You are on page 1of 6

Ano ang mga popular na babasahin?

 Pahayagan- tabloid at broadsheet


 Komiks
 Magasin
 Kontemporaryong dagli

Tabloid
- Ang tabloid ay naglalaman ng balita. Hindi tulad ng broadsheet na ang target readers ay
Class A and B, ang target readers ng tabloid ay masa. Ang tabloid ay mas nakatuon sa karahasan at
sex. Sa tabloid rin malalaman ang showbiz news at tsismis.

Komiks
- Ang komiks ay ang grapikong midyum na kung saan ang mga salita at imahe ang ginagamit
upang isalaysay ang kwento.

Magasin
- Ang magasin ay periodikong publikasyon na naglalaman ng maraming artikulo.

Kontemporaryong dagli
- Ang dagli ay napagkakamalan ng karamihan na katumbas ng flash fiction o sudden fiction sa
Ingles. Ang dagli ay isang anyo ng panitikan na maituturing na maikling kwento.

1. ANTAS NG WIKA
- Ang wika ay mahalaga sa lipunang ating ginagalawan. Ito ang ginagamit natin sa pang-araw-
araw na pakikipag-ugnayan sa kapwa. Ayon kay Tumangan (1986), “ang wika ay mahalagang bahagi
ng lipunan sa dahilang ito ang kasangkapang kailangan sa pakikipagtalastasan.”

 Balbal
May katumbas itong slang sa Ingles at itinuturing na pinakamababang antas ng wika. Singaw
ng panahon sapagkat bawat panahon ay may nabubuong salita. Ito ang nagpapatunay ng
pagiging dinamiko ng wika. Itinuturing din itong pinakamababang antas ng wika na
karaniwang ginagamit sa lansangan.
 Mga Halimbawa:
Parak (pulis) Eskapo (takas ng bilangguan) Istokwa (naglayas) Juding (bakla) Tiboli (tomboy)
Balkonik (taong maraming balahibo sa katawan) Brokeback (lalaki sa lalaking relasyon) Lobat
(lupaypay)

 KOLOKYAL
Ito ang ginagamit sa pang-araw-araw na hinalaw sa pormal na mga salita. Nagtataglay ng
kagaspangan ang mga salitang ito subalit maaari rin namang maging repinado batay sa kung
sino ang nagsasalita gayon din sa kanyang kinakausap.
 Halimbawa:
alala - naron -antay - lika - kanya-kanya –lugal

 LALAWIGANIN
Ito ang mga salitang karaniwang salitain o dayalekto ng mga katutubo sa lalawigan gaya ng
Cebuano, Bicolano, Batangueno at iba pa na may tatak –lalawiganin sa kanilang pagsasalita.
isang palatandaan ng lalawiganing tatak ay ang punto o accent.
 TAGALOG ILOKANO SEBUANO BIKOLANO
Aalis Kanin Alikabok Paa Ibon Halik Kaibigan Pumanaw Inapoy Tapok Saka Bilit Ungngo
gayyem Molakaw Kan-on Abug Tiil Langgam Halok higala Mahali Maluto Alpog Bitis Gamgam
Hadok Amiga

 PAMBANSA
Ang mga salitang ito ang ginagamit sa mga aklat, babasahin at sirkulasyong pangmadla. Ito
rin ang wikang ginagamit sa mga paaralan at sa pamahalaan.

 PAMPANITIKAN
Ito ang may pinakamayamang uri. Ginagamit ang salita sa ibang kahulugan. Mayaman sa
paggamit ng idyoma, tayutay. Ginagamit ng mga manunulat, dalubhasa at mananaliksik. Ito
ay nagaganap sa tuwing ang wikang pampanitikan
 Halimbawa:
Mabulaklak ang dila Di-maliparang uwak Kaututang dila Balat sibuyas Taingang kawali
Nagbukas ng dibdib

 APPLICATION
Sa isang buong papel sumulat/ bumuo ng isang usapan gamit ang sumusunod na salita: tena
,nagsusunog ng kilay, kamo, beki, erap, iniibig, kaklase, asignatura, istambay, pagsusulit.

PORMAL AT DI-PORMAL

1.Pormal
- nagbibigay ng impormasyon
- nagbibigay ng mahalagang kaisipan o kaalaman sa pamamagitan ng maka-agham at lohikal
na pagsasaayos sa paksang tinatalakay
- maingat na pinipili ang mga pananalita
- Ang tono ay mapitagan
- obhektibo o di kumikiling sa damdamin ng may akda.

2.Di – Pormal
- nagsisilbing aliwan o libangan
- nagbibigay lugod sa pamamagitan ng pagtatalakay sa mga paksang karaniwan pang-araw-
araw at personal .
-ang pananalita ay parang nakikipag-usap lamang.
-pakikipagkaibigan ang tono
-subhektibo sapagkat pumapanig sa damdamin ng may akda

Dokumentaryung pantelebisyon

- Gaya ng pelikula ang mga programang pantelebisyon ay maituturing ding isang uri ng sining
na nagsisilbing libangan at gumigising sa isip at damdamin ng isang tao. Ito’y mahalaga at mabisang
sangay ng kabatirang panlipunan, pang-espirituwal, pangkultura, pangmoralidad, pang-edukasyon at
iba pa. Malaki ang nagagawang impluwensiya nito sa katauhan ng isang nilalang. Ang mga kaisipan,
ugali, kabuluhan at pananaw ng isang nilikha ay maaaring maimpluwensiyahan ng pinanonood na
mga programa sa telebisyon.
Dokumentaryong Pantelebisyon

– Mga palabas na naglalayong maghatid ng komprehensibo at estratehikong proyekto na


sumasalamin sa katotohanan ng buhay at tumatalakay sa kultura at pamumuhay sa isang lipunan.

KWENTONG MEDIA

KUWENTUHANG MEDIA
Posted by Online Balita on Jun 2nd, 2012
Nakatutuwang makakuwentuhan ang mga kasapi at pinuno ng media sa okasyon ng kaarawan ng
magaling na coordinator na si Liza Carreon sa isang forum na kung tawagin ay TUESDAY CLUB sa
Pasig City. Magagaling, matatalas at analitikal ang kanilang mga pananaw sa halos lahat ng isyu o
pangyayari sa ating bansa, gaya ng mga usapin ng Panatag Shoal at ni CJ
Renato Corona. Kabilang sa media people na nakausap ko at nakapalitan ng kuro-kuro ay sina
Manila Bulletin Editor-in-Chief Cris “Jun” Icban; Butch Raquel, GMA vice president for
communications; BizNews Asia Magazine Editor-in-Chief Tony Lopez, Tony Katigbak (chairman ng
Tuesday Club); Bong Osorio ng ABS-CBN, ex-MMDA Chairman Bayani Fernando at ex-Marikina City
Mayor Marides Fernando; ex-Graphic editor Manuel Almario; columnist Boo Chanco; Pandan,
Catanduanes Mayor Resty de Quiroz, dating reporter ng DZRH, at iba pa. Sa ganitong pagtitipon,
hindi masasayang ang iyong oras dahil bukod sa tawanan, biruan at kumustahan, nakapupulot ka ng
matatalino, magaganda at sariwang opinyon, analisis at personal na paniniwala na kontra o katig sa
isang kontrobersiyal na personalidad o usapin. Ang Club na ito ay ipinundar ng yumaong sina Max
Soliven at Art Borjal. Binigwasan ng China si US State Secretary Hillary Clinton dahil sa remarks nito
tungkol sa gusot sa West Philippine Sea (South China Sea) na rito ay lantarang dinuduro ng
dambuhalang bansa ang sisiw na Pilipinas sa Panatag Shoal. Ayon kay Hillary, lumalabis ang China
sa pag-angkin nito sa nasabing karagatan kontra sa ipinahihintulot ng United Nations Convention on
the Law of the Sea (UNCLOS). Nagbabala ang China na hindi dapat makialam ang US sa usaping
ito. Well, maliwanag ang pahiwatig ni Ms. Clinton na tiyak na susugod ang US forces para tulungan
ang ating bansa sa sandaling ganap na salakayin at agawin ng China ang Bajo de Masinloc.
Sa kabila ng pagbatikos at pagsalungat ng mga makakaliwang grupo na sagad-hanggang-langit ang
galit at pag-ayaw sa United States, walang magagawa o masusulingan ang Pilipinas kundi ang
humingi ng tulong (kahit hindi diretsahan) o sumandal sa puwersa ng bansa ni Uncle Sam laban sa
alinmang dayuhang lakas na ookupa at manduduro sa atin.

Element ng pelikula

1. SequenceIskrip
– ito ay tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento.
Ang magandang pelikula ay may kwento na hindi madaling mahuhulaan ng mga manonood
ang mga susunod na mangyayari.

2. Sinematograpiya
- ito ang pagpapakita ng angkop na tagpuan gamit ang maayos na anggulo at
magaling na lente ng kamera, wastong ilaw para ipakita ang mga pangyayari samga manonood.

3. Tunog atmusika
– ito ang elemento na nagpapasidhi ng damdamin at emosyon ng
mgapangyayari sa pamamagitan ng paggamit ng wastong tunog at pagpapatunog ngangkop na
musika para mapukaw ang interes ng mga manonood.
Bata bata paano ka ginawa
Bata, Bata… Pa'no Ka Ginawa? (also known as Lea's Story)[1][2][3][4] is a novel written in
Tagalog by the Filipino female writer, Lualhati Bautista. Bautista uses "Taglish" – a mixture of
Tagalog and English, instead of pure Tagalog – as a stylistic device for her works.[5] The novel is
about the role of a woman, like its author, with Filipino society wherein the males were, in the past,
assuming more dominant roles in society.[1][2][3][4][6][7] The translation of the title is literally, "Child,
Child… How were you made?" although figuratively it actually surpasses its allusion – or reference –
to the process of reproduction through the revelation of its true, symbolic question-message: "Child,
Child… How were you molded to become a mature, grown-up person?"
In a period in the past, Philippine women normally and simply follow the wills and whims of their
husbands and other male members of society. The role of women were just to act upon their role as
mothers who perform household chores, take care of the children, and take care of the needs of their
husbands. They don’t and should not – based on previous customs – get involved with subject
matters and discussions about livelihood and political issues. But the face and ambience of the
perceived role of women in society changed, as society itself was transformed. The doors of offices
were opened to give way to women workers. They were given a place where their complaints
regarding women rights could be heard, as well as their concept about life and livelihood, earning
them a voice within and outside the boundaries of home.[1][2][3][4][6]
This is the subject discussed and revealed by Lualhati Bautista's novel which has 32 chapters. The
work narrates the life of Lea, a working mother, who has two children – a young girl and a young boy.
And for this reason, the novel depicts the society's view of women, how it is to be a mother, and how
a mother executes this role through modern-day concepts.

MGA KARANIWANG URI NG ANGGULO AT KUHA NG KAMERA


Ang mga karaniwang uri ng anggulo at pagkuha gamit ang kamera, ayon sa teksto ay:

1 Long Shot
- malayo ang pagkuha upang maipakita sa mga manunuod ang kabuuan ng senaryo at lugar

2 Medium Shot
- kuhang mula tuhod o baywang pataas upang magbigay pokus sa maaksyong detalye o
dayalogo

3 Close-up Shot
- kuhang may pokus sa iisang bagay at hindi sa paligid

4 Extreme-Close up Shot
- halimbawa ay ang pagpokus sa mata lamang

5 High Angle Shot


- mula sa itaas ang anggulo

6 Low Angle Shot


- mababa ang posisyon ng kamera

7 Birds Eye view Shot


- madalas ay ginagamitan ng aerial shot
Mga paraan ng pagpapahayag

 Paglalarawan
 Pagsasalaysay
 Pangangatwiran
 Paglalahad

Dalawang uri ng paglalarawan:

1. Karaniwan
- naglalayon na makabuo ng malinaw na larawan sa isipan ng nakikinig o bumabasa

2. Masining na paglalarawan
- sa paraang ito napupukaw ang guni-guni ng mga tagapakinig o mambabasa Pagpili ng paksa
o bagay na ilalarawan pagbuo ng isang batayang larawan pagpili ng sariling pananaw

Pintig, Ligalig at Daigdig


Jet Oria Gellecanao

“Sadyang mabilis ang paglipas ng panahon. Ang bawat araw ay nagiging mga oras, ang bawat oras
ay nagiging minuto, ang bawat minuto ay nagiging mga segundo na lamang. Kaya naman, maging
ang pintig ng bawat sandali, ng bawat puso, ng bawat bagay at nilalang sa mundo ay sumasabay
rin sa isang maligalig na daigdig.” Sa umpukan ng mga nakatatanda ay madalas marinig ang mga
usapang ito “Talagang sang-ayon ako sa mga pahayag na ito,” wika ng isang lola. “Kakaiba na ang
panahon sa ngayon, mas higit na mapanganib!” Mas matigas na rin ang ulo ng mga kabataan!”
sambit naman ng isa. Sumagot naman itong si lolo: “Hindi ako sang-ayon riyan, mas marurunong at
mas maabilidad na ang mga bata sa ngayon.” Kaya, kabataan, sino ka sa mga nabanggit nila?
Paano mo pinatunayan sa iyong sarili ang taglay mong mga talento at taglay na kaalaman? Madalas
rin silang magpayo sa atin: “Mag-ingat ka sa iyong paglakad, at baka ika’y madapa, mas malalim ang
sugat.” Dapat lamang na pakinggan natin ang mga payong ito sabay sambitin ang mga katagang
“Taos-puso po naming tinatanggap ang inyong mahalagang mga paalaala at mga gintong kaisipan.”
Kaisipang nagpapaalala sa atin na nawa’y tahakin natin ang tama at tuwid na landas.
Sa kabilang panig, tanggapin natin ang katotohanan na may mga pagbabagong nagaganap sa
kasalukuyang panahon. Tunay ngang kakaiba na talaga sa ngayon ang takbo ng buhay. Makikita ito
sa uri at istilo ng pamumuhay ng bawat isa. Sa paraan ng kanilang mga pananalita at gawi at lalo na
sa kanilang mga pananaw, paniniwala at paninindigan sa buhay. Isa sa mga higit na
nakakaimpluwensiya sa mga tao ngayon ay ang pag-usbong ng modernong teknolohiya. Idiniriin sa
atin ang konsepto ng “Globalisasyon” at ang paglitaw ng teoryang “Global Village” kung saan ang
mundo, ang bawat bansa at bayan na naririto ay wala nang anumang mga hadlang o tagapamagitan
lalo na sa larangan ng pakikipagtalastasan. Nariyan ang Internet, Facebook, Twitter, Youtube, Skype
at iba pa upang mas higit na mapadali at mapabilis ang komunikasyon. Kasabay ng pag-unlad ng
teknolohiya, ay ang paniniwala ng karamihan na dahil sa labis na ang kasamaan ng tao,sandali na
lamang at magugunaw na ang mundo. Maaari kayang mangyari ang iba’t ibang mga hula ng mga tao
tungkol dito? Tandaan natin, nilikha ng Diyos ang tao at ang daigdig hindi upang gunawin at sirain
lamang ito. Sa halip, ang mga bagay na hindi karapat-dapat manirahan dito ang siya lamang niyang
aalisin. Tanging siya lamang at wala nang iba pa ang nakaaalam kung kailan niya mangyayari ang
pagpuksa sa mga masasama at sa sumisira ng kanyang mga nilikha. Kaya mga kapwa ko kabataan,
panahon na upang ikaw ay magbulaybulay. Ano na ang nagawa ko para sa aking sarili? Para sa
aking kapwa? Higit sa lahat, ay ang iyong magandang kaugnayan sa Diyos. Kaya’t ito ang tamang
panahon upang harapin ang mga bagong hamon sa buhay. Magpatuloy ka, upang minsan sa isang
araw ng iyong buhay ay hindi mo masambit ang mga katagang “Sayang, kung ginawa ko lamang
sana iyon.” Sadyang mabilis ang paglipas ng panahon, ang bawat araw...nagiging oras, nagiging
minuto hanggang maging segundo. Ang bawat pintig, pintig...at pintig sadyang may ligalig sa ating
daigdig... Kabataan! Panahon na upang tanggapin mo ang hamon sa iyo!

You might also like