You are on page 1of 4

MALA DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA FILIFINO 3 (DALUMATFIL)

I. LAYUNIN

 Maipaliwanag ang katuturan ng Indie films bilang isang konsepto ng pelikula at kultura.

 Makabuo ng konklusyon na tumutukoy sa pagkakaiba ng Indie films sa ibang International films.

 Makapagbigay ng halimbawa ng Indie films sa ating bansa.

II. PAKSANG ARALIN

Paksa: Pagdalumat sa Pelikulang Filipino (Indie Films)

Sanggunian: Modyul sa dalumat fil diskurso sa araling filipino, isinulat ni Ma. Lourdes R. Quijano, PhD,
pp. 10-15

Kagamitan: Visual aids, Ppt, at Larawan.

Values Integration: Kahalagahan ng Indie films

III. PAMAMARAAN

A. Paghahanda

1. Pagbating panimula

2. Panalangin

3. Pagsasaayos ng silid at pamumulot ng kalat.

4. Pagtatala ng mga batang lumiban sa klase

5. Drill

Ang mga mag-aaral ay kakantahin at sasayawin ng masigla ang kantang " Ako ay may Lobo"

B. Pagganyak

Word Picture

Ang guro ay magpapakita ng mga larawan na may kinalaman sa mga libreng online platform na maaaring
may mapanood na mga libreng panooring ang mga tao.
C. Presentasyon

Ang pag aaralan natin ay pelikulang Filipino

na may ibat ibang genre.

 Pag ibig

 Kababalaghan

 Comedy

 Horror
Ang Independent Film
Maituturing na ang Indie Film ay isa sa sikat na panuorin lalo na ng mga kabataan sa kasalukuyan na
nasa ika-21 na siglo, isang uri ng pelikula na may kakaibang pagtanggap sa lipunan at tiyak na
makapagpapamulat sa reyalidad ng buhay.Dahil sa tema at nilalaman, lumalabas sa mainstream ang
indie films upang makapaghatid ng pelikulang “non-commercial” na may kalidad. Sa taong 2003,
sumikat ang mga pelikula gaya ng Magnifico (Violett Films), Homecoming (Teamwork Productions),
Babae sa Breakwater (Entertainment Workhouse), at Crying Ladies (Unitel Pictures)
Ang Cinemalaya
Mula sa Inquirer.net, ang pag-usbong ng industriya ng Philippine independent films, ang
nakapagpatatag ng Cinemalaya. Isang paligsahang pampelikula ng mga independent film na
naglalayong maipakita ng mga bagong direktor ang kanilang pagkamalikhain sa paggawa ng pelikula.
Ang Cinemalaya ay isang taun-taong paligsahan para mga indie films. Dahil dito, mas mailalantad ang
mga karaniwang tema sa indie film. Madalas homosekswal ang mga bida ng mga ganitong klase ng
pelikula, at ang buong istorya ay umiikot sa mga problema ng isang homosekswal.

Tema ng Independent Films


Ang mga Independent films ay gawa sa imahinasyon ng mga manunulat kung saan ang limitasyon ay
ang kanilang imahinasyon. Dahil sa paraang ito, nabubuo lamang ang mga ginagawang independent
film kung ikukumpara sa mga gawa ng mga production companies na limitado ang tema.

Pagpasok ng Independent Films


Mula nang ilabas ang “Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros” sa sinehan at makakuha ng karangalan
mula sa iba’t ibang pampelikulang paligsahan sa labas ng bansa, naengganyo na ring gumawa ng
pelikula ang iba pang nagnanais na maging lokal na direktor ng pelikula

Halimbawa:

• Ang pagdadalaga ni Maximo Oliveros


-Isang bata siya na homesexual na nagkakagusto sa pulis handling yung pamilya niya kasi nga
masasama silang tao.

• Boses
-mabuting pagkakaibigan ng violin teacher at ng isang batang minamaltrato ng kanyang ama.

• Concerto
- kwento ng pagkakaibigan ng pamilyang Pilipino sa mga hapon nung ikalawang
• Huling pasada
-Ito ay tungkol sa manunulat na gumagawa mg kwento tungkol sa isang taxi driver na nagsisilbi ama
nv isang batang lansangan,habang minamadyakan sa kanyang Ugnayan sa bata. Nanakahanap siya ng
isang bagay na hindi niya inaakala.

D. Paglalahat

1. Ano ang tunay na ngalan ng Indie films?

2. Ano ang maaaring binubuo na tema ng independent films?

3. Ano ang kahalagahan ng independent film sa ating mga Pilipino?

4. Ano ang kahalagahan ng mga halimbawa na mga films ng independent film sa ating bansa?

E. Paglalapat

 Pass the magic box

1. Ang guro ay magpapakita ng dalawang kahon na may lamang mga katanungan,

2. Ipapasa ng mga mag-aaral ang kahon habang tumutugtogang kantang "Girl in the mirror"

3. Kapag huminto ang tugtog, kung kanino huling napunta angkahon, bubunot sya ng isang katanungan o
halimbawa

4. At sasabihin nya kung ano ang kasagutan dito o magbibigay siya ng halimbawa.

IV. PAGTATAYA

TAMA O MALI

Panuto: Tukuyin ang bawat pahayag. Isulat ang T, kung ang pahayag ay tama at M naman kung ito ay mali. Isulat
ang sagot sa patlang bago ang bilang.

______1. Ang Independent Film, ay tinuturing na alternatibong pinilakang tabing.

______2. Ayon kay Tiongson (2003), ang Indie films ay nagpapakita ng bawat aspeto ng buhay, hindi lamang
ang mga bagay-bagay na ikinalulugod ng madla.

______3. Si Lamberto ang nananatiling pinaka-sikat at pinakamagaling sa mga naunang kilalang Independent
filmmakers, kung saan naisulat niya ang Makabagong Bangungot.

______4. Nabuo ang Indie Film upang kumita ng malaking pera mula sa mga manonood at masasabing mayroong
malaking pondo.

______5. Madalas ipalabas sa mga Indie film ang tema na tumatalakay sa Homosekswalidad.
V. TAKDANG ARALIN
Panuto: Gamit ang Venn Diagram, ilahad ang pagkakaiba at pagkakatulad ng Indie Film sa Mainstream Movies,
kailangan ito ay binubuo ng 5-6 na pangungusap

Inihanda ni:

KHAYE CEE M.CONCEPCION


BEED 2D

Ipinasa kay:

MICHAEL PONCE GALINDO


INSTRUCTOR

You might also like