You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

UNIVERSITY OF NORTHERN PHILIPPINES


College of Architecture
Tamag, Vigan City, Ilocos Sur

Ang Pagkakaiba ng
Independent at Mainstream Films sa mga Mag-
aaral ng Arkitektura

Isang Pananaliksik na Papel na Iniharap kay Gng. Evelyn Amano,


College of Architecture
University of Northern Philippines

Bilang Pagtupad sa Isa sa mga Pangangailangan ng Asignaturang


FIL 102- Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina

Nina:

Micah Kind P. Burgonio


Via Claire A. Padre
Janlord T. Rambuyon
Jonathan Chris B. Saguipel
Romel R. Soliven

June 2, 2022
Republic of the Philippines
UNIVERSITY OF NORTHERN PHILIPPINES
College of Architecture
Tamag, Vigan City, Ilocos Sur

TALAAN NG NILALAMAN

Kabanata I, Ang Suliranin at Kaligiran Nito


Introduksiyon ……………………………………………………………………………
Layunin ng Pag-aaral ……………………………………………………………………
Kahalagahan ng Pag-aaral ..……………………………………………………………..
Saklaw at Limitasyon …………………………………………………….
………………………………………….
Depinisyon ng Terminolohiya …………………………………………………………
Kabanata II, Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura
Indie Films
………………………………………………………………………………………………..
Pambansang Sinema Mula sa Antagonismo at Kolaborasyon ng Indie at Mainstream Cinemas ….
Pambansang Kayamanan ……………………………………………………………………….
Indie Film: Salamin ng Wika at Kultura ………………………………………………………..
INDIE FILMS: Kasarinlan sa Kumbensyunal ………………………………………………….
Kabanata III, Disenyo at Paraan ng Pananaliksik
Disenyo ng Pananaliksik ………………………………………………………………………
Mga Respondente …………………………………………………………………………….
Instrumentong Pananaliksik …………………………………………………………………..
Tritment ng mga Datos ………………………………………………………………………….
Kabanata IV, Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon
Lagom …………………………………………………………………………………………..
Kongklusyon …………………………………………………………………………………….
Rekomendasyon ………………………………………………………………………………
Listahan ng mga Sanggunian ………………………………………………………………………
Republic of the Philippines
UNIVERSITY OF NORTHERN PHILIPPINES
College of Architecture
Tamag, Vigan City, Ilocos Sur

KABANATA I: ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Introduksiyon
Simula pa noong unang panahon hanggang sa modernong henerasyon, nakahiligan na ng mga tao
ang panonood, at pag gawa ng mga pelikula. Dahil dito, kaliwa’t kanan na ang mga nanonood at
gumagawa ng pelikula. Isa sa mga sikat na uri ng pelikula ay ang Indie o Independent film, at ang isa
naman ay ang Mainstream films. Ngunit ano nga ba ang mga ito sa pananaw ng mga mag-aaral ng
arkitektura dito?
Isa ang panonood ng mga pelikula sa paraan ng mga mag-aaral upang makapagpahinga sa dami
ng gawain sa paaralan. Ito ang naging inspirasyon ng pananaliksik na ito. Nakapapaloob sa
pananaliksik ang depinasyon ng Mainstream sa Indie, pinagkaiba nito, ano nga ba ang mas gusto ng
manonood sa dalawa, at ano nga ba ang magandang naidudulot nito sa mga mag-aaral ng arkitektura.
Bunga ng praktikal pananaliksik na ito, ang pagtuklas ng ibat ibang kaalaman at impormasyon
tungkol sa dalawang uri ng pelikula at mabigyang sagot ang mga importanteng katanungang
patungkol sa Independent at Mainstream films.
Layunin ng Pag-aaral

 Naipapaliwanag ang pagkakaiba ng mainstream at independent films.


 Naihahambing ang mainstream at independent films.
 Naipapakita ang kahalagan ng sining sa magkaparehong uri ng films.
 Napapalalim ang kaalaman patungkol sa magkaibang uri ng sining.
Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga sumusunod:

 Sa mga mag-aaral
Ito ay makapagbibigay ng dagdag kaalaman sa mga mag-aaral partikular sa mga mag-aaral ng
arkitektura. Ito ay magsisilbing gabay at inspirasyon upang mapalawak pa ang pananaliksik

 Sa iba pang mga mananaliksik


Ito ay makatutulong sa mga susunod pang mananaliksik na makabuo ng mas makabuluhang
pananaliksik sa nasabing paksa. Mapalawak at makatuklas ng mga bagong kaalaman na
maiaambag sa larangan ng pelikula.

 Sa komunidad
Upang malaman ng mga tao kung ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng Independent
Film at Mainstream Film. Ito ay makapaghihikayat sa kanila na patuloy itong suportahan at
pagmalasakitan.
Republic of the Philippines
UNIVERSITY OF NORTHERN PHILIPPINES
College of Architecture
Tamag, Vigan City, Ilocos Sur

Saklaw at Limitasyon
Nakasentro ang pananaliksik na ito, sa pagkakaiba ng mainstream at independent films. Dito
susuriin kung ano nga ba ang mga pagkakaiba, kalidad ng bawat palabas na nalilika dito sa Pilipinas,
at ano ang naidudulot nito sa mga mag-aaral ng arkitektura. Tatalakayin rin ang mga aspeto na
nagkakaepekto sa kung papaano nagkakaroon ng kaibahan ng magkaibang uri ng films.
Depinisyon ng Terminolohiya
Pelikula: kilala din bilang sine at pinilakang tabing, ay isang larangan na sinasakop ang mga
gumagalaw na larawan bilang isang anyo ng sining o bilang bahagi ng industriya ng libangan. Dahil
naging pangunahing tagapamagitan para sa pagpapakita ng mga gumagalaw na larawan ang letratong
pelikula sa kasaysayan, kadalasang tinutukoy ang larangang ito ng akademya bilang ang pag-aaral ng
pelikula.
Antagonist: ay isang character, grupo ng mga character, institusyon, o konsepto na kumakatawan
pagsalungat laban sa katunggali. Sa ibang salita, isang katunggali ay isang tao o isang grupo ng mga
taong sumasalungat sa isang protagonist.
Protagonist: ang pangunahing karakter sa pelikula.
Film Making: proseso ng pag gawa ng pelikula.
Antithetical: pagiging direkta at malinawanag naoposisyon: direktang kabaligtaran o sumasalungat.
Cost of production: buong gastos sa paglikha ng pelikula.
Freelance: malakayang trabahador o artistang hindi naka kontrata sa kahit na ano mang kumpanya.
Studio: lugar kung saan ang mga eksena sa pelikula ay dito kukunan.
Blockbuster: Isang bagay na kilala o patok at inaabangan sa partikular na pelikula.
Bollywood: ito ang tawag sa Hindi language film batay sa Mumbai, India. Ito ay mas pormal na
tinutukoy bilang Hindi cinema.
Hollywood: pinaka-kilalang industriya ng pelikula sa mundo.
Indie Film : ‘independents’ film ay may mas mababang ‘cost of productions’ o gastos sa pag likha at
nagtatampok sa mga artistang ‘freelancers’ o di nakakontrata sa anumang malalaking kumpanya.
Mainstream movies: ay maaaring tinukoy bilang mga pelikula na malaki ang ginagastos at ginagawa
para kumita ng mas malaking pera.
Valid: kabuluhan o may kabuluhan, katanggap-tanggap.
Ebook: “electronic book” ito ay tumutukoy sa mga aklat na mababasa gamit ang kompyuter o mga
makabagong teknolohiya.
Republic of the Philippines
UNIVERSITY OF NORTHERN PHILIPPINES
College of Architecture
Tamag, Vigan City, Ilocos Sur

KABANATA II: MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

1. Indie Films
Independent Films o Indie Films naman ang tawag sa mga pelikulang gawa sa labas ng mga
production studio. Dahil walang kompanyang magbibigay sa mga pelikulang ito ng pondo, kakaunti
lamang ang budget sa paggawa nito kaya’t walang masyadong nagagamit na props at kakaunti lamang
ang mga prominenteng artista na gumaganap sa mga pelikulang indie. Kasalungat ng pelikulang
mainstream, ang pelikulang indie ay malaya, wala itong sinusunod na limitasyon dahil wala namang
studio na maghihigpit dito. Habang iniiwasan ng mga pelikulang mainstream ang pagbanggit ng mga
kontrobersyal at nakakagambalang mga pangyayari sa lipunan, ang pelikulang indie naman ang
humaharap sa mga ito. Pinapakita ng mga indie film ang bawat aspeto ng buhay, hindi lamang ang mga
bagay-bagay na ikalulugod ng madla. Isinasalamin nito ang katotohanan ng sambayanan. Binibigyang-
diin ang kaisipang ito ng scriptwriter na si Armando ‘Bing’ Lao sa isang interbyu (Garcia F. 93), “Dapat
paksain at ipakita ng mga pelikula, lalo’t higit ng mga indie film–dahil nga hindi nakatali ang mga ito sa
mga dikta at control ng mainstream cinema–ang pangunahing realidad ng Pilipinas bilang isang mahirap
na bansa at lipunan.” (Janine Laddaran, 2013)
2. Pambansang Sinema Mula sa Antagonismo at Kolaborasyon ng Indie at Mainstream Cinemas
Dapat ay antitetikal ang relasyon ng mainstream at indie cinemas. Ang mainstream cinema ay
tampok ang kita, ang indie cinema ay ang sining. Ang mainstream cinema ay lugmok sa kalakaran ng
industriya: pamatay na skedyul ng produksyon at post-produksyon, proverbial na tumatalbog na tseke na
installment na gawa at postdated pa, nakatuon sa “least common denominator” na manonood at kung
gayon ay may interes makapanghatak sa pinanghahawakang pera ng manonood, nakakasindak na
kaibahan ng pay scale para sa artista at regular na staff, pagluto ng kontrobersya para sa promosyon ng
pelikula, at iba pa. (Roland B. Tolentino, 2012)
3. Pambansang Kayamanan
Ang independent films ay tinatawag ring "Malayang Pelikula."Upang ituring na nagsasarili, mas
mababa sa kalahati ng mga pondo ng isang pelikula ay dapat nanggagaling mula sa isang malaking studio.
Ayon sa wikipedia, ang paraan ng isang direktor sa paggawa ay base sa personal na paningin sa buhay
kaya ito kadalasang naiiba sa kanilang nilalaman at estilo. (Juana Policarpio, 2010)

4. Indie Film: Salamin ng Wika at Kultura


Ano ang Indie Film? Tumutukoy ang indie film sa bagong kalayaan sa paggawa ng pelikula. Ang
salitang “indie’’ ay nagmula sa pinaikling salita na ‘‘independent’’ na ibig sabihin ay ”malaya.” Ito ay
unang ginamit sa United States bilang pantapat sa Hollywood.
Ang mga pelikulang napapanood sa mga sinehan ay tinatawag na mga pelikulang komersiyal o
mas kilala sa tawag na ‘‘mainstream.” Ito ay mga pelikulang sumailalim sa malakihang produksiyon tulad
ng Regal Films, Viva Films, Star Cinema, GMA Films, at OctoArts Films. Mga sikat na artista ang
pinipiling bida sa mga pelikulang ipinoprodyus nito sa hangad na kumita nang malaki.
Republic of the Philippines
UNIVERSITY OF NORTHERN PHILIPPINES
College of Architecture
Tamag, Vigan City, Ilocos Sur

Kabaligtaran ito ng indie film na umiikot sa maliit na produksiyon. Makakagawa na ng isang


pelikula ang direktor sa pamamagitan lamang ng iskrip, artista, at digital na kamera. Dahil maliit lamang
ang badyet sa pagprodyus ng indie film, kalimitang mga aktor mula sa teatro o may karanasan sa
pagganap sa teatro ang pinipili ng direktor. Kadalasang mas maikling panahon lamang ang ginugugol
upang makunan ang mga eksena sa isang indie film. Ito ay dahil na rin sa tiyak at maliit na badyet na
inilalaan sa pagbuo nito. (Mary Rose Magcamit, 2013)
5. INDIE FILMS: Kasarinlan sa Kumbensyunal
Sanay na tayong makakita ng mga pelikula ng Viva Films, Star Cinema, o mga sari-saring
pelikulang galing Hollywood. May pagakakapareho ang mga pelikula ni Juday at mga pelikula ni Tom
Cruise—pareho silang mga halimbawa ng pelikulang komersyal o mainstream cinema. Malalaki ang
budget, sikat na artista, at sa ilalim ng pamamahala ng malalaking kompanya ang mga pelikulang
mainstream. Ginagawa ang mga pelikulang mainstream upang kumita, higit pa sa pagpapaunlad ng
sining. Ika nga ni Ricky Gallardo, batikang scriptwriter, “film making is a business…art and expression
only come in [second].”
Ngunit sa kabilang dako, ang mga independent films ang tumatayong alternatibo sa mainstream.
Dahil ginagawa ang mga pelikulang ito ng hindi nasasailalim sa mga production companies tulad ng Viva
Films o Star Cinema, maliit ang pondo para produksyon nito. Ang mismong direktor ang naghahanap ng
maaaring pagkuhaan ng pondo para sa kanyang pelikula. Ngunit maliit man ang nakalap na pondo, hitik
na hitik naman sa maka-sining na paggawa ang mga independent films. Mas malaya ang isang direktor na
bumuo ng isang pelikula na hindi iniisip kung papatok ito sa takilya at kikita ng marami para sa mga
kompanya. Ang independent films ang siyang larangan ng mga eksperimental at makabagong paraan ng
paglilikha ng mga pelikula.
Ayon kay Jon Red, respetadong direktor ng independent films (tulad ng “Utang ni Tatang”),
ginagamit tuwing tinutukoy ang independent films ang alternatibo at experimental. “Alternative, dahil
nagbibigay ito ng option sa audience at sa filmmakers mismo para makanood at makagawa ng ibang klase
o uri ng pelikula; at experimental, dahil ito ang format o medium o venue para mag-explore o maglaro o
gumawa ng ‘cutting edge’ works.”
Maraming uri ng independent films, ngunit ang pinaka-kilala sa mga ito ang independent short
films, tumatagal ng humigit-kumulang ng 30 minuto, at fiction ang kuwento nito; ang independent feature
films, mga pelikula na may humigit-kumulang sa dalawang oras na haba tulad ng pelikulang komersyal;
at ang independent documentary film, na nagpapakita ng mga totoong nangyayari sa loob ng lipunan at
bansa. (Jumie Cruz at PJ Mariano)
Republic of the Philippines
UNIVERSITY OF NORTHERN PHILIPPINES
College of Architecture
Tamag, Vigan City, Ilocos Sur

KABANATA III: DISENYO AT PARAAN NG PANANAIKSIK

Disenyo ng Pananaliksik
Ang pag-aaral na ito ay isang kwalitatibong pananaliksik upang makapagdagdag ng kaalaman
patungkol sa Independent films at Mainstream Films. Matukoy ang pagkakaiba ng dalawang uri ng
pelikula pagdating sa kalidad.

Respondente
Ang mga kalahok na napili para sa sarbey ay ang mga mag-aaral ng College of Architecture,
University of Northern Philippines na may total na tatlompu. Ito ay upang malaman kung ano na nga ba
ang mas kinikilingan na uri ng pelikula.

Instrumento ng Pananaliksik
1. Talatanungan
Nilalaman nito ang mga tanong sa sarbey na gagawin sa mga mag-aaral sa College of
Architecture, University of Northern Philippines. Dito makikita ang iba’t ibang sagot at reaksyon ng
nasabing mga respondente. Pagkatapos nito ay bibilangin na ang mga magkakaparehong sagot. Ang
talatanungan ay malilikha sa pamamagitan ng paggawa ng mga google forms survey na ipapamahagi sa
mga respondente.
2. Internet
Gumamit rin kami ng internet upang makakuha ng mga karagdagang impormasyon na
makatutulong sa aming pananaliksik at sa pagbibigay ng mga talatanungan.

Tritment Ng Mga Datos


Ang pag-aaral na aming isinigawa ay isang simpleng pagtatalakay lamang patungkol sa
pagkakaiba ng Independent at Mainstream na mga pelikula. Gumamit lamang kami ng mga pangunahing
instrumentong pampananaliksik tulad ng sarbey, dokyumentaryo at ebooks na makukuha sa internet.
Kumuha kami ng 30 respondente sa aming sarbey. Katatamtaman lamang ito upang
makakalap ng mga kwalitatibong impormasyon para sa pangkaragdagang kaalaman at upang masabing
valid ang pag-aaral na aming isinagawa.

You might also like