You are on page 1of 13

Christian Carl F.

Recede

Kultura
Ang kultura o kalinangan sa pangkalahatan ay tumutukoy sa aktibidad ng
sangkatauhan. Sa isang payak na kahulugan, ito ang "kaparaanan ng mga
tao sa buhay", ibig sabihin ang paraan kung paano gawin ang mga bagaybagay. Iba't iba ang kahulugan ng kultura na sumasalamin sa iba't ibang mga
teoriya sa kaunawaan, o sukatan sa pagpapahalaga, sa aktibidad ng
sangkatauhan.
ito ay tumutukoy sa paraan ng pamumuhay na nakagawian ng tao.
->Kabilang dito ang sining,wika,musika at panatikan. Kasama rin ang
paninirahan,pananamit,kaugalian,tradisyon at mga mahahalagang moral ng
isang pangkat ng tao. Ang kultura,sa payak na kahulugan,ay
karunungan,sining literatura,paniniwalaa,at kaugalian ng isang pangkat ng
mga taong nanahanan sa isang pamayanan.
Ang kultura ay ang pangkabuuang pananaw ng mga tao sa isang lipunan sa
mundo at sa kanilang kapaligiran. Ang pananaw na ito ay hango sa mga
paniniwala, tradisyon, uri ng pamumuhay, at iba pang mga bagay na nagunay sa kanila at nagpapatibay sa bigkis ng pagkakaisa na siyang
nagpapalaganap sa kanilang pangkalahatang diwa, pananaw, kaugalian, at
adhikain.
Ang bawat tao ay may kinabibilangang kultura na siyang kinalakhan niya at
nagtuturo sa kanya sa mga papel na dapat niyang gampanan sa lipunan at
kung paano niya ito maisagawa sa pamamaraang maituring na kanais-nais.
Higit sa lahat ang kulturang ito ang kanyang sandigan at gabay sa kanyang
paglalakbay tungo sa makabulohang buhay.
Lahat ng kultura ay natutunan, ngunit hindi lahat na bagay na natutunan ay
kultura. Kabilang dito ang lahat ng ating mga kilos at paniniwala na hindi na
ipinapadala sa pamamagitan ng genes, ngunit ipinapadala (at naka-imbak
na) sa pamamagitan ng mga simbolo. Ang simbolo ay walang kabuluhan sa
kanilang mga sarili (intrinsically) maliban na lamang kung sila ay binibigyan
ng kahulugan sa pamamagitan ng mga tao.

Komunikasyon
Ang komunikasyon o pakikipagtalastasan ay isang proseso ng pagpapalitan
ng impormasyon na kadalasan na ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang
sistema ng mga simbolo. Ang Araling pangkomunikasyon ang disiplinang
pang-akademya na pinag-aaralan ang komunikasyon. Ito rin ay ang
interaksiyon ng mga tao sa isa't isa.
Ang komunikasyon ay paghahatid ng mahahalagang impormasyon sa isang
paraang masining upang maging mabisa at mahusay na maipahayag ng tao
ang kanyang palagay o saloobin sa kanyang kapwa, anuman ang paksang
inaakala niyang mahalagang mapag-usapan.
ang salitang pakikipagtalastasan o komunikasyon ay galing sa salitang-ugat
na talastas na ang ibig sabihin ay alam at sa pakikipag-an na ang tinutukoy
ay proseso o paraan ng pagsasagawa nang hindi isahan kundi dalawahan o
maramihan sapagkat dapat ay may magkabilang panig na nasasangkot:
isang nagsasalita at isang nakikinig.
Ang komunikasyon o paKIKIPAGTALASTASAN ay isang proseso ng
pagpapalitan ng impoemasyon na kadalasan na ginagawa sa pamamagitan
ng karinawang sistema ng mga simbolo.
ang komunikasyon ay ang proseso ng pagbibigay at pagtanggap. Mensahe
ang ibinibigay at mensahe rin ang tinatanggap. Sa pamamagitan nito
nabubuo ang pagkakaunawaan ng mga tao sa lipunan dahil naipahahayag ng
bawat isa ang kani-kanilang ideya at saloobin.

Pelikula
Ang pelikula, kilala din bilang sine at pinilakang tabing, ay isang larangan na
sinasakop ang mga gumagalaw na larawan bilang isang anyo ng sining o
bilang bahagi ng industriya ng libangan. Dahil naging pangunahing
tagapamagitan para sa pagpapakita ng mga gumagalaw na larawan ang
letratong pelikula sa kasaysayan, kadalasang tinutukoy ang larangang ito ng
akademya bilang ang pag-aaral ng pelikula.

Isang anyo ito ng sining, at tanyag na anyo ng mga libangan, at negosyo.


Nililikha ang pelikula sa pamamagitan ng pagrekord ng "totoong" tao at
bagay (kabilang ang inarte na pantasya at mga peke) sa kamera, at/o sa
pamamagitan ng kartun.

Isang gumagalaw na larawan o ng isang paglipat ng palabas sa larawan karaniwang ginagamit sa pl [slang o Colloq]. Ang sumusunod ay ang
kahulugan para sa pelikula kabilang ang pagbigkas bilang isang pangngalan
at mga kasingkahulugan o katulad na mga salita.

Mga pelikulang Filipino na nanalo sa ibang bansa


https://adaengkantada.wordpress.com/2009/09/05/nakakulong-na-diwa-isang-rebyusa-selda/

49th Thessaloniki International Film Festival, Greece


Best Actor
Sid Lucero and Emilio Garcia Selda
Itong ikukuwento ko at uuriratin ay ang SELDA na pinagbibidahan nina Ara
Mina, Sid Lucero, at Emilio Garcia. Kwento ito na umiinog kay Sid Lucero
bilang Rommel, isang taong nakakulong sa pisikal na mundo at sa sariling
katauhan din niya. Maganda ang takbo ng istorya, kahit medyo mahaba sa
dalawat kalahating oras dahil may mga eksenang maari pa sanang paikliin o
alisin na mismo.
Bumungad ang eksena sa dalawang taong naghihintay, si Ara Mina bilang
Sita naghihintay sa karelasyong si Sid at isang bata sa kalsada na
naghihintay lamang ng pagkakataon na maitakbo ang bag ni Ara Mina.
Habulan ang sumunod na eksena, habulan ng dakilang boypren at ng batang
isnatser na nauwi sa malagim na katapusan. Nabangga ang bata sa pagtawid
sa kalsada at dumiretso naman sa kulungan ang binata.
Sa kulungan, maraming bagay ang ipinakita at bahagyang sinaling ng
kwento. Una, ang hirap ng buhay sa kulungan. Ikalawa, ang malupit na
pagtatrato ng kapulisan, o ng hepe partikular sa kwentong ito, sa mga preso.
Ikatlo, ang pagmamalupit ng preso sa kapwa preso. Ikaapat, ang mga
pagbabagong mangyayari sa iyo dahil sa karanasang ito.
Ipinakita dito ang paraan ng pagkain ng mga preso, ang pasilyo bilang mess
hall nila. Hindi rin syempre nakaligtaan ang marumi at nakakasukang

kalagayan ng sanitasyon sa loob. Isang palikuran na nag-uumapaw man sa


dumi ay kailangan mo pa ring gamitin dahil wala namang ibang pagpipilian.
Maliit na selda ng lima katao kahit apat lamang ang tulugan Si Rommel ang
nakaduyan dahil siya ang pinakabaguhan.
Pagpasok pa lamang ni Rommel sa kulungan, eksena na si Michael de Mesa
bilang sigang hepe. Kitang-kita kung paano ito nagpo-power trip sa mga
nasa loob. Isang kontradiksyon sa sarili niya mismo, relihiyosong
nagsasambit ng mga kataga sa bibliya ngunit umaastang panginoon din sa
loob ng rehas.
Ngunit kung inaakala mong nakahanap ka na ng kakampi sa mga kapwa mo
preso, nagkakamali ka. Tulad sa buhay sa labas, iba-iba ang aktitud dito
kapit sa patalim, matira ang matibay, patangay lang sa agos kung di mo
kayang sumalungat. Ngunit nagmatigas si Rommel at pinagbayaran niya ito.
At ang pinakamahalaga, ang pagbabagong magaganap sa sarili mo. Sa dami
ng karanasang pinagdadaanan ngmga kapwa preso, nabubuo ang ugnayang
hindi pinaplano. Hindi naging ligtas dito si Rommel at taglay niya ito
hanggang sa makalabas siya. Mahusay ang daloy ng kwento hanggang dito
makatotohanan, sariwa, emosyunal. Maging ang pagganap ng mga artista ay
hindi matatawaran.
Dito na medyo gumulo.
Sa kanyang paglabas, nagbuo sila ni Sita ng pamilya at pinili ang tahimik na
buhay sa bukirin. Hindi siguro sapat ang pananaliksik ng nagsulat nito
tungkol sa buhay ng magsasaka. Tanghali nang gumising si Rommel, mataas
na ang araw kung pumunta ng bukid. Pagkakain sa tanghali, matutulog, at
pagkagising namay uuwi na. Pagdating naman sa bahay, sasakay ng
kanyang duyan at matutulog muli habang hinihintay ang tawag sa hapunan.
May naging malapit na kapwa preso si Rommel noon, si Esteban, at sa
paglaya nito, tinunton ang bahay niya sa probinsya. Doon ito nakitira sa
maliit na bahay ng mag-asawa, kung saan, kurtina lamang ang pagitan ng
mag-asawa at ng kanilang bisita. Dito na napatotohanan ang hinala ko, may
relasyon ang dalawang dating preso ala-Brokeback Mountain. Nagpupunta
sila sa bukid at inaabot ng gabi doon. Mayroon silang relasyon na kadalasay
di na kailangan pang mag-usap para magkaunawaan. Umabot sa puntong
hindi na kayang panindigan ni Rommel ang kanilang relasyon dahil
naguguluhan siya sa kanilang sitwasyon. Sa kanyang galit na pagtatabas ng
damo, aksidenteng tinamaan ang anak na naglalaro sa damuhan.

Sa madaling sabi, naputol ang relasyon ng dalawang lalaki at nanaig ang


relasyon ni Rommel at Sita, sa paglisan ng bisita sa mag-asawa at sa
problema. Sa tingin koy dalawang magkaiba ngunit magkaugnay na kwento
ito. Ang unang bahagi ay maaari na sanang makatindig sa sarili nito. Buhay
sa selda, buhay ng preso. Literal na pagbibigay-hugis sa pamagat nitong
Selda. Ang ikalawa ay maaari din makatindig sa sarili nito. Maaari sanang
nagbigay lang ng maikling kasaysayan sa naging kalikasan ng relasyon ni Sid
at ni Emilio, bago tumungo sa kasalukuyang relasyon nila kasama ang asawa
ni Rommel. Dito maaaring matalinhagang Selda na ang pinag-ukulan ng
kwento.
Bunsod ba ang kwentong ito ng tunay na kamulatan sa mga dinadanas at
sikolohiya ng mga bakla? O bunsod lang ba ito ng pagiging uso ng mga
pelikula tungkol sa mga bakla?
Kung ako ang tatanungin, irerekomenda ko pa rin ang pelikulang ito, ngunit
laging may kakambal na pasubali. Maganda ang pagkakagawa, mahuhusay
ang pagganap ng mga artista at sa esensya, isang kwento pa rin ng
paghahanap sa kaligayahan at sa sarili.

4th Tel Aviv International Childrens Film Festival, Israel


Audience Award
Inang Yaya
http://inangyaya.blogspot.com/2006_11_01_archive.html
Napakasimple ng kuwento ng pelikulang Inang Yaya na nagawa na noon sa mga
pelikula at napakaraming soap opera at drama anthologies sa telebisyon kaya akala
namin ay one of those tearjerkers lang ito nang panoorin namin sa press preview.
Hindi namin akalain na sa kasimplehang yon ng istorya ay maaantig nito nang
husto ang aming damdamin.
Si Norma (Maricel Soriano) ay naninilbihan bilang yaya ng batang si Louise (Erika
Oreta). Kapwa working parents ang Mommy May (Sunshine Cruz) at Daddy Noel
(Zoren Legaspi) ni Louise kaya ang palagi nitong kasama ay si Yaya Norma, na
napakalapit sa bata at halos nanay na kung ituring nito.

Si Norma ay may sariling anak, si Ruby (Tala Santos) na kaedad ni Louise. Sa


probinsiya nakatira si Ruby kasama ang kanyang Lola Tersing (Marita Zobel) at
tuwing bakasyon lang ito nadadalaw ni Norma.
Nang pumanaw ang lola ni Ruby, napilitan si Norma na dalhin sa Maynila ang anak
at patirahin din ito sa bahay ng kanyang mga amo.
Nang magpasya ang kanyang mga amo na manirahan sa ibang bansa, kailangang
mamili si Norma kung sasama siya upang huwag malayo sa kanyang mahal na
alaga o mananatili siya rito para maging ina sa kanyang pinakamamahal na anak.
Sino ang pipiliin ni Norma si Ruby o si Louise?
***
Makabago, makatotohanan at ngayon na ngayon ang Inang Yaya na feature film
debut ng baguhang direktor na si Pablo Biglang-awa at sinulat ni Veronica Velasco
(na co-director ng pelikula).
Pinatunayan ng dalawang bagitong direktor na ito na hindi kailangan ng malaking
budget o ng mamahaling special effects para makalikha ng isang makabuluhang
produkto. Mahihiya ang ibang beteranong direktor kina Pablo at Veronica sa galing
nilang mag-motivate ng kanilang mga artista at humugot ng makatotohanang
pagganap mula sa mga ito. Maging sa aspetong teknikal ay kapuri-puri ang pelikula
at pulido sa bawat anggulo.
Tama ang desisyon ng Unitel na kumuha ng mga bagong dugo na bibigyan ng
pagkakataon na gumawa ng pelikula dahil sa mga nakaraang produksyon nila ay
ang indie digifilm na Nasaan Si Francis? (2006) lang ang nagustuhan namin, bukod
sa initial venture nila noon na American Adobo (2001). Ngayon ay numero uno na sa
listahan namin ang Inang Yaya.
***
Makaka-relate ang maraming Pinoy sa Inang Yaya, lalo na yung mga lumaking may
tagapag-alaga at nakagisnang pangalawang ina sa katauhan ng kanilang mga
butihing yaya.
Nagustuhan namin ang karakter nina Sunshine at Zoren bilang modernong mga
amo na mababait at hindi na iba ang turing sa yaya ng kanilang anak (hindi yung
stereotype na malulupit at matapobre).
Wala kaming itulak-kabigin sa dalawang batang babae na tampok sa pelikula. Swak
na swak sa kanilang karakter sina Tala at Erika, na napili mula sa napakaraming
bagets na nag-audition.
Natural na natural si Tala bilang poor kid pero street-smart na si Ruby, at very
lovable si Erika bilang sosy but sweet rich kid na si Louise.

Hanep ang mga eksena ng dalawang bagets at animoy hindi sila umaarte.
Deserving silang pareho na bigyan ng award for Best Child Actress.
Maging ang mga ekstrang bata sa movie ay agaw-eksena, lalo na yung dalawang
mean girls na ang babagets pa ay ang gagaling nang mang-okray!
Standout din si Ms. Liza Lorena bilang Lola Toots, ang mahadera at matapobreng
lola ni Louise. Kasuklam-suklam ang karakter niya pero may change of heart siya in
the end, kaya pinaluha niya rin kami nang husto.
Effortless si Ms. Liza at pasok siya sa listahan namin ng Best Supporting
performances sa taong ito.
Pero ang tunay na puso at kaluluwa ng Inang Yaya ay ang bidang si Ms. Maricel
Soriano (na isa rin sa mga producer nito).
Lutang na lutang ang pagiging tunay na aktres ni Marya sa pelikulang ito. Tila
nagbalik ang rawness ng kanyang pagganap at nawala ang kanyang mannered at
gigil acting.
Makadurog-puso ang mga simpleng nuances niya at hindi si Maricel ang nakita
namin sa screen kundi ang kanyang yaya karakter.
Hindi ino-OA ang kadramahan kaya hindi ito lumabas na katsipang melodrama.
Maraming eksena na sapul na sapul ang puso namin at tahimik lang kaming
nanonood pero tuluy-tuloy ang pagdaloy ng aming masaganang luha.
Sa katunayan ay gusto na namin agad itong matapos dahil sikip na sikip na ang
dibdib namin. Pero pagkatapos ng screening ay parang ang gaan ng pakiramdam
dahil ang sarap-sarap lumuha!
Isa ito sa best performances ni Maricel kundi man best performance ever ng
kanyang buong career.
Bago namin ito napanood ay si Gina Pareo ang Best Actress bet namin (para sa
Kubrador) so far this year, pero binago yon ni Maricel.Para sa amin ay ito na ang
panahon para siyay maka-grandslam!
6th Bangkok International Film Festival
Golden Kinnarree Award
Serbis
https://periodistakuno.wordpress.com/2011/03/27/serbis-an-independent-film-bybrillante-mendoza/

Serbis is a film about men who offers sexual services to gays in an old movie house
(Family) in an unknown Philippine city. But I am guessing the setting is in Pampanga
as depicted through the characters native tongue dialect spoken in certain scenes.
It has been invited to the official competition of the 61st Cannes Festival in France
and was regarded as the most controversial in Cannes for the year 2008
Film cast includes two of Philippines premier actresses, Ms. Jacklyn Jose and Ms.
Gina Pareo. They are joined by then rising star and RPs prince of indie films, Coco
Martin. The cast also includes Dan Alvaro, Mercedes Cabral, Julio Diaz, Kristoffer
King, Bobby Jerome Go, and Roxanne Jordan.
Setting aside its graphic and bold illustrations, Serbis plot focuses on a rural family
(Pineda family) who runs a prostitute service in the guise of a movie house. The
theater shows dated sexy double-feature films (aka bomba films). The building also
serves as the familys residence. Nanay Flor (Pareo), who is also the matriarch of
the family, owns the movie house. The family members are her employees.
Daughter Nayda (Jose), her husband, Lando (Diaz), and adopted daughter, Jewel
manage the ticket booth and the canteen. Alan and Ronald (Flors nephews) serve
as the projectionist and billboard painter.
Review
As briefed by various reviews and commentaries, I have already expected nudity
and graphic visuals even before viewing this film. As a matter of fact, I believe
Serbis is the true stepping ground for Coco Martins fame. This was the same
controversial film where Coco Martin has exposed himself butt naked (and that
includes his wang).
Most peers commented that Serbis is another soft-porn, r18 flick guised in the artsy
fartsy term of indie film. However, in my point of view, the nude scenes are
merely desserts. Serbis is more than its sexual tone. It narrates a reality most of
Filipinos are afraid to deal with.
Recently, Mo Twister has earned a fan out of me as I become an avid listener of his
Podcast (Good Times with Mo). A realization has hit me: Filipino is a sexual race.
As much as we want to portray ourselves as conservatives and Sagrado Catolico,
our actions say otherwise. Inspite their size, most of our men are womanizers or at
least guilty of cheating their partners at some point. This case is also prevalent
amongst Filipinas.
Well, this is a fact that I have already discovered ever since. But I havent realized
how severe the situation really is since Ive started listening to this podcast.
Callers are asking advice for seriously twisted problems. And when I say twisted, I
am talking about situations that could lead to excommunication. Let me give you
examples.

One caller asked for advice on how to avoid his Tita (aunt) after having an
incestuous relationship with her. He has literally been banging his aunt about five
times. And now, he has just realized its wrong.
Another caller sought for advice on how to tell his friend that his (callers friend)
girlfriend has been cheating on him (callers friend) with his (callers friend) brother.
And their ages? Barely legal to be a man.
A caller sought in for advice on how to break up with his fianc who has cheated on
him while she was pregnant. A woman also called in to seek advice after having a
forbidden relationship with a priest. A soon-to-be priest also called in to seek advice
on whether he should continue on his life of celibacy officially after he has made
love with a girl friend. The list goes on and on. Apparently, cheating problems, taboo
and forbidden sexual relationships are becoming an everyday problem amongst
Filipinos.
Who the hell says no to the RH bill again?
Serbis exposes various societal issues in which most of us choose to stay quiet.
Aside from the obvious prostitution going on at the movie house, the Pinedas itself
have their dwellings as again, triggered by sexuality. The dysfunctional family falls
apart much like their old theater, which they try to keep afloat.
Nanay Flor files a legal separation from her husband as she discovered about his
mistress and illegitimate children. Nayda and her cousin Ronald is obviously
attracted to each other (which was discovered by Lando at the end of the film). Alan
(Coco Martin) runs away after feeling pressured by her pregnant girlfriend.
And the cycle continues with Jonas, the youngest member of the family, who runs
free in the movie house completely exposed to these immoralities. At the opening
scene, he saw Jewel posing nude in front of the mirror uttering I love you in a very
seductive way. He also saw a transsexual prostitute and Lando indulging in oral sex
inside the projection booth. He ran free inside the movie house with his bike and
saw various men offering service to gays. At the end of the film, Jonas is seen
wearing lipstick and throwing items at Jewel.

29th Durban International Film Festival


Best Film
Foster Child
http://varsitarian.net/circle/foster_child_isang_makabuluhang_kuwento

SA PAGBUBUKAS ng Cinemalaya Film Festival ngayong taon, ipinalabas sa


unang pagkakataon sa Pilipinas ang pelikulang pinamagatang Foster Child.
Sa direksyon ng Tomasinong direktor na si Brillante Mendoza, ibinabahagi ng
pelikulang ito ang busilak na pag-ibig ng isang ina pagtugon ng isang
pamilyang Pilipino sa mga suliranin ng panlipunan tulad ng kahirapan.
Gusto nating patunayang mga Pilipino na maraming mahahalagang bagay
na natututunan sa kabila ng pagiging mahirap, sabi ni Mendoza.
Sa Foster Child, ginampanan ni Cherie Pie Picache ang karakter na si Thelma,
isang mapag-arugang ina na pansamantalang nag-aalaga sa mga ulilang
bata ng isang bahay-ampunan. Umiikot kay Thelma at John-John (Kier
Segundo), isa sa mga batang kanyang inalagaan, ang mga pangyayari sa
pelikula. Ipinamamalas ng pelikula ang walang kapantay na pag-aaruga ni
Thelma sa musmos pati na ang pighati nito matapos mawalay sa isat-isa.
Mahusay ang pagganap ng mga aktor sa Foster Child sa pagbibigay ng
makatotohanang pagganap sa mga tauhan ng kuwento. Magaling na
nagampanan ni Picache ang kanyang papel bilang isang ina na mas lalo
pang pinaantig ng tambalan nila ni Segundo bilang kanyang ampon sa
pelkula.
Bagaman malinis ang pagkakahabi ng mga eksena, hindi naman epektibo
ang tunog ng Foster Child. Malabo ang pagkakalapat ng mga tunog lalot
higit na sa mga dayalogo ng mga tauhan.
Sa kabila ng mga ito, angkop naman ang pagdaloy ng mga eksena na naging
bentahe ng pelikulang ito. Isa ito sa mga dahilan kung bakit malugod na
tinanggap ang Foster Child sa prestihiyosong Cannes Film Festival sa Pransya
kung saan ito ay unang ipinalabas noong Directors Fortnight ng nasabing
pagdiriwang. Juanito Alipio A. de la Rosa at Maria Aurora F. Mon

35th Brussels International Film Festival, Belgium


Best Asian Film
Brutus
http://cbcpcinema.blogspot.com/2009/07/brutus-ang-paglalakbay.html

Sina Adag (Timothy Mabalot) at Bayang (Rhea Medina) ay dalawang batang


Mangyan na nagbalak bumaba ng bundok at pumunta sa bayan nang may
kani-kaniyang dahilan. Gusto ni Adag na makabili ng gamot para sa kanyang
nakababatang kapatid samantalang si Bayang naman ay balak hanapin ang
nawawalang kuya na hindi na bumalik matapos magpaalam na pupunta ng
bayan. Upang makalikom ng panggastos ay nag-brutus sila sa mga illegal
loggers kung saan ay mambubulabog sila ng mga troso at ilalakbay sa ilog
gamit lamang ang kanilang balsa. Sa kanilang paglalakbay ay aanurin ang
kanilang balsa dahil sa sama ng panahon. Sa kanilang pagkakaligaw sa gitna
ng gubat ay makikilala nila ang isang grupo ng mga sundalo sa pamumuno
ng isang sarhento (Ronnie Lazaro) na aakalin nilang dadakip sa kanila.
Bagamat mapapalapit sa kanila si Sarhento ay tatakasan pa rin nila ito. Dito
naman nila makikilala si Carlito (Yul Servo) na isa palang rebelde na
pinaghahanap ng militar. Maiipit sa gitna ng laban ng militar at rebelde sina
Adag at Bayang habang namumulat ang kanilang matat isipan sa maraming
katotohanan
sa
kanilang
paligid.
Payak ang pagkakagawa ng Brutus: Ang Paglalakbay. Ngunit sa kabila na
kapayakan nito ay lumutang ang tunay na yaman at diwa at pelikula. Ang
lahat ng nagsiganap ay mahuhusay. Ang dalawang batang hindi kilala ay
nagbigay ng natural na pag-ganap, tuloy nagmukhang dokumentaryo ang
pelikula. Ipinamamalas nito ang hindi na karaniwang napapanood ng mga
tao: ang buhay ng mga katutubo. Naipakita rin sa pelikula ang matulaing
bulubundukin at ilog ng Mindoro, kasama na ang mayamang kultura ng mga
Mangyan. Maayos ang daloy ng kuwento na bagamat may kabagalan sa
simula ay nagawa namang bawiin sa gitna hanggang wakas. Malalim ang
karakterisasyon at malinaw ang pinaghuhugutan ng bawat karakter. Sa
kanilang paglalakbay ay maihahatid ang manonood sa isang mundong
bihirang silipin at sa payak na pamumuhay na talaga namang hitik sa puso
at
damdamin.

Mayaman din sa mensahe ng kabutihang-asal ang pelikula. Ipinakita sa mata


ng dalawang inosenteng bata kung paanong ang kalikasan at mga katutubo
ay nilalapastangan. Pati ang walang hanggang suliranin ng digmaan at
kapayapaan ay tinalakay din nang walang kinikilingan. Tunay ngang sinira na
ng modernisasyon hindi lamang ang kalikasan kundi pati na ang
mayayamang kultura ng ating mga kapatid na katutubo. Sa unay
nakabahala kung paanong ang mga bata ay natututong gumawa ng bagay
na labag sa batas, ngunit malinaw ang mensahe ng pelikula na hindi ito
tama. Dahil sa pelikula ay mamumulat ang kaisipan ng mga manonood kung
gaanong kalalang problema ang idinudulot ng ilegal na pagto-troso. Ang
pagsira sa likas na yaman ay pagsira na rin sa buhay ng mga tao. Hitik din sa
puso ang pelikula ukol sa kasalukuyang kalagayan ng ating mga katutubo na
pawang nawaglit na sa kamalayan ng gobyerno at lipunang abala sa
pagpapayaman at pagpapayabong ng sariling interes. Sa usapin naman ng
mga rebelde ay walang pinanigan ang pelikula. Ang sinumang nagkasala sa
batas ay dapat maparusahan
ngunit ipinakikita rin sa Brutus kung ano ang maaaring tunay na damdamin
at saloobin ng mga rebelde. Tao rin silang nagmamalasakit sa kapwa
bagamat iba ang kanilang naging paraan. Sa gitna rin ng kanilang gulo ay
maraming inosenteng buhay ang nadadamay. Higit sa lahat, malinaw ang
mensahe ng pelikula ukol sa pagmamahal sa pamilya at kaibiganito ay
hindi matatawaran at makakayang tumbasan ng kahit na anong yaman.
Mawala man at malapastangan ang lahat ay mananatiling masaya ang
buhay kung may pamilya at mga kaibigan na handang magmahal at
magmalasakit.

You might also like