You are on page 1of 9

‘;

Pamantasan ng Lungsod ng
Marikina
Pantas ng Sining sa
Filipinolohiya

Pagsusuri sa
Pelikulang
Anak Dalita
Indibidwal na gawain 2 sa
Kursong
Mga Sining sa Bansa na
ipinasa kay
Dr. Erico M. Habijan
Pagsusuri ni:
Shaira Ann R. Columna
29 Setyembre 2023

Ang pelikula o kilala rin bilang sine at pinilakang tabing ay isang larangan na

sinasakop ang mga gumagalaw na larawan. Nililikha sa pamamagitan ng pagrekord ng

totoong tao at bagay. Itinuturing na anyo ng sining o bilang bahagi ng industriya ng

libangan at negosyo,

Ang Pelikulang Pilipino ang isa sa pinakapopular na sining sa Pilipinas. Gaya ng iba

pang dayuhang uri ng sining, ang pelikula nang natanim sa Pilipinas ay may halong

impluwensya ng dayuhan ngunit nang maglaon ay nahaluan ng Pilipino at Asyanong

impluwensya. Simula ng paglaya sa mga Kastila, lumaki at lumawak ang mga manunuod

ng pelikula sa Pilipinas, dahil na rin sa pagdami ng mga artista at mga kwentong

sumasalamin sa kultura, problema, at mga pangarap ng Pilipino.

Noong 1950 umunlad at mas naging malikhain ang mga pelikula. Ginawang

monopolyo ang industriya ng pelikula na pumigil sa pagbuo ng Indie Film. Isa na sa

pelikulang nalikha sa panahong ito ang “Anak Dalita”, ang unang pelikula o mainstream

film na binuo ng LVN pictures.

Ang pelikulang “Anak Dalita (1956)” ay idinirihe ng Pambansang Alagad ng Sining

para sa Teatro at Pelikula na si Lamberto Avellana. Si Lamberto V. Avellana ay

ipinanganak sa Bontoc sa Mountain Province noong 12 Pebrero 1915. Nag-aral siya sa

Ateneo de Manila, kung saan natutunan niya ang kanyang hilig at talento sa sining ng

teatro. Naging guro siya sa Ateneo, at naghangad na isulong ang teatro ng Pilipino.

Nakilala niya si Daisy Hontiveros na gumanap sa mga dulang itinanghal ng Unibersidad ng


Pilipinas. Si Hontiveros at Avellana ay bumuo ng isang theater arts group na tinawag na

Barangay Theater Guild, na may mga miyembro tulad ni Leon Ma. Guerrero III at Raul

Manglapus. Nang mapanood ang isa sa mga produksyon ng teatro ni Avellana,

iminungkahi ni Pangulong Carlos P. Garcia

na tingnan niya ang paggawa ng pelikula. Dito na nagsimula ang paglikha ni Avellana ng

iba’ t ibang pelikula. Inilapat niya ang kanyang husay at galing sa teatro sa paglikha ng

pelikula, isa na sa kanyang nalikha ang Anak Dalita. Bilang isang napakahusay na

filmmaker, pinatunayan ni Avellana na siya ay isang innovator. Gumawa siya ng istilo kung

saan ginamit niya ang camera upang bigyang-diin ang punto-de-vista ng bawat karakter

sa pelikulang kanyang nililikha.

Ang pelikulang Anak Dalita ay hinggil sa paghihirap at pagsisikap ng isang beterano

ng digmaan sa Korea sa loob ng pamayanang umusbong sa guho ng Intramuros.

Nasangkot siya sa trabahong ilegal at sa pag-ibig ng isang mang-aaliw sa night-club.

Ginampanan nina Tony Santos Sr. at Rosa Rosal ang mga pangunahing tauhan ng

kuwento. Ginawaran ang pelikula ng Gantimpalang Gintong Ani para sa pinaka-mahusay

na pelikula ng 1956 Asian Film Festival at naglunsad sa katanyagan ng pelikulang Pilipino

sa mga internasyonal na timpalak at festival.

Kinikilála ng mga iskolar ang Anák Dálitâ bílang mahalagang pelikula ng Unang

Gintong Panahon ng Sineng Filipino. Neo-Realismo ang estilo ng pelikula at naitampok na

tagpuan ang sinematikong arkitektura ng mga pook ng karukhaan. Naihahambing ng mga

iskolar ang ganitong padron sa ibang mahahalagang direktor sa Pilipinas ng mga

sumunod pang mga dekada, gaya ni Lino Brocka ng mga dekadang 1970 hanggang 1980

at ni Brillante Mendoza sa kasalukuyan. (GCA).


Sa pagsusuri ng pelikulang Anak Dalita makikitaan ito ng ilang mga mensaheng

nais iparating sa atin bilang manonood. Una, mula sa pag-aalinlangan ni Vic na sumubok

sa mga bagay-bagay dahil sa pinsalang natamo ng kanyang braso sa digmaan na naging

dahilan

ng pag-aalinlangan at kawalan ng tiwala sa kanyang sarili. Ipinaparating sa mga

manonood na sarili natin ang unang dapat nagtitiwala sa ating kakayahan at kahusayan

na kaya natin at hindi dapat maging hadlang ang anumang suliranin na nararanasan.

Dapat ay naniniwala tayong makakamit at magagawa natin ang mga bagay-bagay ng

walang pag-aalinlangan. Madaming maiiba kung tayo ay nagtitiwala sa sariling kakayahan

at muling susubok sa kabila ng anumang hadlang. Kung minsan, nasa atin na ang talento,

abilidad, at pagbubukas ng iba’t ibang opurtunidad pero hindi pa rin natin magawa ang

mga bagay-bagay dahil sa takot, pag-aalinlangan, at kulang sa pagtitiwala sa sarili.

Natatakot tayong sumubok ng isang bagay dahil hindi natin alam kung kaya ba natin itong

gawin o kung tayo ay magtatagumpay o masasawi. Nangangailangan lamang na maging

matapang, matibay, at magkaroon ng lakas ang loob dahil ito lamang ang susi sa lahat ng

pagtatagumpay.

Pangalawa, napakahalagang may pananalig at paniniwala sa ating Diyos. Lahat ng

bagay kung isinusurrender o ibibigay natin sa Panginoon ang lahat ng pasakit at problema

ito’ y gagaan. Ika nga, walang problemang hindi ibibigay ang ating Diyos kung hindi natin

kaya ito. Tulad na lamang ng pagkamatay ng ina ni Vic, ang pagiging maralitan niya at

ang kapansanan ng kanyang braso lahat ng ito’y nagpatong-patong na suliranin sa

kanyang buhay kaya’t mababanaag sa bida ang kawalan niya ng tiwala sa sarili at buhay

na ito’y kanyang malalagpasan. Kung tayo ay may pananampalataya sa buhay lahat ng

suliraning nararanasan ay magiging maagan gaano man ito kabigat. Ito ang magbibigay
ng kalinawan sa ating puso’t isipan, sa pamamagitan nito nakakapag-isip tayo ng maayos

at nabibigyang solusyon o paraan ang mga suliraning nararanasan. Naniniwala akong ang

pananalig at pananampalataya sa Diyos ay magbibigay sa iyo ng lakas na magpatuloy at

lumaban sa buhay.

Pangatlo, may isang taong gagamitin ang Panginoon sa ating buhay na siyang

magpaparamdam at magpapamulat sa atin na tayo ay mabuting tao at tutulungan tayo na

magtiwala sa ating sariling kakayahan o talento upang umunlad tayo. Tulad ni Father Fidel

na tinulungan si Vic na maniwala muli sa kanyang kakayahan bagama’t nag aalinlangan si

Vic na muling bumalik sa pag-ukit ay ipinaramdam ng pari na kaya ni Vic basta’t magtiwala

lamang sa sarili.

Panghuli, laging tandaan anumang kilos o gawa natin ay maaaring makaapekto sa

mga nakapaligid sa atin. Makikita sa pelikula dahil sa pakikisangkot ni Vic sa maling

gawain ay nagbunga ito ng gulo at naglagay sa kapahamakan sa mga taong nasa paligid

niya at naging dahilan sa pagkamatay ng batang si Ipe. Itinuturo sa atin ng pelikula na

laging pakakaisipin ng paulit-ulit ang lahat ng desisyong gagawin natin sa ating buhay.

Laging isipin kung magdudulot ba ito ng masamang epekto sa sarili lalong lalo na sa mga

taong nakapaligid sa atin. Sa ganitong paraan maiiwasan ang pagkakaroon ng suliranin o

problema sa sarili o sa kapwa. Ika nga nasa huli ang pagsisisi. Anumang naging bunga o

epekto ng ginawang kilos ay hindi na mababawi kailanman.

Ang Layunin ng Direktor ay ipakita ang makatotohanang paglalarawan ng mga

Pilipinong naghihirap na humarap sa resulta ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Angkop

na angkop ang setting o lugar na pinagganapan ng pelikula. Naipakita nito ang resulta ng
Ikalawang Digmaan Pandaigdig. Dahil sa epekto nang naganap na digmaan ang

mamamayan nito ay nakaranas ng kahirapan. Kung saan ang pera ang naging tanging

bayani na makapagliligtas sa kanila mula sa mas malalim na pagkakalubog sa hukay ng

kahirapan. Ang pagiging maralita rin ang nagsasanhi para makagawa ng maling bagay

tulad ni Sita na isang prositute, pumasok siya sa ganitong uri ng trabaho dahil ito lamang

ang

tanging paraan niya upang may ipangtustos sa pangangailangan nila ng kanyang kapatid

na si Ipe. Gayundin si Vic, ang pakikisangkot niya sa illegal na gawain dahil sa pag-iisip na

iyon na lamang ang tanging paraan upang makaahon sila sa kahirapan ni Sita.

Ipinakita rin ng direktor kung paano nag-uugnayan ang mataas at mababang uri ng

tao sa lipunan na kayang manipulahin ng mataas na tao ang mababa dahil sa alam nilang

nangangailangan ang hindi nila kaantas sa buhay. Masasaksihan ang pangyayaring ito sa

pelikula tulad ng pagmamanipula ni Kardo kay Vic, naudyukan nitong sumang-ayon sa

planong masama dahil sa makukuha nitong benepisyo kung makikipagtulungan ito kay

Kardo. Bilang karagdagan, mapapansin din ang pagkakaiba ng dalawa sa pelikula sa

pamamagitan ng kanilang kasuotan, kagamitan, at paligid na ginagalawan ng bawat

karakter na kahit sa realidad o totoong buhay ay ganun ang pamamaraan ng pamumuhay

na makikita sa mataas at mababang uri ng tao.

Kahirapan ang nangingibabaw at nagsasanhi sa lahat ng mga pangyayari mula sa

pelikulang Anak Dalita. Sa kasalukuyang kalagayan ng ating bansa, isa pa rin ito sa

pinakamabigat na suliraning nararanasan at siyang pumipigil sa pag-unlad ng ating bansa.

Maituturing itong sakit na mistulang nakakahawa, naipapasa, at mabilis na kumakalat o

lumalaganap sa lipunan. Maraming dahilan kung bakit maraming mahirap sa ating bansa,
una ang walang kamatayang korapsyon, mga pulitikong gahaman sa kapangyarihan at

ginagamit ang kaban ng bayan para sa pansariling interest.

Ikalawa, marami ang hindi nabibigyan ng pagkakataong magkatrabaho dahil na

rin sa hindi nakatapos ng pag-aaral o maaaring walang opurtunidad na pumapasok

sa buhay nila kahit na gustuhin nilang makaahon at may pagkakataong pang

pinagkakaitan

ng pag-asa na sila ay maaaring umunlad dahil pinapapamukha na sila’y hindi karapat-

dapat dahil sa estado nila sa buhay.

Ikatlo, maraming nagsasabi na kaya sila mahirap ay dahil mahirap ang pinagmulan

nilang pamilya ngunit kung iisipin kung ikaw mismo ay gustong makaalis sa lusak ng

kahirapan ay ikaw mismo ay magsisikap na makaalis at maputol ang sumpang pagiging

mahirap ng inyong pamilya.

Panghuli, karamihan din sa mahihirap ay walang ambisyon sa buhay at kuntento na

sa kung ano ang mayroon sila. Kabilang na rin dito ang mga tamad na tao, sapat nang

gumising sa araw-araw kahit kumakalam ang kanilang sikmura. Ito ang mga dahilan kung

bakit nananatiling nasa laylayan ang karamihan sa mga Pilipino.

Kung iisipin ang pag-unlad ng bawat indibidwal ay nakasalalay sa ating mga sarili.

Ang pagiging mahirap ay hindi dapat isisi sa gobyerno o kahit na sino pa man. Lahat ng

nangyayari sa ating buhay, tayo ang may dahilan at kagagawan. Tayo ang driver ng ating

buhay dahil tayo ang namimili at nagpapasya kung saang landas tayo pupunta. Kaya’t

bilang indibidwal ay mangarap ng mataas para sa sarili at huwag makuntento sa pagiging


mahirap. Sa pamamagitan ng pagsusumikap, sipag at tiyaga, samahan na rin ng

pananalig at pagtitiwala sa Diyos, naniniwala akong magbubunga at aanihin rin natin lahat

ng itinanim natin pagdating ng araw.

Mga Sangguian:

https://www.studocu.com/ph/document/polytechnic-university-of-the-philippines/

pahambing-na-pag-aaral-sa-mga-pangunahing-wika-sa-pilipinas/pelikula-ng-pilipino/

12135806

https://philippineculturaleducation.com.ph/anak-dalita/

https://cinesaysay.wordpress.com/2020/10/19/klasik-muna-tayo-classical-hollywood-style-

pinoy-edition/

http://www.philippinestamps.net/RP2015-Avellana.htm
Pagsusuri ni:
Shaira Ann R. Columna

29 Setyembre 2023

You might also like