You are on page 1of 2

Ang bawat isa ay naimpluwensyahan ng maraming beses sa buong buhay nila.

Mayroong iba't ibang uri ng mga influencer na nakapaligid sa atin. Tulad nang sa mga
panahong na ito, ang mga tao ay kadalasang naiimpluwensyahan ng mga influencer ng social
media. Kung hindi ang mga tao, ay malamang na naiimpluwensyahan ng mga ito ang mga tao
sa loob ng kanilang mga komunidad. Si Cong tv na isang social media influencer ay isang
magandang halimbawa. Ang mga content niya ay lubusang nakaukaw ng atensyon ng mga tao
marahil sa kakatawanan at saya naidudulot nito sa mga manood. Dahil ditomas tinangkilik ito ng
mga social media consumers at mas sinubaybayan ang mga video na kanyang nilalabas. Isa na
rito ay ang mga paghihirap at mga hadlang na kailangan niyang pagtagumpayan upang mabuo
ang kanyang career bilang social media influencer o mas alam natin sa tawag na vlogger.
Bilang subscriber o taga suporta ng nasabing vlogger masasabi kong magkasamang binuo at
inabot ng nina Viy Cortez at Cong TV ang kanilang mga pangarap. Si Lincoln Velasquez, o
Cong TV, ay isang 29-taong-gulang na Filipino streamer, vlogger, at komedyante. Bukod sa
pagiging pinuno ng Team Payaman, kilala rin siyang bahagi ng Tier One Entertainment, isang
kumpanyang nakatuon sa pagbuo ng gaming video content. Sinimulan ni Cong TV ang kanyang
vlogging career noong 2008. Ang unang video na na-upload niya ay ang music video parody ng
"Rebound", isang Silent Sanctuary song. Sa pangkalahatan, ang karaniwang nilalaman ni Cong
sa nakaraan ay kasangkot sa paggawa ng mga sketch at parodies. Ang kanyang istilo ng
komedya ay kumakatawan sa katatawanang Pilipino, na karaniwang down-to-earth; kaya
naman maraming nakaka-relate sa kanya. Hindi kataka-taka na ngayon, isa na siya sa
pinakasikat na content creator sa Pilipinas. Pumasok din si Cong TV sa mundo ng negosyo
nang maglabas siya ng sariling clothing line, Cong Clothing. Nagbebenta ito ng iba't ibang uri ng
mga t-shirt na nagtatampok ng mga motivational na pahayag, tulad ng "Paawer" at "Millionaire
Mind". Ika nga nila “Life is fun and games” lalo na kay Lincoln Velasquez isa sa pinaka sikat na
youtube vlogger sa pilipinas na mas kilala bilang Cong tv. At halos anim na taon ang
nakararaan kasama ang team payaman ay binuhos nila ang sipag at tiyaga na mayroon sila
upang marating ang rurok ng kanilang tagumpay sa larangan ng vlogging. Nakitang
opportunidad ng Cong tv ang umuunlad na industriya ng online vlogging sa pamamagitan ng
YouTube, ginamit ng team payaman ang platform para magtatag ng sarili nilang espasyo sa
digital world, na lumilikha ng content na ganap na nagpapahayag ng karaniwang Pinoy humor
at down-to-earth, relatable na pamumuhay. Pagkatapos magtatag ng isang YouTube empire na
may 3.03M subscriber at 254,254,017 view, pumasok sina Cong at Team Payaman sa
industriya ng esports, opisyal na streaming at gaming para sa Tier One. Sa kanilang daily vlog
nagagawa nilang maipakita ang kanilang pagkamalikhain sa pamamagitan ng internet online.
Atisa pa ang mganda ditto ay bawat content nilanidi pare-pareho ang makikita mo, na syang
gumagawa ng mitolohiya nito gamit ang media para sa mga manonood o tagapgtangkilik nila na
maghangad ng mga bago nilang content at masubaybayan ang bawat nalilikha nilang video.
Nagdudulot ito ng mitolohiya na maisipng isang indibidwal na ito ay parte ng kanyang
pangangailangan hindi lang marahil sa kakatuwang naidudulot nito sa emosyon kundi ang
pagkatutong napupulot rito. Isa na lamang ay ang konsepto ng paglabas sa iyong comfort zone,
ika nga nila ay mahiyain sila dati ngunit sa dahil sa kanilang daily vlogging lantad sila sa
pakikisalamuha sa mga tao. Masasalamin din sa kanila ang pagiging masigasig na palaging
nilalayung maabot ang pinakamahusay na gawa na kaya mong ibigay. Siyempre lahat naman
siguro ng tao ung’ pinaka’ ang hinangad pagdating sa isang bagay hindi pwedeng ung sapat na,
at pagsinabeng “payaman” tungkol na sa pera. Makikita mo rin sa kanila na payaman sa skills,
mga telento, kaibigan, at kabutihang loob. Ang team payaman ay hindi lamang nagpapakita ng
katatawanan ng isang palaging online na henerasyon, ngunit ang buong hanay ng mga talento
ng Filipino, pati na rin, na may maiikling mga video ng katatawanan, simpleng komedya,
musika, at pamumuhay habang naghahanap-buhay ito. Mahirap na nakukulong kalang sa sarili
mong imahinasyon lalo na sa nagdaang pandemya kung saan naranasan nating makulong lang
sa isang espasyo bukod sa ating mga imahinasyon. Isa pang katangian na massalamin sa
kanila na sa aking palagay ay dapat taglayin ay yung pag-iisp outside the box sa pamamagitan
ng mga taglay nating talent at kakayahan. Parangpagdale sa dalawang ibon gamit ang isang
bata, nagagawa nilang patawanin ang kanilang manonood habang chinachallenge nila ang sarili
nila. Sa lahat ng nabanggit na katangian at mga masasalaming aral sa grupo ng mga vlogger
na ito mapapaisip ang isang indibidwal napasukin ang industriya ng vlogging. Nahihikayat ang
marami dahil sabenepisyo at tagumpay na nakakamit sa pagiging youtube influencer. Nagiging
simbolo ito ng pag-asa at inspirasyon para sa mga bago o nagsisimula pa lamang tahakin ang
mundo ng vlogging.

You might also like