You are on page 1of 3

T911 Tutorial Center Filipino 8 Reviewer

Pangalan: Marka:

I. Multipol Tsoys: Basahin ng mabuti ang bawat katanungan. Piliin lamang ang titik ng tamang sagot.
1. Sinong makata ang nagsabi ng ganitong kaisipan “ tayo mismo ang humuhulma sa ating daigdig” kaninong
pahayag ito?
a. Francisco Balagtas c. Jose Dela Cruz
b. Winston Churchill d. Juan Miguel
2. Kailan ipinanganak si Francisco Balagtas?
a. Abril 2, 1786 c. Abril 2, 1788
b. Abril 2, 1787 d. Abril 2, 1789
3. Ano ang trabaho/hanapbuhay ng ama ni Francisco Balagtas?
a. Panadero c. Panday
b. Carpentiro d. Manunulat
4. Ano ang layunin ni Francisco Balagtas kung bakit pumunta siya sa Maynila ?
a. Makapagtrabaho c. Makapag-aral
b. Makahanap ng magiging kabiyak d. Makadalaw
5. Anu ang kursong nakuha at natapos ni Francisco Balagtas?
a. Guro c. Geograpiya at Teolohiya
b. Teolohiya at Pilosopiya d. Abogasya
6. Sinong pari ang naging guro ni Francisco Balagtas ?
a. Padre Gomez c. Padre Pilapil
b. Padre Zamora d. Padre Burgos
7. Ano ang bansag kay Jose dela Cruz, Siya ay kilala sa tawag na _________?
a. MAR c. Huseng sisiw
b. FB d. Dakilang manunulat
8. Kanino una namagneto si Francicsco Balagtas, dahil sa kanya nagbigay ito ng ibayong inspirasyon para makasulat
ng mga tula.
a. Maria Asuncion Rivera c. Juana dela Cruz
b. Juana Tiambeng d. Wala sa nabanggit
9. Sino ang naging karibal ni Francisco Balagtas sa panunuyo kay Maria Asuncion Rivera?
a. Mariano Pilapil c. Florante
b. Mariano Kapuli d. Victor Figueroa
10. Sino ang naging asawa o kabiyak ni Francisco Balagtas?
a. Juan Tiambeng c. Juana dela Cruz
b. Maria Asuncion Rivera d. Juana Tiambeng

Erwin A. Meonada, LPT


T911 Tutorial Center Filipino 8 Reviewer

II. Talasalitaan: Paghambingin ang kahulugan ng salita sa Hanay A sa Hanay B. Isulat lamang ang titik sa bawat patlaang.
Hanay A Hanay B
______11. Pinaratangan a. Nakatulog
______12. Bukal b. Nagtrabaho
______13. Maidlip c. Tapat
______14. Namasukan d. Marangal
______15. Kapos e. Pinagbintangan
______16. Mariwasa f. Nakakatakot
______17. Nakakasindak g. Kulang
______18. Nagsisiyasat h. Pinaghahanap
______19. Pinag-uusig i. Nag-iimbestiga
______20. Dakong j. Banda
______21. Naglaon k. Kaawa-awa
______22. Mapagkandiling l. Mapag-alaga
______23. Ibubulalas m. Makakagamot
______24. Ipinagkanulo n. Nagtagal
______25. Makalulunas o. Pinagtaksilan
p. Sasabihin

III. Tama o Mali: Isulat sa patlang/ sagutang papel ang Tama kung tama ang pahayag at ang Mali kung hindi ito tumpak.
26. Naaalala ni Florante ang pagluha ni Laura kapag ang binata’y nalulungkot.
27. Naiisip ni Florante na baka si Laura ay nakahilig na ngayon sa kandungan ni Adolfo.
28. Napatunayan ni Florante na tunay ngang tinalikuran na siya ni Laura at ang dalaga at si Adolfo na
ngayon ang magkasintahan.
29. Maging ang kalasag ni Florante ay ni hindi hinayaan ni Laura na magkaroon ng kalawang sa takot na
marumhan ang kanyang kasuotan.
30. Ang ipinagpapalagay ni Florante na pinakamatinding nagawa ni Adolfo sa kanya ay ang pag- agaw niya
kay Laura.
31. Naging mahigpit na karibal ni Kiko ang mayamang si Nanong Kapule.
32. Kahit mayaman ang karibal ay hindi umurong si Kiko sa laban para kay Selya.
33. Sinasabing si Jose Rizal ang unang nagdala ng kopya ng Florante at Laura habang siya ay naglalakbay
sa Europa.
34. Binubuo ang wawaluhing pantig ang awit na Florante at Laura.
35. Naging inspirasyon ni Kiko ang makatang si Huseng Sisiw sa paggawa ng tulang Florant at Laura.

Erwin A. Meonada, LPT


T911 Tutorial Center Filipino 8 Reviewer

IV. Identipikasyon: Isulat sa patlang ang tinutukoy sa bawat bilang.

Haring Linceo Mariano Kapule Laura


Konde Adolfo Maria Asuncion Rivera Florante
Duke Briseo Aladin Flerida
Sultan Ali- Adab Emir Menandro

_______________ 36. Siya ang tauhang kinatatakutan ng kanyang nasasakupan dahil sa kanyang kalupitan maging sa sarili
niyang anak.
_______________ 37. Siyang ang tauhang nagpakita ng lakas at tapang sa kabila ng pagiging isang babae.
_______________ 38. Siya’y nagging mabuting heneral ng hukbo ng Albanya at nagpabagsak sa 17 na kaharian bago siya
nalinlang ni Adolfo at naipatapon sa gubat.
_______________ 39. Siya’y magandang dalagang hinangaan at hinangad ng maraming kalalakihan tulad nina Adolfo at Emir.
_______________ 40. Siya ang anak ni Sultan Ali- Adab ng Persya. Naging kaagaw ang kanyang ama sa larangan ng pag-
ibig.
_______________ 41. Sa babaeng ito inialay ni Kiko ang kanyang tulang Florante at Laura.
_______________ 42. Naging mahigpit na kaagaw ni Francisco sa kanyang babaeng iniibig.
_______________ 43. Siya ang butihing ama ni Florante. Kaibigan at tagapayo ni Haring Linceo.
_______________ 44. Kaaway na mortal ni Florante. Ang kanyang inggit at panibugho kay Florante ang nagtulak sa kanya
upang patayin ang hari at ipatapon sa malayo si Florante.
_______________ 45. Ama ni Laura at hari ng Albanya. Makatarungan at mabuting hari.

V. True ba?: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Isulat sa patlang kung ito’y katotohanan o opinyon.

_______________ 46. Si Florante ay nanaghoy dahil sa masaklap na kamatayan ng kanyang ama.


_______________ 47. Ang lahat ng taong namamatayan ng ama ay nanaghoy katulad ng ginawa ni Florante.
_______________ 48. Halos magputok ang dibdib ni Aladin sa habag sa narinig na karanasan ni Florante.
_______________49. Ang sinumang makaririnig sa karanasang tulad ng kay Florante ay magpuputok din ang dibdib sa awa.
_______________ 50. Ang ama ni Aladin ay kabaliktaran ng mabuti, maalaga at mapagmahal na ama ni Florante.

VI. Ibigay ang mga simbolo ng mga sumusunod na alegorya

51. Mapanglaw na gubat -_______________________________


52.Punong Higera -____________________________________
53. Pebong Silang -____________________________________
54. Syerpe’t basilisko- _________________________________
55. Florante - ________________________________________

Erwin A. Meonada, LPT

You might also like