You are on page 1of 9

Modyul 2

DALUMAT-SALITA: MGA
SUSING SALITA, AT Bb. Milca Carissa I. Enano
MATALINGHAGANG Guro
ESTILO ATBP.
Email Address:
milcaenano32@gmail.com

Contact Number:
09156912163

Tagal ng Modyul:
Setyembre 22 – Oktubre 4 , 2022

FIL03/ DalumatFil
Dalumat ng/ sa Filipino
Modyul II
DALUMAT-SALITA: MGA SUSING SALITA,
MATALINGHAGANG ESTILO ATBP.

PAGTATAKDA NG MODYUL

Ang modyul na ito ay para sa dalawang linggo. Kung saan ay maaaring magsama-sama sa isang klase upang matalakay ito
gamit ang mga minumungkahing pamamaraan:
- Zoom;
- Facebook Live;
- Messenger Video Chat; at
- Iba pang Video Conferencing.

Ang modyul din na ito ay maaaring gamitin kahit walang pagsasama-sama ng mga mag-aaral gamit ang mga gawaing
nakalakip.

LAYUNIN

Sa pagtatapos ng kurso, ang mga mag-aaral ay inaasahang matutuhang:


 Makabuo ng sariling opinyon hinggil sa artikulo ng Susing Salita: Indie at Delubyo” sa pamamagitan ng pagsulat
ng sanaysay
 Makapagbigay at/o magamit ang mga uri ng tayutay sa pagsulat ng sanaysay.
 Matukoy at maunawaan ang kahulugan at ibig sabihin ng “indie” at “delubyo”
 Makapagbigay ng pagpapahalaga sa paggamit ng matatalinghagang estilo tulad ng alusyon

PAGLALAYAG NG KAALAMAN

Susing Salita: Indie at Delubyo


Maaaring panoorin ito: https://upd.edu.ph/mga-susing-salita-indie-at-delubyo/

Indie. 
Ang salitang “indie” ay pinaikling salita sa Ingles na independent  at kadalasang ginagamit na katawagan sa mga pelikulang
iba ang linya ng pagkukuwento kung saan “hindi siya masayahing kuwento. Hindi siya kuwento na sadsad ng fictional  na drama. Ito ay
sadsad ng katulad ng [pelikulang] ‘Pamilya Ordinaryo,’ mga dramang nagaganap sa
lansangan na hindi natin nababalitaan,” ani Tolentino.

“Pag sinabing ‘indie’ nagkakaintindihan na kung ano’ng klaseng pelikula ang


panonoorin o tatalakayin natin. Kasi nga ay nagpapahiwatig na ito ng ibang mundo ng
paggagawa ng pelikula,” dagdag pa niya.

Karaniwan sa mga pelikulang indie ay pinopondohan ng mas maliliit at/o


independenteng pampelikulang istudyo ngunit ayon kay Tolentino, mayroon din namang
mga indie na ipinapalabas, halimbawa, sa cable channels  tulad ng Cinema One
Originals na pinondohan ng higanteng istasyong pangtelebisyon tulad ng ABS-CBN.

Binanggit din ni Tolentino na ang mga pelikulang indie ay kadalasang hindi


gaanong tinatangkilik, wala halos access ang mga manonood dito, mahirap unawain, at
hindi masasaya ang mga paksa nito.

Sa usapin ng panonood, “Kailangan natin ng particular access dito sa mga


pelikulang ito para matunghayan. Kailangang karerin nating pumunta sa Cultural Center
of the Philippines para panoorin halimbawa itong Cinemalaya na klase ng mga pelikula,”
ani Tolentino.
Dr. Alfredo Mahar A. Lagmay

1|Pahina

Walang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin sa anumang anyo


at pamamaraan nang walang kasulatang nagpapahintulot mula sa may-akda
Maliban sa Cinemalaya Philippine Independent Film Festival at iba pang mga film festival  na nagpapalabas ng mga pelikulang
indie, sa kauna-unahang pagkakataon, ay inorganisa ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang “Pista ng Pelikulang
Pilipino” kung saan ang lahat ng sinehan ay eksklusibong magpapalabas ng 12 natatanging indie na pelikulang Filipino mula Agosto
16-22 bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika at dagdag na suporta para sa mga ganitong klase ng pelikula.

Sa usapin naman ng paksa, ayon kay Tolentino, “Hindi masasaya ang paksa ng
mga pelikula kaya for most part, hindi siya Marvel superhero films na masaya at
makakalimutan mo ang problema mo. Dito, maalala mo ang problema ng lipunang
Filipino at kung gaano kabigat iyon kaya hindi siya masayang panoorin.”
“Ang indie ay napakalakas ng currency na ginagaya na rin siya ng mainstream.
May mga indie films naman na nangangarap na maging mainstream na klase ng mga
pelikula” ani niya.

Dagdag pa nito, “ang commonality ng lahat ng indie ay may pagka-anti studio


siya. Ibig sabihin nito, iyung klase ng kalakaran ng istudyo na kung saan ay may Joyce
Bernal ka na nagdidirek ng romantic comedy o kung ano mang comedy at pagkatapos ay
may star actors ka na magbibida. Kailangan ay may Star Studio actors ka rito. Iyung
iskrip na ginawa mo ay dodoktorin ng isang komite ng iskrip para kung romcom ito ay
may kilig factor every two minutes. Calibrated iyon kaya effective iyung mga romcom sa
Pilipinas at iyon ang dominant genre hanggang ngayon dahil may kilig factor nga siya na
pinIpursue sa maraming sandali sa pelikula.”

Sinabi rin ni Tolentino na matagal na ang kasaysayan ng mga pelikulang indie


Dr. Lourdes Baetiong na aniya’y noong dekada ’50 at ’60, “pag sinasabing indie noon, ang ibig sabihin, hindi ito
gawa ng mga studio tulad ng Ilang-ilang Productions, Sampaguita Films, LVN
Productions na mga sikat noon. Ibig sabihin, ito ‘yung mga fly-by-night  na mga produksiyon…Pero ang layon nitong lahat ay kumita
hindi katulad ngayon na layon niyang maging mabigat.”

Ang mga pelikula umano noong dekada ’60 ay uso ang temang “spaghetti westerns” na kahalintulad sa mga usong pelikula
noon na may temang cowboy culture, at sex. At noong 1972 ay nauso ang bomba films.
Ilan sa mga filmikong istilo ng indie, ayon kay Tolentino, ay ang pagiging neorealismo nito kung saan ipinapakita ang buhay sa isang
araw; ang karakter at sitwasyon mula sa laylayan, ginagampanan ng karakter aktor; mabigat ang pasanin ng karakter (o tunay na may
hugot); tracking at babad shots o parang documentary films; matagtag na kilos ng kamera; walang malinaw na tapos; poverty porn, at
pang-award.

Ikahuli, ayon kay Tolentino, ang tunguhin ng indie ay maging kabahagi ng pambansang sinema; may manonood dapat na ma-
develop; magretain ng kilusang artistiko na ibig sabihin ang artistic integrity nito ay parating nandoon; manatili ang kilusang politikal, at
maging bahagi ng kilusang transformatibo at hindi iyong napapanood lang sa mga film festival.

Delubyo.  Pangulong Danilo L. Concepcion


Samantala, tinalakay naman ni Lagmay ang paggamit ng “wika kontra
delubyo” o disaster. Aniya, may dalawang klasipikasyon ang salitang
ito: warning at response.

Ang warning umano ay “responsibilidad ng gobyerno. Kailangan ito ay


accurate, reliable, understandable at timely.”

Ang response naman ay “kailangang matumbasan iyung warning  o abiso ng


gobyerno ng tamang aksiyon ng mga mamamayan sa komunidad,” ani Lagmay.
Ayon kay Lagmay ay mahalaga ang paggamit ng siyensya kontra delubyo ngunit,
hindi lang siyensya o teknolohiya ang solusyon para maibsan ang mga panganib ng
delubyo.

“Kailangang palitan ang ating kultura at gawing culture of safety. Dapat


nakalarawan iyung kaalaman natin sa ating mga lugar, sa ating mga komunidad sa
pamamagitan ng sining o wika,” ika nga ni Lagmay.

Kadalasan ay umaasa ang mga komunidad sa mga ulat o impormasyon


mula sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services
Administration (PAGASA) tungkol sa lagay ng panahon o kaya’y may paparating na
ulan o bagyo sa bansa. Ayon kay Lagmay, ang forecast model na gawa ng PAGASA kung saan nakalarawan ang mga ulap, ulan at
kung saan tatahak ang bagyo ang ginagamit ng naturang ahensiya upang ma-warningan ang komunidad na mayroon panganib.

“Ngunit, gusto kong maintindihan natin na ang siyensya ay hindi perpekto. Walang model na naglalarawan ng ginagawa ng
kalikasan one, two days in advance. At dapat iyon ay nasasabi sa taong bayan na mayroong uncertainty o limitasyon ang siyensya,”
ani Lagmay.
2|Pahina

Walang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin sa anumang anyo


at pamamaraan nang walang kasulatang nagpapahintulot mula sa may-akda
Kanya ring binigyang-diin ang kahalagahan ng paggamit ng wika sa pagpapalaganap ng mga impormasyon tungkol sa
kalamidad, ulat ng panahon at iba’t iba pang mga panganib ng delubyo upang mas epektibo itong maiparating sa taong bayan.

Sa bandang huli, umapila si Lagmay sa mga kalahok na karamihan


ay mga guro ng Filipino sa unibersidad mula sa iba’t ibang panig ng Dr. Tolentino at Dr. Lagmay
Pilipinas na tulungan ang PAGASA na gawing mas epektibo ang
pagpapalaganap ng impormasyon sa taong bayan sa pamamagitan ng wika.

Bukod kay Tolentino at Lagmay, ang iba pang mga eksperto na


inimbitahan bilang mga panauhing tagapagsalita sa pambansang seminar
na ito ay sina Kerima Tariman-Acosta, media liaison officer ng Unyon ng
mga Manggagawa sa Agrikultura; Abner Mercado, lektyurer sa
Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas ng KAL (DFPP-KAL) at
reporter sa ABS-CBN News and Current Affairs; Dr. Glecy C. Atienza,
propesor sa DFPP-KAL, at Dr. Percival Almoro, propesor ng UP National
Institute of Physics.

Tinalakay nila ang iba pang mga tampok na susing salita—ang “bungkalan” (Tariman-Acosta), “balita” (Mercado), “ganap”
(Atienza) at “balatik” (Almoro).

Nagbigay ng mensahe ang Pangulo ng UP Danilo L.


Concepcion samantalang ang bating pagtanggap ay inihandog ni
Dr. Lourdes Baetiong, kalihim ng Kolehiyo ng Edukasyon. Ang
pambungad na pananalita naman ay ipinahayag ni Dr. Rommel B.
Rodriguez, direktor ng SWF.

Noong hapon naman ng Agosto 24 ay inilunsad ang mga


bagong publikasyon ng SWF. Ang mga inilunsad ay ang “Daluyan:
Journal ng Wikang Filipino,” “Pag-oorganisa sa Pamayanan Tungo
sa Kaunlaran na Mula sa Tao Para sa Tao” ni Dr. Angelito G.
Manalili, “Bungkalan: Manwal sa Organikong Pagsasaka ng Unyon
ng mga Manggagawa sa Agrikultura (UMA),” at “SUSMATANON:
Kwentong Pambata” ni Eduardo “Ka Edong” Sarmiento.
Si Prop. Ronel Laranjo ang naging tagapagdaloy ng palatuntunan.

Alinsunod sa temang “Wikang Filipino: Daluyan ng Pambansang Pagkakakilanlan at Pagkakaisa” ay matagumpay na naidaos
ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa tulong na rin ng Opisina ng Pangulo, UP System; Opisina ng Tsanselor, UP Diliman;
Departamento ng Lingguwistiks ng Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya; Erya ng Araling Wika ng Kolehiyo ng Edukasyon;
Office of Student Activities; Diliman Information Office; Diliman Gender Office; DZUP; Kolehiyo ng Musika at Center for International
Studies.

Matalinghagang Estilo
Maaaring panoorin ito: https://www.youtube.com/watch?v=d9LoRTkuqgk
https://www.youtube.com/watch?v=eOjXLtBF9MY

Mga Tayutay
Ang tayutay ay salita o isang pahayag na ginamit upang bigyang-diin ang isang kaisipan o damdamin. Sinasadya ng
pagpapahayag na gumamit ng talinghaga o di karaniwang salita o paraan ng pagpapahayag upang bigyang-diin ang kanyang saloobin.
Karagdagan, ayon kay Dr. Jose Villa Panganiban, ito ay isang sinadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita upang
pasarapin ang pag-unawa at gawing lalong maharaya, mabisa at kaakit-akit ang pagpapahayag.

Sa Diksyunaryo ni Webster, ito ay paggamit ng mga salita sa kanilang di-karaniwan at literal na kahulugan upang maging
kaakit-akit at malinaw ang estilo.

Samakatuwid, ang tayutay ay isang sinadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita upang madaling maunawaan,
mabisa at kaakit-akit ang pagpapahayag. Nakadaragdag ito sa kalinawan, kapamagitan at kagandahan ng isang katha, pasalita man o
pasulat.

1. Simili o Pagtutulad
Di tiyak na paghahambing ng dalawang magkaibang bagay. Ginagamitan ito ng mga salita o pariralang: tulad ng, parang,
paris ng, kawangis ng, animo, mistula, sing-, sim-, magkasing-, magkasim- at iba pa.
Ito ay tinatawag na simile sa ingles.
Halimbawa:
1. Tila yelo sa lamig ang kamay na nenenerbyos na mang-aawit.
3|Pahina

Walang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin sa anumang anyo


at pamamaraan nang walang kasulatang nagpapahintulot mula sa may-akda
2. Si Ralph ay lobong nagugutom ang kahintulad.
3. Ang kanyang kagandahan ay mistulang bituing nagniningning.

2. Metapora o Pagwawangis
Tiyak na paghahambing ngunit hindi na ginagamitan ng pangatnig. Nagpapahayag ito ng paghahambing na nakalapat sa mga
pangalan, gawain, tawag o katangian ng bagay na inihahambing.
Ito ay tinatawag na methapor sa Ingles.
Halimbawa:
1. Siya’y langit na di kayang abuting ninuman.
2. Ikaw na bulaklak niring dilidili.
3. Matigas na bakal ang kamao ng boksingero.
4. Ahas siya sa grupong iyan.

3. Personipikasyon o Pagsasatao
Ginagamit ito upang bigyang-buhay, pagtaglayin ng mga katangiang pantao-talino, gawi, kilos ang mga bagay na walang
buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng kilos tulad ng pandiwa, pandiwari at pangngalang-diwa.
Personification sa Ingles.
Halimbawa:
1. Hinalikan ako ng malamig na hangin.
2. Ang mga bituin sa langit ay kumikindat sa atin.
3.Sumasayaw ang mga dahon sa pag-ihip ng hangin.
4. Lumuha ang langit nang pumanaw si Ninoy Aquino.

4. Apostrope o Pagtawag
Ito’y tuwirang pagtawag o pakikipag-usap sa isang di-kaharap o panawagan sa isang bagay na bagamat wala ay ipinalalagay
na naroroon at nakauunawa.
Halimbawa:
1. Kamatayan nasaan ka na? wakasan mo na ang aking kapighatian.
2. Ulan, ulan kami’y lubayan na.
3. Oh, birheng kaibig-ibig ina naming nasa langit, liwanagin yaring isip, nang sa layon di malihis.

5. Pagmamalabis o Hayperbole
Ito ay lagpas-lagpas ang pagpapasidhi ng kalabisan o kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin, at
iba pang katangian, kalagayan o katayuan.
Halimbawa:
1. Namuti ang kaniyang buhok kakahintay sa iyo.
2. Abot langit ang pagmamahal niya sa aking kaibigan.
3. Bumabaha ng dugo sa lansangan.
4. Umuulan ng dolyar kina Pilar nang dumating si Seman.

6. Panghihimig o Onomatopeya
Isinasagawa sa pamamagitan ng mga tunog o himig ng mga bagay na pinagmulan nito. Ang mga tunog na ito ang
kumakatawan sa kahulugan.
Halimbawa:
1. Ang lagaslas nitong batis, alatiit nitong kawayan, halumigmig nitong hangin, ay bulong ng kalikasan.
2. Himutok na umalingawngaw sa buong gubat.
3. Humalingling siya sa sakit ng hagupit na tinanggap.

7. Pagpapalit-saklaw o Sinekdoke
Ito’y paggamit ng bahagi ng katawan sa halip na kabuuan.
Halimbawa:
1. Isinambulat ang order sa dibdib ng taksil.
2. Isang Rizal ang nagbuwis ng buhay alang-alang sa Inang Bayan.
3. Walong bibig ang umaasa kay Romeo.
4. Hingin mo ang kaniyang kamay.

8. Pagpapalit-tawag o Metonomy
Ito’y ang pansamantalang pagpapalit-ngalan o pagbibigay ng ibang katawagan ng mga bagay na magkakaugnay.
Nangangahulugan na may kaugnay sa pinalitan.
Halimbawa:
1. Ang anghel sa kanilang tahanan ay isang malusog na sanggol.
2. Si Prinsesa Elizabeth ang nagmana ng korona.
3. Ang iyong mga magulang ang tangi mong tagapagtanggol mula sa duyan hanggang sa hukay.

4|Pahina

Walang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin sa anumang anyo


at pamamaraan nang walang kasulatang nagpapahintulot mula sa may-akda
9. Tanong Retorikal o Pagsayusay
Ginagamit upang tanggapin o di-tanggapin ang isang bagay. Ang pagpapahayag na ito’y hindi naghihintay ng sagot.
Halimbawa:
1. May magulang bang nagtakwil sa kanyang anak?
2. May ina kayang makatitiis na hindi damayan ang kanyang anak?
3. Ang isa kayang matalinong tao ay napaniwala agad sa tsismis?

10. Oxymoron/ Epigram o pagsalungat


Ito ay paggamit ng mga salitang magkasalungat na salita o pahayag na nagsasalungatan.
Halimbawa:
1. Ang kawal ay namatay upang mabuhay.
2. Umuunlad ang daigdig sa katamaran ng tao.

11. Eufemismo o Paglumanay


Ito ay paggamit ng mga salitang nagpapaganda ng pangit na pahayag o nagpapalumanay sa bawal o marahas na kahulugan.
Halimbawa:
1. Ang bunso niyang anak ay sumakabilang-buhay na. Iba pang mga uri ng tayutay sa ilalim
ng Aliterasyon o Pag-uulit
12. Aliterasyon o Pag-uulit
Ito’y ang paraan ng paggamit ng magkakatulad na mga unang titik o pantig sa  Anapora - Pag-uulit ng isang
dalawa o higit pang mga salitang magkakasundo. salitang nasa unahan ng isang
Halimbawa: pahayag o ng isang sugnay.
1. Alaalang di na dapat pang alalahanin ang aali-aligid sa aking pag-iisa.  Anadiplosis - Paggamit ng salita
2. Sa Luneta liligid, lilikmo’t lulunurin ang lungkot. sa unahan at sa hulihan ng
pahayag o sugnay.
13. Ironya o Pag-uyam  Epipora - Pag-uulit naman ito ng
Ang pagpapahayag ng ganito ay parang pagpupuri ngunit uunawaing mabuti isang salita sa hulihan ng sunud-
ay pangungutya. Karaniwan, kapag pasalita ay nararamdaman sa diin ng pananalita at sunod na taludtod.
sa ekspresyon ng mukha. Minsan ito’y biro o kantiyaw, kalimita’y nanlilibak o  Empanodos o Pabalik na Pag-
nanunuligsa. uulit - Pag-uulit nang pagbaliktad
Halimbawa: ng mga pahayag.
1. Pinakamabuting tao ang ating mga kongresista dahil sa apat-apat na ang  Katapora - Paggamit ng isang
kanilang Pajero. salita na kadalasang panghalip
2. Umuunlad ang ating bayan dahil sa laki ng utang. na tumutukoy sa isang salita o
3. Ubod siya ng gara kung lumalabas! Napakagulo naman ng bahay. parirala na binanggit sa hulihan.

Mga Alusyon
Alusyon ay isang gamit pamamaraang panretorika na ng pagtukoy sa isang tao, pook, katotohanan, kaisipan o pangyayari na
iniingatan sa pinakatagong sulok ng alaala ng isang taong may pinag-aralan.

Limang Uri ng Alusyon

1.) Alusyon sa Heograpiya


Mga Halimbawa:
a.) Ang Mt. Apo ang itinuturing na pinakamataas na bundok sa ating bayan kung kaya ito ang Mt. Everest ng Pilipinas.
b.) Ang Baguio ang tinaguariang North Pole ng Pilipinas dahil sa tindi ng lamig at mababang temperatura nito.
c.) Malaking porsyento ng naninirahan sa Bohol ay katoliko kaya ito ay nagsilbing Roma ng kabisayaan.

2.) Alusyon sa Bibliya


Mga Halimbawa:
a.) Nagsilbi siyang isang Moises ng kanyang lipi upang iligtas ang mga ito sa kamay ng mapangaliping nais na sakupin ang
kanilang bayan.
b.) Si Juan ay nagsilbing Noah nang ipaalam niya sa kanyang mga kapitbahay na may paparating na bagyo.
c.) Nagsilbing Hudas Iscariote si Bernardo nang pagtaksilan niya ang kanyang amo.

3.) Alusyon sa Mitolohiya


Mga Halimbawa:
a.) Si Steph ay kilala bilang isang Venus sa kanyang barangay dahil sa angkin niyang kagandahan.
5|Pahina

Walang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin sa anumang anyo


at pamamaraan nang walang kasulatang nagpapahintulot mula sa may-akda
b.) Ang mga kawani ng Gold Star ay nagsilbing mga Spartans dahil sa hindi matinag nilang samahan.

4.) Alusyon sa Literatura/ Panitikan


Mga Halimbawa:
a.) Walang alinlangang isa siyang Ibarra na puno ng pag-asang kanyang maliligtas ang kanyang bayan sa isang ideyal na
paraan.
b.) Hindi maipagkakaila na si Ben ay Don Quixote ng kanyang lugar dahil sa walang sawang pakikipagsapalaran niya sa
ibang bayan.
c.) Sa taglay niyang kakisigan ay hindi maitatanggi na siya ang Florante ng kanyang sitio.

5.) Alusyon sa Kulturang Popular


Mga Halimbawa:
a.) Si Karl ang Brad Pitt ng kanilang barangay, samantalang si Bernadette naman daw ang Angelina Jolie.
b.) Sa galing niya sa pakikipaglaban ay mas kilala na si Berting na Jackie Chan ng Tondo.
c.) Si Leo ang James Bond ng Makati, samantalang si Lea naman daw ang Sydney Bristow ng Caloocan.

PAGSUSURI SA PAGKAUNAWA:

1. Maari mo bang ibigay ang kahalagahan ng paggamit ng matatalinghagang estilo?

2. Alin sa matatalinghagang estilo ang madalas mong gamitin?

3. Ano sa mga tayutay ang palagian nating naririrnig sa mga kabataan?

4. Alin sa mga tayutay ang satingin nyo ay mahirap gamitin at bakit?

5. Mahirap bang gamitin ang matatalinghagang estilo sa pag-aaral?

6. Sa mga binigay na paliwanag ukol sa Indie at delubyo, alin dito ang sinang-ayunan ninyo at alin ang hindi?

6|Pahina

Walang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin sa anumang anyo


at pamamaraan nang walang kasulatang nagpapahintulot mula sa may-akda
GAWAING PANGKAISIPAN: (Para sa mga online at modyular na mag-aaral)
Pangalan: Kurso/Seksyon:
Propesor: Iskor:

A. Magbigay ng dalawampung (20) sariling mga pangungusap/ pahayag at tukuyin kung anong uri ito ng alusyon.

Pahayag Uri ng Alusyon


1.

2.

3.

4.

5.

6.

7.

8.

9.

10.

11.

12.

13.

14.

15.

16.

17.

18.

19.

20.

B. Itala o ibuod ang bawat kahulugang isinalaysay sa artikulo ukol sa Indie at Delubyo.

PAGTATAYA
7|Pahina

Walang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin sa anumang anyo


at pamamaraan nang walang kasulatang nagpapahintulot mula sa may-akda
(Para sa mga online at modyular na mag-aaral)
A. Maikling Pagsusulit
Para sa mga mag-aaral na gagamit ng internet, at modyular (low connection) ang gagamitin ay ang Google Form.
Para sa mga mag-aaral na modyular (no connection) ay may ilalakip na mga talatanungan sa huling bahagi ng
modyul na ito

B. Panuto: Sa isang buong papel, sumulat ng isang sanaysay na tumatalakay at nagbibigay ng bagong kahulugan sa artikulong
“Susing-salita: Indie at Delubyo” na binubuo ng hindi kukulang sa tatlong talata at kada talata ay may limang pangungusap. Kunan
ito ng larawan at ipadala sa pinuno ng grupo.
Pamantayan ng Pagmamarka
Kaangkupan sa paksa – 40%
Kaangkupan ng mga wikang ginamit – 40%
Kalinawan sa pagpapaliwanag – 20%
Kabuoang bahagdan – 100%

TAKDANG-ARALIN
(Para sa mga modyular na mag-aaral)

A. Sa isang buong papel, sumulat ng isang sanaysay na may temang “Pandemyang COVID19 at Pamahalaan” ,
gamitin ang matatalinghagang estilong natutuhan.

B. Piliin sa mga sumusunod ang naisalin ng tama gamit ang panlapi ayon sa balarilang Filipino. Gamitin sa pangungusap ang mga ito

i-text um-increase nag-celebrate


tinext, na-solved na-bored
chinat um-answer kaka-xerox

SANGGUNIAN
University of the Philippines Diliman. (2020) “Mga Susing Salita: Indie at Delubyo” pinanumbalik noong ika-10 ng
Agosto, 2020, mula sa:
https://upd.edu.ph/mga-susing-salita-indie-at-delubyo/
Komisyon sa Wikang Filipino (2014) “KWF: Manwal sa Masinop na Pagsulat” pinanumbalik noong ika-7 ng Hunyo, 2020, mula sa:
https://tinyurl.com/KWF-Manwal
Autor, M. (2014) “Tayutay” pinanumbalik noong ika-21 ng Hulyo, 2020, mula sa:
https://www.youtube.com/watch?v=d9LoRTkuqgk
Botegang TV (2015) “ALUSYON Filipino Documentation STI Novaliches” pinanumbalik noong ika-27 ng Hulyo, 2020, mula sa:
https://www.youtube.com/watch?v=eOjXLtBF9MY

8|Pahina

Walang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin sa anumang anyo


at pamamaraan nang walang kasulatang nagpapahintulot mula sa may-akda

You might also like