kalikasan, at iba
pa.
Sa kabanatang ito, ating alamin ang iba’t ibang teorya sa pagsusuri ng mga
pelikulang panlipunan upang matulungan kang tuklasin ang kailalim- lalimang
pagpapakahulugan ng pelikulang iyong napanood.

II. LAYUNIN
Sa araling ito, inaasahang maipamamalas ang mga sumusunod na kaalaman,
kakayahan, at pang-unawa:
1. nakasusuri ng iba’t ibang pelikula gamit ang mga teorya sa pagsusuri ng
pelikula; at
2. nalalapatan ng mga teoryang pampelikula ang sariling karanasan.

III. MGA GAWAIN SA PAGKATUTO


A. Gawain (Activity)
Basahing mabuti at suriin ang buod ng pelikula na pinamagatang “Ang
Pagdadalaga ni Maximo Oliveros” na dinerihe ni Auraeus Solito.

Buod ng Pelikula:
Si Maximo “Maxi” Oliveros ay isang labin-dalawang taong gulang na bading.
Siya ay isang masayahin at mabait na bata. Mahal na mahal siya ng kanyang pamilya
kahit na isa siyang bading. Matagal nang namatay ang kanyang ina. Ang kanyang ama na
si Mang Paco ay nagtitinda ng nakaw na cellphone ngunit sa kabila nito, siya ay naging
mabuti at mapagmahal na ama. Si Boy, ang panganay, ang tahimik at sigang kuya ni
Maxi. Si Bogz naman ang kuya ni Maxi na may mahabang buhok, hikaw sa tenga at
tattoo sa braso. Siya ay maloko ngunit siya ang pinakamalambing na kuya ni Maxi. Siya
ang nag-alaga kay Maxi noong bata pa ito. Sa kabila ng pagkatao ni Maxi, siya ang
umunawa at sumuporta dito.

Mahilig manood ng pelikula sa pirated DVD si Maxi kasama ang mga kaibigan
niya sa isang maliit na cinema house. Minsan naman ay naglalaro sila ng Beauty Contest.
Isang gabi, habang pauwi ay pinagdiskitahan si Maxi ng mga tambay. Pinagtulungan siya
hanggang sa dumating si Victor, ang bagong destinong pulis sa lugar, at iniligtas si Maxi.
Pinasan niya si Maximo hanggang sa bahay nito. Dahil sa pangyayaring ito, nagsimulang
makaramdam si Maxi ng kakaiba sa kanyang damdamin. At simula noon ay naging
magkaibigan at malapit na sila sa isa’t isa. Naging malapit si Victor sa pamilya ni Maxi
ngunit hindi rin ito nagtagal.

Unti-unting nagkaroon ng lamat ang pagkakamabutihan ng pamilya ni Maxi kay


Victor nang masangkot ang kuya Boy ni Maxi sa pagpatay sa isang estudyante matapos
pagnakawan. Isang gabi ay nagpunta ang grupo ni Victor sa bahay nila Maxi upang

14
GE 14 SINESOSYEDAD/PELIKULANG PANLIPUNAN

maayos na makipag-usap tungkol sa krimeng naganap ngunit itinanggi ito ng pamilyang


Oliveros at pagkatapos ay nakita niya si Maxi nagsusunog ng damit. Dahil sa pagpipilit ni
Victor na lumabas ang katotohanan ay binugbog siya ng ama at kuya Bogz ni Maxi
upang balaan at tumigil na si Victor. Sa kabila nito ay pinuntahan pa rin siya ni Maxi
upang tulungan. Inalagaan at binantayan siya ni Maxi magdamag. Ngunit hindi pa rin
nagpatinag si Victor at nagpatuloy pa rin ito upang makamit ang hustisya. Dahil rin dito,
nagsimula nang lumayo ang loob ni Victor kay Maxi.

Dumating ang bagong hepe, si Hepe Dominguez, na naging dahilan sa mas lalong
paghihirap ng pamilya ni Maxi. Hinuli ni Victor ang kuya Bogz ni Maxi sa kasong
pagpatay. Bilang ama, nagpasya si Mang Paco na makipagkita kay Victor. Subalit
pagdating niya sa tagpuan, hindi lang si Victor ang nakita niya. Nandoon din si Hepe
Dominguez, na minsan ay naging mahigpit na kalaban niya. Walang pag-aalinlangang
binaril ng Hepe si Mang Paco at nakita ito ni Maxi. Nang malaman ng kuya Bogz niya
ang nangyari ay nagwala ito. Nang makalaya si Bogz ay agad na kumilos ang mga kuya
ni Maxi upang gumanti. Hindi na nila nagawa pang ituloy ang plano nang maisip nila si
Maxi, sa halip ay ito ang naging dahilan nila upang magbagong buhay.

B. Pagsusuri (Analysis)
Batay sa binasang buod, sagutin ang sumusunod na katanungan:
1. Tungkol saan ang pelikula?
2. Paano ipinapakita sa pelikula ang pagmamahal ng isang tatay sa baklang anak?
3. Epektibo ba ang naging pagganap ng mga karakter sa pelikula? Patunayan.
4. Sa iyong palagay, ang mga pangyayari ba sa pelikula ay nangyayari rin sa tunay
na buhay? Ipaliwanag.

C. Paghalaw(Abstraction)
Upang lubos na maunawaan ang alinmang pelikula, kinakailangang kilatising
maigi
ang nilalaman nito. Mula sa mga bida at kontrabida, kagamitan, direktor, at higit sa lahat
ang teorya na maaari mong mailapat sa isang tiyak na pelikula.
Sa pagsusuri ng pelikulang panlipunan, mayroon tayong apat na teorya na
maaring isaalang- alang. Ito ay ang teoryang Markismo, Formalismo, Realismo, at
Feminismo.
Basahin at unawaing mabuti ang aking mga tala na inihanda.

1. TEORYANG MARKISMO/MARXISMO
Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay may
sariling kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang- ekonomiyang
kahirapan at suliraning panlipunan at pampulitika. Ang mga paraan mula sa pag- ahon sa
kalugmukan sa akda ay nagsisilbing modelo para sa mga mambabasa.

Mga katanungang dapat isaalang- alang sa Marxistang pagsipat ng mga pelikula


1. Anu-anong uring panlipunan (social class) ang nasa pelikula?
2. Paano nagtunggalian ang mga uring panlipunan sa pelikula?
3. Sino ang nang- api at inapi ; nagsamantala at pinagsamantalahan?
4. Paano inilarawan ang mga karakter: bida ba o kontrabida ang nang - api o inapi ,
ang nagsamantala o pinagsamantalahan?
5. Paano bumangon sa kaapihan o sitwasyong mapagsamantala ang mga karakter?
6. Paano nagsamantala sa iba ang ilang karakter?
7. Aling uri ang nagtagumpay sa huli?

15
GE 14 SINESOSYEDAD/PELIKULANG PANLIPUNAN

Halimbawa ng Pelikulang Marxismo:


MARXISMO SA "A BUG'S LIFE"

    Taong 2002 noong gumawa ng pelikula ang Disney na nag-iwan ng marka sa


maraming tao. Ang pelikulang ito ay ang "A Bug's Life". Isang napakagandang pelikula
na hanggang ngayon ay sikat pa rin.

    Ang pelikula ay tungkol sa isang langgam na kakaiba. Ang pangalan niya ay "Flik". Si
Flik ay naghahanap ng mga "warrior bugs"  para ipagtanggol ang kanyang kaharian
laban sa mga masasamang tipaklong. Sa kanyang paghahanap, pawang mga "circus
bugs" ang kanayang nakalap. Ang mga langgam ay nakatira sa isla na napapaligiran ng
tuyong ilog. Sila ay nangongolekta ng pagkain para sa mga tipaklong at sa sarili nila
bago mag tag-ulan. Nawala ni Flik ang mga pagkain na naipon nila kaya kailangan
ipagtanggol ng mga langgam ang sarili nila laban sa mga nagagalit na tipaklong. Sa
huli, kinumbinsi ni Flik ang lahat ng langgam na maki-anib sa mga "circus bugs" at
taluhin ang mga tipaklong.
   
     Pagkatapos mapanood ang pelikula, nakita ko ang Marxismo sa pag-ikot ng istorya.
Nakita ko na ang mga tipaklong ang lumalarawan sa mas nakatataas na antas ng buhay.
Ang mga tipaklong ang kumakataunan ng mayayaman, mga burgis. Sa kabilang dako,
ang mga langgam ang lumalarawan ng mga "working class". Sila ang kumakatawan ng
mga mahirap. Sila ang "proletariat".
    
     Makikita natin sa pelikula ang pagkakaiba ng dalawang antas ng buhay. Kitang-kita
ang  "social conflict". Ang mga langgam kalaban ang tipaklong dahil nananakot ang
mga tipaklong na patayin sila kung hindi sila bibigyan ng pagkain ng mga langgam.
Malinaw na hindi ito pantay para sa mga langgam. Nalalamangan sila ng mga tipaklong
kaya nais nila na depensahan ang kanilang sarili. Kahit na nagkamali si Flik sa
pagkawala ng pagkain para sa mga tipaklong, kailangan nilang ipagtanggol ang
kanilang kaharian para hindi na sila aabusuhin ng mga tipaklong.

     Kaya naghanap si Flik ng mga "warrior bugs" ngunit "circus bugs" pala ang
kanyang nakalap para labanan ang mga tipaklong. Itong plano na ito ay ang "social
revolution" laban sa mga burgis o mapang-api. Sa bandang huli ng pelikula, lumaban
ang mga langgam gamit ang isang kuwaring ibon na tatakot sa mga tipaklong. Sa huli,
kinain ang tunay na ibon ang lider nila. Ipinakita na tagumpay ang rebolusyon na
ginawa ng mga langgam. Ngayon ay hawak nila ang kanilang kaharian. Pagkatapos ng
mga pagtutnggali ng mga langgam laban sa tipaklong, nahawakan na nila ang
produksyon ng kanilang pagkain at ang pagbahagi sa kanilang mga miyembro ng
pantay-pantay tulad ng komunismo.

         Bukod sa mga napahayag, ang pelikula ay may maraming mensahe at tema.
Isinisiwalat nito ang kahalagahan ng kaisahan at ipinapakita na makakamit ang
tagumpay sa pamamagitan ng pagtutulungan. Ang maganda sa pelikulang ito ay
sinasalamin ng mga sitwasyon at problema ng maraming bansa at mamamayan sa
mundo. Sa pelikulang ito, makikita natin na ang pagkakaisa ay magdudulot ng
tagumpay.

(mula sa http://marxismosapelikula.blogspot.com/2016/09/taong-2002-noong-gumuwa-ng-
pelikula-ang.html).

2. TEORYANG REALISMO
Ang teoryang ito ay tumatalakay sa katotohanan sa lipunan. Karaniwan nitong
pinapaksa ang kalagayan na nangyayari sa lipunan tulad ng kurapsyon, katiwalian,
kahirapan at diskriminasyon. Madalas din itong naka pokus sa lipunan at gobyerno.

16
GE 14 SINESOSYEDAD/PELIKULANG PANLIPUNAN

Mahalaga din sa nagsusuri ng mga akda na sinusuri sa teoryang ito na maiugnay ang mga
pangyayari sa akda o teksto sa lipunan.

Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksihan ng may- akda
sa kanyang lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi
tuwirang totoo sapagkat isinaalang- alang ng may- akda ang kasiningan at pagka-
epektibo ng kanyang obra.

Halimbawa ng Pelikulang Realismo:

Dekada ’70 (Vilma Santos at Christoher De Leon)

Ipinaglalaban ng teoryang realismo ang katotohanan kaysa kagandahan.


Sinumang tao, anumang bagay at lipunan ayon sa mga realista, ay dapat maging
makatotohanan ang paglalarawan o paglalahad. Karaniwang nakapokus ito sa
pakgsang sosyo-pulitikal kalayaan, at katarungan para sa mga naapi.

Kalimitang paksain ang nauukol sa kahirapan, kamangmangan, karahasan,


krimen, bisyo, katiwalian, prostitusyon at kawalan ng katarungan.

Ang Dekada '70 (Dekada '70: Ang Orihinal at Kumpletong Edisyon), ay isang
nobelang Pilipino na isinatitik ni Lualhati Bautista. Ito ay isang pagsasalaysay ng mga
pangyayari sa buhay ng isang pamilyang nahagip sa kalagitnaan ng mga magulong
dekada ng 1970. Tinatalakay nito kung paano nakibaka ang isang mag-anak na nasa
gitnang antas ng lipunan, at kung paano nila hinarap ang mga pagbabago na nagbigay
ng kapangyarihan upang bumangon laban sa pamahalaang Marcos. Naganap ang
sunud-sunod na mga pangyayari matapos ang pagbomba sa Plasa Miranda noong 1971,
ang pagkitil sa Batas ng Habeas Corpus, ang pagpapatupad ng Batas Militar at ang
walang anu-anong pagdakip sa mga bilanggong pampulitika. Nawalan ng katiwasayan
ang mga mamamayan dahil sa paniniil ng rehimeng Marcos.

3. TEORYANG FORMALISTIKO
Ang Teoryang Formalistiko o Formalismo ay isinilang noong 1910 at yumabong
noong dekada 50 at 60, ang teoryang ito ay may pananaw na ang akda o teksto ay dapat
suriin at pahalagahan kung ibig talagang masukat ang kagandahan ng akda.

Layunin ng pagsusuring Formalistiko o Formalismo ang pagbibigay pansin sa anyo


ng panitikan. Ang pisikal na katangian ng akda ang pinakaubod ng pagdulog na ito.
Naging tanyag ang pananaw na ito sa panunuring pampanitikan dahil na rin sa dami ng
mga pagsusuring ginamitan ng ganitong pananaw.

Ang tunguhin ng pananaw na ito ay matukoy ang sumusunod:

 Nilalaman
 Kaanyuan o kayarian
 Paraan ng pagkakasulat ng akda
Sa pananaw na ito ay hindi lamang mahalaga ang pagbabalangkas kundi ang
pagsusuri na ring ginamit. Sa pagtalakay ng akda, dapat ang mailantad lahat ng
mahahalagang bagay mula sa simula patungo sa iba’t-ibang elementong magkakaugnay
hanggang sa katapusan. Dapat makita kung may ironi o paradoks o may kalabuan o may
iba pang elemento sa akda. Kung makikita ang mga elementong ito, masasabing mahusay
ang akda. Binibigyang atensiyon din ang salita o vokabularyo at ang kaibahan ng mga
salitang pampanitikan sa pang araw-araw na salita.

17
GE 14 SINESOSYEDAD/PELIKULANG PANLIPUNAN

Halimbawa ng Pelikulang Formalistiko

“WAY BACK HOME”

Ito ay kwento ng dalawang magkapatid, si Joanna (Kathyrn Bernardo) at Jessie


(Julia Montes). Nagkahiwalay ang dalawa noong sila ay mga bata pa lamang. Di
sinasadyang nabitawan ni Jessie si Joanna nung siya‟y nagkukumahog na matingnan
ang mga maliliit na pagong. Naiwanan sa may dalampasigan si Joanna na nagtungo
naman sa ibang direksyon na inaakalang doon pumunta ang kanyang kapatid. Lumipas
ang labing-dalawang taon, nahanap ni Amy (Agot Isidro) si Joanna sa pamamagitan ng
“Lukso ng Dugo”. Hindi matanggap ni Jessie ang pagbabalik ng kanyang nakababatang
kapatid na siya namang inaasahan sana ng kanyang mga magulang. Nabuhay siyang
may dinaramdam na insekyuridad at mga kabiguan. Ginagawa niya lahat magalak
lamang ang kanyang ina. Nagsimula ang hidwaan nilang magkapatid, nanatiling
mapagkumbaba at mapagpatawad si Joanna, samantalang, mainitin at malupit si Jessie.
Ang kanyang kalupitan ay nagwakas nang sila‟y nagkasubukan ng paunahang
makarating sa paglangoy sa ibayong bundok. Kung matatalo siya ni Joanna ay
patatahimikin na niya ito. Sa kasamaang palad, hindi nakasanayan ni Jessie ang
paglangoy sa dagat. Nalunod si Jessie sa kalagitnaan ng kanilang paglangoy. Nananalo
na sana si Joanna, ngunit pinili niyang lumangoy pabalik upang matulungan ang
kanyang kapatid. Na ospital si Jessie, at napagpasyahan ni Joanna na bumalik sa
pamilyang kumupkop sa kanya sa Zambales. Sa huli, napagtanto ni Jessie ang kanyang
pagkakamali at humingi ng kapatawaran sa kanyang kapatid. Nabuo ulit ang kanilang
pamilya.

Mabisang nailahad sa pelikula ang totoong nangyayari sa ating lipunan


ngayon lalong lalo na sa suliraning pampamilya. Ang mga di maiwasang palitan ng mga
maaanghang na mga salita sa pagitan ng mga magkakapamilya. Ang mga inggitang
nangyayari sa pagitan ng magkakapatid. At ang simpleng away-bati ng magkakaibigan.
Magkagayon man, naipakita pa rin sa pelikula na kahit anong mangyari, ang pagmamahal
ng isang ina ay wagas at hindi mapapantayan. At ang pananatiling buo ng isang pamilya
ang pinakamahalaga sa lahat kahit pa marami ng pagsubok ang dumaan. Ginamit naman
nila ang fish jokes upang nang sa ganun mapagaan ang ilang mabibigat na eksena. Ito ang
nagsilbing pampagaan ng mga naglalagablab na damdamin ng mga tauhan. Naipakita rin
sa pelikula ang pagpapatawad at pagtanggap. Na kung saan maihahalintulad natin sa
kasabihang, “Kakambal ng pagpapatawad ay ang paglimot”. Kung tayo ay nagpapatawad
ay nangangahulugang ito na natanggap na natin ang katotohanan at handa tayong
lumimot sa mga masasamang nangyari sa atin at maaari na tayong makapagsimulang
muli.

4. FEMINISMO
Ang teoryang feminismo ay tumutukoy sa prinsipyo o paniniwala na dapat
paniniwala na dapat lahat ng mga babae at lalake ay maging pantay sa pagtatamasa ng
mga karapatan sa lipunan. Tulad ng mga karapatang sosyal, karapatang ekonomiko lalo
na sa karapatang politikal. Bilang isang teoryang pampanitikan ay may layunin ito na
maunawaan ng mga tao o ng mga mambabasa ang di pagkapantay-pantay ng mga babae
sa mga lalake. Subalit ang mga feminista o mga feminist sa Ingles at tinatawag ding mga
tagapagtaguyud ng teoryang ito ay naniniwala na ang panitikan ay hindi nyutral at wala

18
GE 14 SINESOSYEDAD/PELIKULANG PANLIPUNAN

itong kinikilingan sapagkat ito ay produkto ng kulturang panlipunan at kulturang


kalagayan.

Halimbawa ng pelikulang Feminismo


“MULAN”

Ang feminismo ay isang uri ng teorya na mahalaga sa lipunan. Maaari nating


gamitin ang teoryang ito sa iba’t ibang bagay, at ang pelikulang” Mulan” ay isang
magandang halimbawa. Ang pelikulang Mulan ay gawa ng Disney, isang kompanya na
gumagawa ng mga pelikula at palabas na pambata, kaya medyo nakakagulat na
naglalaman ito ng isang komplikadong teorya. Ang pelikula ay naganap sa China.
Nagkaroon sila ng digmaan, kaya kailangan ng isang lalaki sa bawat pamilya na sumali
sa laban. Nakita ni Mulan na hindi na kayang sumali ang kanyang tatay dahil matanda
na ito, kaya siya na lang daw ang sasali. Hindi niya sinabi ito sa kanyang tatay dahil
alam niyang magagalit ito dahil ipinagbabawal ang pagsali ng mga babae sa militar.
Ngunit, pursigido siyang sumali kaya nagbalatkayo siya bilang isang lalaki. Sa simula ay
hindi siya nagustuhan ng mga lalaki, pero ipinakita niya na siya ay isang maabilidad at
magaling na sundalo. Nagawa niya ang mga hamon na ibinigay ni Heneral Shang, at
mas magaling pa siya sa lalaki dahil yung iba ay hindi nagagawa at nahihirapan sa mga
hamon.
Nilabanan niya si Shan Yu, at nanalo siya sa laban kontra sa mga Huns dahil
gumamit si Mulan ng panuntunan para gumawa ng pagguho. Ngunit nakita ni Heneral
Shang na si Mulan ay babae dahil nasugatan siya sa laban kontra kay Shan Yu. Ang sabi
ng batas ay dapat patayin si Mulan. Ngunit naawa si Heneral Shang kay Mulan dahil
marami itong magandang ginawa para sa militar kaya pinalayas na lang niya ito.
Habang siya ay naglalakad, nakita niya na buhay pa pala si Shan Yu at ang
kanyang mga sundalo. Sinabi niya ito kay Heneral Shang ngunit hindi ito naniwala.
Pumunta sina General Shang sa emperor dahil sa tingin nila ay tapos na ang giyera,
ngunit tinambangan sila ng mga Huns. Tinulungan ulit ni Mulan sina Heneral Shang na
labanan ang Huns. Pinatay niya si Shan Yu gamit ang paputok at talino, at iniligtas niya
ang buhay ng emperor at ng buong China. Gusto siyang bigyan ng posisyon ng emperor
ngunit ang gusto lamang niya ay makauwi. Nagtapos ang pelikula sa panliligaw ni
Heneral Shang kay Mulan.

Una nating suriin ang pelikula gamit ang feminismo sa mga kantang ginamit sa
pelikula. Isa sa suliraning kinakaharap ni Mulan ay ang pagmamaliit sa kababaihan at
may estereotipo na hindi magaling at hindi kasing lakas ng mga lalaki kaya hindi sila
pinapayagang sumali sa militar. Makikita ito sa pinakapopular na kanta ng pelikula na
pinamagatang “I’ll Make a Man Out Of You” kung saan sinabi ni General Shang na ang
mga lalaki lamang ang dapat magaling, dapat malakas, at matapang para sila manalo sa
digmaan. Makikita ito noong sinabi ni Heneral Shang na “be a man, we must be swift as
the coursing river, with all the force of a great typhoon, with all the strength of a raging
fire.” Parang sinasabi na ang lalaki lang ang pwedeng maging ganito. Noong sinabi niya
ang linyang “Did they send me daughters, When I asked for sons?, makikita ang
kakulangan ng respeto para sa mga babae noon, na sa tingin nila ay hindi masipag at
hindi nakakagawa ng trabaho o mahirap na bagay.

Suriin naman natin ang kantang “A Girl Worth Fighting For.” Isa ring popular na
kanta sa pelikula. Isa sa mga sundalo ang nagsabi na ang dream girl niya ay dapat
maganda, habang ang gusto nu’ng isa ay masarap magluto. Ang tingin nila ay
pagkakaguluhan sila ng mga babae dahil silang mga lalaki ay malakas, matapang, at
sundalo. Ngunit, noong sinabi ni Mulan na ang dream girl niya ay dapat matalino at
marunong magpahayag ng kanyang iniisip, lahat sila’y nagsabi ng “NAH!”. Nakikita ulit
kung paano tinitingnan ng lalaki sa babae, ang istiryutipo na ang babae ay walang alam at
dapat tumutulong sa pamilya lamang.
Sa buong pelikula, makikita natin na pinatunayan ni Mulan na ang babae ay
pantay o mas magaling pa sa lalaki dahil siya ay kasinlakas at kasintapang ng

19
GE 14 SINESOSYEDAD/PELIKULANG PANLIPUNAN

kalalakihan. Mas matalino rin siya sa mga lalaking sundalo. Siya lang ang nakakuha ng
palaso dahil ginamit niya ang kanyang talino para gawin ito. Sa iba’t ibang mga
pagsubok na ibinigay ng Heneral sa kanila, hindi siya nahirapan at ng lahat ng ito’y
kanyang napagtagumpayan. Iba siya sa prototypical na prinsesang Disney, na hinihintay
ang kanilang prince charming.
Ipinatupad niya na ang babae ay pwedeng maging manggagawa,at kayang gawin
ang kahit anong bagay na nagagawa ng kalalakihan.
Masasabi na ang pelikulang ito ay Feminist dahil pinatunayan dito na ang babae
ay pantay at maaaring mas magaling pa sa mga lalaki. Bukod pa rito, ang pelikula ay
kakikitaan rin ng maraming aspekto ng Feminismo.

D. Paglalapat
Sinasabing ang buhay ng tao ay isang pelikula. Kalimitan sa mga eksena sa
pelikula ay hango sa totoong pangyayari sa ating buhay. Sa bawat pakikisalamuha o
pakikibaka natin sa araw- araw ay tila ba isang eksena na ating napanood sa pinilakang-
tabing.
Magbigay ka ng mga karanasan o pangyayari sa iyong buhay na maaaring lapatan
ng iba’t ibang teorya o dulog pampelikula. Ipaliwanag ang iyong kasagutan. Isulat sa
sagutang- papel at gayahin ang pormat sa ibaba.

AKO

PANGYAYARI SA
AKING BUHAY

PAGLALAPAT NG
IBA’T IBANG TEORYA

FORMALISM
MARXISMO REALISMO FEMINISMO
O
___________ ___________ ____________
____________
___________ ___________ ____________
____________
___________ ___________ ____________
____________
___
IV. PAGTATAYA
Ngayon ay natitiyak kong lubos mo nang naiintindihan ang iba’t ibang teorya o
dulog pampelikula. Makikita sa talahanayan sa ibaba ang mga pamagat ng pelikula at
ang teorya na maaring idulog o ilapat dito. Ipaliwanag kung bakit napabilang sa teoryang
ito ang mga pelikula sa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang- papel. Gayahin ang pormat.
Mangyaring bisitahin ang mga link na nakasulat sa ibaba ng bawat pelikula.

PAMAGAT NG PELIKULA TEORYA O DULOG


1. Coco: A Family Mystery Realismo
(https://www.youtube.com/watch?v=lgCZaAmA73E) _____________________
_____________________
2. Hating Kapatid Feminismo
(https://www.youtube.com/watch?v=xiZLyYa2BRQ) ______________________
______________________

3. The Lion King Marxismo


(https://www.youtube.com/watch?v=a2NjZAUEExg) _____________________

20
GE 14 SINESOSYEDAD/PELIKULANG PANLIPUNAN

_____________________

4. Muro Ami Formalismo


(https://www.youtube.com/watch?v=EoTcuK5EKQ0) _____________________
_____________________

V. MGA SANGGUNIAN
 
https://prezi.com/ylxzvfzeia2c/teoryang-realismo/
https://katitikpanulatlapis.wordpress.com/2016/11/16/teoryang- formalistiko-
o-formalismo/
file:///C:/Users/ACER%20USER/Downloads/pormalistikongpagdulogsape
likulangwaybackhome-130426004922-phpapp01.pdf
file:///C:/Users/ACER%20USER/Downloads/dlscrib.com-pdf-teoryang-
feminismo.pdf

21

You might also like