You are on page 1of 8

TXTBK + QUALAS

SANAYANG PAPEL Blg. 2


Textbook based instruction SA FILIPINO 8
paired with MELC-Based
Quality Assured Learner’s
Activity Sheet (LAS) Kwarter 4 Linggo 2

Pangalan: ___________________________________Baitang at Pangkat: _____________________________________

Guro: ________________________________________Petsa ng Pagpasa: ______________________________________

MELC 4: Nabibigyang kahulugan, ang matatalinghagang ekspresyon,tayutay at simbolo (F8PT-IVcd-34)


MELC 5: Naisusulat sa isang monologo ang mga pansariling damdamin tungkol sa:
-pagkapoot -pagkatakot -iba pang damdamin (F8PU-IVcd-36, F8PS-IVcd-36)
MELC 7: Nailalahad ang mahahalagang pangyayari sa aralin ( F8PB-IV-fg-36)

Aralin: Ang Hinagpis ni Florante ( Saknong 001-025)


Sanggunian: PINAGYAMANG PLUMA 8 Pahina: 517- 534
https://tl.weblographic.com , https://www.tagalog.com
https://www.tagaloglang.com

Layunin: Nabibigyang kahulugan, ang matatalinghagang ekspresyon, tayutay at simbolo

Kasanayan Bilang: 1 Pagbibigay Kahulugan Araw:1

KONSEPTO: Hinagpis ni Florante (Buod ng Aralin)


Sa bahaging ito’y makikilala si Florante, ang pangunahing tauhan ng awit; isang matikas at magiting na
heneral ng Albanya, subalit sa pagkakataong ito ay talunan. Nakagapos siya sa isang puno ng higera sa gitna ng isang
madilim at mapanglaw na gubat. Maririnig mula sa binate ang mga hinagpis at pagtangis dahil sa pagkagaping nangyari
sa kanya at sa paghihirap ng kanyang minamahal na kahariang Albanya dahil sa pananakop ng taksil at masamang si
Konde Adolfo. Nawawalan na siya ng pag-asa at maging sa Diyos ay nakapagpahayag siya ng hinanakit sa pag
aakalang siya’y pinabayaan na. Subalit sa huli’y napag-isip-isip niyang idaan sa Panalangin ang kaawa-awa niyang
kalagayan. Uri ng punong mataas at
tuwid lahat ang sanga

Mga Saknong:
Sa isang madilim, gubat na mapanglaw malungkot Karamiha’y sipres at higerang kutad
Isang punong mayabong
dawag na matinik ay walang pagitan na ang lilim niyon ay nakasisindak, Malalapad ang dahoon
halos naghihirap ang kay Pebong silang ito’y walang bunga’t daho’y malalapad ngunit di namumunga
araw
dumalaw sa loob na lubhang masukal na nakadidilim sa loob ng gubat
Halimaw na
Malalaking kahoy ang inihahandog Ang mga hayop pang dito’y gumagala mukhang butiki

pawang dalamhati, kahapisa’t lungkot karamiha’y syerpe’t basiliskong madla


Ahas o syerpente
huni ng ibon ay nakalulunos nakatatakot hyena’t tigreng ganid na nagsisisila
sa lalong matimpi’t masasayang loob ng buhay ng tao’t daiging kapwa.

Ang mga bulaklak ng nagtayong kahoy


pinakamaputing nag-uunos sa dahoon
pawang kulay- luksa at nakikiayon
Kulay itim
sa nakaliliyong masangsang na amoy.

1
Alam mo ba?
Gumamit si Balagtas ng alegorya sa awit na Florante at Laura, sa halip na tuwirang pagtukoy ay mga simbolo
ang kanyang ginamit upang makalusot sa mahigpit na sensura ng mga Espanyol sa panahong iyon. Gumamit siya ng
mga simbolong tulad ng syerpe, sipres, higera, mga tauhan ng mitolohiyang Griyego tulad ng Adonis, Narciso atbp.
Alegorya- isang kuwento kung saan ang mga tauhan, tagpuan, kilos ay nagpapakahulugan ng higit pa sa literal nitong
kahulugan.
Simbolismo- ito ang mga salita na kapag binanggit ay nag iiwan ng iba’t ibang pagpapakahulugan.Maaaring gumamit
ng isang bagay, isang kulay, isang tao o kahit na isang sitwasyon upang magbigay ng mas malalim na kahulugan kaysa
sa literal na kahulugan ng teksto.
Halimbawa: Ilaw- pag-asa tinik- pagsubok/hirap
Pagsasanay
Panuto: Basahin ang mga pangungusap sa ibaba. Tukuyin at bilugan ang titik ng kahulugan ng sumusunod na
simbolong ginamit sa mga saknong na binasa.
1. Ang madilim at mapanglaw na gubat na kinagagapusan ni Florante.
a. Ang madilim at walang kalayaang kalagayan ng bansa sa panahong iyon
b. Ang madadawag na kagubatang nakapalibot sa bansa sa panahong iyon.
c. Ang mga gawain ng mga kriminal na nakahahadlang sa pag -unlad ng sambahayan
2. Ang kahabag-habag at nakagapos na si Florante sa isang puno ng higera.
a. Ang kawalang kayamanan ng mga Pilipino sa panahong iyon
b. Ang kawalang trabaho ng mga Pilipino sa panahong iyon.
c. Ang kawalang kalayaan ng mga Pilipino sa panahong iyon.
3. Ang mga syerpe’t (ahas o serpiyente) at basiliskong gumagala sa gubat.
a. Ang mga mananakop na tila nag-aabang upang makagawa nang masama sa mga Pilipino.
b. Ang mababangis na hayop gubat na anumang oras ay handang sumila o pumatay.
c. Ang mga sakit o karamdamang maaaring dumapo sa sinuman.
4. Ang balang bibig na pinagmumulan ng katotohanan.
a. Ang mga taong mapanira sa kanilang kapwa at nagkukuwento tungkol sa buhay ng may buhay
b. Ang mga taong nagsasabi o naglalahad ng katotohanan tungkol sa pagmamalabis ng mga mananakop.
c. Ang mga Espanyol na naglalahad ng plataporma ng kanilang pamumuno sa ating bansa.
5. Ang kalis ( espada o tabak) na ginagamit sa pagbibiyak o pampigil sa bibig na pinagmumulan ng katotohanan.
a. Ang mga Espanyol na handang magparusa sa sino mang Pilipinong maglalakas-loob lumaban o maglahad ng
katotohanan.
b. Ang mga sundalong Espanyol na handang magtanggol sa mga Pilipino kapag sila’y naaapi ng sinuman.
c. Ang mga Espanyol na nagsasanay sa paghawak ng kalis upang higit pang humusay ang kanilang kakayahan.

Layunin: Nabibigyang kahulugan, ang matatalinghagang ekspresyon,tayutay at simbolo

Aralin: Ang Hinagpis ni Florante at Matalinghagang Pahayag o Ekspresyon


Sanggunian: PINAGYAMANG PLUMA 8 Pahina: 517- 534
Kasanayan Bilang: 1 Pagbibigay kahulugan Araw: 2

KONSEPTO:
Matalinghagang pahayag o ekspresyon- ay ang mga ekspresyong may malalim na salita o may hindi tiyak na
kahulugan. Sinasalamin nito ang kagandahan at pagkamalikhain ng wikang Filipino.
Halimbawa:
2
Pagsusunog ng kilay- pagsisipag sa pag-aaral
Kapilas ng buhay- asawa
Tuyo ang papel – maganda ang imahe
Pagsasanay

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag at tukuyin mula sa hanay B ang nakasalungguhit na
matatalinghagang ekspresyon o tayutay sa hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
Hanay A Hanay B
_____ 1. Ang paligid ng gubat ay kulay-luksa at nakikiayon A. kakikitaan ng labis na takot at sakit sa
Sa nakaliliyong masangsang na amoy. katawan.
_____ 2. Kung ginagawa mo ang aking sagisag B. kapaligirang nagsasaad ng labis na
kalungkutan
Dalawa mong mata’y nanalo mong perlas pagkatalo at kawalang pag-asa.
_____ 3. Sa punongkahoy ay napayukayok C. lumuluha nang labis labis dahil sa dalamhati
Ang liig ay supil ng lubid na gapos.
______4. Bangkay na mistula ang kulay na burok D. mga matang nagniningning at masaya
Ng kanyang mukha’y naging puting lubos
______5. Nagwikang “O palad’ sabay ang pagtulo, E. nagpapakita ng kawalang kalayaan
Sa mata ng luhang anaki’y palaso

Layunin: Naisusulat sa isang monologo ang mga pansariling damdamin tungkol sa:
-pagkapoot -pagkatakot -iba pang damdamin

Aralin: Monologo
Sanggunian: PINAGYAMANG PLUMA 8 Pahina: 517- 534

https://youtube.com

Kasanayan Bilang: 2 Pagsulat ng Monologo Araw: 3


KONSEPTO:
Monologo-ay isang uri ng pagsasalita kung saan ang isang tauhan ay sinasabi anuman ang kanyang isinasaisip.
Mga uri ng damdamin:
Pagkapoot- galit na nararamdaman, tanim ng sama ng loob o pagkamuhi
Pagkatakot- isang pakiramdam o emosyon ng isang tao dulot ng hindi magandang pangyayari o sitwasyon.
Matinding dalamhati-matinding pagdurusa
Kaligayahan- ang pagtataglay ng namamalaging kasiyahan. 

Pagsasanay
Panuto:
Pumili ng isang damdamin na nakalahad sa ibaba at sumulat ng monologo tungkol dito. Bigkasin ito nang may
angkop na kilos, ekspresyon at damdamin.
 Poot o matinding galit
 Pagkatakot at kawalan ng pag-asa
 Matinding dalamhati o kalungkutan
 Kaligayahan

3
Mga Pamantayan 5 4 3 2 1
1.Maliwanag na nalapatan ng wastong damdamin
Gawing
ang monologo.
2.Naiangkop ang diwa ng monologo gabay ang
3.Gumamit ng wastong bantas sa pagbuo nito.
4.Nakapupukaw ng interes na basahin ang
monologo.
Kabuoang puntos
pamantayan sa ibaba.

Layunin: Nailalahad ang mahahalagang pangyayari sa aralin

Aralin: Pagbabalik -tanaw ni Florante sa kanyang kamusmusan , Si Adolfo, Trahedya sa buhay ni Florante
Sanggunian: PINAGYAMANG PLUMA 8 Pahina: 541-585

Kasanayan Bilang: 3 Paglalahad ng Mahahalagang Pangyayari Araw: 4


KONSEPTO:

Pagbabalik -tanaw ni Florante sa kanyang kamusmusan( Buod) (Mga Saknong 172-206)

Ayon sa pagsasalaysay ni Florante kay Aladin , ipinanganak si Florante sa isang Dukado ng kaharian  ng
Albanya kung saan namumuno ang kanyang amang duke, si Briseo, asawa ng Prinsesa Floresca, anak ng hari ng
Krotona, at ina ni Florante. Bukod sa pagiging isang duke, Si Briseo ay isa ring pribadong tanungan ng Haring Linceo
ng Albanya.
Inilalarawan ni Florante ang kanyang ama bilang mapagmahal at mapag-aruga, at pumapalayaw sa kanya ng
"Florante bulaklak kong bugtong" na naging bansag niya sa buong pagkabata. Nang siya ay siyam na taong gulang na,
karaniwan niyang itinutuon ang kanyang oras sa paglalaro sa mga burol, at pangangaso ng mga hayop gamit ang
kanyang pana at busog. Sa unang banda ng kanyang pagsasalaysay sa kanyang buhay, itinanong niya kung bakit pa siya
ipinanganak sa Albanya, at hindi sa Krotona nang sana ay maiba man lamang ang kanyang tadhana, at hindi siya
lubhang nagdurusa katulad ng ngayon.
Pinili nang hindi isaysay ni Florante ang ibang pang mga nangyari sa kanyang kabataan dahil alang-alang sa
kanya ay hindi ito masyadong mahalaga; maliban dito ang pagsalakay sa kanya ng mga mababangis at malalaking ibon:
ang buwitre, arkon, na pinana ng pinsan niyang si Menalipo, at isang di-ipinangalanang ibon.
Dukado- teritoryong pinamamahalaan ng isang duke
Duke-isang taong nabibilang sa mga Maharlika sa mga bansa sa Europa.
Buwitre- ibong nanginginain ng mga bangkay ng hayop.

Si Adolfo (mga saknong 207-231) Buod ng Aralin


Makikilala mo sa bahaging ito si Adolfo ang kababayan ni Florante na anak ng marangal na si Konde Sileno.
Bukambibig si Adolfo sa Atenas, ang katalinuhan niya’y naging bantog sa kapwa niya mag-aaral. Ngunit hindi naglaon
ay naungusan siya ni Florante bagama’t ang huli ay baguhan sa Atenas at nakababata pa ng dalawang taon sa kanya.
Naging bantog si Florante dahil sa angkin niyang katalinuhan, na ang dating papuri na si Adolfo lamang ang
nakatatanggap ay nabaling na kay Florante. Dito na nakilala ang totoong pagkatao ni Adolfo na nagpanggap lamang
4
palang mahinhin at mabait.

Trahedya Sa Buhay ni Florante ( Saknong 232-256) Buod ng aralin


Isang matinding dagok sa buhay ni Florante ang pagpanaw ng kaniyang pinakamamahal na ina. Ang puso niya ay
halos madurog dahil sa matagal na niya itong hindi nakasama. Nasukat ang kanyang pagiging matatag sa sunud-sunod
na mabibigat na suliranin na dumarating sa kanyang buhay, at pagpupunyagi upang mapaglabanan niya ang matindi
niyang kalungkutan.  

Nabalot ng lumbay ang buong paaralan dahil sa balitang natanggap ni Florante sa nangyari sa kanyang
ina.nakiramay ang mga ito sa kanila lalo na ang matalik niyang kaibigan na si Menandro at ang kanyang mabait na guro
at parang itinuring na niyang pangalawang magulang na si Antenor. Ang pagdamay na iyon ay nagpapakita sa
kahalagahan ng pagtulong sa mga nangangailangang tulad ni Florante.

Makalipas lamang ang dalawang buwan matapos na matanggap niya ang liham na nagbalita tungkol sa nangyari
sa kanyang ina ay meron nanamang pangalawang sulat ang dumating, ang nilalaman ng sulat ay ang pagpapauwi kay
Florante sa kanilang lugar. Sa pamamaalam ni Florante sa kaniyang paaralan, Isang tagubilin ang pinabaon ng maestro
niyang si Antenor, Ito ay tungkol sa pagiging maingat nito sa kaaway, na walang iba kundi si Adolfo, na huwag daw
basta magtitiwala sa kung anuman ang ipakita ng simuman dahil hindi nakikita ang tunay na nilalaman ng kanilang
puso. Naging madamdamin ang pamamaalam ni Florante sa kanyang mga kaklase lalo na sa kanyang matalik na
kaibigan na si Menandro, hindi na halos ito bumibitaw sa kanya kaya naman napilitan na rin niya itong isama.  

PAGSASANAY
Panuto: Bawat kabanata ay naghatid ng mahahalagang pangyayaring nagpatunay na ang akda ay makabuluhan
at karapat dapat basahin. Alin sa mga ito ang masasabi mong mahalaga at tumimo o sumagi sa iyong isipan. Isulat ito
sa kahon.

KABANATA MAHAHALAGANG PANGYAYARI


Pagbabalik -tanaw ni Florante sa
kanyang kamusmusan
Si Adolfo

Trahedya Sa Buhay ni Florante

Kasanayan 1.Pagsasanay 1 Kasanayan 2 pagsasanay Kasanayan 3:


5
1.a 1. b Pagsulat ng sari -sariling monologo

2. c 2. D mula sa napiling uri ng damdamin,


6
7
Prepared by:

SUSI SA PAGWAWASTO
SARAH A. DIONGZON
Pag-unawa sa Binasa ( Malayang Sagutan)

1 . Dunong

Ang dunong ang gumawa ng plano upang magkaroon ng paaralan upang tayo ay mapaanyo.

Ang dunong ay hindi nawawala

Salapi

Ang sa lapi ang ginamit uoang magkaroon ng paaralan at aklat.

Nag-aaral at naghahanapbuhay upang magkasalapi dahil ito ay kailangan.

2. Para sa akin dunong ang maganda. Dahil kahit ikaw ay may salapi kung wala ka naman dunong hindi mo magagamit ng maayos ito.
Ang dunong ay hindi makukuha sa akin at daan din upang makamit ang salapi na kung gusto ko

3. Kung ako ang isa sa makata sa balagtasan ang ipupukol ko sa aking kalaban kung paano siya nagkakaroon ng salapi?

Ano-ano ang silbi ng iyong salapi kung walaang serbisyo ng produkto ng may talino?

Ano talaga ang nakapagpapasaya sayo at mahalaga?

Pagtukoy sa Opinyon o Katuwiran na Pahayag

1. Katuwiran

2. Opinyon

3. Opinyon

4. Katuwiran

5. Opinyon

Pagbibigay ng Opinyon at Katuwiran

1. Opinyon: Para sa akin higit na mahalaga ang dunong dahil ito ay likas na puhunan ng mga mangagagawa.

Katuwiaran: Mahalaga ang dunong dahil walang doktor at iba pang propesyon kung wala ito.

2. Opinyon: Kung ako ang tatanungin mahalaga ang salapi dahil hindi naman magiging dokto o iba pang propesyon kung walang salapi
na ginamit.

Katuwiran: May mga doktor sa ngayon na nanggagamot upang kumita ng salapi. Kaya ang ibang tao na may sakit ay hindi
nakakapagpatingin sa doktor dahil walang salapi pambayad sa doktor.

3. Oipinyon: Para sa akin hindi masama ang tumulong pag bukal sa puso’t- isipan.

Katuwiran: Tunay na mahalaga ang salapi dahil sa panhon ngayon halos bawat kilos ay may kaagapay na gastusin

You might also like