You are on page 1of 9

Kabanata II

Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura


Sa pagbubuo ng pag-aaral na ito na pinamagatang “Pananaw ng mga
Kabataan sa Epekto ng Independent Films sa Industriya ng Pelikulang
Filipino”, ang mga mananaliksik ay naglalayon na mabigyan ng kasagutan
ang mga inilahad na suliranin na nasa naunang pahina.
Sa panahon ngayon, nakikita ng ilan ang mga impluwensiya ng mga
indie films at ang kahalagahan nito sa patuloy na pagsulong ng
industriya. May ilang nasisiyahan na manonood kapag napapanood nila
ang mga pelikulang gawa ng Filipino at ito ay tinatangkilik nang hindi
napapansin na gawa ito ng maliliit na produksyon.
Ang pelikula ay isang obrang pansining na kakikitaan ng galing,
tradisyon, kultura, kaugalian, saloobin, at pagpapahalaga ng tao o
bansang pinagmulan nito. Ito ay salamin ng bayan dahil mayroong
responsibilidad sa dimensyong sosyal. Ito ay isang uri ng media na may
malaking epekto sa pag-iisip at pag-uugali ng mga manonood. Iba-iba
ang pinapaksa ng pelikula. Ang pagsasagawa ng pelikula ay
nangangailangan ng mahabang proseso. Maraming salik o elemento ang
isinaalang-alang. Dapat maayos na ipinapahatid ng direktor ang mensahe
ng pelikula sa mga manonood. Kinakailangan ring mabigyang lalim at
bisa ang pagsasabuhay ng mga karakter at makatarungan ang pagganap ng
mga actor at mga aktres. Bigyan rin ng importansya ang
sinematograpiya. Kabilang na dito ang anggulo ng kamera, ang bawat
galaw, ang layo o lapit na nais marating, liwanag at dilim sa pag-
iilaw, mga hugis, anino at kulay dahil ito ay nakaka-ambag upang
makagawa ng masining na pelikula.
      Ang mga kaugnay na literatura at pag-aaral mula sa lokal at
banyaga na nakalap ng mga mananaliksik hinggil sa paksa ay ang mga
sumusunod:
Sa isang magasin na inilathala ni Mary Rose Magcamit (2013)
nakasulat dito na ang isang katangian ng panitikan ay kaya nitong
makisabay sa daloy ng panahon. Sa tulong ng mga alagad ng sining at
manunulat, ang mga kuwentong unang narinig at nabasa ay maaari nang
masilayan sa mas mataas at makulay na antas ng sining—ang pelikula.
Ang pelikula ay isang modernong anyo ng panitikan. Malaki ang
naitutulong ng teknolohiya nito upang mabigyan ng panibagong kulay at
buhay ang mga natatanging akda.

Ayon kay Kho ([online], 2009), ang pelikulang Pilipino ay may mahigit
isang daang taon na ang kasaysayan. Sa paniniyak, ang industriya ng
pelikulang Pilipino ay nagsimula noong 1897. Ang pelikula pa noong araw ay
hinahalaw sa mga paniniwala at pang-araw-araw na pamumuhay at
paniniwala ng mga Pilipino. Bilang pagpapatunay dito ay ang pagpapalabas
ng pinaka-unang may tunog na pelikulang “Ang Aswang.”

Ang ebolusyon ng pelikulang Pilipino ay nahahati sa anim na yugto;


ang bago magdigmaan, panahon ng digmaan, dekada 50’, dekada 60’, dekada
80’, dekda 90’ at ang kasalukuyang panahon. Bawat yugto ng ebolusyon ng
industriya ng pelikulang Pilipino ay may kinalaman sa panahon. Ayon sa mga
eksperto sa industriya, sinasabing ang dekada 50’ ang pinakaunang
ginintuang panahon ng pelikulang Pilipino kung saan umabot ng tatlong daan
at limampu (350) ang pelikulang naipalabas sa mga sinehan sa Pilipinas.

Ayon sa SD Publications ([online], 2013), ang indie film ay tumutukoy


sa bagong kalayaan ng paggawa ng pelikula. Ang salitang “indie” ay nagmula
sa pinaikling salita na ”independent” na ang ibig sabihin ay malaya. Ito ay
unang ginamit sa Estados Unidos bilang pantapat sa Hollywood.

Ayon naman kay Chan ([online], 2013), ang mga indie films ay naging
isang kilalang klase ng pelikula sa Pilipinas. Ang mga pelikulang ito ay gawa
ng mga tunay na direktor at filmmakers, pero walang kompanyang nag-
aasikaso ng mga produksyon nila. Ang proseso ng paglikha ng mga indie
films ay mura at hindi magastos, hindi tulad ng mga pelikulang gawa ng mga
major film studios

Ayon din kay Kho ([online], 2009), ang mga indie films ay gawa sa
imahinasyon ng mga manunulat kung saan ang limitasyon ay ang kanilang
imahinasyon. Dahil dito, nagkakaroon ng lamang ang mga ginagawang indie
films kung ikukumpara sa mga gawa ng mga production companies na
limitado lamang ang tema. Dahil nga sa walang limitasyon sa kung saan ang
pwede nilang isapelikula, madami sa mga indie films ay namumulat sa
kamalayan ng mga Pilipino at sa mga simpleng bagay lamang na kapupulutan
natin ng aral. Maliban pa sa nabanggit, mas pinagtutuunan din ng mga indie
films ang mga isyu sa lipunan sa mas alternatibo at simpleng paraan.

Ayon muli kay Chan ([online], 2013), sa Pilipinas, may isang


organisasyong nagsusulong sa mga indie films – ang Cinemalaya. Maaaring
ipakahulugan ang pangalang ito bilang dalawang salitang pinagsama. Ang
“cinema” na tumutukoy sa pelikula at ang “malaya” naman dahil independent
ang mga produksyong isinusulong nila at hindi limitado sa mga pamantayan
ng mga major film studios.
Kaugnay ng pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas ay ang
pagpapakilala nila ngpaggawa ng pelikula at malaki ang impluwensiya ng
Hollywood sa paglikha ng mga ito. (Garcia & Masigan 2001). Nagsimula ang
pag-unlad ng industriya noong 1930s at sa mga sumunod na dekada ngunit
pagdating ng mga 1990s ay unti-unti itong bumagsak at ayon kay Valera
(2015), ang dahilan ng pagbagsak ng industriya ng pelikula sa Pilipinas ay
ang pagkakalantad ng mga Pilipino sa mga pelikulang banyaga kung saan
mas nahirapang makipagkumpetensiya ang mga Pilipinong manlilikha sa mga
banyaga na mas mataas ang antas ng mga kagamitan at teknolohiya
pagdating sa paggawa ng mga pelikula.

Bagaman, umusbong ang iba‘t ibang istudyo na pagmamay-ari ng mga


Pilipino at paggawa ng mga pelikulang nakahilig sa kultura at interes ng
Pilipinas, hindi pa rin maikakaila ang tinatawag na ‘Hollywood fever‘ ng
bansa na nagpapalawig ng malalim na koneksyon ng bansa sa mananakop
nito at kagustuhan ng mga Pilipino na pumunta sa Kanluran para sa
‘American dream‘ (Valerio, n.d.).

Maiiuugnay dito ang tinalakay ni Guerrero (1970) na ang mga suliraning


hatid ng lipunang mala-kolonyal at malapyudal. Ilan sa mga halimbawang
nabanggit ay ang paggamit sa mga programa sa palitan ng tauhan sa iba't
ibang sektor at ang mga pondong ibinibigay para magbiyahe, mag-aral, at
manaliksik upang dakilain ang "buhay Amerikano" at palaganapin ang mga
ideyang anti-nasyonal at antidemokratiko sapagkat nadidiktahan ng mga
kanluraning bansa, partikular ng European Union, ang lokal na masmidya at
naiimpluwensyahan ang kaisipang pampulitika ng napakaraming tao kung
saan sistematikong ginagamit ang mga babasahin, radyo at mga libangang
odyo-biswal, tulad ng mga pelikulang galing sa Hollywood at mga pelikulang
ipinapalabas sa telebisyon, para sirain ang makabayan at progresibong diwa
ng mamamayan (Guerrero, 1970).

Ayon sa pag-aaral nina Dooma et al. (2009), marami na rin ang


naging pagbabago sa pelikulang Pilipino at hindi na rin lahat ay kapupulutan
ng aral. Dahil 40 porsyento ng populasyon ay mula sa kabataan, itinutuon ang
paggawa ng mga pelikula ayon sa kanilang hilig o kung ano ang patok para
sa kanila. Kabilang dito ay ang horror, komedya, drama, at ang pinakapatok
na romansa. Mahihinuna rin sa mga nakapanayam na nagnanais din ang mga
kabataan na makapanood ng iba sa nakasanayan na.
Maraming kahinaan at pagsubok ang kinakaharap ng
pampelikulang industriya ng Pilipinas sa ngayon at ilan dito ay ang
limitadong suporta ng gobyerno, mataas na gastos ng produksyon,
pamimirata, at kakulangan sa budget at teknolohiya (Valera, 2015). Kaugnay
sa pahayag ni Jara (w.t.) na ang mga pelikulang madalas makita o mapanood
ay ang mga pelikula ng Viva Films, Star Cinema, at mga iba‘t ibang pelikulang
nagmula sa ibang bansa lalo na sa Hollywood. Ang mga pelikulang ito, gawa
man sa loob o labas ng bansa ay mga halimbawa ng pelikulang komersyal o
mainstream cinema. Ito ang mga pelikulang pinagkakagastusan ng malaking
halaga mula sa malaking budget, sikat na mga artista, at pamamahala ng
malalaking kumpanya upang magkaroon din ng mas malaking kita. Ang
marketing ay isa lamang sa mga pinakamalaking kadahilanan na
isinasaalang-alang sa larangan ng mga pelikulang ito sapagkat ito ang
kanilang paraan sa pakikipag-usap sa pangkalahatang publiko at kumita.

Kaugnay dito na sinasamantala ng karamihan sa nagnenegosyo na may


kinalaman sa mga pelikula ang paggamit ng social media sa kadahilanang
malaking tipid ito sa pagbibugay promosyon sa kanilang mga pelikula
(Leimkuehler, 2013).

Ngunit nilinaw ni Intalan, pangulo ng The IdeaFirst Company, isang


kumpanya na nakatuon sa paglikha ng mga pelikulang nakatuon sa
nilalaman, na maraming pelikula ang naisasagawa bawat taon. Dagdag pa
nito na kakulangan ng lugar ang problema kung saan ito maipapalabas. Ito ay
dahil halos mga dayuhang pelikula ang karaniwang ipinapalabas sa mga
sinehan. Bukod pa rito, may ilang makapangyarihan ang pumipigil sa
komersyal na pag-screen ng mga ilang gawa (Manila Standard Showbiz,
2018).

Oras naman ang isa sa ipinunto ni Jara (w.t.) dahil sa Third cinema at
ang mga direktor na sina Lino Brocka, Mike de Leon, at Eddie Romero pati na
ang mga screen writers na sina Ricky Lee at Butch Dalisay kung saan
tahasang binatikos ang imperyalismo, kapitalismo at iba pang mga isyung
hindi pinag-uusapan sa komerysal na pelikula, ngunit dahil sa patuloy na
pagdami ng problema at paglala ng kahirapan, ang mga tao na pagod at
abala sa trabaho o pag-aaral ay nawalan ng panahon sa panunuod ng
pelikula. Sa kagustuhang takasan ang mapanuyang katotohanan sa ating
lipunan, mas pinipili o kinokonsumo nalang ng madla ang mga pelikulang
komersyal na nagbibigay na lamang ng aliw kaysa sa aral, dahil dito, unti-
unting nawalan ng posisyon ang sosyo-politikal na mga pelikula sa
mainstream cinema. Ang mga kumpanyang nakapokus sa pagkakaroon ng
kita ay mas naglabas ng panahon at puhunan sa mga pelikulang pipiliin ng
publiko kung kaya't napilitan ang mga manunulat at direktor na lumipat sa
indie films (Jara, w.t).

Ayon kay Diokno (2013), ang dahilan sa likod ng impresyon na hindi


maganda ang mga pelikulang Pilipino ay ekonomikal. Noong 1990, ipinasa
ang 30% na amusement tax na nagbunga ng paghirap ng paggawa ng
pelikula at pagkawala ng lakas ng loob ng mga tao na makipagsapalaran sa
industriyang ito. Masasalamin ito sa pagbaba ng mga nagawang pelikula sa
bilang na 73 noong taong 2000 mula sa 165 kada taon noong 1970's, at mula
sa mababang bilang na ito, hindi pa lahat ay naipalabas sa sinehan. Bilang
paghahambing, ang pamahalaan ng bansang Korea ay may magandang
sistema ng pagsuporta at pagprotekta sa kanilang mga pelikula sa
pamamagitan ng Korean Film Council (KOFIC) na nagpapatupad ng kota sa
mga sinehan kung saan sila ay inaatasan ng takdang bilang ng mga sariling
gawang pelikula na dapat ipalabas sa isang taon. Higit pa rito, ang KOFIC ay
namumuhunan ng USD 8.9 milyon sa mga studyo at manggagawa ng pelikula
upang mapanatili ang kanilang industriya.

Sa kabutihang-palad, noong 2009, ipinasa sa senado ang pagbaba ng


amusement tax na ipinapataw sa mga pelikula mula sa 30% sa kasalukuyang
10%. Bunga nito, kapansin-pansing mas dumami at higit na bumuti ang
kalagayan ng pelikulang Pilipino. Nagsisimula na ring makilala ang mga indie
films o alternative films at may mga panahong tumatagal na rin ito sa
sinehan bagamat hindi kasing tagal ng mainstream na mga pelikula (Diokno,
2013).

Sinusuportahan ang ideyang ito ng seryeng Rear Window, kung saan


sinabing kumpetisyon laban sa Hollywood, mapanirang epekto ng
pamimirata, at panatilihang kahirapan ang dahilan ng paghina ng pelikulang
Pilipino (TeleSUR English, 2017b).
Ayon sa isang pag-aaral ng mga mag-aaral ng kolehiyo ng komersiyo
sa Unibersidad ng Santo Tomas,
“Ang pelikula ay isa sa mga kinikilalang sining kasama ng
pagpipinta, eskultura, musika, drama at arkitektura na nagbibigay ng
yaman sa ating pamumuhay. Sa kasalukuyan, ang pelikula ang may
pinakamalawak na impluwensiya sa publiko dahil sa kakayahan nitong
magpakita ng mga damdamin at sitwasyon na sadyang mauunawaan ng mga
manonood. Tinitingala ito ng publiko na parang salamin ng buhay dahil
dito nila nasasaksihan ang paglalarawan ng kanilang mga pangarap,
hangarin at paniniwala.
Ang bawat sining ay may layuning itaas ang kaalaman ng publiko
tungkol sa kahalagahan ng konsepto ng kalidad. Malaking hamon ito para
sa sining ng pelikula. Upang matamo ang layunin ng kalidad sa isang
produksyon, mahalagang magkaroon ng kolaborasyon ang mga taong
magsisitrabaho sa isang proyekto. Magastos gumawa ng isang pelikula.
Mahalagang mabawi ng isang prodyuser ang mga milyong itataya niya sa
isang proyekto. At dahil sa laki ng salapi na maaaring matalo sa isang
produksyon, maaaring ang mga taga-industriya ay natatakot na ring
sumubok ng mga makabagong ideya.
Marami ang naghahangad makagawa ng isang mahusay na pelikula.
Ngunit bihira ang mga prodyuser na handang simulan ang prosesong ito
sa paggawa ng isang matinong iskrip. Sa sistema ng paggawa ng pelikula
sa kasalukuyan, ang paghahanda ng isang mahusay na iskrip ay madalas
hindi pinagkakaabalahan ng mga prodyuser. Inuuna pa nila ng pagpili ng
magandang playdate kaysa sa pagpili ng isang mahusay na kuwento. Dahil
dito, madalas nagiging biktima ng pagmamadali ang pagsulat ng mga
iskrip. Dagdag sa problema ng mga manunulat ay ang kaalamang tatatlo
lamang ang uri ng kuwentong maaari nilang talakayin: iyong kuwentong
may iyakan, tawanan o bakbakan.”

Ayon sa site na Wikipedia, 


“Ang pelikula, kilala bilang pinilakang tabing, ay isang larangan
na inaangkop ang mga gumagalaw na larawan bilang isang anyo ng sining
o bilang bahagi ng industriya ng libangan. Dahil naging pangunahin
nang tagapamagitan sa pagpapakita ng mga gumagalaw na larawan ang
letratong pelikula sa kasaysayan, kadalasang tinutukoy ang larangang
ito ng akademya bilang pag-aaral ng pelikula. Isa itong anyo ng
sining, at tanyag na anyo ng mga libangan, at pati na rin negosyo.
Nililikha ang pelikula sa pamamagitan ng pagrekord ng "totoong" tao at
bagay (kabilang ang inarte na pantasya at mga peke) sa kamera, at/o sa
pamamagitan ng kartun. Isang katangian ng panitikan ay kaya nitong
makisabay sa daloy ng panahon. Sa tulong ng mga alagad ng sining at
manunulat, ang mga kuwentong unang narinig at nabasa ay maaari nang
masilayan sa mas mataas at makulay na antas ng sining—ang pelikula.
Ang pelikula ay isang modernong anyo ng panitikan. Malaki ang
naitutulong ng teknolohiya nito upang mabigyan ng panibagong kulay at
buhay ang mga natatanging akdang makabayan saan mang sulok nang mundo.
Ang pagsasalin sa pelikula ng mga akdang nakalimbag ay isang
pamamaraan upang makasunod sa pag-unlad ng teknolohiya ang mga
katutubong kuwento, epiko, alamat, talambuhay, at nobela na
sumasalamin sa ating kultura at kasaysayan. Sa katunayan, maraming
kuwentong Indian ang naisasapelikula at nabibigyan ng panibagong anyo
upang makasabay sa popular na kultura na siyang itatalakay ng mga
mananaliksik sa susunod na kabanata.”
Kabanata III
Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik

Sa kabanatang ito ay ipapakita ang mga kalahok sa pananaliksik, mga

instrumetong ginamit at pamamaraan sa pangangalap ng datos.

A. Disenyo ng Pananaliksik

Ang naisagawang pananaliksik ay gumamit ng deskriptibong

metodolohiya ng pananaliksik. Sa maraming uri ng deskriptiong

pananaliksik, napili ng mga mananaliksik na gamitin ang “Descriptive

Survey Research Design”. Ayon kay Galvez (2014), “ang Descriptive

Survey Research Design ay gumagamit ng mga talatanungan (survey

questionnaire) para makalikom ng mga datos”.


Naniniwala ang mga mananaliksik na angkop ang disenyong ito para sa

pasang napili sapagkat mas mapapadali ng pangangalap ng datos mula sa

maraming respondente. Sa pamamagitan nito mas naging madali at mabilis

para sa mga mananaliksik na gawin ang pananaliksik.

B. Respondente

Ang mga respondente sa gagawing pag-aaral na ito ay nanggaling sa

mga piling mag-aaral ng sa mga unibersidad na nasa Cabanatuan City na

binubuo ng pitumpung (70) respondente kung saan tatlumpu (30) dito ay

kukuhanin sa labas ng Wesleyan University – Philippines at apatnapu

(40) naman sa loob ng nasabing unibersidad.

C. Instrumento ng Pananaliksik

Ang instrumentong ginamit sa pananaliksik na ito ay kwestyoner o

talatanungan. Ginamit ang talatanungan upang maging daan sa

pagkukumpara ng mga makakalap na mga datos at impormasyon. Gumamit at

humanap din ang mga mananaliksik ng mga sanggunian upang ito ay

mapatunayan at maidagdag sa kanilang pananaliksik.

D. Tritment ng Datos

Ang istatistikal na tritment na ginamit sa pag-aaral na ito ay

pagkuha ng porsyento o bahagdan upang makuha ang resulta ng pag-aaral

na ito na makikita sa interpretasyon ukol dito.

p = n
f

Kung saan:
p= porsyento
n= bilang ng mga respondante na kukuhanin sa loob o labas ng
unibersidad
f= kalahatang bilang ng mga rrespondant

Sa pagbibigay interpretasyon sa iskalang atityud at mga mungkahi,


ginamit ang mga sumusunod:

Aktwal na Iskala Mean Range Interpretasyon


5 4.21-5.00 Lubusang Sumasang-ayon
4 3.41-4.20 Sumasang-ayon
3 2.61-3.40 Bahagyang Sumasang-ayon
2 1.81-2.60 Di- Sumasang-ayon
1 1.00-1.80 Lubahang Di-sumasang-ayon

You might also like