You are on page 1of 8

ESPIRITU SANTO PAROCHIAL SCHOOL OF MANILA, INC.

Pagaaral sa Diskurso ng JaMill sa mga Vlog Mula Noon Hanggang Ngayon

______________

Isang Panukalang Pananaliksik na Isinumite sa


Espiritu Santo Parochial School of Manila, Inc.
______________

Bilang isa sa mga Tugon sa mga


Kahingian para sa asignaturang
Komunikasyon at Pananaliksik
sa Wika at Kulturang Pilipino
at Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik

_______________

nina
BRIONES, Gianela Marie R.
DE RAMOS, Patricia Anne S.
ENRIQUEZ, Alyssa Rianne A.
Grade 11-St. Matthew the Evangelist
Ipinasa ka’y
G. Jhed Guinto
Marso 2019

1 Pagaaral sa Diskurso ng JaMill sa mga Vlog Mula Noon Hanggang Ngayon


ESPIRITU SANTO PAROCHIAL SCHOOL OF MANILA, INC.

Kabanata 1

Ang Suliranin at Kaligiran Nito

A. Panimula

Ang video blog o video log ay isang uri ng blog na ginagamit ang video bilang

medium. Isang New York artist na nangngangalang Nelson Sullivan ang nakilala o

naging tanyag sa pagkuha ng bidyo sa kapaligiran ng New York city at South Carolina,

sa istilong pagvlo-vlog noong 1980’s. Hindi lamang si Nelson Suvillan ang nakilala sa

larangan na ito, dahil makalipas lamang ang dalawampung taon ay sumikat ang isang

lalaki na si Adam Kontras na sinundan din naman ni Adrian Miles makalipas lamang

ang ilang buwan. Makalipas ang dalawang taon isa na naming filmmaker and musician

na si Luuk Bouwman ang nagvlog ng kaniyang pagbisita sa iba’t ibang bansa noong

taong 2002. Nagsimulang maging tanyag ang pagvlo-vlog noong taong 2005, dahil

noong taon din na iyon ay sumikat ang youtube.

Ang YouTube ay isang sikat na website na ginagamitan ng midya. Ang YouTube

ay nagbabahagi nang iba’t ibang klase ng mga bidyo at nagbibigay-daan para sa

maraming mga manggagamit o user nito. Ginagamit ang YouTube upang makita, mag-

upload, at ibahagi ang mga bidyo. Ang mga bidyo na ito ay maaaring husgahan ng like

o dislike; ang dami ng husga at manonood ay parehong nakikita o nakalathala sa

mismong website. Maaari ring mag-bigay ng komento ang mga manonood ng mga

bidyo. Sinimulan ng dating mga empleyado ng PayPal na sina Steve Chen, Chad

Hurley at Jawed Karim ang pagtatag ng YouTube. Noong 2006, binili ito ng Google at

naging sangay ng kanilang kompanya.

2 Pagaaral sa Diskurso ng JaMill sa mga Vlog Mula Noon Hanggang Ngayon


ESPIRITU SANTO PAROCHIAL SCHOOL OF MANILA, INC.

Ang Vlog ay itinuturing na telibisyon sa web o internet. Maraming pwedeng

gawing konsepto sa vlog na kalilibangan ng mga taga panood, at sa panahon ngayon

ay maraming sikat na artista ang gumagawa nito, na siyang nagpapahayag ng kanilang

sariling saloobin o kaya naman ay ipinapakita nila ang mga Gawain nila sa araw-araw.

Ang mga tao na gumagawa ng ganitong uri ng bidyo ay tinatawag na mga “vloggers” o

kung sa mas pormal ay tinatawag na mga “influencers”. Bagamat sa ibang bansa ito

umusbong ay mayroon din naman na mga Pilipino na naging sikat sa larangang ito. Ang

nakilalang nagpasimula ng industriya ng pagvlo-vlog sa Pilipinas ay sina Wil Dasovich

at Judy Travis, ngunit sa magkaibang paraan nakilala ang dalawang influncers dahil si

Wil Dasovich ay nakilala sa travel vlog at si Judy Travis naman ay sa mga make-up

vlog. Marami din na mga Pilipino ang sumikat sa larangang ito at ilan sa mga ito ay sina

Lloyd Café Cadena (LC Cadena), Michelle Dy, Andree Bonifacio (AC), Pamela Swing at

higit sa lahat ay sina Jayzam Manabat at Camille Trinidad o mas kilala bilang JaMill, na

siya namang magiging usapin sa saliksik na ito.

Isang loveteam na kilala bilang “JaMill” ang sumikat dahil sa pagvlo-vlog ng mga

prank sa isa’t isa. Ang dalawang indibidwal na bumubuo ng love team ay

nagngangalang Jayzam Lloyd Manabat na may edad 20 years old at ang kaniyang

kasintahan na su Camille Trinidad na siya namang 21 years old. Sumikat ang Jamill

dahil sa paguupload nila ng mga bidyo na kung saan ay pina-prank nila ang isa’t isa at

kung minsan naman ay nagtratravel at nagpropromote ang mga vloggers na ito

sakanilang bidyo. Ang pagvlo-vlog ang isa sa mga naging dahilan ng love team upang

kumita ng pera, ang perang pinakakakitaan nila ay ginamit upang magtayo ng

3 Pagaaral sa Diskurso ng JaMill sa mga Vlog Mula Noon Hanggang Ngayon


ESPIRITU SANTO PAROCHIAL SCHOOL OF MANILA, INC.

negosyo, makabili ng sasakyan, at pati na din ng condominium. Alam naman natin na

halos lahat ng vloggers o sikat na mga tao ay nakararanas ng pangbabash at ang JaMill

ay hindi nakaligtas dito. Sari-saring masasakit na salita na puno ng panlalait ang

bumatikos sa nasabing loveteam, at dahil dito ay nawala ang kanilang kasikatan. Ngunit

hindi naglaon ay sumikat muli dahil sa pagtitiyaga ng dalawa sa pag-gawa ng mga

bidyo na unti-unti ng nagkaroon ng magandang nilalaman.

Ang JaMill ang top 3 sa mayroong pinakamaraming subscriber sa youtube dito

sa ating bansa, ibig sabihin lamang nito na malaki ang porsyento na makaimpluwensiya

sila sa mga tao lalong lalo na sa kabataan. Maraming manonood ang makakakita ng

ginagawa nilang mga bidyo kaya naman dapat ay maiwasan nila ang pagpapakita ng

mga masasamang halimbawa, dahil maaari itong gayahin ng mga kabataan. Ang

pagmumura ng JaMill ay maaari rin na maging problema sa gagawing saliksik dahil

malaki ang posibilidad na ito ay gayahin ng mga bata. Sa pagpapatuloy ng saliksik, ay

nais malaman ng mga mananaliksik kung paano nagsimula ang JaMill at kung ano ang

pagbabagong naganap sa kanilang mga bidyo mula noon hanggang ngayon. Hindi

lamang malaman kung ano ang kanilang mga naipundar ngunit nais din malaman ng

mga mananaliksik kung paano sila nakakaapekto sa mga kabataan at kung sila ba ay

nagiging mabuting ehemplo para sa mga bata.

B.Tiyak na Suliranin.

Ang pag-aaral ng pananaliksik na ito ay maaaring matukoy kung gaano nga ba

kalalim ang konteksto ng mga vlogs ng JaMill kaya sila nakikilala nang husto ng mga

tao. Dagdag pa rito ay ang pagtalakay kung saan umiikot ang mga nilalaman ng

4 Pagaaral sa Diskurso ng JaMill sa mga Vlog Mula Noon Hanggang Ngayon


ESPIRITU SANTO PAROCHIAL SCHOOL OF MANILA, INC.

kanilang mga vlogs. Ito ang mga katanungan upang maging gabay sa paggagawa ng

pananaliksik na ito.

 Ano-ano ang mga salik ng pagsikat ng JaMill?

 Paano napalalawak ng JaMill ang kanilang konteksto?

C.Kahalagahan ng Pag-aaral

Kahalagahan ng pag-aaral na ito ay mabigyan ng kaalaman ang mga

mambabasa tungkol sa posibleng epekto ng mga vlogs sa wika, kultura, at higit sa lahat

sa ating mga Pilipino mula noon hanggang ngayon. Ang mga matutuklasan sa pag-

aaral na ito ay mag-aambag at makatutulong nang malaki sa benepisyo ng lipunan lalo

na sa panahong ito kung saan ang teknolohiya ay may mahalagang papel sa patuloy na

pag-unlad ng midya. Ang mabilis na pag-unlad na ito ay nangangailangan ng higit pang

mga pag-aaral sa umuusbong na media ng komunikasyon, lalo na ang mga vlogs o

vlogging, at ang kanilang pinakamataas na potensyal sa pagtalakay sa buong bansa, at

maging sa buong mundo ng mga isyu. Mahalaga rin na tandaan na mayroong mabilis

na ebolusyon sa komunidad ng vlogging o sa vlogosphere, at ang pagbabagong ito ay

maaaring nakakaapekto sa ilang mga miyembro na hindi kaagad maiakma sa

kapaligiran. Hindi lamang makikinabang ang pag-aaral na ito sa mga manonood na

malayang pumili ng nilalaman na pinapanood nila, kundi pati na rin ang luma at bagong

mga prodyuser na talagang lumilikha ng nilalaman.

5 Pagaaral sa Diskurso ng JaMill sa mga Vlog Mula Noon Hanggang Ngayon


ESPIRITU SANTO PAROCHIAL SCHOOL OF MANILA, INC.

Ang mas mahalaga, ang diin sa pag-aaral na ito ay ang mga vlog mula noon

hanggang ngayon sa konteksto ng Pilipinas. Sa kasalukuyan, mahalagang matukoy

kung gaano nga ba kalalim ang konteksto ng mga vlogs ng JaMill at mahalagang

malaman kung paano nga ba nakaiimpluwensiya agad ang mga vloggers katulad ng

JaMill ang mga manonood nila. Bukod dito, ang mga natuklasan ng pag-aaral na ito ay

maaaring magamit bilang batayan sa mga pag-aaral sa hinaharap. Upang simulan, ang

pag-aaral na ito ay maaari ding maging batayan sa hinaharap na mga pag-aaral sa

ekonomiya na maaaring tuklasin ang mga interes na nagbibigay daan sa mga vloggers

o YouTubers sa paggawa ng kanilang bidyo. At sa huli, ang pag-aaral na ito ay sana

magbigay ng inspirasyon sa iba pang mga mananaliksik na gumawa ng isang

pananaliksik sa pag-aaral sa diskurso sa mga vlog mula noon hanggang ngayon.

Pag-aaral ukol sa kabataan, ang pananaliksik na ito ay makatutulong upang

malaman kung madali nga bang maimpluwensyahan ang mga kabataan ngayon ng

kanilang mga makikita sa internet.

Epekto ng vlog, malaman kung ang vlog ba ay may mabuting epekto sa mga

mamamayan sa lipunan. Makikita din dito kung ano ang epekto ng vlogs sa kaisipan ng

mga kabataan, at ang impluwensiya nito sa mga magaaral.

Pag-aaral sa epekto ng teknolohiya, mapalalim nitong pananaliksik ang

kaalaman tungkol sa teknolohiya. Matutunghayan din dito kung nakatutulong nga ba

ang teknolohiya sa mga kabataan, o mas lumalala lamang ang ugali ng mga kabataan

dahil sa teknolohiya.

6 Pagaaral sa Diskurso ng JaMill sa mga Vlog Mula Noon Hanggang Ngayon


ESPIRITU SANTO PAROCHIAL SCHOOL OF MANILA, INC.

D.Daloy ng Pag-aaral

Makikita rito ang mga nilalaman ng pananaliksik nang sunod-sunod na kabanata;

kung bakit maraming manonood ang vlogger na JaMill, paano nila napalalim ang

konteksto at kung ano-ano ang mga salik ng pagsikat nila.

Sa unang kabanata, malalaman kung paano naiinpluwensyahan ng JaMill ang

manonood nila. Makikita rito ang mga katanungan upang maging gabay at maging

kasagutan sa suliranin. Dagdag pa rito ang kahalagahan ng pag-aaral at terminolohiya

upang magkaroon ng ideya ang mga mambabasa sa pananaliksik na ito.

Sa pangalawang kabanata, makikita rito ang iba't ibang impormasyon na

sinagawa ng ibang mananaliksik upang maging batayan na bubuuin na pananaliksik

ngayon. Malalaman dito ang ugnayan ng pananaliksik na naisagawa na at nang

isasagawa pa lamang. Dagdag pa rito, malalaman kung paano magagamit o

makatutulong ang impormayon na nakalap sa pananaliksik.

Sa pangatlong kabanata, mapatutunayan na ang pananaliksik na binubuo ng

mga mananaliksik ay may katibayan na sinusuportahan ng mga teorya. Ang mga

teoryang ilalahad dito ay makatutulong upang mapagtibay ang pananaliksik. Ang

binubuong pananaliksik ay mapag-uugnay sa mga teorya.

E. Terminolohiya

1. Vlog- Ang pagv-vlog ay nagiging natural na lamang sa mga tao na ang nilalaman

ay kalilibangan, pagpapahayag ng saloobin at pagpapakita ng kanilang ginagawa

sa pang araw-araw.

7 Pagaaral sa Diskurso ng JaMill sa mga Vlog Mula Noon Hanggang Ngayon


ESPIRITU SANTO PAROCHIAL SCHOOL OF MANILA, INC.

2. Vlogger- mga tao gumagawa ng blog sa pamamagitan ng bidyo sa YouTube,

Facebook at iba pa.

3. YouTube - Ito ay naglalaman ng iba't ibang uri ng mga bidyo tulad na lamang ng

mga vlogs na ibinabahagi sa publiko.

4. Vlogosphere - mundo ng bidyo/video blogs

5. Creator/Content Creator - nagbibigay ng impormasyon sa midya lalo na sa

YouTube at digital midya sa pamamagitan ng blogs o vlogs.

6. Influencer - mas pormal na tawag sa mga vlogger.

7. PayPal- Ito ay ang pagbabayad o paglipat ng pera at babayarin sa pamamagitan

ng internet.

8. Internet- isang sistema na ginagamit sa buong mundo upang mapagkonekta ang

mga kompyuter at cellphone

9. Website- koleksiyon ng pahina na karaniwan sa isang partikular na pangalan ng

domain o sub-domain

10. Social media- sistema ng pakikipag-ugnayan nang mga tao sa pamamagitan ng

teknolohiya.

8 Pagaaral sa Diskurso ng JaMill sa mga Vlog Mula Noon Hanggang Ngayon

You might also like